Make You Stay (Book 2 of You...

By coralunaa

30.8K 1.2K 230

Kasabay ng pag-usad ng panahon ay ang pagkatuto ni Claudine. Kasabay ng pagyabong ng mga puno ay ang kanyang... More

Make You Stay
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 9

489 25 4
By coralunaa

"Babe, sorry. Busy ako eh. May quiz kami eh. Kailangan mag-review." he told me over the phone.

Magpapatulong kase sana ako sa kanyang gumawa ng powerpoint presentation. Bukod kase sa tinatamad ako, medyo nahihirapan ako kung ano ang ilalagay sa presentation. Individual kase kaya mas mahirap.

"Ganun ba, babe? Sige, okay lang. Are you studying right now?"

Wala akong narinig na kahit na anong ingay sa background kaya baka nga nag-aaral siya sa sariling kuwarto.

"Yup,"

Tinitigan ko ang blangkong document sa aking laptop at dahan-dahang isinandal ang aking likuran sa upuan.

"I'm ending the call now, then. Don't forget to drink your water, okay? Huwag ding magpapagutom." pagpapaalala ko.

"Yes Ma'am." pabiro niyang sagot.

Naibsan ng bahagya ang pangamba ko nang ma-imagine ang mukha niyang nakangiti. 

"Ikaw rin. Drink your water. Study hard, babe."

We exchanged three words before dropping the call. Problemado akong napatitig sa aking laptop at sa librong nasa aking harapan. Saan ba ako magsisimula neto?

"Tapos ka na?" tanong ni Gio sa'kin kinabukasan.

"Hindi pa, eh." 

Inilapag niya ang mga gamit sa kanyang desk, sa tabi ko.

"Anong lesson ka nga ulit?"

"Eleven."

Tumango siya at nagbaba ng tingin sa aking nakasarang laptop na nakapatong sa aking libro. 

"Saan banda ka na? Patingin nga ako." 

I felt a bit relieved when I heard him say that. Mabuti nalang talaga at makalipas ang ilang taon, natutunan kong makitungo ng maayos. Kung hindi ay hindi ako malalapitan ni Gio ngayon.

"Konti pa lang ang naitype ko, eh." I scratched my hair.

After turning my laptop on, inilagay ko ito sa kanyang desk. Kunot noo niyang chineck iyon. 

"This paragraph is too long. Iyong important details lang ang ilagay mo, Claudine." nagpatuloy siya sa pagbibigay komento.

I listened intently and mentally took note of his suggestions.

"Kuha mo na?" 

Ngumiti ako at tumango. Nakahinga ako ng maluwag. Thanks to him, I've got an idea how to create my presentation now.

"Gonzaga and Morada. What is making the both of you busy right there? Care to tell us?"

Parehong nanlaki ang mata namin nang marinig ang boses ng isang guro. Paglingon ko, andun na nga siya. Nakatayo at nakakrus ang braso. Titig na titig sa'min ni Gio. 

Shit. Hindi ko napansin ang pagpasok ni Miss!

Nataranta na ako kaya si Gio na mismo ang nagsara ng aking laptop. Inilapag niya ito sa aking desk.

"Sorry, Miss."

Nag-sorry rin ako. Mabuti nalang pinalagpas kami kahit na nahagip ko ang malisyosang mata ni Miss. Hinayaan ko nalang iyon dahil nasanay narin. Palagi kase kaming tinutukso ni Gio. Tinatawanan lang namin 'yun madalas dahil alam namin kung ano ang totoo. 

Si Gio na ang katabi ko ngayon. Noong una ay nakakapanibago. Gusto ko si Hannah parin pero alam kong hindi na pwede. Ngayong seniors na kami, magkaiba na kami ng strand. ABM ako, STEM naman siya.

"Han, sabay tayo?" I called her through the phone to ask.

Tuwing lunch nalang kami nagkakasabay at nagkikita. Sina Josh at Bench naman ay nasa ibang skwelahan na, college na kase sila.

"Hala sorry Clau. May oral kase kami sa EarthSci eh. Kailangan mag-aral." 

Nagkibit-balikat ako nang maibaba ang tawag. Iniligpit ko ang aking gamit at isinukbit ang aking bag. Lalabas na sana ako ng room nang habulin ako ni Gio. Agad niya ring inalis ang pagkakahawak sa'king braso.

"Oh?" 

