BEST FRIEND (CRUSH SERIES #1)

By thatgirlissilent

119 11 11

10 years old meet this one couple dylan lucas and luna rose lozano pero nagkahiwalay din sila. after a years... More

DISCLAIMER
BEST FRIEND

PROLOGUE

35 5 10
By thatgirlissilent

PROLOGUE


Naglalaro lang ako ngayon sa garden ng mansion habang wala naman dito sila mommy at daddy sa bahay. Lagi naman sila umaalis kapag Monday-Friday dahil sa business namin.


Ayos naman sakin yun dahil nagagawa ko gusto ko tuwing wala sila.


Pumunta sa mall at maglaro sa timezone syempre kasama si kuya roel ang driver ko.


Sinasabi niya ito kay mommy at daddy pero hinahayaan naman ako nila basta daw huwag ako pabayaan ni kuya roel dahil siya talaga masisi kapag meron mangyari masama sakin. Yun lang narinig ko sa usapan nila dahil umalis na sila mommy at daddy.


Habang naglalaro ako dito dahil sa katatakbo ko para habulin ang laruan kong sasakyan na meron battery at mapapaandar ko rin ito. Di ko namalayan na may bato palang nakaharang sa pagdadaanan ko kaya nadapa ako at nagka-gasgas sa tuhod ko.


Gusto ko nang umiyak dahil walang tao dito kaya walang tutulong sakin. Nasa kusina at kwarto sila naglilinis kaya ako lang mag-isa dito.


Kaso nagulat ako na meron isang batang babae na naglalakad dito may dala pa siyang backpack na may design na dora. Mukhang ka-edad ko lang siya, medyo nagulat din siya dahil nakita niya ko dito at mas nagulat pa siya dahil nakita niya ang sugat ko.


"Tulungan mo kaya ako dito." Masungit na pagkakasabi ko sa kanya. Naglakad naman siya papalapit sakin at tinignan yung tuhod ko na merong sugat pagkatapos ay binuksan niya ang bag niya tsaka may kinuha dun. Band-aid,panyo at tubigan na meron laman na tubig. Una binasa niya kaonti ang dala niyang panyo tsaka pinunasan ito sa tuhod ko.napa -aray pako dahil sa sakit. Sunod na ginawa niya ay nilagyan niya na ng band-aid yung tuhod ko tsaka nilagay na ulit yung tubigan niya sa bag niya tsaka hinawakan niya yung panyong basa at tumayo nah. Nilahad niya yung kamay niya sakin tsaka sumenyas na tumayo nako.hinawakan ko naman nang napaka-diin ang kamay niya tsaka maingat na tumayo. Pinagpag kopa yung likod kong short dahil baka meron dumi dito.


"Salamat." Saad ko bago ika-ikang pumasok sa mansion.hindi naman siya nagsalita, tumango lang siya at umalis na sa harap ko.


"Ohh anong nagyari sayo bakit may band-aid yang tuhod mo at may design pang hello kitty anong nangyari sayo Dylan iho??" bungad sakin ni yaya winter. medyo bata pa si yaya winter halata naman sa itsura niya.


"May winter po kasi labas kaya nadapa ako sa yelo." Biro ko at umupo sa sopa tsaka tinignan ang tuhod ko.


"Ikaw talagang bata ka ohh wag kang masyadong patakbo-takbo dahil baka madisgrasya ka na naman alam mong kami malalagot niyan sa mommy at daddy mo." Sabi niya pah. "Nga pala sino ang nagtulong sayo sa sugat mong iyan??"


"May batang babae po kasi nakakita sakin kanina sa garden at ayun tinulungan ako." Sagot ko naman.Napatango-tango naman siya."Kilala niyo po iyon??"


"Si luna yun anak ni kuya roel mo." Sabi niya naman.ako naman ang napatango-tango. "Bakit crush mo??" tanong niya agad naman akong napa-iling.


"Purket nagtanong lang kung sino crush ko agad??" masungit na saad ko. Natawa naman siya.


"Biro lang. Dalhan kita ng makakain mo saglit lang." Huling sabi niya bago pumasok sa kitchen.binuksan ko naman ang tv at nanood na lang ng Netflix.


"Ano yang pinapanood mo??" tanong ng katabi ko.Nagulat naman ako at tinignan kung sino ito. yung batang babae lang pala kanina.


"Anong ginagawa mo dito??" masungit kong sabi tsaka tinignan ulit ang pinapanood ko.


"Wala nag-iikot lang ako dito sa bahay niyo. Ang ganda ng bahay niyo mala palasyo." Hangang-hanga naman niyang sabi. Di ko naman siya pinansin at nanood lang.


