Say You Love Me

By dizzy-gurl

6.5K 162 96

The Irony: Dash has been chasing her first love of 5 years, Chase Conrad Villegas. Ginagawa niya ang lahat ma... More

Say You Love Me
CHAPTER 1: High School Love
CHAPTER 2: Hello Mahal, I Exist!
CHAPTER 3: Hindi Ako Stalker!
CHAPTER 4: #OplanMakeChaseFallInloveWithMe
CHAPTER 5: Contract Signing
CHAPTER 6: Servant Duties
CHAPTER 7: Meeting Kyle
CHAPTER 9: Failed Stalker!
CHAPTER 10: 1-on-1 with the (Future) Brother-in-Law
CHAPTER 11: My Ideal Guy
CHAPTER 12: Dash's Male Version
CHAPTER 13: Ai - "Love"
CHAPTER 14: Someday
CHAPTER 15: Emotions
CHAPTER 16: Unanswered Questions
CHAPTER 17: Kuya Headphones
CHAPTER 18: Gayuma
CHAPTER 19: Amazed
CHAPTER 20: Make Him Jealous
CHAPTER 21: Effort
CHAPTER 22: Best-est Day
CHAPTER 23: Cynical
CHAPTER 24: Ruckus
CHAPTER 25: One Time Big Time

CHAPTER 8: Size Doesn't Matter!

210 7 0
By dizzy-gurl

[A/N]Super slow update, mygehd XD Anyway, enjoy this chapter. Haha! :P

Mabuti na lang at mabilis kong natakbo mula Activity Building papuntang Engineering Building! Papasok pa lang ako ng building nila ng maabutan ko ang barkada ni Chase. Napansin kong hindi nila kasama si Queenie. Yes!

"Chase!!!!" tumakbo ako papalapit sa kanila.

"Yo Ms. Chaser! Nandito ka ba para ihatid ulit si Chase sa bahay nila?" pano nalaman ni Joshua na hinatid ko si Chase sa bahay nila kahapon?! Lokong Chase to. Nagkekwento!

"Buti at naabutan mo kami Cookie Girl. Mukhang mahirap pa naman hagilapin itong si Chase kapag nawala siya sa paningin mo. Hehehe" kung kay Joshua, "Ms. Chaser" ang pangalan ko, "Cookie Girl" naman ako kay Art. Ang dami ko ng pangalan ha.

Eh si Chase kaya? Ano kayang itatawag niyang pangalan sa akin? "Mahal"? "Wifey"? "Honeybunch"? "Darling?" "Boo"? o "Loves"?

Iniisip ko pa lang yung mga terms of endearment niya sa akin, kinikilig na ako! <3

Which reminds me, never pa akong natatawag ni Chase sa pangalan ko. Pero sure na naman akong kilala na niya ako by my name.

"Hoy Stalker," hindi pa ako tapos sa pagde-day dream ko ng bigla niyang iniabot sa kamay ko yung mabigat niyang bag. Hindi na siya nakipag-agawan ng bag sa akin dahil alam niyang aagawin ko din ito sa kaniya. Hehe. "Kung ano man yang iniisip mo, itigil mo na yan. Mukha kang tanga na nakatitig sa kawalan."

Stalker? Bakit yun ang terms of endearment niya sakin?!

"Sinong stalker? Hindi ako stalker!" pagmamaktol ko dito.

"Shut up. Let's go."

Ubod talaga sa kasungitan ang lalaking to. Magpaganun pa man, inlove na inlove naman ako sa kaniya. Asset niya kasi yung pagiging masungit niya para sakin. Haiii. Masokista na nga atang talaga ako pagdating sa pag-ibig.

"Oi Chase sunod ka na lang mamaya ha?" pamamaalam ni Art.

"Sumama ka Ms. Chaser ha!" pahabol naman ni Joshua.

Umo-o na lang ako kahit hindi ko alam kung saan ang lakad nila mamaya. Tinatanong ko si Chase kung saan sila pupunta mamaya, pero hindi niya ako sinasagot. Well either or, makakasama pa din naman ako sa kaniya mamaya dahil ayon nga sa contract, ihahatid ko siya sa bahay nila sa ayaw man niya o hindi dahil kung hindi siya susunod sa kontrata, may parusa itong katapat. Baka bukas isang araw magising na lang siya na kalat na yung mga "Princess Chase" pictures niya sa buong University..................

