Love You, Sunset

By pink_opal_27

2.7K 168 45

A setting sun can mean losing hope but can also be anticipation of a new beginning. Witness how love plays wi... More

Chapter 1: Collision
Chapter 2: Return
Chapter 3: Bestfriend
Chapter 4: Mia
Chapter 5: Sketchpad
Chapter 6: Time
Chapter 7: Out
Chapter 8: Stalker
Chapter 10: Goodbye
Chapter 11: Rooftop
Chapter 12: Unit
Chapter 13: Canvas
Chapter 14: Chef
Chapter 15: Visit
Chapter 16: Mommy
Chapter 17: Sister
Chapter 18: Message
Chapter 19: Dream
Chapter 20: Artwork
Chapter 21: Comeback
Chapter 22: Deal
Chapter 23: Fear
Chapter 24: Together
Chapter 25: Moment
Chapter 26: Reverse
Chapter 27: Missed
Chapter 28: Back?
Chapter 29: Again
Chapter 30: Love You, Sunset
EPILOGUE: The Story Behind

Chapter 9: Kuya

84 8 0
By pink_opal_27

Mia's POV


"Kuya?"


Napatingin ako sa hawak kong phone. Unknown number ito at Philippine number pero boses ni kuya. Inilapit ko ulit ang phone sa tenga ko.


"Kamusta na ang baby sis ko?"


"OMG Kuya ikaw nga! Wait Philippine number 'to ah. Don't tell me...."


"Yes baby sis! I'm here at your country haha"


Sobra sobra ang tuwa ko nang marinig kong pumunta na din siya dito sa wakas sa Pilipinas. Mula nang mamatay si Mommy sa aksidente dito ay di niya nagawang pumunta dito. Kaya abot langit ang ngiti ko nang finally makakasama ko na naman ang Kuya ko.


"Hey, you. You still wear that beige shoes?"


Nagulat naman ako sa sinabi ni Kuya. Nagpalinga-linga ako sa paligid para tingnan at baka nasa tabi-tabi lang siya. Pero wala.


"Kuya, how did you know?" pagtataka kong banggit sa kanya.


"Actually I was already here in the Philippines for 3 weeks now. I even visited Mom already."


"No way Kuya"


Naalala ko yung mga bulaklak na nasa puntod ni Mommy noong bumisita ako sa birthday niya. OMG si Kuya pala naglagay noon kaya pala sabi ko ay alam na alam niya ang mga paborito ni Mom.


"Kuya, we need to catch up! I miss you, I really do. Cafe later?" pag-ayaya ko kay Kuya.


"I miss you too my baby sis. Sureee! But I think that Asian resto will be more appetizing than your coffee."






I'm waiting for my kuya here sa labas ng Asian resto na favorite naming kainan nina Mommy noon. This is also the same resto na binilhan ko ng food for Mommy when I visited her last month. Parang ang bilis lang ng panahon no? Malapit-lapit na rin yung 2nd death anniversary ni Mommy pero until now wala pa rin kaming balita sa aksidenteng nangyari sa kanya. We were not able to obtain answers din from Dad kasi he was with post-traumatic stress disorder that time kaya di namin makausap. Then eventually, lahat ng alaala niya sa nangyari sa kanila ay nabura sa kanyang isipan, dahilan para lalong mabaon sa pagkalimot ang aksidente nangyari. Isa rin pala ito sa gusto kong malinawan kaya umuwi ako sa 'Pinas.


I was reminiscing when someone bumped me while I'm here at the entrance. Well kasalanan ko rin naman, andito ako sa pintuan. I just do not want the feeling of going in without Kuya.


"Aw sorry Miss. My fault."


Yumukod ako para kunin ang mga gamit niyang nahulog sa sahig. Nag-angat ako ng tingin sa kanya para ibigay yung mga gamit niya nang nakita ko siyang nakatitig lang sa akin.


"Miss?" pumitik ako sa harapan ng mata niya, dahilan para mapakurap siya.


Nabalik naman siya sa huwisyo. "May problem ba, Miss? Ito na mga gamit mo. Pasensya na, harang ata ako sa pinto. May hinihintay lang." may ngiti kong sabi.


Nakatitig pa rin siya sa akin. Bandang huli ay umiling ito at ngumiti. "Sorry, I thought I've seen you before eh. Pero that's impossible. Matagal na ring wala yung kapatid ko. Sige salamat ha!" sabay kuha sa akin ng mga gamit niya.



"You love sunrise?"



Napatigil siya sa paglakad papalayo sa akin. Lumingon siya sa akin ng nakakunot ang noo. "How did you know?"


"Ahmm hehe I just saw that most of the designs on those papers you dropped have sunrise accents. So I guess you love sunrise."


Tiningnan naman niya ang mga hawak niyang artworks. Narealize nga niyang puro may sunrise ang drawings doon.


Muli siyang tumingin sa akin. Tingin na parang nagtataka o may gustong alamin. "You? Don't you like sunrise?"


"Me? I love sunsets more than sunrises." bigla namang nagring ang phone ko. "Kuya!"


