The Town With Only One Offici...

By blackgraffiti

488 33 15

A small town in the middle of nowhere. The town of Acholia with a population of ONE. Above the ground you se... More

The Town With Only One Official Resident
The Beginning
Chapter 01

Chapter 02

68 6 8
By blackgraffiti


The four farmers who are currently eating in one table on the side are being observed by Cornelian. She is behind the counter and she will occasionally glance at the new four faces at the tavern. Ito ang unang apat niyang customers. Nakasuot ito ng mga long sleeve, kupas na jeans at boots na kadalasang ginagamit ng mga magsasaka.

Ang tatlo ay mukhang nasa 40s na samantalang ang isa ay mas matanda pa. The four people acknowledged her a while ago and they had a brief conversation by introducing each other. Wala namang kakaiba sa mga ikinikilos nito, parang normal lang naman. Corn doesnʼt really know what she was expecting the moment she saw them.

Nagtawanan ang mga ito at ang isa ay aksidenteng napatingin sa gawi niya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Cornelian!" bigla siyang tinawag noong pinakamatanda kaya naman muli siyang nag-angat ng tingin. Sinenyasan siya nito kaya nagtanggal siya ng apron at lumapit sa mga ito habang may nakapaskil na maliit na ngiti sa labi.

“Ano po 'yon?”

“Aba, namana mo ang galing sa pagluluto ng pamilya niyo!” the old man praised while munching on his food.

“Salamat po,” tanging sabi lang ni Corn at tipid na ngumiti.

“Permanente ka na bang titira rito? Nako, siguradong dadayuhin na 'to ng mga tao kapag nalaman nilang masarap ang pagkain,” sabi ng isa habang nakangiti sa kaniya.

“Hindi po... Pansamantala lang po habang nagrerecover si lola Cecilia.”

“Ganoon ba? Sayang naman. Alam mo, tahimik rito at malayo sa syudad pero ayos naman ang buhay. Presko ang hangin tapos malayo pa sa polusyon, magandang bumuo ng pamilya rito kung ayaw mo sa magulong lugar. Saksi ang tatay ko sa masaganang buhay ng mga Osario noon rito. Sayang nga lang at nang tumagal ay wala nang natira kundi si Cecilia na lamang,” biglang kuwento ng pinakamatanda sa grupo. Hindi alam ni Corn ang sasabihin kaya muli na lang siyang ngumiti kahit na nangangalay na ang panga niya.

“Alam mo naman ang mga kabataan ngayon, Mang Ronaldo. Pili na lang ang gugustuhing manirahan sa ganitong lugar, mas gusto nila sa matao at mayroong mga naglalakihang building. At isa pa, baka may nobyo 'yang naiwan doʼn si Cornelian kaya ayaw rito,” pabirong sabi ng isa pang magsasaka.

“Naku! Strikto 'yang si Cecilia sa mga panobyo-nobyo na 'yan!" sagot ng matanda at nagtawanan sila.

“Hindi naman po siguro, atsaka tapos na po ako ng kolehiyo. May mga plano lang ho talaga akong nakalatag na sa syudad kaya kailangan kong bumalik,” ani Corn kaya tumango-tango na lang ang mga ito at nagpatuloy sa pagkain. Humingi pa ng canned softdrinks ang dalawa at tubig naman para sa dalawa pa kaya pumunta si Corn si chiller at kinuha ang mga 'yon.

Corn became busier as the hours passed by. It was already lunch and itʼs really true when her grandmother said that the farmers most likely go to the tavern at that hour. The customers were more than ten and since Corn is the one who cook and serve, she needs to move faster.

Akala niya ay puros mga lalaki lang ang nagsasaka sa lugar na 'to kaya nagulat siya nang makitang may iilang babaeng may edad ang pumasok sa tavern. Nakasuot din ang mga 'to ng pangsaka at agad na um-order sa kaniya. Muling nagkaroon ng introduction dahil bago ang mukha niya para sa mga ito.

Corn didnʼt see a single strange movement from the farmers. All of them were talking to each other even if theyʼre on another tables. Itʼs obvious that they all know each other.

