Sweet Vittoria Reigns

By solaceinstellar

250 65 0

The day I fell in love with him was also the moment I took the first step in dancing with the devil. More

PANIMULA
KABANATA - 1
KABANATA - 2
KABANATA - 3
KABANATA - 4
KABANATA - 5
KABANATA - 6
KABANATA - 7
KABANATA - 8
KABANATA - 9
KABANATA - 10
KABANATA - 11
KABANATA - 12
KABANATA - 13
KABANATA - 14
KABANATA - 15
KABANATA - 16
KABANATA - 17
KABANATA - 18
KABANATA - 19
KABANATA - 20
KABANATA - 21
KABANATA - 22
KABANATA - 23
KABANATA - 24
KABANATA - 25
KABANATA - 26
KABANATA - 28
KABANATA - 29
KABANATA - 30
KABANATA - 31
KABANATA - 32
KABANATA - 33
KABANATA - 34
KABANATA - 35
KABANATA - 36
KABANATA - 37
KABANATA - 38
KABANATA - 39

KABANATA - 27

8 1 0
By solaceinstellar

Papalapit ako sa nagtutumpukang sila Mara, Jeff at Gerald sa counter na halatang may seryosong pinag-uusapan. Mabilis silang nagsi-alisan noong nasa tabi na nila ako.

Naningkit ang mga mata ko. "Bina-backstab niyo ba ako?"

Nanatiling seryosong nakatingin sa akin ni Mara bago nagsalita. "May bagong dating. Fiancee daw ni Sir Elohim. Astrid Divinagracia ang pangalan. Anak ng congressman," dire-diretso niyang saad. Kung may pinaka nagustohan ako kay Mara, ito iyon. Her brutal honesty.

Natigil ako at humigpit ang hawak sa tray.

"Totoo nga! Nakita ko silang dalawa doon sa dalampisigan! Kita ko pang nakahawak si Sir Elohim sa kamay ni Astrid," nadinig ko mula sa likod.

"Ibig sabihin ba noon titigil na ang iba diyan sa pangangarap?"

"Aba oo naman! Bumalik na ang original kaya ang sampid, wala na dapat sa eksena,"

"Pero kung makati at gold-digger, syempre hindi 'yan hihiwalay. Si Sir Elohim ba naman na gwapo at mayaman? Didikitan talaga ng mga linta diyan!"

Hindi ko na sana aabalahing lingunin kung sino iyon. Alam kong mga kasama ko iyong mga waitress. Grupo nila Daniella. Nagpatuloy lang sila hanggang may linyang napatid.

"Korek! Iyong mga desperadang iyan ay gagawin ang lahat para lang makaahon sa buhay at makabingwit ng easy money. Kita mo nga pati Lolo pinatos,"

Namula ang mukha ni Mara sa irita at galit. Mabilis siyang naglakad papunta sa grupp pero mabilis ko siyang pinigilan. Wala pa namang sinasabing pangalan kaya kaya ko pang indahin.

Bumalik si Jeff na dala na ang order ng table 7. Kinuha ko ang tray sa dalawang kamay at binulungan si Mara.

"Hayaan mo na," mahinahon kong saad.

Kinagat ko ang labi sa daraanan. Gustuhin ko mang umiwas ay hindi pwede dahil andoon sila sa likuran ko, naghihintay din yata ng ihahatid nilang order, kaya hindi maiiwasang madadaanan ko pa sila.

Kalmado at kalkulado ang mga naging kilos ko. May mga tao lang talagang uupos ng kabaitan mo at ilalabas ang demonya sa iyong pagkatao.

May kung sinong pumatid sa akin dahilan ng pagtilapon ng mga order sa tray. Ang alingawngaw ng pagkabasag at lagapak ng katawan ko sa sahig ay nagpatahimik sa lahat. Nagkabasag-basag ang mga serving plate at baso habang ang mga pagkain ay nagkalat sa sahig. Kinwenta ko na lahat ng iyon at umaray ako sa laki ng ibabawas sa sweldo ko.

Nagpupuyos ang galit ko sa loob pero nanatili akong kalmado. Gamay na gamay ko na kung paano kontrolin ang galit at inis ko... kay Lucas lang naman hindi. Mas malala pa dito ang mga naranasan ko.

Natapunan na ako ng tae at ihi pauwi mula sa eskwela. Nang i-report ko iyon sa head office ay hindi man lang ako pinansin. Hindi ako pwedeng umuwi sa ganoong lagay kaya naligo ako sa isang sapa malapit sa amin dahilan para makagat ako ng ahas at nag-aagaw-buhay na isinugod sa ospital. Abot ilang libo ang hospital bill namin kaya ng nagkanda-utang-utang kami sa kung sino-sino.

