LOVE WILL LEAD YOU BACK BY: S...

By spark1011

821 2 0

More

LOVE WILL LEAD YOU BACK BY: SPARK
LOVE WILL LEAD YOU BACK BY: SPARK
LOVE WILL LEAD YOU BACK BY: SPARK
LOVE WILL LEAD YOU BACK BY: SPARK
LOVE WILL LEAD YOU BACK BY: SPARK

LOVE WILL LEAD YOU BACK BY: SPARK

144 0 0
By spark1011

CHAPTER 2:

7 YEARS LATER

" M-mooommmy... " malakas na sigaw ng isang batang lalaki habang tumatakbong palapit sa inang abala sa pagluluto.Natatawang lumingon si Rose alam na alam niya ang boses ng anak.Kaya saglit na iniwan muna niya ang ginagawa para salubungin ang anak.

"Be careful honey, madapa ka."aniya ng yumakap ito sa kanya.

"Hmm, im big boy na mommy dont worry.!anito pa na pinupog ng halik ang ina.Pinabayaan lang niya ito." Bango talaga ng mommy ko, amoy bawang at sibuyas." anang bata ng kumalas sa kanya.

"Ah,ganun pala ha..eto saiyo.."aniya na masuyong hinatak ang anak para kilitiin ito.Nauwi tuloy sa matinis na tili ang maririnig.Nangingiti nalang ang mga kumakain sa eksena na yun.Sanay na kasi sila sa kulitan ng mag-ina.

Naiiling din na pinagmasdan ni Lynne ang mag-ina.Siya ang kasama ng bata sa school nito dahil busy ang ina nito sa dami ng order sa kanilang karinderya na pinangalangan nilang "Miguel's Bakeshop and Eatery" kuha sa pangalan ng bata na Miguel Zedric.Masasabi niyang ang mag-ina ang swerte niya dahil muling nabuhay ang naluluging karinderya ng yumaong na ina.Dinadayo na din ang karinderya nila.Ngayon tumatanggap na din sila ng mga order na cakes o panghanda.At nagpapasalamat siya kay Rose sa galing nito sa pagluluto.Ito na din talaga punong abala sa lahat.Hindi siya biniyayaan ng galing sa kusina kaya katu-katulong nalang siya ng kaibigan.At dahil palago ng palago ang kainan nila kumuha na din sila ng apat na kasama nila.

"Tama na yan,nagiging center of attraction na naman kayo.Kita niyo na kayo na ang pinapanood nila."Natatawang saway niya sa mag-ina.

"Tita Lynne naman eh, Im happy lang naman po, eh."habol hiningang sagot ni Miguel.

"Haha,oo nga naman Lynne,bakit mo ba kinokontra ang pinakamatanda nating kasama dito."natatawang biro ni Rose sa anak,inayos na din niya ang sarili.

"Ay, ewan.. Wala na akong sinabi.." anang dalaga.Miguel sabihin mo na sa Mommy mo ang sorpresa mo."

"Si Tita Lynne talaga,bakit po ninyo sinabi,hindi na sorpresa eh,"kunwariy nakasamingot na sabi ng bata at may dinukot sa bag.

Naiiling na napakamot nalang si Lynne sa sinabi ng bata.Napakabibo talaga nito at parang matanda ng sumagot sa edad na 6 na taon.

"Hahaha..may sorpresa pa talagang nalalaman ang pinakapogi kong anak ah."tumingin siya kay Lynne wariy naghahanap ng clue sa sinasabi ng mga ito.Umiling lang ito bilang sagot.

"Dyarann, Mommy I won a first place po sa contest.And I recieve po ng certificate best in math."proud na proud na ipinakita ng bata sa ina ang hawak."This is my christmas gift to you,I Love you, Mommy."

Hindi mapigilang pangiliran ng luha si Rose ng mga sandaling iyun.Naantig ang pusong ina niya sa sinabi ng anak.Niyakap niya ng mahigpit ang anak."Im so proud with you son and mommy love you so much." aniya at hinalikan sa pisngi ito.

Naantig naman lahat ang damdamin sa mga nakasaksi sa tagpong iyun.Rinig pa niyang suminghap ang mga ito at may ilang nagbulungan na napakaswerte niya sa anak.

"Mommy,I can breath ang higpit po ng yakap ninyo." maya-maya reklamo nito sa ina.

