TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERI...

By ha7fcook

41.7K 3K 2.7K

BOOK 2 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Teen Fic, RomCom, School "Ako si Leighra Hivary Aragon ang pr... More

NMTMM: DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE
SPECIAL THANKS
UPDATE
AU's Story is Up!

CHAPTER 49

514 36 50
By ha7fcook

PS: Brutal scenes, vulgar words and languages ahead.

[Leighra's Pov]

Ngumiti ako sa kaniya pagkatapos niyang sabihin na mahal na mahal niya ako.

Tumayo ako at hinarap siya, lean down on him and kiss his forehead.

“Mahal na mahal din kita, I am so proud of you and I adore you for being that tough and strong.” Sabi ko na halos pabulong.

Namasa ang mata niya, bago pa man bumagsak ang kaniyang luha ay tumayo na siya at niyakap ako.

Hindi na siya nagsalita at nakayakap lang, alam kong umiiyak siya dahil ramdam ko, hindi ko man marinig ang kaniyang hikbi ay gumagalaw ang balikat niya at bahagyag sumisingot.

Niyakap ko siya pabalik at hinigpitan iyon.

“Huwag mo akong iiwan ha?” Aniya.

“Hindi kita iiwan.”

‘Pero hindi ko iyon maipapangako.’

Ayokong mangako gaya niya, dahil sa gaya naming nagsisimula pa lang ay alam kong marami pa kaming mararanasan. Marami pa kaming kakaharapin na problema sa buhay.

Alam ko na hindi habang buhay ay ganito kami, sweet at masaya.

Alam kong darating din sa punto na pareho kaming manlalamig pero sana ay hindi namin magagawang sumuko, sana ay mas tumatag kami at sana lang ay hindi kami makakagawa ng ikakabigo namin sa isa’t isa.

Sa sandali naming magkasama at nagkakilala ay minahal ko siya, kahit naging saksi ako sa kung paano niya ipakita ang sarili niya sa iba, maging tarantado man, walang modo, maging walang kwentang kausap, lahat ng iyon nasaksihan ko.

Pero kahit na ganoon man ay heto ako, minamahal siya at mamahalin pa.

Kung sakali mang dumating sa punto na nagawa naming biguin ang isa’t isa, sana ay ang pagmamahal namin ang siyang manguna, hindi ang pagkabigo, hihinakit at pagkadismaya.

Lumakas ang kaniyang pag-iyak at naririnig ko ang kaniyang hagulgol kahit gaano man niya iyon pigilan.
Matiyaga akong nakatayo habang magkayakap kami, hindi nagsasalita at hinahayaan lamang siya.

I don’t know how to comfort through my words, but hoping that my actions can comfort him.

Sandali pa ay naramdaman ko na ang unti unti niyang pagtahan hanggang sa siya na ang kusang kumalas.

Ngumiti ako sa kaniya at pinunasan ang kaniyang luha and rested my palm on his cheek.

Pinakatitigan ko ang kabuuan ng kaniyang muka at isa isang pinapasadahan ang bawat parte no’n, mula sa kilay, pilik mata, mata, ilong at labi at ibinalik sa kaniyang mata na nakatitig lang din sa akin.

“Tonight, I am going to introduce you to everybody, I mean to my relatives.” Sabi nya.

“But, I am not that close to them.” dagdag niya.

“You know what, why don’t we enjoy the day, let’s have some fun.” Sabi ko sa kaniya.

“Let’s swim then?” He asked.

“Sure.” Sagot ko.

Sandali, nireregla ka.” Aniya.

Tumitigil kapag nasa tubig.” Sagot ko.

Weh? Baka mahalo sa tubig, kadiri.”

Sinamaan ko siya ng tingin.

“Sabi na ngang tumitigil kapag asa tubig eh!” Inis kong sabi sa kaniya.

Natatawa siyang nagpunas ng kaniyang luha dahil sa inasta ko.

“Okay, fine, magpalit ka na, may rest house kayo dito ‘di ba?” He asked.

