Lance's POV
Nakangiti akong pumasok ng bahay, "Papa, I have a feeling that we're really destined for each other."
Napatigil sa pagbabasa ng dyaryo si Papa, "Seryoso ka ba sa pinagsasasabi mo anak? Haha. Ang bilis naman ata, bakit mo naman nasabi yan?" tanong ni Papa.
"Eh kasi Papa, nagkita ulit kami ni Belle. Akalain mo yun, tas hindi niya pa alam na ako yung Lance na nirereto sa kanya."
"H-ha?"
"Hindi niya ata ako nakilala kasi bagong gupit na ako. Kaya ayun, akala niya ibang tao na ako. Di na muna ako magpapakilala para hindi siya umiwas sa akin."
"I guess that's a good sign. Basta ingatan mo lang na mabuko niya na ikaw ang nirereto ng Daddy niya, tiyak magagalit talaga yun."
"Don't worry Pa. Everything's under control." sabi ko at pumunta sa kwarto ko. Naalala kong in-enter pala ni Belle yung number niya sa cellphone ko. Itext ko kaya siya? Di kaya mairita siya sa akin? Ugh, ano bang dapat gawin?
Kanina pa ako paikot ikot sa kwarto ko, ano bang dapat itext? "Hello, Kamusta?"
Yuck, ang baduy. Kakatapos nga lang namin magkausap kanina, kakamustahin ko agad? Aish, ano ba... "Guess who?"
What the, ano ba Lance. Paguess who guess who ka pa. Mamaya biglang magpalit ng number yun, akalaing stalker pa ako. Think Lance...
And all of a sudden, may nasend na lang ako, "Good night po. Lance 'to ^_____^"
Wala pang ilang minuto, may reply na agad, "Tsh, good night din po. ^w^"
Bigla akong napangiti ng malaki, shit, parang di naman ako lalaki kung kiligin. Sinampal sampal ko ng mahina yung mukha ko para maalis yung ngiti... pero bumabalik pa rin. >______<
***
Niyaya ako ni Adam na kumain sa labas, "Woah, di kita nakilala ah!" bati niya sa akin.
Napangiti naman ako, "Haha, marami ring di nakakilala sa akin agad. Idol ko kasi si Jack Sparrow kaya nagpahaba ako ng buhok at nagpatubo ng balbas, hehe."
"Ah. Halata nga dude. Pero mas bagay sayo ang clean cut. Wag ka na ulit magpapatubo ng buhok, mas maayos ka dyan eh!"
Napangiti na lang ako ulit, "Ay nga pala! Yung kapatid ko, naku! May kinahuhumalingan na. Nahuli ko nga kanina na pangiti ngiti, parang baliw."
Pinigilan kong ngumiti, "Talaga? Sino?"
"Di ko kilala eh. Ayaw pa kasi ipakilala nung babaeng yun. Tsh. Hinatid kasi siya kagabi, hanggang ngayon kinikilig pa rin."
"Ganun ba?"
"Don't worry. Kahit anong gwapo o bait man nung manok ni Belle, sayo pa rin ako boto!" sabi ni Adam nang nakangiti. Kung alam niya lang naiisa kami ng lalaking yun. Haha.
"Salamat.." sabi ko at ngumiti.
Belle's POV
"Hmm.... hello..."
Nakarinig ako ng mahinang pagtawa sa kabilang linya, teka, sino ba 'to?
("Good morning, did I wake you up?")
Bigla akong napabangon. Ay, tumawag pala si Lance, akala ko sila Faith lang. Medyo nakakahiya naman yun >______<
"Umm, hindi ah. Gising na ako nung tumawag ka, pero nakahiga pa ako."
("Ah ganun ba. I just called to greet you a good morning. Sorry sa istorbo, morning person kasi ako eh. Hehe. Sige, magbreakfast ka na.")
Napangiti naman ako, napaka-gentleman niya naman para tawagan ako para lang batiin ng 'Good Morning'. Plus pogi points noh! >//////////<
"Hehe. Sige po. Bye bye." binaba ko na yung call at dinumog ang unan ko. Bale nilulunod ko na yung mukha ko sa unan. Shet, kinikilig akoooooo!
"Belle.. kaka-- HOY ANONG GINAGAWA MO?! WAG KANG MAGPAKAMATAY!" sigaw ni Adam at hinablot yung unan mula sa akin. Nakangiti pa rin ako habang siya naman ay takang taka sa kilos ko. Eh ba't ba, kinikilig ang lelang niyo. :">
"Hoy Belle, sumagot ka nga. Para kang baliw dyan kakangiti. Kinakabahan na ako sa nangyayari sayo ah. Anong pinainom sayo nung pambato mo?! Ginayuma ka ba nun at ganyan ka?!" sabi ni Adam habang inaalog-alog ang balikat ko.
"Anubeeee. Wag ka nga Adamson. Nangengealam ka nanaman ng lovelife eh!" sabi ko habang pinipisil yung ilong niya.
"Tsh, baliw ka talaga. Tara na nga sa baba. Ikain mo na lang yan. Baka pati ako mahawa sa kabaliwan mo dyan sa lalaking yan." hinila ako ni Adam pababa.
