La Pelea

By Maxchy18

629 38 15

Let love conquer all. Hasta ahora vamos a luchar. Date started: May 13, 2021 Date finished: --- Book Cover Cr... More

PROLOGO
KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV.
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII

KABANATA V.

53 3 0
By Maxchy18

Kasalukuyan akong nagsusulat para sa update sa kwentong sinusulat ko. Ilang araw na kasi mula ng huli akong nagsulat at ngayon ay naghihintay na sa update ko ang aking mga mambabasa.

Hindi din maalis sa isip ko yung notebook na napulot namin doon sa dungeon. May mga sulat naman siya pero naka Kastila ang sulat kaya hindi ko din mababasa. Hindi naman kasi ako marunong mag Kastila.

May ibang parte ng notebook na nakasulat sa ibang lenggwahe na sa tingin ko ay baybayin. Sa tingin ko ay nasa isang daang taon na ang tanda nito.

Hindi ko pa din maisip bakit sa akin ibinigay ni kuya guide itong notebook. Sa luma nito imposibleng maging akin ito.

Naisipan kong isearch sa google ang ilang parteng nakasulat sa Kastila.

Estoy feliz de tenerte conmigo aunque sea por un momento de mi vida.

definiste mi compleja personalidad.

Puede que no sea tu primer amor, pero me basta con sentir que me amas tanto como yo a ti.

Que te permitan volver a ser feliz como debes sentirte incluso cuando ya no esté a tu lado. Adiós.

Cuando nos volvamos a encontrar, mi amor.

(Masaya akong nakasama ka kahit saglit sa aking buhay.

Binigyang kahulugan mo ang masalimuot kong pagkatao.

Hindi man ako ang una mong pag-ibig ngunit sapat na sa aking maramdamang minamahal mo ako tulad ng pagtangi ko sa iyo.

Nawa'y pagbigyan ka nilang sumaya muli tulad ng nararapat mong maramdaman kahit wala na ako sa iyong tabi.

Paalam na. Sa ating muling pagkikita, mi amor.)

Hindi ko napigilan ang aking luhang bigla na lang pumatak ng tuloy-tuloy ng mabasa ko ang huling parte ng pahina. Isang liham pamamaalam pala ang parteng iyon. Ang salimuot naman ng wakas ng pag-ibig ng kung sino man ang nagmamay-ari nitong lumang notebook na ito.

Tagos hanggang buto ang nararamdaman kong sakit sa nabasa kong pamamaalam. Parang iyong namamaalam ka hindi dahil nais niya iyong gawin, ngunit dahil kailangan.

Kailangan ko bang hanapin ang may-ari nito? Pero baka patay na iyon ngayon lalo at sa dungeon ng Fort Santiago namin natagpuan itong notebook kagabi.

Napag-isipan kong itabi na lamang muna yung notebook at bumalik na lang sa pagsusulat dahil kailangan ko na talagang mag-update ngayon pero hindi pa man ako tuluyang nakakabalik sa ginagawa ko ay may kumatok na sa kwartong tinutuluyan namin ni ate.

"Yanie, meryenda ka muna. May dalang peanut butter sila mama iyon palaman niyan. Anong gusto mong inumin? Juice o milk?" Napalingon ako kay kuya Stephen na may dalang dalawang peanut butter sandwich na paborito ko.

"Milk na lang kuya. Salamat." Sagot ko sa kaniya. Gusto ko sanang dugtungan ng I love you pero nahihiya ako. Hindi naman kasi ako vocal sa kanila except kay papa at mama.

Nilapag na ni kuya yung platito na may lamang sandwich sa lamesang katabi ng lamesa kung saan ako nagtratrabaho ngayon saka ginulo ang buhok ko bago lumabas ng kwarto. Si Kuya ang panganay sa amin sunod si Kuya Erick, si ate Shiela, kuya Maru saka ako.

Pagkalabas niya, kinuha ko yung isang sandwich at nagsimula na ulit mag-isip ng maisusulat.

Ilang saglit pa naisipan kong lumabas ng kwarto para na din hugasan yung platito at mug ng gatas na hinatid na sa akin ni kuya kanina. Wala na din kasi ako maisip na idea sa sinusulat ko kaya kailangan ko ng panlibang baka sakaling may mahanap ako na idea sa paligid. Ito ang ginagawa ko minsan kapag tinatamaan ako ng mental block kapag nagsusulat. Minsan naman nagpapatugtog ako ng mga slow songs na pinagkukunan ko ng inspirasyon sa pagsusulat ng bawat kabanata.

