Nexus Band #3: Faithfulness

By prettymintgreen

1.6K 63 10

Nexus Band Series #3 Asher Vasquez More

---
Faithfulness
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Author's Note

Chapter 3

121 9 1
By prettymintgreen

"Go, SUian! Go, go, SUian, S-High!"

"SVUian! Go! Go! SouthU!"

Ilan lang ang mga 'yan na narinig kong sigaw ng mga estudyante sa loob ng gym, sa mismong gym ng Southview University. 'Di pa nga nagsisimula ang laro ay nabibingi na ako sa sigaw nila. Ito ang araw na maglalaban ang dalawang Unibersidad para sa kapakanan ng kani-kanilang grado. Hindi ko alam kung bakit ganito ang napiling paraan ng mga guro nila... kung puwede namang iba. Like, sayaw, kanta... exam, o kahit ano pa basta lahat ay makapag-participate. Hindi 'yong sa laro ng basketball ang kanilang pagbabasihan.

Magaan akong napabuntong-hininga at mainam na nilibot ang paningin sa loob ng gym. Halos ang mga upuan ay may nakaukupa at lahat ng 'yon ay Senior High students. Required 'ata nilang manuod sa larong 'to dahil dito nakasalalay ang kanilang grado. Sa kabilang panig, lahat sila nakasuot ng kulay dilaw na may halong berde na may Southview sa gitna at sa may gilid nama'y maliit na P.E. Dito naman sa panig ko kung saan ako nilagay ni Asher ay kulay maroon na may puting labiti sa gilid. At tulad nang taga Southview, may imprintang Shire rin sa gitna nito at P.E sa gilid.

Kung maigi talagang tititigan dito sa banda namin ay mahahalatang ako lang ang naiiba. Maliban kasi sa puting shirt kong suot ay pinaibabawan pa iyon ng kulay pulang hoodie jacket ni Asher. Nagrereklamo siya na baka marumihan kung dadalhin niya pa sa upuan nilang mga players kaya minabuting niyang pinasuot sa akin.

"Southview! Southview! Southview!"

"Galingan niyo mga babes! Para sa future ng SSH! Go, go, SouthUian!"

'Rinig ko namang sigaw sa kabila nang magsilabasan ang mga matatangkad na lalaki mula ro'n sa pintong na nasa kanilang banda. Tulad nang kulay na suot ng mga SouthUian ay ganoon din ang mga players nila. Nandoon pa rin ang tilian ng mga kababaihan sa kabilang panig at natabunan lang 'yon nang pumasok ang mga players ng SUian sa pinto, nagsitayuan ang mga estudyante sa magkabilang gilad ko at nagsisigawan. Sa lakas niyon ay matatangal na ang dumi na nasa tenga ko sa kasisigaw nila.

"Tang'ina! Fighting, SUian!"

"Let's go, SUian! Let's win!"

"Ayaw naming sumayaw ng tinikling kaya let's win!"

Mahina akong napatawa nang marinig 'yon at sinubukang hanapin ang pinanggalingan ng boses ngunit nabigo ako kaya bumaba ang tingin ko sa players ng Shire. Kung anong suot na kulay ng mga SUian ay ganoon din ang kanila. Ngunit agad nabaling ang atensyon kay Asher na napaupo sa unang palapag habang inayos ang black support knee na nasa tuhod niya.

Until I looked at his newly cut hair. Hindi na gaanong mahaba ngunit undercut pa rin iyon. Sinayda niya talagang magpagupit noong isang araw nang sa ganoon daw ay hindi sagabal sa paglalaro.

Nang tumunog ang buzzer ay nagsitayuan na ang mga players. Kinausap pa sila ng kanilang coach at nagpakawala nang sigaw bago muling tumuwid ng tayo.

Nagsimula na ang laro at nabilang si Asher sa unang limang pumasok. Sa unang quarter ng laro ay maayos pa ang takbo. Score sa kabila at score sa grupo nina Asher. Tutok na tutok ang mga nanunuod at magsasalitan lang ng mga sigaw ang magkabilang panig kung kaninong team ang magkapag-score. Ganoon ang nangyari sa umpisa ngunit nang mag second quarter na ay unti-unti ng uminit ang laro. Lumamang ng ilang puntos ang kabila hanggang matapos ang quarter na 'yon.

