“Pack-up na guys! Finally. Inabot na tayo ng alas-4 ng umaga. Oh ang call time later ha? 4PM. Kath and Daniel ayaw ko ng late ok? Go na. Take your time resting.”
“Yes Direk.” Sabay naming sabi ni Daniel.
Obviously inabot na kami ng umaga sa shooting for our teleserye. Nakakapagod hindi lang yung trabaho pati yung lecheng pagpapanggap na to. Tatlong taon. Tatlong taon na kaming kunwaring M.U nitong si Daniel. Tatlong taon na rin siyang cold at irritated palagi sa akin. Tatlong taon na rin mula nung marinig ko yung mga binitawan niyang mga salita. Hanggang ngayon nakatatak pa rin sa utak ko. Ang galling lang ni Daniel. Kaya niyang maging sweet at caring sa public pero pag kaming dalawa na lang opposite feelings ang pinaparamdam niya. Ang galing diba? Clap clap para sa kanya.
“Daniel. Kunwari ihahatid mo si Kath sa bahay nila. Maraming nagset visit na fansclub. Kailangang magpabango kayo sa kanila.” Bulong ni Kuya Dho. Bukod kasi sa partido ni Daniel at sa partido ko, walang nakakaalam na fake lang kami. (Maliban na lang sa mga flings ni Daniel) Kahit sina Direk at ang buong staff ng show ang alam gusto namin ang isa’t isa. Ang galing namin. Hay.
“Ha? Eh ang layo ng bahay niyang babaeng yan sa bahay namin. Pag nagkataon iikot pa ako! Ayoko Kuya Dho! Ihahatid ko na lang siya sa van niya. Makikita pa rin naman yon ng fans.”
“Isa Daniel! Sa tingin mo alin ang mas sweet doon sa dalawa sitwasyon? Diba yung ihahatid sa bahay?! Ano ka ba naming bata ka. Tatlong taon na natin to ginagawa. Di ka pa ba sanay?!”
Ako? Nakikinig lang ako sa kanila at nakatitig. Wala naman akong magagawa eh. Laro lang to. At sa larong to kami ni Daniel yung puppets.
“Oo na! Oo na! Kainis! Magkikita dapat kami ni Liza eh. Psh.”
Yeah. You read it right. Flavor of the month si Liza ni Daniel ngayon. Pero malay natin months pala diba? Last month si Julia Barretto ang fling niyan. Alam ng mga babaeng yan yung tungkol sa amin ni Daniel pero kapag nagsalita sila about don tanggal na sila sa Star Magic. Ganoon kalupit ang showbiz.
Inayos ko na ang mga gamit ko at nagpaalam kay Mama na kay Daniel ako sasabay. Alam naman na ni Mama yung reason so no need for long talks. Nilapitan ko na si Daniel na nakabusangot sa may pinto sa may tent.
“Tara na.” Tipid niyang sabi. Dinala rin niya yung mga gamit koat hinawakan yung kamay ko papunta sa kotse niya. Kung saan maraming fans ang nag-aabang kasabay ng mga flash ng camera.
“Guys alis na kami ha. Salamat sa pagbisita at sa mga pagkain na dinala niyo!”
“Omg Daniel ihahatid mo si Kath?” –fan 1
“Kyaaaa. Sa sasakyan mo si Kath saasakay?! Le criii.” –fan 2
Ningitian lang namin sila at sumakay na sa sasakyan ni Daniel. Agad niyang pinaandar ang sasakyan. Napakatahimik sasakyan. Awkward.
“Nakakpagod ano Daniel?”
“Kung pagod ka na h’wag ka nalang magsalita.”
Gusto ko lang namang alisin ang awkwardness. Gusto ko ibalik yung dati na kahit papaano nagkakatawanan pa kami. Simula kasi ng pretending game na to he’s so distant and cold. At nasasaktan na ako.
“Gutom ka na ba? I have sandwich sa bag. You want me to get it?”
