REBEL HEART | TRANSGENDER X S...

By spirit_blossom

125K 7.7K 2.8K

Rebellious and an only child, Rhiannon Engres Fuego yearns the attention of her father. Kung kaya gumagawa si... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59

Kabanata 31

2K 137 42
By spirit_blossom

I bit my lip for the second time as the thought of our date tickles me. Dapat hindi na ako kinikilig sa mga ganito kasi naranasan ko nang i-date ng ilang beses noon pero ganu'n na nga ang nangyari habang nakaupo rito sa passenger's seat.

I noticed the busy street of the current city we are into. Mga nagtatayugang gusali at mga naglalakad na taong nakasuot ng iba't ibang corporate attires ang nakikita ko sa bintana, hanggang sa kalaunan nga nang lumiko ang kotse sa kaliwa at napaangat ang tingin ko pagkarating namin sa parking entrance ng malaking pamilihan. It was the city's high end mall.

Nakapunta na ako rito noon. Siguro dalawa o tatlong beses. Basta, ang unang punta ko rito noong opening nito, kasi kakilala nina Papa ang kasalukuyang mayora rito at inimbitahan nga kami para masaksihan ang ribbon cutting. Unlike ours, this city's highly developed due to the companies and corporations that can be located here.

"Sana sinabihan mo ko kaninang umaga para nakapili man lang ako ng damit." Sabi ko nang na-park na ang kotse. Tumahimik ang engine at saktong narinig ko ang maaligasgas niyang tawa.

"Ba't, ayos naman damit mo, ah? Kung sinabi ko sa 'yo e di walang surprise."

"Tingnan mo kasi suot ko. I look so plain," maktol ko pa rin 'tsaka humalukipkip.

Gino scanned me starting from my tucked-in oversized t-shirt and high-waisted denim shorts. Nahiya ako bigla sa suot ko. Noon, nagpapasalamat ako sa hindi-kahigpitang policy ng school sa dress codes ng mga estudyante pero ngayon, halos isumpa ko na ang sarili kung ba't sinamantala ko rin. His eyes stopped on my legs and as seconds passed a naughty smirk was beginning to form on his boyish lips.

Napatikhim ako.

"Maganda ka," sabi niya agad nang iangat na uli ang paningin.

Hindi ko naman tinatanong kung anong itsura ko? This savage!

"Bahala ka! Don't ever blame me if someone approached us to tell you I look pathetic. Or even slutty. Na-warning-an kita!"

Napakurap lang si Gino. "Hindi naman ako nanunuway kung anong gusto mong isuot."

"Even if my wear will make guys stare?" tanong kong nakahalukipkip pa rin habang nakataas ang isang kilay.

Gino frowned. Napangisi ako nang makita ang nabugnot niyang itsura pero taliwas naman sa itsura niya ang narinig kong sagot pagkatapos.

"Hanggang tingin lang naman sila. Hindi ko pipigilan ang mga gusto mo dahil lang sa ganu'n o dahil lang sa kanila. Pag may gusto kang suotin papayagan kita kung du'n ka masaya."

"Hm, maniwala!" echos ko.

Napangisi si Gino at agad-agad, naalala ko sa ngising iyon ang binatang semi-kalbo na una kong nakilala, na kinainisan ko, na natutunan kong mahalin katagalan.

"Hindi ako natatakot na lapitan o bastusin ka ng mga lalaki kasi kaya kong makipagsuntukan. My princess can wear whatever the fuck she wants. Hawakan ka nila—basag panga nila. Ganu'n kasimple, Rhiannon."

I bit my lip. Naramdaman kong tila lumundag sa tuwa ang puso ko sa sinabi niya. Nakalimutan ko agad na nagtataray-tarayan nga pala ako at napangiti na.

"Gino."

He's used seeing me wearing cute outfits almost everyday. Buong isip ko pagbabawalan niya na ako sa mga ganu'n kung maging kami na kasi nga baka pagtinginan ako ng ibang lalaki. Pero hindi.

Gino's right. Ba't nga ba ako mag-a-adjust para sa mga lalaki?

Nasa gitna pa ng mga naipaparamdam niya sa akin nang inabot ni Gino ang pisngi ko. He cupped my left cheek with his rough, calloused hand. Nanglalambing ang haplos ng hinlalaki niya at para akong ina-alo.

"Nasabi ko na ba sayong mahal kita, Gino?" tanong ko.

Gino smiled. "Hindi pa. Hindi mo naman din kailangan. Nakikita ko 'yun sa mga mata mo pag tinitingnan mo ko."

"Kaya gusto mo lagi kitang tinitingnan?" tanong ko uli at maaligasgas naman siyang tumawa.

"Oo."

