Lord Series #2: Drowned

By supladdict

271K 16.4K 3.4K

2/3 of Lord Series "I consider myself as the lord of the sea, but I can't even find her in the vastness and d... More

Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 27

4.9K 340 84
By supladdict

Writings

Napahawak ako sa dibdib ko habang titig na titig sa litrato. Ang puso ko ay parang kakawala na sa lakas ng kalabog nito. Akong-ako ang nasa pictures, hindi ako magkakamali dahil lagi kong tinititigan ang sarili ko sa salamin. Paanong...

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Ang mga mata niya ay namumula at may namumuong luha, halong sakit at pagmamakaawa ang naroon. Tila piniga ang puso ko sa hitsura niya.

"Did I do something wrong, baby?" nabasag ang boses niya sa huling salita.

Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Agad kong tinikom ang mga labi para pigilin ang hikbi.

"Paanong..."

Napapikit ako at napailing sa pagkalito. Hindi ko na alam ang papaniwalaan ko.

"Susubukan mo pa rin bang itanggi? How will you explain this then, huh?"

Nagmulat ako at tinignan ang mga pinakita niya pang litrato. Itinigil niya 'yon kung saan pareho kaming may suot na hard hat. Kuha iyon ng kung sino at buong katawan namin ang kita. Tipid ang ngiti niya ngunit ang hawak sa bewang ko ay mahigpit na tila inaangkin ako. Ako naman ay malaki ang ngiti at nililipad ng hangin ang mahaba at alon-alon na buhok, nakasuot ng mahabang palda at puting off-shoulder na damit.

Hindi ko 'yon maalala pero habang nakatitig ako roon ay mapait akong napangiti.

Ini-zoom niya 'yon sa bandang paa ko at doon ko nakita ang katulad na katulad sa tattoo ko rin sa paa. Nanlaki ang mata ko at tinignan ang parte kung nasaan 'yon sa katawan ko.

"If you deny it by saying that this is edited, then this will prove you that it isn't..." aniya sa determinado na boses.

May kinalikot siya sandali at iniharap ulit sa akin ang screen ng kaniyang cellphone. Kumunot ang noo ko nang medyo madilim ang video at kulay pula ang ilaw sa paligid. Sunod ay nakita ko ang dalawang hubad na tao. Halos mapatili ako nang mapagtanto ang pinapakita niya.

"A-ano ba 'yan? Bakit mo pinapakita sa akin 'yang private video—"

"Just look at it, you'll see your tattoo here consistently."

"T-tumigil ka nga, Sir. Hindi mo dapat pinapanood 'yan sa iba!"

Napaatras ako at napahawak sa nag-iinit na pisngi. Nagkatitigan kami saka siya malungkot na ngumiti.

"You insisted that we should take videos everytime we did that but I would never share it to anyone. This is you, Salacia. Stop denying it."

Nawala tuloy ang lungkot at sakit na nararamdaman ko. Napalitan ng hiya dahil sa pinakita niyang videos. Inilipat-lipat niya 'yon habang nakaharap sa akin ang screen at parang gusto ko lamunin ng lupa dahil sa dami no'n. Ang iba ay kita ang mukha ko sa thumbnail.

Akong-ako at puno ng kalandian!

Hindi ako iniwan ng mga titig niya habang hindi ako mapakali dahil sa hiya at pagkalito. Nahinto lang ako nang marinig na tinatawag siya ni Ma'am Leonora.

"Engineer Thomas!" rinig kong sigaw niya.

Nanlaki ang mata ko at tinignan ang lalake. Nakatitig lang siya sa akin, tila walang balak na umalis.

"T-tawag ka!" saad ko.

Hindi siya umimik at malalim lang ang pagtitig sa mga mata ko.

"Hoy!"

"Say my name," mariin niyang saad.

Napakurap ako. "H-ha?"

"Say my name, Salacia."

Napakamot ako sa pisngi. "Poseidon. Okay na?" tarantang tanong ko.

