The Disguise Of A Wallflower

By issawandablue

253 19 2

Rocky's life turned upside down upon entering the prestigious school of elites where fate is based on one's s... More

The Disguise Of A Wallflower
Prologue
02
03

01

50 7 2
By issawandablue

MALAKI, mamahalin, at napakaganda ng Polaris Arts Academy kung titignan palang sa labas. Paniguradong mas maganda ang nasa loob nito. With its enormous and grand entrance, you can say that privileged people ang mga nag-aaral dito.

Beep. Beep.

Gulat kong nilingon ang kotseng nagpaharurot no'n. Isang color blue na Mustang Shelby ang nasa likod ko. Napansin kong nasa gitna nga pala ako ng isang napakalaking gate. Malamang ay daanan iyon ng mga sasakyan.

Agad akong tumabi para magbigay daan. Automatic naman na bumukas ang gate at pumasok 'yung sasakyan. Nakakamanghang tignan. Gate palang hi-tech na at sobrang gara.

Mabilis akong naglakad sa may maliit na gate na katabi nito. Nakita ko ang guard na parang natutulog nang nakaupo.

Kumatok ako sa glass window at gulat naman siyang nagising at natumba pa sa sahig.

"Magandang umaga po." nakangiting bati ko."

Agad tumayo ang guard at mas nilakihan ang pagkakabukas ng glass window "A-Ano po ang maipaglilingkod ko binibini?"

"Dito po ba ang daan papasok ng Academy?" tanong ko. Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa.

"Transferee?"

"Opo."

"Patingin ng registration form."

Agad kong kinuha ang registration form sa bag ko saka iniabot 'yon kay manong guard. "Oo dito nga ang papasok ng Polaris. Pasensiya ka na dahil bibihira lang kasi ang dumaraan sa maliit na gate na ito. Madalas ay sa malaking gate pumapasok ang mga estudyante."

Napa-isip naman ako sa sinabi niya. Kung ganoon ay ang mga pumapasok sa Polaris ay pawang mga nakasasakyan dahil lahat sila ay sa malaking gate pumapasok. "Ah gano'n po ba?"

Ibinalik ni manong ang reg form ko. "Oo. Iskolar ka ba?"

"Parang gano'n na nga po."

"Oh siya. Galingan mo sa pag-aaral."

"Thank you Manong."

"Walang anuman." nakangiting tugon niya.

Mabilis kong hinablot ang maleta ko at pumasok sa maliit na gate ng Polaris.

Pagpasok palang ay makikita na agad ang isang napakalawak na damuhan sa magkabilang gilid ng daan. Pilit kong hinahanap ang building pero wala akong makita. Puro matatayog lang na puno ang nakikita ko na nakahilera sa gilid ng daanan.

Napagpasyahan kong ipagpatuloy ang paglalakad pero pagkalipas ng sampung minuto ay wala pa rin akong makitang kahit anong building. Napaupo nalang ako sa may damuhan nang dahil sa pagod. Maliban kasi sa dalang maleta ay buhat-buhat ko rin ang napakalaking backpack ko.

Maya't maya ay may nakikita akong dumadaan na mga sasakyan. They were all luxurious cars. Puro magagara ang mga 'yon. Wala man lang akong nakikitang estudyanteng naglalakad o nakakasabay ko papasok.

Ilang minuto ang nakalipas ay biglang may humintong scooter bike sa harapan ko. Kasunod namang huminto dito ang isa pang itim na sasakyan.

"Hi! Anong ginagawa mo diyan?" Biglang napaangat ang tingin ko sa babae. Napakaganda niya at mukhang napaka classy. She has that pinkish cheeks. Porselana rin ang kutis at napakaganda ng kulay chestnut at wavy niyang buhok. Mukha siyang artista.

"Ah eh. Nagpapahinga lang."

"Dito?"

"Mukhang malayo pa kasi ang Polaris building. Hindi naman ako nainform na napakaliblib pala no'n." natawa naman siya sa sinabi ko.