I giggled. Totoo na hindi ako showy dahil sa strong personality ko. Nakakatawa nga at sa aming dalawa, siya pa itong clingy at expressive. Kaya ngayon, hinayaan ko ang sariling iparinig sa kaniya ang nasa puso.

"I love you, Gino."

Napalamlam ang mga mala-uling niyang mata. Nagkinangan ang mga ito ng ilang segundo. Nasa pisngi ko pa rin ang isang kamay niya nang marinig ko siyang sumagot habang lulan pa rin kami nitong kotse.

"Mas mahal kita, Rhiannon. Mahal na mahal."

Gino took me on a movie. Maraming mga puwedeng panooring palabas at hinayaan niya akong mamili. Of course, it's a no brainer that I would pick a romantic theme.

Hindi ako mangmang para hindi maisip na—madalas—kaya ka dinadala ng lalaki sa sinehan para maka-score. Nakatutok ako sa magandang part ng movie nang maramdaman ko ang pagpatong ng braso ni Gino sa balikat ko. Bumaling ako.

Nakatingin siya sa harap na tila bored sa pinapanood namin. The big screen illuminating his face a little, making his rugged features somehow observable. Lumipat ang mga mata niya sa akin at huli na para mailihis ko.

"Bakit?" Tanong niyang parang inaantok. Umayos siya ng pagkakaupo.

"Just checking if you're enjoying the movie."

Even from the dim, his charcoal-black eyes were still darker. Nangarera agad ang puso ko nang haplusin niya paibaba at paitaas ang gilid ng balikat ko.

"Hindi ako mahilig sa ganitong palabas, mahal. Pero kung nag-e-enjoy ka naman ok na sakin 'yun."

Nabusog ang puso ko sa sagot niya. How could you not love him?

"Panoorin naman natin 'yung action sa susunod, ha." pangako ko sa kaniya nang maalala iyong tinitingnan niyang poster kanina sa pila.

Gino planted a soft kiss on my forehead. Mabuti na lamang at madilim sa sinehan kundi mapapansin niya kung paano mangamatis ang mga pisngi ko. Pagkatapos, sabay na naming itinuon uli ang mga mata sa screen habang nakahilig ang ulo ko sa balikat niya.

Manonood pa sana kami ng isa pang movie at tulad nga ng suggestion ko 'yung gusto niya naman. Sayang nga lang at 'di na pumayag si Gino. Mahuhuli na raw kasi kami sa pinareserba niyang table sa isang dinner buffet na nasa second floor nitong mall.

Siguro kung ako ang pagdedesisyunin, mas gugustuhin ko pang dalhin ako ni Gino sa mga simpleng kainan. Lugawan, karinderya, puwede rin sa mga tuhugan. Para naman maiba 'tsaka hindi pa kasi ako nakakasubok sa mga ganu'n. Pag kasi sa mga ganito, naalala ko lang 'yung mga dates namin nung two-timer na iyon. Still, I really appreciated Gino's effort for making this dinner date happen.

I smiled as I observed him talking to our designated waiter for our second course. From here, I saw to how big he has changed. Napakalayo niya na sa binatang semi-kalbo na una kong nakitang tumapak sa mansyon namin, sa mansyon nila.

Pagkatapos ng dinner, naglibot naman kami at sa kabuuan ng paglalakad, nakahawak sa bewang ko si Gino. Nahihiya pa ko nu'ng una kasi nga baka may makasalubong kaming kakilala pero nang maisip kong may mga kani-kaniya namang mundo ang mga nandito at nasa ibang ciudad naman kami kaya hinayaan ko na. Paminsan-minsan, may mga nakakasalubong kaming gumigilid ang mga mata patungo sa kaniya na kung hindi babae, minsan paminta.

"Gino, teka." Wari ko nang mapadaan kami sa isang international boutique. Huminto nga siya. Bumaling muna sa akin bago roon sa tinitingnan ko.

Nasa tapat kami ng salamin nu'ng boutique at ako, nakatingala pa ng kaunti para matitigan ng mabuti ang naka-display ng damit. Nanginang ang mga mata ko habang nakamasid sa pulang cocktail dress na suot ng manequin. It was elegant and daring and if I remember, that same dress was on a fashion week that I have watched not very long ago.

I must have that dress!

Nangati na naman ang palad kong magsunog ng pera kaso sumagi agad sa isip ko ang isang bagay. Napabuga na lang ako. Nanghihinayang sa pagkakataon.

"Tara," mahina kong sabi habang nakatitig pa rin sa damit.

"Hindi mo bibilhin?" tanong niya.

Napaangat ako ng tingin at naabutang nakatitig si Gino. I forced a smile and nodded.

"H-hindi. I mean, I just wanted to stop and look. Nagandahan lang sa damit," sagot ko at sana, hindi halata ang pagkubli ko sa lungkot ng boses.