"Im just happy anak,you dont how happy I am."

"Mommy,your happy but your crying."

"Tsss,ang galing talaga ng reasoning mo Miguel.Hindi naman lahat ng umiiyak ay di happy,syempre tears of joy ito anak."

"Haynaku sinabi mo pa,di na nga makapaghintay na matapos ang bigayan ng awardings dahil excited ng umuwi para ipakita saiyo na nanalo siya.Halos hatakin na niya ang sasakyan eh," pagkukwento ni Lynne dahil ito ang sumama sa bata para bantayan sa ginanap na contest ng eskwela nito.

"Kung sana walang mga order sumama din sana ako!" may panghihinayang sa boses na wika ni Rose.Pero masaya siya kahit wala siya doon nakuha ng anak ang pinakamataas na marka.

"Ay,Rose naggasat ka ketdi ta barumon,nakalalaing, ayna umapalnak man,kasta kuma dagita appok ta ayna pirmi benggeg da." (Rose,swerte mo talaga sa anak mo! Napakatalino, naiinggit tuloy ako,ganyan sana ang mga apo ko kaya lang titigas ng ulo) sabad ni Aling Dorya na isa din sa kasalukuyan kumakain doon.Patango tango din ang iba na sumisegunda sa sinabi nito.

"Salamat Manang Dorya, napakaswerte ko po talaga sa anak ko."may pagmamalaking sagot niya dito.

" No kuma gamin sinungbatam jay barok, Rose ay ke nagasat kami kuma met,ta ada manugang mi nga napintas,nasingpet ken nalaing nga agluto." ( Kung sinagot mo na sana yun anak ko Rose, di maswerte din sana kami dahil magkakaroon ako ng manugang na maganda,mabait at masarap magluto ) biro totoo naman ni Mang Isko sa dalagang ina na si Rose.Nanliligaw kasi ang anak nitong si John pero tinapat na niyang wala itong maasahan sa kanya dahil prioridad niya ang anak ngayon.

"Haha si Manong Isko talaga,binida si Johny boy kay Rose gusto mo lang yata makalibre lagi ng luto ni Ate Rose." kantiyaw naman ni Kevin isa itong binatilyo na laging tumatambay sa karinderya.

"hahaha, Ikaw talaga Kevin,Si Manong Isko na naman pinagtripan mo.And speaking po ng libre,, libre po lahat ng pagkain ngayon dito,bilang selebrasyon ng pagkapanalo ng anak kung si Miguel." natatawang anunsiyo ni Rose sa lahat.

"Ayos... Tsibugan na.." hiyaw ng ilan na andoon.

"Agyaman kami Rose,blessing talaga kayong mag-ina dito."pasalamat ng mga ito. Isa isa ng lumapit para kumain.

Masaya na siya sa bagong lugar nilang mag-ina.Nang pinalayas siya ng ama noon dito siya napadpad sa ILocos Norte na siyang lugar nina Lynne.Mababait lahat ang mga kapitbahay niya ng una pala lang siya dito hirap na hirap siya sa kakaintindi ng salitang Ilocano pero ngayon naiintindihan na niya hindi man siya matatas makapagsalita ng ilokano.Nakangiti niyang pinanood ang mga ito habang masayang kumakain.Ang iba patuloy pa din sa hindi maawat na kwentuhan at asaran.May ibang kapitbahay din na pumunta doon ng mabalitaan na libre ang pagkain.Tapos na din niya ang pagluluto kaya umupo siya sa isang mesa.

"Mommy, Im hungry na.." tinig ng anak mula sa kanyang likuran.Kumandong pa ito sa kanya. Pinagmasdan niya ang anak carbon copy ito ng ama nitong si Jayden.Ang malaporselana at mapupungay lang na mata niya ang namana nito sa kanya.Anak na tanging lakas niya para ipagpatuloy ang mabuhay sa kabila ng sunod sunod na bagyong dumating sa buhay niya. Kumusta na kaya si Jayden naisip niya.Ipinilig niya ng bahagya ang ulo para alisin ang tanung na nagbabadya na naman umusbong sa utak niya.Dahil iisa lang naman ang sagot doon masaya na ito sa piling ni Kate.

"hmm, ano ang gusto mong kainin anak!" masuyo niyang tanong sa bata.

