REBEL HEART | TRANSGENDER X S...

spirit_blossom

125K 7.7K 2.8K

Rebellious and an only child, Rhiannon Engres Fuego yearns the attention of her father. Kung kaya gumagawa si... Еще

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59

Kabanata 30

2.2K 143 26
spirit_blossom

"Nabanggit nga pala sakin ng ninong mo ang immersion niyo. Nakaisip na ba kayong dalawa ng mapapasukan?" tanong ni Papa sa amin nitong isang agahan.

Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi ko iyon napansin habang kasama ni Gino. Sa mga susunod na linggo nga tulad ng sabi ni Papa at mamimili na kami ng mga puwedeng mapasukan para sa immersion. Hindi pa nagsasabi ang faculty tungkol dito pero kung alam na ni Papa, paniguradong mamaya o sa mga susunod na araw at ipapaalam na rin nila iyon sa mga amin.

Huminto ako sa paghiwa ng kakainin kong pancake at bumaling sa harap kung saan nakaupo si Gino. Hindi ko alam kung kanina pa ba siyang nakatingin sa akin pero nang umangat nga ako ng tingin nang agad na nagsalubong ang mga paningin namin.

"Ikaw, Rhiannon. Sa'n mo gustong mag-training?" tanong ni Papa.

"I'm planning to go in an accounting firm, Papa." atsaka ako ngumiti.

Tumango si Papa. I thought he's gonna man my decisions like usual. But I guess that thing was history now. Bumaling naman siya roon sa isa.

"Gino."

Si Papa ang tumawag sa kaniya pero ako muna ang tiningnan nito bago ang tatay niya.

"Du'n na lang din ako kung sa'n si Rhiannon," sabi niya bago itinuon na uli ang atensyon sa agahan.

Napakurap ako. Hindi ba't parang ang layo nu'n sa kukunin niyang kurso? Naalala ko gusto niya ng PolSci tulad ni Papa.

"Hijo, aren't you planning a degree in politics? Mas maganda kung sa mga government offices ka magpupunta," suhestyon ni Papa na kahit mahinahon ang pagkakabanggit, pero matutunugan pa rin ng kaunting pagkumbinsi ang pagkakasabi.

"Immersion pa lang naman ho 'yun, mayor. Hindi naman 'yun makakaapekto sa pagtuntong ko sa kolehiyo. Mas magandang magkasama kami ni Rhiannon para 'di na mahirapan maghatid at magsundo samin."

"I see." malungkot ang tono ni Papa.

I sighed. Nahimay ko sa sagot ni Gino ang tunay na dahilan kaya niya gustong sumunod sa akin. Nang sa gayon mabantayan niya ako sa mga lalaki na posibleng umaligid. Nadamay pa talaga ang driver namin. This savage.

"Papa's right, Gino. Hindi ka matututo pag du'n ka din kasama ko. Magkaiba tayo ng gustong kuning kurso 'no," segunda ko tuloy sa tatay niya na ito namang tila nabuhayan.

"See, hijo? Pareho kami ng naisip ni Rhiannon. Totoong hindi naman hahanapin ang immersion niyo pagtuntong ng college pero magandang panimula iyon para may kaalaman na kayo agad. Higit pa roon, hindi ka rin mag-e-enjoy sa ganung environment, lalo na iba ang hilig ng mga nandoon."

"Hm!" tango ko.

Gino stared at me before his face turned dark for a second and from the looks of it, parang kami pa ang totoong mag-ama sa kung paano namin siya pagkampihan.

"Ganu'n din naman pag sa iba ako napunta, mayor. Hindi rin ako masisiyahan," sabi niya na kung makatitig pa rin sa akin para bang sa akin niya ito gustong sabihin.

"Bakit naman, hijo?" Usisa tuloy ni Papa. Bumaling agad si Gino.

"Mayor—"

"Pa, p-paano kung sa city hall kami, will it be fine?" pagsingit ko.

