Angelzy, You're Mine Forever...

Da rhaime22

17.2K 977 323

Si Angelzy Joyce Onasna ay tatlumput tatlong taong gulang na independiyenteng babae, na nagtapos nang mag-isa... Altro

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2
Kabanata 3
Kabanata 5 - The Confession
Kabanata 6 - House Of Hope
Kabanata 7 - Aidem's Challenge
Kabanata 8 - Bakit nga ba mahal kita
Kabanata 9 - Nasaktang damdamin
Kabanata 10 - Ang katungali
Kabanata 11- Ang hindi inaasahang kasal
Kabanata 12 - Bahay ni Angel o Condo ni Aidem
Kabanata 13 - Higit na sama ng loob.
Kabanata 14 - Biglang pagbabago.
Kabanata 15 - Tuluyang Pagbabago
Kabanata 16- Pagkainis
Kabanata 17 - The brides bouquet
Kabanata 18 - So much hurt.
Kabanata 19 - Give up
Kabanata 20 - Paghimok na bakasiyon
Kabanata 21- Mansion of Villacorta
Kabanata 22 - Nais ni Aidem
Kabanata 23- Puting panyo
Kabanata 24 - Angel's liberated side.
Kabanata 25 - Words, so much hurt.
Kabanata 26 - The wedding dress
Kabanata 27 - Bonding moment
Kabanata 28 - Last night to remember
Kabanata 29 - The decision and phone call.
FINAL CHAPTER - A day to remember

KABANATA 4 - The punishment

619 36 12
Da rhaime22

Warning: Expect wrong typo and grammatical error ahead..

***********

"HEY!" Untag ni Dylan sa kanina pa nakatulalang si Angel. " What happen to you? Kanina pa ako nagsasalita rito pero tila hindi pumapasok sa isip mo ang sinasabi ko."

"Ahm, sorry, ano ulit iyon?"

Napakunot ng noo si Dylan sa
sa reaksiyon nito. "Sabi ko kung na-re-schedule mo na ba lahat ng mga meeting ko?"

"Yes, boss. Actually, wala naman problema sa re-schedule. Wala naman magiging complict kahit more than one month kang mawala after your wedding, na-settle ko na kasi lahat."

"How abouth my wedding proposal to Rhaime?"

"Wala ka nang dapat pang ipag-alala roon. Sigurado naman ako na sasagot iyon ng yes at hindi masasayang ang lahat ng plinano natin."

"Well, I hope so. Anyway, punta tayo sa bar ni Aidem tonigth. Na-text ko na si Mond and I think pupunta naman iyon kahit hindi siya nag-reply."

Pagkarinig sa pangalan ni Aidem ay biglang bumilis ang pintig ng puso niya "shit" mahinang usal niya na hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Dylan.

"Bakit?"

"Ano'ng bakit?" balik tanong din niya.

"Narinig ko kaya yun pagmumura mo."

"Huwag mong pansinin iyon. May lakad pati ako mamaya, kaya kayo na lang muna."

"Huwag mo nga akong pinagloloko riyan Angel! Kilala kita."

"Ano'ng pinagsasabi mong niloloko? May lakad nga talaga ako mamaya kaya hindi ako puwedi. Next time na lang ako, ha?

"Ano ba sa idea ng lakad natin mamayang gabi ang ayaw mo? Iyon bang bar ni Aidem o si Aidem mismo?" Seryoso nang tanong nito kay Angel.

"May lakad lang talaga ako, okay."

"Kung iyan ang dahilan mo, kanselahin mo na, dahil sa amin ka sasama mamaya and thats an order!"

"Sumusobra ka na Dylan, ha! Hindi na oras ng trabaho iyon, kaya ako ng may karapatan magdesisyon kung saan ako pupunta mamayang gabi. Isa pa, nagawa ko na halos lahat ng dapat gawin sa mga plano."

"Like I said, I'm your boss and that's an order, Ms. Onasna!"

"Sa inis niya rito ay mabilis niyang dinampot ang note pad na nakapatong sa office table nito at padabog na tumayo para iwanan na at lumabas sa opisina ng kaniyang magaling na boss. Hanggang makarating sa sarili niyang mesa ay naiinis pa rin siya rito. Ang walanghiya at talagang pinairal ang pagiging boss sa kaniya.

