Peripéteia of Malakós (Filipi...

By Spark_In_Light

1K 240 194

Kimmy --- A seventeen-year-old girl who dreamt to be one of the 7th highest throne, lead the republic of dist... More

Disclaimer
Synopsis
Chapter 1: New World
Chapter 2: Salamisim
Chapter 3: Zero
Chapter 4: Patatas
Chapter 5: Time Travel Exists?
Chapter 6: Pest
Chapter 7: We Meet Again, Zero
Chapter 8: Baka
Chapter 9: Soft Bear
Chapter 10: Same Book
Chapter 11: Subasta
Chapter 12: Tsuki Ga Kirei Desu Ne?
Chapter 13: Sisters
Chapter 14: A Talk
Chapter 15: A Heart
Chapter 17: Doktor
Chapter 18: 1777

Chapter 16: Bruise

26 7 3
By Spark_In_Light

Kimmy

"Hindi kayo tao," aniko. Umiling ako at lumayo mula sa kaniya. Nasa magkabilang dulo ng kama kaming dalawa. "Hindi na kayo tao—"

"Trust me. We are."

"Ang tamang lugar ng puso ay nasa kaliwa. Bakit sa 'yo, nasa kanan?"

Natawa ito sa tanong ko. Para bang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko. "Para saan pa't naging ranggo ako kung hindi ako kakaiba?" saad niya na nakapagpatahimik sa akin.

May punto siya roon. Kakaiba sila at itinuturing sila na tila Diyos ng mga tao ngayon dahil sa kakaiba nilang mga katangian. Ang akala ko noon ay tungkol lang sa uri ng dugo, hindi ko batid na mas malala pala.

Bumuntong-hininga ako at inihilamos ang aking kamay sa mukha.

Mariin akong napapikit.

Bakit kailangang mag-sunod-sunod ang mga nalalaman ko ngayon? Hindi pa nag-si-sink-in sa akin ang isa. Ngayon naman ay may bago akong iisipin.

Napabaling ako kay Zero na ngayon ay komportable ng nakaupo. Nakasandal ang kaniyang likuran sa pinagpatong na puting mga unan. Mariin siyang nakatitig sa akin.

"Lahat ng ranggo ay katulad mo?" tanong ko.

Pumungay ang kaniyang mga mata. Mukhang inaantok na siya ngunit pinipigilan lang niya ang kaniyang sarili.

"Each rank has a unique characteristic, so I don't know if we're all the same. But I assure you, we have the same blood type even though we aren't blood related," he said between his laughter.

"Malamang..." bulong ko.

"Hindi ka ba... magpapasalamat?" aniya.

Kumunot ang noo ko. "Bakit kita pasasalamatan? Nakalimutan mo na ba na tauhan mo ang pumatay sa tatay ko—"

"But I already killed him," untas niya na parang bata.

"Kulang pa. Babawiin ko pa ang lola ko. Tapos ikaw naman ang papatayin ko—kayong pitong mga ranggo."

He chuckled mockingly. "I doubt!" aniya at mas lalong pumungay ang mga mata. "You cannot defeat us, but..." Tinitigan niya ako diretoso sa mga mata. "I am willing to be killed by you..." Kapagkuwan ay itinuro niya ang kaniyang kanang dibdib. "This is my weakness," aniya.

Tumaas ang kilay ko. "How about the other Higher Ranks?" tanong ko na nagbabakasakaling maisahan siya.

Humugot siya ng malalim na hininga at ngumisi sa akin. "Secret!" aniya. "It's for you to find out!"

"'La kang kwenta," bulong ko.

Inirapan ko ito dahil sa kalokohan niya. Bumuntong-hininga ako at tumayo. Nilapitan ko ang bag kong nahulog sa lapag dahil sa pagbagsak ni Zero. Dali-dali ko itong pinulot.

Nakaramdam din ako ng gutom kung kaya't inilibot ko ang paningin kung mayroon bang makakain. Nanlumo ako nang wala akong makita ni isang pagkain.

Napakalaking kwarto, walang pagkain. Kung ako ang asawa ng nakatira rito, lalayasan ko talaga siya.

Bumalik ako kay Zero upang manghingi ng pagkain pero hindi pa ako tuluyang nakakapapunta nang makita siyang mahimbing na natutulog habang ang mga binti ay nasa ibaba.