Tumitig siya sa'kin bago ngumiti ng matipid.

"Wala kang kasabay? Sabay na tayo. Wala rin akong kasabay, eh." 

"Wala ka naman talagang kasabay lagi." umangat ang sulok ng labi ko.

Tumawa siya ng mahina. Kaya kami magkasundo eh. Hindi rin kase siya mahilig makisalamuha, gaya ko.

"Oo nga. So, tara?"

Sabay kaming nag-lunch ni Gio. We occupied a table. I sat in front of him. Nakisuyo na ako ng order dahil tinawagan ko pa si Blue. Pinaalalahanan ko na naman siyang huwag magpapagutom at uminom lagi ng tubig. 

Now that my boyfriend is in college, lalo kong naramdaman ang age difference namin. Pakiramdam ko mas seryoso talaga siya sa buhay kesa sa'kin. Seryosong seryoso rin kase sa pag-aaral. At ako naman, seryoso bilang girlfriend niya kaya heto at laging nagpapaalala.

"Jowa mo?" kaswal na tanong ni Gio nang maibaba ko ang tawag.

Tumango ako at pinulot na ang kutsara sa tray. I mouthed him thanks for getting the right order.

"Talaga? May boyfriend ka pala?"

"Yup."

Hindi niya alam. Bakit ko naman kase ishe-share, di ba? Alangan naman sabihin kong 'Hoy Gio, may jowa ako. Ganda ko no?'

"Bakit hindi ka naman naka-in a relationship status sa fb?"

Halos matawa ako. Seriously?

"Wala ka rin namang posts patungkol sa kanya." dagdag niya pa.

"I'm not like that. I'm not up for social media PDA."

Obviously, I want to keep our relationship private. Pakiramdam ko, sa ganitong paraan ko mailalayo ang kung anong meron kami ni Blue sa mga mapanghusga. I like things this way.

"Sabagay. Mas maganda nang sweet sa personal kesa sa social media lang. Swerte niya siguro, no?"

Kumunot ang noo ko nang mahimigan ang pait sa tono niya. 

"Syempre. Ako girlfriend niya, eh." I joked.

Natawa siya at nanahimik nalang. We ate silently until I broke off the silence.

"Bakit? Hindi ka ba swerte sa girlfriend mo?"

Gio's got a girlfriend. Bukambibig niya eto sa'kin. Nasa college na. Mahilig din siya sa mas matanda sa kanya, eh.

"Swerte naman. Kaya lang, netong nakaraan, hindi ko na siya maintindihan eh." tumigil siya sa pagnguya at uminom.

"And?"

"Hindi na masyadong nagrereply eh. Hindi na gaya ng dati."

"Your girl is probably busy. College na, eh." I stated the obvious.

Kita ko kung papaano siya humugot ng malalim na hininga. Problemado ang lolo niyo.

"May iba na raw gusto, eh."

Napangiwi ako at napainom nalang din ng tubig. So that's why he asked me to have lunch together. Gusto ng mapaglalabasan ng sama ng loob.

"Saan mo naman narinig yan? Baka fake news?"

"Sana nga fake news lang. Hindi maganda ang kutob ko."

"Edi hiwalayan mo." plain kong sagot.

Nilingon niya ako at binigyan ng masamang tingin. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay.

"Ang dali para sayong sabihin, no?" sarkastiko niyang asik.

Umiling ako. 

"Ganyan ba mindset mo kapag may away kayo ng boyfriend mo? Buti kayo pa rin hanggang ngayon?" he mocked.

Come on, Dude. Sa tagal namin ni Blue, natuto lang din ako.

Hindi naging madali para sa amin ang lahat. We fought even over little things. May mga pagkakataon ring nakikipagbreak ako sa kanya pero imbes na pagbigyan ako ay hindi siya umalis sa tabi ko. We've got a lot of differences. Marami kaming hindi mapagkasunduan. Pero ganunpaman, the feelings we have for each other made us stayed even despite the differences.

May mga pagkakataong nakakasawa pero hindi ibig sabihin ay nawalan na ng pagmamahal. May mga pagkakataong hindi na kinikilig pero hindi ibig sabihin ay hindi na masaya.

"We fight a lot, too. But you know what's the difference?" 

"What?"