Inirapan ko na lamang siya at pinangunahan ang paglalakad papunta sa rest house.

Pumasok kami doon at pumasok ako sa kwarto ko sinabi ko naman sa kaniya na sa kabila siya at mangalkal ng gamit ni Harvey do’n.

Nagpalit ng damit, mini short and bra lang with kimono na pang beach siyempre, pantakip sa katawan ko, hinalungkat ko pa ang ilang gamit at nakita ko ang DLSR ko kaya kinuha ko iyon at isinabit sa leeg ko, I applied sun block bago ako lumabas.

Pumunta pa ako sa kabilang kwarto kaso wala na siya doon.

Kaya dumeretso na ako sa labas at ayun siya, naka short lang siya at putting polo na, hindi nakabutones at open lang, wearing a hat, habang hawak ang gitara.

‘Ang gwapo, ngina!’

Lumingon siya sa akin nang naramdaman niya ata ang aking presensya.

“What the hell are you wearing?” Seryosong aniya habang seryosong tinitignan ako pataas pababa.

“Short, kimono at bra.” Sagot ko.

“I know and who the hell told you to wear that?” Tanong na niya habang nakakunot ang kaniyang noo.

Umirap naman ako sa kaniya bago naglakad at nilagpasan siya.

“My shadow.” Sagot ko.

Ahy puki!” Gulat kong saad nang bigla niya akong hilain at hinapit sa bewang.

Itinulak niya ako papsok sa loob.

“Change!” utos niya at isinara ang main door at iniwan ako sa loob.

Putek! Ayoko!” Sigaw ko at kinalampag ang pinto.

Walang maliligo kung gano’n.” Aniya.

Peste Zero! Nasa beach tayo, anong gusto mong suotin ko? Gown?” Inis kong sabi.

“Wear t-shirt!” Sigaw niya pabalik.

Siraulo! Ang init!” Sabi ko.

“It’s November Leighra, it is not that hot!” Inis na aniya.

Sinuntok ko ang pinto dahilan para lumikha iyon ng ingay bago ako dadabog dabog na pumunta sa kwarto para maghanap ng manipis na t-shirt.

Nang matapos ay bumalik na ako doon.

Buksan mo!” Sigaw ko.

Nagpalit ka na?” He asked.

“Isa!”

“Oo na nga, bubuksan na.” Aniya at binuksan nga.

Iyan, mas better.” Sabi.

Nagsusuot ka ba ng short na ganiyan sa bahay niyo--”

“Huwag mo akong kinakausap!” Sabi ko at naunang naglakad sa kaniya hanggang sa makarating ako sa may bukuhan at naupo sa may kubo doon at tinawagan ang si tita, ang manager ng resort na dalhan kami ng makakain dito.

Pagkatapos ay kinalikot ko ang DLSR.

Nakita ko naman doon mga picture namin ni Alfie, naka bra nga lang ako dito, tss.

‘”Ano ba!” Sigaw ko nang hablutin niya ang DLSR.

Masama ko siyang tinignan pero mas masama ang tingin niya.

Inaano ko ba?

Umirap na lang ako at nakangusong pinagmasdan ang dagat.

Dahil November nga ay hindi gano’n kainit.

“Deleted.” Sabi.

Pati kapatid mo, pagseselosan mo?” Tanong ko sa kaniya.

“Shut up! Just create another memory with me.” Aniya.

Inagaw ko nalang ang DLSR at kinunan ng litrato ang dagat.

“You have stolen my heart
I’m captivated by you
Never will you and I apart
I’ve fallen deeply in love with you.”

Kanta niya bigla at sinabayan ng pagtipa sa gitarang hawak niya, na malamang ay kay Harvey.

Tinitigan ko naman siya.

“What is that song?” I asked.

“Deeply In love.” He answered.

“It is a Hillsong though, I just heard it somewhere and search it on YouTube.” Dagdag niya.

“Ang ganda.” Sabi ko, ngumiti naman siya sa akin.

Muli ay tumugtog siya at ibang kanta naman iyon, hanggang sa maya maya lang ay dumating na ang pagkain namin.

