Astrid Monteverde (Bitch Seri...

By mis_shyghurl

1.1M 35.3K 5.5K

GirlxGirl - COMPLETED Quietly transferring to a new school like a little Ms. Nobody is my only dream-to be a... More

NOTICE
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
EPILOGUE
NEXT IN LINE | SOON
SPECIAL CHAPTER I
SPECIAL CHAPTER II
SPECIAL CHAPTER III

CHAPTER 27

15.1K 511 66
By mis_shyghurl

LORRAINE

"Nagustuhan mo ba? Sorry, ahh, kung hindi kita madala sa mamahal." Tinakpan niya naman ang bibig ko gamit ang hinlalaki niya at niyakap ako.

"Baby, for me, this is enough, okay? Kaya kung magsasalita ka pa diyan kukurutin kita gusto mo ba yun?" Sabi niya nang nakatingin sa akin na nakataas ang kilay. Napatakip naman ako sa bibig ko at hindi nalang nagsalita.

"Hindi na nga po hehe tara na?" Grabe feeling ko under ako sa kanya huhu. Kawawa ako pag nagkataon hmpf! Tumango naman siya sa sinabi ko at nagpahila nalang.

Nandito kasi kami ngayon sa isa sa mga dinadayong sikat na Park at dito ko dinala si mangkukulam kasi wala na talaga akong maisip na ibang pwedeng pagdalhan sa kanya. Alam niyo naman po na hindi ako palaboy na tao. Nakakapagod kaya maging dora.

"Gutom ka na ba?Gusto mo kain muna tayo bago maglibot?" Tanong ko sa kanya at inilibot ang tingin sa paligid. May nakita naman akong nagtitinda ng mga kwek-kwek, isaw, balot, chichirya, mga palamig na buko, at marami pang iba.

Diko tuloy iwasang magutom sa nakita huhu.

"We will eat nalang muna baby bago tayo maglibot." Hinila ko naman siya sa may stool ng mga kwek-kwek at agad na tumingin-tingin dun.

"Kumakain ka ba nito?" Siyempre kailangan ko parin siyang tanungin baka ayaw niya.

"Ano bang tawag diyan by orange balls? It's look like circle balls." Sa sinabi niya ay hindi ko naman maiwasang matawa sa narinig pfft. Napatingin tuloy sa akin si Ateng magtitinda at napatawa narin.

Siguro narinig niya ang sinabi nitong kasama ko na taga bundok pfft. Ayaw ko magmura pero shutek circle balls? HAHAHAHA gago!

"What's funny?" Pinalobo ko naman ang pisngi ko para hindi matawa bago siya sinagot.

"Kwek-Kwek po yan madam at hindi circle balls okay?Ito namang katabi niya ay isaw at yung nasa kabila ay hotdog at yung nasa dulo ay balot, ano kumakain ka ba nito?" Sabi ko sa kanya at kinuha ang panyo ko sa bulsa ng mapansin kong pinagpawisan siya.

Siguro naiinitan to. Andami kasing tao parang fiesta. Pinahidan ko naman ang noo niyang may pawis na ikinangiti niya.

Hayss ang ganda naman talaga hmpf!

"Thank you, baby." Namula naman ako ng halikan niya ako sa pisngi habang siya ay tumawa lang. Nakakaasar bakit ang sweet niyaaaaa? Huhu.

"Oh, okay, yung orange balls nalang akin and itong ano name nito by?" Ano daw by? Ano ako bubuyog? Hindi ko nalang yun pinansin at tinignan ang tinuro niyang isaw.

"Isaw po yan madam. Ano yan lang ba?" Tumango-tango naman siya na parang tuta habang ako naman ay sinabi agad kay Ateng ang bibilhin namin.

"Ate apat na kwek-kwek po at walong isaw, then dalawang buko juice. Pakidagdagan lang rin po ng apat na balot." Andami kong order noh? Hayaan na tsaka isa pa kakasweldo ko lang rin naman sa Jollibee na pinagpart time ko.

Remember nung sa Tita ni Jamie?

Pagkaaabot ni Ateng nang mga pagkain namin ay agad naman akong kumuha ng bayad."Ilan po lahat Ate?"Tanong ko sa kanya habang kinukuha ang wallet ko.

Napansin ko naman ang katabi kong kumukuha rin ng pera."Ako na magbabayad by magka--" Pinigilan ko naman siya sa pagkuha ng pera at agad na nagsalita.

"Hindi ako na tsaka isa pa ako ang nagyaya sa'yo dito, kaya dapat ako ang magbabayad sa lahat." Seryoso kong sabi sa kanya. Bumuntong hininga naman siya bago ako ngitian.