Nagtaka ako paglabas ko dahil walang tao sa sala pero may naririnig akong nag-uusap sa harap kaya sumilip ako roon. Nandoon silang lahat sa harap ng bahay nagkwekwentuhan ng kung ano-ano kaya, napangisi ako ng may maisip na sunod na isusulat na eksena sa kwentong inu-update ko saka dumiretso na ako sa kusina.

***

"May nabili kami sa divisoria na mga gamit, antique pero magaganda tapos medyo mura lang." Nangunot ang noo ko ng makita ang mga pinamili nila mama at tita.

Totohanang antique nga ang mga binili nila dahil sa mga disenyo ng mga iyon. May mga utensils, vases, at may grandfather's clock pa. Pero ang nakapukaw ng atensyon ko ay yung gold mirror. Maliit lang siya at halatang pangmayaman dahil sa disenyo nito. Napamental face palm ako dahil sa naisip. Malamang mayaman lang sa panahon noon ang may afford ng mga ganitong bagay.

"Aanhin niyo yan 'ma?" Bulong ko kay mama na busy sa pag-aayos ng mga pinamili nilang pagkain.

Alas onse na ng umaga, at kararating lang nila mama galing sa pamimili ng kung ano-anong dala nila ngayon.

"Ilalagay natin doon sa gagawing bahay sa Leyte na kahawig ng bahay nila noon sa Cotabato." Napatango na lang ako kay mama. Nakalimutan ko pasensya na.

"Marianna, ito na yung pinapatranslate mo sa akin kagabi from Spanish to English." Kunot-noo kong nilingon si papa at yung inaabot niyang yellow pad.

Meron ba akong pinapatranslate sa kaniya kagabi? Parang wala naman akong natatandaan. Pagkauwi namin kagabi dire-diretso kaming lahat sa kwarto saka natulog.

Kumabog ng sobra ang puso ko ng mabasa yung mga katagang nakasulat.

La guerra está por llegar. Escóndete y no mueras.

(War is about to come. Hide and don't perish.)

"Para sa story na ginagawa mo ba iyan? O sa subject niyo na foreign language?" Tanong ni papa na hindi ko alam ang isasagot.


Hindi ko matandaan na may ganitong eksena yung sinusulat ko. War? Hide? Perish? Teen fiction yung sinusulat ko hindi historical fiction.

Tulala ako buong hapon kakaisip kung saan ko nakuha yung mga katagang iyon na pinasalin ko kay papa into English.

"Yana tulog na. Tulala ka na naman diyan. Take a break. Napublish mo na yung update sa story mo?"

Nakatulala ako ngayon dito sa kwarto habang nakaupo at hawak yung lumang notebook na tinago ko kanina sa isa sa mga drawers dito sa kwarto.

Nilingon ko si ate at ngumiti ng maliit.

"Opo ate."

Hindi ko akalaing magiging ganito kalala reaksyon ko doon sa mga katagang iyon. Napasabunot na lang ako sa buhok ko at napailing. Sa mental na yata bagsak ko sa susunod. Kung ano ano na pinag-iiisip ko.

Nilapag ko sa side table yung notebook at napagpasyahan kong matulog na. Hindi ako sanay matulog ng may ilaw kaya pinatay ko na yung lamp at nahiga na.

Napasilip ako sa bintana kung saan tumatagos ang liwanag ng buwan. Kay gandang pagmasdan ng kalangitan sa gabi, ang buwang nagbibigay liwanag sa madilim na gabi kasama ang mga butuing nagniningning na tila mga diyamante sa kadiliman. Pare-parehong namumuhay sa dilim ngunit nagbibigay liwanag pa din sa nangangailangan. Kung sana ganito ang gobyerno na katulad ng mga butuing nagliliwanag pa din sa kaniyang nasasakupan kahit wala ang tulong ng buwan na hindi laging buo at nagpapakita.

Kung sana katulad ng mga bituing nagniningning ngayon sa kalangitan, ang mga nasa posisyon mababa man ang katungkulan ay hindi siya nagpapasindak sa liwanag ng buwan at nagbibigay direksyon at inspirasyon pa din sa nakararami na maging tapat sa kaniyang tungkulin.

***

Mangha ko ngayong pinagmamasdan ang harapan ng bahay nila lolo. Hindi na ito naaalagaan ng mabuti kahit nakatira pa dito si lolo at ang kapatid niyang babaeng si lola Pirin.

Mula kasi ng magsipag-asawa na sila mama at ang iba pa niyang mga kapatid ay minsan na lang sila dumalaw dito lalo pa't sa iba't-ibang lugar din nakatira ang kanilang mga asawa, katulad ni papa.