Tumingin si Corn sa suot na wristwatch at inisip ang lola niya na nasa bahay na ulit nito. Kanina ay bumalik ito roon mag-isa kahit na ayaw niya. Nagalit lang ito kay Corn nang sabihin niyang ihahatid niya muna ito.

It was almost 1 pm when the customers on the tavern cleared. All of the farmers went back to their respective working area. May dala ang mga ito na sasakyan na mukhang bibigay na. Iyon ang ginagamit ng mga magsasaka upang magpabalik-balik dito sa Acholia at sa tinutuluyan nila na isang oras ang layo mula sa town.

Corn fixed the whole tavern before she prepared her grandmotherʼs meal. After preparing the foods, she got out of the tavern to go back to their house. She thinks that there wonʼt be any customers for the mean time since lunch is over. She was carrying the container on her hand while walking at the sun. The wind is blowing so she doesnʼt really feel hot at the moment.

She canʼt help but to roam her eyes all over the place. Everything is just... looking abandoned. Ang tanging maayos na estruktura sa Acholia ay ang maliit na library, ang tavern, at ang bahay ng kaniyang lola.

Nakakapanghinayang ang ilang bahay na nadaraanan niya. Kung may nagpreserve ng mga bahay na 'yon, maganda ang mga ito. Kahit pa gawa sa kahoy ang iba ay mahahalata na maganda ang disenyo ng mga ito noon.

Corn thought that Acholia is probably different if itʼs just filled with people. When she was cooking and serving at the tavern a while ago, she didnʼt feel scared and alone at all. Maybe because itʼs daytime and it isnʼt dark, but most likely because there are people surrounding her. The tavern was filled with the farmersʼ voice and laughters.

Siguro nga ay ang katahimikan ang nagpapalumbay sa buong lugar. Mukha na nga itong abandonado, malayo pa ito sa kabihasnan.

Nakarating siya sa bahay ng kaniyang lola pagkatapos ng ilang minuto. Nakita niya itong naka-upo sa teresa habang nakatitig sa bahay na nasa harapan lang nila. Mariin ang titig nito at mukhang malalim ang iniisip. Napapansin din ni Corn ang bahagyang pagbuka ng mga labi nito, tila ba may ibinubulong sa hangin.

“La, kain na po kayo,” salubong niya sa matanda na agad naman siyang tiningnan at kumurap-kurap.

“The customers already left so I prepared your lunch. Pasensya na po, medyo late na. Ihahanda ko lang po 'to sa loob.”

“Bakit mo iniwan ang tavern? Baka may dumating pa na kustomer.” napatigil si Corn sa pagpasok sa bahat at sumulyap sa matanda.

“Saglit lang naman po, kumain po muna kayo para maka-inom ng gamot.” umiling ang kaniyang lola at tinaliman siya ng tingin.

“Hindi mo pwedeng iwan ang tavern nang ganon-ganon na lang. Baka may biglang dumating na kustomer. Kumain na ako.”

“Po? Paano po kayo kumain?”

“Kaya ko pang magluto at kumain mag-isa, Cornelian. Bumalik ka na roon at doon ka na kumain.” hindi niya alam ang gagawin at tumitig lang sa matanda. Nakapagluto ito?

“Huwag ka nang tumunganga at bumalik ka na roon. Ilagay mo na 'yang pagkain sa ref.” dali-dali namang tumango si Corn at tuluyang pumasok ng bahay. Nang makarating siya sa kusina ay nakita niyang may pagkain nga sa lamesa at may bakas na nakapag-luto si Cecilia Osario.

She chose not to stress herself thinking about it and just put the food inside the refrigerator.

Corn spend the whole day on the tavern. When there are no customers entering, she will busy herself with some book that she borrowed from the little library. The book was dusty when she got it from the shelves, it smells old. Of all the books that are displayed on the library, this one caught her attention because of the texture of the cover.

It seems like the cover part was made with an alligator skin.

Corn isnʼt sure if the content is fiction, but she thinks that it should be. Itʼs too gore and she doubt that something already happened in real like like what she was reading. She became so engrossed that she didnʼt realize that it was already darkening outside.

