Bad Romance (Gorqyieds Series...

Per Shangpu

24.6K 529 261

(COMPLETED) (SOON TO BE PUBLISHED UNDER TWINKLE DREAM PRESS) We all know that revenge is cruel. Little did th... Més

DISCLAIMER
BAD ROMANCE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER: HIS LOST GIFT
SPECIAL CHAPTER - WE'RE PREGNANT
SPECIAL CHAPTER: GENDER REVEAL
note.

CHAPTER 23

370 11 5
Per Shangpu

CHAPTER 23

KUMUNOT ang noo ni Cattalina at dahan dahang tumango. Napabugtong hininga ako at naupo muna sa bakanteng upuan. Mabuti naman at meron sila hindi na ako mahihirapan na maghanap pa sa iba.

"Kailan namin i-dedeliver?" Biglang tanong ni Cattalina.

"Bukas sana kung p'wede," tugon ko.

Tumango siya at may nilista sa notebook. "Wala na bang iba?"

"Yung daisy rin pala. Maraming gano'n," pahabol ko.

Tumango siya sa akin at dinagdag iyon sa nilista niya. Naalala ko na gustong bulaklak ni Aksana ay daisy dahil daw sa palayaw ko. Namayani ang katahimikan sa buong shop at nilapitan niya ako.

"It's been a year, Daisy. I missed you," niyakap niya ako ng mahigpit.

Ngumiti ako at niyakap din siya ng mahigpit. Siya ang unang kumalas sa pagkakayakap at naupo sa tabi ko.

"Gusto mo ba muna kumain? Sakto nagdala ako ng cookies. Nag-bake kasi ako para sa mga bata kaso may sobra kaya nagbaon ako," nakangiti niyang wika.

"Hindi na. Kakatapos ko lang din kumain pagpunta ko rito," tugon ko.

Napakamot siya sa kanyang ulo. "Dalhin mo na lang para makakain si Aksana," nakangiti niyang wika.

Sumikip ang dibdib ko sa sinabi nito. Umiling lang ako sa kanya at nilabanan ang sarili na huwag tumulo ang pinipigilan kong luha. Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil parang may nakabara sa lalamunan ko.

"Ayaw mo? Masarap naman yung binake ko, ah," mahina niyang wika. Nag-aalalang tumingin siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "I know you're not okay today? What happened? Makikinig ako, friends tayo remember?"

Ngumiti ako at tumango. "O-oo."

Lumipat siya ng upuan na mas malapit sa akin.

"So, what happened? You look sad today. May nangyari bang hindi maganda sa 'yo?"

Napabugtong hininga ako. "Kaya ako naghahanap ng bulaklak sa patay para kay A-aksana," saad ko at doon ay hindi ko na napigilan na umiyak sa harapan niya. "Patay na siya, Catt. Wala na si A-aksana."

Napaawang ang labi ni Cattalina at napatakip sa kanyang bibig. Nagbago ag expresyon nito.

"Are you serious? I—I don't know what to say, Daisy. . ." Mahina niyang wika.

"Ano ka ba okay lang. Kung p'wede ka bukas sana makapunta ka sa burol niya. Alam mo naman address ko 'di ba?"

Dahan dahan siyang tumango. "Y-yes," tugon nito.

Tumayo na ako at pinagpag ang damit ko. Niyakap ko ulit siya ng mahigpit.

"Mauuna na ako, Catt. Naghihintay yung dalawa kong kasama sa kotse baka naiinip na sila," wika ko.

Tumango tango siya at hinawakan ang braso ko. "Oh! Let's go, ihahatid kita sa labas."

Sabay kaming naglakad palabas sa kayang flower shop at nang nasa labas na ako ay binitawan na niya ang kamay ko.

"Condolence, Daisy. Don't worry pupunta ako bukas pero hindi ko pa alam kung anong oras," saad ni Catt. Magkasiklop ang kamay nito habang nakatingin sa akin. Lungkot at awa ang nakikita kong emosyon sa kanyang mata.

"Sige. Salamat, ah," tugon ko.

Tinalikuran ko siya at maglalakad na sana ng may maalala ako. Humarap ulit ako sa kanya at nilapitan siya. Kumunot ang noo nito.

"What's wrong? May nakalimutan kaba sa loob ng shop? Teka titignan ko muna—"

"Huwag na," pagpigil ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay nito at tinignan siya. "May sasabihin ako sa 'yo pero huwag mong ipagsabi sa iba. Sekreto lang natin 'to. Please?" seryoso kong wika.