Naks Zero, may date kayo ni ma’am Owner ah.”

Woi Junell, tigil tigilan mo nga ang pagtawag sa akin ng owner, ano ako sasakyan?” Sabi ko.

“Eh, kayo po may ari nito ‘di ba? Si ma’am naman, ‘di pa ako pagbigyan eh iyon na na lang ang alam kong English eh.” Aniya.

Umling iling naman ako sa kaniya at tinawanan siya.

“Kailan ka balik sa trabaho?” Baling niya kay Zero.

“Hindi ko alam, marami pa ako inaasikaso eh.” Sagot naman niya.

“Huwag ka na daw pumasok, hanap na lang kami kapalit mo.”

Umalis ka na nga, panira ka ng date eh.”

Tatawa tawa namang umalis si Junell.

Niyaya ko naman na siyang kumain, pinili kong magkamay, mas masarap.

Kumukuha na ako ng pagkain nang bigla niya akong pinigilan at nakatingin sa likod ng kamay kong namumula.

“Why--”

Dahil sinuntok ko ang pinto kanina.” Sabi ko at binawi ang kamay ko.

Magkakapasa 'yan.” He said with too much concern.

“Alam ko.” Sabi ko at kumuha ng pagkain ulit at kumain na.

“Sorry.” Aniya.

“Kumain ka na---”

“Ayoko lang na nagsusuot ka ng gano'n baby, sana maintindihan mo 'yon.”

Nandito tayo sa dagat Zero, tayo lang din tao dito eh--”

“Baby, may tao man o wala, mag isa mo man o may kasama, do not wear a suit like that.” Sabi niya.

Nanahimik na lang ako at kumain, bumuntong hininga naman siya at kumain na din.

Tahimik lang kaming kumakain habang sa naubos na namin 'yon lahat.

Inabutan naman niya ako tubig pagkatapos.

Salamat.” Sabi ko, pinanood naman niya ako.

Napakasimple niya grabe.

Maya maya pa ay kinuha na ang nga pinagkain namin, nagpahinga lang kami habang hinahayaang matunaw ang mga kinain namin at nagkukuwentuhan ng kung ano, ano.

Ilang buwan na tayo?” I asked.

“Uhh, two? Ewan ko.” Sagot niya, kaya natawa na lang din kami pareho dahil hindi namin alam.

“Rest room lang ako, wait me here, ligo na tayo, pagkatapos.” Sabi ko sa kaniya.

Tumango naman siya kaya pumunta na ako sa pinakamalapit na banyo.

Naghugas at tinanggal ang pads ko at binasa na ang katawan ko, nandiri lang ako sandali nang may masamang dugo na umagos kasama ng tubig at kalauna'y wala na.

Nang matapos ako ay lumabas na ako at bumalik doon, at ayun, tinatanggal na niya ang kaniyang polo.

Napalunok naman ako ng wala sa oras.

Tae! Kinikilig ako.’

I shook my head at naglakad na papunta ro'n.

Tinignan niya ako tapos ngumuso.

Bakat.” Aniya bago lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Inirapan ko naman siya at hinila ko na siya papunta sa dagat.

“You know how to swim?” He asked.

“Oo naman 'no!” Sabi ko sa kaniya.

Tumawa naman siya at bigla na siyang lumangoy nang hanggang hita na namin ang tubig.

Hinayaan ko naman siyang lumangoy palayo habang ako naman ay dinadama ang tubig na unti unti tumataas hanggang sa makarating sa may bandang ibaba ng dibdib ko.

Nilibot ko ang paningin ko, nasaan na si Zero?

Hindi pa umahon? Gaano ba kalayo nilangoy no'n?

Naisipan kong lumangoy pailalim para hanapin kung nasaan siya.

Lumangoy langoy ako sa kung saan alam ko kung saan nagtungo pero mahapdi sa mata ang pagdilat sa loob kaya napapaahon ako.

Nasaan na ba 'yon?” I asked dahil hindi ko talaga mahanap.

