Reincarnated As One Of The Tr...

By theblackescaper

309K 14.9K 373

Isa lamang akong ordinaryong college student na walang ibang inatupag kundi ang mag aral ng mabuti. Hindi ako... More

PROLOGUE
CHAPTER 1:THE ACCIDENT
CHAPTER2:THE BABY
Chapter 3:THE TRIPLETS VILLAIN
CHAPTER4:APPRENTICE
CHAPTER5: DUKE DIAMOND MANSION
CHAPTER 6: WEEK OF FOOLISHNESS
CHAPTER 7:THE SKY ANGER
SPECIAL CHAPTER 8:THE SHADOW
CHAPTER 9:THE LETTER
CHAPTER 10:THE ANNOUNCEMENT
CHAPTER 11: UNEXPECTED
CHAPTER 12:THE ILLEGITIMATE BROTHER
CHAPTER 13:MISSING
SPECIAL CHAPTER 14:HATRED
CHAPTER 15: ABDUCTED
CHAPTER 16: SLAVE TRADER'S
CHAPTER 17: BUYER
CHAPTER 18:PALACE
CHAPTER 19:THE CURSED PRINCE
CHAPTER 20:FRIENDS
CHAPTER 21:TRUTH
CHAPTER 22: GRAND TUTUER ROYAL
CHAPTER 23:DECISION
CHAPTER 24: CHANGES
CHAPTER 25:Académie Mystique de Cristal
CHAPTER 26:OPENING CEREMONY
CHAPTER 27:MAGIC AFFINITY TEST
CHAPTER 28:THE GIFT
CHAPTER 29: MESSAGE OR CURSE
CHAPTER 30: MYSTERIOUS BRACELET
CHAPTER 31:8 BEADS,8 CHANCES
SPECIAL CHAPTER 33: THE PUPPET
CHAPTER 34: DONT JUDGE!
CHAPTER 35:COMBAT DUEL
CHAPTER 36:THE ANNOYING PRINCE
SPECIAL CHAPTER 37: TALE OF THE PERFECT PRINCE
CHAPTER 38: MISSION
CHAPTER 39:JOURNEY TO THE TEMPLE OF THE GREEN VALLEY
CHAPTER 40:THE RIDDLES
CHAPTER 41:THE MYSTERIOUS ANCIENT CLOCK
CHAPTER 43:WHY???
CHAPTER 44:WHAT IS HAPPENING?
CHAPTER 45:I'M BACK
CHAPTER 46:MYSTERY I
CHAPTER 47:MYSTERY II
CHAPTER 48: CLUE
CHAPTER 49:SMOKE
CHAPTER 50:THE GIRL WITH THE GOLDEN SHACKLES
CHAPTER 51:REASON
CHAPTER 52:THE TOWER
CHAPTER 53: THE THRONE IN THE CLOUDS
CHAPTER 54:DARKNESS
CHAPTER 55:CAVE
CHAPTER 56:THE WHITE AND BLACK BUTTERFLY
CHAPTER 57:THE LAST BEAD, THE LAST CHANCE
EPILOGUE
AUTHORS NOTE:

CHAPTER 32:THE BATTLE

4.3K 217 4
By theblackescaper

Chapter 32:The Battle

Habang patuloy kaming umaatake ay mas lalong lumalakas ang kalaban namin.

"Daisy mas lalo silang dumadami!" Sigaw ni Gerald habang patuloy na ginagamit ang kapangyarihan nya para makalapit at patamaan ang kalaban

"Napansin ko din bawat pagtama ng atake natin ay mas lalo silang dumadami" sabi rin ni Philip habang patuloy na tumitira ng malakas na bultahe ng kuryente.

"Ate Daisy pag nagpatuloy pa ito. Tiyak na matatalo na tayo dahil mauubusan tayo ng mana. Kailangan makaisip na tayo ng plano para tapusin ito"

Napalingon naman ako kay Ace ng sabihin nya iyon dahil may punto sya na malapit na kaming maubusan ng mana. Tinignan ko sya patuloy sya pagbato ng mga fire balls sa kalaban.

Tinignan ko sila isa isa kitang kita ko na malapit na sila sa limitasyon nila at hirap na hirap na sila habang patuloy sila sa pag atake.

Kailangan na naming makaisip ng paraan para agad syang matalo sa laban. Kaya tinignan ko ang kalaban namin para obserbahan at makahanap ng kahinaan.

Habang tinitignan ko ang patuloy namin pag atake ay may napansin ako.