Mukhang hindi naman 'yon big deal dahil nang sulypan ko ang mga katabi ay tahimik lang sila tila kampanti at may tiwala sa mga players nila. Nang mag third quarter na ay unti-unting humabol ang kupunan nina Asher hanggang sa nalamangan ng ilang puntos ang kabila. Maski ako na nakatuon lang sa laro ay napapasigaw na rin paminsan lalo na kung makapuntos o kaya naman maagaw ni Asher ang bola sa kalaban.

But in the fourth quarter, hindi ko talaga maiwasang kabahan sa magiging resulta. Hindi ko kasi matantiya kung kaninong team ang mananalo lalo na't naging mainit ang labanan. Kanya-kanyang depensa ang mga players kaya bihira lang sila pakapuntos.

"Booooo!! Boooo!!"

"Go, Asher! Go, go, go, SUian!"

Muling sigaw ng mga estudyante rito sa tabi ko nang palakan ni Asher ang bola na hawak ng lalaki kaya hindi natuloy ang pagkakashoot nito. Naagaw ni Asher ang bola at tinakbo niya ito patungo sa ring nila, hinagis sa ere at nakadagdag na naman siya ng puntos. Napatawa ako nang makitang seryoso siya bagaman ay kalmado animong kanyang binabalanse ang emosyon niya. Ang tawa kong iyon ay panandalian lamang nang biglang bumagsak si Asher sa sahig.

"Hala!" hindi ko maiwasang mapatayo sa inuupuan maging ang katabi ko'y napasinghap at kanya-kanyang nagbigay komento.

"Putcha, anong nangyari?!"

"Ang daya! Foul 'yon! Tangina!"

"Mukhang napilayan pa si Asher?!"

Nagpatawag nang time out ang coach nina Asher at mabilis itong dumalo sa kanya, maging ang ilang players ay napatungo na rin sa gitna. Pinalibutan nila si Asher. Kinagat-kagat ko ang kuko at 'di mapakali, kinakabahan. Ilang beses na akong nakapanuod ng laro niya ngunit ngayon ko lang nasaksihan ang ganito at sa kanya pa talaga!

Naawa ako sa kanya lalo nang makita kong kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi, napapikit pa nang alalayan siya sa dalawa niyang kasamahan pabalik sa upuan nila. Gusto kong bumaba para daluhan siya roon ngunit hindi ko magawa. Marami kasing tumayo at sinisilip siya saka baka bawal ring magpunta ro'n kaya nanatili na lang ako sa puwesto. Kahit kating-kati na talaga ang paa kong humakbang.

"Sino ba kasing gago na nagtulak kay Asher?!" panay pa rin ang sulyap ko sa 'baba nang marinig ko ang usapan ng ilan.

Muli, nagpatuloy ang laro ngunit hindi ko talaga magawang panuorin 'yon. 'Di ako makapag-concentrate gayong ang taong dahilan kung bakit nandito ako—nanuod ay wala sa gitna.

"'Di ko rin nakita, e! Ang bilis kasi ng pangyayari!" sagot nung isa.

"Takot kasi silang matalo! Ang daya nila!" pasigaw na ani nung isa. "Halatang sinadya!"

Talaga bang sinadya iyon? Ayaw kong manghusga dahil hindi ko naman nakita kung ano talaga ang totoong nangyari. Ngunit hindi ko rin maiwasang isipin. Imposible namang babagsak sa sahig nang ganoon ka-lakas si Asher kung hindi talaga sadyang itulak siya? But still, ayaw kong magbigay muna ng openyon saka na 'pag makakausap ko na si Asher.

"Tinawag ka ni Asher, Miss," gulantang napakurap akong humarap sa katabi nang marahan niya akong kalabitin.

"Huh?" agad akong nawala sa sarili.

Matiim niya akong tinitigan bago ngumiti. "Tinawag ka," aniya at tinuro ang ibaba kung saan naka-upo ang mga players.

Sandali pa akong napaawang at natigilan nang sumulyap ako roon. Nagtataka, alinlangan pa kung nagsasabi ba ito ng totoo o baka binibiro lang ako. Pero imposible iyon dahil 'di naman ako nito kilala. Ngunit nang tumingin si Asher sa akin, pagod na ngumiti ay mahinhin akong tumayo. Nagpasalamat pa ako sa babae bago tuluyang bumaba. Maging ang tinginan nang ilan sa akin no'ng makababa ako ay hindi ko na magawang pansinin dahil sa pag-alala kay Asher.

