Peculiarity In Her Eyes

By Luni_Solace

8.4K 1.5K 317

"We all have a secret we could never tell." A girl with a spectacular ability but with a miserable life will... More

Disclaimer
Peculiarity In Her Eyes
Prologue
[ 1 ] Not A Reverie
[ 2 ] Irksome Guy
[ 3 ] Nigh Demise
[ 4 ] Death Color #1: Yellow Signifies Fear
[ 5 ] Coincidence
[ 6 ] Atrocious Bruises
[ 7 ] Death Is Undisguised
[ 8 ] Inscrutable Letter
[ 9 ] Head-Scratcher
[ 10 ] Undone
[ 11 ] Bizarre Happenings
[ 12 ] The Outré
[ 13 ] The Shindig
[ 14 ] Death Is Roaming
[ 15 ] Rummaging Pieces
[ 16 ] End Of Friendship
[ 17 ] Death Color #2: Red Signifies Warning
[ 18 ] Top of the Roof
[ 19 ] Off-The-Wall
[ 20 ] Strange Vision
[ 21 ] Omit The Last Breath
[ 22 ] The Anonymous
[ 23 ] Uneven
[ 24 ] Vizard
[ 25 ] Doomed In Three
[ 26 ] What Time Is It?
[ 27 ] On One's Last Legs
[ 29 ] Pretty Bizarro
[ 30 ] Death Color #3: Violet Signifies Luck
[ 31 ] A Sleuth's Job: Part 1
[ 32 ] A Sleuth's Job: Part 2
[ 33 ] A Sleuth's Job: Part 3
[ 34 ] A Sleuth's Job: Part 4
[ 35 ] Vendetta's Mask
[ 36 ] Unaccustomed
[ 37 ] Square of Threat
[ 38 ] Two At Once
[ 39 ] Calling On Their Way
[ 40 ] Gotcha
[ 41 ] Easily Caught
[ 42 ] Truth's Unfold
[ 43 ] Past Life
[ 44 ] Dr. Luo
[ 45 ] New Recruit
[ 46 ] Years Passed
[ 47 ] A Stole Away
[ 48 ] Newest Member
[ 49 ] The Double
[ 50 ] Her Truth Behind Why
[ 51 ] H2P

[ 28 ] Outlandish

45 2 0
By Luni_Solace

Kanina pa ang uwian. Mag-isa akong naglalakad ngayon papunta sa bahay. Hindi ako sumama sa kanila ngayon dahil gagala pa daw sila. Dahil walang tao sa bahay ay kailangan kong umuwi ng maaga ngayon at para na rin may kasama si Spot.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan na isipin ang sinabi sakin ni Mev kanina. Parang nakaramdam ako ng kaunting awa sa kanya dahil sa sinapit niya noong bata pa siya. Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam na nangyari rin pala ang gano'ng sitwasyon sa kanya.

Well, every one of us has our own secrets to hide.

~*~

"And here we are," binitawan na niya ang pulupulsuhan ko at prenteng umupo sa isang bench na gawa sa semento. Sa likod nito ay isang malaking puno. He crossed his legs and put both of his hands on his head.

Here? Dito lang pala kami pupunta? Pabagsak akong umupo sa tabi niya. Sa garden lang pala ang punta namin. Ano kaya ang pumapasok sa isip nito at naisipang dito kami magta-tambay? Kung ano man 'yon ay pakiramdam ko ay medyo personal ito dahil ako lang sinama niya.

But why me?

Ilang minuto kaming walang imikan. Puro lang malamig na hinagpis ng hangin ang nararamdaman namin at ang nag-iingay na mga halaman kapag ito ay natatamaan ng hangin.

"Spill it," pagpuputol ko sa nakakabinging katahimikan.

"Hmm?" Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tumingin siya sakin.

"Spill the beans now, Mev." Sandali siyang napatitig sakin tapos ay marahan siyang tumawa.

"Kung dinala mo ako dito para may mapagsabihan ka ng sekreto o paglabasan ng sama ng loob o kung ano man 'yon gawin mo na. I won't judge you." But then again, he just chuckled.

"Grabe ka Ro ah. Ang laki na talaga ng pinagbago mo. Noon maliliit na mga salita lang ang lumalabas sa bibig mo. Halos ayaw mo na ngang magsalita eh. Pinagkamalan pa kitang pipi noong una kitang nakilala, haaay. Ngayon ay hindi na, malaki na ang puwang na ginawa mo para baguhin ang sarili mo." Mahabang paliwanag niya. Itatanong ko na sana sa kanya kung sobra ba ang ginawa ko para ganito kalaki ang pinagbago ng sarili ko nang inunahan niya ako.