Binitawan niya na ang libro at lumabas. Mukhang wala nang darating na mga kustomer dahil nagbabadya na namang bumuhos ang ulan. She returned inside the tavern with the same time that the telephone started ringing. Corn immediately picked it up because she knows that itʼs her grandmother.

“La?”

“Mukhang uulan nang malakas. Magsara ka na dahil wala nang pupuntang mga trabahador.”

“Sige po. Ayos lang po ba kayo riyan?”

“Oo naman. Bilisan mo na, sa likod ka ng bahay dumaan para hindi maputikan ang teresa.” pagkatapos noon ay bastang ibinaba ng matanda ang telepono kaya napabuntong hininga na lamang si Corn.

Mabilis niyang inayos at isinara ang tavern dahil nagsisimula na naman siyang makaramdam ng kakaibang kaba. Padilim na at ayaw niyang maglakad sa gitna ng dilim dahil kung ano-ano na naman ang mabubuo sa imahinasyon niya.

With the keys and umbrella on her hand, she started trailing the route to their house. The way the wind blows harshly makes her skin crawl. It was getting cold while the sky started to darken even more. A thunder made Corn flinched that she almost run just to immediately reach her lola. She wants to scowl at herself for being such a scaredy-cat. One day in Acholia and it already made her so sensitive when it comes to her surroundings, little odd noises and sheʼs already flinching.

Corn was already half running when it started drizzling. She opened the umbrella and began running for real, the keys on her hand dangling. Good thing that she left the book on the tavern, it will be a shame once it get soaked. She knows that itʼs vintage, her lola preserved it for a reason.

Ilang minuto pa ay narating niya na ang bahay nila. Mas lumakas ang ulan at halos hindi niya na makita ang paligid. Ramdam niyang basang-basa na ang kaniyang sapatos pati na rin ang ibabang bahagi ng suot na overall. Iikot na sana siya papunta sa likuran ng bahay nang may bigla siyang maramdaman sa may bandang paanan.

For a moment, she felt like the ground where she was standing will collapse. Corn didnʼt know what was that feeling, but itʼs strong. Was it an earthquake?

Nakiramdam siya sa paligid pero wala na ito at hindi naman yumayanig ang paligid. Sa paanan niya lang...

Doon niya napansin na halos nasa gitna pa sya ng bahay nila at ng sira-sirang bahay na nasa harapan. Biglang nagtayuan ang mga balahibo niya nang mapansin niyang halos sumasayaw ang sanga ng mga puno sa paligid noʼn. Kasabay ng pagbuhos ng ulan at ng malakas na hangin, saksi ang mga mata niya kung paanong parang gumalaw ang bahay at parang mas magigiba pa. Parang lalamunin ito ng lupa...

Napako siya sa kinatatayuan at nakatingin lang sa bahay na ʼyon. Anong nangyayari? Ang tanging nasa isip niya.

Humigpit ang hawak niya sa payong nang muling may maramdaman sa bandang paanan niya. Para itong enerhiya sa ilalim ng lupa na nanggagaling sa kung saan. Doon niya napagtanto na parang patungo ang enerhiya sa tinitingnan niya ngayong bahay.

“Cornelian!” she snapped when she heard her grandmotherʼs voice. Nang lumingon siya ay nakita niyang nasa teresa ito habang hawak-hawak ang tungkod, nanlalaki ang mata habang nakatingin sa gawi niya.

Biglang tumahimik ang lugar. Nawala ang ulan, tumigil ang malakas na hangin. Unti-unti niyang ibinalik ang tingin sa paguhong bahay ngunit laking gulat niya nang makitang wala namang nangyari roʼn. Hindi na gumagalaw ang sanga ng mga puno at parang walang nangyari.

“A–anong...”

Tiningnan niya ang sarili at nakitang basang-basa pa rin naman siya. Pero bakit bigla na lang tumigil ang ulan?

“Cornelian! Anong ginagawa mo riyan? Halika na rito!” muling sigaw ng kaniyang lola. Wala sa sarili siyang tumalikod sa bahay na 'yon at naglakad papunta sa matanda. Nakaka-ilang hakbang pa lang siya nang makarinig siya ng pamilyar na tunog.

