Panotice Naman Crush!!

By YourSecret_Author

903 459 430

Meet Irish,ang babaeng mahilig mag-papansin sa kanyang crush,pero hindi naman siya pinapansin. Pero hindi pa... More

ACHIEVEMENTS
Chapter 1:Makulit na irish
Chapter 2: Sad Valentine's day
ANNOUNCEMENTS
Chapter 4:Andrei's Plan
Chapter 5:Convinicing him
Chapter 6:Karl's True Feelings
Chapter 7:ligawan?
Special Chapter
AUTHORS NOTE

Chapter 3:Brokenhearted

82 52 55
By YourSecret_Author

Irish's PoV

Kakagising ko pa lang pero napahawak ako sa ulo ko dahil ang sakit tsaka yung mata ko ang pula.baka sa pag-iyak ko yun kagabi.

Sa totoo lang malungkot akong naglakad palabas ng kwarto ko dahil sa nangyare kahapon.Baka siguro nga kailangan ko ng tanggapin na kahit kelan hindi niya na ko mapapansin.Hayyss maka-pag-move on na nga lang.

7:00 am ako nagising ok lang naman na magising ako ng ganon'g oras,total wala namang pasok.Nakita ko naman si mama
bising-busy sya sa pagluluto ng breakfast at busy din sya sa paghahanda.

"Oh anak gising ka na pala,oh mag-hilamos ka muna tapos umupo ka na dito at tayo'y kakain na." Pang-aaya sakin ni mama.

Tumango na lang ako at naglakad papunta sa c.r para maghilamos at saka na ko naupo sa upuan para kumain.

Naupo ako sa harap ni mama at kumuha ako ng kanin at ham.

"Oh anak,bat ka nakasimangot sa harap ng pagkain?may problema ba?" Nagtatakang tanong ni mama sakin.

"Wala ito ma." tipid kong sagot kay mama.

"Sige sabi mo eh."

Actually kaya natanong yun ni mama kasi dati-rati pag-gising ko ang sigla-sigla ko ika nga full of energy daig ko pa ang may birthday kung magsaya ako,pero sa nangyari kahapon mawawalan talaga ako ng energy kasi nga yung crush ko ang energy ko ay hindi ko na pala yun crush ex crush ko na lang pala yun.

~

~

Sabay kaming natapos kumain ni mama kaya sabay din kaming tumayo at akmang hahawakan na sana ni mama ang mga pinagkainan namin para ilagay sa lababo pero pinigilan ko na siya.

"Ma,sige na po ako ng bahala nyan,diba po may lakad po kayo?" Tanong ko kay mama at mukhang napaisip pa siya ng saglit.

"Ay oo nga pala nak!May lakad pala ako ngayon.Buti na lang pinaalala mo sakin.Pero teka nga nak,Sigurado ka bang ikaw na ang maghuhugas?Eh mukang may sakit ka eh." Pag-aalala sakin ni mama sabay hawak sa noo ko kung may lagnat ba ako.

"Ma,huwag na po kayong mag-alala sakin kaya ko naman po to eh tsaka wala lang po ito.Wala lang po talaga akong energy."

"Eh yun na nga nak,wala ka na ngang energy tapos ikaw pa ang gagawa nyan eh pano kung lagnatin ka.Tapos magkaroon ka ng sipon,tapos magka-ubo ka pa."

"Ma,Ang OA niyo na po.Sinabi ko nga pong kaya ko to at wala lang to sige na ma,Ako ng bahala dito baka ma late ka pa sa lakad mo."

"Sige na nga nak."

Hayy buti naman natapos na ang thread namin ni mama,Hayyss!Minsan talaga may pagka-OA to si mama lalo na kung pagdating sa kalusugan ko.Pero thankful parin ako na si mama ang naging mama ko.

Isa-isa ko ng kinuha yung mga pinagkainan namin ni mama at inilagay ko sa lababo at pinunasan ko yung lamesa tsaka na ko nagsimulang maghugas.

After 10 minutes.....

Natapos na akong maghugas at tsaka ko na tinanggal yung apron na nakasabit sakin.

Tok!tok!tok!

Teka may kumatok ah.

"Oh Andrei andito ka pala." Bungad ko kay Andrei.

"Ah hello!Irish napaaga ba ko?

"Ah ano ka ba ok lang yun.Pero bakit pala napaaga ka ng punta dito?" tanong ko kay andrei.

Gusto lang sana kita kamustahin tungkol do'n sa nangyari kahapon sainyo ni Karl.Umm.... hindi ko talaga sinasadya marinig yun sorry!

Bigla namang lumungkot ang mukha ko at napayuko ako.

"S-sorry Irish hindi ko na dapat binanggit pa sayo yung tungkol do'n sorry talaga.

"Ok lang yun." Tipid kong sagot kay Andrei na may halong ngiti sa mukha ko.

"Ganto na lang kung sumama ka kaya sakin mag hang-out tayo para mawala man lang kahit kunti yung lungkot mo.please pagbigyan mo na ko,this time.pagmamakaawa sakin ni Andrei.

Well,parang ok din pala tong si Andrei mabait siya,gwapo,matalino.

Tumango na lang ako sa sinabi niya at ngumiti ng kunti.

