Sweet Vittoria Reigns

Par solaceinstellar

250 65 0

The day I fell in love with him was also the moment I took the first step in dancing with the devil. Plus

PANIMULA
KABANATA - 1
KABANATA - 2
KABANATA - 3
KABANATA - 4
KABANATA - 5
KABANATA - 6
KABANATA - 7
KABANATA - 8
KABANATA - 9
KABANATA - 10
KABANATA - 11
KABANATA - 12
KABANATA - 13
KABANATA - 14
KABANATA - 15
KABANATA - 16
KABANATA - 17
KABANATA - 18
KABANATA - 19
KABANATA - 20
KABANATA - 21
KABANATA - 22
KABANATA - 23
KABANATA - 24
KABANATA - 26
KABANATA - 27
KABANATA - 28
KABANATA - 29
KABANATA - 30
KABANATA - 31
KABANATA - 32
KABANATA - 33
KABANATA - 34
KABANATA - 35
KABANATA - 36
KABANATA - 37
KABANATA - 38
KABANATA - 39

KABANATA - 25

5 1 0
Par solaceinstellar


Tumili si Mara ng bumaba ako mula sa pagkakaangkas sa likod ni Gerald. No-offend ako na akala niya talaga hindi ako pupunta.

Tinext ko na lang si Gerald na daanan ako kung pupunta siya kina Mara. Noong sumakay ako sa kanya ay tahimik niya lang akong tinitigan pero hindi na siya nagtanong pa. Alam nilang kay Lucas ako dapat sumakay.

Kumalat ang pait sa akin. Busy na si Lucas sa ibang bagay. Pinilig-pilig ko ang ulo para maiwaksi ang mga naiisip. It will do me no good. Just mental harm and bitterness.

Agad na inangkla ni Mara ang kamay sa braso ko. Kumunot ang noo niya na tumingin sa likod ko, tila may hinahanap.

"Oh? Akala ko si Sir Elohim ang maghahatid sa iyo?"

Inilingan ko siya. "Busy iyon." Busy sa ibang babae.

Pinanliitan ako ni Mara ng mga mata pero hindi niya na nagawang usisain ako. Dumagsa ang iba niya pang bisita.

Pumasok kami sa bahay nila. Sa loob ay puros matatanda ang mga kumakain at nagkukwentohan.

"Ma! Pa!" tawag ni Mara.

Napalingon ang isang matandang kalbo na bumabati sa mga bisita at ang kasama nitong babae na naka-pixie cut. Lumapit kami doon.

"Ma, Pa, si Vittoria po. Iyong kinukwento ko sa inyo!"

"Hello po," magalang kong bati habang nakangiti.

Sa gitna ng kirot sa dibdib ko ay nakaramdam ako ng kaunting kaginhawaan. Ito ang unang pagkakataon na nagkaibigan ako... ng totoo... at ipinakilala ako sa mga magulang niya.

"Ah ito ba 'yun?" namamanghang saad ng Mama ni Mara. "Kay ganda naman palang dilag,"

"Lucinda, Hija. Tawagin mo na lang ako ng Tita Lucinda." Hinaplos niya ako sa braso at magaan na ngumiti.

"Renato, Vittoria. Tito Renato na lang din. Palagi ka nitong si Mara na ikinikwento ka sa amin,"

Napatingin ako kay Mara at pinanliitan siya ng mga mata. "Ano pong mga kwento?" tanong ko habang nagbabanta ang tingin sa nakangising si Mara.

Humalkhak ang Papa niya. "Ang sabi'y nobya ka daw ng boss niyo kaya kinakaibigan ka niya para ma-promote siya!"

Natawa ako sa ani ng Papa niya. Siraulo talaga itong si Mara kahit kailan!

"Naku, hindi ho iyon totoo, Tito!"

Natawa si Mara at Gerald.

"Ganoon ba, Hija? Ito talagang si Mara kung ano-anong pinagsasabi," si Tita Lucinda.

Natawa si Mara. "Diyan din naman 'yan papunta," bulong-bulong niya.

"Oh siya, maiwan na muna namin kayo. Kailangan pa naming asikasuhin ang iba pang bisita. Doon kayo sa likod, sa mga kaedaran niyo. May pagkain na doong nakalatag," ani ng Papa niya.

"Ikaw Gerald, wag kang mahiyang magsupot at dalhan ang mga pamangkin mo," ani ni Tita Lucinda.