Tumagilid ang ulo ko at pinagmasdan siya. "Aba, mabait ka pala tignan kapag tulog?" bulong ko sa aking sarili.

Nilapitan ko ito at inayos ang kaniyang higa. Ipinatong ko ang kaniya mga paa sa kama ngunit sinigurado ko muna na natanggal na niya ang kaniyang sapatos. Matapos ay kinumutan ko siya.

Sa tinulugan ni Zero kagabi ako matutulog. Titiisin ko na lang siguro ang gutom tutal sanay naman ako magtiis ng ganito. Hindi na bago sa aking pakiramdam ang gutom.

Hinanap ko ang switch na kinakapa ni Zero sa dingding. Nang makita iyon ay agad kong pinindot. Dahan-dahan akong naglakad para hindi maabala ang tulog ni Zero at nahiga sa sofa na parang maliit na kama rin.

---

Kinabukasan, nagising ako dahil sa isang malakas na katok mula sa labas. Agad na nagmulat ako ng aking mga mata . Bumaling pa ako kay Zero na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin na natutulog.

Marahas akong bumangon at pumunta sa pinto tsaka marahas itong binuksan.

Naabutan ko si Yuan na pinipigilan ng pitong gwardya ni Zero na pumasok. Si Cath naman ay nasa gilid habang aligaga, kasama pa niya si Venus.

"Ano na naman?!" bagot na usal ko. Inaantok pa ako at gutom na gutom, nakaka-badtrip!

"Sinusundo na kita. Umuwi na tayo." Hinatak ni Yuan ang kamay ko papaalis ngunit bago pa kami tuluyang makaalis ay narinig ko ang pamilyar na boses sa aming likuran.

"Hindi ka na dapat nag-abala na sunduin siya. Ihahatid ko siya mamaya. Kakain muna kami."

Napabaling kami kay Zero. Mapupungay pa rin ang kaniyang mga mata. Tanda na kakagising lang din niya.

"Hindi na, naghanda ako ng pagkain para sa kaniya," sabi ni Yuan.

"Ngunit masasayang lang ang inihanda ng tauhan ko."

Napabaling ako kay Cath na ngayon ay nakikipagbangayan din kay Venus.

"Isama mo na paalis ang amo mo!" aniya kay Venus.

Pinanlakihan siya ng mga mata ni Venus. "Sa tingin mo ba'y mapipigilan ko siya? Baka mamaya, ako pa ang ipakain niya sa mga bulate!"

Napasintido ako. Jusko, bakit ba araw-araw sumasakit ang ulo ko sa mga tao sa district three? Ano ba talaga ang problema sa mga tao rito?

Pumiglas ako mu;a sa pagkakahawak ni Yuan at humugot ng marahas na buntong-hininga. Kapagkuwan ay pinagmasdan ko silang dalawa gamit ang matatalim na mga tingin.

"Kayong dalawa..." Turo ko sa mga ito. "May gusto ba kayo sa akin?!" asik ko.

Narinig ko ang pagsinghap ni Cath habang napatili naman si Venus. Napasinghap din ang pitong mga gwardya ni Zero dahil sa sinabi ko.

"Batid mo kung ano ang nararamdaman ko, Kimmy," pag-amin ni Yuan.

Napabaling ako kay Zero. Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. "Kasing dami ng pahina ng diksyonaryo ang balat sa iyong mukha, Kimmy," sagot niya.

"Sinasabi mo ba na makapal ang mukha ko?"

"Kung iyan ang—"

"Tigil!" aniko. Napasabunot ako sa aking sarili. "Alam kong maganda ako! Gwapo kayo at matalino pero hindi kayo ang tipo ko!"

Kumunot ang noo ng dalawa.

"Gusto ko 'yong ready-made-family na! 'Yong single dad with kids na!" Napapadyak pa ako sa lapag. "Wala kayong pag-asa—" Agad na nagsalita si Yuan.

"Anak." Bumaling siya kay Venus." Ipagtimpla mo ako ng kape."

"Po?" Nagtaka si Venus sa inasal ni Yuan. "Kape?"

"Oo, kapeng barako. Madali ka, anak," aniya.

Biglang nagliwanag ang mukha ni Venus. "Ah, sige po, Tay!"

Napailing ako kay Yuan. "Malala ka na—" Natigil ulit ako nang tumikhim si Zero. Napabaling ako sa kaniya.