"Akala ko ba you prepare my favorite food,sabi kasi ni Tita Lynne eh!"malambing nitong sagot di parin umalis sa pagkakayapos sa kanya.Ito ang pinakagusto niya sa anak kahit malaki na eto malambing parin.

Husto naman lumapit si Lynne sa kinaroroonan nilang mag-ina.

"Ay baby Miguel hindi pala nagluto mommy ng paborito mung fried chicken eh.Order nalang tayo sa labas."biro ni Lynne sa bata sabay kindat.

"Hmmp,Tita naman eh,mas gusto ko luto ni mommy!" nakabusangot na sabi nito.

"Ayaw mo ba sa MCdo o Jollibbe,mas masarap doon." patuloy na panloloko ni Lynne.

"Tita... tara na po.." mabilis na sagot ng bata na tumayo agad.

"Hahaha.. Sabi na nga eh, Akala ko ba mas masarap ang luto ng mommy mo."

"Hmm, minsan lang naman po eh,saka libre naman po ninyo baka mapagod pa kasi si Mommy ko."bibong sagot ni Miguel.

Kanina kasi habang pauwi na sila ng bata tinawagan niya si Rose na kakain sila sa labas.Alam niya nagtaka ito dahil nagluluto naman ang kaibigan.Tinanong din nito kanina kung kumusta ang contest at sinabi niyang hindi nakapasok si Miguel.

"Haisst kayo talagang dalawa,naku talagang ipagpapalit pa ang luto ko."nakangiting sabi Rose habang walang tigil sa kulitan ang anak at ang kaibigan.

"Baby, anong gusto mong regalo sa christmas anak." naalala niyang itanong dito.Nakangiti ito lumapit sa kanya at bumulong pero rinig naman nila dahil sa lakas ng pagkakasabi.

"Secret mommy, sasabihin ko sa iyo bukas."humagikgik pa ito ng matapos.

"Ha!ha!ha!..Ay pilyong bata, bumulong pa ng secret rinig na rinig naman." ani Lynne.

"Kinabahan tuloy ako sa secret na yan anak, pero sige na sabihin mo agad para mapaghandaan ko."Nakangiwing sabi ni Rose.

"Nga pala Rose may Christmas party ag nanak mo sa susunod na biyernes,paparangalan din daw sila dahil karamihan sa school nila nanalo.And siyempre ang pinakapogi kung inaanak kasali din."imporma ni Lynne.

"Yup mommy and I want you to be there para magsabit ng medal ko." pagbibida ni Miguel sa ina.

"Siyempre anak, I wont miss that kasi proud mommy mo ako."

"Ay,nang-inggit ba,Sige bihis na para makalarga na tayo,bibilinan ko lang sina Manang Jernalyn na isarado tong kainan pag tapos ng kumain ang mga kapitbahay."

"Opo Manang Lynne,sige na anak sama ka muna sa Tita ninang mo,bihis lang ako ha," aniya sa anak.

"Opo mommy.."hinawakan nito ang kamay ng ninang saka masayang pumunta sa kusina.

Lumipas pa ang mga araw hanggang sa sumapit ang christmas party sa pribadong school ng anak.Iyun na din ang huling araw ng pagpasok at bakasyon na ang sunod.Dahil espesyal ang araw na iyon napagpasyahan nila na hindi muna magtitinda ngayon bagkos maghahanda sila at magkakaroon din ng xmas party sa karenderya.Madaling araw palang lahat punong abala ilan din sa mga kapitbahay nila ay tumulong.Kaya maaga nilang natapos ang lahat. Punong puno na din ng regalo ang ilalim ng ginawa nilang xmas tree.Pinauwi muna niya ang iba at naiwan ang ilan para magbantay.Dahil aalis sila para pumunta ng paaralan.

Masayang masaya si Rose ng tawagin ang anak sa stage para gawaran ng karangalan.At proud na proud siya na umakyat.Hanggang sa matapos ang programa at palaro,nagsibalikan na lahat sa kani kanilang classroom dahil may inihanda din ang bawat parents ng pagsasaluhan siyempre hindi mawawala ang exchange gift ng mga ito.

Masaya ang bawat isa na nagpaalaman pero bago sila umalis lumapit si Miguel at binigay sa guro nito ang ibinalot nitong regalo.Nagpasalamat naman ito sa bata pati sa kanya.

