Astrid Monteverde (Bitch Seri...

By mis_shyghurl

1.1M 35.3K 5.5K

GirlxGirl - COMPLETED Quietly transferring to a new school like a little Ms. Nobody is my only dream-to be a... More

NOTICE
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
EPILOGUE
NEXT IN LINE | SOON
SPECIAL CHAPTER I
SPECIAL CHAPTER II
SPECIAL CHAPTER III

CHAPTER 22

16.4K 584 80
By mis_shyghurl

LORRAINE

ONE WEEK had passed at hanggang ngayon ay sariwa parin sa isipan ko ang pinag-usapan namin nila Jamie nung araw na yun. Simula nun parang mayroong nagbago.

Yung dating Jamie na minsan ngumiti, laging seryoso, makikipag-biruan minsan kausap ay bigla nalang naglaho. Kung ganyan siya dati ay baliktad naman ngayon. Malamig na siyang makitungo sa tao, at minsan pa ay mahuhuli mo nalang siyang nakatulala sa kawalan.

Minsan nga naisip ko. Bakit ganun? Kung tutuosin ay mas nakita ko pa kay Jamie na seryoso siya kay Miss Athena. Makikita mo kasi sa kanya na sa tuwing titignan niya yung taong nagustuhan niya sa malayo ay may halong pagmamahal talaga. Minsan nga rin nahuli ko siya na natutulog lang sa class.

Palaging puyat at ang laki ng eyebugs. Palagi nga siyang pinapagalitan ng teacher namin, pero kahit si ma'am ay hindi siya makausap dahil minsan kung sasagot siya ng pabalang sa mga guro ay minsan naman ay tititigan niya lang ito na parang isang pader.

Yup. Ganyan po ang nangyari sa kanya sa nagdaang isang linggo pagkatapos niyang mag confess sa amin ni Nicole at Annicka.

Tinanong ko nga si Nicole kung may alam ba siya dito pero ang sabi niya lang ay wala daw at pero nung fieldtrip mismo nakita niya daw na nagka-usap si Miss Athena nun at Jamie pero para daw kasing nag-aaway silang dalawa. Hindi naman niya kasi nasabi agad lalo na't invading privacy na daw yun. Tama rin naman siya.

"Hey!"

Napalingon naman ako sa tumawag na parang bumubugaw lang ng kalabaw. Hey, kasi yun diba? Tumawa kayo guys, jowk yun xD. Pero mabalik tayo kay ate, pero teka bakit parang nakita ko na siya? Tinignan ko naman ang kabuohan niya mula ulo hanggang paa. I tap my forefinger to my chin at inisip kung kailan ko nga ba siya nakita.

Long, wavy hair, red na kuko na parang dugo. Mapupulang labi na parang bampira. Mataas na kilay na pantay at laging may—ano ba tawag dun sa lapis ba. Yun yata ahh basta. Pilik mata na kay haba. Makinis at maputi na mukha at-teka naalala ko na siya. Nanlaki naman ang mata ko nang makilala ko siya. Siya yun, siya yung maarte na pinsan ni Jamie nung first day. Sino nga yung pangalan niya? Sittie? Sabel? Sta--ahh, Stacey pala.

"Kilala kita!" Nabigla naman siya sa pagsigaw ko at ngayon ko lang napansin na pinagtitinginan na pala kami ng kaklase ko. Sumama naman ang tingin ng ilan sa akin habang yung iba ay natatawa lang.

Napatampal naman ako sa bibig ko. Nakakahiya ka talaga Raine yang bunganga mo aish!

"You didn't recognise me, did you?" Ehh?Hanggang ngayon ba naman English parin? Hanep talaga to sa kaartehan, tsk.

"Sorry, pero ngayon lang kasi kita naalala na classmates pala tayong dalawa." Medyo nahihiya kong sabi sa kanya.

Napatawa naman siya na ikinataka ko saka umopo patabi sa akin. Inilahad naman niya ang kamay niya tsaka maarte na nagpakilala.

"Stacey Manzano, cousin of Jamie. And you are Lorraine Dela Cruz, right?" Hala?! Kilala niya ako tapos ako di siya kilala? Gosh nakakahiya ka talaga Raine kahit kailan. Napatampal naman ako sa noo ko bago tumingin sa kanya.

"Nice to finally meet you in these, Lorraine." May ganun? Binitawan ko naman ang kamay niya at lumingon sa harap. Paano ba naman kasi titig na titig siya sa akin at nakakailang hmpf!

"So, may tanong sana ako sa'yo about my cousin." Napatingin naman ako sa kanya na nagtataka.

"Ano po yun?" Napataas naman ang kilay niyang parang nike sa akin. Natampal ko naman ang bunganga ko sa sinabi ko na ngayon ko lang narealize.

"Ehem so ayun nga. Did you know what happened to her? I mean, napapansin ko kasi siya lately na tulala at madalas na natutulog sa class. She's not like that at ngayon diko maiwasang mag-alala sa kanya kahit pa hindi kami masyadong close niyan." So, napansin niya rin pala? Pero sabagay sino nga ba ang hindi makakapansin dun diba? Halos mag-iisang linggo na nga eh.

"Ewan ko hindi ko kasi alam pero kung gusto mo ikaw nalang ang magtanong sa kanya ng personal." Sabi ko nalang. Aaminin ko na nakapag sinungaling nanaman ako, pero anong magagawa ko? Alangan naman sabihin ko sa kanya na 'alam mo ba na si Jamie na pinsan mo ay may gusto sa isa sa mga bitch dito sa Brixton High University.

Ayaw ko nga. Baka sabihan ako na chismakers hmpf.

Kaya no no no ako. Sorry, Stacey, na pinsan ni Jamie. Saad ko pa sa isip ko. Tumingin naman ako sa kanya nang mapansin ko na tumayo ito.

