The Odious Doxy (Flight Atten...

By Blacckkfairry

15.8K 227 36

FLIGHT ATTENDANT SERIES #3: Samantha, a woman who's not lucky when it comes to love. She always feel that she... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
EPILOGUE
Author's Note

10

240 6 0
By Blacckkfairry


"So it means ikaw yung...yung nagtext sakin ngayon lang?"

nagtataka ko na pinalipat lipat ang paningin sa mga mata niya dahil hanggang ngayon kasi ay nakaupo pa rin siya sa harapan ko. Inaantay siyang sumagot. Napakagat siya sa kanyang labi at minsan pa niya iyong binasa bago siya tahimik na tumango sakin. Hindi ko naiwasan ang matawa ng mapansin ko siyang mapakamot sa batok niya. He look so shy right now.

"Mama mo ang nagbigay sakin ng number mo." maikling paliwanag niya.

"bakit daw? at para saan?"

"para ano..." napahinto siya sa sinasabi ng mabilis niyang marealize ang tanong ko. Mas nagtaka pa ako lalo ng bigla nalang din siyang tumayo kaagad para ayusin ang suot niya na hindi naman ganon na nakusot. Napaisip tuloy kaagad ako kung bakit ganon nalang siya bigla kumilos. Nakakapanibago.

"para ano?" pang gagaya ko sa kanya, habang nakatingala na ako sa kanya at daretsong nakatingin sa mga mata niya. Inaantay na magsalita siyang ulit.



"kasi ano para daw may contact tayo sa isa't - isa kapag once na halimbawa't ginabi ka raw ng husto." pag uulit niya sa sinabi kanina na hindi naman ganon kaagad na nakapag pakumbinsi sakin na maniwala. Masyado kasi siyang halata kaagad na nag a alibi at nagsisinungaling lang habang sinasabi iyon. Idagdag pa yung bigla niyang pag iwas ng mukha sakin.


gusto ko man siyang tawanan pero hindi ko na ginawa hindi dahil sa natatakot ako, kung hindi nag aalala na baka mamaya pala ay nakasilip na sa amin ang pareho naming mga magulang. Iniisip ko rin na baka mamaya i-ship nila kaming dalawa kahit na wala naman akong nararamdaman sa lalaki na'to. Because For me, I'm already happy with our friendship status.


"Ah yon pala yon?" nakangiting sabi ko nalang din sa kanya at akmang tumayo na rin para matabihan siya. We're now both looking only in the dark sky right now with a million of stars that silently twinkling far from us.

"Oo. Bakit?" sagot niya din sakin. Halatang may halong pang aasar na sa boses. Agad na nangunot ang noo ko at mabilis na inalis ang paningin sa mga bituin para maituon sa kanya. Ito lang yung nakakainis sa kanya e, yung nag uusap kami ng seryoso tapos bigla nalang siyang magpapasok ng kalokohan.


akmang hahampasin ko na sana din siya sa braso niya sa inis na naramdaman ko kaagad ng eksakto naman siyang lumingon sakin! Nagtaka at nangunot lang din ang noo niya ng mapansin ang kamay ko na nakataas. Kaya naman para hindi ako mapahiya ay kaagad nalang akong tumawa ng peke sa kanya at nakayukong ipinang pagpag ng mabilis sa pang itaas ko ang kamay ko kahit na alam ko naman na walang kahit na anong dumi 'yon.


pagkatapos niyon ay nagpasya na akong ayain siya para pumasok sa loob ng bahay since malamok na sa backyard. Nakasunod lang siya sa likuran ko hanggang sa tuluyan na kaming nakapasok at maglakad papunta sa sala. Agad na lang rin akong napatigil saglit sa kinatatayuan ko ng bigla nalang lapitan ni Gaviniel sila mama at papa para magmano.

"Good evening po!" bati ni Gaviniel pagkatapos niyang maupo nalang din bigla sa tabi ng daddy niya.

naguguluhan tuloy siyang tinignan kaagad nila mama lalo na ni papa. Paano kasi ay ngayon niya lang ito nakita. Napabuntong hininga lang ako at naglakad papalapit sa kanila at para na rin maipakilala si Gaviniel kay papa. Doon ko lang rin napansin na wala ro'n sila Kuya Harvey at Tita Vangie. Siguro umakyat na sila sa kwarto nila.

"Dad he's Gaviniel. My friend, Gaviniel papa ko." maikling sabi ko.

"Hello Sir, It's nice to meet you again po." nakangiting sabi ni Gav kay papa.