"Y-You okay?" nanginginig ang boses kong tanong nang makaupo sa tabi niya. "M-Mukhang 'di ka okay... Namumula saka namamaga ang paa mo..." napakagat ako sa pang-ibabang labi, nangilid na rin ang luha sa magkabila kong mata.

"Hey, Daph..." sinubukan niyang kunin ang atensyon ko na ngayo'y nasa namamaga niyang paa nakatutok. "I'm fine... Hindi naman masyadong masakit, ahmm... kanina medyo pero 'di na ngayon."

I shook and couldn't stop a few tears from dripping. Mabilis ko iyong pinunasan at inangatan siya ng tingin. Nagulat pa ang kulay abo niyang mata nang may napansin sa mga mata ko. Napabuga siya ng hangin, umusog papalit sa akin.

"I'm really fine, Daph..." he persuaded me.

Narinig ko pa ang mahihinang pangangasar ng ilang kasamahan niya ngunit nang sulyapan niya ang mga ito ay mabilis silang nagsitahimikan. Kanya-kanyang nagiwasan ng tingin.

"Hindi ka na maglalaro, 'di ba?" tanong ko ngunit hindi siya tumugon kaya napalabi ako. "Asher—"

"Vasquez, come on in," naputol ang sasabihin ko nang magsalita ang coach nila.

Napakurap ako, inilipat-lipat ang tingin sa dalawa hanggang sa kusa iyong napako kay Asher. Malamnam akong tumingin sa kanya at nagbabakasakaling tangihan niya ang kanilang coach. Ngunit nalutos ako nang tumayo siya at sumulyap sa ibabaw nang ring kung saan nakalagay roon ang minutos at puntos nila. Napabuntong-hininga siya saka ngumiti sa akin.

"Hindi na masakit. Promise," nagawa niya pa talagang ngumiti, ngiting hindi ko nakikitaan ng pag-aalinlangan, ngiting tila walang iniindang sakit. "Besides, it's only two minutes left. I'm really fine."

Kahit ayaw ko ay ano naman ang magagawa ko kaya tumango na lang ako kahit napipilitan. Kahit labag sa kalooban ko kung kanyang desisyon din naman ay wala pa rin akong panalo.

Who am I to not allow him... right? I'm just a friend who's worried... A friend who cares about him.

Sa two minutes na sinasabi niya'y para iyong isang oras na sa akin. Sa tuwing tumatakbo, tumatalon at sa tuwing aagawin niya ang bola ay panay ang nguwi ko at iwas ng tingin sa kanya na batid kong pansin din nang ilang players. E, ako pa yata ang nakaramdam nang sakit sa namamaga niyang paa kesa sa kanya na walang kahit anong pakialam sa sariling naramdaman.

Sa larong 'yon ay panalo ang kupunan ng Shire. Sigawan at tilian ang umalingawngaw sa loob ng gym. Halata sa itsura ng Shire-ian ang pagkatuwa sa kanilang panalo. Sino ba naman ang hindi matutuwa kung hihintayin mo na lang grado mo nang walang kahirap-hirap?

Hindi na rin kami nagtagal ni Asher doon nang siya na ang kusang mangyayang umuwi. Maging ang anyaya ng coach nilang libre ay tinanggihan niya keyso raw ipapahinga pa niya ang paa'ng namamaga. Habang tinitigan ko iyon noong nasa loob na kami ng jeep ay hindi ko maiwasang mapalabi. Kahit itanggi pa niya ng ilang beses ay batid kong masakit talaga iyon at mas lumala nang ilaro niya iyon kanina.

At tama nga ako. Dahil sabi nung doctor na tumingin sa paa ni Asher ay medyo lumala raw ang pamamaga nito. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na sabihin sa doctor na nagpatuloy sa paglalaro si Asher kahit meron nang ganoon sa paa niya. Kaya 'yon, sandamakmak na pangaral ni tita ang natanggap niya sa hapong 'yon. Hindi ko naman siya magawang pagalitan o kahit ano pa dahil mas matanda siya kesa sa akin saka alam ko namang babaliwalain niya lang iyon kaya ipinaubaya ko na lang siya kay tita.

Ang planong pagdalo ni Asher sa moving up ko kinabukasan ay pumutok na parang bomba. Hindi niya maigalaw ang kaliwang ankle niya kaya tanging si Mama lang ang kasama ko. Si Mama rin ang naglagay sa leeg ko sa dalawang medalya na nakuha ko bilang isa sa with high honor ng batch namin. Nasurpresa pa si Mama nang nabanggit ang pangalan ko bilang with high honor, 'di ko kasi iyon sinabi sa kanya dahil plano ko siyang surpresahin. And look, nasurpresa ko nga siya.