Lalong lumalim ang gatla sa noo nito at dahan dahang tumango. "O-okay. Don't worry your secret is safe with me."

Huminga ako ng malalim at sinabi sa kanya ang dapat kong sabihin. Alam kong mapagkakatiwalaan ko siya.






NGAYONG araw ang burol ni Aksana. Dumating na ang ibang tao rito samantala ako ay nandito sa gilid nakatingin sa kabaong ni Aksana.

"Delaihla. . . Kumain kana ba?"

Walang buhay na tinignan ko si Stephanie. Siya ngayon ang nagaasikaso sa dumadating. Wala akong gana na makipaghalubilo sa mga dumadating. Nakaburol si Aksana dito sa bakuran kung saan ginanap ang birthday party nito.

"Busog pa ako," mahina kong wika.

Huminga ng malalim si Stephanie at inabutan ako ng pagkain. "Ilang beses na kitang sinasabihan na kumain kana ba pero ayan palagi ang tugon mo. Ang payat mo na! Kumain ka muna kahit konti lang. Ang lalim na rin ng eye bags mo," nag-aalala niyang wika.

"Busog pa nga ako," mahina kong tugon habang tulala sa kabaong ni Aksana.

"Iiwanan na lang kita ng pagkain kapag nagugutom ka. Parang awa mo na kumain ka kapag kumalam sikmura mo," wika nito at umalis na.

Humalukipkip ako at sumandal sa aking kinauupuan. Ang mas masakit sa akin hindi ko alam na ang regalo kong puting dress sa kanya ay 'yon ang masosout sa burol niya. Tumayo ako at lumapit sa kabaong niya.

Dumungaw ako at mapait na ngumiti. Akala ko ay wala na akong mailuluha pero akala ko lang pala 'yon. Mabilis kong pinunasan ang luha ko at naupo ulit sa upuan ko.

"Ate Delaihla..."

Bumaba ang tingin ko ng makita ang dalawang kaibigan ni Aksana. Napaiwas ako ng tingin ng makitang nangingilid ang luha nila. Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti sa kanila.

Pinantayan ko sila at niyakap ng mahigpit. Hinimas ko ang ulo nila at tumayo ako. Nilapitan sila ng kanilang magulang.

"Mommy. . . Si Aksana bakit nandoon?" Inosenteng tanong ni Mia.

Si Yna naman ay umiiyak sa bisig ng kanyang mama. Ilang beses akong lumunok nagbabaka-sakaling matanggal ang nakabara sa aking lalamunan.

"Gusto ko nang makipaglaro kay, Aksana. Mommy, hindi pa po siya gumigising pag ginigising namin," umiiyak na wika ni Yna.

Abala ang kanilang magulang sa pag-papakalma. Napatingin ako sa mga bagong dating si Papa at Stefano. Dumiretso kaagad sila sa pwesto ko.

"Anak. Hindi ka pa raw kumakain sabi ni Stephanie?" nag-aalalang wika ni Papa. Hinawakan niya ang braso ko at tinignan ang kabuuhan ko. "Pumayat ka. Kumain ka muna—"

"Busog pa nga ako," naiinis kong wika at tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa aking braso.

Naupo ako sa upuan ko at nagbabantay lang kay Aksana. Humalukipkip ako at naramdaman na tumabi sa akin si Stefano.

"Kung sasabihan mo ako na kumain na ang isasagot ko ay busog pa ako," seryoso kong wika habang nakatingin sa kabaong ni Aksana.

"You need to take care of yourself, Delaihla," seryosong wika ni Stefano. Hindi siya nakatingin sa akin dahil nakatuon ang pansin nito kay Aksana.

"Aksana will never be happy if she see you like this. You look like a shit," pagpapatuloy nito.

I chuckled. Yeah. . . You're correct. I look like a shit.

"Delaihla, nasa labas na sila Dominic," salita kaagad ni Stephanie ng makalapit sa pwesto namin.

Walang gana na tumayo ako at maglalakad na sana papalayo ng hawakan ni Stefano ang braso ko.

"As your half older brother I hope you taking care of yourself. Nag-aalala kami para sa 'yo, Delaihla," seryosong wika ni Stefano.