Isipin pa lang na magkikita ulit sila ng palakang iyon ay naiinis na siya. Matapos ang naging lakad nila sa pampanga two weeks ago ay hindi na sila ulit nagkita. Hanggang ngayon ay bitbit pa rin niya ang inis, yamot at asar.

Lahat na ng term na puweding itawag sa nararamdaman niya simula nang halikan siya nito sa sasakyan, ay nagpaligalig na sa utak niya kaya mas lalo siyang naiinis. Iyon ang unang beses na ginawa sa kaniya ni Aidem ang ganoon sa tagal na nilang magka-ibigan.

Kilala naman pati siya nito na party goer, mahilig mag-bar at makipagsayawan sa mga lalaking nakikilala niya. Pero bakit nang gabing iyon ay ganoon na lamang ang naging reaksiyon nito ng makita siyang nakikipag-sayawan sa bar na iyon.

Ang hindi niya maintindihan ay bakit kailangan siya nitong halikan ng basta na lang dahil lang sa sinampal niya ito. Aminado naman siya na iyon ang unang beses na nagawa niya iyon kay Aidem dahil talagang nabastusan siya sa ginawa naman nito na basta na lang pagyaya sa kaniya na umuwi na sila.

Kahit anong pang-aasar nito sa kaniya at kahit anong pikon niya ay hindi niya ito sinampal kahit kailan. Isa pa, pagkatapos nitong gawin sa kaniya iyon ay ni hindi man lang ito nag-sorry, bagkus sinabi pa nito na hindi ito mangingiming halikan ulit siya sa oras na may gawin siyang hindi nito magugustuhan.

MAAYOS niyang ipina-park ang dalang sasakyan sa heavens gate kung saan ang usapang bar na pupuntahan nila. Mahigpit na ibinilin sa kaniya ni Dylan kanina bago siya umuwi pagkatapos ng office hour ang usapan na ito.

Sinipat niya ang oras sa suot na relo. Alas diyes ang sinabing oras ni Dylan kanina pero kinse minutos na lang mag-aalas onse na ng gabi. Sinadya niya talaga na hindi pumunta sa takdang oras para lang asarin ito.

Binagtas niya ang lugar kung saan ang puwesto nila kapag doon nagkikita-kita at sadyang nakalaan na talaga iyon sa kanila. Binagtas niya ang hagdanang paikot para umakyat sapagkat nasa ikalawang palapag pa iyon.

Agad niyang natanaw ang tatlo niyang kaibigan si Dylan, Mond at si Aidem. Nang tuluyan makalapit sa mga ito ay pumuwesto siya ng upo sa tabi ni Dylan sapagkat magkatabi si Mond at Aidem. Iniwasan niya na magtama ang paningin nila ni Aidem dahil nasa katapat na puwesto lamang niya ito.

"Oh, ang buong akala ko hindi ka na pupunta kasi late ka na." Wika ni Dylan sa kaniya.

"Nakatulog kasi ako, boss!" Sinadya niyang lagyan ng pagkakariin ang salitang boss para ipakita rito na inis pa rin siya.

"Hindi na sana talaga ako pupunta kung hindi ko lang iniisip na sayang ang incentive ko kapag hindi mo ibinigay." Sabay ismid dito.

Totoo naman iyon para kay Angel na, manghihinayang siya kapag hindi niya nakuha ang incentive na iyon kay Dylan bilang secretary nito. Every month ay may incentive siyang natatangap mula rito at idino-donate niya iyon sa isang bahay ampunan.

Habang abala sila sa pag-uusap ni Dylan ay naisip niyang tanungin si Mond, nagtaka siya ng hindi siya pinansin nito at tila ang lalim ng iniisip kaya ipinaling niya muli ang paningin kay Dylan at inilapit ang bibig sa tainga nito para bumulong.

Ang nakamasid na si Aidem naman sa kanila ay agad naningkit ang mata ng makita niya kung paanong ilapit ni Angel ang bibig sa tainga ni Dylan. Sa tuwing ganito ang eksenang nakikita niya sa dalawa ay lihim na nagwawala ang puso niya.

