Under A Rest | ☁️

By blueth_24

475 36 6

Police Officer Crunos Mendez and Dr. Meisha Londres Get arrested by Uno who's willing to take all the bullets... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
A/N

Chapter 12

5 0 0
By blueth_24

"Ang kapal Ng mukha mo" hinampas ko siya sa braso at umiwas ng tingin dahil hindi ako komportable sa ganoong usapan. Lalo na at hindi naman totoo.

"Para namang lugi ka pa"

"Talaga!"

"Ang sama talaga ng ugali" pabulong niyang sinabi iyon pero narinig ko pa rin.

Humiga siya sa blanket habang ako naman ay nakaupo habang nakasandal sa puno.

"Kapag nagpulis ka, ganito ka pa din ba?"

"Anong ibig mong sabihin?" mukhang naguluhan siya sa sinabi ko.

"Ganito ka pa din ba kabait?" paglilinaw ko sa tanong ko.

Natawa siya ng mahina, na parang may mali sa sinabi ko.

"Hindi naman ako mabait, my personality depends on how someone treats me or the people who are close to me"

Tumango ako sa sinabi niya.

"Alam mo Mei, galit na galit ako sa masasamang tao, dahil sa kanila madaming buhay ang nasisira" ramdam ko ang pagiging seryoso sa boses niya.

"Kaya ba gusto mong magpulis?" tumango siya sa akin ng nakangiti.

"At first, it's because of my Grandfather who is a Police also, pero, noong nakita ko kung gaano kasama ang mga tao, noong nakita ko kung paanong nasaktan si Avril dahil sa kanila, kung paanong nababaluktot ng mayayaman ang hustisya, pinangako kong magiging isa ako sa mga pulis na mananatiling matuwid"

Hindi ko alam kung anong nangyari kay Avril, pero hindi ko na itinanong ang tungkol doon. Pero kung isa si Avril sa dahilan kung bakit gusto niyang magpulis, ibigsabihin nun hindi talaga maganda ang nangyari, at ganoon kahalaga sa kaniya ang mga kaibigan niya.

"Sigurado akong magiging magaling at mabuting pulis ka Crunos"

Napasinghal siya dahil tinawag ko siya sa buong pangalan niya. Natawa ako sa reaksyon niya, hindi naman ganoon kabantot ang pangalan niya ah.

"Kapag dumating ang araw na nasugatan ako, doon ako magpapagamot sa Hospital Kung saan ka nagtatrabaho" ngiting ngiti niyang sabi na para bang pangarap niyang mabaril at magamot ko.

"Pangarap mo din bang magamot ko?" pagbibiro ko sa kaniya.

"Oo naman. Pangarap kong gamutin ng isa sa pinaka magaling na doktor"

Napangiti naman ako ng mapait, hindi ko pa nga sigurado kung magiging doktor ako. Mukhang napansin niya naman yun, kaya bumangon siya mula sa pagkakahiga.

"Hindi pa nga sigurado kung magiging doktor ako"

"Kung ikaw hindi sigurado, ako sigurado na. Magiging doktor ka, magtiwala ka lang" pagpapagaan niya Ng loob ko na may kasama pang panggugulo ng buhok.

Tiningnan ko siya ng masama pero tinawanan niya lang ako.

"Nakakainis ka naman e" reklamo ko habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay.

"Basta, nandito lang ako palagi" napangiti ako sa sinabi niya.

"Salamat"

Natahimik kami pag katapos noon, pero Maya maya lang ay nagsalita ulit siya.

"Bakit ayaw mo pa mag boyfriend?" nagulat pa ako ng iyon ang tinanong niya.

"Dahil madami pa akong responsibilidad at saka, para namang may magkakagusto sa akin." iyon naman talaga ang dahilan ko, saka isa pa ay walang nagbabalak.

"Ang baba naman ng tingin mo sa sarili mo" napatingin ako kay Uno, na nakatingin na pala sa akin.

"Hindi naman sa ganun, wala ngang gustong maging kaibigan ako, girlfriend pa kaya?"

"Hindi Yan totoo!" napalakas ang pagkakasabi niya noon kaya naman nagtataka ko siyang tiningnan.

"Problema mo?"

"Ikaw kasi e! Ang ganda mo kaya" hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang dalawa niyang kamay at tinitigan ako.

"Talaga?" tanong ko pa sa kaniya pero hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o maiinsulto.

Hinampas ko ang kamay niya dahilan para matauhan siya.

"H-ha? Oo naman"

"Napipilitan ka ba?"

"H-hindi ah! Ganda mo kaya!" Pinisil niya pa ang pisngi ko, kaya nagreklamo ako dahil masakit iyon.

"Sorry. Cute mo kasi e!" ramdam kong namula ang pisngi ko dahil doon, kaya umiwas ako ng tingin.

"Ikaw? Nagka-girlfriend ka na ba?" pag iiba ko ng usapan.

"Hindi pa."

"Bakit?"

"Mahirap magka girlfriend kapag magpupulis ka"

Tama naman ang sinabi niya, mahirap nga iyon Lalo na at kinakailangan malayo sa isat Isa kapag training.

"Sabagay. May punto ka."