"Gerald tumigil ka sa pag atake dahil mas lalo syang dumadami sa bawat pagtama ng sandata mo sa kanya!" Sigaw ko kay Gerald.

Base sa nakita ko pagtatamaan nya ang kalaban ng close to close combat ay mas lalo itong dumadami. Napatingin sya sa akin at tumingin din sa kalaban namin.

"Tama ka nga Daisy kaya pa la mas lalo syang dumadami sa bawat pagtama ng atake ko" sabi ni Gerald sa akin.

Napatigil din sila Ace at Philip sa pag atake at tumigil rin ang patuloy na pagdami ng kalaban namin.

"Pero Ate Daisy kung hindi tayo aatake. Paano tayo mananalo laban sa kanya kung hindi tayo aatake?" Tanong ni Ace sa akin.

Napaisip naman ako kung anong taktika ang gagamitin namin. Kung dumadami ang kalaban posibleng peke lang ang lahat ng katawan nya at iisa lang ang totoo.

'Pero sino sa kanila ang totoong kalaban namin?"

Tinignan ko ang mga kalaban namin na pareho ang katawan at kilos ng bawat isa.

"Humanda kayo! may posibilidad na isa lang ang totoo sa kanilang lahat kaya dapat mahanap natin kung sino sa kanila ang totoong katawan ng kalaban natin" sabi ko sa kanila at agad din silang naging alerto para mahanap namin ang totoong kalaban.

May naisip akong atake na tiyak na makakatulong sa amin.

"Heavy storm!" pagkatapos kung sabihin iyon ay umulan ng malakas.

"Sumilong kayo sa mga puno!" utos ko sa kanila na agad din nilang sinunod.

Kanya kanya kaming tumakbo sa mga puno para sumilong habang paunti unti na bumabagsak ang clone ng kalaban.

Naisip ko na ang kapangyarihan nya ay may kinalaman sa apoy kaya sinubukan kung magpaulan ng malakas.

"Philip gumamit ka ng kuryente at patamain mo sa lupa!" sigaw ko kay Philip dahil nasa malayo sya sa akin.

Tumango naman sya agad sa akin at gumamit ng malakas na kuryente at pinatama sa lupa.

Pagkatama ng kuryente sa lupa ay naging malakas ito dahil sa lakas ng tubing na galing sa ulan. Kaya ang tubig na nasa lupa ay nagkaroon ng kuryente na mas lalong nagpabilis sa pagtalo sa mga clone.

Maya maya pa ay pinatigil ko na ang ulan dahil maaring kami ang tamaan ng lumalakas na kuryente sa lupa. Pagkatigil ng ulan nagtaka kami dahil wala ng natira na kalaban namin.

"Daisy nanalo tayo!"sigaw sa amin ni Gerald at agad ng bumaba sa lupa dahil na wala na ang tubig na may kuryente sa lupa.

Dahil sinipsip na ng lupa ang tubig na may kuryente. At agad din sumunod na bumaba si Ace. Tumakbo silang papunta sa amin ni Philip.

Kaya agad akong napangiti dahil sa wakas na iligtas ko na si Gerald. Kaya agad na rin akong bumaba pero pagkababa ko.

May nakita palaso na may asul na apoy parang bumagal ang lahat habang dahan dahan kung nakita ang pagdaan ng palaso sa harapan ko.

Sinubukan kong pigilan pero naging mabagal din ang naging kilos ko parang nagslow mo ang lahat ng nasa paligid ko.

Kaya agad akong tumakbo para habulin ang palaso na nakatutok kay Ace.

"Ace umalis ka dyan!" sigaw ko sa kanya habang sinusubukan na agad na makalapit sa pwesto nya.

Pero nahuli na ako dahil tumama na sa dibdib ni Ace ang palaso. Agad kong sinalo ang katawan nya na pabagsak na sa lupa.

"Ace wag kang pipikit" sabi ko sa kanya habang patuloy na tinatapik ang mukha nya para hindi sya pumikit.

"At-ate Daisy ma-saya a-ako na mag kasama t-tayo sa huling pagkakataon k-ko. Wag k-ka ng u-umiyak m-mas malulungkot ako p-pagnakikita kitang g-ganyan"

Pinipilit nyang ideretso ang pagsasalita nya pero patuloy pa rin ang paglabas ng dugo sa bibig nya.

"Cough ma k-kakasama ko n-na rin si I-inay" pinipigilan kong umiyak dahil malulungkot sya kaya tumingin ako sa itaas para pigilan ang pag agos ng luha ko.