"oh hi!" nakangiting sabi rin ni papa sa kanya. Laking pasasalamat ko nalang din dahil buti nalang marunong si dad magsalita at umintindi ng English dahil kung hindi, hindi ko na alam kung papaano ko sila maipapakilala ni Gav sa isa't - isa. Lalo na't hindi pa naman ako marunong magsalita ng Hangul.


nang makaramdam ako ng uhaw ay saglit ko na muna din silang iniwanan sa sala para pumunta saglit sa kusina para kumuha ng tubig sa jag dahil bawal na muna ako sa malamig na tubig. Napansin ko rin agad na parang mas uminit na ang temperatura ng katawan ko ngayon kaysa kanina. Kaya para sigurado, naglabas na ako ng paracetamol para buksan at inumin. Mas mabuti ng maagap agad dahil ayoko makamiss ng ibang lessons.

pagbalik ko, Akala ko tapos na silang mag usap lahat pero mukhang hindi pa dahil meron pa kasing mga papel na pinapakita ang daddy ni Gav kay mama. Bukod pa roon ay may pinapaliwanag pa ito sa kanya. Nang ibaling ko naman ang paningin kila papa at Gav, halos parang ganon nalang gustong umawang ng labi ko ng makita silang tahimik na nag uusap. Minsan ko pa silang nakita na tumawa parehas dahilan para hindi ako ganon na makapaniwala.

Totoo ba ito? Close na kaagad sila? Ang bilis naman? nalingat lang ako saglit.

mabilis akong umiwas din kaagad ng tingin sa kanilang dalawa ng makita ko na lumingon sakin si Gav. Peke akong umubo at tumalikod papunta sa gawi ng mga estante na meron sa gilid. Umakto akong nililinis kunwari ang mga iyon kahit na hindi. Pero wala pa mang ilang segundo ay kaagad ko ng naramdaman at narinig ang pagtawa niya.

sa inis ko ay ganon nalang akong napahigpit ng kapit sa bagay na hawak ko at napalingon muli sa kanila para sana samaan siya ng tingin pero hindi iyon nangyare. Dahil nakita ko siyang tahimik na muling nakikinig kay papa habang nakatungkod ang kanyang siko sa sandalan ng upuan. Naisip ko tuloy na mas mukha pa silang mag amang dalawa kaysa sakin.

nawala ako sa inisip ko ng bigla nalang akong makaramdam ng kung ano na gumagalaw sa binti ko. Nang tignan ko ang alagang pusa ko lang pala na si Goffer. Tahimik at halos pabulong siyang nag iingay habang kinakalabit ako kaya agad na rin akong lumuhod para kunin siya at kargahin.

hinaplos ko pa ng minsan ang kanyang mukha bago silipin. "Paano ka nakalabas sa kwarto ko hm? e iniwan ko 'yong nakasara?" pagtatanong ko pa kay Goffer kahit na alam ko namang hindi niya iyon masasagot. Siraulo na nga yata ako.

bitbit siya ay nagpasya na akong umakyat pabalik sa kwarto ko. Ni hindi ko na rin nagawa pang magpaalam kila Gav at sa daddy niya dahil sa dinadalaw na ako ng antok. Bukod pa roon ay sunod sunod na din kasi ang paghikab ko.


kinabukasan paggising ko, doon ko na hindi napigilan ang pangunutan ng noo. May para kasi akong nararamdaman na kung anong kakaiba sa katawan ko kaya ganon ko nalang na tinanggal kaagad ang kumot ko. Nanghihina ako na bumaba sa kama ko at sunod na pumunta sa bathroom para sana maghilamos. Ngunit agad din akong napaatras palabas doon ng maramdaman ko kung gaano nalang ganon kalamig ang tubig na inilalabas ng gripo.

"Ito na nga ba sinasabi ko e. Kaya ayokong nagkakasakit." inis na bulong ko sa sarili. Naghanap kaagad ako ng pwedeng maipamunas sa paa ko bago ako sunod na pumunta nalang sa vanity mirror para magsuklay at mag ayos. Pero hindi naging madali para sakin ang gawin iyon ngayon dahil ang bilis ko talagang mapagpawisan. Nabitawan ko nalang din ng basta ang hawak ko na suklay na nalaglag din sa sahig ng bigla akong makaramdam ng pananakit ng ulo.


ang tagal kong nakaganon lang sa harapan ng salamin na hindi ko na ganon pang maimulat ang mga mata ko. Dagdagan pa ng grabeng ubo at sipon. Hindi na ako nag abala pa na bumaba at lumabas dahil doon, sa halip ay nanatili nalang ako ng buong maghapon sa loob ng kwarto ko.


