IF IM STILL AFRAID , I LOSE Y...

By Amyfinity_writes09

39.8K 2.9K 179

CAN YOU FIGHT FOR THE LOVE THAT YOU HAVE ON SOMEONE? LET'S 🙈 UniCoco ||| SeBy More

C0
C1
C2
C3
C4
C5
C6
C7
C8
C9
C10
C11
C12
C13
C14
C15
C16
C17
C18
C19
C20
C21
C22
C23
C24
C25
C26
C27
C28
C29
C30
C31
C33
C34
C35
C36
C37
C38
C39
C40
C41
C42
C43
C44
C45
C46
C47
C48
C49
C50
C51
C52
C53
C54
C55 (End)

C32

700 53 7
By Amyfinity_writes09

Sela's Pov

Di ako mapakali dito sa kwarto ko dahil nga suot suot ko na yung binigay na dress ni abby, medyo ang weird niya ngayon may pa flowers pa siya na ewan.

Hmp what if? Ay hindi wag ka ngang mag isip nang kung ano ano sela, bawal mag assume okay?

Napailing nalang ako at kinuha ko na yung sa box yung sandals na binigay niya kanina kasabay nung dress.

"Shit! Ang ganda!" Saad ko nang makita ko na ito, favorite color ko pa which is pink.

Isinuot ko na nga ito at nagtaka naman ako dahil kuhang kuha nito yung size ko pati na rin yung sa dress.

Natapos na ako at kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni abby kasi what if di bagay sa akin dba?

Tsaka kinakabahan din ako dahil baka matapilok ako di pa naman ako sanay sa may mga takong, sanay kasi ako na flat shoes lang lagi yung suot ko o di kaya tsinelas.

Binuksan ko na ang pinto at lumabas na napatingin naman sa akin si Abby at napatulala siya.

"A-abby? Di ba bagay? Bakit ganyan ka makatingin?" Nauutal na sambit ko dito at bigla naman siyang napailing at napangiti, nakakahimlay yung mga ngiti niya.

Lord pwede niyo na po akong kunin ay joke lang wala palang mag aalaga kay lola pag nawala ako.

"Bagay na bagay nga sayo eh mas lalo kang gumanda" nabigla naman ako sa sinabi nito at feeling ko namumula na yung pisnge ko.

Kinagat ko nalang yung Ibabang labi ko para pigilan yung kilig ko.

"Btw ano bang meron? Tsaka mukhang mamahalin tong damit na binigay mo, labhan ko nalang at ibabalik ko sayo ito bukas" napakamot naman siya sa kanyang batok at napatayo sa kinauupuan niya.

"Binigay ko na yan sayo dba? Tsaka magugustuhan mo yung pupuntahan natin mamaya wag kang mag alala" sabay ngiti niya ulit sa akin, may kakaiba talaga sa mga ngiti niya.

Sela straight ka okay, straight ka okay, okay , y mukhang may feelings na ako kay abby.

Lumabas na si lola sa kanyang kwarto at nakabihis na rin siya ng damit, ang cute niya tignan bagay sa kanya yung binigay din na damit ni abby.

"Ineng mukhang hindi naman ata bagay sa akin tong damit na to mukhang pandalaga" saad ni lola kay abby lumapit naman ito sa kanya agad.

"Ganda nga eh bagay sayo lola, btw tara na po sa kotse" inalalayan niya si lola palabas at ako naman nilock ko na yung pintuan pati yung gate namin.

Nakapasok na si lola sa kotse ni abby at Sumunod na rin ako, gustuhin ko man tumabi kay abby sa front seat ay hindi pwede dahil need ako ni Lola dito sa likod.

Pinaandar na niya yung sasakyan at nagsimula nang magdrive pansin ko naman na panay siya tingin sa side mirror niya at napapangiti nalang ako ng sikreto.

Dahil nakikita kong pasimple niya akong tinitignan, di naman sa nag aassume ako ah alangan naman si lola yung tinitignan niya dba?

"Lola Lilia nagugutom na po ba kayo?" Tanong nito kay lola at napatingin naman ako dito.

"Hindi busog pa naman ako neng, magpokus ka nalang muna sa pagdadrive" saad ni lola at tumango nalang si abby.

Maya maya ay hininto na ni Abby yung sasakyan at mukhang nandito na nga kami sa sinasabi niyang lugar.

Pinagbuksan na niya kami ng pinto at tinulungan makababa si lola Lilia.

Pagkababa naming nagulat naman ako sobrang dilim dito bakit dito kami naisipan dalhin ni abby? May balak ba siyang patayin kami? Kaya pinagsuot niya pa kami ng magandang mga damit?

Shit ayoko pa mamatay pero kung kasama naman kita abby sa kamatayan edi go lang hahaha, Naloloka na ako sa mga iniisip ko ngayon at pumapasok sa utak ko.

