Embracing the Wind (Formenter...

By mughriyah

269K 3.3K 488

Warning: This novel will talk about suicide, rape, violence, depression, sex and inappropriate languages. If... More

Embracing the Wind
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Note

Chapter 8

4.2K 74 5
By mughriyah

"Wala pong anuman, Sir Rando."

Ngumiti ako sa kanya. Nagpapasalamat siya dahil nakaligtas sa sakit ang anak niya at kanina pa siya humihingi ng tawad dahil pinagtangkaan niya ang buhay ko.

"Patawarin mo talaga ako, Ms. Levisay," aniya ulit.

I shook my head. "It's okay. Lahat tayo nagkakamali. Alagaan mo na lang po ang anak niyo," sambit ko.

"Hindi ko alam kung paano ko mababayaran ang lahat nang naitulong mo. Nahihiya ako sa'yo at sa anak ko dahil halos pumatay na ako... patawarin mo ako. Napakasama kong tao."

I smiled. At least he knows how to apologize. We all make mistakes... but as long as we grow from them, that's what matters. Don't hate yourself just because you've done something wrong, use that to be a better person and learn from it.

Nang nakauwi na si Sir Rando ay sinalubong ako ni Aster. "Hey, babe!" Humalik siya sa pisngi ko. "Nandito na 'yung maldita mong kapatid?"

"She might hear you, Aster," sambit ko kaya umikot ang mga mata niya.

"Nasaan ba siya?" tanong niya at tumingin sa paligid ng bahay.

"She's upstairs," sagot ko. Naikwento ko na sa kanya ang nangyari sa amin ni Hale pati ang paghingi nito ng tulong sa akin.

"Ayaw sa mga lalaki pero gusto si Wane? Wow joker," aniya kaya napailing ako.

"Iba naman si Wane, kababata niya 'yon, Aster," I said.

"Kfine. Bukas na pala 'yung contest 'no?" aniya nang kinuha ang juice na inilapag ni Joreign – isa sa mga kasambahay namin.

"Yup. Kinakabahan nga ako dahil first time kong gagawin ang pagjujudge." Kinuha ko ang throw pillow at ipinatong sa hita ko.

"Sus, alam naman nating lahat na patas ang gagawin mong panghuhusga kaya 'wag ka nang kabahan! You are almost perfect, Yen." She winked at me.

Yeah, Aster's really my number one supporter.

"Pero tutulungan mo ba si Hale? Nililigawan ka na ni Wane, e," aniya kaya natahimik ako.

Hindi ko talaga alam kung paano ko tutulungan si Hale. I don't have any idea. Natatakot akong baka pumalpak ang pagtulong ko kay Hale pero iniisip kong baka ito na ang maging dahilan para magkalapit kaming magkapatid.

"Hale told me not to say anything to Wane. Ayaw niyang malaman ni Wane na nagsinungaling siya noon. Hindi ko alam ang gagawin para makatulong sa kapatid ko, Aster." Bumuntong-hininga ako at sumandal sa sofa.

"Eh ikaw naman kasi ang gusto ni Wane, palagi talagang sapaw 'yan si Hale," inis na sambit niya at humalukipkip.

"Ay pero!" Pinitik niya ang daliri niya. "Gusto ka rin ni Ethan 'di ba? Si Ethan na lang kaya ang sa'yo tapos si Wane ang kay Hale? Sino ba bet mo sa dalawang 'yon?" Ngumisi siya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya dahil wala naman akong gusto kay Wane at Ethan. Hindi ko pa talaga 'yan naiisip. Gusto ko lang mag trabaho nang mag trabaho.

"Enough of that, Aster. I don't like them, okay? Mag-iisip na lang ako ng paraan para matulungan si Hale," sambit ko at tumayo. Tumayo na rin siya.

"Sure ka hindi mo pagsisisihan?" nakangising tanong niya kaya nakagat ko ang labi ko at umiwas ng tingin sa kanya. Naglakad ako papasok sa kwarto ko at sinundan naman niya ako.

"You're hesitating, Yen. I know you very well. C'mon, babe. You like one of them." Nauna siyang humiga sa kama ko.

"I said no. Hindi ka pa ba hinahanap ni Chester?" tanong ko.

She rolled her eyes. "Hayaan mo nga 'yon! Palagi na lang siyang bida-bida sa buhay ko," inis niyang sambit at inilabas ang phone niya.

Umupo ako sa swivel chair at inikot-ikot 'yon habang nag-iisip kung paano ko matutulungan si Hale. Wala talagang pumapasok sa utak ko pero kailangan ko nang mag-isip.

Inilabas ko ang phone ko.

@hopelevisay
Hey, Frost.

@wane
Hey, babe. What's up? Miss me?

I bit down my lip.