"Kapatid, kamusta ang pakiramdam mo?" nakangiting tanong ni Kuya Harvey sakin matapos niya nalang pabagsak na umupong bigla sa pinakadulo ng kama ko.  Nakasuot pa siya ng uniform niya at mukhang kakauwi niya lang. Pero teka! anong oras na ba? agad akong napalingon sa orasan para tignan ang oras pero ganon nalang ang gulat ko ng makitang mag aalas sais imedya na ng gabi!


"Kanina ka pa daw kasi tulog sabi nila mama," dinig ko na sabi pa niya ulit dahilan para dahan dahan ko siyang lingunin. "pasalamat ka wala kang pasok ngayon. Kung hindi patay ang attendance mo." dagdag pa niya habang kasalukuyan na siyang abala sa pagtanggal ng sapatos niya.

"okay naman na ako. Kaso nga lang yung temperatura ng katawan ko medyo mainit pa rin." sagot ko sa kanya at dahan dahan ako na pumadausdos para makaupo at makasandal sa headboard ng kama ko. Habang balot na balot pa rin ng kumot.


gusto ko man na tumayo para sana makapagpalit ng damit ay hindi ko magawa dahil agad akong nakaramdam ng pagkahilo. Pansin ko na maging ang paghinga ko ay bumigat ng husto dahilan para maipikit ko nalang din bigla ang aking mga mata.


"Tsk! okay daw siya," dinig ko na sabi pa ulit ni Kuya Harvey. Naramdaman ko nalang din bigla na nawala ang bigat niya sa kama dahilan para mangunot ang noo ko. "Sandali lang mahiga ka na muna. Ang init mo sobra." sabi pa niya bago ako saglit na iniwanan sa kwarto ko para lumabas.


nang makabalik siya ay napansin ko na may bitbit na siyang maliit na planggana at mabilis na ipinatong sa ibabaw ng table desk na nasa tabi lang ng kama ko. Doon ay tahimik ko lang siya na pinanuod kung papaano niyang kinusot kusot ang bimpo na 'yon bago niya inilagay sa noo ko.

"Thank you Kuya.." nanghihina na sabi ko sa kanya, at basta nalang siyang nginitian.


"basta sa susunod wag ka na ulit magpapaulan. Hm?" nakangiti rin na sabi niya sakin. Ginulo pa niya ng minsan ang buhok ko.

ilang minuto pa siyang nanatili dito sa kwarto ko hanggang sa nagpaalam na rin siya sakin dahil may kailangan pa raw pala siyang gawin at tapusin na school works.


The other day which is Friday, pinilit ko pa rin na pumasok kahit na mahina pa ang katawan ko at hindi pa ako ganon na fully recover sa lagnat. Nag half bath lang ako at naglagay nalang rin ng baby oil sa buhok ko para kahit papaano ay hindi halata na hindi basa ang buhok ko. Ang hirap ng ganito!


nang matapos na ako sa pag aayos sa sarili ko ay mabilis ko ng kinuha ang bag ko na nasa ibabaw ng kama chineck ko muna din ulit ang buong sulok ng kwarto bago ako tuluyan na bumaba sa sala. Ganon nalang rin ang pasasalamat ko ng pagbaba ko ay eksaktong wala ulit si Tita Vangie. Pero si mama hindi ko alam kung nasaan.

"Oy Samantha! bakit naka jacket ka?" tanong bigla sakin ni Aiofe habang tahimik lang akong nakikinig ng random songs suot ang isang pares ng earpods ko.


napatingin ako sa gawi niya at napatitig na muna ng saglit bago sumagot. "Wala lang. Bakit masama na ba?" tanong ko sa kanya sabay alis din kaagad ng paningin sa kanya.


"Hala ang taray." rinig ko pa na bulong na sabi niya pero hindi ko na siya pinansin pa.


hindi pa naman ganon na nagsisimula ang klase ay kaagad na akong naiirita at hustong nilalamig sa room. Buong classroom kasi ng DLU ay naka aircon dahilan para pagalaw galawin ko ang paa ko. Umaasa na baka sa tulong niyon ay matigil ang pagkanginig ng katawan ko sa lamig ng simoy na hangin na ibinubuga ng aircon.

lumipas pa ang ilang minuto ay nagsimula na rin ang meeting ng organization namin sa department. Tuluyan na kasi nilang pinostponed yung meeting na to na dapat nung nakaraan pa ginanap. Biglaan din daw kasi na sumabay ang ilang gawain ng hindi sinasadya.