"Hoy, tulala ka na naman. Yung mga libro sa lamesa, dalhin mo. Hihiramin ko lahat yan."

Nasa library kami ngyon. Nakita kong isa-isang inilalagay ni Chase yung mga librong hihiramin niya sa table. Around 5 books ang nasa harap ko, at lahat ng iyon ay hard bound pa! Jusko, kaya niyang bitbitin yun?!

"Ang dami mo namang hihiramin! Kaya mo bang bitbitin lahat ng yan?" may pagaalala sa tanong ko. Eh paano kung sumakit ang katawan niya sa pagbubuhat nun?

"Sinong nagsabing ako magbubuhat ng mga yan? Diba servant kita? Ikaw magbubuhat lahat ng yan." tumaas pa ang kilay nito habang nagsasalita. "Oh bakit? Baka nakalimutan mo na?"

Inemphasize pa niya yung "Servant". Oo nga pala, how could I forget that!

"Yes kamahalan! Sorry for forgetting. Patawarin niyo po sana ako."

"Pfshh. Whatever." Nagpatuloy ulit siya sa paghahanap ng libro. Seriously, kulang pa tong 5 hardbound books sa harap ko?!

"Bakit ang dami mong hihiramin na libro?"

Tinignan ko yung mga librong kinuha niya. Lahat ay may kinalaman sa Astronomy. Woah, mahilig din sa ganitong subject si Chase? We must be soulmates! <3

"Mahilig ka din sa Astronomy? Ako kasi oo. Mahilig ako sa stars and planets!" excited kong sinabi sa kaniya. Who knows, magkaroon siya ng pakealam sa hilig ko diba? Ehehe.

"Hindi ako mahilig jan. At wala akong pakealam sa mga hilig mo. Sa Kuya ko yang mga iyan."

"Eh bakit ikaw ang humihiram?"

"Nag-max na kasi yung books na pwede niyang hiramin sa Book Card niya kaya ako na ang humihiram ng books para sa kaniya. Hindi naman kasi ako mahilig magbasa ng libro kaya pwede ko pang gamitin yung Book Card ko."

Woah..... yun na yata ang pinaka-mahabang paguusap namin ni Chase. Infairness, hindi isang linya yung sagot niya! Wooo! Our relationship must be improving. Nadadaan siguro ng pag-a-Anito Dance ko sa tapat ng altar niya na ginagawa ko gabi gabi!

"Hoy! Mukha kang tanga jan na tumatawa ng mag-isa." Biglang bumalik yung pagkairita sa boses ni Chase. Ang bilis talaga uminit ng ulo nito.

"Masaya lang ako kasi for the first time, nagkausap din tayo ng may sense. Hehehe." Masaya kong sagot sa kaniya. Eh masaya naman kasi talaga ako. Wag siyang panira!

"Whatever. Tara. Yan na lang siguro hihiramin ko."

Mabuti na lang at hindi na nadagdagan tong mga librong ito. Maliban na sa mabigat na ang bag ni Chase (ewan ko ba kung anong laman nito, sobrang bigat! Feeling ko tuloy may katawan sa loob ng bag niya), mabibigat na libro din ang bibitbitin ko. At talagang hindi ako tinulungan ni Chase sa mga bitbit ko. Kita nang ang dami kong bitbit, hindi pa niya ako nagawang pagbuksan ng pinto. At imbes na ipagbukas ako ng pinto, hinahayaan lang niya ako na masaraduhan ng pinto! Hindi ba niya nakikitang nahihirapan akong buksan ang pinto dahil sa dami ng bitbit ko? =_= Tapos hindi pa niya ako sinasabayan sa paglalakad. Sa sobrang bilis niyang maglakad, naiiwan ako. At dahil ayoko namang maiwanan niya, tumatakbo ako para masabayan ko siya.

Tumatakbo habang madaming bitbit. Beat that.

Hindi naman sa nagrereklamo ako.. it's just that sana makaramdam siya. Kahit naman na antipatiko at ubod siya ng sungit, sana man lang may natitirang getleman-ness sa katawan niya.

Pero sino nga ba naman ako para magreklamo? Eh ginusto ko naman ito. -_- At dahil mahal ko siya, titiisin ko lahat ng sakit! Physically and emotionally!