Wala siyang dapat ipagselos dahil wala silang relasyon ni Angel maliban sa magkaibigan, pero ano'ng magagawa niya sa iyon talaga ang nararamdaman niya, dahil lihim siyang may pagtingin dito. Kung ibang lalaki siguro ang makikita niyang ginaganito ni Angel, malamang sa malamang na kanina niya pa ito binugbog.

"Buds, hoy!" Tawag pansin ni Dylan kay Mond. "Tinatanong ka ni Angel kung okay na ba iyong beach resort mo para sa plan A. Wala na ba tayong magiging problema sa location?"

"Ahm..., Yes naayos ko na ang lahat kaya wala ka nang dapat pang problemahin."

"Eh, ikaw, anong problema mo?" Tanong na ni Angel dito. "Parang ang lalim ng iniisip mo? Nandirito ka nga kasama namin pero parang wala ka rin?"

"Pasensiya na mga buds, iniisip ko lang si Sansky, lalo na iyong ikinilos niya kanina sa restaurant."

"How is she now? Siya ba iyong tumawag sa iyo?" Tanong pa rin ni Angel.
"Yeah, ayos naman na raw siya at nakuha naman daw niya sa pahinga."

"Kayo na ba buds? Iyong tanggap ni Sansky na kayo ha, hindi iyong ikaw lang ang assuming?" Si Aidem naman iyon nagtanong.

"Gago ka buds! Ang savage mo talaga." Wika naman ni Dylan.

"Well, sa totoo lang. ako pa rin iyong pretending sa amin dalawa. Pero ayos lang kasi alam ko naman na malapit na siyang bumigay sa kakulitan ko at kaguwapuhan ko higit lalong sa ngiti ko."

"Iba ka rin talaga palang tamaan ni kupido. Hindi nga buds, totoo na ba na ikaw iyan?" Tumatawang pang-aasar ni Angel kay Mond.
"Oo naman. Ako naman talaga ito, tsaka may motto ako sa buhay so, dapat panindigan ko iyon, di ba? Ewan ko lang ba kay Sansky kung bakit parang may allergy kapag relation between me and her ang pinag-uusapan at lalo pang naaalibad-baran kapag iyong sa kasal na ang binabangit ko."

"Well, good luck sa iyo, I mean sa inyo palang dalawa ni Dylan." Sabay tawa ni Angel. "Kaloka kayong dalawa. Sinong mag-aakala na mag-bestfriend pa pala iyang nagpaligalig sa puso ninyo?

"At sobrang swerti mo Dylan kasi pati si Ysmiellien na kapatid ko kaibigan nila rin pala. Hindi ko pa malalaman na sila ang mga kaibigan ni Ysmiellien na palaging niyang bukambibig sa akin kung hindi dahil sa Sealandia na pinuntahan ni Rhaime."

"Ah, basta. I want Sansky to be mine, by hook or by crook. Kung kinakailangan ko siyang kidnapin gagawin ko, lalo pa ngayon na nag-e-expect na si mama nang kasal sa amin ni Sansky. So, just incase I need your help too."

"No problem buds, basta rito muna tayo mag-pokus sa plano ng kasal ni Dylan." Ani Angel ulit kay Mond. "Anyway buds" sabay tingin nito kay Dylan naman.

"May kinausap pala akong flower botique after ko makipag usap kay Sansky at Mond. Kinontrata ko sila na mag- deliver kay Rhaime ng rose flower three pieces two times a day sa office nito at sa bahay niya. Kasama sa plano ko iyon."

"Do, what ever you want Angel, basta siguraduhin mo na rito pa lang sa plan A magtagumpay na tayo. Kinakabahan talaga ako."

"Don't worry buds," sabat na ni Aidem na hindi na nakatiis na sumali sa usapan nilang dalawa. "Kapag pumalpak itong si Uling sa plano niya na ito sa inyo ni Rhaime, ako nang bahalang magparusa sa kaniya para sa iyo."