"So can we have your attention for a while? Our dear Freshmen students?" saglit akong natigil sa pakikinig ng random songs ng bigla ko nalang marinig na may magsalita sa harapan. Napatanggal tuloy ako ng husto sa earpods. Hindi lang kasi siya ang nasa harapan kung hindi pito.


while she was talking, the other students with her were silently handed some visual aids that has a many important details. Which I think that what that means and all about.

"we're here because as your seniors, we wanted to invite and inform all of you, that we should be cooperate into our foundation. In this organization called "Open Arms" is all about on how we should help other people well also our fellow students to not be scared and at the same time to feel that they're not alone while fighting to every aspects of their lives and challenging that they're facing." patuloy na pagpapaliwanag nung babae.

marami pa silang pinagsasabi sa harapan pero tahimik lang akong nakinig. Ganon rin naman sila Aiofe. Hindi rin naman ganon katagal ang naging meeting tungkol doon pero sa tagal ko na nakinig ay marami na akong napulot kaagad na aral even though I felt a little bit dizzy again.

"Hay nako! talagang pinatutunayan mo na ayaw mong manatili sa bahay nyo habang may sakit ka no?" nagugulat ko na nilingon si Chandria na ngayon ay nasa likuran ko na pala!


nakita ko na maglapag lang siya ng paracetamol sa ibabaw ng lamesa ko kasama ng isang bote ng mineral water. Nakabukas na rin ang takip niyon at ang tanging gagawin ko nalang ay inumin ang mga iyon.


mabigat lang ako na huminga at akmang napangiti ng kaunti. Grabe bilib ako sa kanya, hindi ko inakala na mahahalata niya pa na may lagnat ako sa itsura ko ngayon. Dahil tanging nakasuot lang naman ako ng simple na jacket.

sa loob kasi ng klase ay isa siya sa mga kaklase namin na kasama sa class standing. Sumunod naman sa kanya si Yvette at Aiofe na talaga rin namang hindi papatalo.

after some lectures and discussions of two subjects nagpasya na kaming lumabas at bumaba nila Gianna para kumain since may last pa kami na subject na dapat atenan. Pero nang makarating na kami sa mismong canteen na kinakain namin ay ganon nalang kaagad akong nawalan ng gana para kumain.

naisip ko tuloy baka dahil ito sa masama ko na pakiramdam kaya bigla bigla nalang akong nangangayaw kapag nakakakita na ng pagkain. Nang makapamili na sila Yvette ng pagkain maliban sakin ay kaagad na rin kaming naghanap ng pwesto pagkatapos. Pero yon nga lang ng makaupo na kami ay hindi ko din ganon na maiwasang isipin si Bea.

ngayong araw kasi ay hindi nanaman siya nakapasok. Napapaisip na tuloy ako kung ano na bang balita tungkol sa kanya at kung ano ba talaga ang tunay niya na rason kung bakit hindi siya nagpapasok. Kahit na hindi pa man kami ganon na magka close ni Bea, hindi ko maiwasan ang bigla nalang na mag alala sa kanya.

"Sino iniisip mo?" halos magulat ako sa boses ni Aiofe ng bigla nalang niyang silipin ang mukha ko habang nagtatanong. She even smiling! Hindi ko tuloy naiwasan ang mapahawak sa dibdib ko.

"Opps! Sorry!" tumatawang sabi pa niya, bago siya muling bumalik at umayos ng upo sa kanyang pwesto. Napansin ko lang, parang ang dami niya laging energy na baon. She was so talkative kasi! nakakaloka!


bahagya ko siyang napanlakihan ng mata matapos bago umayos ng upo at sumandal sa kinauupuan ko bago bumuntong hininga ng malalim. Sa ganoong paraan ko siya pinagmasdan.

"Ah...si Bea," matipid na sabi ko matapos ay dahan dahan ko nalang basta na kinuha ang stick na naroon sa mesa namin para mapaglaruan. "ano lang nag aalala kasi ako sa kanya. Paano naman kasi hindi n'yo ba napapansin na nitong midterm session natin, agad ng napapadalas yung pag absent niya?" sabay angat ko ulit ng paningin sa kanilang lahat at isa isa silang tinignan.

"Alam mo, hindi ka nag iisa jan. Kami rin nag aalala na sa kung ano ba talaga ang rason ni Bea para hindi magpa pasok. Pa finals na kaya natin for this 1st sem." nakangiwing sabi naman ni Yvette habang abala sa pagsasalansan ng mga envelope na mukhang invitation letter ang nilalaman.