As usual, hindi na naman niya ako pinapansin habang nagcocommute kami papunta sa lugar na hindi ko alam kung saan. Panay ang kwento ko sa kaniya, panay naman ang pandedeadma niya sa akin. Well, pinapansin naman niya ako minsan. Pero puro glare lang ang natatangap ko sa kaniya. Kung hindi naman niya ako tinitignan ng masama, binabara lang niya ako like:

"Ang ingay mo!"
"Shut up!"
"Hindi ako interesado."
"Stalker!"

Tumigil ang taxi na sinasakyan namin sa tapat ng isang bar. So... dito pala sila tumatambay ng barkada niya. Malapit lang din sa private subdivision nina Chase. Sinundan ko si Chase sa paglalakad ng bigla kong naramdamang may humawak sa balikat ko.

"Miss, yung bayad mo." Si Kuya Taxi driver pala ang tumapik sa akin.

"Eh?! Hindi pa po ba nagbabayad yung lalaking kasama ko?" pagtataka kong tanong sa Taxi Driver.

"Lalapitan ba kita kung nagbayad na kayo?" medyo nauubos na din ang pasensya nung Taxi Driver. Tatawagin ko sana si Chase pero wala na si Chase sa harap ko. Nakapasok na siya sa loob ng bar! "Miss, magbayad ka na. Nasasayang yung oras na sana eh naghahatid na ako ng pasahero ngayon oh!"

Tumataas na ang boses ni Manong Driver! At pinagtitinginan na kami ng mga tao.. kaya naman para matapos na ang problema, binayaran ko na lang si Manong Driver. Ayun, simot ang allowance ko for 1 week huhuhu.

Isang malaking bar itong pinuntahan namin. May "Lounge" na nakapaskil dito. Pagkapasok ko sa loob ng bar ay agad ko namang nakita kung saan nakatambay sina Chase. Naka-pwesto sila sa may veranda sa may 2nd floor. Nakita ko pa ngang may mga kasama silang babae sa table eh. Grrr! Yung isang babae, grabe kung makakapit kay Chase!

"Cookie Girl! Nakasunod ka!" masayang bati sakin ni Art. Tinignan ko lang siya ng masama dahil... ewan. Iritado ako eh.

Masaya silang naguusap at nagtatawanan habang ako naman ay nandito lang sa sulok na pinapanood sila. Na-OOP kasi ako eh. Hindi ko masundan topic nila. Hindi ako sure kung sinasadya ni Chase na ma-OP ako. Pero one thing's for sure, hindi ako natutuwa sa ginagawa niya.

Ibang Chase ang nakikita ko ngayon. Masyado siyang madaldal at lively. Hindi yung cold, emotionless and monotonous Chase na nakakausap ko sa school. At first time ko din siyang nakitang tumawa ng malakas. Pero thank Gad at hindi yung mga babaeng kumakapit sa kaniya ang dahilan ng malakas niyang pagtawa. Actually, napapansin ko na sa tuwing kumakapit sa kaniya yung babaeng mukhang hipon (sexy kasi siya, pero hindi siya maganda.......), tinatangal nito yung kamay sa mga braso niya. Sinusungitan din niya ito. At dahil sadyang malandi yung babaeng hipon, tila siya naturukan ng sobrang daming anestisya - sobrang manhid niya. Hindi siya nakakaramdam na ayaw sa kaniya ni Chase.

I'm so proud of you, Chasie my Labs! Tama iyan, wag ka basta bastang pumatol sa mga tulad nila! Dapat sa akin ka lang ma-Fall in Love... sa akin lang!

Isa-isa ng nagsi-alisan yung mga babaeng kasama nila.. May binulong si Girl Hipon kay Chase. Nairita ako dahil maliban sa nagawa niyang makalapit ng sobrang lapit kay Chase, for the first time ay napatawa niya ito ng sobra.

Shit, ano kayang sinabi niya kay Chase nagawa niya ito mapatawa ng sobra? Don't tell me..... don't tell me nadedevelop na siya kay Girl Hipon? Bumigay siya sa karismang taglay ni Girl Hipon???? Noooo!!!!

