Art of Assassination Trilogy...

By JhasMean_

112K 2.8K 195

After two years of hiding, what is X's next act? Will she find the truth? Seek vengeance and make the people... More

Art of Assassination Trilogy: Vengeance
Prologue: Bewildering.
I. Later
II. Killed
III. Thanatos
V. Found
VI. Lose
VII. Betrayal
VIII. Proof
IX. Everything
X. Catching Up
XI. Pay
XII. Final
XIII. Red
XIV. Anak
XV. Gone
XVI. Past
XVII. Vengeance
XVIII. Twist
XIX. Protect
XX. Believe
Epilogue: The birth of a Psychopath

IV. Truth

4.4K 151 16
By JhasMean_

Chapter 4
Jasmine Sophia Andrews

Hindi ako makapakinig ng maayos sa klase. Okupado ang utak ko habang nagdidiscuss ng tungkol sa Politics and Governance, hindibko maintindihan ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig dahil may ibang umiikot sa aking utak. Si Ate Mikayla.

Kanina kasing umaga ay may natanggap akong mensahe sa kanya na nagtatanong kung nalaman na kung sino ang pumatay kay Sven Montemayor. Hindi sa pinagdududahan ko siyang siya ang gumawa no'n dahil alam kong imposibleng siya ang pumatay kay Sven — yun ay kung pagbabasehan ang hula ko. She's obviously not the person who Sven Montemayor trusts.

Pero may isa pang bumabagabag sa akin. Noong isang araw kasi ay sinundan ko si Kuya nang mgpunta siya sa sira ng mansyon ni Medrino. I think I saw her there.

"Jas," tawag sa akin ni Kein matapos ang klase. Pangatlong subject pa lang namin ito ngayong araw, may last pa mamayang alas-kwatro ng hapon, may isang oras lang kaming vacant time.

Tumingin ako sa kanya at inabot ang bag ko sa kanya.

"Are you alright?" Simpleng tumango lang ako at ngumiti sa kanya at lumexabas na kami ng room.

Sa tapat ng pinto ay naabutan ko si Sam na nakasandal sa may pader, magka-ekis ang kanyang kamay na tila ba may hinihintay.

"Jasmine, tumawag si Kuya." Malamig na saad ni Sam, na para bang labag sa kanya ang sinabi tapos ay naglakad siya paalis. Nagkatinginan kami ni Kein at tahimik na sumunod dito. Mukhang hindi na naman ako makakapasok sa huli kong subject. Naka-ilang absent na din ako doon.

Sumakay ako sa sasakyan ni Kein at sinundan si Sam na nakasakay sa kanyang motor. Tahimik ang aming naging biyahe hanggang sa makarating kami sa HQ ng Black Rose.

Dumiretso kami ni Sam sa opisina ni Beau kung saan daw nandoon sila Kuya, si Kein naman ay dumiretso sa Gray kasama si Vector na nakasalubong namin kanina. Pagdating sa opisina ni Beau ay katahimikan ang sumalubong sa amin. Si Elena ay bakas ang saya sa mata na para bang may natanggap siyang magandang balita, si Night ay tahimik na nakahalukipkip at nakasandal sa mesa, nakatitig ito kay Elena at tila ba may malalim na iniisip. Si Beau ay hindi mo kakikitaan ng kahit anong emosyon, si Starr ay nasa malalim na pag-iisip gaya ni Night. Ang tanging naiiba lang ay si Kuya na mabilis ang paghinga, nakakuyom ang palad at bakas ang galit at sakit sa mata.

"What happened?" Si Sam ang nagtanong tapos ay umupo sa tabi ni Kuya Craig. Naupo ako sa tapat nito at inagaw ng isang kulay itim na folder ang atensyon ko. May parang apoy na nakatatak doon. Black Heart Organization. Kinuha ko iyon at binuksan. May ilang piraso ng papel ang nakalagay doon. Pamilyar ang mga graph na nakalagay doon. It's a result of a DNA examination. Sa unang papel ay isang klase ng blood type, sa pangalawang papel ay ganon din pero ibang blood type ang nakalagay. Sa pangatlo, nakalagay ang isang kulay pulang salitang 'positive' na nakalagay sa pinakababang parte ng table.