I had to! Napansin ko kasi sa mga mata ni Gino ang desididong pag-amin tungkol sa amin. Like we haven't made an agreement on this last time!

Humarap sa akin ang mag-ama. Madilim ang mukha ni Gino samantalang halos lumiwanag naman kay Papa. Umismid ng napakalawak ang huli.

"Of course! Nagtatanggap du'n ng mga trainees at katunayan nga may mga ilan ding matatapos na," nagagalak na anunsyo nito.

"Para 'di na rin mahihirapan si manong pag magkakasama tayong papasok at uuwi kung iyon po ang inaalala ni Gino."

"I agree." Tumango si Papa.

Papa really dreamed of his son following his footsteps someday. To become a mayor. To become a great and responsible politician carrying their family name. Gino is a full-blooded Fuego. Gaya ng mga kadugo niya. Gaya ng mga naunang mayors nitong bayan. Hindi ko lang talaga sukat-paniwalaan na kaya niyang talikuran ang mga iyon para sa akin, kaya maski ayaw man ni Gino pero gagawin ko pa rin makakaya ko para matanggap niya kung sino ba talaga siya.

Even if that costs me my own.

"I'll inform you pag kailangan na naming magpasa ng mga requirements, Pa."

"Please do, Rhiannon. Papaalam ko na rin sa concerned department na ireserba kayo ng slot," masiglang tugon ni Papa.

Nagpatuloy na uli kami sa kani-kaniya naming almusal. Nag-usap ang mag-ama tungkol sa mga man topics gaya ng karaniwan. Natigil lamang ang pag-uusap nilang dalawa nang magtanong uli si Papa. To me, specifically.

"Naalala ko.. ikaw ba nililigawan pa rin nu'ng kaklase mo?"

I suddenly find it hard swallowing my breakfast and with shaking hands, I reached for the glass of milk that was on my right. Then, I drank on it nervously.

"H-hindi na, Pa." ni halos 'di ako makatingin ng matagal sa kabisera.

"Was that the truth, Rhiannon?" Papa's right brow rose.

"Opo."

Hindi talaga sang-ayon ang mayor sa kay Renzo. Maski ngayong tanggap niya na ako ganu'n pa rin ang pananaw niya sa binata. Maski hinahayaan niya na akong mag-take ng hormones. Speaking of hormones, I think the last time that jerk & I have a decent talk was way before I started my transition, which is months ago.

"Paano ako maniniwala?" naningkit ang mga mala-uling na mata ni Papa.

"Iba na po kasi nanliligaw sakin." Nahihiya man sa naging sagot pero pinili ko pa ring magsabi. Napakurap ng ilang ulit ang mga mata ni Papa.

"That's good, then. But do I know that new boy?"

Yes. Matter of fact, it was your son, mayor.

"O-opo." Pasikretong akong tumingin sa puwesto ni Gino ngunit salungat kung mangbulgar ang pamumula ng pisngi ko pagkatapos akong ismidan nito. Hindi pa nakuntento sa narinig at nakita ang damuho at nanggatong pa talaga ng tanong sa tatay niya.

"Marami bang nanuyo sa kaniya noon, mayor?"

"Oh, believe me, hijo! Pakiramdam ko nu'n nangangampanya pa rin ako sa dami ba naman ng pinapakilala niya. Iba-iba kada buwan. That boy was her longest fling!" Humalakhak si Papa.

"Pa!"

"Hayaan niyo ho! Malakas ang pakiramdam kong ang manliligaw niya na ang makakatuluyan niya!" Bumaling si Gino sa akin at kumindat. Huminto saglit ang tibok ng puso ko.

"Sana nga, hijo! Sana nga. Sumasakit na kasi ulo ko sa ganiyan!" tawa pa rin ni Papa.

"Papa!" nahihiyang suway at napuno ng tawanan nilang mag-ama ang silid-kainan.