Magdadalawang linggo na mula noong nanyari ngunit hanggang ngayon, paika-ika pa rin ang bawat lakad ni Asher. 'Ayan tuloy bagot at nakakulong ang sarili sa loob ng bahay nila. Tanging pagsusulat ng mga kanta lamang ang kanyang pinagkakaabalahan dahil maging ang pagpunta sa bahay namin ay ipinagbawal ni tita bilang parusa sa anak niya. Kaya sa mga araw na 'yon ay naging baliktad ang sitwasyon namin. Napapadalas ako sa kanila para may makausap naman siya saka may mapag-utusan.

Yes, ginawa akong katulong ni Asher. Utos dito utos doon. At tinityempo niya pa talaga ang pagbigay ng mga utos kapag wala ang Mama niya.

"Daph, pakikuha nga 'yong ball pen ko ro'n sa study table ko, please..." utos niya kahit kaya na naman niyang kunin 'yon sa loob ng kwarto niya.

Ngumiti ako. "Okay," tumayo ako at 'di nakipagtalo.

Nang makabalik ako sa balcony ng kwarto niya kung saan siya ay inilapag ko ang itim na g-tech pen. Umupo uli ako sa tapat na upuan at tinuloy ang naudlot na larong sinimulan ko kanina.

"'Nga pala, Daph—"

"Ano na naman?" malumanay kong putol. "Anong kukunin ko?"

"Huh?" his naturally red lips parted and obviously hid the smile. "What are you saying?"

Napakurap ako. "Akala ko uutasan mo na naman ako."

He laughed. "What? Is that how you really think of me?"

"Hindi ba?"

"Gusto lang naman kitang tanungin, ah!" sikmat niya. "Judger ka, besh!"

Ngumiwi ako, umiling. "'Wag mo 'kong sisihin!" asik ko ngunit tinawanan niya lang ako tila nasiyahan sa naging reaksyon ko. "Dalawang linggo mo na akong ginawang utusan kaya..."

"Galit ka na n'yan?" ngising tanong niya.

"Ewan ko sa 'yo," bulong ko. "Ano pala 'yong tanong mo?"

He nodded and turned his attention back to what was he written, I think he composed a song again.

"Anong strand kukunin mo?" he asked.

Napatigil ang panunutok ko sa cellphone saka siya sinulyapan. "HUMSS."

"Lipat na ba ako?" seryoso ang mukha niya na agad ding napalitan ng ngisi.

Naningkit ang mga mata ko, pilit inintindi. "Arts and Design to HUMSS? Bakit? Boring ba? Ano?"

Umiba kaagad ang templa ng kanyang mood. Nanging iritado. "Nevermind!"

Natatawang umiling ako at ibinalik ang atensyon sa cellphone. Ganoon palagi ang nangyayari araw-araw hanggang sa tuluyang gumaling—nakakalakad si Asher. Nang lumipas ang araw ay pansin kong panay ang tanong niya tungkol sa school ko. Hindi ko na mabilang kung nakailang tanong na siya sa loob ng isang buwan mula noong magsimula ang summer break. Fifthy percent of our conversation was about Serim and half of it was on a senseless topic. Biruan, asaran, tawanan.

Kahit minsan lang namin matakasan ang mga Mama namin para lang makatambay sa pinakapit na park at bumili ng ice cream ay hindi rin naman iyon boring para sa akin. Sa katunayan, 'di ko malilimutan ang summer break na iyon. Sa summer break na 'yon ako natutong mag-guitar. Hindi man kasing galing ni Asher o kung sino pang gitarisata na kilala ay hindi ko maiwasang maging proud sa sarili.

Kahit mahirap daw akong turuan, kahit mahirap daw pagalawin ang mga daliri ko'y hindi naman ako iniwan ni Asher sa ere. Pinagtiyagaan niya ako hanggang sa natuto ako ng basic.

"Senior High registration is on Monday, isn't it?" tanong ni Asher nang simulan niyang uguyin ang duyang inuupuan niya.

Wala si tita sa bahay nila kaya nagtungo na naman kami ng park.

"School niyo o school namin?" balik kong tanong.

"School niyo, syempre..." tumawa siya, umiling. Tumango ako. "Sa Lunes ka magpa-pa-register?"