"Oo. Malayo pa nga 'yon. Aabutin ka nang tanghali bago ka makarating kapag naglakad ka bitbit ang mga 'yan. Sumakay ka nalang sa scooter ko."

"Nako! Wag na, nakakahiya. Marami pa namam akong bitbit."

"Magagawan 'yan ng paraan." Tumalikod siya at naglakad papunta sa itim na sasakyan at kinatok ang bintana nito. Mabilis naman siyang pinag uksan at mukhang may kinausap siya bago ako balikan. "Ok na! Sila ang magdadala ng mga gamit mo." aniya at biglang may lumabas sa kotse na mamang naka formal suit at lumapit sa'min.

Napakagalante tignan ng mama pero mukha nga lang siyang seryoso.

"Good morning madame. Kung mamarapatin niyo ay kukunin ko na ang mga bagahe niyo para ilagay sa kotse." sabi ng mama.

"Nako po. Hindi ba nakakahiya? Nag-abala pa kayo."

Natawa ulit yung nagandang babae. "Ano ka ba?! Tara na! Okay lang 'yan. Sa'kin ka na sumakay. Baka masuffocate ka sa kotse nila." Natatawang pa ring sabi niya bago inilahad ang kamay niya sa'kin at tinulungan akong tumayo. Kinuha ng mamang naka-suit ang mga bagahe ko at nilagay 'yon sa trunk ng itim na kotse.

"Thank you ah."

"Wala 'yon! Sakay na."

Agad akong sumakay sa likod ng scooter bike at agad naming tinahak ang napakahabang daan papasok ng academy.

Mabuti nalang pala at sa scooter bike ako pinasakay. Ngayon ay mas nakikita ko ang ganda at lawak ng Polaris.

Ang mga nagtatayugang puno ay nagkalat sa napakalawak na lupain. Maraming klase ng puno ang naroon at hindi ko matukoy kung anong uri ang mga 'yon. Mga pine trees lang yata ang narecognize ko. Sa paligid ng napakalawak na field ay merong mga dilaw, pink, lila, orange at asul na mga bulaklak. Parang ang sarap tuloy mahiga sa mga damuhan. Halatang naaalagan at nalilinis ang buong lugar.

"Ang ganda no?!" medyo pasigaw na sabi ng babae. Marahil sumigaw ito dahil hindi kami magkakarinigan kung sakali dahil sa ingay ng scooter bike.

"Oo, ang ganda!"

"Hold on tight!"

Nagulat ako nang bigla niyang bilisan ang pagpapatakbo ng scooter bike dahilan para mapakapit ako ng mahigpit sa beywang niya.

Ilang sandali pa ay tumigil kami sa isang napakalaking gate. Malaki pero mas maliit kumpara sa malaking gate na nasa entrance.

Nag-swipe ng card yung babae sa may scanner na nasa gilid ng gate at agad itong bumukas.

Nang makapasok sa loob ay namangha ako sa naglalakihang buildings. Paikot ang daan at nagmistulang parang napakalaking oval na parang park ang agad na bumungad sa'kin. Sa gitna nito ay may isang napakalaking fountain.

May tatlong malalaking buildings ang loob ng campus. May mga maliliit na building sa gilid nito na hindi ko alam kung ano at para saan.

"Welcome to Polaris!" nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "Ay nakalimutan kong magpakilala. I'm Alice." pakilala niya at nilahad ang kamay.

"I'm Rocky."

"Wow! What a cool name! I like you na agad! Napaka pretty ng name mo, ta's unisex rin. Astig!"

"T-Thank you."

"You're welcome. Ay teka, kunin natin ang gamit mo sa loob ng kotse."

Tinulungan kami ng mama kanina na kunin ang maleta at backpack ko sa trunk.

Biglang namang may lumabas na lalaking naka-uniform sa kotse. Gwapo at napakacute niya. Napatingin tuloy ako mula ulo hanggang paa. Halatang rich kid.