Isang palapag na lang ang bahay dahil tinastas nila Uncle ang ikalawang palapag ng masira iyon noong mabagyo sila last year, wala kasing sapat na salapi para mapaayos iyon noon.

Nakakahinayang lang sapagkat maganda ang pagkakagawa ng bahay na ito noong buo pa.

Limang araw din ang tinagal ng stay namin sa Manila bago ang biyahe namin papunta rito sa Isabela para makapagpahinga rin kami lalo na at nilagnat ako ng dalawang araw siguro dahil sa sunod sunod na pagbiyahe namin mula ng dumating kami.

Medyo masama pa nga ang pakiramdam ko ngayon at nahihilo pa dahil na rin sa biyahe pero nakakaya ko pa namang hindi mapaduwal ulit katulad ng nagawa ko sa bus kagabi.

Kinailangan kasi naming bumiyahe agad kahit pa masama pa din ang pakiramdam ko dahil kailangan nila lolo ng physical na tulong nila mama dito sa bahay at lupa nila na kailangang ayusin.

Marami kasi sa mga pinsan nila mama ang gustong umangkin sa lupain nila lolo at hindi na niya kayang maglakad ng papeles kaya humingi siya ng tulong kila mama at papa na magaling sa ganoong proseso dahil mayroon ding mga lupain ang pamilya nila papa na namana niya pa sa kaniyang lolo, at ngayon siya din ang nag-aasikaso ng lahat ng iyon para magkaroon ng pantay pantay na hati ang bawat isang tagapagmana at walang gulo.

"Tatang lakay! Andito na sila Manang Flor!" Excited na tawag ni Uncle Teody kay Tatang(lolo). Natawa na nga lang sila mama at papa dahil halatang hindi nila inaasahan ang pagdating namin ngayon.

Hindi kasi namin sinabi kung anong araw kami uuwi dito.

"Akala namin pagkatapos pa ng pagpunta niyo sa Laguna pa kayo uuwi dito." Nakangiting wika ni Tatang kila mama at papa na nagmano at yakap sa kaniya. Sumunod naman kaming nagmano bilang paggalang.

"Nang mamatay si Live hindi na kayo nakadalaw ulit. Ako'y masyadong nananabik sa araw na itong pag-uwi niyo...." Maluha-luha na ngayon ang mga mata ni Tatang na nagkwe-kwento ngayon ng mga nangyari sa mga nakalipas na mga taong hindi kami nakakauwi dito.

Dalawang taong gulang ako noong namatay si Auntie Live which is the last time na nakadalaw kami dito sa Isabela dahil nabusy na kami sa mga asikasuhin sa Leyte, lalo na at nag-aaral pa kaming lima nila kuya.

"Nag-aayos pa kami ng bahay, pasensya na medyo makalat pa." Naglalakad na kaming lahat papasok sa bahay na totoong makalat kalat pa dahil inaayos nila yung ibang parte.

"Ayos lang po iyon 'tang. Mamaya tutulong din kami sa pag-aayos." Sagot ni mama. Tahimik lang naman si papa at nag-oobserba lang siya sa paligid.

Hinatiran kami nila Uncle ng kape pampainit ng sikmura tsaka pandesal na usual na breakfast nila dito. Namiss ko yung mainit init na pandesal na tulad ng nakahain sa amin ngayon.

Inaya kami ni Uncle na mag-agahan muna kaya nasa dining kami ngayon, tahimik lang kaming lahat habang nagkakanya-kaniya ng palaman ng pandesal.

Peanut butter, butter at ube halaya ang nakahaing palaman kaya imbes na peanut butter ang favorite ko ay natatakam ako sa ube halaya na lantakan iyon. Parehas naming favorite iyon ni papa at kuya Stephen kaya paunahan kami ni kuya sa pagkuha sa lalagyan ng ube halaya. Hindi naman nakikipag-agawan sa amin si papa kaya bilang mga mabait na anak kunti lang ang kinuha namin tsaka inabot namin kay papa yung halaya.

"Tatang, kumusta po? Ano po mga pinagkakaabalahan niyo po ngayon dito?" Pagbubukas ni papa ng topic nila ni lolo sabay sa pagbukas niya ng lagayan ng halaya.

"Pagtatanim at pag-aalaga ng mga pato, manok at baboy ang pinagkakaabalahan ko dito. Si Pirin naman ang nag-aalaga sa hardin ni Mining gusto ko kasi may matira pa ding ala-ala niya dito kahit wala na siya."

Nato-touch ako how tatang(lolo) loves nanang(lola). Sana may ganyan pa sa panahon ngayon. Hindi puro cheating ang nababasa ko kapag nag-oopen ako ng Facebook account ko.