Waah--” Hindi ko pa nailabas ang tili ko nang hilain na niya ako pailalim kaya may nainom pa akong tubig ng dagat.

Sinamaan ko siya ng tingin pagkasisid namin at itinulak siya at aahon na sana para humugot ng hangin pero pinigilan niya ako.

Kumawag kawag ako hanggang sa nasipa ko ang kamay niya kaya nabitawan niya ako at mabilis na lumangoy paahon.

Habol habol ko ang hininga ko habang umuubo ubo pa dahil sa nainom kong tubig kanina.

Natigilan ako nang maramdaman ko ang hawak niya sa paa ko, humugot na ako ng hininga bago pa niya ako hilain pailalim.

Hindi nga ako nagkamali dahil hinila na naman ako pailalim.

At dahil napakaclear ng tubig ay kitang kita namin ang isa't isa.

Ang sama ng tingin ko sa kaniya pero nakangiti lang siya.

Sumenyas siyang lumangoy pa kami sa mas malalim.

Tumango na lamang ako at lumangoy pero nainis ako nang hilain ang paa ko kaya inambaan ko siya ng suntok sa ilalim ng tubig.

Itinaas niya ang kaniyang kamay na para bang suko na at kinuha ang kamay ko, entwined our fingers and pulled me to swim.

Ang tibay niya ah, hindi pa siya umaahon, kanina pa.

Napakalalim na ng linangoy namin, dumidilim na ang nakikita kaya bago pa kami makalayo ay ako na ang humila sa kaniya palangoy para umahon, sumabay naman siya at sabay naming ikinakawag ang aming kamay.

Pagkaahon namin ay pareho naming habol ang aming hininga.

Napatitig pa ako sa kaniya dahil mas lalo siyang gumwapo sa basa niyang buhok, hinawi niya iyon at pinunasan ang muka niya gamit ang palad.

Ngumiti kami pareho bago namin bitawan ang pagkakahawak ng kamay namin para makapagkawag kami ng mabuti.

Napalingon kami sa pinanggalingan namin at sabay na natawa dahil napakalayo na namin.

Karera?” Hamon niya.

“Oo ba.” Sabi ko at inihanda ang sarili ko.

Ganoon din siya.

“Ready? Go!” Sabi niya kaya nagsimula na kaming lumangoy.

Binilisan ko ang pagkawag at paglangoy kaso mas mabilis siya kaya lalo kong binilisan kaya medyo nakakahabol ako hanggang sa kaunti na lang ay makakaapak na kami ng buhangin nang biglang nagcramps ang paa ko.

“A-aray!” Daing ko at pilit ikinakawag ang kamay para hindi malunod.

“Ze--ack!” Lumulubog lubog ako dahil hindi ko matiis ang sakit kaya sumisid na ako pilit inaano ang paa kong nagcramps.

Aahon kapag hindi makahinga at babalik para anuhin ang paa ko pero nahihirapan ako!

Umahon ako muli para humigop ng hangin at nakita ko si Zero na malapit na sa pampang.

“ZERO!” I shouted at kumawag bago lumubog muli, hindi ko alam kung narinig at nakita niya ako pero peste! Mamatay na ata ako!

Ang dami ko ng nainom na tubig!

Halos umiyak na ako sa sakit habang nilalabanan ang paghinga pero hindi ko na kaya.

Sandali pa ay naramdaman kong may pumulupot sa bewang ko at inilangoy ako paahon at doon na ako umubo at humugot ng mas malalim na hininga.

I coughed so hard at nanghihina na lamang na nagpaanod kay Zero.

He swim faster hangang sa makarating kami sa mababaw na at binuhat ako.

“Anong nangyari sa 'yo?” Alalang alala niyang tanong.

“Cramps.” Nanghihinang sabi ko habang isinesenyas ang paa ko na masakit pa rin.

Mabilis siyang naglakad papunta sa dalampasigan at pinaupo ako doon at pumunta sa paanan ko pushed my toes to stretch my leg.

Napadaing ako sa sakit at tiniis pa rin hanggang sa umokay na siya kahit medyo mayroon pa.