Ano yan ako nagyaya tapos siya magbabayad? No way.

"If you say so, pero pag wala ka nang pera sabihan mo ako okay?" Tumango naman ako sa kanya bago nagsalita.

"Huwag kang mag-alala kakasweldo ko lang kaya kahapon sa fast food chain." Sinabi ko rin kasi sa kanya na doon ako nagtatrabaho. Nung sinabi ko nga nabigla siya at gusto niya daw na umalis ako dun at papapasukin niya ako sa company nila, which I didn't like.

Ayaw ko kasi sa idea na dumedepende ako sa ibang tao at gusto ko ay sa sarili kong sikap. At tsaka, hello, high school palang kaya ako. Sino naman ang kukuha sa akin sa ganong trabaho aber?

"Ma'am ito na po, 172 pesos ho lahat." Agad ko naman inabot ang bayad kay Ateng na 200."Keep the change nalang po salamat." Ngumiti naman si Ate sa akin at nagpasalamat.

"Tara na hanap tayo ng mauupoan." Kinuha ko naman ang isang kamay niya at pinagsiklop yun dahilan para mapangiti siya at hinawakan yun ng mahigpit.

Ilang sandali pa ay may nakita naman akong upoan na bakante sa may di kalayuan."Ayon oh may upoan tara." Pagkarating namin doon ay agad naman kaming umopo at inilabas sa supot ang mga pagkain na binili namin.

"Oh, ayan na ang circle balls mo." Kinuha niya naman ito agad habang ako ay inayos ang isaw at balot pati narin buko juice. Buti nalang at sa supot inilagay kundi baka ngayon ubos na'to.

Tinignan ko naman ang katabi kong nakatingin lang sa pagkain na nasa kamay niya dahilan para matigil ako sa pagkain.

"Oh, bakit nakatingin kalang diyan? Hindi yan gagalaw para subuan ka madam." Asar ko pa. Akala ko tatawa siya kahit hindi naman joke yun, pero nakita ko nalang na napangiwi siya matapos niya itong amuyin.

"I don't wanna-iba ang amoy niya by, and I don't like it." Napairap naman ako ng wala sa oras sa pagiging conyo niya. Ang arte niya hah! Tumayo naman ako at lumapit sa harapan niya. Kinuha ko naman ang kwek-kwek sa kamay niya at agad itong itinapat sa bibig niya.

"Subokan mo lang masarap to at tsaka sure ako na makakalimutan mo ang pangalan mo hehe." Pang-uuto ko pa sa kanya at di maiwasang matawa sa reaksyon niyang nakanganga ngayon.

"Are you sure? O baka inuuto mo lang ako?" Nawala naman ang ngiti ko sa sinabi niya at ngumuso.

"So ayaw mo? Okay, hindi kita pipilitin. Sayang naman ibigay ko nalang ito sa crush ko." Kunwaring sabi ko sa kanya at babalik na sana sa pag-opo ng pigilan niya ako sa kamay. Tinago ko naman ang ngiti ko hekhek.

Mission Accomplished!

"Crush? Who? And akin na kakain na ako pero subuan mo ako okay?" Aba't?Bossy talaga pero hayaan na at least kakain siya diba? Hehe.

"Oo may crush ako dito kaya kung ayaw mo tong kainin ibibigay ko'to sa kanya." Kunwari lang naman yun tsaka isa pa wala naman talaga akong crush noh jusko. Siya lang pwede pa!

"Kakain na nga, and who's that bitch ba? Di malabong maganda naman siguro ako kaysa diyan hmp!" Sabi niya at nag flip hair na ikinairap ko. Mayabang rin to eh. Sarap mahal-este isako. Hindi nalang ako nagsalita at baka hahaba pa ang usapan.

"Oh, eat this na at nang makakain naman ako sa balot ko." Nagtataka man ay ngumanga nalang siya bago kinain ang isinubo ko. Tinignan ko naman ang reaksyon niya at tinanong kung masarap ba.

"Oh ano? Masarap ba?" Uminom naman siya ng buko bago nagsalita at ngumiti.

"Actually it tastes good, akala ko kasi hindi masarap. Akin na by ako na ang magsusubo sa sarili ko para makakain ka." Ibinigay ko naman agad sa kanya ang kwek-kwek niya.

"Sabi sa'yo eh tsk ikaw kasi ang arte mo palibhasa anak mayaman ka." Napairap naman siya sa sinabi ko bago muling nagsalita.

"Excuse me? This is my first time na kumain ng ganito kaya, and besides, ikaw nga lang ang kauna-unahang tao ang nagdala sa akin dito." Napangiti naman ako sa sinabi niya at hindi maiwasang kiligin.