"Oo. Bakit, sasamahan mo 'ko?" pabiro kong sinabi na hindi ko inaasahang seryosohin niya.

"Hmm. Sasamahan kita," aniya na para bang kahit hindi ko yayain ay sasama talaga.

Ngumiti ako, nilihis ang tingin sa kanya papunta sa iilang mga batang naglalaro. Palubog na ang araw kaya malaya silang nakakapaglaro dahil hindi na mainit. Napabuntong-hininga ako. Ang bilis yata ng panahon ngayon. Dalawang linggo na lang at magiging Senior na ako. Ilang linggo na lang ay ibang building na ang tutunguhan ko. Mga bagong mukha na ang makakasalamuha ko, hindi na 'yong mga classmates ko noong grade 10.

"Asher?" bigla kong sambit sa pangalan niya nang may maalala. Mukhang 'di niya 'yon narinig dahil siguro mahina lang iyon kaya pinigilan ko ang bakal na lubid kaya napahinto siya. "May tanong ako..."

Gulat ang ekspresyon na nakikita ko sa mukha niya. "Huh?"

"May tanong ako..."

"Like ano?"

Suminghap ako bago nagsalita. "'Yong sinabi mo noong nakaraang buwan... 'Yong ano... Ahm, 'yong aalis ka sa varsity at 'yong aalis ka sa music club niyo... Totoo ba 'yon?" mahina kong tanong.

At gaya noong una kong tanong sa kanya tungkol no'n ay tinawanan niya lang ako, habang ako ay nagtataka—naguguluhan sa desisyon niya. Imposible. Matatanggap ko kung sa varsity nila siya aalis ngunit sa music club? Imposible. Paanong napagdesisyunan niya 'yon nang ganoon ka bilis? E, saksi ako kung gaano niya ka gusto ang pagtugtog at pagkanta?

"Alam ba 'to ni tita?" sa tuno ng boses ko ay ako pa ang nasasayangan.

"Yes," tugon niya tila proud pa siya sa ginawa.

"Asher, hindi ka ba nasasayangan?" muli kong tanong. "Kahit ako... hindi ko ba puwedeng mapigilan ang desisyon mo?"

Gulat ako nang biglang lumabas ang tanong na 'yon sa bibig ko na maging siya ay batid kong ganoon din nang huminto ang pag-uyog nang duyan niya. Pinilit kong lumukin ang hiyang naramdaman ko at ngumiting humarap sa kanya, kunyaring hindi apektado sa sariling tanong.

"'Wag mo na 'yong sagutin. Nakikita ko naman sa mukha mo na hindi ka nagsisisi sa ginawa mo... Kaya support na lang ako," sinabi ko, nang matiim lang siyang napatitig sa akin, pilit binabasa ang namumuong emosyon sa mukha ko.

Nang hapon 'yon ay tahimik kaming umuwi sa kanya-kanyang bahay namin. Nagsalita at nagtatanong naman siya, sinasagot ko naman ang mga 'yon ngunit hindi ko mabatid kung bakit nahihimigan ko pa rin ang katahimikan... sa pagitan naming dalawa?

Bakit ganoon na lamang ang naramdaman ko? Bakit naging apektado ako sa 'di ko mawaring desisyon niya? Dahil ba, ako ang nanghihinayang? Siguro... Sayang naman talaga. Ang daming niyang talento ngunit sabay rin niya 'yong binitawan na parang wala siyang pakialam. Kung binigyan lang talaga ako ni Lord ng talentong gaya kay Asher... sa pagkanta at pag-gamit ng mga instrumento? Hindi ko talaga iyon bibitawan.

Ngunit hindi ako siya. Hindi kami parehas saka baka nagbago na ang pananaw niya at unahin ang pag-aaral kesa roon. Sabagay, mabuti rin naman iyon pero sayang pa rin.

Sumama nga sa akin si Asher nang dumating ang araw ng enrollment. Hindi kami ganoon kaaga kaya marami na ng estudyante nang dumating kami. Marami ng mga nakaantay sa registrar office.

"Baka mabagot ka sa pagiintay?" nag-alala kong sinabi nang maupo kami sa isang bench na malapit sa mga nakapilang estudyante. "Umuwi o maglakwatsa kaya ka na lang muna?" suhestiyon ko saka siya nilingon.

Saglit siyang napasilip sa hawak niyang cellphone na tila may hinihintay bago ako nginitian. "Hindi naman ako nagrereklamo, ah?"

