Fontabella 4: Taking The Risks

By TheButterflyReturns

6.2K 319 173

Taking The Risks Aljon Kaizer is chasing the criminal until it vanished from his sight. Running after that ma... More

Taking The Risks
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 2

386 27 9
By TheButterflyReturns

Chapter 2

"Gaga ka hindi mo man lang sinabi sa 'kin na may niluluhuran ka na pala ro'n!" bulyaw sa akin ni Griffin at binatukan pa ako ng gaga. Babatukan ko rin sana siya kaso nakailag, swerte, kung hindi siya nakailag madedeattach ang ulo niya sa katawan niya.

"Nablow-job ko ba? Hindi naman. Napaka oa mo talaga kahit kailan." inirapan ko siya at pinapaypayan ang mukha ko gamit ang aking kamay. Napakainit kasi rito sa Pilipinas jusko lahat kasi ng demonyo nandito.

"Gustong gusto mo naman? Kung hindi ko pa kayo naabutan ni Pulis do'n, baka nakagawa na kayo ng 1 hour straight na onlyfans." sumakay na ako sa loob ng sasakyan niya at siya naman ay umikot na sa kabila.

It's me time ko sana ngayon kaso ang mga hinayupak sinira ang araw ko, ano! Naghahanap ba kayo ng away? Ano?! Sino papalag diyan? Sabunutan ng bulbol?!

"Pupuntahan ko sana si Primo kaso argh, hindi na natuloy." nilingon ko siya sa driver's seat at nakahilig lang ang ulo niya sa bintana.

"Primo? Sino si Primo?" tanong ko.

"A friend of mine. He's super modess." Griffin said and turned right. Mukhang sa bahay nila kami didiretso, makakakain na naman ako ng masarap sarap.

"Modess? Napkin?"

"Bobo!" nagulat pa ko nang hampasin ni Griffin ang legs ko.

"Griffin, alam mo nag-iinit 'yung tumbong ko sa 'yo. Tignan mo ang laki laki ng kamay mo tapos hahampasin mo ako?" ismid ko sa kaniya.

"Pero tuwang tuwa nung sinampal ng malaking tite sa mukha?" back fire niya sa akin. Ay gago 'to ah?

"Bakit sasampalin mo rin ba ako? Daddy! Slap me with your burat na ga lata ang taba!" nilapitan ko siya at kunyaring i-ki-kiss kaso umiwas naman ang gaga at nagpagewang gewang ang kotse.

"Huy! Hindi pa ako nagagalaw umayos ka, Fin! Baka mamatay akong mas birhen pa kay Maria!"

"Sandale!" nakahinga na ako nang maluwag dahil mabilisan din niyang naayos ang pagmamaneho ng sasakyan.

Cut the piece of shit!

---

Nasa bahay na ako pagkatapos kong kumain kila Griffin. Griffin is born with a golden spoon on his mouth, anak mayaman kaso ang gusto ay magtrabaho ng magtrabaho. Kung ako siguro siya, well, baka gawin ko rin na magtrabaho para magkaroon ng ako ng sarili kong pera.

Nakakahiya na masiyado kila mama at papa na sa kanila ako humihingi ng pera. I'm working as an attendant sa isang mental facility. Yuh, you heard it right, bitches! Isa akong kunyaring nurse na naglilibot sa buong facility.

Gabi ang shift ko kaya ngayong hapon ay naghahanda na ako sa pagpasok ko sa facility.

"Ma, nasaan ba si papa?" tanong ko kay mama na nagseselpon lang sa mahabang upuan.

"Wala ata, nakipagsabong sa kabilang bayan." tugon niya sa akin nang hindi ako nililingon.

Napabuntong hininga na lang ako ng dahil kay papa. Nalahiligan na niyang mag bisyo mula nang umuwi siya rito mula sa abroad pero hindi naman niya kami napapabayaan kaya mahal na mahal ko ang pudra ko.

"Hatid mo na lang ako, ma." sabi ko at humalukipkip sa harapan niya.

Napaangat na siya ng tingin sa akin at ibinaba ang kaniyang antipara.

"Loh? Gago ka ba?" sabay bato sa akin ng unan na sinasandalan niya. "Ayaw ko nga, maraming multo ro'n!" rason ni mama na ilang beses ko nang narinig.