Gumuhit muli ang malungkot na ngiti sa labi niya. Napapikit siya nang mariin. Umawang ang labi ko nang pumula ang mukha niya patungo sa tenga at pagmulat niya ay naluluha na siya. Inisang hakbang niya ang pagitan namin at sabik na niyakap ako nang mahigpit.

"I miss you," garalgal ang boses na bulong niya.

Napapikit ako at dinamdam ang init ng yakap niya. Napakahigpit no'n na parang ayaw na ako pakawalan. Pumatak ang mga luha mula sa mga mata ko. Kahit wala akong maalala ay tumatagos ang lahat sa puso ko. Napakasakit at lungkot.

"Engineer..."

Napamulat ako at tinuyo ang mga luha saka siya marahan na itinulak. Hindi niya pa rin ako pinakawalan at nanatili ang braso niya sa akin.

"T-tawag ka na ni Ma'am Leonora..." paos kong bulong.

"So what, hmm? You're here."

Nakagat ko ang labi at marahan siyang tinulak saka ako tumingala. Nagkatitigan kami at napansin ko ang bahid ng luha sa pisngi niya. Malungkot ko siyang nginitian.

Hindi ko talaga siya maalala.

"Sige na. Maglilinis pa ako. Mag-uusap tayo sa susunod."

Tinitigan niya ako at pinagmasdan niya ang bawat sulok ng mukha ko. Ayaw pa rin niyang kumilos kaya tinulak ko siya muli. Sa wakas ay nagkadistansiya na sa pagitan namin.

"Sige na, Poseidon," saad ko at iniwas ang tingin, hindi kinakaya ang lungkot sa mga mata niya.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Hinawakan niya ang kamay ko at umabot sa puso ko ang init ng mga palad niya. Marahan niya 'yon na hinalikan. Tahimik akong napasinghap.

"Bumalik ka na sa akin, Salacia..." bulong niya bago ako binitiwan at tuluyang umalis.

Nang wala na siya ay tuluyan na akong napaupo sa lupa. Kanina ko pa pinipigilan kahit nanghihina na ang mga tuhod ko. Napatingala ako at ipinikit ang mga mata. Gusto kong magwala at sumigaw pero hindi ko magawa.

Napahikbi ako saka hinawakan ang ulo at tinapik-takip iyon. Nalilito na ako. Ano ba ang papaniwalaan ko?

Limang taon ang nakakalipas simula nang magising ako na walang laman ang alaala. Wala akong maramdaman kung hindi takot dahil wala akong maintindihan. Wala akong kilala, wala akong alam, wala, kahit ano.

Si Samuel ang una kong nakausap at pinuno niya ako ng impormasyon. Nagpakita siya ng mga ebidensya para maniwala ako. Nakapag-adjust na ako sa buhay na 'to.

At ngayon ay dumating ang lalake na 'yon dala-dala ang mga impormasyon na salungat sa dati kong pinaniwalaan?

Siya raw ay kasintahan ko.

Sino ang papaniwalaan ko gayong pareho akong umaasa lang sa sinasabi ng dalawang lalake na hindi ko na kilala?

Sabi ni Samuel ay magkababata kami at kahit mayaman siya kumpara sa akin na dukha ay mahal na mahal niya ako. Pinakitaan niya ako ng iilang litrato na magkasama kami. Lahat 'yon ay naka-school uniform kami. May dalawa ring video, ang isa ay nagpapa-tattoo ako, at ang isa ay video ng tumatawa ako.

Nawala raw ang iba niyang pictures dahil nawala ang dati niyang cellphone.

Si Poseidon ay mas marami ang naipakita. Iba-ibang lugar at oras, pati ang damit. Ang iba ay kumakain kami sa labas, ang iba ay nasa isang bahay kami at magkayakap, ang iba ay kuha ng ibang tao, at ang isa roon ay larawan ko na tulog. At ang pinakamabigat doon ay ang video ko kasama siya na may ginagawang gawain ng magkasintahan.