Ah. Imposibleng magustuhan niya yung babaeng yun.. dahil una sa lahat, malayo iyon sa standards na gusto niya. Pangalawa, hindi siya si Aira Mae Flores kaya there's no way na magkakagusto siya doon. Eh si Aira Mae Flores lang naman ang babaeng may kakayahan na mapalambot ang pusong bato ng taong mahal ko eh.

Pero dibale, dadating ang araw na ako na ang papalit sa posisyon ni Aira Mae Flores. Na ako lang ang kaisa-isahang babae na magpapalambot sa puso ng pinaka cold, masungit, at stone hearted person na si Chase.

"Hoy Stalker," nakangiti si Chase ng tinawag niya ang pangalan ko.

"Yes?" nag-beautiful eyes pa ako sa kaniya. Todo pa-cute ang lola mo. Bigla namang nawala ang mga ngiti sa mukha niya nung ginawa ko yun. Chi. Hindi man lang tumalab ang pagbe-beautiful eyes ko sa kaniya.

"Pwede ba, wag mo ngang uulitin yang ginawa mo. Kakakilabot eh!" humawak ito sa braso niya at nanginig. Ang sama. T^T "May papabili ako sayo. Bilhin mo lahat yung nakalagay sa papel na to."

Pinatong niya sa harap ko yung papel. Kinuha ko naman ito at tinignan yung listahan na sinasabi niya. Nanlaki ang mga mata ko, at pakiramdam ko ay sobrang namula ang pisngi ko ng mabasa ko kung ano ang nakasulat sa listahan.

Seryoso ba siya dito?!

"Eto? Bibilhin ko tong mga to? Sure ka?" Hindi ko pinahalata sa boses ko ang pagkabigla. Keep it cool!

He then flashed his victourous smile at me. "Oo. Bakit? Di mo kaya?"

Bakit ba parang feeling ko ay chinachallenge niya ako? Ako pa talaga ang chinallenge niya. Aba, hindi ko siya uurungan!

"Sus, parang ito lang. Oo naman kayang kaya!" then I gave him my most precious smile. Syempre hindi ko dapat ipakita sa kaniya na naghehesitate ako sa pinapagawa niya sakin.

"Ano ba kasi yang pinapabili mo Chase?" usisa ni Art.

Kinuha naman ni Joshua ung listahan sa akin at binasa. "3 Condom, 4 Lubricant. Pre? Aanhin mo tong mga to?!"

Natawa sina Art at Joshua after nilang basahin kung ano ang nakasulat sa listahan. At nanumbalik na naman ang pamumla ng pisngi ko. Bakit parang ang casual lang sa kanila mapagusapan ang maselan na bagay na yun??!!

Ah.... boys.

"Ano pang inuupo-upo mo jan? Bili na!" ngumingisi pa si Chase habang inuutusan ako.

"Okay" maikli ko namang sagot.

Naririnig ko pa din ang pagtawa nung tatlong ugok na yun nung nakalabas na ako ng bar. Hindi ko na lang sila pinansin at sinunod ko na lang yung utos sa akin ni Chase.

Nagpunta ako sa pinakamalapit na convenience store at binili yung mga pinapabili sa akin ni Chase. Dyahe nga lang dahil ang dami pang tao sa may counter. Makikita nila yung mga bibilhin ko. Ang masaklap pa dito, ang dami ng bibilhin ko. Hindi normal! Baka isipin nila na sex addict ako or something........ and what's worse is, babae ako! Ako pa talaga ang bumibili nung mga yun. Waaaah!

Keep it cool Tiffy, keep it cool. Wag mo na lang pansinin yung mga iisipin ng mga tao sa paligid mo. Isipin mo na lang na once in their lifetime ka lang nila makikita at hindi ka nila maalala or makikilala. At wala din ang nakakakilala sa iyo dito. Oo tama, yun na nga.

Patay malisya akong nagpunta sa may counter at binili yung nasa listahan. Nagulat pa nga yung matandang babae na nasa kabilang pila at narinig ko pang sinabi niya: "Tsk. Mga kabataan ngayon. Mga mahihilig!"

Eh hindi ko naman gagamitin yung mga yun! Ewan ko ba kay Chase kung bakit niya sakin pinabili to.. aanhin ba niya kasi to?! Hindi ko na lang sinagot yung matanda dahil baka lalo lang isipin nila na guilty ako.