"I understand. Anyways, una na ako thanks sa short time, Raine," she said, then smiled at me at sumama na sa mga kaibigan niya na naghintay sa labas. Napabuntong hininga naman ako at hindi maiwasang mapangiti.

Akala ko kasi maldita siya. Yun, kasi ang unang impression ko sa kanya. Well, may kasabihan naman kasi na 'Don't judge the book by its cover.'

Suddenly, napalingon naman ako sa harap na upoan kung saan naka opo si Jamie. Magmula kasi kahapon ay di na siya pumasok pa. Nag-alala na nga kami nila Nicole, ehh, pero sabi niya naman daw ay baka nasa bahay lang nila or kaya lumiban muna para, you know, maka recover sa pangyayari o makapag move-on.

Shocks! Maypa move-on samantalang hindi naman jowa.

"Pssst.."

Nagtaka naman ako na parang may sumitsit na parang ahas. Lumingon naman ako sa paligid ko at baka sakaling isa sa mga kaklase ko. Uso ba naman sa mga ito ang prank malay niyo diba?

"Pssst Nerdy!"

Teka parang boses ni mangkukulam yun, ahh. Asa'n ba yun? "Nerdy Here!" And this time ay lumakas na po talaga ang boses niya at dun ko lang siya nakita sa labas kung saan ako naka opo na kumaway-kaway sa akin na parang tumatakbong kandidato.

Sinenyasan niya naman ako na lumapit, kaya lumabas muna ako ng classroom namin at nagpunta sa gawi ng mahal na prinsesa. Hindi paman ako tuloyang nakalapit ay hinila na niya ako sabay yakap ng mahigpit at sambit sa mga salitang nagpabilis lalo ng tibok sa puso ko.

"I miss you, baby..."

Huh? Ano daw yun? May sinabi kasi siya sa huli na diko narinig. Kumalas naman ako sa kanya ng yakap pagkatapos ng ilang sandali.

"Anong sabi mo?" Kunot noo kong tanong. Ngumiti naman siya sa akin bago ako hinawakan sa kamay.

"I said I miss you. Ikaw? You didn't miss me too?" At ngumuso na parang bata. Hoy! Bakit ang cute niya dun? Huhu. Nginitian ko naman siya bago nagsalita.

"Siyempre hindi..." Pabitin kong sabi na ikinasimangot niya lalo. Pero siyempre joke lang hehe ang cute cute niya.

"Sabi ko siyempre hindi pwedeng hindi kita mamiss madam baby." Sukat doon ay napa smile naman siya na hanggang gilagid hehe. Hanggang mata pala, haha.

"Talaga? Totoo? You miss me?" She childishly said, Habang ako naman ay ngumiti lang na tumatango sa kanya.

Minsan talaga lumabas ang pagiging isip bata ng hindi niya namamalayan niya lalo na't ako ang lagi niyang kasama. Araw-araw ba naman kayong magkikita sa kadahilanang ako nga ang tutor niya diba?

Nilingon ko naman siya na bumuntong hininga. "I know what happened." Bumuntong hininga naman ako saka nag-iwas ng tingin.

"Sinabi niya sa iyo?" Naramdaman ko naman itong tumango at pinaglaruan ang daliri ko.

"Yep, and she cried harder, nung nag confess siya sa amin." Nagulat ko naman siyang nilingon habang may panlalaki ang mata.

"Totoo?P-pero bakit naman siya iiyak?Diba siya nga nag reject kay Jam--!" Pinutol niya naman ang sinabi ko at agad na sumabat.

"She cried because she felt the same way as your friend, nerdy." Kung may ilalaki pa ang mata ko sa kanina ay mas lalo naman to ngayon.

Napatakip naman ako sa bibig ko at di maiwasang mapaisip. Kung ganun-bakit sila hindi pwede? Diba dapat hanggang ngayon ay sila na? The feeling is mutual, nga diba?

"I know what you're thinking." Lumingon naman ako sa kanya nang magsalita siya.

"I know they are mutual feelings, but Athena has a boyfriend already, or fiancè, to be exact." Ano?At sa ikalawang pagkakataon ay napatakip na naman ako sa bibig ko.

What the heck?! Hindi ko yata makayanan ang mga rebelasyon ngayon gosh. Oa na kung oa, pero kung kayo ba naman. Pero teka, so sinabi lang yun ni Athena na? Hinarap ko naman ang katabi ko at nagsalita.

"So, sinabi lang ni Athena yun para layuan siya ni Jamie ganun ba?" Tumango-tangu naman siya saka ako hinila at sumandal sa balikat ko.

"Yup, para hindi na masaktan pa si Francisco at huwag nang umasa pa sa kaibigan ko dahil simula't sapol ay hindi talaga sila pwede." Mahabang sabi niya.

Sa narinig ko ay hindi ko naman maiwasang masaktan kay Jamie. Paano nalang kaya pag nalaman niya to? Hays. Kawawa naman ang kaibigan ko.

Napalingon naman ako kay Mangkukulam at napaisip. Paano kaya kung umamin ako sa kanya? May magbabago, kaya? Matatanggap niya ba ako? Mga tanong ko sa isip ko at iniwas sa kanya ang tingin saka tumingin sa maaliwalas na kalangitan.

Hanggang kailan ko titiisin ang kakaibang nararamdaman kong ito kay mangkukulam?

Continue Reading

You'll Also Like

248K 6.9K 32
"Time passes by as we drift, but strings seems to find ways for me to go back to you." Freen, a rich CEO had to face her ex-bestfriend in college Bec...
Riptide By V

Teen Fiction

320K 8.2K 116
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
16.9M 652K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
799K 70.1K 37
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...