Nakita ko naman siyang pumasok sa loob ng Asian resto. Ako naman sinalubong na si Kuya. He's here!


Lumapit ako sa sasakyan niyang ipapark pa lang sa harap ng resto. Hinintay ko siyang bumaba ng sasakyan at isang mahigpit na yakap ang isinalubong ko sa kanya.


"Kuyaaaaa! I miss you so much!"


Isang mahigpit na yakap din ang ibinigay niya sa akin. Nagpaikot-ikot kami sa parking space habang nakayakap, animo'y parang couple na ngayon lang nagkita after N years. Bumitaw siya sa pagkayakap sa akin at nilock ang pinto ng sasakyan. Ngayon ay nakaakbay na siya sa akin habang pinipisil ang ilong ko.


"Hmppp hanggang ngayon Kuya, gustong-gusto mo talaga itong ilong ko no? Inggit ka pa rin sa ilong ko kasi ako nakamana nito kay Mommy"


"Me? I'll never get jealous of your nose. At least I am as handsome as Dad."


Sinamaan ko siya ng tingin. Everytime kasi na we were going out sa Canada to spend family time, maraming nagsasabi na mas kamukha ko daw si Mommy at si Kuya naman si Dad. At least patas naman ang mga tao diba,.



"Nakaorder ka na baby sis?" paakyat na kami sa may terrace ng resto.


"Nope. I waited for you eh." nagpuppy eyes naman ako sa harap ni Kuya habang hawak-hawak ang kamay niya. I really feel comfortable everytime I'm with my Kuya. Ganoon naman talaga siguro kapag may kapatid ka no, you feel secured.


Nag-akto naman si Kuya na parang sumakit ang puso. "Ahhh I'm touched sa baby sis ko! Ilang ice cream gusto mo?"


"Ikaw Kuya ha. You really know my kiliti. Tara na pumasok na tayo at kanina pa ako gutom" paghila ko sa kanya papaloob.




Pinili namin ang table na malapit sa window. Lumapit na yung crew sa amin para kunin ang order namin. I just ordered ramen with eggs, and Kuya ordered burger.


"Kuya, you said you're already here 3 weeks na? Iniwan mo si Dad sa Canada?"


Kumagat muna siya sa burger bago magsalita.


"Dad is being taken care of sa isang facility where the recovered psychiatric patients are being admitted to for total psychological healing."


"But how's Dad? .....He still does not want to talk to me?" 


Matagal-tagal na rin na hindi sa akin nagrerespond si Dad, after that accident nila ni Mommy. Everytime na may therapy siya noon, kahit di siya nagsasalita o walang emosyon ang mukha niya, nararamdaman ko na mas gusto niya si Kuya ang sumama sa kanya sa therapy.


Binaba ni Kuya ang hawak niyang burger saka hinawakan ang kamay ko.


"I really don't have any idea kung bakit naging cold sayo si Dad, na super proud naman sayo ever since, unica hija ka kaya namin. But whatever that reason was, I know time will heal everything."


Huminga ako nang malalim. Baka tama nga si Kuya. Sana one day, babalik na kami ni Dad sa kung ano kami dati.


Pinagpatuloy na lang namin ang pagkain namin habang masayang nagkukuwentuhan, nagtatawanan, nag-aasaran. Namiss ko si Kuya, sobra.


After naming kumain ay gumala pa kami saglit sa mall. Sunset again when he dropped me home sa condo unit ko. I invited him inside pero hindi na daw at baka gabihin pa siya sa biyahe. I kissed him goodbye at piningot niya ang ilong ko.


Hayyy mula noong unti-unting nagbago ng ugali sa Bruno ay feeling ko na mag-isa na lang ako dito. Siyempre aside from Ken na naging kaclose ko. Pero teka, isang buwan nang di kami nagkakausap mula nung nangyari sa Starbucks. Sana okay lang siya.





Someone's POV


"Hey! You said everything wascleared na that night? Bakit it's like hindi pa?"naiinis ako. Bakit ngayon pa!




______________

A/N

Sorry another late update. Sana po di kayo magsawang maghintay ng medyo matagal na updates hihi....please do vote na rin po if you love this chapter.... 

Promise po talaga malapit na ang climax...HAHAHA



______________

NEXT CHAPTER SNEAK PEEK:

May magpapaalam.

Continue Reading

You'll Also Like

22.6K 712 29
the story takes place in Nevermore where Wednesday meet a tribrid that is Hope's twin sister who was misplaced at birth. her name is Faith Mikaelson...
517K 10.3K 53
The Romano family always had one saying 'Family over anything' Which they stuck to, especially after the disappearance of their youngest daughter...
22.5K 759 30
Unicode ငယ်ကိုအရမ်းမုန်းတာပဲလားမမမုန်း သဲငယ် ငါ့ဘဝမှာမင်းကိုအမုန်းဆုံးပဲ တစ်သက်လုံးမုန်းန...
20.2K 46 22
This is the second instalment to my 3 Part series of Books about a Young Blonde Teen Girl who suddenly starts to loose control of her bladder and bow...