Nagkakasayahan na ang lahat ng pumunta sa kanilang munting xmas party.Lahat imbitado kaya parang Fiesta ang kinalabasan nito.Sa isang tabi mag nagvi-video oke.Ang mga bata naglalaro sa isang tabi.Si Lynne inaasikaso ang mga bisita at siya naman pinapaayos na ang mga pagkain sa isang malaking lamesa.May ginanap din kasi silang munting palaro kanina ,bata matanda game na game.

"Ate Rose, aginana ka met dita."(Ate Rose ,pahinga ka din muna diyan) sabi ni Ana na pumasok din sa kusina may dala dala itong baso.

"Oo,tapusin ko lang eto." di lumilingon na sagot niya.Abala kasi siya sa paglagay ng malaking cake na binake niya kagabi.Patapos na siya ng pagbungad ng anak.Pawisan na ito.

"Dahan-dahan, baby.."sansala niya sa pagtakbo nito.

"Woow, ang ganda mommy."buong paghangang sabi ng bata ng makita ang cake.Lumapit ito at humalik sa pisngi niya.Hinihingal pa din ito.

"Para sa anak ko."Teka lang kukuha lang ang ng damit mo,Kita mo na pawis na pawis ka."aniya sa tunong nanenermon.Kinuha niya ang bag na laging dala upang kumuha ng pampalit nito.Pansin niya bigla yatang tumahimik ang anak kaya tiningnan niya ito.

"Baby,anong nangyayari saiyo,teka may masakit ba saiyo!" buong pag-aalalang agad na dinaluhan ang anak,Namumutla na ito at nanginginig.

"Diosko,anong anak,teka lang.."

"M-mommy,I can't breath.."anas ng anak habang sapu ang dibdib.Saka tuluyan na itong nahimatay.

"B-baby please,please hang on,dadalhin kita sa Hospital."umiiyak na niyang sabi.

"Lynnnnnneeee.....Lynnnnee...tulongggg...tulong.... "malakas na niyang sigaw.

"Anak please speak to mommy..please.." umiiyak na niyang paggising sa anak.Kahit mabigat pilit niyang binuhat ito.Nagkagulo na din ang lahat na pumasok sa kinaroroonan niya ng marinig ang malakas na sigaw niya.

"Bakit.." humahangos na tanong ni Lynne.

"Lynne si Miguel hinimatay di daw makahinga."

"Anung nangyari.."tanong naman ng kadadating na si John."Nang makitang buhat buhat niya ang anak,agad nitong kinuha sa kanya.

"Madali dapat madala na natin sa hospital" anito. May nakaparadang sasakyan doon,agad naman pumasok ang may-ari para magmaneho.

"Diosko,bakit ngayon pa.."bulong ng mga andoon."Sana ayos lang si Miggy."wika ng isa.."Magdasal nalang tayo na sana magiging maayos din ang lahat."ani Aling Serafia.

"Mabuti pa nga."segunda ng mga ito.

"Mauna na kayo sa ospital,kukuha lang ako ng gamit ninyong mag-ina,susunod din ako."buong pag-aalalang sabi ni Lynne sa umiiyak na si Rose habang kalong kalong ang anak.Nakita niyang tumango ito.Saka umalis na ang sasakyan. 

Kanina pabalik balik ng lakad si Rose sa labas ng emergency room.Nang mapagod parang nauupos na umupo siya at tahimik na lumuluha.Halos magdadalawang oras na sila dito pero di parin lumalabas ang Doctor na tumingin sa anak.Nakita din niya na tahimik din siyang pinagmamasdan ni Lynne at Johnny.Kapwa nag-aalala din sa napamahal ng bata sa kanila.

"Diosko,tulungan po ninyo ang anak ko,parang awa na ninyo Iligtas po niyo ang anak ko.."umiiyak niyang dasal.Lumapit sa kanya si Lynne na pilit na inaalo siya.

"Rose, My awa ang Diyos hindi niya pababayaan si Miguel.

"Lynne,ikamamatay ko pagnawala ang anak ko,siya nalang ang tanging bumubuhay at nagbibigay ng pag-asa sakin." aniya.

"Ssshhh, alam ko,manalig tayo.Lakasan mo ang loob mo." anito

Maya-maya pay nakita nila ang paglabas ng

Doctor na nakasurgical mask mula sa loob ng kuwarto kaya dali dali siyang lumapit dito.

"Doc,kumusta ang anak ko.."agad niyang tanong dito.