"Kanino ito?" Tanong ko kila Beau. Kinuha ni Sam ang folder at binasa din ito. "Saan ito nakuha?"

"Galing sa BHO. JP and Kat investigate the crime scene. May nakuha silang blood sample sa kwarto mismo kung saan namatay si Sven." Panimula ni Starr habang nakayuko. "Hindi iyon kay Sven. Hindi din kay Andrew Montemayor. They tried to find its match. Wala sa kahit isang taong namatay sa mansyon na iyon. So Kat had this weird hunch, may record kami ng DNA ni Margarette, tinest niya. At ang positive na nakasulat diyan ang naging resulta."

"Paano nangyari iyon?" Si Sam na ang nagtanog dahil napako ako sa aking pwesto.

Si Ate Mikayla. She killed them. Siya ang pumatay. Pero paano? Bakit kinailangan pa niyang magsinungaling sa akin?

"Xiara is alive. Yan lang ang naiisip naming dahilan kung paano nangyaring nag-match sila. She's alive." Malamig ang pagkakasaad ni Beau sa bawat salita na kanyang binitawan. Malamig ay madiin pero bakas sa tono ang relief. Biglang tumayo si Kuya sa pwesto niya at umalis. Napatitig na lang ako sa pinto at ilang beses na malalim na bumuntong hininga.

Alam na nila.

Tumayo ako at susundan si Kuya pero naunahan ako ni Sam na mabilis na tumakbo palabas ng opisina. Sinundan ko siya. And I saw her. With Kuya Craig. Nakaupo si Kuya Craig sa lapag at yakap yakap siya ni Sam. Saglit na napatitig ako at nanlaki ang aking mata nang makitang kinintilan ng halik ni Sam si Kuya sa labi. Magaan lang iyon at saglit pero ang halik ay halik.

Why are they kissing?

Bago pa nila malaman na nakita ko sila ay tumakbo na ako paalis sa lugar na iyon at pumunta na lang sa Gray kung saan nandon si Kein at Vector na nagtatawanan. Dali dali akong pumasok sa loob at niyakap ng mahigpit si Kein.

Natahimik silang parehas ni Vector at ramdam ko ang mabigat na pagtitig ni Vector at nag-aalalang tingin ni Kein, ngunit parehas silang hindi nagsalita at nagpapasalamat ako na hindi na sila nagtanong pa dahil hindi ko alam kung may maisasagot akong maayos sa kanila. Blanko ang isipan ko at ang nag-iisang imahe nananatili sa aking isipan ay ang ginawang paghalik ni Sam kay Kuya.

May relasyon ba sila? Bakit hinalikan niya si Kuya? Matagal na bang may namamagitan sa kanila? Will they tell it to us?

Ilang saglit akong hindi nagsalita nang may tumawag sa akin. Si Sam. Kasama niya si Kuya ngunit magkalayo silang dalawa. Who would have thought that there's something going on between tha two of them? Hindi mo mahahalata sa kinikilos nila. They're so discreet na kahit akong malapit sa kanila ay hindi man lang napansin.

Kelan pa nagsimula ang sikretong relasyon nila?

Pinag-usapan naming lahat ang tungkol sa natuklasan ng BHO at sinuhestyon ni Starr na hangga't hindi pa tuluyan napatutunayan na buhay nga si Ate Mikayla ay wag na daw muna naming simulan ang misyon na pagpapatumba sa buong Diamonds. Dapat kasi ay sa susunod na linggo namin aasikasuhin ang tungkol kay Divina Montelegre — isa sa mga miyembro ng Diamonds.

"Posible bang nagkamali lang ang BHO?" Tanong ko. Binigyan ako ng matalim na tingin nila Beau, Starr, Elena, at Night.

"Mistake was never in BHO's dictionary." Galit na saad ni Elena. "Poseidon won't let such mistake to happen." Hindi na ako muli pang nagsalita hanggang sa matapos ang usapan.

