Fontabella 4: Taking The Risks

By TheButterflyReturns

6.4K 340 175

Taking The Risks Aljon Kaizer is chasing the criminal until it vanished from his sight. Running after that ma... More

Taking The Risks
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 4

307 20 7
By TheButterflyReturns

Chapter 4

Naglakad na lang ako pauwi sa bahay dahil malapit na lang naman na ang bahay namin mula sa paradahan ng jeep. Sobrang sakit na rin ng balikat ko at sobrang bigat ng pakiramdam dahil siguro sa pagod at sa stress na nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw.

"Huy, mamsi!" kalabit ko kay Jade na nakasandal sa tindahan nila.

"Oh, anong balita sa 'yong bakla ka?" tanong niya saka ibinaba ang kaniyang cellphone at hinarap ako. Nakita ko kung paano nanlaki ang mata niyang puno ng takot nang lingunin niya ako.

"Ayos lang naman, medyo mabigat nga lang balikat ko." sabay hilot dito sa aking balikat. Natulala si Jade at tumayo sa kaniyang kinauupuan.

"Ah eh, sige, Lin, pasok ako sa loob naiihi ako hehe." sabi niya bago tumakbo papasok sa loob ng bahay nila na parang takot na takot. Weird. Naglakad na lang ako pauwi sa amin dahil wala naman na akong kailangan pang gawin kila Jade, alangan naman kausapin ko 'yung tinda nilang sardinas na 555.

"Ma! Pa!" tawag ko mula sa gate namin pero mukhang tulog na sila dahil walang sumasagot.

"Hayst." buntong hininga ko at inabot ang lock ng gate saka ito binuksan. Nang makapasok na ako sa loob ay tuluyan ko nang ini-lock ang gate at pumasok sa loob ng bahay. Kahit madilim dahil patay ang ilaw ay alam kong wala ng tao sa sala pero iba pa rin ang pakiramdam ko.

Hindi ko mawari na sa gitna ng dilim at katahimikan ay may parang nakikinig sa akin at mata na nakatingin. Bigla kong nilingon ang aking likuran dahil may naramdaman akong enerhiya mula rito pero laking luwag ng hininga ko dahil wala naman akong nakitang tao.

Kahit na kulob naman ang buong bahay namin ay may ihip ng hangin akong naramdaman. Malamig ito at mamasa-masa. Nagdala ito ng kakaibang tindig balahibo sa akin na sobrang nakakakilabot kaya napatakbo ako sa loob ng kwarto ko at binuksan ang ilaw.

Kabig kabig ang aking dibdib ay hinahabol ko ang aking hininga dahil sa sobrang takot na aking nadarama. Parang may nakatingin pa rin sa likod ko kaya nilingon ko ulit ito pero wala naman akong nakita. In my peripheral vision I saw one black man like thing standing outside the door of my room but when I gazed at it, I saw nothing but completely darkness.

Nababaliw na siguro ako kakapanood ng kung ano-ano sa telebisyon at sobrang kakakape ko rin ito kaya masiyado akong kinakabahan. Yeah, baka nga. Hinubad ko na ang suot kong damit at ang sinuot ko naman kagabi na nakalagay sa labahan ay kinuha ko.

Gaya ng sabi ni kuya Dani ay sunugin ko raw ito and wala eh ang sabi niya sunugin ko raw kaya naman susunugin ko nga. Nagbihis na ako ng sando at cycling dahil sobrang alinsangan kahit na gabi naman. Wala naman kaming air-con dahil poor lang ang lolabells niyo pero keribells pa rin naman sa life.

Gamit ang flashlight ng phone ko ay hinanap ko ang posporo sa malapit sa kalan at nang makita ko ito ay binuksan ko na ang gate sa likod ng bahay namin. There's two either way you can enter and exit our house. Dito sa likod at syempre sa harap.

Ang tanging tunog ng mga kuliglig sa gabi na lang ang aking naririnig dahil hating gabi na at tulog na ang lahat ng tao. Hihina naman magpuyat ng mga ito. Gamit pa rin ang flashlight ng phone ko ay naglakad na ako patungo sa dilim at sa sigaan ng mga basura namin dito sa buong bakuran.

Hindi ko alam sa mga kamag-anak kong ito, sabi ko naman na huwag nilang sanayin na nagsusunog ng basura kaso ang titigas ng mga bungo. Initsa ko ang damit ko sa siga at tumalungko para sindihan ito ng posporo. Ilang sandali lang ay nagsimula nang lumaki ang apoy nito at sobrang baho talaga ng nasusunog na damit.

Napaubo pa ako ng ilang beses at dahil nga sa apoy ay nagliwanag ang buong paligid ng kaunti.

"Hoy, umalis now riyan baka masunog ka!" sigaw ko sa pinsan ko na nagtatago sa likod ng apoy at usok na ginagawa ng damit.

"Huy!" bawal ko pa ulit at nang sisilipin ko ito mula sa siga ay wala naman akong nakita pero may naririnig akong tumatawa.

"Jelaine, nako, kapag nahuli kita isusumbong talaga kita kay Tita!" banta ko sa kaniya at inikot ang buong apoy pero laking dismaya ko dahil wala na siya.