"Wala nga, pekpek na ito. Ano na, bibigyan kitang 500 kapag hinatid mo ako? Ano? Game?" tanong ko kay mama saka inilabas sa wallet ko ang 500 na kupit ko lang naman din sa kanila ni papa.

Ang mukhang pera naman inilahad agad ang palad sa akin saka kinuha ang pera. Naku! Dito ako naiinis kay mama, bilugan na nga, mukha pang pera.

"Tara na para mabilisan na tayo." tumayo na siya sa pagkakaupo at dumiretso sa loob ng kwarto ng bahay. Alam ko na ano kukunin niya, magsusuot pala.

"Ma, gabing gabi nakajacket ka. Takot na takot ka namang umitim." puna ko sa kaniya na balot na balot ang katawan.

"Ayaw kong umitim 'no! Sayang kutis ng angkan namin, sa akin ka kaya nag mana." pagmamayabang niya sa akin at nauna nang lumabas ng bahay at sinusian ang mio namin.

"Arte arte mong ayaw umitim eh tinatago mo nga singit mo. Hindi naman naaarawan pero makulimlim." binatukan pa ako ng putragis.

Mio pa lang ang napupundar namin na sasakyan dahil taghirap ang buhay ng lola niyo. Kahit na college graduate na ako wala pa rin akong nahahanap na trabaho. Huwag kayong maniwala na kapag naka graduate na kayo, may trabaho agad kayong makukuha.

Kadalasan kasi ay kailangan nila ng two to three years na job experience para sa gaya kong nangangarap maging isang chef na nagmamay-ari ng isang malaking restawrant!

Basta ayan ang ambisyon ko sa buhay.

"Sasakay na ako ah." tumango si mama habang nakasuot ng helmet.

Nagsimula na siyang magpatakbo ng mio namin hanggang sa makarating kami sa isang lugar na malayo sa town proper. Halos mga puno na ang dinadaanan namin, isa sa mga dahilan bakit ayaw akong hatid ni mama.

Sadyang matatakutin lang siya sa mga multong 'yan, ako nga hindi pa nakakakita kaya hindi ako takot at sigurado akong kahit makakita ako ay kahit na magshot pa kaming dalawa.

Sino hinamon niya? Ako ba? Sa ganda kong ito.

"Dito na ako, ma." sabi ko nang matapat kami sa isang malaking building ng hospital. Naramdaman kong nanginginig siya sa takot kaya ginulat ko ang kike.

"Ano ba naman 'yan! Sa susunod hindi na kita ihahatid dito."

"Bahala ka maraming mumu riyan. Awoohhh." panakot ko sa kaniya kaya nagmamadali siyang nagpatako ng mio namin. Hahaha, such a pain in ass. Tiningala ko muna ang building at kapansin pansin na kakalubog lang ng araw.

Madilim na sa kalangitan at tanging pagkaluskos ng dahon sa paligid ang iyong maririnig. Umihip ang isang malamig at malumanay na hangin kaya napayakap aoo sa akinh sarili.

I walked through the entrance of the building and smiled at the guard, ngumiti naman ng pabalik si Manong sa akin.

"Nahuli ka ata ngayon, Sir?" tanong ni kuya Dani.

"Ah, oo ng po, kuya, eh. Wala si papa kaya si mama ang naghatid sa akin dito." tumango siya at kinuha ang logbook kung saan kami pumipirma bago pumasok sa loob.

"Salamat."

Tuluyan na akong pumasok sa loob ng hospital, sa front desk ay isang babaeng nurse na nakasuot ng uniporme nila. Kahit na hindi naman ako nurse ay naka pang nurse pa rin akong attire.

"Linda! Kamusta mga ward?" tanong ko at nangalumbaba sa harapan ng lamesa. May tinitipa siya sa harapan ng kaniyang computer.

"Ayos naman, nagwala nga lang kanina, may napanaginipan daw." tugon ni Linda sa aking tanong.

"Tinanong niyo ba? Sabi ni Doc importante raw i-check ang kalagayan ng bawat pasyente, especially their mental health para umayos ang lagay nila." tanong ko pa sa kaniya.

Pumasok na ako sa front desk at naupo muna sa gilid niya para makipagchikahan. Sa totoo lang ay time ko na pero mukhang may nagwaward pa kaya mamaya maya na lang ako mag-iikot.

