Embracing the Wind (Formenter...

By mughriyah

269K 3.3K 488

Warning: This novel will talk about suicide, rape, violence, depression, sex and inappropriate languages. If... More

Embracing the Wind
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Note

Chapter 13

3.7K 74 4
By mughriyah

"E, paano mo nga gagawin 'yon? Isa pa, ex-convict si Ice. Naniniwala ka bang wala siyang kinalaman sa nangyari sa inyo ni Angel? Sabi mo kilala siya ng boss," Aster said.

"It's Angela," I corrected her.

"Pareho lang, kulang lang ng letter a, eh," aniya.

"But I believe in him, Aster. I told him I'd help him. Ayoko siyang biguin, siya ang nagligtas sa akin."

"Anak nampucha naman talaga oh." Tumayo siya at paulit-ulit na sinuntok ang hangin. Pagkatapos ay ginulo niya ang buhok niya.

"Aster, he's the one who hel—"

"Cut the nonsense, Yen. Paano kung tinulungan ka niya pero kasama 'yon sa plano niya? Huwag mo na ngang intindihin 'yan si Ice. Hayaan mo siyang mabulok sa kulungan. Problema sa'yo, e, napakabait mo." Muli siyang humiga sa kama ko.

"I will help him... This is not about my kindness, it is about his innocence." I stood up and took my phone. Tinawagan ko ang lawyer ko.

"Ay ewan ko na. Do whatever you want!" sigaw niya.

Kinausap ko ang lawyer at sinabi kong tulungan ako sa kaso ni Ice. Hindi ko siya hahayaang magtagal ulit sa kulungan.

"Pero kamusta na si Ethan?" I looked at her. Kinuha niya ang unan at ipinatong sa hita niya nang makaupo siya.

"Ethan Real? I don't know. The last time we talked ay stressed siya dahil sa kapatid niya. I don't know what's going on with his family," I said.

"Baka si Wane talaga para sa'yo!" Tumawa siya.

Umupo ako sa swivel chair at inikot-ikot 'yon habang nakatingala. "He's for my sister. Kapag nalaman niyang si Hale ang kababata niya, mawawala ang pagkagusto no'n sa akin, Aster," sabi ko.

"Luh? Ang nega mo, bakla! Ikaw pa rin magugustuhan ni Wane kasi mas maganda ka kay Hale!"

Napatingin ako sa kanya. "If he only likes me because of how I look, I don't need his feelings anymore."

"So, need mo ang feelings niya ngayon?" natatawang tanong niya.

"Well, if he really likes me, it's rude naman na itapon ko ang feelings niya 'di ba? At saka, hindi ko nga alam bakit niya ako gusto."

Saglit siyang natahimik pero maya-maya ay umiling. "Hindi ka talaga updated sa buhay, Yen. Ano ka ba? Gusto na ng mga tao ngayon ang maganda at gwapo... kapag pangit ka, hindi ka na mahalaga. Kapag pangit ka, walang papansin sa'yo. Kapag pangit ka, lubog ka. And that's the reality." Tumayo siya at kinuha ang bag niya.

Hindi ako nakapagsalita. "Bye. I have something to do." Lumapit siya sa akin at hinalikan ang pisngi ko.

I nodded. "Drive safely," I said.

Nakatalikod na siya habang naglalakad palabas ng kwarto. Itinaas niya lang ang kamay niya at ginalaw 'yon ngunit hindi na ako nilingon.

I took a deep breath. Kailangan kong ilabas si Ice sa kulungan. Inosente siyang tao.

Binuksan ko ang t.v at napakunot ang noo ko nang makita ang mukha ko sa screen.

"The famous model, Hope Levisay is now trending nationwide because of what happened to her today. Her manager said that she nearly died because of the Chairman of Damian Entertainment, Iceon Damian."

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko sa news. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Benj pero hindi siya sumasagot.

"The netizens said that she's indeed a saint because despite of what Mr. Damian did to her, she still visited her in jail to know if he's okay. Her manager said that Ms. Levisay was worried about Mr. Damian."

I dialed Shana's phone number but he's not answering my calls. Oh my God. What is this?

Mabilis kong kinuha ang susi ko at lumabas. Saglit pa akong napatigil dahil naramdaman ko ang paghapdi ng leeg ko. I inhaled a large amount of air and started to run again.

Pinaharurot ko ang kotse papunta sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Nagulat pa ang iba nang makita ako pero nanatili silang tahimik.

"Benj!" Mabilis akong lumapit sa kanya. Ikinalma ko ang sarili ko bago magsalita.

"Why did you do that? Bakit umabot sa news? Mr. Damian is innocent." Huminahon ako. I don't want to get angry because I might say things I'll regret later.

"He's not innocent, Yen! Don't you know? He was imprisoned for six damn years that's why people were scared of him! At ngayon? Naniniwala kang inosente siya?" galit niyang tanong.

Nag-aapoy ako sa galit. Gusto ko siyang murahin. Bakit ba hindi sila naninwala na si Ice ang nagligtas sa akin?

"Ano, Yen? Ba't hindi ka makapagsalita?"