Napa excuse ako ng tumunog yung phone ko, nang i-check ko kung bakit, naka on pala ang data ko kaya nag notify sa akin ang latest news for today.

"Shalala Lending Inc. head was arrested for operating after franchise expiration"

Napataas ang kilay ko sa nabasa. Is this another scam? Nag-operate pa din sila kahit paso na ang prangkisa at mga dokumento nila? Tapos naniningil pa sila sa mga members nila kahit wala na silang permit?

Pero dahil hindi naman ako interesado sa balitang iyon, pinatay ko na muna yung phone ko at nagfocus na muna sa pagkain.

"Tang, totoo po ba iyong sinabi ni Teody? May utang daw po sila sa lending tapos nakasangla iyong titulo ng lupa ng bahay na ito?!" Halos hysterical na tanong ni mama kay tatang na hindi makatingin kila papa.

"Sila Oscar ang may pakana kung anong nangyari. Nagulat na nga lang ako ng may pumuntang taga lending dito na pinapaalis na ako. Pinabarangay pa ako pero hindi ako pumunta." Kwento ni tatang na nagpanganga sa amin. What the--- sila na naman?!

"Yana, Maru, Shiela, Stephen at Erick doon muna kayo sa sala." Pukaw sa amin ni papa na pinapapunta na kami sa sala para makapag-usap sila in private.

Tahimik kaming tumayo at naglakad papuntang sala kung nasaan nakaupo ngayon si Uncle na agad namang kinausap nila Kuya Erick at Stephen. Nanatili naman kaming tatlong tahimik na nakaupo sa tatluhang upuan sa sala.

"Kuya punta tayong mall mamaya, may bibilhin lang ako." Bulong ko kay kuya Maru na busy na naman sa phone niya.

"May nakalimutan ka no? Ayan lutang pa more. Magpaalam ka muna kila mama." Sinimangutan ko siya sa sinabi niya. Kainis! Porket may jowa siya makaasar wagas.

"Ikaw na kuya magpaalam kila mama. Ikaw naman lagi nilang pinapakinggan eh." Napakamot ulo na lang siya saka tumango kaya napangisi ako.

Kapag usapang galaan palaging sila kuya lang ang pinapayagan pero may curfew pa din. Kapag kami kasi ni ate ayaw nila dahil baka kung ano daw mangyari sa amin kaya pag nagpapaalam kami palaging kailangan kasama sila o sila kuya o kahit isa sa kanila.

***

"YANA! Bukas na lang daw tayo gumala. May pinapagawa si papa sa akin." Napasimangot ako at tumango kay kuya na ngayon ay tinatawag na nila mama. Ano pa nga ba magagawa ko, hindi ko naman kabisado ang lugar na ito para gumala mag-isa eh.

"Gusto mo ba gumala hija?" Halos mapatalon ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko.

Napahinga ako ng malalim dahil si Nanang Pirin pala yung nagsalita.

"Opo 'nang pero bukas na lang daw po kasi busy po sila." Alanganin kong tugon sa kaniya na hindi naman nakatingin sa akin kung hindi sa baba kung nasaan ang palayan at taniman ng mga prutas at gulay nila tatang.

Nasa gilid kami ng bahay malapit sa bahay ng baboy ni tatang, mataas ang kinalalagyan ng bahay at nasa may side kami ng mababang bangin nakatayo ngayon.

"Bata pa lang kami ni kuya ay nakatayo na ang bahay na ito. Mula pa ito sa lolo't lola namin na nakipagsapalaran ng pamumuhay dito..."

"Maluwag ang lupaing ito pero dahil sa kasakiman ng ibang maykaya at kagipitan na din minsan ay napilitan ang iba sa ating mga kamag-anak na ipagbili na ang ibang parte ng lupa na kanilang namana hanggang sa lumiit na ang dating sobrang luwag na lupaing ito." Namamangha kong pinagmasdan ang natitirang lupa na pagmamay-ari na ng mga magulang nila mama. Pero nanghihinayang din ako dahil naalala ko na tungkol din sa lupa ang problema nila mama dito na katulad sa problema din namin sa Leyte.

Dahil sa kagipitan, napapakapit sa patalim at nagiging sakim na talaga ang tao sa kayamanang nakahantad sa kanila. Minsan ay umaabuso pa dahil kahit hindi na sa kanila ay aangkinin na nila kahit pa mga sariling kadugo ay lalamangan magkaroon lamang ng mas malaking parte na pwedeng ipagbili sa malaking halaga.