"Oh, anong nangyari dyan sa kapatid mo, Adam?" tanong ni Dad.
"Ayan Dad, nakipagtelebabad sa naghatid sa kanya. Mukhang may laban ang manok ni Belle."
"Onaman! Kaya watch out, siguradong magugustuhan niyo talaga siya!" sinabi ko nang may malaking ngiti.
"Kelan ba namin makikilala yan?"
"Bastaaaaaa! Soon! Dalian mo na nga Adam, baka malate tayo! Ayaw kong magkaroon ng late record noh!"
"Grabe, 6AM pa lang, 7AM pa time natin. Excited pumasok?!"
"Tsh, daming satsat, kumain ka na lang." sabi ko at sinubo sa kanya ang isang malaking chicken leg. Napasimangot naman siya at babatukan sana ako, pero nakailag ako kaya hindi siya nakaganti. Hahaha!
***
Nasa school na ako ngayon, sabay sabay kaming naglalakad ng mga kaibigan ko, napansin kong walang nagsasalita sa kanila. Bihira silang tumahimik, hindi nga ata sila mabubuhay nang hindi nagsasalita eh.
Napatingin ako sa kanila isa isa, "BAKIT?!"
"Anong kinain mo para sa breakfast ngayon ha?" - Sam
"Ham and Egg, ba't mo naman natanong?"
"Ahh... nakakaglow pala ang ham and egg." sabay sabay nilang sinabi. Ako glowing? Eh? Napangiti na lang ako sa sinabi nila. Halatang halata ba ang kilig ko ngayong araw?
"Hello, Earth to Belle. Earth to Belle. Uso sumagot. Anyare sayo 'te?!" - Janeth
"Masamang espirito, layuan mo ang kaibigan namin na kasing ganda ko!" - Sam
Lalo akong natawa, mga baliw talaga mga kaibigan ko. No wonder naging ganito na rin ako, haha, "Ano ba kayo?! Maganda lang naman ang gising ko eh. Hehe."
Mala-choir ang tatlo sa pagtatanong, "Bakit?"
"Tumawag kasi si Lance sa akin kaninang umaga." nakangiti kong sinabi. Hindi ko alam pero hindi pa rin ako maka-get over sa ginawa ni Lance. Siguro sawang sawa na kayo sa kilig na nararamdaman ko, eh ba't ba :">
"OH?! TALAGA?!"
"Oo, he just called to greet me a good morning. Taray diba?!"
"Wow. Ang sweet nga. Kaya naman pala abot langit ang ngiti mo." - Faith
Monday. Kakatapos lang naming magmeeting para sa Halloween Party namin. Isa ako sa event organizers kaya naman magiging busy ako para sa event na yun.
*Kring* *Kring*
("Hello..")
Boses pa lang, kilalang kilala ko na. Napangiti ako agad, "Lance! Napatawag ka?"
Biglang nagsipaglapitan ang mga kaibigan ko, dinikit nila ang mga tenga nila malapit sa cellphone ko, para namang maririnig nila.
("Umm... may gagawin ka na ba this weekend?")
"Ay. Ngayong weekend kasi yung Halloween Party namin eh.." malungkot kong sinabi. Bakit naman sa lahat ng araw ngayon pa natapat yung party?! First date--este, bonding nga namin 'to ni Lance eh!
("Ganun ba...") I can hear disappointment in his voice. Kahit ako rin na-disappoint eh. Gustong gusto ko pa naman siya makasama sa isang buong araw, kaso ang epal lang ng schedule ko, ayaw siyang isingit, huhuhu.
"Sorry ha... Hindi kasi ako pwedeng mawala sa party, event organizer kasi ako eh.."
("Ayos lang. Maybe some other time na lang, sige bye.")
"Bye." napasimangot ako. Kahit ang mga kaibigan ko nahawa sa disappointment ko. Andun na eh! Magdedate na nga kami eh! -______-
"Sayang! Dapat sinabi mo agad na may date kayo! Edi sana namove pa natin yung party!" - Sam
"Oo nga, call him back!" - Faith
"Eh? Ayos lang ba kayo? Na-iset na natin yung party eh. At tsaka event organizer ako noh.. Hindi pwedeng mawala ako dun."
"Sa bagay... Ay basta! Magagawan yan ng paraan!" - Janeth
***
Hindi maalis sa isip ko si Lance, nasasayangan pa rin ako sa soon-to-be-date sana namin, kaya lang naudlot dahil sa Halloween Party namin. Isang araw na lang bago ang party, hindi pa rin ako ready. Parang ayaw ko na nga um-attend eh...
"Uy! Ba't di ka pa ready?!" tanong ni Adam. Di ko namalayang pumasok na pala siya sa kwarto ko. Masyadong occupied ang utak ko eh.
"Bukas pa naman yun eh..."
"Oo nga, alam ko. Pero usually naman kapag may ganitong party, ngayon pa lang naghahanda ka na. Minsan nga eh, one week before ready ka na. Anong meron?" umupo siya sa kama ko.