"Talaga payag ka?" Gulat na gulat na tanong sakin ni andrei.

"Oo." nakangiti kong sagot sa tanong nya.

"Thank you irish!thank you Irish kasi hinayaan mo ko na pasayahin ka!"

"Sige,magpapalit lang ako ng damit umupo ka muna dyan sa sofa habang nag-iintay sakin." nakangiti kong sabi sa kanya.

Pumunta na ako agad sa kwarto ko at nagsuot ako ng croptop na halfshoulder, tsaka nag-pantalon na lang din ako na fitted sakin,tsaka nag-white rubber shoes na lang din ako,saka inilugay ko na lang din ng maayos yung long hair ko.

Paglabas ko sa kwarto ko napalingon ako sa direksyon ni a?Andrei at napalingon din sya sakin pagkalingon niya sakin tumulala muna siya sakin.

Andrei bakit ka nakatulala?

"A-a-ah ako?w-wala lang t-tara na." Nauutal na sagot sakin ni Andrei,na-wierdan naman ako sa kanya dahil nauutal siya kung makipag-usap sakin ngayon,mahayaan na nga lang.

Inabot niya sakin ang kamay niya at inabot ko na din ang ang kamay ko sa kanya.Kaya lumabas kami ng magkaholding-hands actually ang sarap hawakan ng kamay niya pero bakit ganun wala man lang akong maramdaman na kahit na ano?

Karl's PoV

Kakatapos ko lang magbihis ng biglang pumasok sa isip ko yung nangyari kahapon hindi naman siguro yun nagtampo sana nga.Maka-punta na nga lang sa park baka pumunta sya do'n.

At the park..

Nandito na ako ngayon sa park kanina pa ko naiinip at kanina pa din ako patingin-tingin sa paligid.Nagbabakasali kasi ako na makita ko siya.Hayyss... bakit ba to nangyayari?

Habang naiinip ako kakaintay kay irish nakarinig ako ng tawa na hindi kalayuan sa pwesto ko.Nilingon ko iyon at nakita ko si Irish kasama si Andrei yung pinsan ko.

Pagkakita ko sa kanila lumapit ako papunta kay Irish at tinawag ko sya.

"Irish!" tawag ko kay irish.

Tiningnan niya lang ako ni hindi man lang siya nakipagngitian sakin,tiningnan nya lang ako ng masama,tsaka niya ibinaling ang tingin niya ulit kay Andrei.Si Andrei naman tiningnan nya si Irish.

At the first place alam kong gustong-gusto talaga ni andrei si irish,pero bakit ganun parang nakakainis pag nakikita ko siyang kasama nya si Irish,Aish!

"Tara na Andrei,nakangiting pang-aaya ni Irish kay Andrei.

Bakit ang sakit?Bakit parang ang sakit na ini-ignore niya lang ako ngayon?Bakit parang hindi ako sanay na ganto siya sakin?

"Irish saglit lang!sabay hawak ko sa braso ni irish.

Pero tiningnan nya lang ang kamay kong nakahawak sa braso nya.

"Ano ba kailangan mo!?" naiiritang bulyaw ni irish sakin.

"Gusto lang kitang makausap.Yung tungkol kahapon." Maikling paliwanag ko.

Hayss..ang sakit talga nito.

Bitawan mo nga ko Karl!Ano pa bang dapat nating pag-usapan?" pasigaw na tanong sakin ni Irish.

Nakita ko naman ang mga luha sa gilid ng mata niya.

"I just wanted to say sorry." nakayuko kong sagot sa kanya.

"Sorry?para saan pa?Eh ito nga yung gusto mo diba?ang layuan kita?bakit ka ganyan ngayon?Oh baka naman nasasabi mo yan kasi gusto mo na naman akong gawing pangpalipas oras mo."

"Hindi sa ganun Irish!let me explain."

Tama na Karl!ayoko na sayo!naiiyak na sagot sakin ni Irish.

"Ano ba Karl!pwede bang lumayo ka na kay Irish?!Pasigaw na saad sakin ni Andrei sabay tulak niya sakin.

Tara na Irish umalis na tayo dito masisira lang araw mo dyan!!dagdag pa ni Andrei.

Pagkasabi ni Andrei no'n pinunasan ni Irish yung luha nya at hinila na siya ni Andrei papalayo sakin.

Ako naman nararamdaman ko ang mga luha sa gilid ng mata ko.Ang sakit namimiss ko na yung dating irish.Namimiss ko na yung Irish na hindi ako pinag-sasawaang kulitin.Namimiss ko na siya.Ayoko na ng ganto.Pero wala eh,ako din naman kasi ang may kasalanan kaya nangyayari ito samin ngayon ni Irish.

(a/n:hello mga ka-wattpaders,im happy na nakapag-update na ko,and please don't forget to vote and leave a comment kung nag-enjoy kayo follow me kung nag-enjoy kayo)

Continue Reading

You'll Also Like

173K 9.8K 49
Porcia Era Hart x Chrisen
Gapang By vhfc_13

Short Story

19.4K 42 30
Enjoy reading!! (credit to the rightful owner)
49K 2.4K 39
Obsession #1 Elvis Craig Pendleton is an obsessive person. His behavior turns into madness when he met the poor boy, Ken. That madness pushes him to...
74K 173 15
SPG