Pinunasan ko ang luha ko at pinuntahan sila Dominic. Nang makarating ako sa sala ay binati ko sila at niyakap si Cattalina.

"Buti nakapunta ka," mahina kong wika.

Niyakap niya rin ako at hinimas ang likod. "S'yempre pupunta ako. Dadalhin ko sana yung dalawa kaso ayaw mahiwalay kay Levin."

"Ayos na rin 'yon baka maguluhan sila kung bakit kayo pumunta rito. Tara sa bakuran nandoon siya nakaburol," wika ko at naunang mag-lakad.

Naramdaman ko ang pagsiklop ng kamay ni Dominic sa akin. Umangat ang tingin ko sa kanya at tipid siyang ningitian.

"I know you're tired. You want to sleep?" Nag-aalalang tanong nito.

Umiling ako. "Huwag kayo masyadong magpagabi ni Cattalina. Baka kung anong mangyari sainyo sa daanan." tugon ko.

"Dito muna ako matutulog para may kasama ka," tugon nito at hinalikan ang palad ko.

Tumango na lang ako at naghiwalay din kami dahil sinamahan ko si Cattalina. Tinulungan din ni Dominic si Stephanie at ang ibang bodyguard ni Papa ay tumutulong din habang ang natira ay nasa labas ng bahay.

"She's too young. . ." Mahinang wika ni Cattalina.

Mapait akong ngumiti at nilingon si Aksana. Hindi ako nakakatingin sa mukha niya ng sobrang tagal nandito parin kasi yung kirot sa dibdib ko. Ang ganda niya parin tignan, para lang siyang natutulog.

"Gusto ka raw niya makita..." tugon ko at nilingon siya. "Kinikwento rin kita sa kanya."

"Daisy..." mahinang wika ni Cattalina. Niyakap niya ako at hinimas ang ulo ko. "Dapat sinabi mo sa akin, kahit ako gusto ko rin siyang makilala."

Hindi ko na napigilan na humikbi habang nakayakap ako sa kanya. "Alam kong busy ka a-at. . . Nakokonsensya parin ako hanggang ngayon sa nagawa ko sainyo," umiiyak kong wika.

"Shush," wika nito habang hinihimas ang likod ko. "Free ako palagi basta ikaw, kaibigan mo 'ko, Daisy. Kung kailangan mo ako o kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako. Makikinig ako sa 'yo. 'Tsaka past is past, alam kong nagbabagong buhay ka. Every person deserve a second chance. . . At isa ka sa mga taong deserve no'n."

Nakikinig lang ako sa sinasabi niya hanggang sa kumalma ako. Nagtagal siya sa tabi ko ng ilang oras para damayan ako. Ang swerte ko sa kanya dahil kaibigan ko parin siya kahit tinataboy ko siya.

Nagpaalam siya sa akin na uuwi na dahil alam niyang hanahanap na siya ng dalawa nitong anak. Nandito parin ako sa pwesto ko at binabantayan si Aksana. Alas dose na ng madaling araw at gising parin ako.

"Sila Stephanie na raw bahala rito. You need to sleep, let's go to your room," pag-aya sa akin ni Dominic.

Hinayaan ko lang siya na dalhin ako sa kwarto. Wala na akong gana sa lahat ng bagay, parang gusto ko na sumunod kay Aksana. Siya ang lakas ko sa lahat ng bagay.

Si Dominic na rin nag linis ng katawan ko at nagpakain sa akin. Hinayaan ko lang siya at ngayon ay nahiga na kami sa kama. Nakapatay na ang ilaw at ang tunog lang ng aircon ang naririnig ko. Ang buwan ang nagsisilbing ilaw sa kwarto.

"Sleep well, baby," mahinang wika ni Dominic.

Ilang beses niyang sinuklay ang buhok ko hanggang sa lamunin ng dilim at makatulog sa sobrang pagod.

SHANGPU

Continua llegint

You'll Also Like

143K 9K 26
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
2M 52.2K 53
Kaya mo bang i-organize ang kasal ng ex-husband mo sa ibang babae? Hanggang saan ang kaya mong tiisin para pagbayaran ang nakaraan? "Alam kong mali...
3M 68.1K 53
Shalian Formentera was forced to marry her best friend's boyfriend, Alejandro Adrian Villafuente. Hindi siya nakipaghiwalay kahit na ginagawa ni Ian...
1.1M 29.7K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...