The Town With Only One Offici...

By blackgraffiti

505 33 16

A small town in the middle of nowhere. The town of Acholia with a population of ONE. Above the ground you se... More

The Town With Only One Official Resident
The Beginning
Chapter 02

Chapter 01

73 8 1
By blackgraffiti

Corn stared at her sleeping grandmother while thinking of what the old woman said a while ago. The sharp words were imprinted on her mind, she canʼt help but to wonder why her grandmother said those things. Dala na ba 'yon ng edad ng kaniyang lola? Nag-uulyanin na ba ang matanda kaya kung ano-ano na ang sinasabi nito at paminsan-minsaʼy nagiging agresibo?

For the ninth time, Corn heaved a sigh. She stood up and turned on the wooden lamp beside her grandmotherʼs bed before she turned off the lights on the ceiling. She closed the door carefully and made her way downstairs. Gusto niyang pumunta sa maliit na teresa ng bahay habang nagkakape. Kung kakayanin, hindi siya matutulog nang maaga ngayong gabi. Sa katotohanan, paranoid siyang tao kaya gusto niyang pakiramdam muna ang paligid.

Tanging kuliglig at pagtama lang ng glass straw sa mug ang naririnig ni Corn habang nagtitimpla ng kape sa kusina. Mukhang mang kalmado ngunit sa kaloob-looban niyaʼy hindi niya mapigilang matakot. Sanay siyang tumira sa kaniyang condo noon mag-isa at hindi naman nakakaramdam ng kung anong nakakatwang takot. Marahil ay dahil sa alam niyang buhay na buhay pa rin ang syudad kahit gabi.

Pero itong kinalalagyan niya ngayon ay kakaiba. Thereʼs no one in this town but Corn and her grandmother. Silang dalawa lamang at ni walang kalapit na isa pang town na may mga tao. Apat na oras bago makarating doon sa maliit din na town na nadaanan nila kanina habang papunta sa lugar na ʼto. Napakalayo noon. Ang mga magsasakang dumadayo naman sa Acholia upang kumain ay isang oras ang layo mula sa kanila.

Pa-ulit-ulit lamang ang tanong na nasa isipan ni Corn.

How did her grandmother survived in this isolated town in her whole life?

Unang gabi niya pa lang dito ay pakiramdam niya madedepress siya dahil sa kakaibang ambiance na dala ng lugar.

She was already carrying the mug on her hand while heading to the small terrace when the phone on her pocket suddenly vibrated. Corn shut her eyes tightly when that simple vibration made her flinch, her heart even beat faster because of nervousness.

Mabilis niyang inilapag ang dala na mug sa lamesitang nasa terrace bago kinuha ang cellphone na patuloy pa rin sa pag vibrate. Nakahinga siya nang maluwang nang makitang ang kaniyang ina ang tumatawag.

"My!" agad niyang bati nang masagot ang tawag. Medyo nabawasan ang takot na nararamdaman dahil mayroon na siyang makaka-usap.

"Corn, how are you? Howʼs the travel? Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang po. It was tiring but manageable. Umalis rin kaagad kanina yung truck driver pagkatapos maikarga pababa yung mga gamit ko."

"Good to know that youʼre fine. How about your lola?" doon na muling napahinga nang malalim si Corn at tumitig sa madilim na kapaligiran.

"She definitely got weaker than before but she can still speak properly and walk slowly. But overall, I think sheʼs doing good. Ayon nga lang ay binabanggit niya na naman ang pagmamana ko raw sa Acholia." saglit na natahimik ang kaniyang ina sa sinabi. Cornʼs eyes remained staring at the dark while waiting for her motherʼs response.

Her eyes slowly adjusted to the dark until she can already get a glimpse of the small destroyed house atleast sixty meters away from where she is standing. Sa magkabilang gilid noon ay may mga nagtatayugang puno at hula niyaʼy pati sa likurang bahagi ay mayroon.

"Is that so? Huwag mo na lang masyadong pansinin ang sinasabi ng lola mo, alam mo namang nagkaka-edad na."