"Abby anong meron dito at tsaka bakit ang dilim dito?"nagtatakang tanong ko dito napangiti nalang siya at bigla siyang nag snap.

Ewan ko kung bakit niya ginawa yun pero namangha ako nang biglang umilaw ang paligid at natanaw ko na sa amusement park niya pala kami dinala ni lola.

"Omg!" Maikling sabi ko at medyo naiiyak na ako sa sobrang saya.

Dati tinitignan ko lang lagi yung amusement park sa mga facebook at instagram.

Pangarap ko talagang makapunta dito simula bata pa lang kaso dahil medyo may kamahalan yung entrance fee at mahirap lang naman kami ay di nalang ako umaasa.

Kahit nung ika 7th Birthday ko, pinangakuan ako ng parents ko na dadalhin daw nila ako dito pero di naman natuloy kasi nahospital that time si lola.

Napabalik naman ako sa wisyo nang hawakan ni abby yung pisnge ko at pinunasan yung kunti luha na pumapatak sa mga mata ko.

"Sela? Nagustuhan mo ba?" Tanong niya sa akin at niyakap ko na nga lang siya kaagad.

Hinahaplos naman niya yung likod ko at nung medyo kumalma na ako ay napahiwalay na ako ng yakap.

"O siya tara na at kumain na muna tayo bago tayo sumakay ng rides" alok niya sabay kuha ng kamay ni Lola at naglalakad na nga kami at patingin tingin lang ako sa paligid.

Puro staff lang ata ng mga rides yung nakikita ko at nagtataka ako kung bakit wala ni isang taong nakasakay sa rides or nakapalibot dito.

"Sela umupo kana at para makakain kana" saad nito at napaupo nalang ako habang nakikita ko naman na masaya ngayon si lola.

Puro paboritong pagkain niya nga yung nakalatag na pagkain dito same din sa akin.

Nagsimula na kaming kumain at madami pa nga ang natira, pinabalot nalang iyun ni abby ng madala pa pauwi.

Naglakad na kami at patungo nga kaming carousel dahil iyun yung gustong sakyan ni lola.

Sobrang excited na akong makasakay dito , umakyat na nga kami at sa may kabayo naman ako nakasakay.

Si lola naman ay nakaupo sa may mini car, inayos muna ni abby yung sitwasyon niya at siniguradong komportable itong umupo.

Parang si abby tuloy yung nag mukhang apo ni lola.

Ayaw kasi magpatulong ni abby eh, kaya wala na akong nagawa unti unti nang gumalaw yung Ibang kabayo at medyo umiikot na rin.

Napakapit nalang ako sa may hawakan, medyo kinakabahan ako as well as excited.

Nagulat naman ako nang biglang umangkas din si abby sa sinasakyang kabayo ko.

"Abby! Anong ginagawa mo dito? Andaming kabayo dun na pwedeng mong sakyan oh!" Seryosong saad ko dito pero deep inside kinikilig na ako.

"Ayoko dun mas masaya kasi pag may kasama eh" nako abby maghinay hinay ka lang sa pinang gagagawa mo baka himatayin nalang ako bigla.

"Edi samahan mo si Lola dun sa mini car" ay ewan di ko alam tawag dun basta may upuan yun tapos kalahati lang.

"Ayoko ko gusto ko dito" malambing na saad ni abby at nilagay niya pa yung mga kamay niya sa beywang ko.

Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko at di ko na alam baka atakihin na ako nito sa puso dahil sa mga pinang gagagawa ni abby.

"Abby? Ano kaba lumipat kana kasi tsaka alisin mo yung pagkakahawak mo sa akin" pagalit kong saad sa kanya para lumipat na siya sa Ibang kabayo.

"Ano kaba sela, umiikot na oh at tsaka pag di ako kumapit sayo baka mahulog ako dito mas pipiliin ko pa atang mahulog sayo kesa dito sa carousel" Saad nito mas lalong ikinabilis ng pintig ng puso ko ramdam ko na rin yung init ng katawan ko.

"Napaka korni mo abby hay nako!" Napabuntong hininga nalang ako at napansin ko rin na tumatawa siya ng palihim.

Feel ko din na nag ba blush na ako sa bawat salitang sinasabi niya.

Hays marsela maghunos dili ka di ka pwedeng mahulog kay abby okay?

Ilang minuto din na ganun ang sitwasyon namin wala na akong nagawa dahil kahit anong sabihin ko ay di niya naman gagawin.





Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💞  Sa Friday ako ulit makakapag Ud🤗 Grabe ang bilis kahapon kaka 4k reads lang ngayon road to 4.7k na🥺

Continue Reading

You'll Also Like

74.7K 1.7K 26
Ang isang pag-ibig ay hindi lang basta biglang nararamdaman at bigla na lang ding maglalaho. Ang totoong pag-ibig ay nananatili sa puso at hindi magl...
18.6K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
815K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...