Nilapitan niya ang kaniyang pitong mga gwardya. "Mga anak, magpahinga na kayo." Tumango-tango pa ito. "Ayaw ng tatay na mapagod kayo, bumalik kayo mamaya."

Ang walang emosyon na mga tauhan niya ay nanlaki ang mga mata at bahagya pang umawang ang mga labi. Tila ba hindi sila makapaniwala sa sinasabi niya.

Nagulat din ako sa ginawa niya.

Umalis ang kaniyang mga gwardya at bumaling naman siya kay Cath. "Ikaw, h'wag kang makinig sa usapan ng matatanda. Uwi!" aniya. Dali-dali namang umalis si Cath.

Napailing ako sa kanilang dalawa habang nakasabunot sa sarili ko. Hindi pa ako nakakaalis sa district three ay baliw na ako. Ano bang uri ng mga tao sila rito?

"Isang anak? 'Di hamak na mas marami akong anak—" Pinutol ni Yuan ang sinasahi ni Zero.

"Tama na muna ang isa, daragdagan naman namin iyon ni Kimmy ng sampu." Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang napahawak sa tiyan ko. Ano ba ako? Inahing baboy?

Bago pa makapagsalita si Zero ay pumagitna na ako.

"Tama na nga! Mga siraulo! Aalis na ako, kailangan ko ng balikan ang mga kaibigan ko!" aniko at tinalikuran na sila.

Hindi dapat ako magkagusto sa isa sa kanila. Ang tatay ko ang pumatay sa tatay ni Yuan habang si Zero naman ay isang ranggo. Kailangan ko pagbayaran ang ginawa ng tatay ko at kailangan ko rin pabagsakin ang mga ranggo.

At kung hindi ako pwedeng magkagusto kay Yuan, mas lalong hindi pwede kay Zero dahil kalaban ko siya.

Nakasalubong ko si Venus dala-dala ang tasa ng kape. Agad ko siyang hinatak at sinama paalis.

"Sandali, ihahatid ko kay Itay ang kape—"

"'Wag na! Samahan mo na lang ako pabalik sa building ng itay mo," aniko.

"Ikaw ba'y nakapili na kung sino sa dalawa?" tanong niya sa akin.

Humina ang paglalakad ko at natahimik.

"Kailangan ba? Hindi lalaki ang hanap ko; katarungan at kapayapaan—"

"Ngunit payapa naman ang ating lugar."

Napatawa ako. "Ikaw ba, alam mo ang pinagkaiba ng kapayapaan at kalayan?" aniko. Natigilan din siya at napaisip. "Oo nga't payapa kayo rito ngunit alam mo ba na kahit payapa ay hindi kayo malaya?"

"Malaya kami," aniya. "'Yon nga lang, ang kalayaan ay may hangganan."

Lumiko kami sa lugar na may mga matatayog na bahay.

"Naranasan mo na bang tumira sa lugar sa ibaba? Ang pagbabawal lumabas sa mga taga-district four pagsapit ng gabi dahil may mabangis na hayop—na sa totoo ay hindi naman ito mabangis. Ang pagsasawalang bahala ng mga ranggo sa district five at mistulang ginawa silang tambakan ng basura. Iyon ba ang kapayapaan? Habang ang mga tao sa baba ay nagnanakaw upang malamanan ang t'yan. 'Yan ba? Kung gaano kapayapa rito ay siyang kagulo sa ibaba—" Hindi ko natuloy ang aking sinasabi nang may babaeng bumunggo sa aking harapan.

"Tulungan mo 'ko..." paghingi niya ng tulong.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kaniyang sugatang mukha at puro pasang mga braso. Nanginginig pa ang kaniyang mga kamay habang nakahawak sa magkabilang braso ko.

"Anong nangyari—"

"Kimmy, iwan na natin s'ya, baka madamay tayo—" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hanapin mo si Yuan."

"Kimmy..."

"Hanapin mo!" sigaw ko. Nag-aalangan man ngunit agad siyang tumalikod sa akin at umalis.

Napabaling naman ako sa babae na lumuluha sa aking harapan. Lumingon ako sa bawat gilid upang makahingi ng tulong ngunit lahat sila ay umiiwas ng tingin at umiiba ng daan.

Anong klaseng buhay naman kaya ang meron sa district three? Hindi man lang nila tinulungan ang kawawang babaeng ito?

Continue Reading

You'll Also Like

395K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...