Siya ang mas may maraming litrato namin. Napamulat ako at natulala sa kawalan. Nasira ang payapa kong buhay pero hindi ko magawang magalit. At hindi ko na rin magagawa pang magtiwala basta-basta.

Sa kanilang dalawa ay may isang katotohanan at may isang kasinungalingan.

Hindi na ako basta magtitiwala sa kahit sino sa kanila ngunit hindi ko rin maitatanggi na mas malapit ang puso ko kay Poseidon.

Matapos ang limang taon, mas magiging maingat na ako. Lalo na ngayon na mukhang karamihan sa pinapaniwalaan ko ay kasinungalingan.

Ipinagpatuloy ko ang araw kahit maraming bumabagabag sa isipan ko. Umalis na si Poseidon para sa trabaho niya habang masaya naman si Ma'am Leonora at hindi na matahimik.

"Ang gwapo ng jowa ko, 'no?" ngisi-ngising aniya habang umiinom ng juice at sinusuklayan ko.

Napahinto ako sa ginagawa at napangiwi. Eh, kung sabunutan kaya kita? Kung maka-angkin ka... Inaangkin nga akong jowa mo kuno.

Halos sampalin ko ang sarili sa iniisip.

"Jowa mo ba talaga 'yon?" 'di ko napigilan tanungin.

Napatikhim siya. "Well, baka sagutin na ako. Teka, huwag ka ngang panira, Dessa!" iritado niyang saad.

Mahina akong napatawa saka umiling-iling. Mabuti rin na maalala niya na nag-iilusyon lang siya. Halos mapahalakhak ako sa naisip.

Ang sama ng iniisip ko pero ano naman? 'Yung si Poseidon mismo ang umaangkin sa akin tapos may sex videos pa kami. Wild pala ako dati? Kaya pala minsan nararamdaman ko ang kalandian ko kaso pinipigilan ko lang sarili ko dahil may jowa na raw ako.

At bakit ba ako pumapayag sa isip ko na ako nga 'yon? Hmp!

"Kunin mo 'yung bag doon na binigay sa akin ni Farrah. Wala naman siya roon kaya ikaw na lang kumuha. Ibibigay 'yon sayo ng katulong do'n kasi ibinilin na 'yon," aniya.

Napatuwid ako ng tayo at agad sumang-ayon sa kaniya. Nakaramdam naman ako ng tuwa dahil mabibisita ko ang mahal kong alaga.

"Kasama mo si Manong kasi 'di pwede na isakay mo lang ng tricycle o jeep 'yon. Mamahalin 'yon."

Nag-ayos lang ako bago kami umalis ni Manong para dalhin ako sa mansion ng mga Figueroa. Hindi ko mapigilan ma-excite dahil makikita ko nga si Sir Azul. Napataas ang kilay ko nang may mapagtanto. Parehong blue eyes si Poseidon at ang bata.

Napahalakhak ako nang maisip na kunwari anak ko siya at isa kaming pamilya.

"Nababaliw ka na, Dessa," natatawang saad ni Manong.

Napahagikhik ako at nangalumbaba saka tumitig sa bintana, pinapanood ang mga nadaraanan. Kung pwede sanang gano'n na lang tutal malupit naman na ina si Señorita Farrah. Pero parang ang sama ko naman na hinuhusgahan ko ang pagiging ina niya. Nakakainis lang kasi, mula 1 year old pa lang ang bata, pinapalo-palo niya na.

Kung anak ko 'yon, hindi ako magsasawang ipaliwanag sa kaniya ang tama at mali. Hindi ko idaraan sa pananakit dahil mismong ako na matanda na ay nagkakamali pa rin. Ano pa ang isang paslit, hindi ba?

Napabuntong-hininga na lang ako. Napakalabong mangyari at hanggang pangarap na lang.

"Kukunin ko sa kwarto ni Señorita Farrah," saad ni Adel nang makita niya akong pumasok. Siya ang personal maid ni Señorita.

Tumango ako at nginitian siya. "Pero pwede bang maya-maya na? Gusto ko muna makausap si Sir Azul..." nagbabaka-sakali na pakiusap ko.