"Parang tanga naman oh!" umirap na lang ako at nanatili sa kinatatayuan. Bahala siya riyan. Mabigat na rin ang talukap ng aking mga mata dahil madaling araw na at gusto ko nang matulog kaso, fuck, kailangan kong bantayan ito at baka ako pa sisihin ng kapitbahay namin kapag nagkaroon ng sunog.

I know that my body is still active and alive, ang mga mata ko lang ang hindi kaya kahit naka sara ang mata ko ay nararamdaman ko pa rin na may kakaibang presensiya sa paligid ko.

"Gabi na mga, sis, huwag na kayong manakot." sabi ko at kumurap ng ilang beses. Those lingering stares at me. Nilingon ko ang madilim na parte ng bakuran namin dahil pakiramdam ko ay may matang nakamasid sa akin doon pero wala naman akong nakita. Is this what they call your sixth sense? Third eye or something?

Masiyado na akong nagpapaniwala sa kanila, makapasok na nga ng bahay. Iniwan ko na ang siga dahil malapit naman nang masunog ng tuluyan ang damit. Pagkapasok ko ng bahay ay kaagad kong isinara ang pinto at tumakbo papasok ng kwarto ko at nahiga.

Whew. That was just a terrifying moment.

Nahiga na ako sa kama nang nakatihaya dahil hindi ako sanay ng natutulog ng nakadapa. Pagpikit ko ng aking mata ay kaagad na ako binalot ng dilim.

Pagdilat ko ng aking mata ay madilim pa rin sa paligid pero nasisigurado kong umaga na. Sinubukan kong tumayo kaso parang hindi ako nakakagalaw at ang tanging mata lang ang pwedeng makagalaw sa akin.

Naririnig ko rin ang buong paligid, ang nakakabinging katahimikan, ang tunog ng electric fan. May naririnig din akong naglalakad kaya tumaas ang balahibo ko at nanlamig ang aking mga paa.

"Ma!! Pa!!" sigaw ko pero kahit na anong sigaw ko ay walang boses na lumalabas sa aking bibig. Para akong pipi na hindi kayang magsalita at tanging sa isip ko lang naririnig ang aking sarili.

Sa paanan ko ay may naramdaman akong malamig at basang kamay ang humawak sa paa ko. Pagkatingin ko rito ay mga itim na kamay ang nakahawak sa akin. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko ngunit para akong paralisadong hindi makakilos.

"Mama!!! Papa!!!" sigaw ko ulit sa aking isip.

Ang isang presensiya ng lumalapit sa akin ay malapit na kaya nang lingunin ko ang pintuan sa aking bandang ulo ay may nakita akong isang babae, pula ang kaniyang mga mata. Mas nangilabot ako at mariin kong ipinikit ang aking mata.

"Tulong! Tulong!!!!" sinubukan kong igalaw ang katawan ko kaso hindi ko talaga magalaw. Para akong maiiyak at nang idilat ko ang mga mata ko ay magkatapat na ang mukha namin ng babaeng pula ang mata. May bahid na dugo sa kaniyang labi.

Nakakatakot na parang mawawalan ako ng malay, ang kamay at paa kong tila ba ay nakagapos dahil hindi ako makagalaw. Sinubukan kong igalaw ang daliri sa aking kamay at paa kaso hindi ito umepekto.

Unti-unti na nila akong hinihila mula sa aking higaan, sinubukan ko mang pumalag ngunit wala akong lakas para gumalaw. Parang nabasa ko na ito noon sa Facebook. Ito na siguro ang sinasabi nilang sleep paralysis.

Ipinikit ko ang mata ko kahit na nararamdaman kong hinihilia nila ako patungo sa labas ng bahay namin.

"Our Father, Who art in Heaven, hallowed be Thy name; Thy Kingdom come, Thy will be done on earth as it is in Heaven." dasal ko sa isipan ko pero pagmulat ko ng aking mata ay hinihila nila pa rin nila ako.

"Lord, please I need you to save me please! Please!" nakita kong malapit na kami sa siga kung saan sinunog ko ang damit ko.

"Lord!!! Promise ko I will be good to everyone! Save me please! Iligtas niyo po ako!" mas taimtim ko pang dasal at iginalaw ang daliri sa aking paa at kamay. Bigla akong napabangon sa aking kama habang kabig ang aking dibdib at hinahabol ang aking hininga.

Inilibot ko ang buong paningin ko at nakitang bumalik na ang lahat sa dati. May sinag ng araw na rin ang pumapasok sa loob ng bahay kaya tumayo ako sa kama at tumakbo palabas ng sala kung saan may tao.

Nakakatakot. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang mararamdaman ko. Si mama at papa naman na nagkakape ay tinignan lang ako ng masama.

"Mukha kang lukaret. Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni mama sa akin at isinubo ang pandesal. Naupo ako sa bakanteng silya habang sinusubukang iproseso sa utak ko ang lahat ng nangyari.

"Nakakatakot, ma." tangi kong nasabi sa kaniya.

"Anong nakakatakot?" tanong niya.

"Multo." sa sinabi kong iyon ay bumunghalit lang siya ng tawa.

"Kakakape mo 'yan." aniya at muling tumawa.

TheButterflyReturns © 2021

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 54.4K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...