"I like it this way Ro. Kung pwede ay ibalik mo sana ang sarili mo sa pagiging masiyahin at palangiti, katulad ng nilalarawan ni Kylie at Tyrone sakin." Marahan akong napatingin sa kanya. Kylie, Tyrone and him. Pinag-uusapan nila akong tatlo sa likod ko?

"Minsan iniisip ko, ano kaya ang itsura ni Ro kung palagi siyang nakangiti?" Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa kanya. He was looking up, looking at the blue sky with white fluffy clouds covering it. Gano'n pa rin ang posisyon niya, nakadekwatro habang ang dalawang kamay ay nasa ulo.

"I bet maraming magka-crush sayo," natatawang sabi niya. Hindi ko mapigilan na mapangiwi sa sinabi niya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at napunta ito sa isang kulay puti at orange na pusa na dumaan sa harap malayo samin. "Kaya mo ba ako dinala dito dahil ako ang pag-uusapan natin?"

"Nah. I just accidentally brought that up though." Umupo siya ng maayos.

"You want to know why I was kinda off these days, yes?" Lumingon ako sa kanya at napunta iyon sa logo ng uniform niya.

"Hindi lang ako kundi pati sila." Sagot ko. He sigh and slightly bow his head.

"Sorry kung pinag-alala ko kayong lahat. These days had pass, I was just not in the mood."

Kaya siya naging weird ng ilang araw dahil wala siya sa mood? What kind of excuse is that?

"Ang mga araw na hindi ka sumama samin kumain ng lunch, ang mga araw na gumawa ka ng dahilan o palusot para iwasan kami at makasama ang dalawang bago nating kaklase, wala ka rin ba sa mood mo ng mga oras 'yon?" Automatic na tumaas ang ulo niya at tumingin sakin na may malalaki ang mga mata. Sabi ko na nga ba, tama ang hinala ko.

"O baka nawawalan ka na ng gana na sumama samin? Baka mas masaya silang kasama kesa samin?" He really need some long explanation to do here.

"What? No!" Tinaasan ko siya ng kilay.

"What's with that thought? Ang layo naman yata ng iniisip mo." Natatawang saad niya. Aba, may patawa-tawa pa siyang nalalamn e seryoso ang pinag-uusapan namin ngayon. Halos hindi maipinta ang mukha niya kanina tapos ngayon bigla nagbago at unti-unti may sumisilay na ngiti sa labi niya.

"Wait, are you..? Or maybe, I don't know, somehow jealous?" Malawak pa ang ngiti niya habang sinasabi niya iyon. Inirapan ko siya. Pinagkrus ko ang dalawang braso at nagdekwatro.

"I'm not jealous. I'm just stating all the possible reasons why are you avoiding us." Totoo naman talaga ang sinasabi ko, I'm not being defensive here. Hindi ako naghahanap ng dahilan para pagtakpan ang sinasabi niya.

"No way! Hindi ko kayo iniiwasan 'no." Oa niyang sagot with matching kaway-kaway pa ng kamay niya sa harap ko.

"So why are you acting like you're making us to think like that?" I don't know why am I being like this to Mev. Is it because his reasons, or should I say, excuses are not reasonable enough for me to believe it?

"Hindi 'yon ang pinapalabas ko, Ro. You know me,"

"Really? Do I really know the real you?" Tumingin ako sa kanya at nakita kong napatigil siya sa sinabi ko. Yumuko siya na ikinakunot ng noo ko.

"The real me huh?" Umayos siya ng upo saka tumingala ulit para tingnan ang langit. Okay, here is it again. He's getting weird again.

"Nakakatakot Ro. Maraming huhusga sayo kung weird ka sa paningin nila so I just pretend myself that I'm okay." Umiwas ako ng tingin. Hindi ako makaangal sa sinabi niya dahil tama ito.

Naranasan ko na ito kaya mas mabuti nalang na manahimik sa isang sulok kesa magsalita na baka ikakabunga pa ng isang matindig away at sigawan. Pero hindi naman lahat ng tao ay gano'n.

"Things are... just complicated between us right now." Pinilit niyang itawa ito. Us? Kami ba ang tinutukoy niya? Sina Kylie, Tyrone, Azra at ang iba pa ba ang tinutukoy niya?

"Us?" Hindi ko maiwasan na magtanong dahil ayaw kong bigyan ng ibang kaisipan ang 'us' na sinabi niya.