Nilingon kami ng lalaki nang nakasalubong ang mga kilay. "Are you done?" masungit niyang tanong.

Nahiya tuloy ako. Pakiramdam ko naging abala lang ako sa kanila.

"Noah!" inis na suway ni Alice.

"What?"

"You're being rude."

Agad na lumapit si Noah kay Alice at hinawakan niya ang dalawang balikat nito. "I'm sorry." malambing niyang sabi.

"Whatever!" Tinanggal ni Alice ang mga kamay nito sa kanyang balikat at mabilis na tumabi at umangkla sa'kin. "Pasensiya ka na. Hindi naman ganyan 'yan, baka may dalaw lang." Bulong niya sa'kin.

"Alice, let's go." yaya sa kanya ni Noah.

"Bakit kasama ako?" tanong ni Alice.

"Because I want to."

"I'm not part of your circle Noah."

Napabuntong-hininga naman si Noah. "Alright. I'll be going." malungkot na sabi nito habang nakatingin kay Alice. Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin bago tumalikod.

"Galit yata yung boyfriend mo sa'kin."

"Boyfriend? Joke lang 'yon di ba? Hindi ko siya boyfriend." natatawang sabi ni Alice.

"Ah hehe. H-hindi ba? Pasensya na."

"You're funny Rocky." Biglang tumunog ang phone niya. "Ay wait lang, I have to take this call." Agad niyang sinagot ito at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Matapos niya ibaba ang telepono ay panay na ang buntong-hininga niya bago humarap sa'kin. "Rocky, I'm sorry ah. Kailangan ko na kasing umalis. May konting gulo lang."

"Ano ka ba?! Okay lang. Kaya ko na ang sarili ko mula dito. Sige na."

Nagulat ako nang bigla nalang niya akong yakapin nang mahigpit. "Basta see you around ah. Bye!" mabilis siyang nagpaalam at naiwan akong mag-isa sa labas ng napakalaking building.

Nagtanung-tanong ako sa mg guard kung nasaan ang admission office at mabuti nalang mababait sila. Naituro agad nila sa akin ang daan.

Pagpasok mo ng building ay makikita mo ang isang napakalaking grand staircase. Bigger than the one I see on TV. Para kang nasa isang napakalaking palasyo.

Ang sabi sa akin ng guard ay nasa second floor raw ang admission office kaya hindi na ako nag elevator. Pero sa sobrang laki ng Polaris ay magkakanda-ligaw ligaw ka talaga. Napakaraming pasilyo at kwarto na hindi mo naman alam kung classroom ba o kung para saan.

Habang nasa daan ay panay ang titig ng mga estudyante sa'kin. Binilisan ko ang paglalakad dahil hindi ko kinakaya ang ulo hanggang paa'ng mga pagtingin nila. Para silang nakakita ng isang foreigner. 'Yun nga lang, mukhang gusgusing foreigner.

Sa bilis ng lakad ko ay hindi ko inasahan at namalayang may makakabunggo ako. Paano'y bigla nalang siyang lumitaw sa kung saan kaya hindi ko agad nakita.

"Tsk! Watch where you're going. Dimwit!" bulalas niya imbes na tulungan akong makatayo.

"Stop right there!" lumingon ako sa pinanggalingan ng sigaw at nakita ko ang isang medyo may katandaan nang lalaki na nakasuit at salamin na tila may hinahabol.

"Shit." mahinang sabi ng lalakeng nakabunggo sa'kin. Tinginan niya muna ako ng masama nang ilang segundo bago tumakbo paalis.

"Hoy!" Malakas kong sigaw pero malayo na siya para mapansin pa ang pagtawag ko. "Kainis 'yon hindi man lang ako tinulungan." bulong ko habang pinupulot ang maleta ko.

Hindi ko namalayan na pinagtitinginan na ako ng mga estudyante. May mga natatawa at meron rin namang mukhang naaawa. Pero mas nakakahigit yung mga mukhang nandidiri sa nakikita nila.