Nag-alala pa rin ako para sa kanya ngunit nang makita kong sinsero naman niya iyong tugon ay napangiti na lang ako.

"Asher. Punta na 'ko ron," kapagkuwa'y sabi ko sabay turo sa nakapila dahil baka kasi 'pag 'di pa ako pipila ay may uuna sa akin.

Inayos ko ang sling bag ko at nang wala akong nakuhang sagot sa kanya ay tumayo ako ngunit agad ding natigilan nang mag-amba na akong hahakbang no'ng pigilan niya ang mapulsuhan ko.

"Bakit?" napakurap kong tanong.

Idiniin pa niyang nilapat ang labi bago nagsalita. "A-Ako lang mag-isa rito. Sama na lang ako sa 'yo ro'n."

"Pipila ka?" paninigurado ko. Umiling siya kaya naguluhan ako. "E, anong... saan ka n'yan?"

Binigyan niya ako nang ngiting hindi ko mabasa saka walang pasabihing hinila ako patungo sa mga estudyanteng nakapila. Ngunit mas lalo akong nagtaka nang hindi siya huminto bagkos ay nagpatuloy sa paglakad hanggang sa nasa tapat na kami ng pinto.

"Anong..." naguguluhan ako at napasulyap na rin sa mahaba-habang pila. Gaya ko ay may halong pagtataka ang ilan sa kanila nang tumingin sila sa amin ni Asher. "Hoy, bawal 'to," kinabahan kong bulong, pilit pinigilan ang kamay niyang hinawakan ang saradora ng pinto.

Ngunit bago pa niya iyon nabuksan ay naunahan nang kung sino roon sa loob kaya bumuga kaagad sa akin ang amoy at lamig ng air-con mula sa loob. Napakurap pa ako nang sumalubong sa amin ang lalaking matangkad at hindi makitaan ng emosyon ang mukha.

"An' tagal mo. Ginawa mo 'kong aliping tangina ka," yamot nitong sinabi kay Asher. Binagsak pa nito ang hawak na brown envelope sa dibdib ni Asher. "'Di pa ako nakapag-enroll ng college nang unahain ko 'tong sa 'yo ta's... tangina talaga, Ash."

Napatitig ako sa matangkad na lalaki na may kulay abo ring mata gaya nang kay Asher.Hindi ko ito kilala ngunit pamilyar sa akin ang itsura niya—minsan ko na siyang nakita sa gym... Ah! Kaya pala pamilyar sa akin. Varsity player rin pala ito saka siya rin 'yong lalaking kausap ni Asher no'ng minsang pumunta siya sa canteen namin para ihatid 'yong baon kong naiwan.

"Tapos ka na?" natatawang ani Asher sa lalaki na mas lalong ikinasama ng mukha nito. "Salamat, 'insan..." kinuha niya ang envelope na nasa dibdib niya saka tinapik-tapik ang balikat noong lalaki. "Punta ka na sa college dept. Baka akalain nilang balik grade 12 ka kaya ka 'andito."

"Fuck you, Vasquez," napipikon na ang lalaki bago bumaling sa akin. Nakataas pa ang isang kilay niya na agad din napalitan nang paglalarong ngisi. "Daphne Klaire, right?" tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ko at magtatanong na sana kung saan at paano niya nalaman ang pangalan ko nang hilain ako ni Asher papasok sa loob. Hindi ako nakapagreklamo dahil sa gulat at pagtataka hanggang sa maupo kami sa dalawang bakanting upuan.

Ang dami kong katanungan na gustong itanong kay Asher nang maghintay kami sa loob ng registrar ngunit natapos na lamang ako ay hindi ko pa rin magawang itanong iyon sa kanya.

Ang kaninang matangkad na lalaking may kulay abo ring mata ay pinsan ni Asher? Paanong nangyaring hindi ko alam? Ni wala akong alam na may pinsan pala siya at nag-aaral pa talaga sa Unibersidad na pinapasukan ko. Bakit hindi man niya lang i-kinuwento sa akin na may pinsan pala siya rito? Akala ko, wala silang ibang pamilya rito sa Lucena. Ang akala ko nasa Maynila lahat ang iba nilang kamag-anak?

Isa pa, kahit kailan hindi ko pa nakakausap ang lalaking 'yon kaya paanong alam niya ang buo kong pangalan? Ni hindi ko nga alam ang pangalan no'n...

"Ask me everything about what's making you curious," kapagkuwa'y nagsalita siya nang matapos naming kumain.