Mga ganito... nakakagalit pa din. Hindi ko ma-gets kung bakit may mga ganitong klase ng tao. Hindi ko makita kung saan sila dito makikinabang. Hindi ko maintindihan minsan kung bakit may mga taong ang sasama at ang papangit ng ugali sa kapwa nila tao na wala namang ginagawang masama sa kanila.

Pwedeng dahil sa lugar na kinalakihan nila, ang magulang o sinong nagpalaki sa kanila, takbo ng kanilang isip, mga naranasan sa buhay o ang lahat ng ito para maging ganito kapangit ang ugali nila. Hindi pa rin ito sapat, at walang magiging sapat na rason para sadyaing hamakin ang mga taong wala namang ginagawang masama.

Nakarinig ako ng tili at ng mag-angat ng tingin ay basang-basa si Daniella ng coke. Hawak ni Mara ang basong wala ng laman.

"Impakta kang gaga ka! Inggiterang palaka!" napadaing si Mara ng hinablot ng isa sa kasamahan ni Daniella ang buhok nito.

Nagtagis ang bagang ko at mabilis din na napatayo. Hinablot ko ang braso ng babaeng nakasabunot kay Mara pero ayaw patinag.

"Bibitawan mo o kakalbohin kita?" angil ko at sinunggaban ang nakabuhaghag nitong kulot na buhok.

Binitawan niya si Mara pero ako naman ang sinugod ni Daniella. Ramdam ko ang mahabang kuko nitong kinakamlot ang braso ko. Mabilis kong tinabunan ang sarili. Umabante ako at bumwelo ang aking palad sa isang malakas na sampal.

"What is happening here?!"

Kasabay ng pag-alingawngaw ng lagatik ng palad ko sa pisngi ni Daniella ay ang mala-kulog na boses ni Lucas. Ang hapdi sa palad pero worth it naman. Masakit sa palad kaya alam kong mas triple ang sakit noon kay Daniella. Nakahawak siya sa pisngi niya at nanggagalaiting nakatingin sa akin.

"Anong karapatan mong saktan ako?! Ha?! Gold-digger ka lang naman na sumusulot kay Sir Elohim!" sigaw niya at ambang susugod sana ng pinigilan siya ni Gerald.

"Inggitira ka lang dahil kasing pangit ng ugali mo ang pagmumukhang meron ka! Insecure much 'teh? Nakulam ka yata ng nasa sinapupunan ka pa ng Nanay mo!" Hindi ko talaga alam na trashtalker si Mara.

Napatingin ako sa kanya at kita ko ang mga galos sa braso niya. Napalunok ako. Nasasangkot pa sa gulo si Mara dahil sa akin.

"Inaano ka ba ni Torry?! Tuloy nahulog ang mga order—"

Nakakainsultong tumawa si Eula, isa pang kasama ni Daniella. "Kung hindi ba naman kasi tatanga-tanga iyang nagmamalinis mong kaibigan. Wag mong isisi sa amin na napatid 'yan dahil wala kaming ginagawa dito,"

Kumulo ang dugo ko. "Anong walang ginawa?" hindi ko makapaniwalang saad. Naramdaman ko talaga iyong paa na pumatid sa akin. "Kitang-kitang sinadya niyo tapos pa-victim kayo 'dyan. Ano ba talagang atraso ko sa inyo at ginaganito niyo ako?" asik ko.

"Iisa-isahin pa ba namin?" panunuyang saad ni Daniella. "Na malandi ka at kaya libre lahat sayo dito at nakapasok ka sa trabaho dito dahil binubuka mo ang mga hita mo pagsapit ng dilim kay Sir Elo—"

"Enough!" Napa-igtad kaming lahat sa lakas at lalim ng sigaw ni Lucas. Natahimik ang lahat ng nasa resto at tila kahit ang mga paghinga ay naputol. Ang hampas nalang ng alon ang naririnig namin at tawanan ng mga turista sa labas ng resto. Sa tono ay halatang-halatang galit na galit na siya. Namutla si Daniella napatingin sa pinanggalingan ng boses.

Awtomatikong lumingon din ako sa direksiyon ni Lucas. Lumihis ang tingin ko sa babaeng nasa gilid niya. Nakahawak si Astrid sa braso ni Lucas, parang kinakalma niya ito habang si Lucas ay nandidilim ang mga matang nakatingin kay Daniella.

Lumipat iyon sa akin at bumaba sa mga braso ko. Umigting ang panga niya at nag-yelo ang mga mata. Tinanggal niya ang hawak ni Astrid sa kanya at nagsimulang maglakad papalapit sa amin.

Nagtama ang mata nami ni Daniella at nanunuya itong nakangisi sa akin. Na parang may napatunayan.

