Embracing the Wind (Formenter...

By mughriyah

269K 3.3K 488

Warning: This novel will talk about suicide, rape, violence, depression, sex and inappropriate languages. If... More

Embracing the Wind
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Note

Chapter 5

4.9K 87 6
By mughriyah

"Do you really not recognize me, Chayenne?"

"What are you—"

"It's me... Frost."

Huh?

"Frost? Who are you?" naguguluhang tanong ko kaya napahilamos siya sa mukha.

"Ah gano'n? Hindi mo na talaga ako maalala o makilala?" tanong niya at pumameywang habang tumatango-tango.

"Sino ka ba talaga?" naguguluhang tanong ko.

"Ouch!" He clutched his chest dramatically.

"Wane," seryosong tawag ko.

"Alright, alright. Sige na, 'wag mo na akong alalahanin. Basta 'wag ka nang makulit ah? I'll court you wether you like it or not." Napakunot ang noo ko nang hinawakan niya ang kamay ko. "Let's go. I need to see the groom. Sa susunod babalik tayo rito."

"Bakit?" I asked, trying to remove my hand from his hand.

Mas hinigpitan niya 'yon.

"Sa susunod na balik mo rito, tayong dalawa na ang magbabatuhan ng mga pangako sa harap ng altar. Tara na." Napanganga na lang ako dahil sa sinabi niya.

Ano ito? Bakit pumapayag akong ganituhin niya ako? God! Reporters are everywhere!

May biglang lumapit sa kanya kaya agad akong kumawala. Mabilis akong naglakad para humanap ng mauupuan. "Woah. He's really hitting on me. What do I do?" I whispered.

Kinuha ko ang cellphone ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung anong trending sa social media.

Picture iyon at ngayon lang. Wane was holding my hand. Oh my God!

Nag scroll down ako para basahin ang mga comments. Ayoko talaga sa lahat ay 'yung may nagagalit sa akin. Paano na ito ngayon? Mapapagalitan na naman ako ni Benj.

'Stop worrying. Yen is not the type of woman to let a jerk like Wane into her life. She's a decent woman and Wane is an asshole.'

'But she's still pretty. Nasa kanya na ang lahat. Mukhang hindi siya titigilan ni Wane huhuhu.'

'We all know how kind she is. Hindi niya aagawin si Wane sa atin. Kalma.'

Mukhang na kay Wane ang lahat ng hate comments. I bit my lower lip.

"This is too much. Wane is not an assho—"

"Lower your voice. You're too loud."

Natahimik ako. Hindi naman ako maingay ah? 'Yung mga tao 'yon. Marami kayang tao. Hindi naman ako ang sinasabihan 'di ba?

Umiling ako. "Wane is their idol, paano nila nasabi ang mga ito sa kan—"

"Hoy."

Muli akong natigilan dahil sa boses ng lalaki. Dahan-dahan akong tumingin sa gilid ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Mr. Damian. He was wearing a sunglasses at kagaya ng ibang mga lalaki, naka red suit siya.

"M-mr. Damian,"

"I said lower your voice. Are you deaf?"

Napakunot ang noo ko. I pointed myself. "Me? Are you talking to me?"

"Am I talking to myself? Of course I'm talking to you. Ang ingay mo. Tsaka bakit ka nandito? Lalaki ka?"

Napakunot ang noo ko at tumingin sa paligid. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na umupo ako sa kaliwang bahagi kung saan ang pwesto ng mga kalalakihan.

"I'm sorry." Kagat-labi akong tumayo at nahihiyang pumunta sa kabila.

Umupo ako sa tabi ni Aster. Buti na lang wala masyadong nakapansin dahil busy ang lahat. Sinulyapan ko si Mr. Damian at doon ko lang napagtanto na malayo ang agwat sa kanya ng mga tao.

"Why are they avoiding him? May sakit ba siyang nakakahawa?" bulong ko sa sarili.

"Sinong may sakit?" tanong ni Aster kaya agad akong umiling.

Nang mag-umpisa na ang kasal ay nanahimik na ang lahat. Unti-unting bumukas ang malaking pinto at tumambad sa amin si Krisha.

Napangiti ako. She's so pretty.

Dahan-dahan siyang naglalakad sa gitna habang tumutugtog ang kantang hindi ko alam ang title pero nakakaiyak.

Nahagip ng mga mata ko si Ethan. He was looking at me. Ngumiti na lang ako sa kanya at tumingin na ulit kay Krisha. Nasa gitna na siya.

"Nakakainggit. Kinakasal na siya. Sige na, kahit hindi na sa engineer... basta hindi ako tatandang dalaga."

Napatingin ako kay Aster at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga luha sa pisngi niya.

"Why are you crying?" nag-aalalang tanong ko.

"Kasi nga... sana all," sagot niya. "When kaya."

