Elemental Kingdoms: The Rule...

By RinkakuMayo

2.4M 78.4K 9.3K

In order to maintain the balance of this world, there's a rule to be followed. Don't fall in love with someon... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
DREAME come true🥰
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
OMG! WE ARE ON THE "WHAT'S HOT!"
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Miss Ai's Note♡
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
What is the meaning of Prophecy?
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Thanks Giving
BOOK II ♡
Miss Ai's echoserang Note ✌

Chapter 18

40.8K 1.4K 203
By RinkakuMayo

Aria's POV

Para akong napako sa kinatatayuan ko at nakatitig lang ako kina Ciero. Ano raw ang sabi nila? Tatay ko ang muntik na pumatay kay Valgemon?

"Hindi ko pa rin po maintindihan kung bakit ako lang ang kinausap niya. Besides, ako lang ba ang nakakarinig sa kaniya?" I asked all of them. Nakakaloka lang talaga ang mga happenings dito sa elemental world. Ano naman daw ang kinalaman ko kung 'yong tatay ko ang muntik na pumatay kay Valgemon, 'di ba? Bakit sa akin? Ano'ng trip ng Diyos ng Kadiliman na 'yon?

"He is after you, Aria. Sa lahat ng Gods and Goddesses, kay Aire siya pinakagalit. At dahil anak ka ni Aire, sigurado ako na sa iyo niya uumpisahan ang pagganti sa tatay mo," explained by Heiro. Ay ang taray! May revenge na nagaganap?!

"E bakit ang sabi niya sa akin ay sabay daw kaming maghahari sa elemental world?" O 'di ba? Mukha akong interested sa mga sinabi ni Valgemon kanina. Parang ang sakit kasi sa lungs na isipin na gusto akong patayin ni Valgemon para lang makaganti sa tatay ko. Bakit kailangan pa akong idamay?

"He is just trying to deceive you, Aria. Pasalamat na lang tayo at hindi ka niya nalinlang." Sumasakit na ang ulo ko sa mga sinasabi nila. Wala man lang bang araw na pwede akong mabuhay ng tahimik dito? Kailangan ba laging may mga ganitong nangyayari?

"Pwede po ba na bukas na lang tayo ulit mag-usap? Pagod na po kasi ako," I said at agad namang lumapit sa akin si Kai. Nako naman. To the rescue lagi ang isang 'to! Kaloka!

"Aalis na muna kami, Heiro," he said bago niya ako inalalayan palabas ng Elemental Head's office. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako kailangang alalayan. Hindi naman ako pilay. Sows, Kai! 'Wag kang ganyan. Baka mainlove ka sa akin! Nako po! Mamamatay tayo niyan.

"Aria!" Someone shouted. Paglingon ko, it's Tyrone. Tumatakbo siya palapit sa akin tapos niyakap ako. Ay ano ba 'yan! Bakit ba kayo ganyan? Kinikilig ako!

"Are you okay? My god, Aria! Nag-alala ako sa'yo!" Tyrone said and then he hugged me again. Napabitaw lang siya sa pagkakayakap niya sa akin noong may umubo sa likuran ko. Paglingon ko, si Fire pala 'yon na ang sama ng tingin sa akin. Inirapan ko lang siya bago ako humarap ulit kay Tyrone.

"Fire!" Sabay-sabay kaming napalingon sa babaeng sumisigaw habang papalapit siya sa amin. Si Nuraya? Aba! Bakit niya tinawag si Fire?

"Nuraya, bakit mo ako--" Hindi na natapos ni Fire ang sasabihin niya nang bigla na lang siyang niyakap ni Nuraya. Lahat kami ay nagulat. Aba! Biruin ninyo na si Nuraya, ang babaeng walang emosyon ay bigla na lang niyakap si Fire? Anyare? Kailan pa sila naging close ni Fire?

"Kai!" Paglingon ko naman kay Kai, niyakap din siya ni Ela. Aray ha? Hindi na maganda ang eksena na 'to. Bakit parang nagkakaroon na ng loveteam dito? Si Thea na lang ang --- Ay bongga! Akala ko pa naman walang kaloveteam si Thea pero meron pala. Si Laydon.

"Aria, okay ka lang ba?" Tyrone asked. Gusto ko nang umalis sa lugar na 'to. Gusto ko nang matulog. Hindi ko alam pero naiinis ako sa nakikita ko. At bakit ka naman naiinis, Aria? Kaartehan mo!

