Make You Stay (Book 2 of You...

By coralunaa

30.8K 1.2K 230

Kasabay ng pag-usad ng panahon ay ang pagkatuto ni Claudine. Kasabay ng pagyabong ng mga puno ay ang kanyang... More

Make You Stay
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 12

493 25 4
By coralunaa

"Claui, papunta na ba kayo rito?" Josh asked me over phone call.

Napalunok ako at parang tangang tinitigan ang dagat ng mga tao. Nagsisiuwian na sila nang may ngiti sa mga labi.  

"Hindi pa, eh." I tried to sound cool.

Parang nabarahan ng bato ang lalamunan ko nang mahagip ng mata ang isang magkasintahan. They were both happily embracing each other. Halatang proud ang babae sa kaka-graduate niyang boyfriend. 

That made me silently wish. Sana nayakap ko rin ng ganyan si Blue kanina. De bale, mayayakap ko naman siya mamaya. No need for the drama. 

"Bakit? Bilisan niyo Clau. Nilalamok na kami." pagrereklamo niya.

Hay. Ni hindi pa ako nakalapit kay Blue eh dahil siningitan na naman ako ng isang Professor. Tinawag sina Blue at Sigrid kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong magpakita. Lagi nalang ako nauunahan, no? Nakakatawa lang dahil ako naman talaga dapat ang nauuna. 

"Claui!" untag ni Josh.

"Ha? Ah oo, bibilisan namin. Saglit lang, ah? Bye."

Inihilamos ko ang aking palad sa aking mukha. I need to pull myself together. Surely, may paliwanag si Blue para rito. Kailangan kong marinig iyon. At kailangan ko rin talaga siyang mayakap. 

I tried staying positive as I wait for Blue to come out from wherever he was taken by the Professor. Kaya lang, dalawang oras na ang lumipas, nilamok na ako't lahat, walang Blue akong nakita.

Sa bawat patak ng oras ay pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung para saan ang kabang ito gayong malaki naman ang tiwala ko kay Blue.

"Claui," narinig ko si Gio. 

Tumayo na ako. Pupuntahan ko nalang sina Blue. Napapagod narin ang pwetan ko sa kauupo. Mababaliw na ako rito.

"Ano?" sikmat ko sa lalaking bumuntot sa'kin. Akala ko ay umalis na siya kanina.

"Naiwan mo 'to, oh." inilahad niya ang paperbag na bitbit ko nga kanina.

Kinuha ko mula sa kanya ang regalo ko kay Blue at tipid na ngumiti. Nagpatuloy ako sa paglalakad, naghahanap ng pwedeng mapagtanungan. Mabuti nalang at may nahanap ako.

"Ah? Sina Bernard ba at Sigrid? Kanina pa sila nakaalis eh."

Lumaylay ang balikat ko. So, naghintay ako ng dalawang oras para rito? Great. Just great. 

"Claui tara na lang-"

"Bakit ka ba buntot nang buntot, ha?" si Gio ang napagbalingan ko ng inis.

"Kase kaibigan kita?" 

Umawang ang labi ko. Did he seriously think of himself as my friend? Kaibigan ko nga kaya siya? Oh shit. That's not my concern now.

"Hello, Bench." mababa ang boses ko. 

"Oh? Papunta na kayo-"

"Uh, susunod nalang siguro si Blue. Papunta na ako dyan."

Tumulak nga ako sa unit ni Blue. Halos matulala ako. Ang kaba ko kanina ay nadagdagan ng pagtataka at pagkadismaya.

Sinalubong ako ng sama ng tingin ng aking kapatid. 

"Bakit ikaw lang?"

"Saan bebe mo?"

Hindi kailanman naging mahapdi ang tanong na yun. Ngayon lang. 

Fuck shit. 

"Sumagot ka, Claui!" mukhang nabasa ako ni Bench.

Talagang magaling akong magsinungaling. Pero sadyang kilala ako ni Bench. I can't lie. I won't. Kaya lang, hindi ko masabi-sabi.

"Ay puta." malutong na nagmura si Josh. 