Napailing na lang ako. Nang matapos ang kasalan ay niyaya ako ni Ethan at Wane na isabay patungong venue pero tumanggi ako dahil may sasakyan naman ako at isa pa, kasama ko si Aster.

Marami nang tao sa venue nang dumating kami. Hindi ko pa nakakausap si Krisha dahil busy siya. Hinayaan ko na lang at kumain na ako habang si Aster ay naghahanap ng mapapangasawa.

"Hey, babe."

Napatingin ako sa harap ko nang may umupo at napagtanto kong si Wane iyon.

"Wan—"

"Frost. Frost tawag mo sa'kin dati, e."

Napakunot ang noo ko. "Huh?"

"I don't know if you are just acting like you don't know me but I don't care. Just call me Frost."

"Okay. Please leave me alone. Nagseselos na ang mga fans mo sa akin, Frost," I said.

"Magseselos talaga sila, maganda ka, eh."

I heaved a heavy sigh while shaking my head. "What should I do to you?" mahina kong tanong na para bang sumusuko na ang boses ko sa kanya.

"Just love me." He winked at me.

Napabuntong-hininga na lang talaga ako at nagpatuloy sa pagkain ko.

Lumipad ang tingin ko sa isang lalaki na tahimik na kumakain sa isang lamesa. Lahat ay iwas sa kanya. Ngayon ko lang napansin ang 18k gold necklace na suot ni Mr. Damian. Mas lalo siyang naging mukhang bad boy dahil sa gold necklace na iyon.

Tumunog ang phone ni Frost kaya napatingin ako sa kanya. Tumingin ako sa phone niya at napakunot ang noo ko nang mabasa ang "Gurang"

"Oh bakit?" maangas na tanong ni Frost.

Nakatitig lang ako sa kanya.

"Wow feeling syota 'to. 'Yung girlfriend ko nasa harapan ko, manager lang kita."

Nanlaki ang mga mata ko. Kino-consider niya na talaga akong girlfriend niya?

Nailayo niya ang phone niya sa tainga niya at alam ko ang dahilan. His manager just yelled at him. Narinig ko ang boses nito dahil sa lakas ng pagkakasigaw.

"Tsk. Papansin talaga 'tong gurang na 'to. Babalik ako, Yen. Wala kang pauupuin dito bukod do'n sa maganda mong kaibigan ah?" Kinindatan niya ako bago siya umalis.

"Yen!"

Napatingin ako sa gilid ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Krisha. Napatayo ako. "Krisha!" I immediately hugged her. I missed her so much.

"Woah, look at you. You never aged. You're still young and beautiful," she said when she faced me.

"Congrats, Krisha. You're now a married woman. 'Yung regalo ko nandoon na sa mga table." Tinuro ko ang table kung saan naroon ang mga regalo ng bisita.

"How's life?" tanong niya.

"Okay lang. Ikaw ba?"

"I never thought I would marry a businessman. Gusto ko kasi ng artista!" Tumawa siya at nagkibit-balikat. "Pero wala tayong magagawa kapag puso na ang nagdikta, papakasalan talaga natin kapag mahal natin... kahit sino pa siya o kahit ano pa siya," aniya kaya napangiti ako.

"Yes, you're right."

"Na-in love ka na ba?"

Agad akong umiling. "Hindi ah! Nakikita ko lang sa'yo kasi sabi mo artista ang gusto mo pero dahil mahal mo ang businessman na 'yon, pinakasalan mo," sabi ko.

Ngumiti siya. "Let's talk again later. Aasikasuhin ko lang ang iba pang bisita," sabi niya kaya tumango ako at nag congrats ulit.

Naging masaya ang gabing ito. Nagsalita ako sa gitna tungkol sa friendship namin ni Krisha at nag congrats sa kanilang mag asawa. Syempre hiniling ko rin ang happiness para sa kanilang dalawa.

Nang matapos ang speech ko ay nag decide akong pumunta sa rooftop para magpahangin pero may nakita akong lalaki na nakaupo sa stainless steel bench.

Naglakad ako palapit sa kanya. Just by looking at his back, I knew it was him.

"Why are you here?" I asked as I sat beside him.

Hindi siya lumingon sa akin.

"Do I have to tell you why I'm here? I don't even know you," malamig niyang sagot kaya napalunok ako.

"Don't you know me, Mr. Damian?" tanong ko.

"I only know your name. Pwede ba? 'Wag mo nga akong kausapin. Nakakairita."

"Why not? I'm just being friendly here. Why are you pushing me away?" tanong ko at hindi na inalis ang tingin sa kanya.

Hindi na siya sumagot kaya tumingin na lang ako sa mga bituin.

"My father once told me that people who have died are becoming stars," I said, staring at the night sky.

"Kaya everytime na tumitingin ako sa mga bituin, naaalala ko lahat ng taong nawala sa buhay ko. Kagaya na lang ng mga lolo at lola ko..." mahina kong sambit.

"They are my stars..."