"I turned down her offer, mom. She got mad and became aggressive. Ano ba kasing mayroon sa lugar na ʼto? I get that this town was our ancestorsʼ home before. But generations have already passed, weʼre living on a modern society. Hindi ko naman kayang tumira rito buong buhay ko." pag-aalburuto na ni Corn habang nakakunot ang noo. Nasa isip niya pa rin ang mga titig at salita na ibinato sa kaniya ni Cecilia Osario nang sabihin niyang tinatanggihan niya ang Acholia.

"Itʼs probably her age, Corn. Sheʼs old, intindihin mo na lang. Besides, once your lola recovered, your Tita Ora will take your place." hindi agad nakapagsalita si Corn nang may mamataan na itim na dumaan sa sira-sirang bahay na tinitingnan niya. Mukha itong anino...

Parang napako sa kinatatayuan si Corn at nagsimulang bumigat ang paghinga niya. How she hate these kind of scene. She hates noticing something strange especially when sheʼs on another bizzare place. Ayaw niyang makakita ng kung anong dadagdag sa pagiging paranoid niya.

"Corn?" tawag ng ina kaya napakurap siya at ikinuyom ang kamay habang hindi inaalis ang tingin sa bahay na ʼyon. It canʼt be a person... It might just be a movement from the branches of the trees around the house or itʼs probably an animal roaming around...

"Is one month enough, m–mom? I really want to immediately find a job there..." mahinang ani ni Corn habang pinapakiramdaman pa rin ang sarili.

"We donʼt know, Corn. It will depend on your lolaʼs recovery. Letʼs wish that sheʼll recover sooner so you can go back here."

Ilang minuto pang nagpatuloy ang pag-uusap nila ng ina hanggang sa tuluyang magpaalam ang nasa kabila dahil matutulog na ito, her mom is a busy woman so her mother definitely have a work tomorrow.

Tumitig si Corn sa screen ng kaniyang cellphone nang mamatay ang tawag. She need to talk to someone until midnight, or even until morning. Dahil sa nakitang anino kanina ay inisang lagok ni Corn ang tinimplang iced coffee at nagmamadaling bumalik papasok ng bahay. Mabilis niyang isinarado at inilock ang pinto at bastang inilapag ang mug sa lamesa na nasa kusina at patakbong pumunta sa taas kung nasaan ang kaniyang kuwarto.

She also locked her bedroomʼs door and closed the white curtains to cover the windows. Dahil nakapagbuhos na ng katawan kanina ay dumiretso na siya sa kama habang hawak pa rin ang cellphone. Itinabon niya ang kumot sa kaniyang katawan at inabala ang sarili sa phone.

Ang maganda sa lugar na ʼto ay nakakasagap pa rin ng signal kahit papaano. Wala nga lang wifi pero mapagtitiisan niya naman ang load. Nag stock na siya sa kaniyang phone para hindi siya maubusan at maiconnect niya ang hotspot sa dalang laptop.

What she didnʼt know is the signal was kinda slow the moment she enter the house. Isang bar na lang ang mayroon doon at malabong makapag-bukas siya ng social media sa lagay na ʼyon. Inis siyang napabuntong hininga at walang nagawa kundi lumapit sa may bintana sa pag-asang lalakas ang signal. Nadagdagan naman ʼyon ng dalawang bar kaya nakahinga siya nang maluwag.

She remained standing while facing the window, she started scrolling to know who is online among her friends. Nang makita niyang online ang pinsan na si Froster ay agad niya ʼyong tinawagan. Ilang segundo lang ay agad naman nitong pinaunlakan ang tawag niya kaya binuksan niya na ang camera para magkakitaan sila.

"Ano, gago ka? Papasok pala sa military, ha?" ang panimula niya kaya humalakhak ang pinsan at tinaas-taasan lang siya ng kilay, nang-iinis.

"Iʼve been dying to work on a cruise ship, my dear cousin. Being a soldier isnʼt on my mind right now." nakakalokong ani ng pinsan kaya nagsimula siyang mangalaiti. Talagang ayaw lang nitong sumama sa kaniya!

"Youʼre unfair! You shouldʼve accompanied me here for a couple of weeks so I wonʼt feel lonely! Pakiramdam ko ay mababaliw ako!" her cousin just laughed again.