"E what if? kung puntahan kaya natin siya?" biglang suhestiyon at singit ni Chandria. Kami kami lang ang kasalukuyan na nag uusap maliban kay Gianna na mukhang may kaaway. Paano kasi ay malayo ang kanyang tingin habang magkasalubong na ng sobra ang kanyang mga kilay.

"Papaano naman natin siya pupuntahan e hindi nga natin alam kung saan siya nakatira. Siraulo ka ba?" mataray na sagot naman sa kanya ni Aiofe na siyang ikinagulat naming lahat.

isa isa niya kaming tinitigan sa mga mata namin at pagkatapos ay wala sa sariling bigla nalang siyang tumawa. She even lean her back on the chair she was seated on. Ganon siya kasaya. Nang hindi siya makuntento ay tinuro pa niya kami isa isa. Hindi ako nagsalita at tanging nakatitig lang sa kanya.

"What's the agenda here?" singit na tanong ni Gianna. Hindi ko napansin na tapos na pala siyang gumamit ng phone niya. Nilibot niya ang paningin sa amin ng walang nagsalita at ganon nalang din siyang natigilan kaagad ng mapansin ang pagtawa ni Aiofe ng mag isa.

"What? I was laughing because of them." pagpapaliwanag na kaagad ni Aiofe sa kanya kahit na wala pa man din itong tinatanong na kung ano. "Ikaw naman kasi, sobrang busy mo sa paggamit ng phone mo. Ayan tuloy nahuhuli ka na sa amin." mapagbirong sabi pa niya.

tinitigan lang siya ni Gianna at tahimik na tumango tango bago niya sunod na ibinaling sakin ang paningin na siyang ipinagtaka ko. She didn't talk but I saw already in her eyes that she was trying to communicate with me using it. That's why I left a deep sighed first before to talk.

"Bea." tanging sagot ko sa kanya sabay labas ko sa hydroflask ko para uminom dahil bigla nalang akong nauhaw. Eksakto na pag inom ko hindi ko rin inakala na makikita ko si Mark. He was with I think schoolmate hindi kasi siya naka uniform this time at parang may hinahanap.

akala ko hindi iyon mahahalata ng mga kasama ko but I was wrong because they already turn also their heads. Tinatanaw nila at hinahanap kung sino ang tinitignan ko. But Aiofe was the one who acted among with them. Mukhang nakita na niya yata kaagad kung sino 'yon.

"Hanep may nag aantay! sana ol!" napapailing at mapang asar na sabi ni Aiofe.

"Tih? Nasaan?" curious na tanong naman ni Yvette ng ibalik saglit ang paningin kay Aiofe. Halata sa kanya ang pagka desidido para lang makita ito.


napabuntong hininga lang ako ng malalim at hindi siya sinagot. Sa halip ay saglit ko na munang inayos ang sarili ko bago tumayo. Napatingin sila sa akin at ganon nalang kaagad kahalata ang pagtataka sa kanilang mga mukha. Binigyan ko lang sila ng ngiti bago ako tuluyan na naglakad papalapit kay Mark.


"Mark, is she the girl you waited for?" dinig ko na tanong ng kasama niya ng makalapit na ako sa harapan nila. Nakatalikod kasi si Mark habang ang kasama niya ay nakaharap na sakin.

"Where?"

"Here in front of you." mabilis na sagot ko. Hindi na pinagsalita pa ang kasama niya.

unti unti siyang humarap sa'kin at ganon nalang sumilay kaagad ang ngiti sa kanyang labi ng makita na niya ako. I guess I'm right this time, ako pala talaga ang pakay niya not the others. Magsasalita na sana ulit ako ng bigla nalang din na sumingit sandali ang kasama niya na may binulong sa kanya. Nang tumango si Mark sa kanya agad na rin itong tumingin muna sakin bago tuluyan na umalis.


"May pupuntahan daw siya. That's why he already excuses himself." nakangiti na sabi niya sabay kamot niya sa likurang bahagi ng ulo niya. Pansin ko lahat ng nakakausap ko na lalaki this year ganito. They usually doing that things naalala ko tuloy bigla sa kanya si Gaviniel. Ganon din kasi siya hindi ko tuloy maiwasan ang magtaka. Is that thing required while talking to someone?

sa halip na isipin iyon ay maikli ko nalang siyang nginitian at inaya na pumasok sa canteen pabalik sa pwesto namin nila Aiofe. Dahil mainit sa labas and at the same time ayokong mangalay kakatayo. Nang makarating na kami sa mismong upuan, All the eyes of the girls with me are already with him. Lahat sila nginitian siya na para bang ganon nalang siya kaagad ka welcome.

"Hello Girls! I'm Mark." pagpapakilala at bati niya kaagad sa mga ito.