"Those who are involve in this feud, including the manager, sumunod kayo sa opisina ko. I need you all in my office within 30 minutes or else you will all be fired, understood?" kalmado niyang saad pero ang mata ay nakatuon lang sa akin.

Nag-unahan silang sumagot pero hindi ako. Nagbubulong-bulungan ang mga customer at inumpisahan na ni Andy, isa din sa mga waitress, na linisin ang kalat. Nagsialisan na ang mga grupo nila Daniella para pumunta sa opisina ni Lucas. Gumayak na din si Mara kaya sumunod ako sa likuran niya.

Lalampasan ko na sana si Lucas pero malumanay niyang hinigit ang beywang ko. Supladang napatingin si Mara kay Lucas.

Nagulat ako doon. Puro ngiti at pagpupugay si Mara kay Lucas dahil nga gusto niya kuno 'mapromote'. Ngayon parang kulang nalang ay dakmain niya ng suntok.

"Halika na, Torry," irita ang tono nito.

Sasagot na sana ako ng naunahan ni Lucas. "Isusunod ko nalang siya, Mara."

Nanliit ang mga mata nitong pinag-aralan si Lucas bago napunta sa akin. Tumango naman ako sa kanya.

"Okay... Sir," sinarkasitiko niya pa ang huling salita bago nagmartsa paalis.

"Let's go to my room, gamutin natin 'yang mga sugat mo," mahinahon niyang saad.

Napadpad ang tingin ko kay Astrid. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya. Nanubig na ang mga ito at umawang ang labi. Para bang hindi siya makapaniwala sa nakikita. May purong gulat sa mga mata niya. Na tila aparisyon lang ang nakikita niya o namamalik-mata lang.

"Come on, baby," mahina akong tinulak ni Lucas sa lower back ko.

Wala sa sariling nagpatianod ako sa kanya. Malapit lang sa entrance ng pinto nakatayo si Astrid kaya madadaanan namin siya. Didiretso lang sana ako ng hinawakan ako ni Lucas sa siko kaya wala akong magawa kung hindi huminto.

Kita ko ang paglunok niya bago ang pag-ngiti ng hilaw. Gumapang ang kamay ni Lucas sa beywang ko. Nanginig ang ibabang labi ni Astrid.

Gusto ko nalang tumakbo palayo dito. Hindi ko kilala si Astrid pero ayaw kong makita niya ito. Nasasaktan ako para sa kanya.

"Astrid this is Vittoria, Vittoria this is Astrid," pakilala niya sa aming dalawa.

Pilit na tumango at ngumiti sa akin si Astrid. Tiningala ko si Lucas. Hindi niya ba nakikita 'to? Masyado ba siyang manhid? O bulag? O baka pinipili niya lang talagang ignorahin.

Nilingon ko muli si Astrid at nginitian. "Nice to meet you, Astrid,"

"L-likewise." Kasinungalingan. Hindi siya natutuwa na nakikilala ako.

"I wouldn't be able to join you for dinner, Astrid. You can order anything and all you want here. It's all in the house. Mauna na muna kami,"

"S-sige," nanginig ang boses niya at napakurap-kurap ako.

Iginiya ako ni Lucas palabas. Pagpasok sa sa kwarto niya ay tahimik ko siyang pinagmasdan. Hindi niya ba talaga iyon nakikita? Mahal siya ni Astrid.

Pumasok kami at pinaupo niya ako sa couch.

"Wait here," ani niya at natulala ako sa flat screen TV.

Anong ginagawa dito ni Astrid? Anong pakay niya? Andito ba siya para bawiin si Lucas? Makikipag-agawan ba ako o hahayaan na lang siyang maangkin si Lucas kung iyon nga nagkataon ang mangyayari.

Umupo si Lucas sa gilid ko at inilapag niya ang first-aid kit sa coffee table. Malumanay niya kinuha ang braso ko at inangat iyon. Pinagmasdan niyang itong maigi sa galit na ekspresyon.

"Who did this to you?" Umangat ang tingin niya sa akin.

Hindi ako sumagot. "Bakit mo tinanggal sa trabaho si Jack?" tanong ko pabalik.

He scowled harder as his serious eyes drifted to mine. Trabahador din pala dito si Jack. Kasama niya 'yung dalawa pang babae. Isa siyang bellboy. Kaya naman pala medyo pamilyar siya sa akin. Hindi ko lang nabigyan ng masyadong pansin noong birthday ni Mara dahil nga occupied naman ang isip ko kay Lucas.

Narinig ko na lang ang mga usap-usapan kinaumagahan na may tinanggal sa trabaho si Lucas. Siya mismo ang nag-utos kahit wala naman daw pagkakamalig nagawa 'yung lalaki.