"Iʼm starting to apply on a certain cruise line, Iʼm sorry. This is really my plan, Corn, I canʼt postpone this." mas sumimangot siya habang nakatingin sa pinsan. Mukhang nakahiga ito at naririnig niya ang tunog ng tv sa background.

"We both have plans. Sana naman dinamayan mo muna ako kahit papano. Ano na lang ang gagawin ko rito? I hated this place for unknown reason, Froster. I canʼt take the deafening silence..." ungot niya kaya ngumiti na lang ang pinsan at umiling sa kaniya.

"I know, Iʼm sorry. Libre kita ng kahit anong gusto mo pagbalik mo rito sa city para makabawi ako." sinamaan niya ng tingin ang lalaki.

"Scam ka kahit kailan. Siguradong nasa cruise ship ka na o kaya nasa training pagbalik ko riyan!"

"Kaya nga alagaan mo nang mabuti si lola para makabalik ka agad. Bugaw na rin kita kay Jace oras na makabalik ka." nakangising ani ng pinsan kaya nanlaki ang mga mata ni Corn.

"Totoo?! Sasakalin kita kapag hindi ʼyan totoo!"

Corn had a long conversation with her cousin because of that. Kung saan-saan na napunta ang usapan nila at nagawa pa nilang maglaro ng isang online game hanggang sa bigla na lang nagpaalam si Froster dahil bigla raw dumating ang girlfriend nito. Halos hatinggabi na rin ʼyon pero hindi pa rin makaramdam ng antok si Corn.

Her loneliness returned the moment she put the phone on her chest and stared at the ceiling. Sadness crept into her system until she realize that tears are already streaming down her face. Sheʼs not used to being away with her close friends and family. Sobrang layo niya sa kabihasnan ngayon at hindi siya agad makakapunta saan niya man gusto dahil una, wala rin namang mapupuntahan sa lugar na ʼto kundi mga rice at corn fields.

Those thoughts are depressing enough that itʼs making her cry. She doesnʼt want to be in this place...

She was still crying silently when she suddenly heard a noise. Napatigil siya bigla at umurong ang mga luha na kanina lang ay patuloy na tumutulo sa pisngi niya.

Whatʼs that noise? Agad siyang nakaramdam ng kaba dahil mukhang sa labas lang ng bahay nanggagaling ang tunog na ʼyon. Itʼs a strange noise... It seems like itʼs coming from underground. Mukhang huni ng hindi maintindihan na bagay at hindi naman ito kalakasan. Talagang maririnig lang dahil sa sobrang tahimik ng kapaligiran. May tono ang tunog na ʼyon at parang lumilikha ng echo.

Her skin crawled as she continued listening to the eerie noise. She doesnʼt know what to do, but she wonʼt definitely leave the house just like what those stupid people does in horror movies.

As she listen more, the noise started to sound like a continuous chant.

She clutched her blanket tightly as the chant became faster. She feels like itʼs already inside her ears... vibrating. Napahawak na sya sa ulo at mariing ipinikit ang mga mata. Sumasakit ang ulo niya habang mas lumalakas ang mga tunog na ʼyon.

Ramdam niya ang butil ng pawis na tumulo sa gilid ng kaniyang noo habang sapo ang dalawang tenga at isinisiksik ang sarili sa dulo ng kama. Mukha siyang bata na takot na takot at hindi alam ang gagawin.

The noises are very disturbing. Bigla na lamang tumataas at bumababa ang tono noon, bigla ring bumibilis at bumabagal.

Corn doesnʼt know how long it lasted. All she knows is she forced herself to sink into a deep slumber just to shrug away those noise. Hindi niya alam kung gawa-gawa lang ba ʼyon ng hallucination niya dahil sa takot na nararamdaman para sa lugar na ʼyon o talagang may kakaibang nangyayari...

It was already another day when she opened her eyes. She almost panicked when she didnʼt saw the ceiling of her bedroom on the city. She just calmed down when she remember that sheʼs on Acholia. Nasa isang liblib na lugar nga pala siya.

Ang hula niya ay hindi pa tuluyang lumiliwanag ang paligid dahil hindi pa ʼyon tumatagos sa bintana ng kaniyang kwarto.