"Even after all the fights, the feelings remain. Alam mo kase, Gio, naaayos naman ang lahat eh. For as long as you're on the same page. Kaya kung nawala na ang pagmamahal, delikado. Baka hindi na maayos. Ano pa ang aayusin kung ayaw na ng isa, hindi ba?" 

Nakita ko ang pagkabigo sa mga mata ni Gio. Mukhang ayaw na nga sa kanya ng girlfriend niya.

"Kung may mahal na bang iba ang boyfriend mo, hihiwalayan mo?" 

Napangiwi ako sa tanong niya. 

"Oo naman. Pero that won't happen so, nah."

"Hindi mo ipaglalaban?" 

"Hindi."

"Edi nasayang ang pagsasama niyo ng ilang taon?"

He's really pushing it. Mukhang determinado siyang ipaglaban, ah.

"Huwag nalang nating pag-usapan. Hindi rin naman mangyayari." umirap ako.

"Edi sana all."

Ipinagpatuloy ko ang pagkain. Hinayaan ko siyang malayo ang tingin.

"You know what, Gio," pinunasan ko ng tissue ang gilid ng aking labi at pinagkrus ang aking mga braso "If you want to fight for her, then go. But if she continue to push you away, then leave. Bata ka pa naman. Makakahanap ka pa ng iba. Don't waste your time for someone who doesn't appreciate you enough. Ang lawak ng mundo, hello?!"

Unti-unti siyang ngumiti. 

"Sana nga ganoon lang kadali ang lahat, Claudine." 

I tapped his back as we both walk back to our classroom.

Makalipas ang ilang linggo, naging draining ang pag-aaral para sa'kin. Napakarami na kaseng projects. Kakatapos nga lang namin magpresent ay panibagong project na naman. Iba-iba bawat subjects. Nakakapagod.

Imbes na magpakalunod sa stress ay nagbake nalang ako ng cake para kay Blue. I'll go to his condo right now. Isu-surprise ko siya. Nasabi niya kase sa'king wala silang pasok at nasa condo niya ang mga kaibigan niya. Kaya dadalhin ko ito for them.

"For the boyfriend?" Bench asked.

Pati siya ay libre sa araw na to. Nakakatuwa naman.

"Yup. Can you give me a ride there?" 

Ngumisi siya at walang pag-aalinlangang tumango.

"Of course. Magbibihis lang ako."

Saktong pagkatapos ni Bench ay tapos na rin ako. Naibalot ko na ang cake at bihsi na bihis na rin.

"Nabalitaan mo na ba?" my brother striked a conversation when we're in his car.

"Huh? Yung alin?"

"Hindi na tutuloy si Hannah."

Kumunot ang noo ko lalo. Huh? Hindi tutuloy? Saan? Wala naman akong nabalitaang out of the country or local trip niya, ah?

"Sa pag-aaral. Hindi na raw mag-eenrol next sem." 

Nalaglag ang panga ko. 

"Seryoso ba?!"

That is such a very big step to do! Nasisiguro kong magseseryoso na si Hannah sa vlogging kaya ganito.

Tumango si Bench. Lumunok siya. Mukhang pati siya ay hindi natutuwa sa desisyon ng kaibigan namin.

"Sinabi lang din ni Josh sa'kin." dagdag niya.

"Pumayag si Tito Gab?" nag-alala na ako.

"Daw. Hindi ko alam. Baka? Hindi naman siguro mahihinto si Hannah kung humindi si Tito. Alam mo naman 'yun." Oo nga. Obedient pa naman ang isang 'yun.

Natulala ako saglit. Wow. Nalulungkot man ay humahanga ako kay Hannah. It's amazing how brave she is to take the risk. For something she really wants. Bihira lang ang nakakagawa nun. 

"Nakakapagod nga naman ang strand na napili niya. Kaya hindi ako nag-STEM eh." ani Bench.

I totally agree. Mabuti nalang hindi ko rin pinili yun. Oh well, hindi rin naman pasok yung general average ko para sa STEM track. At hindi rin ako interesado.

"Is she happy about it?" paniniguro ko.

Bumuntonghininga siya.

"Hindi naman siguro hihinto si Hannah sa pag-aaral kung hindi siya masaya sa vlogging."

And that's the most important thing now. For as long as she's happy, then we'll surely support her.

"Dito ka lang?" I asked Bench when we reached the parking lot.

"May pupuntahan ako. Just text me kung magpapasundo ka."