Saktong inaabot na sa akin ng tindera yung transparent plastic na may laman na condom at lubricant (utang na loob, bakit transparent ang plastic na gamit nila dito?!) ng biglang may kumalabit sa braso ko.

"Yo!" nakangiting bati sa akin ni Kyle.

Anong ginagawa niya dito?! Sa dinami-dami naman ng makakakita sa akin, si Kyle pa oh. >_< Naka-shirt at shorts lang siya at nakatsinelas lang din. Sa porma pa lang niya, obviously na dito lang siya sa area na ito nakatira. Infairness kay Kyle, kahit naka-pambahay lang siya ay ang cute pa din niyang tignan.

"Hello!" kinawayan ko naman siya. Kaso bigla akong napatigil sa pag-kaway ko ng napansin kong natatawa si Kyle sa akin. Natatawa siya habang nakatingin sa kanang kamay ko.... Na may hawak na transparent plastic. Na may laman na condoms at lubricants.

Nasaan na yung mga alien na hihigop sakin papuntang planet Saturn?! Magpakita kayo sakin, ngayon na!!!

Agad kong tinago sa likod ko yung hawak na hawak na plastic. Dyahe naman oh. Natatawa pa din si Kyle sakin. Please, stop laughing. Ang cute cute mo kasi kuya!

"Parang kakakita lang natin kanina ah? Do you live near here?" nagpipigil pa din si Kyle sa pagtawa. Alam ko dahil may pagnginig sa boses niya! But at least he has the decency to cover up my embarrassment. Nakakahiya kasi yung nangyari sobra! Huhu.

"Ah.. hindi. Taga-North ako. May dinaanan lang ako. Sige ha? Una na ako. See you nas lang sa school!!" sabay karipas ko ng takbo palabas ng convenience store.

Phew! Buti na lang nakalayo na ako ng convenience store na yun. Pakiramdam ko kasi ay lalamunin ako doon ng buhay sa sobrang kakahiyan na nararamdaman ko!

Nang nakabalik na ako sa Lounge, napansin kong masayang nagtatawanan sina Art, Joshua and Chase. Lalapit na sana ako sa may table nila ng bigla akong napatigil ng narinig kong nabangit ni Chase ang pangalan ko.

OMG, pinaguusapan nila ako!

Baka kinukwento ni Chase sa kanila na nafafall na din siya sa akin at nagbabalak na siyang magpropose sakin. <3 nagtago ako sa may sulok at nakinig ako sa pinaguusapan nila.

JOSHUA: seriously dude, bakit mo pinagawa kay Dash yun? Kababaeng tao, pinagbili mo ng condom at lubricant?
ART: correction, "mga" condom at lubricant. Sobrang tawang tawa ako nung nabasa ko yung listahan. Nakita mo ba yung itsura ni Dash habang binabasa natin kanina yung listahan? Sobrang pula ng pisngi niya. Priceless!
JOSHUA: oo nga sobrang priceless nga nun kanina. Ano ba kasing napasok sa isip mo Chase at pinagawa mo sa kaniya yun?
CHASE: wala lang. Gusto ko lang siyang pahirapan para tantananan na niya ako sa pangungulit niya. Baka kasi sakaling effective ang pagpapahirap at pamamahiya ko sa kaniya eh. Who knows after nung pinautos ko sa kaniya, hindi na yun bumalik dito.
ART: ooh. Medyo bad boy tayo ah, Mr. Villegas
JOSHUA: pero infairness dude ha? Bilib ako jan kay Ms. Chaser. Kakaiba talaga eh. Biruin mo, siya lang yung fangirl mo na walang hiya? After mong bastedin at pagtabuyan, hindi ka pa din niya nilulubayan. Sobrang persistent niya! Unlike your other fangirls, after mong i-reject, bigla na lang silang mawawala.
ART: at iba din yung tactic na ginawa niya sayo ha? Sa totoo lang, nakakasawa na yung mga love letters eh. So old school and boring. Yung sa kaniya kakaiba eh. I like her.
JOSHUA: at masarap pang magbake!
ART: tama!
CHASE: edi sa inyo na siya. Hindi naman ako interesado sa kaniya. Ayoko sa kaniya. Masyadong desperado. Hindi naman siya naiba sa ibang babae jan.