Naramdaman kong nagkumpulan sila. Mukhang may tinitingnan. Napatingin tuloy ako. At agad ding nagsisi. 

Ang IG post pala ni Blue ang tinutukoy niya. Multiple pics pero tumigil sila sa picture nina Blue at Sigrid. Para akong dinurog nang makita maging ang kislap ng kanilang mata.

Ano ito?

Sino ang babae? Ex ni Gio? Eh sa buhay ni Blue? Sino siya? Bakit niya sinali sa post? Ganoon ba ito ka espesyal sa kanya?

Eh, ako? Paano ako? Bakit wala akong alam? Dapat ba akong mangamba? Magagalit na ba ako? Magdududa na ba ako?

Hindi ko naman kinukwestiyon kung bakit aliw na aliw maging si Tita Blessie sa babae. I understand that the girl is beautiful. Smart. And credible. Pero nasaan ang respeto nila sa akin? They fucking know I am his girlfriend, right? Kaya bakit nila nireto si Blue sa iba nang harap-harapan? Itukso sa iba nang harap-harapan? At nasa harapan ako! Nakikita ko! Ano ako, hangin?

"I already told you, Claui! Ginagago ka na nung tao!" galit na humiyaw si Bench.

"Fuck. Kalma, dude. B-Baka kaibigan lang..." depensa ni Josh.

Lalong nahulog ang puso ko nang marinig ang pagak na tawa ni Bench.

"Josh, hindi niya nga maipost yung kapatid ko? Tapos iyong babae? Napakadali para sa kanya? May pa-akbay pa? At ano, Claui, nakita mo ba yun? Ha? Harap-harapan ka bang tinarantado-"

"Hindi, Bench. Kaibigan niya lang naman yun..." nanginig na ang labi ko.

Tila tinarakan ng punyal ang puso ko. Sabay-sabay silang nagmura nang pagkalutong-lutong.

"Kaibigan din natin si Blue, Bench. Huwag natin siyang pagdudahan. Mahal niya si Claui."

Tumango ako at bahagyang kumalma sa sinabi ni Josh.

"Wala na akong pakialam sa kanya magmula noong nakipaglandian siya sa iba sa viber, Josh. Tangina niya."

Natahimik kami hanggang sa magsalita ang dismayadong si Joshua.

"Abort mission ba tayo?"

Nanlumo ako habang pinapasadahan ng tingin ang inihanda namin. Malamig na ang mga pagkain at pumutok na ang ibang lobo. Anong oras narin. Gabi na sa labas.

"M-Maghihintay ako rito-"

"And you think I will let you wait for that asshat, here? Matapos kang iwanan para sa ibang babae-"

"Nakita ko na Bench! At oo, harap-harapan! Utang na loob huwag mo nang masyadong ipamukha sa'kin!" hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"C-Clau-"

"If he indeed cheated, huwag kayong mag-alala at hindi ako magdadalawang isip na iwan siya!" tangina.

Nag walk-out ako. Hindi ko rin pala kase kayang maghintay kay Blue roon. Narinig ko ang tawag ni Bench pero nilunod na ito ng saway ni Josh.

Natagpuan ko nalang ang aking sarili na tumulak sa isang convenience store. Bumili ako ng beer at tinungga iyon ng mag-isa. 

Confident akong mahal ako ni Blue. Hindi naman kami aabot ng walong taon kung hindi, di ba?

But why the heck is this making me feel really shitty?

Tumulo ang lintek kong luha nang paulit-ulit na magreplay sa utak ko ang nangyari. Blue's smile. Sigrid. Tita Blessie. His aunt.

At iyong sinabi ni Gio. Iyong sinabi ni Gio talaga ang pinakabumagabag sa'kin. 

"Saan ka ba galing? Graduation o libing?" 

Si Gio na naman. Naupo siya sa harapan ko. May hawak naring bote ng beer. Gaya ko ay suot niya parin ang suot niya kanina.

"Stop pestering me, Gio." matigas kong sinabi.

Hindi na nahiya ang luha ko. At hindi narin ako nahiya. Bahala siya kung anong gusto niyang isipin. Basta ako, aasang mali ang lahat ng hinala. Aasang makakalimot saglit sa tulong ng alak. 