Truth was, I really wanted to. Hindi ako mag-iisip pa kung bibilhin ko ba o huwag kasi bibilhin ko talaga, pero mula kasi nang malaman kong.. ampon ako.. para bang nakakahiyang gastahin ang pera ng pamilyang kumupkup sa akin at imbis, magpasalamat na lang na napagkalooban ng bahay na matutulugan, ng magandang edukasyon, ng pagkain na makakain tatlong beses sa isang araw o minsan higit pa.

I am no longer the rich spoiled brat people knew because after that revelation which happened months ago, I am no longer the politician's child.

I could still buy dresses like that again someday. Hindi pa naman katapusan ng mundo at sa ngayon mag-aaral muna ako para magkaroon ng magandang trabaho. Still, my heart ached seeing that dress still being displayed there.

"Hali ka, Gino. Malapit na ring umuwi si Papa," sabi ko uli at sa bawat segundong lumilipas, lalo lang akong nalulungkot kaya hinila ko na siya.

But the savage didn't move. He was just staring at me before turning his eyes towards that cocktail dress. Before I even knew it, Gino entered the boutique.

"Gino!"

Napakurap na lamang mga mata ko. Napansin ko sa gilid ng paningin na tinatanggal ng staff ang manequin kaya napatingin tuloy ako roon. Overwhelming regret washed over me as someone else must have bought it.

"Sayang." I whispered.

Bumuga ako ng hangin. Bumaling na uli sa entrance nang mapansin ko ang pamilyar na bulto ni Gino na papalabas. Dumagundong agad ang puso ko nang makita ang bitbit niyang itim na paperbag.

"Thank you for shopping, sir!" pasasalamat ng bumuntot sa kaniyang sales lady na nasa bukana.

Nakatitig ako sa kaniya bago roon sa hawak niya, at nang makita ko 'yung logo ng boutique na naka-print sa itim na paperbag nagsimula nang manubig ang mga mata ko. Napatingin uli ako sa ngayong bakanteng display at agap kong napagtanto ang ginawa ni Gino.

Did he? Oh, my.

"Hindi ko alam kung tama ang size sayo pero nu'ng tiningnan ka ng sales lady kanina sasakto raw sayo lalo na pag lumaki ka pa ng kaunti. Petite ka naman raw."

Right then and there as if my tongue went missing. Hindi ako makasagot at tanging nagawa ko na lamang ay ilipat ang tingin mula sa paperbag paangat sa kaniya.

"Nakita kong gusto mong bilhin, eh. Nagulat ako nu'ng sabihin mong tara na," pagpapatuloy ni Gino.

Napakagat ako sa nanginginig kong labi. Babagsak na ang mga luha ko anumang sandali pero masidhi ko itong pinipigilan kasi ayokong umiyak sa publikong lugar. Gino sighed and walked towards me before wiping these tears that so wanted to fall. Then, he slightly lowered his body to face me.

"Ba't mo pinipigilan sarili mo? Wala namang nagbabawal sayo, ah. Hindi ganiyan 'yung spoiled brat na kilala ko," tanong niya at lalong naging maamo ang itsura.

"N-nahihiya ako sayo.. sa inyo."

"Dahil du'n satin?" Hindi na binanggit ni Gino pero alam namin pareho kung ano iyon. Tumango na lang ako.

Napalamlam ang mga mala-uling niyang mata. Bumuntung-hininga siya kalaunan bago malambing na hinaplos ang ulo ko.

"Sayo ang mundo ko, Rhiannon. Nakalimutan mo na ba agad sabi ko noon?"

"Gino, hindi dapat ganto. Paano ka?"

"Ikaw ang mundo ko." He answered and smiled. From that moment, I knew his words got engraved forever in my heart.

Bumusina si Gino nang makarating kami sa gate ng mansyon nila. Maya-maya, nakita nga namin na unti-unting binubuksan ng dalawang guwardya ang malapad na entrada. Hindi na kailangang ibaba ang bintana para senyasan sila kasi bukod sa pamilyar naman ang mga tao sa lahat ng mga kotse sa mansyon, hindi rin tinted ang mga bintana ng gamit naming sasakyan kaya marahil nakita na rin nila kami pagkasilip.

Gabi na nang makauwi kami kasi naabutan ng traffic. Despite that, our first date was worth it.

"Thank you for today. Nasayahan ako maski nakakapagod 'yung viaje, Gino." sabi ko nang na-park niya na ang kotse sa tapat ng garahe.

"Natulog ka kasi dapat kanina. Gigisingin naman kita pag nakauwi na tayo," banggit ni Gino bago pindutin ang isang button sa stereo.

I smiled. Natanaw ko sa tapat si Manang Flor na nililikom na ang mga basura na nakapuwesto malapit sa garahe. Nakasarado pa naman ang mga pinto namin kaya hindi ako kinabahan kung marinig niya ba ang pinag-uusapan namin ni Gino. From her spot, manang might probably assume Gino & I were just talking stuff about school, probably.

