Naiilang ako nang lumabas kami hindi dahil sa suot ko kundi dahil nakaakbay sa akin si Avril na para bang close talaga kami. Hindi naman sa minamasama ko iyon pero, sa tingin ko ay nagkulay kape ako dahil sa sobrang puti niya.
"Wow! Chick'as!" sabi ni Eric at sumipol pa talaga.
Itinaas ni Avril ang gitnang daliri niya. Nakatanggap naman kaagad siya nang pambabatok mula sa kapwa lalake.
"Tara kain na tayo!" nagtakbuhan naman kaagad sila papunta sa cottage Kung saan nakahain ang pagkain.
Nagtaka naman ako ng hindi nakisama si Uno doon. Sinabayan niya lang ako sa paglalakad.
"Bakit hindi ka nakitakbo sa kanila?"
"Sasabayan kita" tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. Mukhang hindi siya komportable na makita akong ganoon. "K-komportable ka ba sa suot mo?" nauutal niya pang tanong bago nag iwas ng tingin.
"Bakit? Hindi ba bagay?"
"N-no. That's not what I mean. Bagay sayo, kaya lang hindi ka ba nila pinilit na isuot yan?"
"Hindi naman. Ayos lang" ayos lang naman talaga iyon sa akin. Dahil sa totoo lang ay mas nadagdagan ang confidence ko dahil pinuri nila ako. Hindi ako uhaw sa papuri, pero masaya na makarinig ng compliment mula sa mga taong hindi ko pa naman ganoon kakilala.
Ngumiti ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Mukhang nag alala siya na baka napipilitan lang ako na isuot ito.
Pagkatapos kumain ay nagpasya na silang maligo, habang ako naupo muna sa dalampasigan.
Pinanood ko silang magtampisaw at maglaro sa tubig. Para silang mga bata na malaya, malayong malayo sa kung ano sila sa eskwelahan. Kung doon ay kita ang pagiging seryoso at pursigido sa pag aaral, ngayon ay para silang nakatakas sa isang mundong hindi nila gusto.
Nakita kong palapit si Uno sa pwesto ko. Inalok ko siya ng iniinom kong buko juice.
"Bat hindi ka pa maligo?"
"Mamaya na. Mainit pa"
"Arte naman. Maputi ka sis?" pinalo ko siya sa braso dahil nagsisimula nanaman siyang mang asar.
Bumuntong hininga ako, kaya naman napatingin siya sa akin.
"Wag ka nang mahiya sa kanila, hindi naman sila mahirap pakisamahan. Wala kang ibang dapat gawin kundi magpakatotoo, sigurado akong magugustuhan ka nila" nakangiting sabi niya sa akin habang ginugulo nanaman ang buhok ko gamit ang kamay niya.
"Ano ba yan!" reklamo ko naman sa kaniya.
"Uno, you're pestering her, aren't you?" Napatayo kami at sabay na tumingin sa nagsalita. Si Hershel kasama si Kylo at magkahawak sila ng kamay.
"Bro! Buti nakarating kayo" nakipag fist bump pa siya kay Kylo at humalik naman siya sa pisngi ni Hershel, agad naman itinulak ni Kylo si Uno ng pabiro.
"Hi Mei. Wow! You look adorable" Puri sa akin ni Hersh bago ako niyakap.
"Kumain na kayo?" tanong ni Uno sa kanila
"Yes. I wanna change clothes now, can you come with me?" pakiusap niya sa akin.
Sinamahan ko siya sa Villa para makapag bihis siya. Hindi naman naging matagal iyon, kaya lumabas siya kaagad sa cr.
"How is it?" pinagmasdan ko siya habang suot ang kulay navy blue na one piece bikini niya. Dahil maputi siya ay mas bumagay iyon sa kaniya, idagdag pa na maganda siya pati ang katawan niya.
"Ang ganda mo" nakangiti kong sagot sa kaniya.
"Thanks. I didn't know nagsusuot ka pala ng ganyan? Or do my girls push you to wear it?" kumunot pa ang noon niya ng sinabi ang huling linya. Mukhang ganoon niya kakilala ang mga kaibigan niya.
"Ahh. Oo pero ayos lang naman."
"Bagay na bagay naman sayo"
Lumabas na din kami at sumama sa paliligo nila. Mabuti na lamang at hindi nila ako hinahayaan na maOP. Tinatanong din nila ako tungkol sa ibang mga bagay, at sinasagot ko naman iyon. Kahit papaano ay naging komportable na akong kasama sila. Tama si Uno, hindi sila mahirap pakisamahan, at wala silang ibang gusto kundi maging totoo ka lang.
Kumuha kami ng madaming picture bago nagpasya na umahon dahil medyo masakit na sa balat ang tubig alat.
Nagbanlaw muna kami at magpahinga dahil plano nilang mag bon fire mamaya. Akala ko ay matutulog sila pero manunood pala ng movie.