"Samahan mo na lang ako Tyrone sa dorm namin," I said and he nodded his head. Hindi na ako nagpaalam kina Thea. Bakit pa ako magpapaalam e busy silang lahat?

"Gusto ko sanang sumama kina Kai noong pumunta sila sa maze kaya lang ay hindi raw pwede. Buti na lang at okay ka lang." Napangiti ako kasi ramdam na ramdam ko ang pag-aalala ni Tyrone sa akin.

"Ang seryoso mo naman. Hindi naman ako agad mamamatay doon," I told him pero ang totoo ay grabe ang takot ko noong nasa maze kami. 'Yong pakiramdam na gusto ko nang magsulat ng Last will and testament ko kasi akala ko ay katapusan ko na.

"Kumusta nga pala ang pag-aaral? Ilang araw din kaming wala kaya hindi ko alam kung ano na ba ang mga lessons." Sinusubukan kong ibahin ang usapan at hindi naman ako nabigo.

"Don't worry, ako ang bahalang magturo sa'yo nang mga lessons na hindi mo napag-aralan. Sa ngayon ay magpahinga ka na muna." Ay naman talaga, Ty! 'Wag ka namang ganyan. Sumusunod ka sa yapak ni Kai sa pagpapakilig e!

"Salamat, Ty." Hindi ko man lang namalayan na nandito na pala kami sa dorm namin. Binuksan niya ang pinto ng silid namin at nagulat ako kasi nasa loob na si Fire. Nagteleport na naman ang loko.

"Sige, Ty. Salamat sa paghatid. Magkita na lang tayo bukas."

"Sige. After ng class natin bukas, tuturuan kita, okay?" Ngumiti lang ako sa kaniya at tumango. Isasara ko na sana ang pinto pero bigla niya akong hinila at niyakap. Teka, ano'ng tinira ng isang 'to para maging ganito ka-sweet?! I just hope na wala na si Fire sa sala. Sana pumasok na siya sa kwarto niya. Teka, bakit ko nga ba iniisip ang mokong na 'yon? Ano naman kung makita niya na niyayakap ako ni Tyrone?! Siya nga rin niyakap ni Nuraya, 'di ba?!

"Goodnight, Aria," Tyrone said then he kissed me on my forehead. Parang gusto ko nang himatayin sa kilig. Hanuba! Wag ka namang ganyan. Hinay-hinay naman sa pagpapakilig. Noonf umalis na siya ay agad kong isinara ang pinto ng silid namin at nagulat ako kasi paglingon ko ay nandoon si Fire.

"Grabe ka, Fire! Para ka namang multo! Kanina ka pa ba nandiyan?" I asked him pero ang loko ay nakatingin lang sa akin. Bigla naman akong nailang.

"Sige, papasok na ako sa kwarto ko." Naglakad na ako papunta sa kwarto ko pero biglang napunta si Fire sa may pintuan ng kwarto ko.

"Teka, kanina lang nandoon ka sa pinto ng kwarto mo ah?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Don't tell me, may pagka-flash din ang kapangyarihan niya? Tatumbling na talaga ako kapag gano'n nga.

"Fire, umalis ka nga diyan. Gusto ko nang magpahinga." Bwisit kasi e. Nakaharang ba naman sa pinto ng kwarto ko. Ano ba'ng problema nito?

"Fire, ano ba? Nakakainis ka na! Umalis ka nga diyan!" Sinubukan ko siyang hilahin paalis sa tapat ng kwarto ko pero walang epekto. Magtetake na pala ako ng vitamins para naman lumakas ang katawan ko.

"Fire, hindi na nakakatuwa." Sinamaan ko siya ng tingin pero ang walang hiya na ito ay talagang nakipagtitigan pa sa akin. Ay bwisit! Nang-iinis nanaman ang kumag na 'to! Ayaw patinag!

"Okay fine. Kung ayaw mong umalis diyan, bahala ka na!" Lumabas ako ng silid namin at balak ko ang pumunta kina Gale. Nakakaleche naman kasi ang ugali ni Fire. Hindi ko talaga maintindihan ang mga trip niya sa buhay. Ang lakas niyang mang-inis!

Bago pa ako tuluyang makaalis sa dorm namin, bigla na lang sumulpot si Fire sa harapan ko.

"Ay palaka! Fire, ano ba?! Para kang kabute! Ano ba'ng problema--- Fire, teka! Saan mo ba ako dadalhin?!"