"Hi!" sabay sabay na sabi naman nila Yvette sa kanya. Hindi ko din tuloy naiwasan ang mapahawak sa sentido ng mapansin ko na bigla nalang din mapatingin sa mesa namin ang iba pang mga estudyante na kumakain.

Para naman kasi silang choir! bakit kailangan pa sabay sabay? nakakahiya tuloy!

I heard Mark laugh but he stopped already when I look back on him and giving him a glare at the same time. He acted and back to serious. Bumuntong hininga lang ako at inaya nalang din siya na umupo sa pwesto ko.

"So bakit ka pala nandito?" kaagad na tanong ko na sa kanya. Napansin ko na bigla nalang rin kaagad na nag iba ang ihip ng hangin sa pwesto namin. Natahimik na kasi kaagad sila Chandria habang si Yvette naman ay tahimik nalang rin na sumisipsip sa shake niya.

"Uhm... I'm here because I wanted to know what happened why did you not come last week?" patanong na sabi niya. Agad akong napalingon sa kanya and there I saw him wearing a slight smile on his face. Oo nga pala hindi ko pa nasasabi sa kanya ang dahilan.

"What?! hindi mo siya sinipot?" biglang salita na lang kaagad ni Chandria na siyang ikinakunot ng noo ko. Nakakaloka! nakikinig pala siya!


Mariin ako na napakagat sandali sa labi ko at ganon nalang pairap siya na tinignan. Palihim ko siya na pinanlakihan ng mata. Natahimik naman siya bigla at binigyan lang ako ng makulit na ngiti.

"Siraulo to oh! chismosa ang bruha!" dunggol sa kanya ni Aiofe sabay lingon niya kay Mark na parang siya na ang nagpapasensiya sa ginawa ni Chandria. "Sige na usap lang kayo pasensiya na ganito lang talaga siya."


"No. It's okay it's not a big deal to me." natatawang sagot naman sa kanya ni Mark. Itinaas pa niya ang magkabila niyang kamay para ikaway kaway at sabihin na okay lang talaga yon sa kanya. Nilingon niya rin si Chandria na ngayon ay tahimik nalang na nakasandal sa kinauupuan niya. "You're so jolly huh?"


natawa lang sa kanya si Chandria at hindi siya kinausap. Napailing lang ako at muli na rin na ibinalik kay Mark ang paningin. Palihim ko rin na tinignan ang oras dahil baka mamaya ma late na kami para sa last subject.

"Ano kasi...I have something important to do that's why I did not had a chance to meet you that day." pagpapaliwanag ko.

"Ah..." he only replied while slowly licking his lower lip.

"Sam, tapos na time natin para kumain remaining 2 minutes before our subject continue." biglang singit ni Yvette. Nangunot ang noo ko kaya ganon ko nalang din kaagad akong tumingin sa relo ko.

"Wrong timing," bulong ko sa sarili ko at mabilis na tinignan muli si Mark na ngayon ay tipid lang akong nginitian. Ayoko pa man din siyang iwanan dito pero hindi pwede e. May klase pa ako kaya naman para hindi siya mapahiya ay alinlangan ko siyang nginitian. "sorry." tanging nasabi ko nalang din.

nilibot niya ng paningin ang mukha ko at dahan dahan lang na tumango habang ang ngiti ay nananatili pa rin sa labi niya. Alam ko na nalulungkot siya sa narinig kay Yvette pero wala naman akong magagawa dahil college na ako. Hindi ko na pwedeng gawin yung mga ginagawa ko nung high school pa ako na mag cutting classes para lang magpakasaya. Nagbabago na nga ako.


"Okay lang 'yon." he smiled at me. Hindi ko rin naiwasan ang magulat ng bigla nalang niyang pisilin ang pisngi ko.

narinig ko na nagtilian naman din kaagad ang mga bruha pero hindi ko na yon inisip pa. Agad na akong tumayo at sunod na kinuha ang bag ko ni hindi ko na rin sinubukan pa na tumingin sa kanya dahil na rin sa ilang na ngayo'y nararamdaman ko.


pakiramdam ko tuloy parang namumula na ako. Yon lang naman ang ginawa niya pero bakit ganito nalang kaagad yung nararamdaman ko? Hindi yata 'to tama e! Ang bilis ko naman yata mahulog? ponyeta! hindi tama to! kailangan ko pigilan sarili ko. Isa pa, baka mamaya may karelasyon na din pala siya tulad ni Kiel.

nang makabalik na kami sa room hindi na kami nabigyan pa ng pagkakataon na makapag usap usap ulit nila Gianna dahil eksaktong pagpasok namin naroon na ang prof namin sa Risk Management. Di tulad sa ibang prof na lecture, reporting lang ang naging ganap sa mahigit isa't kalahating oras.