Nakalapit na rin sa amin sila Philip at Gerald. Malungkot silang nakatingin kay Ace at halatang nagpipigil din umiyak si Philip.

Tinignan ko kung saan galing ang palaso at nakita kong na nandoon pa rin ang kalaban namin. Hindi ko napigilan ang sarili ko at dahan dahan kong binaba ang ulo ni Ace.

"Philip bantayan mo si Ace" sabi ko kay Philip at agad syang tumango sa akin.

Tumakbo ako ng mabilis palapit sa kalaban namin na pumatay kay Ace. Iniisip ko pa lang iyon pakiramdam ko nasasabog na ako sa galit.

Kumulog ng malakas ang kalangitan kasabay ng pagbunot ko ng espada. Palapit ako ng palapit sa kanya at agad nyang sa akin tinutok ang palaso.

Pag pakawala nya ng palaso papunta sa akin ay nakaramdam ako ng matinding lakas. Palapit ng palapit sa akin ng palaso ay agad ko itong hinati sa gitna.

At nagpatuloy sa paglapit sa kanya ng malapit na ako ng dalawang metro sa kanya ay sinubukan nyang padamihin ang sarili nya. Pero nanatili lang ang mata ko sa kanya kahit napapalibutan na ako ng clone nya.

"Para ito kay Ace!" sigaw ko at pagkatapos pinatama ko ang espada ko sa ulo nya.

Ibinuhos ko sa atakeng iyon ang lahat ng galit ko. Napatras ako ng tumama ang espada ko sa ulo nya ay bigla itong sumabog.

Tumilapon ako kasabay ng pagsabog ng katawan ng kalaban namin. Naradaman ko ang malakas na pagtama ng likod ko sa puno.

Nakangiti ako habang umiiyak dahil natalo ko na sa wakas ang kalaban namin. Umiiyak ako dahil may malaking posibilidad na mamatay si Ace bago pa kami makarating sa academia.

Balot na balot ng usok ang buong paligid at may nakita akong umilaw sa di kalayuan. Kaya agad akong napaika ikang naglakad palapit sa bagay na iyon.

Nang makalapit na iyon ay agad kong pinulot ang bagay na iyon. At nakita ko ang bracelet na dati hindi ko matangal tangal.

Nagtaka naman ako dahil umiilaw ang isang beads nito. Napaisip ako ng mga oras na malapit na akong mamatay ay umilaw rin ito.

Di kaya ay may pag asang na magamot nito si Ace. Kaya kahit na may kaunting posibilidad na tama ako ay nagmadali pa rin akong pumunta kay Ace.

Kahit paika ika at nadadapa ako habang nagmamadali ay hindi ko iyon ininda. Nagmadali pa rin ako paglalakad hanggang palapit kay Ace.

"Daisy!" tawag sa akin ni Philip at nagmadali syang papunta sa akin.

"Daisy kailangan ka na malunasan agad dadalhin ka na namin papuntang academia" pagkatapos sabihin iyon ni Philip ay binuhat nya agad ako.

"Wag Philip! Mamaya mo na ako dalhin sa academia. Ilapit mo ako kay Ace" pabulong na sabi ko sa kanya dahil nanghihina na ang katawan ko sa dami ng mga pinsalang natanggap ko mula sa pagsabog.

Nakita ko na hindi nya alam ang gagawin dahil sa mga pinsala na mayroon ako. Pero nakita ko sa mata nya naawa sya sa akin kaya pumayag sya sa gusto ko.

Habang naglalakad kami hinawakan ko ng mahigpit ang bracelet dahil ito na lang tyansa ko nailigtas si Ace.

Nang makalapit kami ay agad nya na akong tinabi kay Ace. Agad kong kinuha ang isang beads na umiilaw nagtaka naman sila sa ginawa ko.

Inipon ko ang natitira kong lakas para durugin ang beads. At agad na nilapit ang nanginginig na kamay ko sa bibig nya.

Dahan dahan kong binuhos sa bibig nya ang dinurog na beads sa bibig nya. Pagkatapos ko iyon gawin ay pakiramdam kong nawawalan na ako ng lakas.

"Sana maging maayos na si Ace"bulong ko habang paunti into akong nawalan ng malay.

•••

A/N
Hope you enjoy reading.Please vote and support my story.ヽ(*≧ω≦)ノ

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 64.5K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
5.3K 422 9
REINCARNATION SERIES #2 We share the same face. The same pain. The same tears. That'sbecause she's the half of me. Language: Tagalog/English
69.1K 4.4K 23
She can't remember anything.
1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION