Dominant Lover

Oleh Clyvien

58.3K 1.2K 30

Addie Faye Salvacion leave their house that night to escape from the pain and hatred in her heart. It was rai... Lebih Banyak

SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
WAKAS

Kabanata 41

1.3K 19 0
Oleh Clyvien

Nagising ako sa alarm ng phone ko. Ugh ang sakit ng ulo ko. "Morgan..."

Si Morgan! Kailangan niya ako sa tabi niya. Bakit nandito ako at natutulog. I need to go. Kailangan ko siyang bantayan. It all happened because of me. Wala akong karapatan na magpahinga at matulog.

I need to go. Wala ako sa wisyo na naglakad palabas ng apartment. Ang nasa isip ko lang ay pumunta sa bahay nila. Hindi ko maiwasang maluha sa sinapit niya. He's gone. He took his own life. Hindi ko yata mapapatawad ang sarili ko.

Biglang bumalik ang ngiti niya at ang huling pamamaalam niya. Humihikbi akong pumara ng taxi.

"Ma'am okay lang ho kayo?"

"Kuya pwede pakibilisan?" Mas napahagulgol ako sa tanong ni manong driver.

Limang daan lang tong nadampot ko kanina sa table. Di ko na din nadala pa ang phone ko sa kakamadali. Baka mamaya biglang nawala si Morgan doon. Baka itago nila sa akin dahil galit sila sa akin. Hindi pwede...

Lumabas ako agad pagkabigay ko ng bayad. Di ko na din inantay pa ang sukli ko. Dali-dali akong nag-doorbell.

Patuloy lang ako sa pag-iyak. Bakit walang nagbubukas ng gate? Ayaw ba nila ako papasukin? Kinuha na ba nila tita si Morgan? Galit ba sila sa akin dahil sa nangyari sa anak nila?

"Morgan!"

"Buksan niyo tong gate!"

"Manang! Pabukas ng gate!"

Masisiraan na ata ako ng bait. Kanina pa ako nag-dodoorbell pero wala. Mas lalo akong napahagulgol. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha ko.

I'm just wearing my pajamas at ngayon ko lang naramdaman ang hapdi sa paa ko. Wala pala akong sapin sa paa. Dumudugo ito pero wala akong pake.

Napaluhod na lang ako sa lupa. Nabuhayan ako ng bumukas ang gate.

"Ma'am Addie buti naman bumalik na kayo." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at tila nagtataka sa itsura ako. Kahit andaming sugat sa paa ko ay di ko na ininda. Paika-ika akong naglakad.

"Salamat manang." Yun lang nag nasabi ko at dali-daling pumasok sa bahay nila. Ang tahimik. Asan ang mga tao? Bakit wala yung madaming maid? Kinuha na ba nila si Morgan?

"Morgan! Morgan!" Mas lalong bumuhos ang luha ko. Walang katao-tao sa bahay. Nasaan ang kabaong dito? Bakit walang mga bisita?

"Morgan!"

Umakyat ako sa taas at binuksan ang kwarto niya. Walang tao. Hinalughog ko ang bawat guest rooms pero walang tao. Nasaan sila?

Bumaba ako uli at hinanap ang maid na nagbukas ng gate kanina pero hindi ko na makita.

Napaupo na lang ako sa sahig at yumuko. Wala na nga siya. Iniwan na nila ako. Sinisisi ba ako nila tita? Kasi ako sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala ni Morgan.

"Ma'am..." Nagising ako sa pagtapik ng kung sino sa balikat ko.

"Manang si Morgan po?" Agad ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat at yinugyog ito. Tila naguguluhan naman itong napatitig sa akin.

"Umalis ma'am." Tila nanghina ako sa naging sagot ng manang Selya.

"Kinuha na ba nila tita? Kanina lang po? Anong date na ba? Saan daw nila dinala? Manang tulungan niyo naman po ako." Mas naguluhan ang itsura ni manang. Tinignan niya ang buong itsura ko saka tumayo. "Sandali lang idadala kita ng maiinom."

Taas baba ang balikat ko. Nahirapan na din ako huminga. Nagsisisi na ako. Kung pwede lang ibalik ang oras.

"Manang Ely? Nandito na po ang mga kailangan niyo. Just call kuya Niko kung may kulang at siya na nag bibili." Morgan?

Am I hallucinating? Narinig ko ang boses niya. Minumulto ba niya ako?

"Ay sir si ma'am po..."

Napasigaw na lang ako at napatakip ng tenga.

May lumapit sa akin. Kaamoy ni Morgan. His scent. Minumulto ba talaga ako? Morgan patawarin mo sana ako. Hindi ko ginusto ang nangyari sa'yo.

Naramdaman ko na lang ang pagsarado ng mata ko. Nagdilim na ang paningin ko. Sana sa panaginip dalawin mo ako Morgan.

"She's here. What happened? Okay...sige. I don't know either! Yes I call you back."

Rinig ko ang boses ni Morgan. "Morgan."

Naaninag ko ang mukha niya. Nasa panaginip ko nga siya. I'm glad na nagpakita siya. I miss him badly. Umagos muli nag luha ko. "I miss you." Inilapit ko ang palad ko sa mukha niya at hinaplos ito.

"Patawarin mo sana ako. Bakit mo naman ako iniwan? Kung alam ko lang sana...sana...hindi nangyari iyon sa'yo."

"Mahal na mahal kita."

It looks real. The way he held my hand. Mas lalo akong naiyak dahil sa haplos niya. Miss na miss ko na siya. Kung pwede lang na mayakap ko uli siya kahit sa huling pagkakataon lang.

"Baby what happened? You seemed not okay. I'm so sorry if it stress you this much with what happened." Morgan? He talked back?