Tumalikod ako. Kinuyom ko ang kamao ko at malakas na sumigaw para ilabas ang galit ko sa hangin. Ayokong magbuhos ng galit sa kanya dahil baka may masabi akong masamang bagay. Pagkatapos kong sumigaw ay huminga ako nang malalim at muling hinarap si Benj. "I am calm now. Benj, I understand that you are just worried about me but... please... trust me," mahinahon kong sambit.

Ikinalma niya rin ang sarili niya. Thank God I know how to control my anger. "Yen, hija, hindi makakabuti si Mr. Damian sa'yo. Masama siyang tao. Kinatatakutan siya dahil isa siyang ex-convict," mahinahon na rin na sabi niya.

Kinagat ko ang labi ko at hinawakan ang dalawa niyang kamay. "Benj, trust me. I never disappointed you so please... I need you to trust me. I will make things right. I don't want to put that innocent man in jail... trust me, Benj. Trust me."

Sumusuko niyang tinanggal ang kamay ko sa kamay niya. "Fine! But if something bad happens to you, I will kill that man, Yen." Tinalikuran niya ako at umupo sa swivel chair niya.

"Attorney Hernandez, let's talk."

Napangiti ako. Naramdaman ko na lang na may umakbay sa akin at napag-alaman kong si Jerome pala. "May tama ka kay Mr. Damian 'no?"

My brows wiggled because of what he said. I chuckled. "You and your jokes, Jerome," natatawang sabi ko.

Tinanggal niya ang pagkakaakbay sa akin at pinasadahan ng kamay ang buhok niya. "Ah baka siya ang may tama sa'yo."

I just shook my head because of his corny jokes. Tinignan ko si Shana at ngumiti na lang siya nang makita ako.

"Shana, siguraduhin mong magagawan ng paraan ng doktor ang leeg ni Yen dahil ayokong magkaroon ng peklat 'yan!" utos ni Benj nang matapos siyang kausapin ang attorney.

"Yes, madam!" sagot ni Shana.

Ang daming nag-uusap na isa raw akong santo dahil napakabait ako. I don't know if I like that or not. Yes, I know I'm kind but I don't think I'm a saint.

After 3 days, Mr. Damian was released from prison. Hindi ako nakapunta sa paglabas niya dahil may mga reporters. I didn't know that he's the Chairman of Damian Entertainment. Yes, I know he's incredibly rich but I did not think he was a chairman. He's too young for that position.

His innocence has been proven but people have not lost their fear of him. Iwas pa rin ang mga tao sa kanya. Hindi pa kami nagkikita mula nang nakalabas siya pero alam kong iwas pa rin ang mga tao dahil nakikita ko sa social media na pinag-uusapan nila si Mr. Damian kaya umiwas na lang din ako sa social media.

It's already 1 am and I can't sleep. Binuksan ko ang lampshade at kinapa ang cellphone ko.

Kinagat ko ang labi ko habang nakatingin sa number ni Mr. Damian.

Napailing ako at huminga nang malalim.

Me:
Mr. Damian, I'm sorry for causing you trouble. It's my fault.

I was about to turn off the light when my phone vibrated. Nakita ko ang reply niya.

Mr. Damian:
If you're really sorry, let's meet.

Napakunot ang noo ko. Gusto niyang magkita kami ng ganitong oras?

Me:
Right now?

Mr. Damian:
Right now.

I swallowed to clear my throat.

Me:
But it's 1 am. It's super late, Mr. Damian.

Mr. Damian:
Then I'll go to you. Is that okay?

Tumibok nang mabilis ang puso ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kung pupunta siya rito sa bahay, baka makita siya ng mga guards o maids. Ayokong umabot 'to kay Mommy at Hale.

Me:
My mom's strict. I'm sorry.

He immediately replied.

Mr. Damian:
I'm not going to see your mom, I'm going to see you, Yen.

Napakagat-labi ako. Hindi niya ba ako naiintindihan?

Me:
I'm sorry, Mr. Damian. Mamayang umaga na lang.

Mr. Damian:
I can't wait to see you. Hindi na 'to kayang paabutin ng umaga. Bawal ka bang lumabas? Intramuros Cathedral.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Natatawa ako dahil tinanong niya kung bawal ba akong lumabas pero nandoon na agad ang pangalan ng lugar ng pagkikitaan namin at medyo nakakainis dahil ayaw niyang ipagpabukas na lang.

Napabuntong-hininga ako.

Me:
Alright.

I stood up and wore a black jacket and black jeans. Itinali ko ang buhok ko at pagkatapos ay isinuot ang white sneakers. Tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin at inilagay sa ulo ang hood ng jacket saka lumabas.

Tahimik lang ako lumabas. Hindi na ako magdadala ng kotse dahil ayokong mag-ingay. Mabuti nga at tulog ang mga guards. Mabilis akong tumakbo palabas ng village.

Pumara ako ng taxi at mabilis na sumakay. Hindi na nagreply si Mr. Damian. Pagbaba ko ay sobrang tahimik sa harap ng simbahan. Wala na akong nakikitang tao. Malamig dahil sa hangin kaya niyakap ko ang sarili ko.