Muli ay napatigil si Corn sa paglalakad. Lumakas ang kabog ng puso niya kasabay ng panginginig ng kaniyang mga tuhod.

The chant... she can hear the strange chants again.

Nang titigan niya ang kaniyang lola ay mukhang wala itong naririnig dahil nanatiling diretso ang tingin at nakakunot ang noo nito.

In spite the trembling knees, Corn forced herself to run. She want to stop the voices. Something inside her tells her that she needs to get away from that weird house. She almost fell facedown the moment she reached their terrace. Tuluyang bumigay ang mga binti niya habang nanginginig ang buong katawan.

Hinawakan ng kaniyang lola ang braso niya upang alalayan ngunit wala itong sinabi, hindi tinanong kung anong nangyayari sa kaniya. Kahit na mahina ang matanda ay nagawa siya nitong igiya papasok sa loob ng bahay. Nilingon ni Corn ang pinanggalingan niya nang mapansing pahina na nang pahina ang mga boses.

Anino. May anino sa mismong kinatatayuan niya kanina.

Nakatulala nang ilang minuto si Corn dahil sa mga kakaibang nangyari sa kaniya. What was that? What are those voices? The shadows? What is happening?

Magkatapat sila ng kaniyang lola na naka-upo sa mga sofa. Seryoso lang itong nakatitig sa kaniya at mukhang malalim ang iniisip. Tinitigan rin ni Corn pabalik ang kaniyang lola. Narinig ba nito ang mga narinig niya kanina? Naramdaman din ba nito ang mga naramdaman niya? Ayun ang mga tanong na kasalukuyang naglalaro sa isipan niya.

Sobra siyang naguguluhan sa mga nangyayari. Ni wala pa siyang isang linggo rito ay kung ano-anong kababalaghan na ang nararamdaman niya. At ayaw niya nito, ayaw niyang makakita, makarinig, at makaramdam ng mga hindi pangkaraniwang bagay.

“Ano bang ginagawa mo at nakatayo ka lang doon kahit na nababasa ka na ng ulan?” biglang tanong ng kaniyang lola. Agad na bumigat ang paghinga ni Corn, kapansin-pansin din ang panginging ng kamay niyang may hawak na mug.

Wala ba talagang napansin ang kaniyang lola? O nagpapanggap lang ito?

“A–ano... may...” she inhaled deeply before closing her eyes. Lumunok siya at hinigpitan ang hawak sa mug.

“Lumindol po ba?” tanong niya at diretsong tumingin sa mga mata ni Cecilia Osario. Parang nahulog ang puso niya nang mapansing parang may kakaiba na sa mga mata nito. Parang biglang nawala ang mga itim sa mata ng kaniyang lola...

Nang kumurap ito ay bumalik naman sa dati kaya hindi na sigurado si Corn kung namamalikmata ba siya o ano.

“Lindol?” takot siyang tumango. Gustong-gusto niya nang tumakbo pero wala rin naman siyang pupuntahan.

“Bakit mo naitanong? Umulan lang, hindi lumindol.” Corn let out a nervous laugh. She doesnʼt know what to do at this point. She canʼt be hallucinating, she clearly felt what happened a while ago. She even heard that weird chant again, that was not hallucination anymore.

“Pero...” napa-igtad siya nang biglang abutin ng kaniyang lola ang kamay niya. Malakas ang kabog ng puso niya na para bang lalabas na iyon sa mga dibdib niya. Natatakot na siya...

“Magpahinga ka na, napagod ka ata sa kaka-asikaso sa tavern. Bukas ay darating ang driver na naghahatid sa 'kin sa kalapit na village upang makapamili ako ng mga gagamitin sa tavern. Ikaw ang sasama sa kaniya bukas,” casual na ani ni Cecilia Osario. Napalunok si Corn at binawi ang kamay.

“S–sige po...” mabilis ang ginawa niyang pagtayo at pagpunta sa taas kung nasaan ang kaniyang kuwarto. Ni hindi niya na naisip kung paanong makaka-akyat ang kaniyang lola gayong iniwan niya ito sa ibaba.

