Under A Rest | ā˜ļø

By blueth_24

475 36 6

Police Officer Crunos Mendez and Dr. Meisha Londres Get arrested by Uno who's willing to take all the bullets... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
A/N

Chapter 10

4 1 0
By blueth_24

"Mai, pasuyo naman ako ng lalagyan diyan" utos ko sa nakababata kong kapatid na naglalaro, habang ako ay abala sa pag luluto ng Noche Buena para mamaya.

"Eto ate oh!"

Kaunti lamang itong handa namin dahil ilang lang din naman kami. Ang ate ko ay umuwi sa bahay nila sa kabilang bayan para doon magpasko. Hindi ko alam kung balak na ba nilang manatili doon. Mas mabuti iyon para sa akin dahil kapag nandito sila ay masyado silang umaasa sa amin.

Hindi ko sila pinagdadamutan o pinagiisipan pero gusto kong matuto silang tumayo sa sariling paa. Hindi na sila bata at may sarili na silang pamilya kaya naman, gusto Kong matutunan nila iyon. Ayos Lang sa akin na Makita nila ako bilang masamang kapatid pero umaasa ako na maiintindihan nila iyon, pagdating ng panahon.

"Namamasko po" rinig kong sigaw ng mga batang nangangarolling sa labas.

"Mon, bigyan mo sila nung supot ng candy"

Sinunod naman niya ang inutos ko. Bumili Kasi ako ng mga candy at inilagay ko ito sa plastic ng yelo para ipamigay sa mga bata.

Nakakatuwa kasing makita ang mga ngiti ng mga bata dahil sa simpleng mga regalo at barya galing sa iba.

Maswerte pa din naman kami sa buhay namin dahil nakakakain kami ng higit tatlong beses sa isang araw. Kaya naman kahit hindi ganoon kaganda ang pamumuhay namin ay naituro sa amin ng mga magulang namin ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa.

Nang matapos ko ang aking niluluto ay naligo ako at nagbihis dahil malapit na ang alas dose.

Pauwi na din sila papa galing simbahan, sigurado ako. Nagpaiwan ako dahil walang tao dito. Plano kong bukas na lang magsimba.

Nagsuot ako ng kulay rosas na bestida, na bumagay sa Morena kong kulay.

Naglagay din ako ng kaunting pulbos para naman maayos ang itsura ko kahit ngayong pasko Lang.

Ilang minuto na lang ay pasko na kaya naman lumabas na ako Ng kwarto at naabutan ang mga kapatid kong nanunuod ng cartoons, nakauwi na pala sila.

Maya maya ay lumabas na din si papa sa kwarto nila. May narinig akong ingay sa labas ngunit binalewala ko lamang iyon dahil malamang ay lasing na kapitbahay Lang iyon.

Maingay ang lugar namin tuwing pasko dahil kahit hindi ganoon kayaman ang mga nakatira dito ay mababait at mapagbigay ang mga ito. Sigurado akong mamaya lamang ay may kakatok para magbigay ng kaunting handa galing sa kanila.

"Jingle bells! Jingle bells! Jingle all the way! Oh what's fun it is to ride, in a one horse open slay. Hey!"

May narinig kaming kumakanta at tumutugtog ng gitara sa labas. Kaya naman dumukot ako ng barya sa bulsa ko.

"Mon, pakibigay nga sa nangangarolling"

"Ate! Mukhang hindi naman po nangangarolling"

"Ha? Eh ano pala-" natigil ako sa pagsasalita ng makita si Uno sa tapat ng bahay namin na may hawak na gitara habang tumutugtog ito.

Lumawak Lalo ang ngiti niya ng makita akong lumabas ng bahay.

"Jingle bells! Jingle bells! Jingle all the way. Oh what's fun, it is to ride in a one horse open slay."

Hindi ko alam Kung bibigyan ko ba siya ng barya o pagtatawanan. Maganda ang boses niya sa totoo lang, ang problema ay halatang hindi niya alam ang buong kanta dahil puro yung part na Yun lang ang kinakanta niya.

"Anong ginagawa mo dito?"

Itinaas niya ang hawak niyang gitara and nagkibit balikat.

"Hindi mo manlang ba ako papapasukin?"

"Pag iisipan ko"

Nakita kong sumimangot sya at parang hindi makapaniwala.

"Alam mo Mei, habang tumatagal nagiging mean ka sakin"

"Pumasok ka na nga"

"Luh? Parang napilitan pa"

"Ano ba kasing naisipan mo at pumunta ka dito? Paskong pasko gumagala ka" tanong ko sa kaniya habang nag tatanggal siya ng sapatos.

"Sabihin mo lang kung ayaw mong andito ako, ipipilit ko" ngiting ngiti siyang tumingin sa akin.

Natawa ako sa kaniya, pumasok siya at dumiretso sa sala para batiin ang mga kapatid ko pati si papa.

Ako naman ay naghanda na ng mga pagkain sa mesa, pati ng mga Plato at kubyertos.

Limang minuto na lamang bago magpasko kaya naman tinawag ko na sila para sabay sabay naming salubungin ang pasko.