"Ohh nandito ka pala luna nasan ang tatay mo??" bungad ni yaya winter sa katabi kong ito.


"Nasa garahe po inaayos ang kotse. Pina-ikot niya po ako dito sa mansion pero dito lang bawal daw sa taas baka maka-sira ako ng babasagin na gamit po dun." Saad naman ni luna.


"Ahh buti pinayagan ka tumabi netong lalaking ito. Masungit pa naman yan dito." Saad ni yaya winter.sinamaan ko naman siya nang tingin pero tinawanan niya lang ako.


"Halata nga po." Bulong ni luna pero rinig ko!


"Tsk pwede bah magsi-alis kayo sa harapan ko." Galit kong pagkasabi sa kanila agad naman pinatayo ni yaya winter si luna.


"Ako nga pala si luna rose Lozano anak ni kuya roel mo pero pwede tawag mo na lang sakin ay luna."pagpapakilala ni luna sakin nilahad niya pa kamay sakin.


"Dylan lucas."paikling pagpapakilala ko pero hindi ako nakipag-shakehand sa kanya at patuloy lang sa panonood.


"Nice to meet you Dylan." Saad pa ni luna at ngumiti sakin.tinignan ko naman siya at binigyan ng walang reaksyon na mukha.


Ang cute niya ngumiti may halong dimple pero di parin ako meron pagka-gusto sa kanya tsk.



Pagkalipas nang ilang buwan ay naging magkaibigan kami ni luna at siya lagi nagpapangiti na sa'kin . Kina-usap kopa si mommy at daddy na kung pwede siya dito kapag meron siyang time makipag-laro sakin.


Kaso isang araw ay kinausap ako ni kuya roel na aalis na siya sa trabaho niya at di kona ulit makikita si luna. Iyak lang ako ng iyak sa huling araw na pagsasama namin ni luna. May binigay ako sa kanya na maliit na teddy bear na ala-ala namin sa isa't isa. Meron din siyang binigay na notebook na pinagdradrawing niya na puro kami daw iyon at mga pangyayari na nangyari samin.


I'm gonna miss her so much and I wish na magkita ulit kami sa future.


And yes she's my first love. First love never die's


P/A:di daw crush pero first love hshshs 


AFTER NINE YEARS.


I'm now first year collage.Di ko parin nakikita si luna hanggang ngayon sana sa desai university na ito ay Makita ko na siya.


Never na ulit ako nagkaroon ng kaibigan dahil ayaw ko kahit yung mga naging kaklase ko sa dating school ay wala meron naman ako nakilala dahil sa mga groupings and basketball pero hindi ko sila kinaibigan dahil baka ma-toxic ang mga ito.


"Welcome to our school Mr.lucas I hope your gonna enjoy,explore and learn to this school. I'm danica morales assistant of the principal and I am gonna assist you to this school." Sabi ng teacher din na kaharap ko lang.


"No thanks. Kaya ko mag-ikot dito kahit walang taga-assist."sabi ko naman.


"Your choice Mr.lucas at kung gusto mo maging basketball ng school na ito ay puntahan mo lang ako sa principal office.Goodluck to you for your engineering course."Sabi niya pah bago umalis sa harap ko.


Tinignan ko kabuunan ng school. 6 floor ang taas ng building na papasukan ko. Meron pa katabi ang building na ito pero 4 floor lang ang taas at may daanan sa pagitan nito para kung pupunta ka sa magkabilang-building.


Napa buntong hininga na lang ako at pumasok sa loob.ni tap ko muna yung ID ko para maka-pasok ako sa loob. Konti lang tao dito dahil medyo maaga pah. Tinignan ko Ipad ko kung san ang binigay sakin na magiging locker ko.


Habang naglalakad ako ay may nabunggo akong isang student din dito. Nahulog ang mga gamit niya kaya agad naman niya ito kinuha kinuha ko din naman ang nalaglag na lagayan ng tablet niya din.


Luna rose Lozano pagkakabasa ko sa nakalagay na name sa gilid ng lagayan ng tablet niya.


Binigay ko ito sa kanya yung babaeng nabangga ko. Tinignan naman niya ako tsaka kinuha yung gamit niya at umalis.tinignan ko lang ito hanggang sa mawala na sa panangin ko. I think i meet her again.


Pinagpatuloy ko na ulit sa paghahanap ng locker at nakita ko naman agad.binuksan ko ito gamit ang susi na binigay sakin tsaka nilagay yung iba kong notebooks na di naman importante sa first day of classes.nilagay ko din yung ibang gamit ko at extrang school uniform para may pang-palit ko kapag kailangan.


Nung okay na lahat ay nag-ikot ikot pako sa school habang wala pang klase.


_ _ _ 

Continue Reading

You'll Also Like

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...