Agad siyang tumango at ngumiti. "Sige, naroon siya sa sala sa second floor. Puntahan mo na. Tiyak miss ka na no'n."

Halos mapapalakpak ako at nagpasalamat kay Adel. Mabuti na lang mabait siya sa akin at hindi ipinagkakait ang bata.

"Pero bilisan mo, ha? Kasi baka dumating bigla si Señorita," bilin niya.

Halos itinakbo ko ang distansya paakyat sa second floor. Nagdahan-dahan ako ng lakad nang makarating na. Nakatalikod siya sa gawi ko at abala sa pagtipa sa piano. Napangiti ako saka lumapit sa kaniya.

Napakatalinong bata talaga. Isa sa mahirap na instrumento ang piano pero kayang-kaya niya na. Pinakinggan ko ang payapang tugtog na ginagawa niya.

Nang umupo ako sa tabi niya ay nilingon niya ako. Ang malalamlam na asul niyang mga mata ay nagliwanag at agad niya akong niyakap. Napahalakhak ako saka siya niyakap din pabalik. Hinalikan niya ako sa pisngi nang paulit-ulit at tila kumikislap ang mga mata sa saya nang nakatitig na sa akin.

"Yaya Dessa, you're really here!" puno ng galak na saad niya.

"Aparisyon ko lang 'to, be," pagbibiro ko.

Humagikhik siya at halos nakapikit na ang mga mata dahil sa pagtawa.

"Kumusta ka?" tanong ko saka hinaplos-haplos ang buhok niya.

Hindi niya na inalis ang malalim niyang titig sa akin. Nakagat ko ang labi nang maalala ang paraan ng pagtitig sa akin ni Poseidon. Ganito 'yon. Pareho silang tumitig sa akin, parang mawawala ako kaya ayaw nilang alisin ang titig.

"I am fine, Yaya Dessa and I really missed you. Will you stay here for the day?" tanong niya.

Napanguso ako saka umiling. "Hindi pero magtatagal ako kaunti. Ano ang gusto mo gawin ko? Paano kita mapaglilingkuran, mahal na prinsipe?" tanong ko sa pormal na tono, ginagaya ang mga napanood.

Ngumiti siya at umasta na nag-iisip sunod ay pinagkrus ang mga braso.

"Maybe you should cook something for me, Yaya Dessa. If you want lang naman..." aniya at nagkibit-balikat.

Napatawa ako saka tumango. Magkahawak-kamay kaming bumaba at tumungo sa kusina. Binati ako ng mga kasambahay doon at binigyan ako ng espasyo para makapagluto. Si Sir Azul naman ay nakaupo lang sa countertop, pinapanood ang bawat galaw ko.

Gusto niya ang kahit anong luto ko. Naalala ko nang tinanong ko siya kung ano ang paborito niyang pagkain o ulam, ang isinagot niya ay kahit ano, basta ako ang nagluto. Sinulyapan ko siya at naabutan ang titig niya sa akin. Nginitian niya ako nang makita na nakatingin din ako sa kaniya.

Napipilitan akong ngumiti at sandali na natulala sa niluluto. Bakit nakikita ko sa kaniya ngayon si Poseidon?

Dahil ba pareho silang blue eyes?

"Ayan na, eat well, Sir Azul," maligaya na saad ko matapos ilagay ang table napkin sa kandungan niya.

Sinulyapan niya ako saka ngumiti. "Thank you for this, Yaya Dessa!" aniya bago nagsimulang kumain.

Nilutuan ko siya ng sinigang at tinimplahan ng paborito niyang pineapple juice. Nahinto ako sa ginagawang pagsalin nang maalala kung sino rin ang may paborito sa flavor ng juice na 'yon. Umiling ako at huminga nang malalim.

Bakit lagi ko bang naaalala ang lalake na 'yon? Ginugulo niya ang isip ko.

Pumunta ng cr si Sir Azul ilang minuto pagkatapos kumain dahil napo-poop daw siya. Sasamahan ko sana siya pero ang sabi niya, big boy na raw siya at kayang-kaya na 'yon. Kaya iniwan ko siya at naglakad-lakad muna sa loob ng mansion.