Bitbit ang cake ay naglakad ako papunta sa unit ni Blue. I pressed the doorbell twice. Pinagbuksan ako ni Jobel, Blue's friend. 

"A-Ah, Claudine ikaw pala?" mukhang nagulat siya. At nataranta?

Kumunot ang noo ko. Hindi ko siya sinagot at nagdire-diretso sa loob. 

"Sino yan Jo?"

"Blue ano? Dali na. Itext mo na si Sigrid!"

"Bagal mo naman Asul! Para hi lang, eh!"

My lips parted when I realized what they're trying to do. Dinedemonyo nila ang boyfriend ko. And here I thought they support our relationship. That they got my back. What the heck?

"Si Claudine, pre!" hiyaw ni Jobel.

Pero huli na ang lahat. Narinig ko na. At nakita ko pa silang pinagkukumpulan si Blue na ngayon ay may hawak nang cellphone. Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata nila nang makita ako.

Isinalampak ko ang cake sa dibdib ni Jobel. I saw how my boyfriend swallowed hard. Like he's guilty. Freaking guilty.

"Ano? Go ahead, Blue. Hi lang naman, eh." utos ko.

Nalaglag ang panga ng mga gago niyang kaibigan. Parang napaso si Blue sa cellphone kaya nabitawan niya ito. Nagmamadali siyang tumayo at lumapit sa'kin.

"Laro lang naman Claudine-"

"Kaya nga. Laro lang. Why? Am I stopping him? Hindi naman, di ba?" hamon ko.

"Yun naman pala Blue-"

"Shut up, Kerwin. Umalis na muna kayo." si Blue.

"Huh bakit naman eh-"

"Leave!" umalingawngaw ang boses niya.

Umismid ako at akmang tatalikod na nang hilahin ni Blue. He eyed me apologetically.

"Sila ang pinapaalis ko, hindi ikaw." marahan niyang giit.

Nag-unahan sa paglabas iyong mga kaibigan niya. Sa nangyari ay agad na nag-iba ang mood ko. Sino ang hindi maiirita roon?

Gawain pala nila iyon? Kung ganun, ano pa ang iba nilang ipinapagawa kay Blue sa tuwing wala ako? Text other girls? Chat? Call? Ano pa?

Tapos laro lang? Fuck that. Hindi halatang mga gago sila. Akala ko pa naman matitino. Hindi rin pala mapagkakatiwalaan.

"B-Babe I'm sorry. It was just a game-"

"Why are you explaining? Save it for yourself. Hindi naman na kailangan." I heard what I heard. I saw what I saw. I will also think what I want to think.

Lumunok si Blue at hinigit ulit ako. Hinayaan ko siya pero hindi ko sinalubong ang kanyang mga mata. Nanatiling diretso ang tingin ko. Blangko. Malamig.

"I didn't text the girl. I promise."

"Oo nga. Kase dumating ako, hindi ba?" mukhang nagta-type ka na nga, eh. 

Kinalas ko ang hawak niya at tumalikod. Pinuntahan ko ang kanyang counter kung saan inilapag ni Jobel ang cake. Kinalas ko ang ribbon na pinag-effortan ko pa naman at inilabas ang cake. Tahimik akong kumuha ng kutsilyo upang hiwain iyon. Natigilan ako nang maramdaman ang pagyakap ni Blue mula sa aking likuran. Tila ginapangan ng matinding pait ang sistema ko.

"I'm sorry, babe. Hindi ko na sila hahayaang magbiro ng ganun sa susunod."

Ngumiwi ako at ipinagpatuloy ang ginagawa. Naramdaman kong isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg. His hot breath tickled me a bit.

"Forgive me, please?"

Hindi parin ako sumagot. Nagpatuloy ako sa paghihiwa kahit ang totoo ay nahiwa ko naman na ng tuluyan. 

"Babe... please. I love you." he kissed my cheeks.

And just like that, my anger slowly melted. Like an ice under the scorching sun.

Continue Reading

You'll Also Like

757K 37.5K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
83.6K 4.3K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
267K 6.1K 44
Status: [SOON TO BE COMPLETED] Isa lang siyang ordinaryong empleyado, hindi pansinin ng mga tao dahil sa nerd niyang itsura. Never niyang inisip mag...
276K 6.3K 69
• [COMPLETED] Action - Romance When Solly and Sandy both lose their mother, they were forced to stay at their father's house who was into joining dan...