"Merry Christmas!" Bati namin sa isat isa pagsapit Ng alas dose.

"Merry Christmas papa"

Niyakap ko si papa at mga kapatid ko.

"Merry Christmas ate" hinalikan nila ako sa pisngi.

"Ehem" humarap ako kay Uno na inuubo sa likod ko.

"Merry Christmas Mei"

"Merry Christmas Uno"

Sumimangot siya pagkatapos ko siyang batiin. Napakunot ang noo ko.

"Oh bakit?"

"Wala"

Hindi ko maintindihan Kung bakit parang ang sama ng loob niya.

"Gusto mo din ba ng yakap?"

"H-ha? Asa ka. H-hindi ah" nagsimulang mamula ang pisngi at ang  leeg niya.

"Parang gusto mo eh"

"Yuck. Kadiri"

Tinawanan ko na lang siya dahil sobrang pikon niya. Ang lakas Niya mang asar pero, kapag siya ang inaasar pikon agad

Nagsimula na kaming kumain, may mga kapitbahay pa kaming nag hatid ng kaunting handa galing sa kanila, kaya naman nagbigay din kami sa kanila.

Masaya ako dahil nakikita kong masaya ang mga kapatid ko, Lalo pa akong natuwa ng magustuhan nila ang regalo ko sa kanila.

Hindi din nagtagal ay nakatulog na ang mga kapatid ko, ako naman ay magliligpit pa kaya mahuhuli ako.

"Pa, ako na pong bahala dito. Matulog na po kayo"

"Sigurado ka ba?"

"Opo! Ihahatid ko din Po si Uno sa labasan"

"O siya sige! Uno, mag ingat ka pag uwi. Salamat"

Humarap ako kay Uno pagkaalis ni papa, abala siya sa pag ligpit ng mga hugasan.

"Ako na diyan Uno"

"I can do this"

"Anong oras ka uuwi?" tanong ko sa kaniya habang sinisimulang iligpit ang mga basura.

"Excited ka bang umuwi ako?"

"Oo!"

Napaawang ang labi niya, at umaktong nasaktan sa sinabi ko.

"Grabe ka Mei"

Tinawanan ko lang siya dahil binibiro ko lang naman siya.

Mabuti na lamang at pumayag siyang ako ang maghugas ng mga Plato, sabi ko ay magwalis na lamang siya. Hindi kasi siya pumapayag na wala siyang gawin.

"Anong plano mo bukas?" Tanong niya habang nakaupo kami sa balkonahe ng aming bahay at umiinom ng soft drinks.

"Magsisimba"

"Pwede ba akong sumama?"

Gusto kong itanong kung wala ba silang plano ng pamilya niya, pero hindi ko alam Kung tama bang itanong iyon.

"Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" sa huli ay iyong na lamang ang itinanong ko.

"My parents went out of town para doon magcelebrate kasama ang grandfather ko"

"Bakit hindi ka sumama?"

"Susunod ako doon before new year"

Tumango na lamang ako dahil ayoko nang magtanong pa.

"Bakit wala ang mama mo?"

"Nasa Manila. Doon siya nagtatrabaho"

"I see"

Natahimik kami pagkatapos noon. Pinili Kong wag na din magsalita dahil hindi din naman siya nagsasalita.

Hindi ko alam pero komportable ang katahimikang nagaganap sa pagitan namin.

Maya maya pa ay nag paalam na siyang uuwi na dahil anong oras na din, kaya naman hinatid ko siya sa kotse niya.

"Thank you sa pag welcome sa akin sa bahay niyo"

"Feeling mo lang welcome ka" pang aasar ko ulit sa kaniya.

"Alam mo Mei, konti na lang iaunfriend na kita"

"Ang tagal naman"

Umismid na Lang siya sa akin at sumimangot.

"Napaka mean mo"

"Sige na. Mag ingat ka. Tsupi."

Iwinasiwas ko pa ang kamay ko sa harapan niya at umaktong tinataboy ko siya.

Tinitigan niya ako at nailang ako dahil nakita kong seryoso siya. Naoffend ba siya?

"Hoy joke Lang!"

"Nagtatampo ako"

Pinigilan ko ang matawa dahil sa sinabi niya.

"Sorry na"

"Suyuin mo ko"

Napaismid na lang ako dahil sa kaartehan niya.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

"Merry Christmas Uno. Wag ka na magtampo"

Bumitaw ako sa pagkakayakap at Dali daling umalis.

Ano ba yung ginawa ko? Teka. Bakit ba ako kinakabahan. Friendly hug lang naman.

~💙

Continue Reading

You'll Also Like

278K 17.8K 48
The feeling of being abandoned by one's own family was not unknown to Aadhira. She hates her family for abandoning her when she was only a newborn, l...
Saved By Madison:)

General Fiction

835K 16.5K 33
Isabella Rose Romano A 13 year old to which love is something very unfamiliar to her. Having grown up in the foster system, it didn't come very often...
246K 37.7K 109
Maran and Maya, two independent individuals hate each other out of their family background but destiny has some other plans by bringing them together...
314K 22.8K 27
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...