Dumiretso kami sa likuran. Malawak ang espasyo at nasasakop ng bermuda grass ang lahat ng lupa. May mga halaman doon at iba't-ibang klase ng mga bulaklak. Nakalatagang mga bilugang mga mesa at nakapalibot ang mga monoblocks sa mga ito. Nakasabit ang mga mumunting light-bulbs sa strings sa ibabaw, nag-bibigay ng komportable at pag-ka-relax sa ere. Laidback lang at mapayapa ang selebrasyong ito.

Napapahinto kami ni Gerald dahil humihinto si Mara para kamustahin ang bawat mesang nadadaanan. Nasa likod lang ako ni Mara at pinagmamasdan ang mga kumakausap at nakikipagbatian sa kanya. Sobrag famous niya.

"Pakilala mo naman kami diyan sa kasama mo Mara." Nguso sa akin ng isang lalaki.

"Hi, Miss!" masiglang bati ng isang kulot at maputing lalaki. "I'm Chad nga pala," ngiti niya sa akin sabay lahad ng kamay.

Ngumiti din ako sa kanya at inabot ang kamay. "Torry,"

Lalong lumapad ang ngiti niya. "Nice to meet you, Torry,"

Agad pinaghiwalay ni Mara ang mga kamay namin at pumagitna.

"Wag 'yan Chadler!" asik ni Mara habang nakaduro kay Chad. "Pinupormahan na 'yan ng Boss ko,"

Kinagat ko ang ibabang labi at pinaglaruan ang mga daliri.

"Oh eh ano ngayon? Pinopormahan pa lang naman, hindi pa sila. At saka makikipagkaibigan lang naman ako dito kay Torry," ismid ni Chad. "Ang OA. Palibhasa gawain mo kasing sunggaban agad basta gwapo,"

"Huy!" Piningot nito ang tenga ni Chad. Natawa ako ng bahagya.

"Ang kapal ng mukha mong pumunta dito sa birthday ko tapos pagsalitaan ako ng ganyan!"

"Aray! Mara naman! Biro nga lang!" Nayupi ang mukha nito sa sakit at napapasunod na lang ang ulo.

Binitawan ito ni Mara habang ako ay ngiting-ngiti. "Halika na nga, Torry. Dadalihin ka pa ng pinsan kong iyan, ako pa ang malagot kay Sir Elohim,"

Naging hilaw ang ngiti ko. Umikot ang mata ko sa loob-loob. Hindi na nga siguro ako 'nun maalala. Sa isip ko, magkasama na sila ni Astri. Kumakain sila sa mamahaling restaurant habang namumungay ang mga mata nilang nakatingin sa isa't-isa sa ilaw ng mga kandila sa mesa.

Kumalat ang pait sa sistema ko. Hindi ko maatim ang kung ano mang iniisip. Mas nasasaktan lang ako sa pag-iisip na ginagawa niya din kay Astrid ang ginagawa niya sa akin.

Siya ang nauna... siguradong siya din ang pipiliin. Nilunok ko ang bara sa lalamunan at ramdam ko ang panlalabo ng mga mata.

Pinaupo kami ni Mara kung saan nakapwesto ang mga inimbitahan niyang nagtatrabaho sa resort. Kumakain na din sila. Si Jeff at Daren ay nandoo na. May dalawang babae na naroon na nagtatrabaho sa kabilang resto at isang lalaki na isang bell boy yata, hindi ko lang sigurado.

Kita ko ang pagsiko ng babae doon sa kasama niya kaya napatingin sa akin ang babae. Nag-iwas ako ng tingin.

Sandali kaming nagbatian at nag-usap bago kami hinila ni Mara para kumuha ng pagkain. Buffet style iyon. Ang raming katakam-takam na pagkain pero kaunti lang ang kinuha ko dahil sa kawalan ng gana.

Hinintay ko lang si Gerald bago sabay kaming bumalik. Si Mara ay hinila na ng ibang kakilala at hinayaan nalang din namin dahil may mga dumating na bagong bisita.

Nangungunot ang noo ni Gerald ng tumitingin sa pinggan ko.

"Ano?"

"Wala." Iling niya.

Kumain na kami habang tahimik lang akong nakikinig sa mga kwentohan nila. Kita kong tumayo si Jeff at pinakatitigan kami.

"Kuha ako ng softdrinks, pakuha din kayo?"

"Ako," ani Daren habang pumapapak pa ng fried chicken.

"Tubig lang akin," si Gerald.

"Tubig na lang din akin," ngiti ko.

Tumango siya at mabilis na umalis. Pagbalik ay kasama na niya si Mara.

"Tapos na kayo? Kain pa!" pilit niya kahit busog na busog na kami.

Maya-maya ay may mga kumuha na ng mga pinagkainan namin at naglagay ng tig-da-dalawang cooler sa bawat mesa. May mga lamang beer ang cooler na nakababad sa mga tipak ng ice.

Tiningnan ko ang phone pero napamura ng lowbat na ito. Tumayo ako at napalingon sa akin sila Gerald.

"May charger ka?" tanong ko sa kanya. Umiling siya. Tiningnan ko si Jeff at Daren pero umiling din sila at pinilig-pilig ang ulo.

Inilibot ko ang mga mata sa lugar. Kumonti na lang ang mga tao at nag-umpisa ng mag-inuman ang nasa ibang mesa. Inilabas na nga ang videoke.

"Sandali lang, pupuntahan ko muna si Mara. Makiki-charge ako," paalam ko bago hinanap si Mara.

Ang gaga ay nakita ko sa mesa na puro lang lahat foreigner! Base sa nadatnan kong malalagkit na titigan nila noong isang latino, nakumpirma kong may bagong target na naman ang bruha.

Grabe, nakaka-sampo yata ito kada-buwan. Pang world record itong si Mara. Balak yatang libutin ang buong mundo sa pagsakay sa iba't-ibang lahi.

"Mara," tawag ko.

Mabilis siyang napalingon sa akin at lumapit. "Oh?"

"Makiki-charge lang sana," sabi ko at iwinagayway ang phone sa ere. "Lowbat na ako eh,"

Umikot ang mata niya. "Akala ko naman ano," saglit siyang nagpaalam sa mga banyaga bago lumingon uli sa akin. "Tara." Naglakad siya habang binabati ng mga kakilala ng Happy Birthday sa daan.

Napangiwi ako ng naaalalang hindi ko pa pala siya nababati. Sa lalim ng iniisip at sama ng loob na nararamdaman kanina ay nakalimutan ko tuloy.

Pumasok kami sa isang kwarto at may hinalungkat sa drawer niya. Inabot niya sa akin ang charger. Kinuha ko iyon at mabilis na i-chinarge ang phone. Bago kami lumabas ay hinawakan ko siya sa braso.

Natatakot siya sa aking tumingin. "Gaga ano mag-co-confess ka sa akin na gusto mo ako?! Vittoria hindi tayo talo! Kadiri!"

"Bwesit ka," sabi ko sabay kurot ng kamay niya. "Babatiin lang naman kita ng Happy Birthday! Kung saan-saan na pumupunta ang iniisip mo!"

"Hehe," hagikhik niya. "Izza prank, Vittoria," kindat niya.

"Napa-ambisyosa mo talaga,"

"May karapatan ako dahil maganda naman ako." Well, totoon naman din.

"Tara na nga!" Hinablot ko siya at hinila palabas. Tatawa-tawa naman siya kaya nangiti na din ako.

Paglabas namin ay umuna na ako dahil may iilang humarang kay Mara. Sinenyasan ko si Mara na mauna na ako.

Agad akong inalokan ni Daren ng beer. Tinanggap ko iyon. Nilibot ko ang paningin at mas umunti na lang ang mga tao. Mga nasa hindi bababa sa bente na lang siguro. Umaandar na ang videoke at may nagsasalang na ng mga kanta doon.

Hindi kalaunan ay naglahad na sila ng iba pang inumin sa mesa. May gin, wine at iba pang hard drinks. Dumalo sa amin si Mara na bahagyang namumula ang mukha. Halatang may tama na.

Since kami na lang din naman ay maraming nag-suggest na ipaglapit-lapit kaming lahat kaya iyon nga ang ginawa namin. Pag-upo ni Mara sa gilid ko ay agad niya akong sinalinan ng shot.

"Hindi ka pwedeng tumanggi. My day, my rule. Safe ka din naman pag-uwi dahil si Sir Elohim sayo ang susundo,"

Tatanggi pa sana ako dahil hard iyon at ang taas ng sinalin niya. Dahil sa sinabi niya ay nakalabit na naman ang kung anong negatibo at kirot na nararamdaman.