Gino really proved his obedience of keeping us a secret. Tulad na lang ngayon nang papasok na kami sa escuela. Habang lulan kami ng sasakyan, habang nasa likuran kaming dalawa, nanatili lang siya sa tabi ko na parang masunuring bata. Ngunit hindi ibig sabihing sumusunod siya sa pakiusap ko ay nagpapatunay na tanggap niya iyon. Hindi talaga siya sang-ayon doon at kung siya lang ang masusunod baka kanina niya pa ako ikinulong sa bisig.

Bumabaling siya sa kinauupuan ko habang nasa viaje kami. Napapansin ko siya sa gilid ng paningin ko at nagkukunwari na lang akong busy sa paggamit ng cellphone. Pang-limang baling niya sa akin bago ko makita ang pagsingit ng notification sa screen.

Gino:
Bakit ayaw mong tumingin sakin?

I stared at his message for a couple of seconds as butterflies in my stomach started flying. Nang mahinahon na ako tsaka pa lamang ako nagtipa ng sasabihin.

Me:
Hindi mo ba sila nakikita sa harap? Papa might suspect us. Pati si Mang Ben

Gino:
Saglit lang eh. Gusto kitang makitang nakatingin sakin

Napatiim ako ng labi. Naramdaman ko lalo ang mas marahas na pagpagaspas ng mga paru-paro sa tiyan ko.

Me:
Gino

Gino:
K.

Natawa ako ng mahina at napatingin agad sa harapan. Sumilip si Ben mula roon sa rearview mirror pero agad ring umalis ng tingin.

Nagtampo na!

I secretly glanced towards Gino. Nakababa ang tingin niya sa sariling cellphone kaya hindi niya napansing sumulyap ako. Nakabagsak ang mga kilay. Nakaigting ang panga habang nakabalandra naman ang tulis ng matangos na ilong na paminsan-minsang tinatamaan ng sikat ng araw. Nag-ta-type siya sa cellphone na nagmukhang maliit dahil sa mga maskuladong kamay. Hindi nga nagtagal nang magkaroon na naman ako ng notification.

Gino:
Pa-kiss na lang ako sa pisngi.. mabilis lang!

Me:
Pag nahuli tayo ni Papa hindi ka na makakaulit

Gino
E di sa labi na lang para sulit

Me:
Napakakulit mo

I once again glanced to his seat and this time, he was also looking at me. Nagmamakaawa ang mga mala-uling na mata na parang sa isang tuta. Napairap ako bago bumaling sa bintana kung saan kita ang kakalsadahang binabaybay ng kotse namin. Nahihirapan akong pigilan ang pag-ngiti ng sarili.

Nakakainis na nakakakilig!

Naramdaman ko ang pag-ugong ng cellphone ko na nakakulong sa sariling palad. Napasilip na naman ako.

Gino:
Mahal

Napakunot ang noo ko at napatipa ng mas mabilis kumpara sa karaniwan.

Me:
Huh? Sinong mahal?

Gino:
Ikaw. Mahal. Mahal ko

Napakagat ako ng labi. Naiinis ako na nasa loob ako ngayon ng kotse. Nasa tabi ko pa siya kasi kung ako lang baka kanina pa ako gumulong-gulong sa mga nababasa.

Mahal, huh?

Me:
Hindi naman 'yan tawag mo sakin

Gino:
It will be once you become my girlfriend

Napindot ko ang gilid na home buttom kaya nag-off ang screen. Gusto ko pang titigan ng mas matagal ang message niya kaso baka ako na mismo ang bumali sa kasunduan namin. Napasandal na lamang ako ng likod sa upuan at napapikit.

I can feel my body behaving to his sweet nothings. Hindi ko masundan ang ritmo ng puso ko. Hindi rin mapigilan ang nakaambang na ngiti sa labi. I opened my eyes a minute later and typed him a message.

Me:
Put your backpack between us

I didn't bother checking Gino to see if he read my message. Napagtanto ko na lang nang ilapag niya nga ang sariling backpack sa pagitin namin. I then rested my left hand behind his bag. Hindi iyon kita sa rearview mirro kahit tingnan kami ng driver kasi ang makikita niya lang iyong itim na backpack ng damuho. Gino took no time getting my idea and seconds after that, I felt his calloused hand on mine.