She left the bed like a zombie, she did her morning routine like a lifeless woman. Wala pa rin siyang gana nang bumaba at dumiretso sa kusina upang magluto ng agahan para sa kanila ng kaniyang lola. She feels like her head is floating as she stare at the sunny side up that she is making.

"Cornelian." Corn almost jumped when she heard Cecilia Osarioʼs hoarse voice. Mabilis siyang lumingon at nakitang hawak nito ang kahoy na tungkod at medyo nanginginig pa ang kamay habang dahan-dahang naglalakad papunta sa kaniya. Pinatay niya na ang kalan at mabilis na nilapitan ang matanda upang tulungan itong maka-upo.

Nagmamasid lang siya habang dahan-dahan itong umuupo. Palaisipan pa rin kung paano nagagawa ng matanda na makababa at maka-akyat sa hagdan mag-isa. Hindi niya man lang narinig ang tunog na nililikha ng hagdan kapag may naglalakad dito, siguro nga ay napakalalim ng iniisip niya kanina. Baka inabot ng siyam-siyam ang kaniyang lola bago tuluyang nakababa.

"Sa susunod po ay tawagin niyo sana ako kung kakailanganin niyong dumaan sa hagdan. Iʼm afraid you might trip or fall on the stairs..." ani Corn sa lola pero tinitigan lang siya nito habang nakakunot noo. Ilang sandali pa ay iginala nito ang paningin sa buong kabahayan.

"Naaamoy mo ba ʼyon?" biglang tanong ng matanda. Corn sniffed but all she can smell is the toasted smell of the sunny side up egg. Ilang segundo bago niya naintindihan ang sinasabi ng matanda.

"Iyong bagoong po ba, La? Padala po ʼyon ni mommy kasi mahilig po akong isawsaw ang manga ron." she opened the jar a while ago thatʼs why itʼs smell is kind of mixing on the air. Hindi nagsalita ang matanda at malikot pa rin ang mata kaya hinayaan niya na lang at inihanda na ang hapag. Sinabi na sa kaniya ng ina ang mga hindi dapat kainin ng mga nastroke kaya maingat sya sa mga ihahanda sa matanda.

They started to eat in silence. Corn will sometimes guide her grandmotherʼs hand because the shaking occasionally intensifies. Gusto niya sanang itanong sa kaniyang lola ang narinig niya kagabi, ngunit nagdadalawang isip siya. That was just her first night, what if her mind was just playing tricks on her and there wasnʼt really any strange noise from last night?

"Buksan mo ang tavern mamaya, pupunta na ulit rito ang mga trabahador." Corn just nodded and continued eating, her mind is still somewhere else.

"Huwag ka nang pumunta sa mga sira-sirang bahay at baka madisgrasya ka pa. Huwag ka na ring maglibot-libot dahil wala ka namang makikita kundi mga abandonadong bahay at mga puno lang. Kung gusto mong magpalipas ng oras, doon ka sa maliit na library kapag wala ka sa tavern." muling sambit ng matanda kaya tuluyan na siyang tumingin dito.

"How many farmers are visiting here everyday, lola? Wala ka po bang katulong para magluto ng order nila?" umismid ang matanda at umiling.

"Kakaunti lang sila. Siguro ay marami na ang sampo na magkakasabay-sabay kumain sa iisang oras. Kadalasan ay pa-isa-isa lang din ang kustomer lalo na kung hindi naman oras ng pagkain. Hindi na kailangan ng katulong. Chef ka, hindi ba? Kaya mo ʼyon." napaisip si Corn sa sagot nito. Sampo? Kakaunti nga ʼyon.

"Mga matagal ko nang kustomer noon pa ang dumadayo rito para lang kumain. Karamihan sa mga magsasaka ay doon na pumupunta sa kainang mas malapit sa kanila." napatango siya at uminom ng tubig.

"Sino po ang bumibili ng supplies, kung ganoon?"

"Syempre ako na. Linggo-linggong may binata na pumupunta rito para ipagdrive ako papunta sa pinakamalapit na bayan." napangiwi si Corn. Ang pinakamalapit na bayan ay apat na oras ang layo mula sa Acholia.

After breakfast, Corn helped her grandmother to bathe first. After tending her lola and making her drink the medicine, she washed the dishes and also prepare herself for opening the tavern. She just wore a black cropped shirt and an overall.