@hopelevisay
Are you free tomorrow after the contest? Hmm... let's go out.

@wane
Damn, babe. Are you asking me out? Fine, sinasagot na kita.

Napabuntong-hininga ako.

@hopelevisay
It's not what you think, Frost. Let's have a meal tomorrow. I'm not asking you to be my boyfriend.

@wane
Whatever. Let's have a meal, then. I'll treat you tomorrow.

Hindi na ako nag reply. Isasama ko si Hale bukas at iiwan ko siya kay Frost. Hindi naman niya siguro sasaktan ang kapatid ko. May tiwala ako kay Frost.

Inilapag ko ang phone ko at tinignan si Aster. Nakakunot ang noo niya kaya nilapitan ko siya.

"Bakit?" tanong ko at tumabi sa kanya.

"Yen..." she called me without looking at me.

"Why?"

"My parents want to send me to Spain..."

My forehead automatically creased. "Huh? Bakit? What's the reason?" mabilis na tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. "Ayokong umalis."

"But that's what your parents said," I said and she just took a breath.

"Ayoko ro'n..." mariing sambit niya at kumuyom ang kamao.

"Bakit?" mahinang tanong ko.

Umiling siya at tumayo. "I gotta go. Bye." Hinalikan niya ako sa pisngi at hindi na ako nakapagsalita dahil mabilis siyang lumabas.

Napabuga na lang ako sa hangin. Nagpalit ako ng damit. Simpleng fitted blue jeans, white fitted t-shirt na naka-tuck-in at white sneakers. Itinali ko ang buhok ko at lumabas.

"Oh, Yen, you're here." Sinalubong ako ni Benj. Kinindatan naman ako ni Shana.

"May ramp ka next month. Imomodel mo 'yung mga bagong designs ni Mrs. Alexandra," he said.

Yes, Mrs. Alexandra is not just a model but also a designer. She's talented that's why I really like her.

"Benj, I'm going hom—" Napatingin ako sa lalaking galing sa kabilang kwarto at napatigil siya nang makita ako.

"Woah, ganda." Agad siyang tumabi sa akin.

Asul ang mga mata niya at magkasing tangkad lang siguro sila ni Frost. Napalunok ako dahil masyado siyang maligalig. "Are you Yen?"

"Y-yes," sambit ko.

"Hoy, Dylan! Pati si Yen titiradurin mo! Umuwi ka na nga!" Tinulak ni Shana si Dylan.

"Ano ba, Shan! 'Di ko naman titiradurin! Makikipag kaibigan lang!" asik ni Dylan.

Binatukan siya ni Shana. "Manhid ka ba? Naiilang siya sa'yo!"

Inis na pinasadahan ni Dylan ang kanyang buhok at ngumiti nang tumingin sa akin. "I really wanted to see you and now I can't believe that you are here in front of me," he said.

"O-oh... I see." Tumango ako.

"Tigilan mo ang alaga ko, Dylan, ah!" sigaw ni Shana.

"Enough, Shan. Dylan will be her partner dahil may bagong magazine na ilalabas at si Yen ang cover no'n."

Napatingin ako kay Benj at busy siya sa pag s-scroll down sa iPad niya.

"So she'll be my partner?" Nakita ko ang pagngisi ni Dylan.

"Yeah, partner lang. Huwag mong isali sa mga laruan mo si Yen, I'll kill you." Inilapag ni Benj ang iPad sa lamesa at humalukipkip.

"Yen, are you ready for tomorrow?" nakangiting tanong ni Benj.

Naalala ko na naman na bukas na pala ang contest. "Uhm, yeah. I'm ready," I said.

"Woah? She's a model, right? Tapos ngayon isa na siya sa judges? Woah!" Dylan clapped his hands.

Hindi ako nakapagsalita nang tumunog ang phone ko. Kinabahan ako nang makita ang pangalan ni Mommy kaya agad akong nagpalaam sa kanila at tumayo.

Nasa elevator na ako nang sinagot ko ang tawag niya. "Mom..."

"What are you thinking, Chayenne?!" I bit my lip when I heard her voice. She was angry.

"W-what did I do, Mom?"

"Don't call me like that you're not my daughter!"

Namuo ang luha sa mga mata ko nang marinig ang sinabi niya. I bit down my lip again as I held back my tears.

"Don't you dare help my daughter! Wala akong pakialam kung sino ang lalaking 'yon basta 'wag mong tutulungan ang anak ko!" sigaw niya. Napayuko na lang ako habang nakikinig sa kanya.

"You don't know my daughter, Chayenne! Leave her alone! Leave my family alone!"

Tears had finally escaped, starting to stream down my face. Hindi ako sumasagot, nakikinig lang ako sa kanya dahil wala akong karapatang sagutin siya o mangatwiran sa kanya.

