Under A Rest | ☁️

By blueth_24

475 36 6

Police Officer Crunos Mendez and Dr. Meisha Londres Get arrested by Uno who's willing to take all the bullets... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
A/N

Chapter 13

3 0 0
By blueth_24

Mabilis na lumipas ang araw matapos ang pasko. Balik ako sa dati kong routine sa gasolinahan, ilang araw na din kaming hindi nagkikita ni Uno. Nagtext siya sa akin noong nakaraan na susunod daw siya sa magulang niya sa bahay ng Lolo niya at doon daw magsasalubong ng taon.

Reunion na din daw nila iyon ng buong angkan ng Daddy niya. Hindi ko naman iyon tinanong sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit sinabi niya iyon.

Araw araw din siya nagtitext pero hindi ko naman nirereplyan dahil hindi naman ako nagpapaload.

"Good evening sir" bati ko sa isang customer na naka motor.

Nagulat ako ng makita si Erickson, hindi ko siya namukhaan. Nakilala ko lang siya ng tinanggal niya ang helmet niya.

"Hi! Premium, full tank" tumango ako sa kaniya at nagsimulang lagyan ang motor niya.

"Kumusta kayo ni Uno?" nagulat pa ako dahil kinausap niya ako.

"Ayos naman"

"Alam mo bang nasa Laguna siya?" tanong niya pa sa akin.

"Ah oo. Nabanggit niya sa akin" napatingin ako sa kaniya ng marinig ko ang singhal Niya.

"Buti pa sayo nagpaalam siya, kanina ko lang nalaman kung di pa ako pumunta sa kanila. Hayss grabe talaga" napakamot siya sa batok ng makitang nakatingin ako sa kaniya. Nginitian ko na lang siya at kinuha ang bayad mula sa kaniya.

Kumuha ako ng sukli para sa kaniya, at iniabot iyon sa kaniya.

"Sinagot mo na ba si Uno?" nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Imbis na tanggapin ang sukli ay itinanong niya iyon.

" Hindi naman siya nanliligaw. Magkaibigan lang kami" naguguluhan kong sagot sa kaniya.

"Ha? Pero ang sabi niya ay ..." napatingin pa siya sa kwintas na suot ko.

"Baka ibang babae ang tinutukoy mo", pagputol ka sa sasabihin niya, dahil ayaw kong magkaroon ng malisya ang pagkakaibigan namin ni Uno.

"Pero, ikaw lang ang palagi niyang kasama bukod sa amin"

"Hindi siya nanliligaw"

"Ah.. baka hindi pa. Sige mauna na ako, keep the change" kumindat pa siya bago pinaandar paalis ang kaniyang motor.

"Magkaibigan nga sila" bulong ko sa sarili ko. Parehas silang weird, dahilan siguro kung bakit sila magkasundo. Ang alam ko ay itong si Erickson ang pinaka kasundo niya pagdating sa kalokohan, dahil kahit si Kylo ang pinaka malapit sa kaniya, e hindi naman tugma ang kakulitan nila.

"Meisha" naputol ang pag iisip ko ng tawagin ako ng manager ko.

"Po?"

"Umuwi ka na, ako ng bahala dito" nakangiti niyang sabi sa akin.

"Pero wala pa po-"

"Ayos lang. Baka gabihin kang masyado"

Mabuti na lamang at mabait ang manager ko at pinauwi ako ng maaga kahit wala pa ang kapalitan ko. May oras pa ako para dumaan sa palengke. Inuunti unti ko na kasi ang pagbili ng media Noche namin.

Pagkauwi ko ay nagtaka ako kung bakit may mga bagahe sa sala namin.

"Anak!" nagulat ako ng marinig ang boses ni mama.

"Mama" tumakbo ako palapit sa kaniya para yakapin siya.

Hindi ko alam na uuwi siya ngayon. Hindi manlang siya nagsabi.

"Mabuti naman nakauwi ka ng ligtas"

"Bakit hindi ka ma nagsabi na uuwi ka?" tanong ko sa kaniya.

"Biglaan din kasi anak. Kumain na tayo, nagluto ako"

Namiss ko iyong may mag aakit sa akin kumain dahil nakapag luto na siya para sa amin.Naging masaya ang hapunan namin dahil doon.

Isang araw bago ang bagong taon ay namili kami ni mama ng mga prutas. Hindi na din ako pinapasok ng manager namin dahil bagong taon naman daw. Mabuti na din iyon para mas makasama ko pa si mama, aalis din kasi siya sa Jan. 3.

"May boyfriend ka na ba anak?" tanong ni mama habang naghihiwa ako ng sibuyas at siya naman ay nagpipirito ng manok.

"Wala pa ma, wala pa iyon sa plano ko"

"E sino iyong sinasabi ni Mon?"

"Si Uno? Kaibigan ko lang po iyon"

Hindi na ako nahirapan tukuyin kung sino ang sinasabi niya dahil si Uno lang naman ang lalakeng malapit sa akin maliban sa kapatid at sa papa ko.