"Uy! Sam, bakit bigla kang nanahimik? anyare?" dunggol sakin ni Chandria ng matapos na ako sa pagliligpit ng gamit ko.

"Ha? bakit? ano bang meron?" nagtataka ko siyang tinignan.

kami nalang kasi ulit ang natira dito sa room na magkakaibigan. Maliban lang doon sa dalawang lalaki na kaklase rin namin napansin ko na kanina pa may kakaiba sa kanila kaya hindi ko na napigilan ang magtaka.

tahimik lang akong nakatingin sa kanila dahil para silang mga tangang nag aalitan sa kung anong bagay na hindi ko naman masyadong makita.

"Anong tinitignan mo?" nakakunot at nagtatakang tanong sakin ni Chandria. Pero hindi ako nagsalita at inginuso lang sa kanya yung dalawang lalaki na kaklase namin na tinititigan ko.


"Hoy! tanginamo ibalik mo na kasi sakin yan. May trabaho pa ako." inis na sabi ng isa na mas maliit. Talagang ganon nalang niya kagusto na makuha ang gamit.

doon ko lang rin napagtanto na gamit nga niya yon sa trabaho kaya napabuntong hininga nalang ako at wala sa sariling lumapit na sa kanilang dalawa. Napahinto rin naman kaagad sila sa ginagawa at ganon nalang na nagtaka ang paningin sakin nung isang lalaki na may hawak sa gamit. Tinignan niya ako habang nakataas na ang isa niyang kilay. Nagtataka.

"Bigay mo na lang sa kanya." daretsong utos ko sa kanya habang magka krus ang magkabila ko na braso.

"At sino ka naman?" he laugh a bit.

umismid lang ako at hindi kaagad siya sinagot. Nilapitan ko siya at doon ay walang pasintabi na hinawakan ko ang kanyang kwelyo bago ko nilapit ng husto sa tainga niya ang labi ko.

"Hindi ka naman siguro tanga di'ba?" pabulong na tanong ko. Naramdaman ko na tumango siya kaagad. "kaya, inuutusan kita ibigay mo na sa kanya." dagdag ko pa bago siya tuluyan na pinakawalan.

tumitig siya sakin at pagkatapos ay walang ano ano'y ibinigay na niya doon sa lalaki. Pero hindi ko akalain na pagkatapos din niyon ay tatawa silang dalawa! Mga hype!

hindi ko tuloy naiwasan ang mapapikit ng mariin. Tangina nitong mga to! acting at biro lang pala nila yon. Lintek! nagmukha tuloy akong tanga doon!

"Hoy! mga kupal kayo magsilayas na nga kayo!" sigaw at natatawa na sabi na kaagad sa kanila ni Aiofe. Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala siya. Tawang tawa siya habang hawak ang bibig niya.

halos mapahilamos nalang din ako sa mukha ko ng tuluyan ng umalis yung mga yon. Nagsisisi rin ako at the same time kung bakit sugod kasi ako ng sugod kaagad. Mukhang napapadalas na yata tong mga hiya scenes ko ah? Dagdagan pa yung tungkol sa ginawa ko non kay Gaviniel! ponyeta talaga!

"bakit mo naman kasi nilapitan kaagad girl?" tatawa tawa at mapang asar na tanong din sakin ni Gianna habang nakatayo sa harapan ko.

"Alam ko ba?" masungit na sagot ko lang sa kanya.

kung alam ko lang na acting lang nila yon at trip edi sana hindi na ako umentrada! Isa pa mukha kasing natural din sa kanila yung ginagawa nilang pag acting kaya napasubo ako.


"Hi Sam!" nakangiting salubong sakin ni Mark ng tuluyan na kaming makalabas nila Yvette. Tulad kanina ayon nanaman bigla ang pagkagulat na reaksyon sa mukha ko ng makita siya. Bigla nalang din na nawala ang pagka badtrip ko at napalitan nalang kaagad ng pagkamangha. 

narinig ko pa na magtilian muli ang mga bruha bago ako tuluyan na iniwanan. Pabiro akong napairap ng minsan ko pang makita si Yvette, Aiofe at Chandria na ipagdikit ang magkabila nilang mga kamay para bumuo ng isang puso. Ginalaw nila iyon papalapit at palayo.

"They're so funny," komento ni Mark sa kanila. Nakatingin din pala siya.