"The three of us,"

"Sino ba ang tinutukoy mo? Can you be more specific?" Napatawa siya.

"Ang dalawang bagong transferees." Wait, siya at sila ba ang tinutukoy niyang us? Silang tatlo? Him, Maya and Paul? I knew it.

"Sabi ko na nga ba," nakita ko sa gilid ng mga mata ko na napatingin siya sakin.

"Oh?"

"May past kayong tatlo dahil gano'n nalang ang gulat mo nung nakita kitang gulat na gulat na makita sila." So hindi lang pala isang hula ang nagawa ko kundi dahil ito talaga ang totoo.

"Yeah," 'yon ang huling niyang sinabi nung kinain na naman ulit kami ng katahimikan. Hindi ko alam kung ano ang trip na gusto niya. Hindi ko mahula kung ano ang pumapasok sa isip niya ngayon. Partly, it's about his past with them, reminiscing their happy moments together. Pero alam kong hindi lang 'yon ang iniisip niya.

Magsasalita na sana ako ng inunahan niya ako. "An accident happened," dahil sa sinabi niya ay hindi ko na matuloy ang sasabihin ko. He left my lip hanging. Nasagot niya na ang dapat ay itatanong ko pa lang.

"It's unfortunate right?" Natatawang saad niya. Umiwas ako ng tingin sa kanya saka mas lalaong nakinig sa kwento niya.

"Nung araw na nangyari 'yon, wala ako sa tabi nila para protektahan sila. I'm not worthy to be their friend." Hindi ko mapigilang sumulyap sa kanya at nakita ko siyang yumuko, pinatong ang dalawang siko sa hita niya at ipinilipit ang dalawang kamay.

"Hindi ko naman alam na mangyayari 'yon eh. Umalis lang ako sandali, nawala lang ako sa paningin nila ng ilang minuto. Tapos hindi ko alam na may nangyaring masama na pala sa kanila." Nakita kong mas humigpit pa lalo ang pagkakahawak niya sa kanyang kamay.

"Their parents blame me for what happened to them."

"Hindi naman yata tama 'yan. Katulad nga ng sinabi mo ay hindi mo alam na mangyayari 'yon. Alam mong hindi natin mahuhulaan ang susunod na mangyayari satin at sa paligid natin," umusog ako palapit sa kanya at marahan siyang hinawakan sa balikat niya.

"It's not your fault, Mev."

"I wanted to believe that but even me, myself cannot accept it. Ang hirap kapag pinipilit mo ang sarili mo sa isang katotohanan na maniwala na hindi mo kasalanan pero ang totoo nyan ay pinipilit mong ipagkaloob ang sarili mo sa isang kasinungalingan." Dagdag niya.

"The fact that I can't protect them makes me want to be dead. Baka kasi 'yon ang magiging solusyon sa lahat." Sabi niya habang yumuyuko pa rin ang ulo niya. Wala sa oras na tumaas ang kamay ko sa ere habang may inis saking mga mata ko siyang tinitingnan. Muntik ko na sana siyang babatukan kung hindi lang siya tumingala.

*SLAP!*

Hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon sa kanya. Pakiramdam ko ay may kumukontrol saking katawan, lalo na sa kamay ko. Wala ako sa sarili kong wisyo nung ginawa ko 'yon sa kanya. Teka lang, wala nga ba?

May inis ko siyang tiningnan habang nakatulala niyang hinahawakan ang pisngi niya kung saan sumapo ang palad ko.

"How dare you to say those words," hindi. Hindi dapat gano'ng mga salita ang lumabas sa bibig ko. Hindi.

"Dahil lang sa sinisisi ka nila ay naisipan mo ng magpakamatay?" I sarcastically laughed at his immature mindset and all of the excuses he made.

No, that was not it. Hindi 'yon ang dapat na lumabas sa bibig ko. Lahat ng 'yon ay baliktad. Puro lahat baliktad ang mga salitang lumalabas sa bibig ko.

"Ano klaseng isip ang meron ka at 'yon ang naisip mo?"

Why am I reacting too much of what he said? This is too exaggerating. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ako kumilos. Dahil ba pareho kami ng iniisip noon? Ang magpakamatay? Magka-isa ang isip namin noon na mawala nalang ang sarili namin sa mundong ito? Pareho ba ang buhay namin noon? Pareho kaya kami?