Mag-a-alas-otso na ng gabi nang sabihin ni Kuya na uuwi na kami. Tahimik lang akong nakaupo sa backseat ng sasakyan at nakatanaw sa maliwanag na ilaw na nanggagaling sa mga nagtataasan na building sa buong metro. Sa harap ay nandon si Sam na ihahatid na din daw ni Kuya, iniwan kasi nito ang kanyang motor sa Black Rose. Kein's not with us dahil sinama ito ni Vector sa bahay niya at ipapakita daw ang mga gadgets na inimbento niya.

Buti na nga lang at inaya siya ni Vector dahil sigurado ako pagdating namin sa bahay ay tatanungin niya ako tungkol sa inasta ko kanina. And I'm not in the mood to talk about it right now. Not until I talked to Kuya Craig. I want to know the whole truth.

Para kahit papano ay may isang katotohanan akong alam. My life right now is full of lies, secrecy, and pretentions, and right now, just this time, I want to hear something certifiable. I want, for once, to hear something that's not a lie.

"Bye," paalam ni Sam, nilingon ko siya at nakangisi siya kay Kuya Craig, nilipat ko ang tingin kay Kuya at ganon din ito sa kanya. Nakayukong bumaba ako at lumipat na sa passenger seat nang hindi nagsasalita.

Umalis na kami ni Kuya, binuksan ko ang radyo para matabunan ang nakakailang na katahimikan na bumalot sa buong sasakyan. If it's a normal day, I would talk to him nonstop, but it's not. Iba ngayon.

"Paano kung totoong buhay pa si Ate Mikayla? Anong gagawin mo?" Tanong ko, hindi ko na inabala pang tignan si Kuya, nanatili ang mata ko na nakatutok sa daan.

"Nothing," he answered. Naikuyom ko ang kamay ko.

"I saw you and Sam kissed. Kelan pa Kuya?"

"Few months ago," doon na ako humarap kay Kuya. Pakiramdam ko ay pulang pula na ang mukha ko dahil sa galit.

Sumali siya ng Black Rose, hiningi ang tulong nito para maipaghiganti si Ate. Because he loves her. Tapos ngayon ay sasabihin niya ay ilang buwan na silang magkarelasyon ni Sam, na wala siyang pakielam ku g buhay pa si Ate.

Kung wala siyang pakielam, why is he still here?

"Bakit, Kuya? Akala ko ba mahal mo si Ate? Akala ko ba ginagawa mo ito para kay Ate? Hiningi mo ang tulong namin para maipaghiganti siya. Why are you with Sam?!" Hindi ko na napigilan ang pagsigaw dahil galit na ako, frustrated... hindi ko na alam. Halo halo na.

"Don't question my relationship with Sam, Jasmine." Tumigil ang sasakyan. Nasa bahay na kami. Lumingon sa akin si Kuya at bakas ang galit sa mata niya. Nanghina ako.

I know what he meant. I have no right to question his relationship nor give comments about it because for a long time he's been quiet about I and Kein's relationship.

"But you love Ate Mikayla..."

"Loved, Jasmine. I once love her. Hindi na ngayon. I have to keep moving because she's not going to come back."

"But what if she will? Paano kung totoong buhay pa siya?" Pinatay na no Kuya ang makina at for the first time in two years, he showed some emotion, he looked tired and hopeless.

"It's been two years, Jasmine. I've moved on. I'm only doing this for justice. I don't love her anymore." Mariing pumikit ako.

"You've moved on? You don't love her? Tell that to me when you stop going back to the place where she left you. Sabihin mong nakalimutan mo na siya kung nakikita kong hindi ka na miserable." I release a weary sigh. I can't do this anymore. I can't lie, I can't keep secrets anymore. I'm done. "Sabihin mong hindi mo na siya mahal kapag nagkita na kayo. She's alive, Kuya."

Continue Reading

You'll Also Like

Detective senses By Angelica

Mystery / Thriller

16.8K 822 53
Book 2 of my gangster detective. "I the queen shall protect the king. And I as pawn shall protect the lord" New beginning, new mysteries to solve. Ho...
2.6K 446 33
"I fell for you like a star crashing from the sky-bright, breathtaking, and destined to be swallowed by the dark." ...
2.5M 49.4K 53
Sage Madriaga, the owner of the country's leading airline, seems to have everything - looks, wealth, and women. However, he finds these aspects of hi...
Wattpad App - Unlock exclusive features