Nakakawala ng angas ang babaeng to jusko!

"E-ehem salamat naman at nagustuhan mo, kain na nga lang tayo." Sabi ko nalang at hindi nalang siya pinansin na kanina pa nakatingin sa akin o sa kinakain ko.

"What's that?"Huh?Napatingin naman ako sa kanya at sinundan kung saan siya nakatingin. Nakita ko naman na nakatingin siya sa balot ko at parang nandidiri itong tinignan.

Paano ba naman kasi binalatan ko na ito at nakita kong sumisilip na ang balahibo ng sisiw. Natatakam tuloy ako. "Balot nga bakit?Gusto mo?" At itinapat sa kanya ito. Agad naman siyang lumayo at nandidiri itong tinapunan ng tingin.

"No thanks, and besides, I'm full na kaya." Okay, ang arte niya talaga."Sabi mo eh." Kinuha ko naman ang asin at suka sa tabi ko at agad na inilagay yun sa balot pagkatapos ay agad kong sinigop ang sabaw nito at kinain.

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na kanina pa tumitingin sa akin ang mangkukulam. Tinignan ko naman siya pagkatapos uminom ng buko juice.

"Tingin-tingin mo diyan?Gusto mo?" Sabi ko pa at inalok sa kanya ang balot na kinakain ko. Kukunin niya sana ito, pero bago mangyari yun ay inilayo ko naman ito sa kanya bago nagsalita.

"Luh edi bumili ka." Napanganga naman siya sa sinabi ko habang ako naman ay natatawa lang sa reaksyon niyang priceless.

"S-shut up!" Seryoso ang tagal niya lang maka recover pfft."Biro lang pero gusto mo ba talaga nito baby kong maarte? Masarap siya promise." Ewan ko ba kung namamalikmata lang ako pero nakita ko kasi na pumula ang pisngi niya.

Ang weird lang.

"I-I don-" Tumayo naman at kinuha ang huling balot bago binalatan at nang matapos ay lumapit naman ako sa kinauupoan niya habang siya ay nagtataka akong tinignan.

"Subukan mo lang masarap to tsaka sigurado ako na kakalimutan mo ang birthday mo nito promise." Maloko ko pang saad sa kanya na ikinanganga niya.

Pfft, nakakatawa talaga ang reaksyon ng baby ko na'to lololol.

"Seriously? Kanina sinabi mo narin yan pero wala namang nangyari hmp." At doon na ako humagalpak ng tawa sa sinabi niya.

"Pfft, hahahah, at naniwala ka naman?" Tawa-tawa kong sabi sa kanya.

Ngumuso naman siya dahilan para halikan ko siya sa labi na ikinapula niya. Pfft hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun. Basta ang alam ko lang parang may nagtulak kasi sa akin ewan.

"Please baby, at nang makagala na tayo. Balita ko may fireworks daw dito mamayang 6 pm eh. Gusto mo manood nun diba?" Malambing kong sabi sa kanya habang pinupunasan ang gilid ng labi niyang may naiwan na sauce. Ang messy kumain, pero maganda pa rin.

Nakita ko naman na kumislap ang mata niya sa narinig.

"Okay fine." Napangiti naman ako sa sagot niya at hindi na nagdalawang isip pa na kunin ang suka at asin at inilagay sa sisiw bago isinubo sa kanya. Nakita ko naman na kinain niya ito at umasim ang mukha niya.

Pagkatapos namin kumain ay naglakad-lakad lang muna kami habang magkahawak ang kamay at pinanood ang fireworks pagkarating ng 6 p.m.Tinignan ko naman ang katabi ko at nakita itong nakangiting nakatingala sa langit.

Masaya na ako na masaya kang nakikitang ngumingiti. Saad ko sa isip ko bago tumingin sa taas habang may fireworks na lumilipad.

Sana ganito nalang palagi pero alam ko naman na imposible yun at may katapusan ang lahat.

Continue Reading

You'll Also Like

55.1K 1.6K 24
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
121M 4.2M 148
**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl they thought they knew is not what they...
158K 7K 59
ခွန်းသမိုးညို × သစ္စာမှိုင်းလွန် အရေးအသားမကောင်းခြင်း၊[+]အခန်းများမြောက်များစွာပါဝင်ပြီး ကိုယ့်အတွက်ဘာအကျိုးမှရမည်မဟုတ်တဲ့စာဖြစ်သည်နှင့်အညီ မကြိုက်လျ...
3.7K 235 5
"I loved her against reason, against promise, against peace, against hope, against happiness, against all discouragement that could be." ────────────...