"Gago siya no?" binalewala niya ang sinabi ko.

Walanghiya. Talagang tinrigger niya ang mga luha ko. Para na tuloy nilulukot ang puso ko sa sakit. Hindi pa ako nakakaubos ng isang bote pero parang nalasing na agad ako. 

"Mukhang magkakatotoo nga ang sinabi ko, ah." umiling siya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Tiniim ko ang bagang ko. 

Hindi maganda ang kutob ko sa patutunguhan ng usapang ito.

"Asa ka. Hindi kami magbi-break no." my heart is fucking breaking while I say that.

"The tables have turned now, huh? Two years ago-"

"We don't have the same situation. Shut the fuck up." 

Gio being the insensitive Gio. Imbes na tigilan ako ay lalo lang sinagad ang aking pasensya. 

"How so? Kase kanina lang... magkasama ang dalawang taong kinababaliwan natin. Edi pareho lang tayo?" ngumisi ang tarantado.

Pinangalahatian ko ang beer. Tangina. Alam niya. At mukhang mas marami siyang alam kesa sa'kin.

"Ang liit ng mundo no? At putangina. Napaka-unfair. Guwapo nga iyon at matalino pero mas mahal ko naman siya. At ako ang nauna-"

"Gio. You're crazy!" he's feeding me lies!

Inirapan niya ako. My system, on the other hand, is trembling. At ayokong isiping dahil sa takot yun. 

"Sana nga. Sana nga ay nababaliw lang ako. Pero nakita mo rin diba? Edi pareho tayong baliw-"

"Shut up! Huwag mo ngang lasunin ang utak ko!" 

Sinaway ako ng staff pero wala akong pakialam. Tumayo nalang ako bago magbasag ng bote. At nang sumunod ulit si Gio ay hindi ko na talaga napigilan ang pagsabog.

"He's cheating on you-"

I cut him off with one hard slap. Nagtaas-baba ang dibdib ko at gustong-gusto ko pa siyang sampalin kaya iyon nga ang ginawa ko. I slapped Gio four times. Hard. 

Pero hindi ako nakontento. Tangina. Sana binabangungot lang ako. Sana hindi ko nalang narinig ang lahat! Sana hindi nalang nagkrus ang landas namin ni Gio! Putangina. 

"Oh? Ako ba ang nagloko? Ang unfair talaga. Bakit ako ang nasampal? Pero sige lang. Ngayon, ikaw naman ang in denial? Nakita mo na, Claudine! May relasyon sila! Niloko nila tayo!" he was desperate. 

Nanginig ang tuhod ko at para akong nahihilo. Halos mabaliw ako sa lahat ng sinabi niya. Ayokong maniwala pero putangina.... nanghihina ako.

"Sinulot niya ang girlfriend ko! Tarantado siya-"

"Fuck you! Stop cursing him-"

Nanlaki ang aking mata nang kinain niya ang distansya namin at agresibong inatake ang aking labi. Hindi ako nakagalaw sa matinding gulat. Nagkatinginan kami nang bumitiw siya at bago ko paman siya masampal ay may sumuntok na sa kanya. Marahas siyang bumagsak sa lupa.

Lumundag ang puso ko nang makita si Blue. Nanlilisik ang kanyang mga mata. Gusto kong tumalon nang mabasa ang galit at selos sa mga mata niya.

Hahawakan ko na sana ang kamay ni Blue nang magsalita si Gio.

"Para halik lang? Ang damot mo naman, Blue. Ikaw nga, kinama mo girlfriend ko, sinuntok ba kita?" mapait na ngumisi si Gio.

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 98.9K 38
(COMPLETED) Montenegro Series #2 A drop of tear fell into the invitation I am reading. Umiiyak na pala ako. Ilang buwan at gabi na ba akong umiiyak...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2M 137K 48
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
788K 40.7K 61
• BOOK LAUNCH on April 25-28 at the Philippine Book Fest • Featured in WattpadRomancePH's Official Reading List! •Highest Ranking: #1 Savior *** One...