"Sana sa susunod na alis natin.. girlfriend na kita." rinig kong sabi niya habang nagtatanggal na ako ng seatbelt.

It was almost a whisper pero dahil patay na ang stereo kaya narinig ko iyon. Napahinto ako sa ginagawa at napabaling agad sa kaniya. Napaiwas agad ng tingin ang damuho before pretending to be busy on something.

"Hindi ka naman kasi nagtatanong." Humagikhik ako. Huminto siya sa kung anumang pinagkakaabalahan sa gilid at mabilis na bumalik ang tingin sa akin. Bumilog ang mga mata niya bago kumunot ang noo.

"H-ha?"

Oh, god. Hindi niya yata na-gets. I sighed.

"Hindi ka nagtatanong." pangalawa ko 'tsaka nagkibit-balikat.

Nakaawang ng kaunti ang bibig niya na parang may gustong sabihin kaso napipigilan. His face clearly showed surprisement. Napaismid na lang ako.

Hindi mo ba inaasahang sasagutin na kita ngayon, Maginoo? Hindi lang ikaw may kayang mang-surprise 'no!

"I-ibig mong sabihin," tila nagdududa pa niyang sambit.

Napairap ako. This savage is such a slowpoke!

"Yes, Gino." sabi ko nang maibalik ang tingin sa kinauupuan niya. "Yes, tayo na; sinasagot na kita."

Natulala siya sa driver's seat. Nakahawak pa rin ang kaliwang kamay sa steering wheel. Nakabuka pa rin ang bibig hanggang sa dahan-dahan, unti-unti nang napalitan ng masayang ngiti. His hearty laugh then echoed as if he had won something big. His two charcoal-black eyes glinting and somewhat becoming teary.

"Hala, tuwang-tuwa ka naman, mahal." nangingiting biro ko at oo na, ako unang gumamit nu'ng tawagang gusto niya.

Bumagsak ang kamao niya sa busina at bumaling sa akin. "Tangina! Sabi mo mahal?"

"Gino! Hindi ba sabi ko bawal magmura—" pagagalitan ko sana kaso biglang nanunggab ng halik ang damuho.

Nakahawak siya sa batok ko gaya ng ginagawa niya sa tuwing inaangkin ako. Nararamdaman ko ang gaspang ng palad niya sa likuran ng leeg ko habang nagpapatianod naman sa dampi ng labi niya. Nakatingin ako sa mga mata para na namang nalasing hanggang sa naramdaman kong kinagat niya ng mahina ang labi ko. Napaungol ako at napapikit.

Nanghihina kong inilapag ang isang kamay sa matikas niyang binti. His caress on the nape of my neck is making me really weak. Nabubura ng haplos niya ang isip ko sa paligid namin.

Huminto ako nang biglang may maalala. Dumilat 'tsaka mabilis na tinulak si Gino. Umungol siya.

"Bakit?" tanong niya at tila nabitin sa nangyari.

I remained silent. Sh¡t, Rhiannon.

"Mahal," tawag ni Gino at masikap na inabot ang nanglalamig na kamay ko na nasa isang binti niya.

Naramdaman ko ang pagguhit ng malamig na pawis sa likod ko. Napalunok ako. Bakit ko iyon nakalimutan?

"Nabigla ba kita? Pasensiya na, mahal. Nadala lang ako ng emosyon," bago niya patakan ng matagal na halik ang ibabaw ng kamay ko.

That made me more nervous especially everything that is happening inside this car can be seen from the outside. Non-tinted nga pala ang mga salamin. Humarap ako sa direksyon ng garahe at halos takasan ng kaluluwa nang makitang nandoon pa nga si Manang Flor.

Nakatayo habang nasa isang kamay ang itim na supot ng mga basura, nakaawang ng kaunti ang nangungulubot na labi, nakatitig sa aming dalawa na nasa loob pa rin ng sasakyan, nagulat sa nakita sa amin ni Gino. Napamura na lamang ako.

"Shit."

Continue Reading

You'll Also Like

4K 316 5
SCARLET ELISSE X HUGO ALEXANDRE II WARNING: THIS IS A TRANSGENDER X STRAIGHT MAN STORY. MINORS AND HOMOPHOBICS ARE NOT ADVISED TO READ THIS STORY. RE...
3.7K 187 56
Meet Axl Givonecharee, a son of a well-known billionaire. Some says he's torturing himself. Some says he's killing himself. Some says it's better to...
Munimuni By jelo

Short Story

21K 1.1K 110
"Straight ako, pero bakit ngayon hindi na yata ako sigurado?" - David Musika Series #1
1M 29.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...