Napabuntong hininga na lang ako, "Wooooowww. Bigat ng dala mo ha. Bakit naman ganyan ka kung bumuntong-hininga? Break na ba kayo ng kalaban ng manok ko?! Yes!"
"Adamson, anong pipiliin mo, yung makasama yung taong gusto mo pang mas makilala o yung party na kailangan mong puntahan dahil isa ka sa mga organizers?"
"Ah, kaya naman pala di ka na-eexcite."
Hindi ko pinansin yung sinabi niya at nagpatuloy sa pagsasalita, "In-invite ako ni Lance sa isang date. Gusto ko sanang pumunta kaso organizer ako sa party bukas eh."
Tumayo siya at nagpaikot-ikot sa kwarto ko na parang isang detective, mga trip talaga ng kambal ko na 'to oh, "First of all, ayaw ko sa kalaban ni Lance. Second, pogi ang manok ko. Third, pero mas pogi ako."
Binato ko siya ng unan, "Umayos ka nga! Ano na? Tutulungan mo ba akong pumili o hindi? Kasi kung hindi, lumayas ka na sa harap ko!"
"Chill sis. Okay, seryoso na. Para sa akin, mas pipiliin ko kung san ka sasaya. Kung magpapakalugmok ka naman buong magdamag sa party, edi sana sumama ka na lang sa date mo, mas sasaya ka pa."
"Talaga?!"
"Kahit naman wala ka dun bukas, okay lang yun. Hindi lang naman ikaw ang event organizer eh. They can manage the party for sure." nakangiting sinabi ni Adam.
Hinablot ko agad yung cellphone ko at tinawagan si Lance, sinagot niya naman agad, "Lance! Okay pa ba yung date natin?!"
("Oo naman. Haha. Actually... hindi siya normal na date, ayos lang ba?")
"Huh? Sure."
("Tuloy na ba tayo?")
"Yup, anong oras?"
("8:00")
"Okay, 8PM. Hihintayin na lang kita."
("Nope, 8AM ang date natin. I told you, hindi siya normal na date. Hehe.")
Napatawa ako sa sinabi niya, ang weird niya talaga, "Ay oo nga. Okay fine, 8AM."
("Good. Salamat ha. See you tomorrow.")
"You're welcome. Sige, kita kits!"
Binaba ko na yung call, bumalik nanaman ang ngiti kong lampas ng ozone layer sa sobrang laki.
"Umaga ang date? Ang weird naman ata ng lalaking yan, Belle? Sigurado ka bang normal yan ha?"
"Oo naman! Wala ka bang tiwala sa taste ko? Ang gentleman niya nga eh!"
"Ba't mo naman nasabi?! Anong kina-gentleman dun ha?"
"Eh kasi umaga yung date. Mas safe kapag umaga, iwas krimen, o diba!"
"Tsh, safe safe ka dyan." Kinuha ko yung purse ko, "O san ka pupunta?!"
"Magpreprepare, babalik agad ako."
Napangiti si Adam, "And she's back to her old self."
***
Nasa bahay kami ngayon, kasama ko ang mga kaibigan ko, nagkumpulan kami sa kwarto ko habang pinag-uusapan ang date ko bukas.
"So girl... ipagpapalit mo talaga kami sa boylet mo?!" pagdadrama ni Faith.
"Ano ba, it's a matter of life and death. Kapag hindi ako nakahanap ng boyfriend, there's a tendency that my life will be ruined by my father's decisions."
"Nosebleed 'te! Ba't kasi di mo kilalanin si Lance?!" - Janeth
"Girls, ano ba kayo. If they are destined for each other, magiging sila. So ngayon, i-enjoy mo muna si Papa Lance, kasi soon, magiging akin na siya." - Sam
Binatukan ko ng malakas si Sam, "Anong sayo! Tsh, mang-aagaw ka pa, walang ganyanan."
"Eto naman, nagbibiro lang ako eh, galit ka na agad. Maraming papabol dyan, maraming pagpipilian!"
"Aish, ewan ko sayo Sam! Anyway, anong mas maganda? Etong red or etong blue?" sabi ko habang tinatapat yung dress sa katawan ko.
"I think the blue one is better. Teka, san ba kayo magdedate?" - Faith
"May bukas na bang restaurant ng ganun kaaga?" - Janeth
"Oh my God. Ang bobo ko, sabi nga pala niya it's not an ordinary date. So more or less, it will be an activity day!"
"Wow. Ang interesting naman nun!" sabay sabay nilang sinabi.
"Jeans and shirt?"
"Tama."
***
Jodie's Note:
Wushu. At nawala ang promise ko na twice a week akong mag-aupdate. Haha. Sorry talaga. Suicidal month ang February dahil napakaraming gagawin since next month mamartsa na ako, fortunately, wooh!
Paki-abangan pala ang Balentayns Special ko, based on true story ang isusulat ko. Hintayin niyo ha! Kinikilig na ako kasi labstori ko yun! CHOOOSSSS! Joke lang.
O basta, comment na lang kayo dito para masaya. I LABSH YU ALL!