So iyon pala ang dahilan kung bakit niya ako pinagbili ng mga to... now I know the truth behind it. Sorry Mr. Chase Conrad Villegas, pero hindi mo ako madadala sa cheap trick mo. Oo, napahiya nga ako sa pinagawa mo sa akin pero hindi ibig sabihin nun at lulubayan na kita. Ngayon pa, kung kelan nakuha ko na ang atensyon mo? That only shows na success ang plano ko na mapansin mo ako!

At kahit na ilang beses na akong napahiya sa harap niya at ng mga kaibigan niya, ayos lang sakin. It's a good sign na din dahil nakuha ko na ang boto ng mga kaibigan niya. Konti na lang at makukuha ko na din ang puso mo, Mr. Chase Conrad Villegas!

Lumabas ako sa pagkakatago ko at nagpunta sa table nila. Nakangiti lang ako nung umupo ako sa tabi ni Chase, ipinatong ang dalang plastic at isa-isang ipinatong sa harap niya ang mga pinamili kong condoms at lubricants. Napatingin naman sakin si Chase na parang gulat at hindi makapaniwalang nagagawa ko pang ngumiti sa tabi niya.

Sabi ko nga kasi sayo Chasie my Labs, hindi mo ako madadala sa cheap trick mo. :3

"Ui! Kamusta ang experience?" pang-aasar ni Art.

"Ayos lang. Normal lang naman bumili ng condom at lubricant sa convenience store ah. Parang bumibili lang naman ako ng candy kanina. Namimili pa nga ako ng flavour eh!" masaya ko namang tugon sa kaniya.

"Pfhhh fufufufufu candy~~~~" eto na naman si Joshua sa pagtawa niya. Pasalamat siya at narinig ko yung sinabi niya kanina tungkol sa akin. Kung hindi, nabatukan ko na tong lalaking ito.

"By the way Chase, uuwi na ako at late na din kasi. Nabili ko na yung pinapabili mo at nasa loob ng plastic bag yung sukli at resibo," Isa-isa kong iniaabot sa kaniya yung mga condom at lubricant. Nakatitig lang siya sakin na may shock pa din sa mukha. "Ui, kumpleto yung binili ko ah? Walang labis, walang kulang! Pero ang pagmamahal ko sayo, lubus-lubos! *kindat*"

Kinuha ko ang school bag ko at nagsimula ng maglakad palabas ng bar. Naririnig ko pa ding tumatawa sina Art at Joshua mula sa baba ng bar. Nasa labas na ako ng bar ng kinuha ko ang atensyon nila. At dahil nasa baba ako samantalang sila naman ay nasa 2nd floor, wala akong choice kundi ang sumigaw.

"Chase!" sigaw ko sa pangalan niya. Pati din ang ibang mga customer ng bar na iyon ay naagaw ko din ang atensyon. "Strawberry flavour nga pala ang binili ko ha. Yan lang kasi ang available flavour para sa small size eh! Wag kang mag-alala, size doesn't matter. Mahal pa din kita. Bye!"

Pagkasabi ko nun ay nagpatuloy na ako sa paglalakad palayo sa bar. Narinig kong nagtawanan yung mga taong nakarinig sa sinabi ko. At kahit nasa kabilang kanto na ako, naririnig ko pa din ang malakas na pagtawa nina Joshua at Art. Mas lumakas pa ang mga tawa nila dahil doon sa sinabi ko.

Ang itsura ni Chase? Ayun, PRICELESS din. Sobrang namula siya sa mga sinabi ko. And what's worse is, madaming nakarinig sa sinabi ko. Eh siya eh, gusto niya akong pahiyain kasi! Isa lang iyong patunay na kahit anong balak pa niya sa akin para lang lumayo ako, hindi siya magtatagumpay dahil hinding hindi ko siya lulubayan!

Ayon nga sa kanta ni Lady Gaga na ngayon ay motto ko na sa buhay:
"I'm your biggest fan, I'll follow you until you love me."

Continue Reading

You'll Also Like

253K 17.2K 82
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
19.5M 535K 62
A good girl who will break all her rules for the bad boy who will break all his rules for her, too. Teen Fiction ❤️
62.8M 1.4M 55
Nakakabagot ang buhay. Lalo na pag papasok ka nang school, kakain, humiga sa pera, maligo sa puri, mamili ng babae, at matulog. Paulit-ulit lahat ara...
2.7M 53K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...