“Sorry.” Aniya at niyakap ako.

Hindi na ako nagsalita at sumandal na muna sa dibdib niya hanggang sa binuhat din niya ako pabalik sa kubo.

“Water?” He asked.

Tumango na lang ako at inabot ang tubig at uminom.

“You okay?” He asked.

“Yes, sorry, pinag-alala kita.”

“No, I should be the one who will say that.” Sabi at tumabi sa akin.

“Sorry talaga.” Sabi.

Ayos lang, okay na 'to mamaya, ligo tayo ulit.”

“Hindi na baby.”

“Gusto ko.” Pagmamatigas ko.

Bumuntong hininga naman siya at tumango na lang, kinuha ang twalya at ibinalot sa akin.

Habang namamahinga dito ay nagkakantahan kami.

Magaling ka naman pala kumanta eh.” Aniya.

“Bolero.” Sabi ko.

“Oo nga.”

Umirap ako sa kaniya.

Ako pa binilog eh, alam ko ang boses ko, tss.

Nagpatuloy lamang muna kaming magsaya hanggang sa hapon na.

Malapit na lumubog ang araw.

“Tara baby, panoorin natin sa may dagat ang paglubog ng araw.” Excited na excited na sabi ko sa kaniya.

Ngumiti naman siya sa akin at inilahad ang kaniyang kamay sa akin, inabot ko naman at sabay kaming naglakad papunta sa tubig ulit.

“Ngayon ko na lamang ulit masasaksihan 'to dito sa dagat.” Sabi ko.

Pwede nating gawin ito ng madalas kung gusto mo.” Suhestiyon niya.

Ngumiti naman ako at tumango sa kaniya at tinignan ang araw.

Patuloy kaming naglalakad habang magkahawak kamay hanggang sa tumigil kami nang hanggang dibdib ko na ang tubig.

Kahit kada hapon kong papanoorin ang paglubog ng araw kung ikaw ang kasama.” Bulong niya sa akin.

“Same as the sunrise.” Sabi ko naman.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kaniyang hawak sa aking kamay sa ilalim ng tubig.

Lumalaki man ang pag alon ng tubig ay bahagya na lamang kaming tumatalon para hindi kami lagpasan.

Dahan dahan na ngang bumababa ang araw at malapit na nitong mahalikan ang tubig ayon sa repleksiyon.

“Ang ganda.” Sabay pa naming sabi bago namin nilingon ang isa't isa at mahinang natawa.

Sandali ay hinarap niya ako sa kaniya.

“Sana gaya niyang araw na iyan, lulubog man ngayon, kinabukasan ay may panibagong liwanag na mag-iilaw sa buong daigdig.”

“Ikaw ang araw ko, ang mabibigay ng liwanag sa pang-araw araw, at sa aking mundo.”

“You are not my world, dahil ang kinalalagyan natin mismo ang mundo ko at mundo mo. Not even my life, because we have it naturally.”

“Lights maybe natural or manmade, sun or just the flashlight or streetlights.”

Ngunit ang liwanag na tinutukoy ko ay ikaw, liwanag na nagmulat sa aking madilim na mundo at buhay. At hindi ako magsasawang mananatili sa liwanag na ikaw ang nagbibigay.” 

He said at nilingon ang araw kaya ako din at kalahati na ang nakalubog at napakagandang pagmasdan ang kahel na kalangitan.

“I love you.” Bulong ko bago bumaling sa kaniya na nakatitig na sa akin.

“I love you too.” Aniya at hinawakan ang pisngi ko at ginawaran ako ng halik at itinulak palubog sa tubig nagpalitan ng halik sa ilalim bago kami umahon pareho habang magkadikit ang aming noo.

‘Til next time.’

~to be continued~

Continue Reading

You'll Also Like

390K 25.8K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
125K 682 10
revising... •••~~~••• Anger. War. Loneliness. Azeilyn Xill Hatico strives to be the perfect person on Earth. She is rich, gorgeous, smart, an academ...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...