"Mababaw lang ang naging dahilan mo pero 'yon na agad pumasok sayo? Ang magpakamatay? Akala mo 'yon ang magiging solusyon para sa lahat ng problema?" Hindi ko mapigilang pagtaasan siya ng boses.

What's happening to me? Bakit ganitong mga klaseng salita ang lumalabas sa bibig ko? I should be comforting him, not scolding him like I'm his mother.

"Hindi naman lahat ng may mga mabababaw na dahilan ay hindi na pumasok sa isip nila na gumawa ng isang bagay na ikakalabag ng loob nila." Napahinto ako sa sinabi niya.

I take it back. No, not the words I've said to him but the part that I said to myself. Sabi ko, halos pareho kami ng sitwasyon noon. Pareho kaming nagsisisi, pareho naming sinisisi ang mga sarili namin noon. But it turns out that it's not.

Mali ako, maling mali. Malayong malayo ang sarili namin sa isa't isa. Iba siya, iba rin ako. Iba ang buhay naming dalawa. Hindi kami sumabay na lumaki at mas lalong hindi namin totoong nakikilala ang isa't isa.

Muli ay kinain ng katahimikan ang pagitan naming dalawa. Hindi kami nagsalita ng ilang minuto. Wala ni isa saming ang gustong bumuka ng mga bibig namin. It's not awkward though, it's not because of that. Siguro ay nag-iisip siya ng mga salita na kung ano ba talaga ang sasabihin niya, and also me. Composing ourselves and our words.

"I hope this only remains for the two of us." Hindi ko tuloy mapagiliang mapalingon sa sinabi niya. Nahuli ko siyang bumuntong hininga.

"Ayaw kong malaman ng iba, ayaw ko silang mag-alala sakin dahil lang sa maliit lang na dahilan kung bakit nagiging ganito ako." So he wants to keep this a secret between us, huh? Kung 'yon ang gusto niya ay wala akong magagawa. After all, he's the one will decide if I will keep this secret stay still or not.

Hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot para kay Mev. Kaya pala ilang araw siyang hindi sumasama samin ay dahil gusto niyang makasama ang dalawa.

Coma huh? It's scary to think about it by just describing the details. You're inside in the hospital. Lying on the hospital bed without moving even an inch of it while those eyes of yours are firmly close, only sustained by respirators while your loved ones is waiting for you to open those eyes.

It's a 50-50 deal between Death and God. It's either Death will grasp you, not hesitating to grab you by force or God will have mercy on you then you'll get a chance to live once again. Pero kung time mo na talaga, wala ka nang magagawa pa.

It's really unfortunate to witness some catastrophic events. Ang hirap nito iwakli sa isip na para itong bubble gum na hinding hindi na mawawala at makukuha pa sa isip mo.

Pagdating ko sa apartment ay tumahol si Spot so I petted his head. Sa mga nakaraang buwan ay malaki ang pinagbago ni Spot. He's physically and spiritually healthy now.

Pagpasok ko sa kwarto namin ni ate ay hindi ako bumihis, nilagay ko lang ang bag ko sa kama ko at naghubad ng sapatos kaya medyas ko nalang ang suot ko. Pumunta ako sa kusina at kinuha sa cabinet ang container ng dog food ni Spot. Nang inangat ko ito ay napakagaan.

Bumuntong hininga ako. Ibig sabihin ay kaunti nalang ang laman nito at bibili na naman. Umiling-iling ako at inubos nalang ang kaunting laman sa pinggan ni Spot at agad niya naman itong sinunggaban. Tinapon ko naman ang plastic nito sa itim na trash bag sa ilalim ng lababo.

Dahil kailangan kong umalis ay nagbihis ako ng ibang damit. Kinuha ko ang susi at wallet ko. Lumabas ako sa apartment at nilock ang pinto. Pumunta ako sa isang store na nagbebenta ng mga iba't ibang pagkain ng mga hayop. Mabuti nalang at kakaunti lang mga taong bumibili doon. Like I said, I still don't like crowded places. Hindi pa rin ako sanay. But the school is an exception.

Pagkatapos kong bumili doon ay dali-dali akong umalis doon at tinungo ang daan pabalik sa apartment. Habang naglalakad ako ay bigla nagvibrate ang cellphone ko kaya huminto ako sa paglalakd at tiningnan ko ito kung ano. Psh, just a message from ate.

From: Ate Rile
Rosel, baka lunch time pa ako bukas makauwi because of loaded works here so don't wait for me okay? Diretso tulog

Tinago ko na ang cellphone ko at tinuloy ang aking paglakad. Habang naglalakad ako sa tahimik at walang katao-taong daan ay may narinig akong isang grupong naghahabulan yata.