Napansin kong nakatingin sa akin si Mr. Damian kaya tinignan ko siya. "Why are you looking at me like that?"

"Are you a kid or what? Naniniwala ka sa tatay mo?" tanong niya kaya saglit na kumunot ang noo ko.

"Oo naman. He's my father. Hindi ka ba naniniwala sa daddy mo?" tanong ko kaya umigting ang panga niya at inalis na ang tingin sa akin at hindi na nagsalita.

Saglit na katahimikan ang namayani nang magsalita ulit ako. "Pwede ba akong magtano—"

"Bawal."

"Okay." Tumango ako at nanahimik na. Muli ko na lang tinignan ang mga bituin. Ang ganda ng buwan kahit kalahati lang.

"What is it?"

Napatingin ako kay Mr. Damian at awtomatiko na lang akong napangiti. "Uhmmm. Huwag kang ma-ooffend, okay? I'm just curious," sabi ko.

Humalukipkip siya habang nakatingin sa kalangitan.

"May sakit ka ba? U-uhm... I mean... everyone was avoiding yo—"

"Yeah, they're avoiding me and look at you, you're here with me." Nilingon niya ako at kinabahan ako sa seryoso niyang titig.

"Masama bang lapitan ka?" tanong ko.

"Aren't you scared of me?"

Ang lalim ng boses niya, palaging seryoso at ang lamig, sino bang hindi matatakot sa kanya?

"No. May dahilan ba para matakot ako?" tanong ko.

He licked his lips and looked at the night sky. Nagkibit-balikat siya. "Ask me."

My forehead creased. "Ask me?" tanong ko.

"Ask me if I'm scared of you," aniya.

"H-huh? Okay..." I bit my lower lip. "Are you scared of me, Mr. Damian?"

He looked at me then stared into my eyes. "I am."

Napakunot lalo ang noo ko. "What are you saying? Takot ka sa... akin?" Itinuro ko ang sarili ko.

Tumango siya.

"I don't know if you're just putting an act or you're just dumb. Lahat sila kilala ako, lahat sila natatakot sa akin, lahat sila ayaw akong makausap at lapitan pero ikaw..." Tumigil siya at bumaba ang tingin sa mga labi ko.

"Binubuksan mo pa rin ang bibig mo para kausapin ako." Muli siyang tumingin sa mga mata ko. "And that scares me."

Naguguluhan na ako sa kanya. What on earth is he saying?

"Mr. Damian."

"Nakakatakot na baka kapag nakilala mo ako, umatras ka rin."

I swallowed to clear my throat.

Tumayo siya kaya mabilis din akong tumayo at hinawakan ang braso niya para pigilan siya sa pag-alis. "Do you really have an illness? Nakakahawa ba? Malala?" malungkot na tanong ko at nagulat ako nang marahas niya akong itinulak at isinandal sa pader.

"I'm an ex-convict, Ms. Levisay..."

Nanlaki ang mga mata ko. E-ex-convict? Napalunok ako.

"Anim na taon... anim na taon sa kulungan. Sa tingin mo, anong nagawa ko?"

"M-mr. Damian..." kinakabahang sambit ko.

"Hindi ka pa rin ba natatakot?" malamig na tanong niya.

Tinanggal ko ang kamay niya sa magkabilang balikat ko at seryoso siyang tinignan. I heaved a soft sigh.

"I'm not afraid of you. Maybe you had a reas—"

"You're the only one who doesn't fear me. I don't know if I like that or not. Tell me, why don't you turn away like the others?"

Hindi agad ako nakasagot. Kinakabahan ako, oo, pero hindi ako natatakot. What on earth did he do to be imprisoned for six years?

Lahat ng bagay may dahilan.

Pero hindi ako natatakot sa kanya.

"Because I know you're a good person," mahinang sambit ko kaya napaatras siya.

"You're confusing me, Ms. Levisay... Should I push you away?" I bit my lower lip when he stepped forward to me. I cleared my throat for the nth time when he leaned his right palm against the wall. "Or should I pull you closer to me?" That whisper made my hair stand on end.

"M-mr. Da—" Napapikit ako nang bigla niyang hinigit ang bewang ko palapit sa kanya. Pakiramdam ko ay nalaglag ang puso ko dahil sa kaba.

"You're not afraid of me... then stay by my side, Yen."

And after he said that, the cold wind embraced our bodies.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 14.7K 62
Siya ay isang babaeng simple, kalog at mapang asar. Lahat nang may kinalaman sa pagkabaliw. Siya na 'yon. Lahat ng mga problema niya idinadaan niya l...
497K 4.8K 32
Life is unfair. That's it. Klariziee Riela Cuevas, an innocent girl who's willing to do everything to achieve her dreams and finish her studies despi...
1M 33.4K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
393K 4.7K 39
TO BE PUBLISHED UNDER ALBATROZZ PUBLISHING HOUSE. Warning: This novel will talk about suicide, violence, depression, sex and inappropriate languages...