"Oo. Ganyan talaga sila mga takas kasi sa mental." tanging sabi ko na lang din at mabilis na ibinalik sa kanya ang paningin na ngayon ay nakapako pa rin ang paningin sa papalayong naglalakad na sila Gianna.


Doon ay binigyan ko ng sandaling katahimikan ang sarili ko para pagmasdan and at the same time kilatisin siya palihim. But it was a quick. Iniwas ko rin kaagad ang paningin sa kanya at umakto ako na chine check ang bawat zipper ng bag ko.

narinig ko na tumawa lang siya ulit kaya naman napabuntong hininga nalang ako at binitawan na ang bag ko. Akmang magsasalita pa sana pero ganon nalang akong natulirong bigla ng hinawakan na niya ang kamay ko!

nanlalaki ang mga mata ko na tumingin din doon at ganon na lang din na nagulat dahil habang naglalakad kami ay hindi niya na iyon pa binitawan! Gusto ko man na kumalas doon pero hindi niya hinayaan.

"hala gago tignan mo sila oh! sana ol!"

"ang cute nung guy."

"cute ba yan? mas pogi pa ako jan e."


rinig ko na sabi sabi pa ng mga nadaraanan namin na mga ibang college students. Napatingin ako sa kanya at inaantay ang magiging reaksyon niya tungkol doon pero nakakamangha lang din isipin na parang wala lang yon sa kanya. Like he's been acted 'wala akong narinig'.

sa sobrang pagtingin ko rin sa kanya ay hindi ko na napansin pa na may nabunggo na ako!

"Ano ba naman yan! Are you that blind? ang laki laki ng daanan. Hindi mo ko ganon na nakita?" reklamo nung babae sakin.

nang iangat ko ang paningin sa kanya, I stayed silent for a minute. I did not answer her. Napakamot lang ako sa noo ko at bumuntong hininga.

"You know what, I'm sorry. I was jus-"

"what?" sarkastiko niya pa na tanong na siyang ikinabigla na rin ng sumpong na inis ko.

Like ang bastos naman niya. Hindi niya muna ako pinatapos magsalita!


napangiwi nalang ako at hindi na siya pinansin pa. Oo ako nalang magpapasensiya tama! baka kasi pag pinatulan ko siya, baka mukha na ng aso sa susunod ang makaharap ko.



tinignan ko lang siya ng isa pang beses bago tuluyan na inaya nalang si Mark na umalis. Pero laking gulat namin ng wala pa man akong naihahakbang ay bigla nalang siyang humarang kaagad sa mismong harapan at daraanan ko dahilan para lumalim na ang paghinga ko. Nagpipigil.


"Ano tatakasan mo nalang kaagad ako? sa tingin mo ganon ganon nalang iyon?" maangas at nagsusumigaw ang kamalditahan niya ng sabihin niya iyon sa mismong mukha ko.


"Tss! e ano pa bang gusto mo na gawin ko?" nakakunot na ang noo ko ng tignan siya. Naramdaman ko na ginagalaw na ni Mark ang kamay ko senyales na inaawat na niya ako pero hindi ko iyon pinansin. Daretso lang ako na nakatingin sa babae.


"Isa pa, nag sorry naman na ako ah? hindi pa ba yon sapat? as an apologize to you?" sarkastiko na sinabi ko at sandali na tinignan ang lace ng ID niya.


So she was studying BSBA Major in Marketing.

mukhang napansin niya yata kaagad din yon dahilan para tanggalin niya ang ID niya. This girl is so immature!

wala sa sariling natawa tuloy ako at nilapitan na siya.


"Lumuhod ka." sagot niya na nagpatawa lalo sakin.


"Wow ah! ano ka sinu swerte. Oy! teh! di ako uto uto tulad ng iba na nakakasalubong mo. Himdi mo ko mauuto." kalmado na sabi ko sa kanya.


nakita ko sa mukha niya kaagad kung papaano siyang napikon matapos niyon dahilan para tipid akong mangiti. Magsasalita pa sana siya ng kung ano sakin ng bigla nalang kaming mapatingin sa nagsalita.

"What's going on here?"

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

8.3K 1.7K 56
(But not everyone recognizes love when it hits them...And then it happens) He hovered above me, his kisses melting my insides. I shivered with antici...
1.4M 33.4K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
3.4K 162 48
[COMPLETED] Gallianna Navarro -a person hated by the world. Since childhood ,she has experienced living with anger in her heart for his father. Becau...
71.1K 1.5K 40
Brey Allen De Castro, a 4th year BS Psychology meets Dohn Rylen Valiardo, a former Marine Engineering student from their University. Brey is the Pres...