Inaalalayan na ni Corn ang kaniyang lola habang naglalakad sila palabas dahil sasama ito sa tavern upang ituro sa kaniya ang mga kailangan niyang malaman sa maayos na pagpapatakbo nito.

She canʼt help but to stare at the crumbled house in front of theirs. Madaraanan nila ʼyon kaya todo ang tingin niya ron at inaalisa pa ang mga puno na nasa paligid para lang ikumpirma na baka iyon nga ang nakita niyang anino kagabi.

Nang lingunin niya si Cecilia ay nakatingin rin ito roon sa bahay. The eyes of the old woman is into slit and it seems like sheʼs studying something on the exterior of the house.

"Huwag kang pupunta riyan, delikado." biglang sabi ng matanda. Agad namang tumango si Corn dahil wala rin naman siyang balak. Mukhang isang apak na lang doon ay tuluyan nang magigiba ang buong bahay.

It took them so long to reach the said tavern because the old woman walks really slowly and carefully. Katamtaman lang ang laki ng tavern na iyon nang tuluyan niyang mabuksan. May iilang upuan at lamesa sa magkabilang gilid at may chillers din na naglalaman ng ibaʼt-ibang drinks. Kung titingnan, mukhang isang karaniwan na convenience store lang ito mula sa syudad. Mas retro nga lang itong tingnan dahil sa pintura, disenyo, at mga gamit.

Nagsimulang magturo ang lola niya sa paligid at tahimik naman na nakinig si Corn at inalala ang mahahalagang detalye upang hindi siya pumalpak. Her grandmother can be really scary when sheʼs mad and unsatisfied. When she was still a young kid, she always fears to move around clumsily because she doesnʼt want how her grandmother will stare at her whenever sheʼll do something wrong.

Nanatili si Cecilia nang magsimula siyang magluto sa loob ng counter. Kadalasan daw na may iilang customer na pupunta sa tavern upang mag-agahan kapag nasa malapit lang ang pag-aanihan nito. Kapag naman hindi ay magtatanghali na dumarami ang tao.

Nagamit ni Corn ang natapos na kurso habang gumagalaw sa kusina. Wala namang nasabi ang kaniyang lola dahil kahit sa sarili niya ay alam niyang gamay niya talaga ang mga gamit pangkusina.

"Dapat po ay isasama ko rito si Froster kaso ay abala na siya sa pag-aapply sa isang cruise line." Corn decided to open a topic so she can atleast kill the silence between them.

"Hindi baʼt pareho kayo ng natapos na kurso noon? Anong gagawin niya sa barko?"

"Doon niya po gagamitin ang degree niya." tumango lang ang matanda nang lingunin niya ito.

Agad na namatay ang pag-uusap nila kaya todo rin ang pag-iisip ni Corn ng bagong topic. Hindi siya kumportable na tinitingnan lang siya habang nagtatrabaho. She would rather choose to make a conversation from a watcher so there wonʼt be any dead air and tension, but sheʼs having a hard time to strike some good conversation with her grandmother.

"Anong oras ka natulog kagabi?" biglang napatigil si Corn sa tanong ng kaniyang lola. Muli niyang naalala ang mga narinig kagabi at kung paano siya sobrang natakot...

"B–bandang hatinggabi na po..." napalunok siya at pinilit ang sarili na ipagpatuloy ang ginagawa.

"Hatinggabi? Bakit ganoon ka na matulog? Maaga rito sa tavern kaya dapat ay maaga ka ring matulog." hindi agad siya nakapagsalita. Sanay siyang magpuyat noong nag-aaral pa siya.

"Ano po kasi... kausap ko si Froster..."

"Anong petsa na ngayon?" Cecilia Osario suddenly asked randomly.

"October 16 po." nanlaki ang mata ng matanda at kapansin-pansin ang bahala na bumaha sa mukha nito.

"May problema po ba?"

"Magsisimula na..."

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 76.8K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...
2.3M 117K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
35.1M 762K 45
The students of Special Section are dying, one by one. Some say it's a curse, but the transfer student believes that someone is killing her classmate...
9.4M 396K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...