"Oo, tinanong na namin ni Zayda kanina kaso ayaw sumagot. May hinihintay pa ata." that must be the old lady. Close ko na ang matandang iyon mula nang mapasok ako rito at nabaliw dahil namatay ang dalawa niyang anak sa sunog.

Palagi niyang sinasabi sa akin na.

"Anak, kamukhang kamukha mo talaga ang namayapa kong panganay na si Pipoy. Mas maputi ka nga lang."

Palaging ganiyan ang sinasabi niya. Naging ayos na lang din naman sa akin kasi nakakatulong ako para sa paggaling ni nanay. Sa tingin ko.

"Baka ako hinihintay ni nanay." saad ko kay Linda.

Tumawa siya. "Baka nga. Sige na puntahan mo na siya para maayos na lagay ni nanay." tumango ako at iniwanan ang shoulder bag ko sa loob ng isang kabinet bago nagsimulang mag-ikot.

May naririnig akong naglalakad pa na mga paa kaya baka si Zayda lang na naglilibot pa sa ibang floor. Kahit na kailan hindi naman ako natakot na mag-isa rito dahil kadalasan ay ako na ang nagsasara ng hospital kapag nakauwi ng maaga si kuya Dani.

Inilagay ko sa aking likuran ang aking dalawang kamay habang pinagmamasdan ang bawat kulungan ng mga taong naka confine para gamutin ang sakit nila sa pag-iisip.

Iba't-ibang ingay ang ginagawa nilang lahat. May ibang nag-iingay sa pamamagitan ng pag-alog sa mga bakal na rehas.

"Huy! Kaingay mo!" bawal ko sa kaniya pero patuloy lang siya sa kaniyang ginagawa. Iniwanan ko na lang siya at tinignan ang bawat kwarto, may isa akong nakita na kumakain ng pagkain sa kaniyang plato.

Nang mapansin niya akong nakatingin ay nag thumbs up pa siya at inalok ako ng kinakain niya.

Umiling ako. "Sige po, kayo na lang ang kumain." kailangang mapagpakumbaba ako rito dahil baka kaagaran akong matanggal sa trabaho.

Pagsilip ko naman sa isa pa na kuwarto ay may nakita akong isang batang babae na inuuntog ang noo niya sa matigas at puting pader. Naalarma ako kaya kaagad kong kinuha ang susi sa aking bulsa saka binuksan ang selda.

"Tigil ka na, ineng. Nagugutom ka ba?" kalmadong tanong ko sa kaniya at iniharang ang kamay ko sa lugar na kung saan niya inuuntog ang ulo niya.

"Ano bang gusto mo?" tanong ko pa ulit.

Hindi niya ako tinugon bagkus ay tumuloy sa pag-untog ng ulo niya sa aking palad habang may sinasambit na mga salita na hindi ko na halos marinig.

"Roel! Michael! Patulong please!" sigaw ko nang malakas at kaagad akong nakarinig ng mga humahangos na paa at ilang sandali pa ay nakarating na ang dalawang pogi na nurse.

"Bakit, Lin?" tanong ni Roel mula sa labas ng pinagkakakulungan nitong pasyente at itinuro ko lang si Aime. Aime ang pangalan nitong batang babae.

Naiiling na pumasok silang dalawa.

"Tsk. Itinali na natin ito kanina hindi ba, Kel?" tanong ni Roel kay Michael na tumango lang.

"Oo nga."

Kinuha na nila sa akin si Aime at ipinaupo sa isang rocking chair at sinimulang itali ang kaniyang katawan.

"Kayo na ba bahala rito?" tanong ko.

"Oo kami na."

Lumabas na ako sa loob ng kulungan at naglakad lakad pa para tignan sila bawat isa. Mukhang ayos lang naman sila kaya hindi ko na binuksan pa isa-isa ang selda at tumungo na lang sa pinakadulo ng hallway kung saan nakakulong si nanay.

Nakarinig ako ng tumatakbong mga paa, baka sila Roel na naman na may tatakbuhin na mga pasyente. Hayst, nakakatuyo ng utak kahit na ang trabaho ko lang ay tignan silang lahat.

Kailangan kong maging mapagpasensiya para lang dito. Para sa lahat ng ito.

Umihip na naman ang isang malamig na hangin bago ko narating ang pinakadulong kwarto.