"Saka..." tumingin siya sa malayo, "yung gusto ko maging girlfriend, hindi pa handang magka boyfriend"

"Sino? Si Rain?"

Naibuga ni Uno ang iniinom niya dahil sa tanong ko.

"What the hell? Si Rain? Seryoso ka ba?" parang hindi makapaniwalang tanong niya.

Wala naman akong makitang mali doon, dahil bagay naman sila, saka maganda si Rain. Bagay na bagay sila.

"Bakit? Maganda naman siya ah!"

"Pero hindi siya ang gusto ko. I never like her more than friends"

"Pero sabi niya..."

"S-she thought we're together. Kaya inaasar ka niya, para magselos ka"

Nanlaki ang mata ko. Kaya ba akala niya ay nagdidate kami?

"Teka. Effective ba? Nagseselos ka ba?" tanong niya, halatang nang aasar lang.

"Dream on Crunos" panggagaya ko sa kaniya.

Natawa kami pareho. Sa haba ng usapan namin ay hindi na namin napansin na hapon na pala. Kaya naman nag akit na si Uno na umuwi, dahil baka mag alala daw si papa. Pero bago iyon ay nag picture muna kaming dalawa.

Habang nasa byahe kami ay nagpapatugtog siya at sinasabayan niya iyon. Maganda ang boses niya, kaya hindi nakapagtataka na palagi silang pinapatugtog sa tuwing may event sa school.

Noon pa man ay kilala na ang grupo nila, hindi ko nga lang pinag aaksayahan ng panahon na kilalanin sila isa isa, dahil hindi ko naman binalak na kaibiganin sila. Sino ba naman ang mag aakala na kaibigan ko na ang ilan sa kanila.

Napabuntong hininga ako kaya napatingin siya sa akin.

"Ang lalim naman nun" puna niya habang humahalakhak.

"Sa daan lang ang tingin, wag sakin" pagbibiro ko sa kaniya.

"Oh sorry! Akala ko kasi..." hinampas ko siya dahil alam kong nang aasar nanaman siya. Tinawanan niya lang ako, at sinabayan nanaman ang isang rock na tugtog. Talagang nag head bang pa siya.

"Saglit lang, ihinto mo muna" utos ko sa kaniya dahil may nakita akong bata na nanlilimos kasama ang mama niya.

Agad na lumambot ang puso ko, kinuha ko ang natirang sandwich kanina. Tumingin ako sa kaniya bilang pagpapaalam, dahil sa kaniya naman iyon. Tumango lang siya at ngumiti kaya bumaba na ako.

"Merry Christmas po" iniabot ko sa kanila iyong pagkain na dala ko.

Nakita ko kung paano nagningning ang mata nung bata. Ganoon din ang mama niya.

"Maraming salamat anak! Maligayang pasko" malaki ang ngiting pagbati sa akin nung manang.

"Para sa inyo po ito. Merry Christmas Po" hindi ko namalayan na nakasunod pala sa akin si Uno. Nag abot siya ng pera sa babae.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang kausap niya iyong mag Ina. Kitang Kita ko ang Saya sa mata ni Uno habang tumutulong siya.

"Tara na?" nabalik Lang ako sa huwisyo ng tumingin siya sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya at sabay kaming bumalik sa sasakyan. Pakiramdam ko ay buo na ang pasko ko, dahil kahit paano ay nakatulong ako.

Nakarating kami sa kanto Kung saan siya madalas mag park ng sasakyan.

"Maraming salamat, Uno"

"Merry Christmas Mei"

"Good night" lalabas na sana ako ng makapa ko ang kwintas na binigay niya sa akin. Kaya naman humarap ako sa kaniya, at hindi na napigilan na mag tanong.

"Bakit nga pala ulap?"

"Because you reassembles cloud, So high to be reached, yet so comforting to be with"

"U-uno..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya.

"Pakiramdam ko, nakapahinga ako kapag ikaw ang kasama ko"

Ngumiti siya ng sobrang sinsero kaya naman napangiti din ako. Hindi ko alam Kung anong nararamdaman ko.

"Good night Meisha" lumapit siya sa akin at... hinalikan niya ako sa pisngi.

Sa sobrang gulat ko ay dali dali akong lumabas ng sasakyan at nagmadaling umalis. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa.

Dumiretso ako sa kwarto ko pagka uwi ko. Napahawak ako sa dibdib ko, bakit ako kinabahan? Ano ba tong nararamdaman ko. Kaibigan pa din ba ang tingin ko sa kaniya? O baka hindi na?

~💙

Continue Reading

You'll Also Like

63.2K 1.9K 31
*STORY MOVED TO ACCOUNT @canibeadog AND WILL ONLY BE UPDATED THERE* please read it from there James has always pretended to be someone he was not, an...
29.6K 1.2K 18
11 year old Aelia lives sheltered on a farm with her Uncle. Her life is spent collecting antiques, doing chores, and trying to struggle through her r...
28.7K 1.4K 20
What happens when a suicidal twenty-two year old meets someone who pushes her to be more than her grief. In return she teaches him how to be patient...
90.8K 1.3K 47
stray kids x reader scenarios, imagines and reactions that hopefully won't make you absolutely cringe and die, lower caps intended - this book contai...