"H-Huh?" nautal pa ako.

"Nagsinungaling ako. Sorry," seryoso niyang sinabi bagaman, nakikita ko ang pagsisi roon.

I smiled. "Tungkol do'n sa pinsan mo?" umiling ako at sinserong ngumiti. "Hindi ko rin naman tinanong noon kung may kamag-anak kayo rito kaya hindi mo 'yon kasalanan, Asher. 'Tsaka hindi iyon pagsisinungaling kasi hindi naman kita tinanong."

"Gano'n pa rin 'yon. Dapat sinabi ko—"

"E, anong magbabago kung sakaling sasabihin mo sa aking pinsan mo 'yon? 'Di ba, wala? Maliban sa parehas kami ng Unibersidad na pinapasukan ay wala na," pangpuputol ko.

"Sorry," sambit na naman niya.

Sorry siya nang sorry ngayong wala naman siyang kasalanan.

Napalabi ako. "Wala ka namang kasalanan, ah?" napatitig ako sa kanya nang umiwas siya ng tingin. "Tutal sabi mo magatatanong ako? Well, saan niya nalaman ang pangalan ko?"

Napalunok siya, lumingon sa akin. "Huh?"

Ngumisi ako. "Hindi ka naman siguro bingi, 'no?" pangagaya ko sa boses niya.

"What?" tila napikon ko siya.

"Saan at paano niya nalaman ang buo kong pangalan? Wala naman akong matandaan na nagkausap kami? Ni hindi ko nga alam ang pangalan no'n?"

Muli, lumunok siya but 'di gaya kanina. Ngayon kasi mariin. "Sinabi ko..." halos napantayan na niya ang kahinaan ng boses ko.

"Sinabi mo?" nanlaki ang mga mata ko. "Hala... ba't mo sinabi? Nakakahiya!" nakanguso kong dagdag.

Ngumiwi siya at matalim akong tinitigan. "Nakakahiya, huh? Crush mo pinsan ko?"

Sa sobrang gulat ko sa sinabi niya ay nasapak ko ang kanang braso niya. "A-Ano?"

"Ba't nauutal ka?" sikmat niya.

"Huh... syempre nagulat ako sa sinabi mo!" kahit naman pasigaw na ang tuno ko ay mananatiling mabayad naman iyon para sa kanila. "Hindi ko nga 'yon kilala, eh!"

"Midnight Saaverde. He's a year older than me so he's 21. First year college this school year. Kilala mo na siya," umirap siya. "Ang tanong, crush mo ba?"

Umawang ang mga labi ko at muling hinampas siya. Naging bayolente 'ata ako nang dahil sa kanya.

"Hindi! Hindi ko siya crush! Ano ba'ng pinagsasabi mo riyan?" lumukot ang noo ko. "Tinanong ko lang kung saan niya napulot ang pangalan ko ta's tanungin mo 'kong crush ko siya? Gago ka ba?"

"Ano?!" dumilim ang tingin ng kulay abo niyang mata. "Come again?"

"Ang sabi ko gago—" 'di ko iyon natapos nang takpan ng malaking palad ni Asher ang bibig ko.

"Saan mo natutunan 'yan?" mariin niyang tanong. Hindi ako sumagot e kasi naman tinakpan niya ang bibig ko. "Saan?"

Ngiwing tinanggal ko ang palad niya saka binuka-buka ang bibig at nagsalita. "Hindi naman ako bingi, Asher. Narinig ko ang salitang 'yan sa kung saan. Maging sa 'yo."

"Wala akong matandaan—"

"Kapag kausap mo ang mga kaibigan mo? Naging expression niyo na 'yon," pangtatama ko, ngumisi pa.

"Ayaw kong marinig na mag-mura ka, Daph..." kapagkuwa'y sinabi niya. "Hindi nababagay sa katulad mong mahinhin at sa mukha mong maamo, inosente... ang magmura. So please, 'wag mo na ulit iyong ulitin, hmm?"

Napakurap ako at 'di mabatid kong ano ang gagawin basta namalayan ko na lang ang sariling tumango na ikinangiti niya na maging ang nakakaatrak niyang dimple ay lumabas.

"Uwi na tayo?" patanong niyang anyaya sa akin.

"Gusto kong kumain ng ice cream, Asher..." nahihiya kong saad, ginagat-kagat ang gilid nang labi.

"Yeah, We'll buy there..." malalim ang boses niyang tumawa at masuyo akong hinatag para tumayo. "Libre ko."

Nang marinig ang salitang libre ay nabuhayan ako. Napansin kong bitbit niya ang brown envelope na ibinigay nang pinsan niya kanina. May kung anong parte na naman sa akin ang nakuryoso ngunit agad ko iyong inalis sa isipan ko. Dapat sa ganitong bagay ay hindi dapat ako makuryoso. Hintayin ko na lang na kusa niyang sabihin ang mga bagay-bagay. Sa ngayon... Ice cream muna ang iisipin ko, kung anong flover na naman ang ipapabili ko.

"Flavor?" tanong niya sa akin nang nasa ice cream vendor na kami. "Your fav?"

"Ahm... no. 'Yung mint chocolate na lang," ngumiti ako sa kanya.

"Fav ko bibilhin mo?" medyo gulat siya.

"Bakit, ipagdadamot mo?"

Mabilis siyang umiling, pinisil ang ilong ko. "Bakit... ice cream ka ba? Kung oo ay ipagdadamot kita..." halos bulong na niyang sinabi, tawa-tawang humarap kay manong. "Dalawang mint chocolate po."

Ngumuso ako at 'di naintindihan ang mga linya niya. Panay ang ngiti niya kay manong at halatang may pinaguusapan sila. Habang ako, nakaintay lang sa may tabi niya kaya nagmukha tuloy akong bunso niyang kapatid na binilhan niya ng ice cream. Kung bakit ba kasi ang haba ng mga binti niya?! So unfair!

Nang makuha na namin ang ice cream ay tinungo na namin ang paborito naming spot rito sa park kung saan may duyan. Dito talaga kami uupo 'pag napadpad ang mga paa namin dito sa park. Mula kasi sa duyan na inuupuan namin ay makikita talaga ang lawak nito. Makikita mo ang mga batang naghahabulan, naglalaro at mga mag-jowang nag-da-date.

Mapapa-sana all ka na lang talaga.

"Hala... Asher, may tuta, oh!" napatayo akosa pagkakaduyan saka 'di na hinintay na magsalita ang katabi nang patakbo kong pinuntahan ang tuta.

Agad akong nag-squat sa harapan nang tuta habang ang mga mata ko'y nagningning na mabilis din napalitan ng pag-alala nang mapansing kong malungkot itong umungos. Masyado pa itong bata para iwan ng nanay niya. Medyo marumi rin ang kulay caramel nitong kulay at may amoy na rin. Awang awa akong pinulot ang maliit na kulay caramel na tuta. Hindi na ako nagulat nang pagtayo ay nakita si Asher sa may gilid ko.

"Look. Ang cute niya, 'di ba? 'Asan kaya nanay nito, 'no?" hinipo-hipo ko ang malalambot na balahibo nito. "Nawawala kaya siya, Asher?"

Malamnam niya akong tinignan saka hinipo na rin ang cute na puppy. Sa sobrang cute nito ay gusto kong ibulsa.

"Are we going to find the owner of that?" he asked.

Saglit akong natigilan. Nilinga ang tingin sa buong park. Sinubukan kong hanapin kung may naghanap ba o may inang asong nagpagalagala ngunit wala. Napagat ako sa pang-ibabang labi habang awang sumilip sa tuta.

Ayaw ko siyang iwan dito. Paano kung wala naman talagang nagmamayari nito? Paano kung palaboy-laboy na talaga ito?

Kahit batid kong may magandang lahi ang tuta ay hindi naman posibleng itatakwil ito ng may-ari. At paano kung ang mismong may-ari talaga ang nagpatapon nito at napadpad lang ang tutang 'to rito sa park? Saan ito titira kung ganoon?

Nahihiya man at walang kasiguraduhan sa mangyayari ay nag-angat ako nang tingin kay Asher, nasalubong ko agad ang kulay abo niyang mata na matiim na nakatingin sa akin. Ngumiti ako.

"What?" tanong niya ngunit batid kong ngiti ko pa lang na iyon ay nakuha na niya ang ibig kong sabihin. "Don't tell me..."

"Yes. Aampunin natin ang tuta na 'to," ngumiti ako sa kanya bago bumaba ang tingin sa tuta saka ko rin ito nginitian.


PMINTGREEN

Continue Reading

You'll Also Like

5.5M 277K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
48.4K 1.6K 24
Have you ever met someone for the first time and wondered if they'd become an important part of your life or they'd just passed by like a fleeting br...
371K 24.9K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
91.4K 5.9K 16
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...