"Kamusta, nay?" tanong ko saka binuksan ang kandado saka pumasok sa loob. Naabutan ko lang siyang blankong nakatitig sa pader at may ibinulong. Ngunit hindi kagaya ng babae kanina ay malinaw ko nang naiintindihan ang mga salitang namumutawi sa kaniyang bibig ngunit ito ay mahina lang.

Naupo ako sa isang mahabang upuan na kahoy na kinauupuan ni nanay saka inilapit ang tenga ko sa tapat ng kaniyang bibig.

"Sundalo... Sundalo... Sundalo..." sunod sunod niyang bulong kaya napakunot ako ng noo at inilayo ang mukha ko sa bibig niya.

"Nay, wala pong sundalo rito." sabi ko at hinagod ang likuran niya. Napansin kong pawis na siya kaya kinuha ko ang isang lampin na nakalagay sa ibabaw ng isang lamesa saka pinunasan ang kaniyang likod.

"Sundalo... Mga sundalo... Baril... Baril... Ulo... Tanggal ulo..." ginapang ng kaba ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.

"Nay, huwag naman kayong manakot gabi na ho." turan ko sa kaniya.

Dahan-dahan bumaling ang mukha niya papunta sa akin. Kita ko kung ano ang nagbabadyang emosyon dito. Takot.

Umihip ang isang malamig na hangin at naramdaman kong ipinatong niya ang kamay niya sa kamay kong nakapatong sa ibabaw ng aking hita at ilang saglit pa ay unti-unting tumahimik ang buong paligid.

Nawala ang ingay ng mga rehas na kinakalampag at ang mga sigaw. Napalitan ito isang nakakabinging katahimikan lang.

"Sundalo." banggit ulit ni nanay.

"Huh?"

"Nandito na ang mga sundalo. Paparating na sila."

May narinig akong nagmamartsang mga paa sa kalayuan ngunit palakas ito ng palakas at mukhang papunta sa aming gawi. Sabay sabay ang pag-apak ng mga paa sa sahig. Nanigas ako sa kinauupuan ko at tinitigan lang si nanay.

"Nandito na sila..." sambit niya at ang mga naglalakad na paa ay lumalakas na at mukhang papunta ito sa aming gawi. Habang nakatitig ako sa mukha ni nanay ay napansin kong may mga kulay berde at brown sa likuran niya.

Parang mga damit ng sundalo. Napalaki ako ng mata at napalunok ng dahan-dahan. Hindi ko inaalis ang titig ko sa mukha ni nanay hanggang sa ang mga kulay berde na damit ng sundalo ay dumami mula sa likuran niya.

"Sundalo..."

Unti-unti kong inangat ang aking mata at pagkakita ko sa likuran ni nanay ay mga grupo ng sundalo na may hawak ng baril at walang ulo!!

"TULONG!!! MGA PUGOT NA ULO!" sigaw ko at nakita kong itinutok ng isang sundalo na walang ulo ang baril sa akin at nang saktong ipuputok niya ito ay napadilat ako ng mata at napansin na bumalik na ang lahat sa dati.

Kinapa ko ang sarili ko kung buhay pa ba ako, napalinga rin ako sa buong paligid. Wala na ang mga pugot na ulong sandalo. Bumalik na rin ang ingay na mga gawa ng nakakulong sa bawat selda.

Tatayo sana ako ngunit nanghihina ang tuhod ko sa aking nakita. Unti-unti kong naitayo ang sarili ko at naglakad papalabas ng selda habang nanginginig ang aking tuhod at katawan.

Inilock ko na ang kulungan ni nanay at nang mapunta sa kaniya ang tingin ko ay may isang nakakakilabot na ngisi lang sa kaniyang labi. Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang bumalik sa front desk at tumabi kay Linda.

Tahimik lang ako buong oras at nang matapos na ang shift ko ay kaagad akong lumabas ng hospital. Maglolog out na sana ako sa logbook at kinuha kay kuya Dani ang ballpen saka nagsulat.

Pansin ko na nanlalaki ang mata niya at namumutla siya.

"Anong problema, kuya Dani?" tanong ko pero hindi siya sumagot. I'm sure he's sleepy. Naghanap na ako ng tricycle at umuwi na sa amin saka natulog ng mahimbing.

TheButterflyReturns © 2021

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...