Parang sa nangyayari lang na kurapsyon sa gobyerno. Palamangan ng nagawa, hindi naman nabibigyang katapusan ang mga problemang natutuklasan. Hanggang imbestigasyon lang, pagkatapos ay kasing bagal pa ng pagong ang paglakad ng hustisya. Walang pinagkaiba, may mananakop man o wala dahil tayo mismo ay alipin ng maling pamamaraan. Dahil tayo mismo ay alipin ng pag-ibig sa mga materyal na bagay.

"Gusto mo bang maglakad? Halika ating tignan kung may mapipitas tayong maaari nating idagdag sa hapag mamaya." Basag niya sa pananahimik ko. Nakalahad ngayon sa tapat ko ang kulubot niyang kamay tsaka niya ako inalalayan pababa na binalik ko din nang siya naman ang pababa.

Nasa pitumpong taong gulang na si nanang Pirin, kuba na din ngunit katulad ni lolo ay maliksi pa din siya gumalaw.

***

Lakad lang kami ng lakad ni nanang Pirin sa pagitan ng taniman habang ipinapaliwanag niya kung ano-ano ang mga iyon.

"Que se rompan todas las cadenas y que suene el reloj. Los corazones pronto se unirán."

Napalingon ako kay nanang ng marinig kong tila may binubulong siya sa hangin habang nakatingin sa langit tapos sa akin.

"Po?"

"Wala naman apo, siya tara na. Baka hinahanap na tayo sa bahay." Nakangiti niyang sagot saka naunang maglakad palabas sa taniman kaya agad ko siyang sinundan.

Nakaka-ilang hakbang pa lang ako palapit kay nanang ng may biglang magtakip ng buong mukha ko mula sa likuran.

Amoy ko ang masangsang na parang gamot sa telang nakatakip ngayon sa mukha ko.

Ano to? Kidnapping is real ba? Nagbabakasyon kami dito pero bakit biglang may ganito?

Naalala ko yung huling pag-uusap nila tatang at nila papa kanina.

"Sindikato daw ang nasa likod ng pagkalugi ng lending na inutangan nila Oscar. Kailangan nating magdoble ingat lalo't desperado silang mabalik iyong pera ng may-ari ng lending."

"Anong pangalan ng lending na inutangan nila?"

"Shalala Lending Inc."

Naaalala ko din iyong nabasa kong article na pinagsawalang bahala ko lang kanina.

"Shalala Lending Inc. head was arrested for operating after franchise expiration"

Saka ko lang napagtanto, ngayon ay nasa panganib ako.

Nagpumiglas ako sa hawak ng kung sino mang poncio pilato ang kumakaladkad sa akin ngayon kahit na unti-unti na akong namamanhid dahil sa kung ano yung nasinghot ko kanina. Nakapagtataka diba sa mga movies pampatulog yung nasa panyo pagkinikidnap? Tapos nahihimatay agad yung biktima pagkasinghot nun? Bakit sa akin ngayon paunti unti ang epekto?

Pero teka si Nanang! Baka mapaano siya! Alam niya ba na hindi na ako nakasunod sa kaniya? Sila mama baka may mga pumunta din sa bahay! Pero bakit ako? May kinalaman ba 'tong mga pilato na to doon sa sindikato kuno? Kung maaaring ganun, talagang kailangan kong makaligtas!

Nagpumiglas pa ako pero namalayan ko na lang binuhat na ako ng isa at nilagay sa sako saka binuhat nila ako na parang bigas porket nakasako na ako.

Gusto kong magsisisigaw pero nakabusal na pala ako! Speed sila manong kidnapper nabusalan nila ako ng hindi ko namamalayan.

Anong mangyayari sa akin ngayon?

"Dalian niyo bago pa makahalata iyong mga kamag-anak na nawawala na tong babaeng to!" Nagmamadali silang sumakay sa tingin ko ay van, naramdaman ko na lang na umaandar na ang sasakyan.

Sumasakit ang ulo kong parang binibiyak.

Nasa mabatong parte siguro kami ngayon dahil umaalog ang van na sinasakyan namin.

"Marianna! Buti at gising ka na mahal ko! Maghanda ka sapagkat kailangan nating dumaan sa mas lubak at mahirap na daanan upang hindi nila tayo masundan."

"A-anong nangyayari?"

Wala na akong piring sa mata. Wala na din akong busal sa bibig. Hindi na din maong pants at white T-shirt ang suot ko kundi baro't saya. At hindi na din ako nakasakay sa van kundi sa isang kalesa!

********
La Pelea

Featured song: Bitaw- Rinz Ruiz

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...