Hinila ako ni Fire habang naglalakad siya papunta sa who knows where. Wala naman akong idea kung saan niya ako balak dalhin. Ano ba talagang nasinghot ng isang 'to para maging ganito sa akin? Papatayin na ba niya ako? Iihawin na ba niya ang maganda kong katawan?!

"Fire, bitiwan mo nga ako. Sira ulo ka talaga." Inialis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at nag-umpisa na akong maglakad pabalik sa dorm namin. Ang lakas ng trip mo, Fire! Gusto kitang upakan! Leche ka!

"Aria, stop walking," he commanded but I didn't oblige. Ano naman daw ang pakielam niya kung maglakad ako pabalik sa dorm 'di ba? Haynako, Fire. May saltik ka talaga!

"Aria, I said stop!" Kumalma ka, Aria. Pagod ka na at kailangan mong magpahinga. "Wag mo nalang pansinin ang pangpepeste sa'yo ng talipandas na lalaking 'yan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi ko pinansin ang pagsigaw niya sa akin. Bwisit! Hindi marunong makiramdam. Saka hindi pa kami okay! Galit pa rin ako sa kanya kahit na niligtas niya ako sa maze. Sige, Aria. Mag-inarte ka pa ha? Sige lang. Patuloy ako sa paglalakad nang bigla akong nagulat kasi nasa harapan ko na naman si Fire. Huminto ako sa paglalakad at ipinikit ko ang mga mata ko. Please lang, Aria. Don't get mad.

"Ano ba talaga ang problema mo, Fire? Utang na loob naman. Pagod na ako at gusto ko nang magpahinga. Pwede ba na bukas ka na lang mang-inis?!" I snapped at him. Nakakainis naman kasi ang mga trip niya sa buhay e. Hindi ko masakyan.

Fire's POV

I am looking at her eyes at halatang pagod na pagod na siya at inis na inis sa akin. Ano nga ba kasi ang ginagawa ko? Sa totoo lang, hindi ko alam.

"Tara," I said and I offered my hand to her. Tinitigan lang niya ang kamay ko. Kahit kailan talaga, nakakainis ka, Aria!

"Bakit mo kailangang hawakan ang kamay ko? Boyfriend ba kita? Hindi naman ah. At saka kaya kong maglakad pabalik sa dorm nang wala ka," she said at naglakad na siya papunta sa dorm namin.

Tiningnan ko lang siya habang naglalakad siya papasok sa dorm at hindi ko mapigilan ang mapasabunot sa sarili ko. Umayos ka Fire! Ano ba'ng nangyayari sa'yo?!

Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago ako bumalik sa silid namin. Nakita ko na nandoon na sina Kai at Thea.

"Nasaan si Aria?" I asked them. Abala sila sa pagkain. Kahit hindi pa ako kumakain ay hindi ko man lang maramdaman na nagugutom ako.

"Nasa kwarto na niya. Natutulog na yata," Kai replied. Niyaya niya akong kumain pero tumanggi ako. Pumasok na ako sa kwarto ko at nag-shower. This is wrong. Hindi ko dapat nararamdaman 'to. Wala dapat akong pakielam sa kaniya.

Pagkatapos kong maligo ay pinatay ko lahat ng ilaw sa loob ng kwarto ko at humiga na ako sa kama ko. This is what I hate when I am consumed with so much thoughts. Hindi ako makatulog.

This is insane. Bakit ako naiinis kanina noong nakita ko na niyakap ni Tyrone si Aria? Why do I have this feeling na gusto kong sapakin lahat ng lalaking lumalapit sa kanya? Bakit pakiramdam ko, gusto ko na ako lang ang lalaking yayakap sa kaniya? Bakit ganito?! Nakakainis! Hindi ako pwedeng magselos! Kasi kung magseselos ako, ibig sabihin lang no'n na nagugustuhan ko na si Aria at hindi 'yon pwede.

Pinilit kong matulog pero hindi talaga ako dinalaw ng antok. Badtrip naman oh! Sigurado ako na tulog na sina Kai kasi wala na akong naririnig na ingay sa labas. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya naman lumabas ako ng kwarto ko and to my surprise, nandoon si Aria.

"Bakit gising ka pa? Akala ko ba magpapahinga ka na?" I asked her. Imposible talaga na selos ang nararamdaman mo, Fire. Naiinis ka lang talaga pero hindi 'yon considered as selos.