Kumunot ang noo ko nang mapansin na may mga iilan na dumating na construction worker. Pinuntahan ko ang isa sa mga kasambahay at nilapitan.

"May gagawin dito? Ano ang ipapaayos?" takhang tanong ko. Inilibot ko pa ang tingin. Mukhang maayos naman ang lahat.

Nilingon ako ng kasambahay. "Ah, ipinapasara na ni Señorita Farrah nang tuluyan 'yung basement."

Tumaas ang kilay ko. "May basement pala?"

Sa tagal ko rito ay 'di ko 'yon nakita kahit isang beses.

Tumango siya. "Oo, Dessa. Nasa may lagayan ng mga gamit panlinis. Natatakpan kasi dati ng cabinet kaya 'di natin nakikita."

"Oh, kaya pala. Sige, salamat," saad ko at iniwan na siya.

Pinuntahan ko 'yon dahil gusto ko lang makita. Hindi ko talaga alam na mayroon pala nito rito. Nameywang ako sa harap ng pinto noon, nag-iisip kung papasok. Gawa iyon sa matibay na kahoy at kulay brown ang pintura. Wala naman ako mapapala rito.

Tinalikuran ko na 'yon at akmang aalis nang napalingon ako muli roon at dire-diretsong binuksan na. Malamang ay mga sirang gamit lang naman ang narito pero gusto ko pa rin makita.

Pagbukas ay kaunting liwanag lang ang pumapasok. May sementadong hagdan pababa at tinahak ko 'yon. Napatakip ako sa ilong dahil masyadong maalikabok. Pinindot ko ang nakitang switch ng ilaw. Sumabog ang liwanag at mas nakita ko na nang malinaw ang paligid.

Katulad nga ng inaasahan ay tambakan lang ng mga sirang gamit. May mga puting tela na nakatakip sa mga furnitures na naroon. Pinaikot ko ang nakitang maalikabok na globo roon saka napunta ang paningin ko sa sulok. Kumunot ang noo ko nang makita ang mahabang kadena na nakadikit sa sementadong pader.

Nilapitan ko 'yon at tinignan ang dulo. Sira iyon at nakabuka, tila nakatakas ang kung sino man na hinahawakan nito.

Bakit may ganito rito?

Umangat ang tingin ko sa pader at naagaw ang atensyon ko ng mga nakasulat doon. Mukhang bato lang ang ginamit dahil kiskis ang pader. May matalim na bato nga akong nakita sa sulok. Tumayo ako para basahin ang mga naroon sa pader.

'Help me'

'I want to die!'

Napatakip ako sa bibig at nakaramdam ng kilabot sa nababasa. Bumigat ang dibdib ko at namalayan ko na lang na may tumutulong luha mula sa mga mata ko.

Sa paraan ng pagsusulat ay tila desperado ang gumawa, miserable, at galit na galit.

'I hate you Papa Farrah Fauzia'

Napatakip ako sa bibig at nanlalaki ang mga mata. Sino ang sumulat nito? Ano ang kinalaman ng mag-ina sa kaniya? At sinong Papa ang tinutukoy niya? Si Senyor Salem ba?

Bumaba ang tingin ko at tila lumabas ang kaluluwa ko sa nabasa. Isinulat din iyon sa pader gamit ang bato.

'Goddess Salacia Figueroa'

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 209 43
Dahil sa aksidenteng kinasangkutan ni Aurel mapapadpad siya sa isang lugar malayo sa kanyang kinalakihan. Sa paglipas ng panahon pilit parin siyang u...
68.8K 2.5K 42
We all have our own heroes in our lives. Ito 'yung mga taong mga taong nakakapagpapabago ng pananaw natin sa mundo. Our world becomes colorful if we...
815 185 50
Pilots' Ink Series #2 Evie, a girl who fears socializing with other people, will be torn between coming out of her safe place or shutting out the wor...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...