"Nakikita mo ba itong bote ng black label na ito? Sabay turo sa bote ng alak na nakapatong sa mesa. "Kapag ito pinukpok ko sa ulo mo ngayon titiyakin ko na bukas na ang gising mong Palaka ka, iyon ay kung magigising ka pa. Kaya puwedi ba, manahimik ka riyan!" wika ni Angel sabay irap dito.

Natatawa lang sa kanilang dalawa si Mond at Dylan habang pinapanood sila kung paano sila mag-asaran.

"Ibinigay ko sa iyo ang credit na tawagin akong palaka kasi alam ko naman na sa lahat ng mukhang palaka ako ang pinaka guwapo sa paningin mo ayaw mo lang aminin, di ba?" Sabi naman ni Aidem kay Angel na ang lapad ng pagkakangiti. Halata rito na nang-aasar lang naman.

"Excuse me lang ha! Huwag ka ngang pilingero riyan. Sa inyong tatlo ikaw ang talunan sa physical look. Mas guwapo sa iyo si Dylan at Mond."

" Owww..., talaga lang ha?" Asar pa nito lalo kay Angel.

"Oo, bakit?

"Hmp...., kunwari ka pa."

"Hoy! Si Dylan may mga matang mapupungay, na titig pa lang kahit hindi magsalita mahuhulog na ang panty ng babae, siyempre, maliban sa akin, ha.

"Si Mond naman, may ngiting pamatay na tulad nang sa akin, na tiyak kapag iyan na ang nakita ng babae kahit siguro anong galit ng babae sa kaniya kapag na ngitian niya wala na, laglag na panty sa harapan niya, maliban ulit sa akin.

"Pero ikaw," saglit siyang huminto sa pagsasalita na tila nag-isip pa. "Hmm...., ano bang mayroon sa iyo na puweding malaglag ang panty ng babae?" Sabay tumawa nang tumawa. "Kapag ang panty ko nagawa mong maihulog naniniwala na akong may panty ngang puweding mahulog sa iyo." Sige pa rin ang tawa nang pang-aasar dito.

Naningkit naman ang mata ni Aidem sa sinabi ni Angel. "Want to try me?"

"Ikaw? Never mind palaka, you're not my type kahit pang-kama lang."

"Tama na nga iyan! Para kayong mga bata." Sita ni Mond sa kanila. "Kayong dalawa, kapag magkakasama tayo hindi puweding wala kayong iringan."

"Your mouth Angel. Tingnan mo si Aidem mukhang gusto ka nang kainin ng buhay, oh?" Sabi naman ni Dylan dito.

"Mga buds, ang tatagal na natin magkaka-ibigan okay, hindi pa rin ba kayo sanay sa akin? This is me the real me. Kapag ako nakitaan ninyo ng pagbabago the way I talk hindi na ako iyon. Tsaka itong palakang ito. Na sinabayan niya pa ng turo ng daliri. "Kung si Aidem din lang huwag na lang noh!"

"Well buds," wika ni Dylan ulit. "Sa pagiging ganiyan ninyo, hindi malabong magka-developan kayo. Baka kayo rin sa pala sa huli."

"Oo nga." Segunda naman ni Mond. "Bakit hindi mo ligawan si Angel, Aidem. Tutal kayo na lang ang single sa atin apat. Kayo na lang nga at magandang idea iyon di ba, Huwag na kayong lumayo."

"Gago!" Singhal ni Angel kay Mond. At hindi niya hinayaan na makasagot pa si Aidem sa tanong ni Mond. Agad na siyang nagsalita at tiningnan si Aidem ng seryoso.

"Huwag na huwag mong susubukan na ligawan ako palaka, kahit sa panaginip lang, kung ayaw mo magulo ang mundo natin pareho."

"Paano kung ligawan nga kita?Pahihintulutan mo kaya ako na pasukin ang puso mo Angel?" Seryoso at matiim siyang tinitigan din nito.

Biglang tumayo si Angel nang padabog na ikinagulat nilang tatlo.

"Damn! Ayoko na nang topic at uuwi na ako." Sabay talikod sa mga ito at may pagmamadali sa kilos para iwanan na ang mga kaibigan.

"Hala, anong nanyari roon?" Tanong ni Mond na kay Dylan nakatingin. Kibit balikat lang ang isinagot nito kaya sabay silang tumingin kay Aidem.