Corn immediately operated her phone the moment she locked the door of her bedroom. She went near the window as she tried to contact her mother. She keeps pacing and pacing while biting her nail, she just canʼt bring herself to calm down.

“Corn?” nabuhayan ng dugo si Corn nang tuluyang sagutin ng kaniyang mommy ang tawag.

“M–my...” pilit niyang inayos ang boses ngunit nanginginig talaga ang boses niya dahil sa takot.

“Napatawag ka? May problema ba? Bakit ganiyan ang boses mo?”

“Mommy... g–gusto ko nang umuwi... Please, uuwi na ako...” hindi niya na kaya pang manatili rito kung ganito ang mangyayari sa kaniya. Talagang masisiraan siya ng bait kapag nagpatuloy siya sa paninirahan sa loob ng Acholia.

“What? Whatʼs with your voice?”

“I want to go home!”

“I ca–nʼt properly hear yo—u.” mas lumapit siya sa may bintana nang magsimulang maging choppy ang nasa kabilang linya.

“Mom, listen to me, something is happening in this small town. I canʼt live here... send Tita Ora instead. I canʼt do this anymore. I want to go back—” hindi niya naituloy ang sasabihin nang biglang may kumakalabog sa pintuan ng kuwarto niya. Nahigit niya ang hininga at nagsimulang manginig ang mga tuhod niya.

“He–llo? Corn?”

“Mommy...” takot siyang nakatingin sa pintuan. Patuloy ang kalabog doon, parang balak sirain at pasukin ang kuwarto niya.

“Whatʼs happe–ning there?”

Tuluyang napa-upo sa sahig si Corn habang palakas nang palakas ang kalabog sa may pintuan. The knob is turning furiously. She can even feel the vibration that the noise is creating. Where is her lola? Is that her banging the door? Why would she do that?

Napatingin siya sa cellphone nang marinig niya ang tunog na nagsasabing tuluyan nang naputol ang call. Nawalan na ng signal...

Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata niya habang pilit na tinatakpan ang tenga. Isiniksik niya rin ang sarili sa pinakagilid at pilit na iniisip na matatapos rin ang lahat ng 'to at makaka-uwi rin siya sa kanila.

Hindi maipaliwanag ang takot na nararamdamdaman niya sa mga oras na 'yon. Iyon ang pinaka-unang beses na nakaramdam siya ng ganoong katindi na uri ng takot. Iyong takot na pipigilan ang katawan mo na makagawa ng kahit anong galaw, iyong takot na magpapawala sa mga boses mo.

Ilang segundo ang lumipas nang unti-unti nang nawawala ang kalabog sa may pintuan. Ngunit mas pinalala lang noon ang anxiety ni Corn. Tinanggal niya ang mga kamay na nakatakip sa kaniyang tenga at tumitig sa ngayoʼy steady na na pinto.

She swallowed as she tried to stand up. She wants to leave... She needs to leave...

Tuluyan na siyang nakatayo nang muli siyang makarinig ng kakaibang tunog. May tumatawa... Kasabay ng mga tawa na 'yon ay ang biglang kamay na sumulpot sa may paanan niya at bigla siyang hinila palapit sa harapan ng pinto.

She fainted.

Continue Reading

You'll Also Like

592K 25.1K 40
Isang notorious na haunted house. Isang kaso ng demonic possession. Ang grupo ng paranormal experts na sina Father Markus na exorcist, Hannah na ps...
35.1M 762K 45
The students of Special Section are dying, one by one. Some say it's a curse, but the transfer student believes that someone is killing her classmate...
8.5K 746 23
MHST Volume 3: ANG BALON - Sa mahabang panahon ng pangangasera ng isang pamilya sa siyudad, malaking surpresa ang pagdatal ng isang biyaya mula sa ka...
253K 16.5K 42
WATTYS2020 WINNER Highest ranks reached: #1 in Zombies #1 in Horror-Thriller #1 in Zombieapocalypse #2 in Survival #1 in Virus #1 in Apocalypse "Kai...