Bumaling na ako sa bintana para hindi kami pagdudahang sa harap. Nagmasid na lamang ako sa bintana habang nakahawak sa kamay ni Gino. Naramdaman kong naglaro ang magaspang niyang daliri sa palad ko kalaunan. Gino was spelling letters I cannot understand at first. But after some time that I finally got it. I shut my eyes tight and this time, I can no longer stop the smile that was trying to escape from my lips.

Mahal din kita, Gino.

"So sad naman! Hindi tayo magkasama," nguso ng bruha habang binabagtas namin ang hagdan pababang ground level.

"Sino bang nagsabing pumili ka ng engineering firm? Ikaw din, eh."

"Girl, si Joseph may gusto du'n, 'no! Gusto niya raw kasing ma-experience ang environment kasama ng mga engineers. Plano niya kasing kuning kurso 'yun," sagot niya sabay silip sa cellphone nang tumunog ito, at nang nagtipa agad siya pagkatapos mabasa iyon alam ko na kung sino.

Gaya nga ng naisip kaninang agahan nang inanunsyo na nga ng faculty ang tungkol sa immersion namin. Isang subject bago mag-uwian nang magkaroon ng biglaang meeting. Sir Ramon then listed many affiliated firms where we can apply as trainees. Naroon sa listahan ang pangalan ng isang kilalang accounting firm sa BGC na gusto ko sanang mapuntahan, pero tulad nga nang napag-usapan namin kanina ng mayor at pinili ko ang isa sa mga least picked na gustong pag-training-an ng mga kaklase ko; iyong munisipyo.

"Gusto mo palang maging inhinyero, girl. Sinasayang mo mga hotel n'yo," biro ko sa kaniya nang matapos ito sa pag-reply.

"Girl, I couldn't care less about that immersion thing! Si Joseph lang talaga nagpilit sakin. Hello, look who's talking din. Dati lagi mong sinasabi sakin naaasiwa ka sa munisipyo pero tingnan mo kung sa'n punta mo!"

"Si Gino kasi, eh."

"Tamo? Sunud-sunuran ka rin pala!" biro ng bruha at natawa ako kasi totoo.

Bago ang lahat ng mga ito, isa kami sa mga party girls. Lagi kaming gabi-gabing gumigimik o kung 'di naman pumupuslit sa mga kani-kaniyang bahay para maka-atteng sa mga house parties. Nag-iba na lahat sa amin at ngayon, kuntento na sa mga personal na buhay.

I guess you just really need someone to better you. Gaya nga ng ginawa sa akin ni Gino. I hated that savage who now contained the rebel that was in me.

Nag-usap pa kaming magkaibigan tungkol sa ibang bagay. Nagtatawanan nang nagkuwento ang bruha ng first date nila ng boyfriend niya noong huling bakasyon. Nasa ground na kami nu'n nang napansin namin pareho ang pamilyar na kaklase na nagmula sa direksyon ng school gymnasium.

"Rhian."

Napatigil kaming magkaibigan. "Oh, no, Rhiannon."

He was wearing that familiar varsity jacket, that denim jeans, that red sports bag. His typical jock outfit that made me so in love with him before I met Gino. Maliit man ang school pero ni minsan hindi sumagi sa isip ko na makakasalubong si Renzo. Crazy that Papa just mentioned him earlier breakfast.

"Uhm, girl. I gotta go na," paalam ng bruha at bago ko pa man siya sabihang manatili, nakalakad na agad siya ng ilang agwat sa akin.

Bumuntot lang ng tingin ang binata sa paglisan ng kaibigan ko at nang tuluyan na itong nakalayo nang ako naman ang pagtuonan ng mga singkit na mata nito. Tumikhim muna siya.

"Hey."