Dahil sa ikinilos naman ni Angel ay mabilis din na tumayo si Aidem para sundan ang dalaga at di na pinansin ang makahulugan tingin ni Mond at Dylan sa kaniya.

Nang maabutan niya si Angel sa baba ay agad niyang hinatak ang braso nito para tuluyan huminto sa paglakad.

"Angel, wait! Saan ka pupunta?"

"Ano ba? Bitiwan mo nga ako." Pilit niyang hinihila ang braso sa pagkakahawak nito pero mas lalo pa iyon hinigpitan ni Aidem sa pagkakahawak.

"Nasasaktan na ako sa kapit mo ha, baka akala mo? Bitiw na kasi, ano ba?!

"Ayoko! Matigas na wika niya rito. Hindi ka aalis hangat hindi tayo nag-uusap ng maayos."

"Wala tayong dapat pag-usapan Aidem."

"Akala mo lang wala, pero mayroon. Halika! hinatak niya si Angel pero dahil nagmamatigas ito at pilit pinipigilan ang ginagawa niyang paghila rito ay napilitan na siyang buhatin ito at tila batang isinampay sa kaniyang balikat.

"Bullshit Aidem! Put me down!" Pinaghahampas niya ang likokd ng binata at pilit naglumikot.

Sa inis naman ni Aidem dito ay hinataw niya ito sa puwet. "Huwag ka ngang malikot!"

"Shit ka! Aidemiel Villacorta. Humanda ka talaga sa akin mamaya oras na maibaba mo ako! Saan mo ba ako dadalhin bwiset ka?!" Sa sobrang inis na niya talaga rito ay kung anu-ano ng mura ang nailabas nang bibig niya.

Nang makarating sa kaniyang pribadong silid ng bar niya na iyon ay nun pa lang niya inilapag ang dalaga na agad siyang pinaghahampas sa dibdib at sa braso.

Ang lahat ng mga club at bar na pag-aari niya ay may nakalaan talaga na private room para sa kaniya. Dahil nga sa madalas na sa mga bar niya siya nagpapalipas ng gabi at aminado rin naman siya na sa mga pribadong silid niya dinadala ang mga babaeng willing magpatikim sa kaniya.

"Bakit mo ako rito dinala?" Na sige pa rin ang hampas sa kaniya.

Hinuli niya ang mga kamay ng dalaga na sige pa rin ang hataw. "Gusto lang talaga kitang maka-usap ng maayos."
"Wala nga tayong dapat pag-usapan!" sabay hila sa kamay niyang hawak nito. "Tsaka kapag magka-usap tayo walang matino kaya huwag na lang tayong mag-usap."

"Please, Angel." Naging malumanay ang tinig nito at ang mga mata nito ay kakikitaan ng kaseryosohan habang matiim na nakatingin sa dalaga. "Nang tinanung ko iyon sa iyo kanina seryoso ako."

"Ang ano ba kasi?!" Itinanong pa rin niya iyon kahit alam naman niya kung ano ang tinutukoy nito. Ayaw lang niyang seryosohin at pilit iniisip na nagbibiro lang ito.

"Let me in to your heart."

Tumawa siya ng pagak sa sinabi ng binata. "You know my rules Aidem, kaya huwag mo ng subukan, pakiusap lang at isa pa magkaibigan tayo. We're buddy almost a decade since college days. So, anong nakain mo at bigla kang naging ganiyan? Nag-aadik ka na ba? Anong alak ang tinira ninyo? Ang pangit ng tama sa iyo, eh."

"Damn it! Seryoso ako Angelzy kaya magseryoso ka naman din."

Hindi muna siya agad nagsalita, bagkus pinakatitigan niya ang mata nito na diretso rin nakatingin sa kaniya. Pilit niyang hinanap ang lalim at sinseridad sa mga salita nito. At natakot siya sa nakita mula roon.

"Hindi mo gugustuhin na magseryoso ako kung ipipilit mo ang gusto mo, kaya pakiusap kalimutan mo na iyan sinasabi mo."

"Ayoko!" matigas at may riin sa tono ng pagkakawika nito.

