Discord [COMPLETED]

By InsaneSoldier

129K 9.2K 2.1K

Date started: April 24, 2018 Date completed: February 25, 2023 ** Bianca's plan was almost perfect - almost... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Last Chapter
Sequel

Chapter 13

2.8K 246 33
By InsaneSoldier

"Oh...sino kaya yung nagsabing hindi siya magluluto ng sinigang?"

Parang gusto kong ihagis yung pinaglulutan ko sa kanya habang mainit na mainit pa. "Sabaw lang sa'yo."

"Ay, huwag naman." Lalo akong naasar nang tumawa itong Eris na 'to. "Maawa ka sa nagugutom kong mga alaga."

"Kapag ininis mo pa ako, sabaw lang sa'yo at siling haba."

"Grabe ka naman sa akin. Hindi ka naman iniinis, sadyang asar ka lang sa akin."

"Buti alam mo." Parang sasama pa yata lasa ng niluluto ko kahit patapos na dahil nababadtrip ako.

Tumahimik na siya pagkatapos. Tanging yung sound lang ng tv ang naririnig ko, feeling ko nagn-Netflix siya. I peeked a little on her and I gasped when I saw that she's staring at me. "Anong tinitingin-tingin mo?"

"Sungit." Umiling siya. "Eh, ikaw bakit lumingon ka rito?"

Since hinihintay ko na lang yung niluluto ko ay naupo ako sa lamesa at tinitigan siya. "Chine-check ko lang kung buo pa yung living room ko."

"Maria Clara, hindi ako batang malikot."

"Naninigurado lang."

"Pero gutom na ako."

"Hintayin mo sabaw mo."

"Huwag naman sabaw lang!" Ngumuso siya. "Ikaw kainin ko diyan, eh."

"Tigilan mo ako."

"Joke lang." Ngumiti siya at hinawi yung buhok niya pagilid sa kanang tainga. Para bang at home talaga siya sa ikinikilos, mas comfortable pa yata siyang gumalaw kaysa sa akin. "Serious mo masyado, tatanda ka niyan agad."

"Mas matanda naman ako sa'yo in the first place." Tumayo na lang ulit ako at tiningnan yung sinigang. Naiinis ako kapag nakikita ko mukha niya.

"Hmm, Ate Bianca?"

"Shut up."

"Ate Heriel?"

Napahinga na lang ako ng malalim. Pinatay ko yung kalan. Muntik pa ako mapaatras nang sa pagharap ko ay mukha mismo ni Eris ang bumungad sa akin, pero maagap niya akong nahawakan sa braso at sa baywang ko palapit sa kanila. Iginilid niya ako palayo sa stove. "Tangina naman—"

"Oh, oh, kalma." Tinapik-tapik niya ako sa likuran. Ewan ko kung anong meron at kumalma nga ako sa ginagawa niya. Inalis ko yung kamay niya sa akin. "Iniwas ka na nga para hindi ka mapaso."

"Kasalanan mo naman, gago 'to."

"Ganda mo, dirty lang mouth." Binelatan niya ako. Napairap ako dahil ang childish niya. "Kain na ba?"

"Maya-maya."

"Oh, tara."

"Saan?"

"Doon sa sofa."

"Ayoko, maliligo ako."

Kumunot ang noo niya. "Gusto mong mapasma? Kaluluto mo lang. Halika na."

"Eris Belo—"

"Kumontra ka, bubuhatin kita papunta ro'n."

Putangina.

Binangga ko siya nang dumaan ako pero tinawanan lang ako ng siraulo. Naupo ako sa sofa tulad nang sinabi niya. Napatingin ako sa tv pero hindi naman ako interesado sa palabas kaya sinundan ko lang ng tingin si Eris na naglalakad palapit sa akin.

Hindi ko siya pinansin nang umupo siya sa tabi ko since may space naman. Naglabas ako ng panyo at pinunasan ang sarili. Pero hindi talaga ako mapakali. Tumayo ako kaya napatingin si Eris sa akin.

"Bakit?"

Huminga ako. "I'll take a quick bath. Stay there."

"Kulit mo." Hinila niya ako paupo. Sinubukan ko tumayo pero ayaw naman niya akong bitawan. "Huwag kang gumalaw."

"Eris!" Tinulak ko siya. Tatayo sana ulit ako nang hilahin naman niya ako at putangina talaga, sa lap niya ako napaupo. "What the fuck? Ako ba ginagalit mo?"

"Ayoko lang mapasma ka." sagot niya. Hindi pa nakuntento at niyapos pa ako. Lalong gusto ko tuloy maligo. "I washed up, malinis ako. Huwag kang pabebe na, Maria Clara."