I cringed at that. I used to like him and his clean-cut get up. Nang nakilala ko si Gino tuluyang nag-iba na ang tipo ko. Hindi ko na makuhang kiligin sa mga magagandang lalaki na para bang nakikipagkumpetensya pa ng pakinisan at paputian ng balat sa akin. I now prefer ruggedly handsome ones. Yung mga hindi nagbabahalang gumaspang ang balat at yung mga hindi natatakot makipagbunuan kung kinakailangan!

"Rhian." pangalawa niyang tawag at hahakbang sana palapit ngunit pinigilan ko.

"Oh, ba't ka lalapit?

Humagip sa paningin ko ang ilang mga schoolmate na napadaan sa gilid. Judging from their occasional glances and slightly audible whispers, it won't be a surprise that we will be on yet another school gossip.

"Sungit mo naman." kamot niya ng batok.

"Ba't ano ba sasabihin mo?" I didn't bother hiding that digust from my tone. Lalo na nang naisip ko na baka nga maging laman na naman kami ng tsismis nito. Gino isn't the suspicious type but I still cannot afford giving him the wrong idea.

Natunugan niya yata iyon kaya natawa siya. "Egarbs, parang wala naman tayong pinagsamahan kung kausapin mo ko, Rhian."

"Renzo, stop this bullshit. Pareho nating alam na basura ang pinagsamahan natin," sabi ko sa kaniya at totoo naman talagang patapon iyon, because all those time he did nothing but fool me and his former girlfriend, Claire.

"Boyfriend mo na ba 'yun?" tanong na nga ni Renzo.

Napakunot ang noo ko. Napatingin muna ako sa kaniya mula ulo hanggang paa bago ko siya nasagot. Hindi man niya nabanggit kung sino pero nakilala ko naman agad.

"Oo. Pakialam mo naman?"

Hindi ko alam kung saan niya nalaman iyon. Hindi rin kilala kung sino nagsabi sa kaniya. Siguro isa sa mga malalanding hitad na may gusto sa kaniya na ang tingin may namamagitan pa rin sa amin. Siguro rin siya na rin mismo kasi kahit hindi ko siya napapansin sa corridor pero nararamdaman ko namang nakikita niya kami ni Gino. Confessing to this jerk wasn't even on my list but I had to just so he can let me be!

"Damn, Rhian! Ganu'n na kababa standards mo? Pumatol ka sa squatter!"

"Dati ka na bang gago sa nakaraang buhay ha?" I failed filtering my words especially right after hearing how he bad mouthed Gino!

Naawang ang bibig niya. Nanatili iyong nakabuka ng ilang segundo baka siya natawa ng nakakainsulto. Napailing siya ng ilang ulit na para bang hindi makapaniwala sa narinig.

"Solid ka na rin magmura! Ganu'n pala talaga pag boyfriend mo lumaki sa iskwateran—"

"He's not a squatter boy!"

"Rhian, c'mon! Marami satin ang may alam nu'n. Siya rin naman siguro 'di itatanggi 'yun pag tinanong. Nahihiya ka pa e ginusto rin mo naman. Mas mabilis mo pa ngang sinagot ang pulubing 'yun kaysa sakin. So un-fucking-believable!"

Hindi ko kinahihiya si Gino. Hindi ko siya kayang ikahiya kasi alam ko, hindi niya rin ako ikinahihiya sa mga tao. Hindi rin siya ganu'n kababa na nakikita sa kaniya ng karamihan. Hindi siya isang pobre lamang kasi kung alam lang nila ang totoong pagkakakilanlan niya.

He is a Fuego! Running in his veins was the very same blood the previous mayors and even the current mayor of this city had. He might even possibly govern this town to greatness someday!

"Ba't ano naman kung sinagot ko agad? Natapakan ko ba pride mo? Ba't mo kailangang insultuhin si Gino? Mahal ko siya kahit ano pang tingin at sabihin niyo. Besides, I'd rather be with a poor guy than be with a rich sore loser like you. Stop being petty."

"Pagsisisihan mo 'to. Hindi ka na makakahanap ng tulad ko, Rhiannon."