Noong tinanong ko kung sino, sabi ni Katie ay Jack daw ang pangalan. Naghinala na ako at kinabahan. Noong pinakita lang sa akin ni Katie ang picture ni Jack nakumpirma na siya nga iyon.

Hindi ko siya kinompronta tungkol doon dahil... hindi ko alam. Nakokonsyensya ako. Tuwing andyan naman siya ay kinikiliti ang pakiramdam ko at para akong lumulutang. Kung saan-saan na lang lumilipad ang utak ko.

"I did not fire him." Nilagyan niya ng ointment ang mga kalmot roon.

"Anong ginawa mo sa kanya?"

Mas lalong nagsuplado ang mukha niya. He pouted. "I assigned him to another resort,"

"Bakit mo ginawa iyon?"

"Why wouldn't I?" he snapped. "Siguradong hindi ka noon tatantanan. He'll keep on pursuing you,"

Napatiim ang labi ko. "Paano mo naman nasabi?"

"Dahil gawain ko," he smirked.

Sinamaan ko siya ng tingin, Bumusangot ang mukha niya bago napatiim ang mga labi. "But whoever did you this, it's them I must fire," madiin niyang saad.

Umiling ako. "Wag na please. Pinapalaki mo lang ang gulo,"

Lumamig ang mga mata niya. "I heard what that girl said to you. She calls you name and you expect me to sit back,"

"Hindi sa ganoon Lucas. Gusto kong hayaan mo akong mag-isa sa sarili kong mga laban. I have to fight my own battles,"

"The moment they degrade your feminity just because you had me head over heels for you... hindi mo na lang laban iyon. They picked fight on you because of me,"

Matapos niyang malagyan ng ointment ang braso ko ay pinahiran niya ng bulak ang mga dugo sa kabilang braso ko bago nilagyan ng ointment.

"Gusto ka nila. Nilang lahat. Gusto ka nilang maangkin... o gusto nilang angkinin mo sila,"

Natigil siya pero nagpatuloy. "I don't care. Ang importante ikaw lang ang gusto ko... at na ako lang ang gusto mo,"

Kinagat ko ang loob ng pisngi. Paanong naging ganito na siya sa akin? I'm falling. Hard. And very fast. Hindi ako makapreno. Patuloy lang sa pagkahulog sa walang hangganang bangin.

Noong tapos na siya ay tumayo siya at umalis. Pagbalik ay may dala na siyang baso ng tubig.

"Drink." Inalok niya sa akin ang baso.

Tumalima ako pero kaonti lang ang nainom.

He frowned. "More,"

Inirapan ko siya at pinangalahatian iyon. "Ayos na?" irita kong saad.

He chuckled and nodded. Inilahad niya ang kamay niya. "Come," ani nito. "They must be waiting for us,"

Inabot ko iyon pero hindi muna tumayo. "Ipangako mong hindi mo sila tatanggalin,"

Iritang binitawan ni Lucas ang kamay ko na umiigting ang panga. "No,"

"Lucas," babala ko.

"Vittoria, aside from being your consistent admirer, I'm your boss, too. What they did to you there is against our company's work ethics. And they need to get punish—"

"Parusahan mo lang pero wag mo silang tanggalin sa trabaho. May kasalanan din naman ako Lucas. Nagiging bias ka dito. Kung paparusahan mo sila, dapat ganoon din ako,"

Tumaas ang sulok ng labi niya. "Who said I wouldn't punish you? Hmm?" panunuya niyang saad. Ibang parusa ang tinutukoy niya.

Nag-init pa din ang pisngi ko doon. Tanga! Wala nga naman siyang sinasabi na exemption ako sa pagpataw niya ng parusa! Ano ba Vittoria, ang assuming lang ha. Pero hindi ako tanga na ibang parusa ang gusto niyang ibigay sa akin.

Padabog akong tumayo. "Ewan ko sayo!" Tinulak ko siya pagilid at nagmartsa ako papuntang pinto.

Ang malalim niyang tawa ay nagpangiti sa akin. Tinawag niya ako pero hindi ko na siya hinintay bago lumabas.

Continue Reading

You'll Also Like

856K 27.7K 69
"Real lifeမှာ စကေးကြမ်းလွန်းတဲ့ စနိုက်ကြော်ဆိုတာမရှိဘူး ပျော်ဝင်သွားတဲ့ယောကျာ်းဆိုတာပဲရှိတယ်" "ခေါင်းလေးပဲညိတ်ပေး Bae မင်းငြီးငွေ့ရလောက်အောင်အထိ ငါချ...
2.8M 161K 50
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
3.7M 293K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
474K 14K 61
Silent, unforgiving and strikingly gorgeous, Rylan Parker is a cold-hearted businessman. An intimidating CEO, perfectly fitted in tailored suits and...