"Totoo ba iyan?" naniningkit pa ang matang tanong niya.

"Kailan po ba ako nagsinungaling sa inyo?"

"Biro lang anak"

Natapos kaming maghanda at masaya naming sinalubong ang bagong taon. Nagpasabog pa ng barya si mama na talagang inipon niya sa loob ng isang taon. Nakasanayan na kasi namin iyon.

Nagpalitan din kami ng handa ng mga kapitbahay namin. Napakaingay at buhay na buhay ang lugar namin. Mayroong nag bubusina, nagpapatunog gamit ang mga yero at iba pang naglilikha ng ingay. Napakasaya.

Kinaumagahan ay nagsimba kaming mag anak. Simple lang, pero napakasaya.

Totoo ngang kapag masaya ka ay mabilis na lilipas ang oras. Dahil ngayon ay paalis nanaman si mama para bumalik sa trabaho.

Nakakalungkot dahil ako nanaman ang gagawa ng lahat sa bahay, ako nanaman ang maiiwan para mag asikaso dito. Pero ayos lang iyon, dahil naiintindihan ko ang sitwasyon namin.

Alam kong matagal nanaman bago maulit ito, at iyon ang masakit. Pero, ayos lang, ang mahalaga ay magkasama sama kami kahit saglit.

Isang araw bago ang pasukan ay nagawa ko pang pumasok sa trabaho.

Gumising ako ng maaga dahil balik eskwela nanaman. Ginawa ko ang nakasanayan kong gawi bago pumasok sa school.

"Good morning ma'am. Happy new year Po" bati ko Kay ma'am Rina pagpasok ko sa office niya.

"Happy new year Meisha" nagulat pa ako ng may iniabot siya sa akin na paper bag.

"Para saan po ito"

"It's my gift for you. For your excellent work. Please accept it"  ngumiti siya sa akin kasabay ng pagtanggap ko sa regalo niya.

"Salamat po"

Pagkatapos ng gawain ko bilang student assistant ay dumiretso ako sa room namin.

Walang masyadong nangyari sa maghapon ko, at nakakapanibago dahil walang Uno na nangungulit sa akin. Hindi din siya nagtext kung nakauwi na siya.

Ang huling text niya ay noong bagong taon, tumawag pa siya para batiin ako. Pero pagkatapos noon ay wala na.

Nag aalala ako dahil hindi naman ako sanay ng ganoon siya, kaya naman napag pasyahan kong dumaan sa room nila mamayang uwian, iaabot ko na din ang regalo ko kay Hershel at Kylo.

Nang matapos ang klase ay dumiretso ako sa classroom nila. Saktong uwian na din sila, inintay ko munang makaalis ang ilan sa kanila bago ako sumilip sa pinto.

Nakita ko ang mga kaibigan niya, inilibot ko ang paningin ko pero hindi ko siya makita. Mukhang hindi siya pumasok dahil narinig kong pinag uusapan siya ng mga kaibigan niya, maging sila ay hindi alam kung bakit hindi ito pumasok.

Napatingin sa akin si Kylo kaya naman lahat sila ay sinundan ang tingin niya. Ngumiti ako sa kanila bilang pag bati.

Agad na lumapit sa akin si Hershel, at niyakap ako.

"Happy New year Mei. Have you received my gift?"

"Ah oo. Naibigay sa akin ni Uno. Salamat"

"Speaking of, are you looking for him?"

"Ah oo"

"Hindi siya pumasok" si Avril iyon nakalapit na din pala siya sa amin.

"Ah. Ganun ba?*

"Alam mo ba kung bakit?"

Umiling ako sa kanila, iniabot ko na ang regalo ko kay Hershel at nagpaalam na kaagad sa kanila.

Dumiretso ako sa trabaho ko at hindi natanggal sa isip ko kung bakit wala pa si Uno.

Kaya naman kahit naglalakad na ako pauwi ay iniisip ko pa din iyon. Siguro ay masyado siyang nag enjoy sa bakasyon. Tama. Pero bakit hindi manlang siya nag text?

Napahinto ako sa paglalakad ng may mapansing nakatayo sa kanto malapit sa amin. Napakunot ang noo ko ng makilala ko iyon.

Lumapit ako sa kaniya para masiguro. Nakayuko siya at nakasuot ng hooded jacket. Pero nakilala ko pa din siya.

"Uno?"

~💙

Continue Reading

You'll Also Like

314K 22.8K 27
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...
169K 7.9K 31
Hooked onto drugs, no family, no guidance or sanity until she met HIM. Cover Creds: @Triceynexttdoor ❀️ -BLICKY.
246K 37.7K 109
Maran and Maya, two independent individuals hate each other out of their family background but destiny has some other plans by bringing them together...
1.6M 66.4K 190
Original author: Signing At The Moon Original publisher: flying lines Original Translator: Guy Gone Bad 🚫Complete translation 🚫 🚫 Offline and free...