"I'm warning you, Chayenne. Don't ever help my daughter. If you do that... I'll kill you."

Naputol na ang linya kaya lumakas ang paghagulgol ko. Mabuti na lang at walang ibang tao sa elavator.

Nang bumukas ang elevator ay mabilis akong tumakbo. May nabangga akong tao dahil sa pagtakbo ko kaya humingi na lang ako ng tawad nang hindi siya tinitignan dahil ayokong may makita na umiiyak ako.

Paglabas ko ng building ay bumuhos ang malakas na ulan pero patuloy ako sa pagtakbo.

"Don't call me like that! You're not my daughter!"

Bumilis ang takbo ko. I don't know where to go. Pakiramdam ko lang kapag nakalayo ako ay makakalayo rin ako sa sakit ng mga sinabi ni Mommy sa akin.

"You don't know my daughter, Chayenne! Leave her alone! Leave my family alone!"

Patuloy na bumabagsak ang ulan kasabay ng mga luha ko. In my whole life I have never felt her love because for her, Hale is her only daughter. Parang hindi ako nag e-exist, parang isa akong malaking pagkakamali sa buhay niya... at 'yan ang araw-araw na pumapatay sa puso ko dahil araw-araw akong nasasabik sa pagmamahal ng ina na kahit kailan ay hindi ko naranasan dahil hindi niya ipinaramdam.

"I'm warning you, Chayenne. Don't ever help my daughter. If you do that... I'll kill you."

Hinihingal akong tumigil sa pagtakbo. Mabilis ang bawat paghinga ko at gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Parang tinakasan ako ng boses.

Itinikom ko ang bibig ko at yumuko saka pumikit. Gumagalaw ang dalawang balikat ko habang tahimik na umiiyak.

Biglang rumehistro sa isip ko ang nakangiting mukha ni Hale.

Hale... you're lucky... you have your mother.

Pag-uwi ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto. Tuyo na ang damit ko. I was about to take a shower when I saw something on my table.

Napakunot ang noo ko at lumapit doon.

"What is Life written by Selene Lewis," pagbabasa ko sa nakasulat na title sa cover ng libro. The author's name was also written on it. I don't know who she is but I want to read her book.

Dahan-dahan kong binuksan ang libro at bumungad sa akin ang Chapter 1.

What is life? Life is not about finding yourself, it is about creating yourself. Sometimes when we get lost, we don't look for ourselves but we change ourselves for the better. We create a new life that is stronger than we used to be so instead of finding wrong with your personality, you just change yourself so that you can be proud of who you are. Don't find yourself, creat yourself.

Napangiti ako at inilipat sa ibang pahina.

Life is about making mistakes but the best thing about it is the lessons that come with it.

If no one loves you, I love you.

Remember that you are loved, you are valued... and you are appreciated.

Marahan akong umupo sa swivel chair habang binabasa ang libro ni Ms. Selene Lewis. This book momentarily removed the pain in my heart.

Pakiramdam ko malas ako. Pakiramdam ko isang malaking pagkakamali na nabuhay ako dahil ayaw sa'kin ni Mommy... pakiramdam ko kasalanan ko na nabuhay ako.

I felt like I was alone even though Aster was always with me... even though my friends were always with me and now I feel so lonely but when I've read this book... I felt valued.

Naramdaman kong mahalaga ako para sa sarili ko, kahit hindi 'yon maramdaman ng sarili kong magulang.

Binasa ko ang huling nakasulat sa baba bago mapunta sa panibagong pahina.

Everything's fine as long as you have yourself so don't ever hate your life. You are perfect in your own world. Always remember that.

Tumulo ang luha ko pero nakangiti ako. Pinahid ko 'yon at sinarado ang libro. Bigla na lang akong napaisip.

"Who brought this book into my room?"

Tumunog ang cellphone ko kaya nabitawan ko ang libro. Pupulutin ko pa lang sana 'yon pero napakunot ang noo ko nang makita ang nakasulat sa likod ng libro.

Cold.

Continue Reading

You'll Also Like

4.3K 127 14
Bargain Nostalgia Series #2 (Mendez) Ailee Cayshean Cordova lived at her mom's friend's house; there she met Skyler Dawson Mendez, who is cold and si...
187K 2.7K 25
Once you enter, there's no turning back. "This passageway would change my life forever." Thyone Luna Dion's Story
497K 4.8K 32
Life is unfair. That's it. Klariziee Riela Cuevas, an innocent girl who's willing to do everything to achieve her dreams and finish her studies despi...
1M 14.7K 62
Siya ay isang babaeng simple, kalog at mapang asar. Lahat nang may kinalaman sa pagkabaliw. Siya na 'yon. Lahat ng mga problema niya idinadaan niya l...