"Mrs. Chadrick, we have a problem,masyadong mahina ang pintig ng puso ng anak mo.And sad to say na may butas ang puso niya.Nahihirapan itong magpump ng normal."Malungkot na sabi ng doctor.

"Diosko,hindi maaari,napakabata pa niya para magkaroon ng ganyang sakit."napatutop sa bibig na sabi ni Rose na haos maghesterical na sa nalaman na kalagayan ng anak." Kaya pilit na inakay ni Lynne ang kaibigan para makaupo.

"Dok, ano pong kailangan namin gawin,"pilit na nagpapakahinahon na tanong ni Lynne.

"I suggest dalhin natin siya sa Maynila, Mas hi-tech ang mga gamit nila doon kaysa dito."anang Doctor.

"What do you mean by that Doc,"tanong ni Rose.

"Kung papahintulan po ninyo sa lalong madaling panahon kailangan natin siya paoperahan.Mag uundergo muna ang anak niyo ng ilang series of test bago isagawa ang procedure. May kaibigan akong Doctor sa manila na specialista sa puso.Baka mapakiusapan ko pa siya ng bigyan kayo ng malaking discount sa operasyon."

"Ano ba talaga ang sakit ng anak ko Dok,"umiiyak pa din na tanong ni Rose habag na habag siya sa kalagayan ng anak.

"Mrs, as I've said may butas po ang puso niya at ito ay tinatawag na Congenital Heart defects, at dahil lumalaki po ang butas kailangan po natin siyang agapan.Masyadong ,malakas na ang murmur ng puso niya at nagleleak ang dugo sa butas kaya hirap itong magcircurculate ng maayos.Nagconduct na po ako ng Echocardiogram para mamonitor ang flow ng dugo."Muling paliwanag ng mabait na Doctor sa tumatangis na ina.

"Sige po Dok, kayo po ang bahala basta malunasan agad ang sakit ng bata."si Lynne na ang sumagot dito."Dr.Ferrer, kailan po ba siya dadalhin ng manila?

"Sa lalong madaling panahon kahit ngayon na din,ipapaayos ko na ang lahat ng test na ginawa ko para maibigay ko ito sa Doctor na titingin sa kanya doon.Anyway Misis sasama din ako sa inyo para masiguro natin na maging maayos ang kalagayan nito habang nasa biyahe.Just prepare nalang po baka mga 10 pm maaari na tayong lumuwas." Gaya ng lagi kung sinasabi sa lahat ng naging pasyente ko Just pray walang impossible sa panginoon.Ipapalipat ko na muna siya sa ICU pwede ninyo siyang tingnan pero isa isa lang dahil critical pa ang kalagayan niya."anito saka nagpaalam na din.

"Umuwi ka kaya muna Rose para makapagpalit ka at makuha mo ang dapat mong kunin sa bahay.Ako na muna ang magbabantay kay Miguel andiyan naman si John para ipagmaneho ka." suhestiyon ni Lynne sa kaibigan.

"Ayoko Lynne, ayokong iwan ang anak ko,Na kahit isang minuto lang mawalay siya sa paningin ko feeling ko mawawala siya bigla."paos na sagot niya

"Sige, ako na lang kung ganun.Basta tatagan mo lang lagi ang loob mo.Sasaglit lang ako para kumuha ng kakailanganin natin sa Manila at ihahabilin ko din ang karinderya sa maiiwan.

"Salamat Lynne,salamat John di ko alam ang gagawin ko kung sakaling wala kayo."

"Walang anuman Rose,masaya akong nakakatulong" sagot ni John tinapik pa siya sa balikat.

"Ano ka ba! Sino ba ang magtutulungan kundi tayo."ani Lynne.Bago umalis si ang kaibigan binilinan niya ito kung ano ang dapat niyang kunin na gamit niya.

Continue Reading

You'll Also Like

545K 11.7K 65
She loved him quietly. He broke her completely. When Melody disappears from his life, the ruthless billionaire who once ignored her realizes too late...
864K 57.4K 45
Vien, the boy who broke Mara's heart in the cruelest way, returns as a man, now a fugitive hiding in her condo, relying on her mercy to survive. Mayb...
4.8M 194K 59
AUDITION GONE WRONG! Macey Ela Sandoval aspires to be a singer. Instead, she ends up in The Search for 7 Wives- a harem reality game, designed by the...
Wattpad App - Unlock exclusive features