Huminga si Angel ng malalim at tsaka bumilang sa utak habang nakikipaglaban ng titigan sa mata ng binata. Umaasa siya na sa paraan na iyon ay makukuha niya ito sa tingin. Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa kanila na, animo'y may dumaang anghel sa kanilang pagitan. Isang desisyon ang naisip niya na sa palagay niyang tama. Ito lang ang tanging paraang alam ko. Aniya pa sa kaniyang sarili. Kinabig niya ang kuwelyong suot ni Aidem palapit sa kaniya at tsaka sinungaban ang labi nito para halikan.

Tila hindi naman nagulat ang binata sa kaniyang ginawa bagkus ay sinalubong niya ang halik ni Angel. Isang halik na maalab agad sa umpisa pa lamang. Labi sa labi, dila sa dila. Hinayaan halukayin ng kaniyang sariling dila ang kaloob-looban ng bibig ng dalaga at kapag nahuhuli niya ang mga dila nitong naglulumikot rin sa kaniyang bibig ay walang pangingimi niyang sinisipsip iyon. Bahagyang naghiwalay ang kanilang mga labi para saglit na huminga.

"Alam kong ito lang ang gusto mo di ba? Go, Aidemiel do it!"

Muli siyang kinabig ng binata para halikan. Sa gitna ng halikan nila ay ang unti-unting paggabay niya dito sa kama para dalahin. Inihiga niya ito na patuloy pa rin sa paghalik sa labi nito. Pinagapang niya ang labi patungo sa leeg nito. Ang mga kamay ay nag-umpisa na rin namging abala sa paghawak sa dibdib nio na natatakpan pa ng saplot na suot.

"Ipalalasap ko sa iyo ang isang kakaibang karanasan na ngayon mo lang mo mararanasan at titiyakin ko na sa akin mo lang hahanap-hanapin wala ng iba." Aniya sa mga tainga nito. Sapagkat hindi ako papayag na may iba pang lalaking makaniig mo pagkatapos ng gabing ito. Sa sarili na na lamang niya iyon sinabi at hindi na ipinarinig pa kay Angel.

Inumpisahan niyang hubarin ang suot na blouse nito at hinayaan muna ang suot na bra. Inayos niya sa pagkakahiga sa kama si Angel at sa gitna ng mainit nilang halikan ay inabot ng kanang kamay niya ang isang malaking panyo na kulay pula na nakapatong lang din s kama. Itinali iyon sa mata ng dalaga para piringan ito. Akma sanang pipigilan ni Angel ang kamay ni Aidem dahil sa ginagawa nito pero maagap siyang sinaway nito.

"What are you doing Aidem? Bakit kailangan mo akong piringan pa?"

"Let me do it to you Angel and I promise I will satisfied you."

Matapos siya nitong piringan ay isinunod nito ang dalawang kamay niya na itali pataas sa bandang uluhan niya at tsaka itinali rin ang kabilang dulo niyon sa head board ng kama nito.

Shit Aidem! A-anong ginagawa mo. B-bakit kailagan mong gawin iyan." Halos mautal na siya sa pagsasalita dahil sa mga ginagawa nito sa kaniya. Pero sa kabila niyon ay ang pagbulusok ng kakaibang excitement sa kaniyang pakiramdam.

"Shhh," saway ni Aidem kay Angel. "Hayaan mong gawin ko ito sa iyo. Dont worry baby titiyakin ko na magugustuhan mo ang gagawin ko."

*****rhaime22*****

Author's note: Oooppsss hinga muna tayo guys. Thank you for reading my update and don't forget to vote this chapter. Wab you all Rhaime-ians. Mwahhh. Get ready for my next update.... Keep safe always....

Continua a leggere

Ti piacerร  anche

4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
600K 15.8K 29
Miguel Santillan and Cristina Salcedo story๐Ÿ–ค
161K 3.4K 24
R18 || Matured Content || COMPLETED Lauren returns to their hacienda for a week of vacation, then he met Kenzo, the hunk wine maker working for her g...
572K 15.4K 32
|R-18| SPG [COMPLETED]โœ“ Billionaire Series #1 Started: February 16, 2021 End: March 13, 2021 Living her life peacefully not until the news came. Gula...