"Nagutom ako e. Hindi kasi ako kumain kanina bago ako natulog," she said while eating. Umupo na rin ako sa dining table namin.

"Kakain ka?" she asked and I glared at her. Anong klaseng tanong ba naman 'yon? Natural, kakain ako. Kaya nga ako nandito sa dining table e.

"Hindi mo naman siguro iniisip na makikipagdaldalan ako sa'yo, 'di ba? Natural kakain ako," I said at sinamaan niya ako ng tingin.

"Nagtatanong lang po, Sir. Ang sungit mo na naman. Hampasin kita ng sandok diyan e. Wala ka pang plato oh." Tumayo siya at kumuha ng isang plato saka niya ibinigay sa akin.

"Saglit lang at magsasandok ako ng kanin." Kinuha niya 'yong isa pang plato na nasa center ng table at nagsandok siya ng kanin. Sumandok din siya ng ulam na sakto para sa aming dalawa.

"Kainan na!" she exclaimed. Tahimik lang kaming kumakain. Once in a while, tinitingnan ko siya. Good thing is nakafocus siya sa paglantak ng pagkain niya. Habang tinitingnan ko siya, bigla ko na lang naisipan na tanungin siya ng isang tanong na agad naman niyang ikinagulat.

"Boyfriend mo na ba si Tyrone?" Inubo siya sa tanong ko na 'yon kaya naman agad akong kumuha ng tubig para sa kaniya.

"Are you okay?" I asked while rubbing her back.

"Pucha naman, Fire! Saan mo naman hinugot 'yang tanong mo na 'yan?! Nakakaloka ka!" she said at ipinagpatuloy na niya ang pagkain niya. I didn't know na napangiti na pala ako habang nakatingin sa kaniya.

"Okay. Bakit ka nakangiti diyan? Ano'ng meron?" she asked while arching her brow.

"Wala, wala."

"Sus! Meron yan e. Sabihin mo na!"

"Okay fine. Hypothetical question lang, Aria. What if ligawan ka ni Tyrone? What will you do?" Hindi agad siya nakasagot sa tanong ko. Siguro ay nag-iisip pa siya ng isasagot.

"Edi bibigyan ko siya ng chance. After all, sa kaniya lang naman ako pwedeng mainlove, 'di ba? Sige na, goodnight. Baka mamaya kung ano pa ang itanong mo at baka kung saan pa mapunta ang question and answer portion na 'to." Kinuha niya ang pinagkainan niya at dinala 'yon sa sink. Sabagay, tama siya. Kay Tyrone lang siya pwedeng mainlove dahil si Tyrone lang naman ang kapareho niya ng Elemental Kingdom.

"Aria," I called her name bago pa man siya makapasok sa kwarto niya. Humarap siya sa akin and gave me a look that is asking bakit na naman?! Halata na naiinis na naman siya.

"Noong nasa maze tayo, tinanong mo ako kung anong gagawin ko kapag nainlove ka sa akin, 'di ba?"

"Oo. And I can still remember your answer. Sabi mo, ikaw ang papatay sa akin kapag nangyari 'yon. Bwisit ka rin e. Hindi ka man lang nagalak na sa'yo ako maiinlove? Talagang papatayin mo ako agad? Leche ka." I can't help to smile at her. Parang inis na inis siya sa sagot ko na 'yon sa kaniya.

"Teka, saan ba papunta ang usapan natin na 'to Fire? Ikaw ha! Nakakapanibago ka na. Nako! 'Yan na nga ba ang sinasabi ko e. In love ka na sa akin 'no?" she said while laughing pero natigil siya sa pagtawa noong narinig niya ang sunod kong sinabi.


"Paano kung oo? Ano'ng gagawin mo?"




Miss Ai

Continue Reading

You'll Also Like

311K 14.2K 52
[PDJ ; BTS JIMIN FANFIC by dakilangswaeg 2016] Welcome sa panaderya! Welcome to Pan de Jimin!
2.5M 66.5K 90
"You survive what you thought would kill you, now straighten that crown and move forward like the queen you are." L E C Q U A R E S A C A D E M Y...
2.6M 83.3K 54
Luna. Every day it's a different version of itself. Sometimes frail and pale, sometimes vigorous and lustrous. Will it ever overcome its uncertaintie...
140K 4.1K 66
2nd Installation of Musical Academy! Highest Rank Achieved: #3 in Musical #248 in teen-fiction #81 in Academy