"Eeew. What's with those lousy clothes?" Rinig kong sabi ng isang babae na mukhang hipon.

Great! First day ko palang mukhang magiging Ms. Unpopular na'ko.

Pinagpatuloy ko ang paghahanap sa admission office at sa wakas ay nakita ko rin ito!

Kakatok na sana ako pero biglang bumukas ang pinto pero walang taong sumalubong sa'kin.

Muntik nang manindig ang balahibo pero buti nalang at hi-tech nga pala ang mga gamit dito sa Polaris at dapat hindi na ikabigla kung maya't maya ay kusang bumubukas ang mga pinto.

Lumapit ako sa may front desk at nagtanung-tanong roon. Malamang siya ang secretary dahil sa plate na nakalagay sa may front desk.

Ipinakita ko ang reg form ko at may tinawagan naman agad siya. "Ms. Canary, maari na po kayong pumasok sa loob. This way." Aniya at nagpaumunang kumatok sa isang silid.

Agad niyang binuksan ang pinto at bumungad sa amin ang isang lalaking mukhang nasa 30s palang. He's wearing gym clothes while sitting on the sofa. "Sir. Please wear your formal clothes." napalingon ako sa ma-awtoridad na sabi ng secretary. Hindi ko tuloy alam kung sino ang boss sa kanila.

Narinig ko namang tumawa yung lalaki at napabuntong-hininga nalang ang secretary niya. "Would you mind Ms. Canary?"

"Ah eh. O-Okay lang po." sagot ko pero muli lang siyang tumawa.

Agad nagpaalam yung secretary. "Have a seat Ms. Canary." aniya ka umupo ako sa kabilang upuan na nasa harap niya. "Hmm. What should I call you?"

"Rocky nalang po."

"Wow. Great name! Oh well, welcome to Polaris. I'm Mr. Johnson. Nice finally meeting you."

"Thank you po. Nice meeting rin you po."

"Well. I wouldn't be the one to tour you around. I'll endorse you to someone later on. Oh wait, mas mabuting ngayon na para makapag-gala ka pa sa campus." aniya at agad na may tinawagan na hindi ko alam kung sino.

Ilang saglit pa ay may biglang kumatok sa opisina. Pumasok ang isang may edad na babae. Maybe she's around late 50s or early 60s na.

"Ms. Canary, this is Mrs. Baker and she is the housemistress of the girl's dormitory."

"N-Nice meeting you po." bati ko pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

"Johnson, alam mo bang I'm having my gardening activity nang ipatawag mo ako. Gaano ba ito kaimportante?"
masungit niyang tanong kay Mr. Johnson.

"Mrs. Baker, I'm pleased to introduce to you, Ms. Canary, our new student." pagpapakilala ni Mr. Johnson sa'kin. Doon palang ako nilingon ni Mrs. Baker at tinignan mula ulo hanggang paa.

"Oh. Is this her?" tanong niya habang binababa ang salamin sa mata para mas tignan ako.

"Please lead her to the girls dormitory Mrs. Baker."

"Alright Johnson." bigla niya akong nilingon. "Vamonos." Utos niya. Agad akong nagpaalam kay Mr. Johnson at mabilis na sumunod kay Mrs. Baker.

Napakalayo na nang nilakad namin pero puro mga puno lang ang nakikita ko. Napakalayo na namin sa mga nagtataasang building ng Polaris. Napapaisip tulyo ako kung nasa Polaris pa rin ba kami.

Mayamaya pa ay tumabad ang isang napakalaking building sa harap ko. Marahil ito na ang tinatawag nilang girls dormitory. Natawa tuloy ako sa isipin na nasa gitna talaga ng gubat ang titirhan ko.

Pero hindi pa man kami nakakapasok sa dormitory ay may narinig na kaming pagsabog.

Continue Reading

You'll Also Like

18.9K 664 19
Cassette 381 Series #2 The moment Lyon Violet Marquez realized that her appearance did not pass the society's created beauty standards, she held onto...
93.9M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
5.6M 278K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.