Paano pa ako susunduin 'nun kung abala na sa paghatid kay Astrid sa langit? They may even be fucking each other now for all I know.

Gumuhit ang alak sa lalamunan ko at agad nagbigay init iyon sa sikmura ko. Minasahe ko ang batok, mukhang mahaba-habang gabi ito. Hindi naman ako lasengga. Hindi ako tumatakbo sa alak tuwing may problema ako... dahil wala din naman pala akong pambili at babatukan lang ako ni Vlady at ni Lolita.

Pero ngayong pinipilit ako ng lahat na uminom, hindi ko na magawang tumanggi lalo pa't kailangan ko para agad makatulog pagdating sa resort. Para wala na akong lakas at panahon mag-isip tungkol sa mga bagay-bagay.

"Nasasaktan ako oh baby! Sa tuwing nakikita ka...

Naninibugho ako oh baby! Sa tuwing may kasama kang iba..." Pwersadong kanta ni Gerald habang humagalpak kami ng tawa. Ang pangit ng boses niya! Pumiyok ba naman at pagewang-gewang pa sa kalasingan pero parang wala na siyang pakialam.

Kahit ganoon ay cheer pa din kami ng cheer sa kanya. Nilagok ko ang shot na inabot sa akin ni Mara at agad na ininuman ng tubig. Nangiwi ako sa pait. Pinaypayan ko ang sarili dahil naiinitan na ako sa kakasigaw, kakatawa at kakagalaw.

"Pagka't ikaw ang tanging laman ng aking mundo, ng aking puso, ng aking buhayyyyyyy, haaaaaaayyy!

Ang halik mo! Namimiss ko!

Ang halik mo! Namimiss ko! Bakit iniwan mo akoooo..." Ang lahat ay nakisabay kay Gerald pati na ako. I can feel the adrenaline vigorating all over me until the ends of my fingertips. Nangangalay na ang bibig ko sa kakangiti o kakatawa.

Itinapat sa akin ni Gerald at kahit na nabigla ay kinantahan ko iyon. "Nasasaktan ako oh baby! Sa tuwing nakikita ka...

Naninibugho ako oh baby! 'Pag may kasama kang iba!"

Lahat ay nagsigawan at nagpalakpakan sa aming dalawa pero nasapul ako ng lyrics. Natawa ako sa sarili. Kahit ang kanta ay bumabagay na talaga sa akin.

Agad kong iwinaksi ang naiisip para hindi na naman mapunta sa kanya. Muling naharap sa akin ang shot at agad ko iyong ininom.

Bahagyang hinila ni Mara ang buhok ko at sumigaw sa tenga ko. "Vittoria maghinay-hinay ka naman! Parang pati shot glass lulunukin mo na! Uhaw na uhaw ba?! Baka tanggera talaga ang natatago mong talento!"

Tinawanan ko siya at mahigpit na niyakap. "Happy Birthday, Maraaa! Sana hindi ka pa mamatay!" sigaw ko. "Salamat sa pagiging kaibigan ko na hindi plastic!" hagikhik ko at binitawan siya.

Natawa na din siya at mas lalo lang namula ang mukha. Inakbayan niya ako at tinaas ang bote ng beer. Napapikit ako sa sunod-sunod na flash ng camera.

"5k per pic Lando ha!" biro ni Mara.

"Send ko na lang sayo sa Messenger or post ko sa Facebook!"


"Sige, pwede na din!"

Halos mga lasing na kaming lahat at dahil sa tama ng alak ay hindi na kami nahiyang kausapin ang isa't-isa. May mga nagpakilala sa akin pero hindi ko sila matandaan lahat. Ang inaalala ko lang neto kung sino ang maghahatid sa amin dahil pareho na kaming sabog ni Gerald sa kalasingan.

Biglang nagkumahog ang mga tao ng naka-100 score si Gerald. Tumayo ako at pinalakpakan si Gerald. Nag-bow siya na parang tanga sa harap namin. Si Mara kumuha na naman ulit ng mga stolen pictures. Kanina pa 'yan!

Muli akong napapaypay sa sarili dahil pinagpapawisan na talaga ako. Kinuha ko ang buhok na dumikit sa leeg na basa na din ng pawis. May lalaki sa akin na nag-alok ng pamaypay na naka-upo sa gilid ko.