"Ayun siya!"

"Dalian niyo nga! Ambabagal!"

"Bilisan niyo! Baka mawala pa siya!"

Hindi ko maiwasan na maging kyuryos dahil sa narinig ko. Lumingon ako saking likod, mula sa malayo ay nakita ko ang isang grupo ng mga kalalakihan na may isang hinahabol na lalaking naka-itim na hoodie at mask.

Mukha silang gansters dahil sa suot nila, o baka gangsters talaga sila? May mga hawak pa silang kahoy at baseball bat. Mabilis akong nagtago sa isang pader, mabuti nalang malapit ako sa may likuan kaya madali akong nakatago.

Muntik na akong sumigaw nung lumiko ang lalaki sa isang eskinita katabi lang ng sa isang convenience store. Pati ang mga gangsters na humahabol sa kanya ay pumasok rin sa eskinitang 'yon. Hindi ko mapigilang mapamura dahil sa lalaki.

Hindi niya ba alam na isang dead end ang eskinitang 'yon? What an idiot. Tatakas na nga lang sa mga gangsters ay doon pa sa isang lugar na hindi ka makakatakas. Great. Wala na siyang malalabasan dahil mataas ang pader doon, kung gusto mo itong akyatin ay hindi mo makakaya dahil mataas nga ang pader.

Pakiramdam ko ay hindi siya taga-dito dahil kung taga-dito siya ay hindi siya pupunta doon dahil alam na niyang dead end ang loob ng eskinitang iyon.

Aalis na sana ako sa pwesto ko para tumawag ng police pero napasandal at nagtago ulit ako sa pader nung nakita kong lumabas ang mga gangsters.

"Bwisit ang gagong 'yon!"

"Natakasan tayo,"

"Tangina niya!"

"Paano na 'yan?"

They all looked pissed and mad. Habang sila ay galit ang mga mukha, pagtataka naman ang nakaukit sa mukha ko. Nakatakas siya? Ang lalaking may suot na itim na hoodie na hinahabol nila, nakatakas?

Hindi ko maintindihan. Dead end ang loob ng eskinitang 'yon at sigurado akong matatangkad ang pinasementong pader doon. Paanong hindi nila nahuli ang lalaki?

I'm not saying na gusto kong mahuli nila ang kung sino man ang lalaking hinahabol nila. Ang sakin lang ay paano nangyari na nakatakas ang lalaki? That's too impossible. Unless, he got some idea on how to climb those tall walls.

"Hanapin ulit natin siya,"

"Kailangan natin mahuli ang gagong 'yon,"

"Maghiwa-hiwalay tayo."

Wala sa oras akong napatago at sumandal sa pader nung papunta sila sa direksyon ko. Nang malampasan nila ako ay agad kong tiningnan ang lugar kung saan pumasok ang lalaki. Naghintay ako ng ilang minuto doon, nakatayo lang habang ang tingin ko ay nakafocus lang sa iisang lugar.

Napasalubong ang kilay ko nung bigla natumba ang isang trash can katabi lang ng isang street light kaya naman nagsilabasan ang mga basura mula sa loob.

What the hell? Paano ito natumba? Wala namang hanging dumaan?

Nanlaki agad ang mga mata ko nang makita ko ng isang segundo ang lalaking naka-itim na hoodie. Parang dumaan lang siya sa mga mata ko. As in isang segundo ko lang siya nakita pagkatapos ay nawala agad siya sa paningin ko.

Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko, parang hindi ako makahinga nang makita ko ulit siya tapos ay nawala na naman. It's like he's a flickering light.

H-How is that... possible? Is that even possible?

Hindi ko na nakayanan pa at napaupo nalang when I saw him that he stopped flickering. Katulad ko sa lagay ko ngayon ay gano'n rin siya. Gulat na gulat ang mukha niya habang nagtakaka at hindi makapaniwala sa nakikita niya. Tinitingnan niya ang kanyang mga kamay na nag-aandap-andap na parang isang ilaw na pundido.

Hindi, hindi totoo ang nakikita ko. No way in death, this is too impossible. Hindi ito maaari. Napaka-imposible na mangyari ito. Nasa reyalidad pa ba ako? It's just too absurd too handle. Hindi ito tulad ng iniisip ko ngayon.

Is he... like me too? Is he peculiar?

Does he have or somehow... have the ability to... be invinsible?

Continue Reading

You'll Also Like

392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...