Kung panaginip man ito okay lang mayakap lang kita muli. Bumangon ako sa pagkakahiga at yinakap ang pigura niya sa harap ko ng sobrang higpit.

"Morgan...I'm so s-sorry."

"Addie what happened? Bakit ganyan ang itsura mo? Did something bad happened? I'm worried."

Pinaharap niya ako at saka niya pinahid ang luha sa mata ko. "Why you seemed so real? I am dreaming right? Or minumulto mo ba ako?" Pinisil-pisil ko ang pisngi niya ata ramdam na ramdam ko. Napaouch pa siya dahil sa kurot ko.

He's real? He's not dead?

"Waaah Morgan you're alive! I thought you were dead. Akala ko iniwan mo na ako ng tuluyan." Dinamba ko siya ng yakap kaya napahiga kami sa kama.

"Baby easy." Napahalakhak siya.

I'm crying yet he's laughing?

"Ano bang nagyayari sa'yo? You think I'm dead? Hmn?" Pumaibabaw siya sa akin at pinisil ang ilong ko.

Parang binigyan uli ako ng buhay. It's just a nightmare thank God. Akala ko totoong wala na siya. Akala ko patay na siya. My dream seemed so real kasi. To think na napapunta pa ako dito sa bahay nila.

"I had a nightmare and...and you took your own life. Akala ko iniwan mo na ako. Na kasalanan ko ang lahat." Hinalikan niya ang mga luha ko sa mukha.

"Shhh don't cry. Look hindi mo na maimulat ang mata mo. So we're okay now?" Ngumiti siya sa akin.

"Why would you think na magpapakamatay ako? Binangungot ka."

"Parang totoo kasi. Akala ko nagpaalam ka na at kay Wallace or Rain na lang ako magpapakasal." Nag-iba ang timpla ng itsura niya. Nawala ang ngiti at napalitan ng blangkong tingin.

"Fucking no!" Luh sinabi kaya niya yun.

"You've said that!" Pabalik kong sigaw.

"Get up. Magpalit ka muna. Yung paa mo dumudugo."

"Ayoko." Hinigit ko siya kaya bumagsak siya sa kama. Yumakap ako nagsumiksik sa dibdib niya.

"You love me right?" Hindi siya sumagot kaya napatingala ako. He's crying.

"Oh bat ka umiiyak?"

"I'm just happy that you're back. I love you Addie. Believe me ikaw lang. Pakasal na tayo?"

"Pakasal? Bilis mo naman. Di pa nga tayo naka-graduate ng college."

"After graduation magpakasal na tayo. What do you think?" Hinalikan niya ang buhok ko saka hinaplos haplos ito. Napapikit na lang ako. I fine home in his arms.

Past is past. Alam kong nagsisi na din siya. Siguro iyon ang way para maging kami at mahanap namin ang isa't isa. Mistakes are lessons kaya walang mali doon. May tiwala ako sa kaniya at iyon ang paninindigan ko. Walang mali sa sumugal ulit. Ayaw kong magsisi sa huli gaya ng napanaginipan ko. Hindi ko kaya.

"Sure. Pero pano yung si Wallace at Rain?" I tease him. Agad naman nagsalubong ang kilay niya.

"Oh anong meron sa dalawang yun?"

"Akala ko ba mamili ako? Alam mo si Rain sasagutin ko yun kung hindi naging tayo." Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. I love teasing him. Alam kong nagseselos nanaman ang loko.

"Oh edi dun ka magpakasal!"

Bumangon siya at lumabas ng kwarto. Napahagalpak na lang ako sa tawa. That possessive man.

Sinundan ko siya at nandun sa siya sa may gate mukhang may kausap.

"Ford sabing yung utang mo!"

"Utot may utang ka pa sa akin." Si Kristoff na halatang inis na inis na.

"Langya antagal na nun. Expired na yun!"

"Tangina anong expired? Lublob ko mukha mo sa asido eh."

Ah barkada niya pala. Bakit di niya papasukin? Ang init-init ng araw. Tanghaling tapat.

"Bro hindi mo ba kami papapasukin? Nag-aya ang mga gago na uminom." Si Caliber.

"Fota ikaw lang wag mo kami idamay. Nandito lang ako para sa chocolates." Sagot ni Rhys.

Lumapit ako sa kanila.

"A-Addie?"

"Langya Addie ika nga!"

"Addie namiss ka namin!"

"Addie patawarin mo kami!"

"Sorry sa nagawa namin!"

Sunod-sunod silang lumapit sa akin at yumakap. Ni hindi na ako makahinga.

"Damn. Lumayas kayo!" Bulyaw ni Morgan.

"Tol naman namiss lang namin si Addie. Sorry talaga Addie bati na tayo ples?" Pagpapa-cute ni Caliber.

"Yow yow yow!"

Naknang yan. Nandyan nanaman ang pinsan niya. Susmeee sakit lang sa ulo dala niyan.

At ano yang dala niya? Salbabida? Naka-shades pa ito at mukhang handang-handa sa swimming.

Naglakad siya na parang model at nag-pose sa harap namin. Napailing na lang ako dahil alam kong gulo nanaman 'to.

Hinapit ako ni Morgan at binulungan. "Tara takas na tayo. Date tayo."

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

45.2K 3.5K 41
[Completed] Jade Kyrie Archer is a beautiful and smart woman but she experienced to much pain from the past. Her parents and her older brother died b...
466K 7.9K 48
The feeling of being an unwanted for everyone is sick. Nakakamatay at nakakapanghina ng kalamnan. No one will ever see your worth and no one will eve...
4.6M 96.7K 55
COVER MADE BY: Minah Jae Catchline: "I tried to wait but waiting too long is too much for me so I stopped." Teaser: Xyler Faith is a control freak...