Sandali ko iyong tinitigan bago tinanggap at ngumiti sa kanya. "Salamat,"

Ngumiti din siyaat kinamot ang batok. Inilapit niya ang bunganga sa tenga ko. May sinabi siya pero hindi ko marinig dahil sa mas lalong lumakas ang halakhakan at tilian ng mga tao.

"Ano? Pakiulit!" ani ko at mas lumapit pa sa kanya.

Mas lalo din siyang lumapit at pinatong ang kamay sa sandigan ng upuan ko. "Ang sabi ko anong pangalan mo?"

"Ah," ani ko at bahagyang ininat ang leeg para mabulungan siya. "Torry! Ako si Torry!"

Ngumiti siya at tumango bago lumapit ulit sa akin. "Ako nga pala si Jack! Nice to meet you, Torry!" bulong niya at tinaas ang bote ng beer.

Itinaas ko din ang bote ng beer it nag-cheer sa bote niya. Sabay kaming tumungga noon at sabay na natawa.

Sandale kaming nagkukwentohan ni Jack. Dala ng alak, patuloy akong nakangiti at tumatawa kahit minsan ay hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya. Si Gerald kasi kung ano-ano ang nilalagay sa beer ni Jeff. Tapos iyong beer ni Jeff pinagpapalit niya kay Daren.

Biglang napatayo si Mara ng may batang bumulong sa kanya. Napahawak pa siya mesa dahil hindi balanse ang tayo. Nanliit ang mga mata niya na tila hindi sigurado sa nakikita bago iyon nagbago. Walang pumansin sa kanya pero dahil katabi ko siya ay nangunot ang noo ko sa kanyang reaksiyon. Umawang ang labi niya at nanlalaki ang mga mata.

Umalis siya at sinundan ko ng tingin kung saan siya nagpunta. Nabikig ang lalamunan ko ng nagtama ang mga mata namin ni Lucas. He clenched his jaw and his eyes pierced through me with its intense emotions. Nakitaan ko iyon ng galit at kung ano pang hindi ko mapangalanan.

His eyes drifted to the man beside me and his arms that's resting on my back. Muli niyang binaling sa akin ang paningin niya at nandidilim iyon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanindig ang balahibo ko at nanginginig ang mga kamay.

Nang maalalang nanggaling siya sa mga bisig ni Astrid, napangisi ako.

Ano Lucas? Hindi ka makunteto? Hindi ba sapat ang mga daing at ungol ni Astrid? Mas maganda ba pakinggan ang akin? Mas maraming beses ko bang nasasabi ang pangalan mo kaysa kay Astrid? Or did she not satisfy you in bed?

Sumimsim ako sa beer at pinanatili ang titigan naming dalawa. Mas lalong lumamig at dumiin ang titig niya sa akin. His jaw clenched and unclenched. May kasama pa siyang isang lalaki. Kinakausap siya ni Mara at ang mga magulang nitong nasa tabi na niya pero nanatili si Lucas sa aking galit na nakamasid.

Nanginginig ang mga tuhod ko kahit na nakaupo. Ang kalamnan ko ay tila hinahalungkat sa kabang nararamdaman. My heart boomed in ecstatic beating 'till it hurts. Dapat galit ako sa kanya... pero itong nakikita ko siya ngayo, natutunaw na lang ako.

The mere sight of him was enough for me to be light-headed. Doon ko lang na-realize na may tama na pala ako. Hindi lang sa alak pero sa lintik na mga ginagawa niya sa akin. Somehow, he's going to alter the course of my life.

Noon si Lolita at Vlady lang ang iniikutan at dahilan ng pag-ikot ng mundo ko. Ngayon... nanubig ang mga mata ko. Binaba ko iyon dahil alam kong mariin at tila may malaki akong nagawang atraso kung tumititig siya sa akin.

Ngayon... pinapangarap kong sa kanya papunta ang mundo ko. Na masasali ako sa takbo ng buhay niya. Na sa akin umikot ang mundo niya. I want to be center of his universe as how I already included him in the center of my universe, too.

"Get your hands off my girl," umalingawngaw ang baritonong boses ni Lucas. 

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

4.7M 295K 107
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
458K 27K 44
The story continues to unfold, with secrets unraveling and new dangers lurking in the shadows. The Chauhan family must stay united and face the chall...
755K 39.9K 21
This book is about the two daughters-in-law of Rajputs who have gotten married to the two Rajput siblings and are best friends as well even before be...
288K 33.2K 83
#Book-2 of Hidden Marriage Series. 🔥❤️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...