I laughed. That was funny. Inayos ko muna ang pagkakasabit ng strap ng sling bag sa balikat ko bago ko siya binalikan. Umismid naman ako ng maldita.

"Thank goodness! Nakakasuka kaya ugali mo," irap ko bago siya tuluyang nilayasan sa kinatatayuan.

Nauna kasing umuwi si Gino. Nagkaroon tuloy ng tsansang gambalain ako ng buwisit nang siguro nalamang nag-iisa ako ngayon. But Gino not being here was also a good thing too because surely we might have witness another fist fight in our campus. Pero, kung magbunuan man sila, hahayaan ko si Gino. Hayaan kong bangasin ng damuho ang pagmumukha ng gagong iyon at tingnan ko lang kung makuha niya pang maliitin ang mga taong lumaki sa estero.

I smirked.

Gagamitin niya raw iyong isang kotse para sunduin ako. Nagkaroon kasi ng biglaang pagtitipon si Papa sa isang baranggay at pag hinintay ko pa ang driver namin siguradong pasado alas-sais na bago kami makauwi.

Gino:
Nasa tapat na ko

Napangiti ako nang mabasa iyon. Naglalakad na ako patungo sa school gate.

Me:
On the way na

Gino:
Sige, hintayin kita rito sa labas

Nagliparan na naman ang mga paru-paro ko sa tiyan. Naisip ko kasi na para na talaga kaming mag-boyfriend at mag-girlfriend. Kung tatanungin naman din kasi kaming dalawa, sadyang ako lang naman talaga ang hindi pa ganu'n ang isip. Si Gino, mula nang mag-aminan kami sa isa't isa, trinato niya na talaga akong kaniya. Him courting me was just some sort of formality to our relationship.

"Ingat po pag-uwi," bati ng matandang guwardya at matipid ko itong ningitian.

"Thank you!"

Humalik agad sa pisngi ko ang mainit na simoy ng hangin sa hapon. Bumungad sa paningin ko ang kahel na kalangitan at agad kong naalala iyong nag-iisa ako sa palaruan ng village. Rumehistro sa pandinig ko ang tawanan ng mga kalalakihang estudyante na nasa fish ball stand. Marahil mula sa katabing school at naghihintay na maluto ang mga tutuhuging merienda.

Mabagal na lumipat ang paningin ko sa kaliwa at doon, nahinto ang paningin ko nang masilayan ang pamilyar na itim na Montero Sport, kasama ng isang binatang nakasandal sa pintuan ng passenger's seat.

He was wearing a clean simple t-shirt that showcased his proud biceps, na lalong nag-igtingan dahil sa pagkakatiklop ng mga kamay. Sumasalansang ang kulay ng puting damit sa morenong balat. Suot-suot niya naman sa ibaba ang itim na pantalon at isang puting Stan Smith. Naroon sa kanang palapulsuhan ang isang mamahaling relo, as if that luxurious wristwatch served as a finishing piece.

Nakabaling ang mga mala-uling niyang mata sa akin. Nahiya tuloy ako kasi baka kanina niya pa ako nakita habang nakatingin naman ako sa iba. Nanatiling ganu'n ang postura niya hanggang sa paglapit ko.

"Hi," magaspang ang tono niyang bati.

Gino was garnering the attention of those female students from another school. Napansin ko na ang tinginan nila sa kaniya kanina habang naglalakad at ngayon nga narinig ko na ng kaunti ang pagbubulungan nila. Nagtatanungan sila kung sino ba ang binata. Napatingin naman ang iba sa akin. Nailang ako nang lalo silang nagbulungan pagkatapos.

"Naghintay ka ba ng matagal?"

"H-hindi naman." iling kong nahihiya.

I can't take this! Naka-porma siya at naka-postura pa na para bang nagsusundong nobyo. Nakakaagaw siya ng atensyon. I mean, he basically is!

Hindi ba't nililigawan naman talaga ako ni Gino? Hindi na gumagana ng maayos ang utak ko!

"Tara na," suhestyon ko sa kaniya kasi ngayon, narinig ko na naman ang mga bulungan.