Isa iyong medical movie kaya naman naging interesante iyon para sa akin.
"Mei, bat ang tahimik mo?" ito namang si Uno ay kanina pa tanong ng tanong ng kung ano ano. Hindi ko siya iniimikan kanina pa dahil naka pokus ako sa panunood.
"Uno manood ka na lang" bulong ko sa kaniya at hindi na muli siya pinansin.
Pansin ko naman ang pagbusangot ng mukha niya. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jace malapit sa amin habang nakaunan sa hita ni Mich. Narinig din iyon ni Uno kaya sinipa niya ito ng mahina, hindi nagpatalo ang isa kaya naggantihan sila. Mga isip bata.
"Tangina nitong dalawang 'to, tumigil nga kayo" naiinis na saway ni Avril sa dalawa at agad naman silang tumalima at umakto pa na nagzipper ng bibig. Nakita ko din ang paghampas ni Mich kay Jace, na tinawanan lang ng huli. Hindi ko alam kung magkarelasyon ba silang dalawa pero mukhang bagay na bagay sila.
"Naiinggit ka?" tanong ni Uno sa akin, itinulak ko ang mukha niya dahil sobrang lapit noon sa akin.
"Asa ka"
"Gusto mo tayo din? Total friends lang din naman sila" hindi ko alam pero sa tingin ko ay sinadya niyang lakasan ang huling sinabi niya, dahilan para marinig iyon ng dalawa.
Umismid lang si Much at itinaas naman ni Jace ang gitnang daliri niya. Binatukan ko si Uno pagkatapos ay hindi na ulit siya pinansin dahil nagpokus ako sa pinapanood. Napakaganda noon para sa akin.
Kinagabihan ay pumalibot kami sa bon fire. Nasa kanan ko si Uno at nasa kaliwa ko naman si Hershel. Mabuti na lang at hindi sila naghanda ng alak dahil hindi ko kayang subukan iyon.
Nag iihaw kami ng marshmallow habang nagkukwentuhan. Nalaman ko ang mga gusto nila maging at ibang plano.
Napaisip tuloy ako kung gaano kahirap ang mapunta sa sitwasyon Kung saan kailangan mo ng magdesisyon para sa future mo. Pwede din namang sigurado ka sa gusto mo, pero hindi sa kung paano mo ito matutupad. Katulad ko, noon pa man sigurado na akong gusto ko magdoctor, pero hindi ko alam kung paano ko iyon magagawa, sapat na ba ang pagpupursigi at sipag? Mahirap sagutin iyon dahil, hindi ako sigurado kung sa panahon ngayon iyon pa din ang kailangan mo, o pera na? Napatingin ako sa kanilang lahat, karamihan sa kanila ay mayaman at mapera, pero sigurado akong may parte sa kanila na nahihirapan sa pag dedesisyon.
Siguro ay nasa tao na din iyon kung paano niya, maitatawid ang pangarap niya.
"You wanna be a doctor don't you?" tanong ni Aryana sa akin kaya nalipat sa akin ang atensyon nila.
"Ah. Oo"
"I'm sure you'll be a good one" ngiting ngiting Sabi niya pa.
"Ang kaso, mahirap lang kami. At hindi biro ang gastusin sa pagdodoctor" kibit balikat kong saad sa kaniya.
"Never allow the poverty to stop you from dreaming and achieving" sabi ni Hershel at sumandal sa balikat ko.
"Hospitals need someone as good as you, for sure" dagdag pa ni Aryana
"And a policeman needs a doctor" muntik ko ng mabitawan ang hawak kong stick dahil sa sinabi ni Avril.
Rinig ko ang mahinang pagtawa nilang lahat, habang si Uno ay hinabol si Avril. Ang huli naman ay ginamit na pang sangga si Kylo kaya hindi ni Uno nagantihan si Avril.
"Avril ha! Namumuro ka na!"
"What?! I didn't say anything bad" pagdepensa naman niya sa kaniyang sarili.
"Wala naman siyang sinabing pangalan Uno. Bat ka nag aassume?" masungit na sabi ni Mich.
"Agh! Bat ba ang sasama ng ugali nyo?" sinabunutan pa niya kunyare ang sarili niya. Bumaling siya sa akin, "Mei, wag ka na sasama sa kanila ha?"
"Ow. What a possessive, manipulative, admirer" nakangising sabi ni Josh kaya natawa ang lahat.
Nahihiya naman akong yumuko dahil hindi ko alam kung alam ba nila ang ginawang pag amin ni Uno, at kung may alam ba sila tungkol sa nararamdaman ni Uno.
Kitang kita ko ang pagpula ng mukha ni Uno, kinantyawan siya ng lahat dahilan para mag walk out ito.
"Nagalit yata?" nag aalalang tanong ko.
"Kinikilig yata?" mapang asar na sabi ni Avril.
~💙