"Wala pa ba si Mr. Damian?" tanong ko sa sarili at nagpalinga-linga.

Napalunok ako nang makita ko siyang naglalakad papalapit sa akin. He was wearing a white long sleeve jacket and black ripped jeans. Itinago niya ang phone niya sa likod ng bulsa ng jeans niya at nang nakalapit siya ay mas lalo kong nakita ang kagwapuhan niya.

Is he even real? How can someone be this handsome?

"Kanina ka pa?" he asked. Gaya ng dati, malalim ang boses niya at lalaking-lalaki.

"A-ah, no," I said.

"Did you bring your car?" he asked. Tumingin pa siya sa paligid.

I shook my head. 

Tumango siya. "Nahihiya ka ba sa'kin, Yen?"

"H-huh? Hindi!" agad kong sagot kaya ngumisi siya.

"Bakit ka ba nahihiya? You're my wife, remember?"

My eyes widened. "I-I was just lying, Mr. Dam—"

"Mr. Damian, Mr. Damian, Mr, Damian... I'm so sick of that. Call me by my name. It's Ice, Yen." He crossed his arms while still looking at me.

I cleared my throat. "Why did you want to see me?" Pag-iiba ko sa usapan.

"I just wanted to see you. I couldn't go to work because my mom told me not to so I had to stay at my house," he said.

I thought he wanted to thank me.

"A-ah." Tumango-tango ako.

Nag-umpisa siyang maglakad. "Where are you going?" I asked but he didn't answer me.

Napakamot ako sa ulo at sinundan siya sa paglalakad. Ngayon ay nasa gilid na niya ako.

Ipinasok niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng jeans niya. "Where are we going?" I asked again.

"Let's just walk, let's talk about life, let's talk about what you want and what I want. I want to know you more," he said.

"Why? Are you curious about me?" pagbibiro ko.

Tumango siya na hindi ko inaasahang gagawin niya. "When I'm curious about a woman..." Tumigil siya sa paglalakad. "It only means one thing." He then faced me. Napalunok ako.

"I like her..." he said and smirked.

He walked again, leaving me dumbfounded. My jaw was on the floor while looking at him. Does that mean he likes me?

Nagulat ako nang nilingon niya ako. "What?"

Agad akong umiling at naglakad na palapit sa kanya. "Mr—"

"I said Ice."

Huminga ko nang malalim at tumango. "Do you really like me?"

Tinanggal niya ang kamay niya sa isang bulsa at hinaplos ang chin niya. Pagkatapos ay muli niyang ipinasok ang kamay niya sa bulsa ng jeans.

"I'm curious about you," he seriously said.

And because of that, I knew his answer. Tumango ako at maglalakad na sana pero nagulat ako nang hinigit niya ang bewang ko palapit sa kanya at kinabahan ako dahil halos magdikit ang mga labi namin. Nanlaki ang mga mata ko.

"W-what are you doing, Ice?" kinakabahang tanong ko.

Seryoso lang ang mukha niya kaya hindi ko mabasa ang nasa isip niya. He's not easy to read.

"I like you, Yen..." he whispered to my soul.

Napalunok ako. "I like you a lot... Is it okay to like you? Or is it also a crime to like you? Everything I do is a crime, that's what people think of me," he whispered softly.

Hindi ako nakapagsalita. I don't know what to say. Noong una niyang sinabi na gusto niya ako ay hindi ako naniwala.

"I like you, Chayenne... and if liking you is a crime, I deserve death penalty."

My eyes widened when he pulled me closer to him. I closed my eyes because we almost kissed! That was close.

"Open your eyes, I'm not going to kiss you until you allow me."

I gradually opened my eyes. My heart doubled its beat. I don't know how to calm but I need to calm myself. "U-uhm... I don't really know what to say," I honestly said.

Binitawan niya ang bewang ko kaya napalayo na ako ng kaunti sa kanya.

"I think uhm... I have to go... uuwi na ak—"

"Let me borrow you. Just give me one hour and after that, I'll drive you home." I swallowed when he held my hand. I didn't have a chance to complain about him holding my hand because he already started to walk.

Sobrang bilis nang tibok ng puso ko habang malalim na nakatingin sa kanya. Napalunok ako bago magsalita.

"One hour is not enough, I will give you plenty of time to be with me. We're just the same, Ice... I also want to know you more."

Continue Reading

You'll Also Like

21.6K 503 42
Keenan Aisenyev is different. He was born and raised solely for one purpose: to stand as a pakhan and takeover the Russian mafia at a young age, afte...
4K 227 7
Treacherous Heart Book 2: Down Bad Chasing Willow Talia Tan's Story Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.
21.5K 298 34
[VIOLENCE | TRIGGER WARNING | STRONG LANGUAGE] When Cedar Broom went back to the Philippines, his heart was still in England. He recently went throug...
1M 14.7K 62
Siya ay isang babaeng simple, kalog at mapang asar. Lahat nang may kinalaman sa pagkabaliw. Siya na 'yon. Lahat ng mga problema niya idinadaan niya l...