Gino batted those long eyelashes of his before pouting his lips boyishly. He then stood proudly before opening the door that was behind him.

"Masusunod, prinsesa."

Nahihiya sa mga nasa paligid kaya napasakay agad ako sa kotse. Nanginginig kong kinuha ang seatbelt at para bang ngayon lang ako nagkabit nito sa tanang buhay ko. Sinarado niya ang pintuan sa kanan ko. Sumunod ako ng tingin sa kaniya nang umikot siya sa harap at siya ring sinundan ng tingin ng mga kababaihan. Naghagikhikan pa sila nang napadaan si Gino. Nagising yata ang pagkamaldita ko kaso bago ko pa man maisipang labasin sila nang matauhan ako sa pagsakay ni Gino.

Nakangiti niya pang inaayos ang sarili sa pagkakaupo pero nabura agad ang ismid nang napatingin sa akin.

"Bakit?"

"Pasikat, huh."

"Hindi mo nagustuhan?" kurap niya ng mga mata.

I sighed. Nasa isip niya siguro na ako ang tinutukoy kong pinapasikatan niya pero ang totoo iyong mga babae sa labas ang pinupunto ko. I was so right that he was oblivious to those girls giggling at his presence.

"Gusto; basta sakin lang." sagot kong pabulong kaso hindi niya pa kasi na-i-ignite ang kotse kung kaya tahimik pa.

"Sayo lang naman talaga." sagot ni Gino bago paandarin ang kotse.

Nakabibinging katahimikan ang naging viaje namin. Nabasag lamang iyon nang magsalita ako dahil naalarma.

"Gino, teka; mali ka ng daan." puna ko bigla nang makitang nilagpasan namin ang gate ng village, pero siya namang tinawanan lang ako at ang pagkakataranta ko.

"Hindi, tama 'to."

"No! Nalagpasan mo na nga. Serious!" halos lumingon pa ako para isenyas sa kaniyang nasa malayo na kami, pero naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at imbis na sa likuran ang tapon ng tingin, mabilis na umangat ang mga mata ko papunta sa kinauupuan ni Gino.

"Hindi pa naman tayo uuwi." sagot niya habang nasa harap ang atensyon at hawak sa isang kamay ang manibela, habang ang isa naman nakahawak sa kamay ko na siyang pinisil niya.

"Sabi mo susunduin mo ko?"

"Sabi ko naman talaga."

"Ba't tayo nandito? Palabas na tayo ng ciudad, eh!"

He laughed at that. Huminto ang kotse nang makarating sa isang stoplight. Sumunod nito dadaanan na nga namin ang kalsada papunta naman sa susunod na ciudad. Hinihintay namin pareho ang pagberde ng stoplight nang gamitin niya iyong sandali para bumaling sa akin. Umismid siya pagkatapos sanhi para lahat ng inis ko sa kaniya ay maglaho, lalo na nang i-angat niya ang kamay kong hawak pa rin niya, para patakan ng halik sa ibabaw.

"I-di-date kita," magaspang niyang sagot at tuluyang nagwala ang puso ko roon.

Продолжить чтение

Вам также понравится

ORGÁNOSI I: Broken Mask C.C.

Художественная проза

510K 36.5K 8
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
Waves Of Love Jahzeel Dale

Любовные романы

29K 800 47
Having a family is great, but only when you are ready emotionally, physically and financially. Every teenager wants to enjoy their life before getti...
Munimuni jelo

Короткий рассказ

21K 1.1K 110
"Straight ako, pero bakit ngayon hindi na yata ako sigurado?" - David Musika Series #1
THE PERFECT GIRL | TRANSGENDER X STRAIGHT B

Художественная проза

4K 316 5
SCARLET ELISSE X HUGO ALEXANDRE II WARNING: THIS IS A TRANSGENDER X STRAIGHT MAN STORY. MINORS AND HOMOPHOBICS ARE NOT ADVISED TO READ THIS STORY. RE...