"I am fucking not." Nanggigigil na saad ko sa babaeng ito na may tinatagong tigas ng mukha. Hindi ko alam "I want my privacy back, let go of me."

Bigla niya ako inalis sa lap niya at pinaupo ng maayos. Tiningnan niya ako ng matagal kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Problema mo?"

"I'm sorry." She pursed her lips in a small smile. Hindi ko maintindihan kung bakit para bang ang sincere masyado ng datingan no'n. "Okay, but seriously, can I hug you?"

"At bakit?"

"Parang gusto lang kitang yakapin."

Parang sasakit lang ulo ko sa kanya. Sa asar ko ay hinila ko siya sa buhok. "Okay, gutom ka. Kumain na muna tayo, maliligo ako pagkatapos."

"Eh, ano gagawin ko?"

"Ubusin mo yung sabaw kung gusto mo."

Ngumuso siya. "Hindi pa naman ako ganoon ka-bored sa buhay, pero gutom na nga ako."

Tumayo na ako at sumunod naman siya. Kung masama lang talaga ang ugali ko, kanina ko pa siya pinalayas. Pasimple akong napahawak sa bandang dibdib ko.

Fuck. My heart's still beating so fast. Sino ba naman kasing hindi mabibigla sa ganoon?

Kahit ko sinasabihan ay kumuha siya ng plato sa lagyanan at sinimulan iyong ayusin pagkatapos namin maghugas ng kamay. Tinulungan niya lang ako hanggang sa ma-prep ang lahat. Hindi pa siya nakuntento at pinaupo pa niya ako at sinimulang ipaghain.

"I have no one to do this for at home," kwento niya. "It actually feels nice to serve someone."

"Bahala ka."

She chuckled. "You're really nice, lagi ka lang masungit."

Magkaharapan kaming naupo. Walang gumagalaw ng pagkain sa aming dalawa, parang nagpapakiramdaman.

"Mauna ka na," sabi ko sa kanya. "Tikman mo."

"Sure naman akong masarap 'to. Yung noodles nga last time, eh."

"Arte. Bilis na."

"You just want to see my reaction, don't you?"

"Gusto ko lumayas ka."

Natawa siya ng malakas. Inayos niya ang buhok, nang hindi makuntento ay nilabas na niya ang panali ng hair na meron naman pala siya. She gathered her hair in one place and tied it—not too tight, and not too loose either. Hindi ko rin maintindihan sa sarili ko kung bakit ganoon na kasimpleng bagay ay pinanood ko pa.

"Do I look prettier?" Inilagay niya ang palad sa bandang pisngi na parang nagpaoa-cute.

"Mukha kang granny." I told her. Kahit bagay naman talaga sa kanya 'yon. She's so white and her hair's so black. She looks like Snow White without getting a hair cut.

"Well, this granny likes you very much."

"Maghugas ka ng kamay." sabi ko na lang, hindi iniintindi ang sinabi niya. Sumaludo naman siya at kaagad na sinunod ang sinabi ko.

Naalala ko yung first time niya ako kausapin. Puro kagaguhan din ang lumalabas sa bibig niya noon, actually, wala namang pinagbago. This time lang ay mas tolerable ko na.

Ah...wala talagang nasusunod sa gusto kong mangyari. Sana lang, last na 'tong si Eris. G-graduate din naman kami, hindi naman kami laging magkasama. Once she starts working and have a life of her own, her world will starts to grow bigger as well.

Sa mundo na 'yon, hindi niya ako kailangan.

Tulad ng gusto kong maging mag-isa lang. Kasi hassle magkaroon ng baggage full of uncertainties.

"Gusto mo ng hug?"

Tiningnan ko ng masama si Eris na kaharapan ko na pala ulit. "Kumain ka na nga. Kung anu-anong sinasabi mo."

"I'm serious, Bianca." Mataman niya akong tinitigan. "You looked lonely just now."

"Assuming." Maka-lonely kahit hindi

Tinikman na niya yung luto ko. Tumingin siya na parang bata. "Sorop!"

I fought the urge to smile. Sarap palayasin.

_____

Discord's last update was on Nov. 29, 2020. It's May 31, 2021 now. Lol.

Welp. Welcome back, Maria Clara and Eris Belona. 🤧

Continue Reading

You'll Also Like

252K 11.2K 28
¹ [First Book] [GxG] September Galaxy Meyer. A singer and artist. She is looking for her childhood sweetheart para tuparin ang isang pangako. "Pag na...
319K 8.6K 31
Keyleigh Brielle Razon.
4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
288K 11K 38
Mizzelle Carmilla Velasco - She is rich, privileged, and contented with her life. She's friends with benefits to a girl that she treated badly but sh...