“I said stop talking! Pagod tayo parehas so let me have some peace with this bullshit situation!”
Natigilan ako don. Masakit. Hanggang ngayon ramdam ko yung paninisi niya sa mga nararamdamang niyang pain sa loob ng tatlong taon. At yon ang masakit sa part ko. Paiyak na ako at kapag umiyak ako sa harap niya mas matutuwa siya kasi yun ang gusto niya. Ang masaktan ako.
“Stop the car.”
“Pwede ba Kath. Pagod ako. Huwag kang mag-inarte dyan. Buti nga hinatid pa kita.”
“I said stop the car.” With conviction kong sinabi. I need to breathe the Free-Daniel air. I need to escape reality.
“Okay fine. Pero I have no explaining to do with Kuya Dho or even Tita Min. Decision mo yan. Go ahead. Bumaba ka na.”
The moment he went on the side and stopped the car, agad akong bumaba. Mabilis niyang pinasibad ang sasakyan niya. That’s when I felt my tears escaping my eyes. Naglakad ako papuntang park at naupo sa bench, silently weeping. Madilim pa. Walang tao sa park. Magpapasundo na lang ako sa driver namin.
“Kath?”
Nagulat ako. Baka nakita niyang umiiyak ako. Patay ako kina Mr. M nito. Hindi ko nililingon yung tumawag ako. Naramdaman kong lumapit siya.
“Kath? It’s really you! Ako ‘to si Dom. I thought nagkamali lang ako but well it’s really you. What are you doing here? Saan si Daniel? Bakit ka niya iniwan? I saw you coming out from his car.”
Tinabihan ako ni Dom. Nakita niya na sa kotse ako ni Daniel bumaba. Wala akong maisip na alibi. Think Kath. Think.
“Ah eh may emergency kasi sa kanila nina Tita Karla. Hehe.”
“Huh? Knowing Daniel, uunahin ka niya before anything else.”
“I insist na magpasundo na lang kasi malayo pa yung kanila eh emergency so nagpasundo na lang ako sa driver naming ditto sa park. Ikaw, what are you doing here?”
“Obviously with my attire nagjo-jog ako. Hahaha. Samahan muna kita. Wala kang kasama eh.”
Nagkwentuhan lang kami ni Dom. At least nadivert yung attention ko from my Daniel-thoughts. Dumating na yung driver ko at nagpasalamat ako kay Dom. I need to rest. I badly need to rest physically especially emotionally.
---
“Kath ano ba naman to? Diba hinatid ka ni Daniel kanina? Bakit may ganitong pictures? Alam mo ba ang iniisip ng tao? Nagkikita kayo ni Dom ng palihim. My goodness! Nasaanna ba si Daniel?!”
Pagkarating ko sa set ay iyan agad ang ibinungad sa akin ni Ate Wheng. Tinitigan ko yung mga pictures. Kami nga ito ni Dom. Walang tao noong mga oras na yon. Sino ang kumuha nito?
“Ate Wheng don’t worry. May nagawa na akong story kagaya ng sinabi k okay Dom nung naita niya ako kanina sa park. Nagkita lang kami accidentally. Hindi kami nagkikita ng palihim. An gang alam niya kami ni Daniel. Knowing him, he won’t intrude.”
Biglang pumasok si Daniel sa tent. Halatang badtrip siya. Siguro’y alam na ni Kuya Dho at napagalitan siya. Lumabas muna si Ate Wheng at mag-usap raw muna kami. Biglang nagring yung phone ko. Tumatawag si Dom.
“Psh. Sagutin mo na aba.”
Sinagot ko muna yung tawag ni Dom. Sabi ko sa kanya na ako na ang bahala and everything’s fine between me and Daniel. He felt relieved. Akala niya affected kami ni Daniel. Binalikan ko si Daniel na prenteng nakaupo sa monoblock sa loob ng tent.
“Don’t worry Daniel. I can cover this up. Hindi naman talaga kami nagkita ni Dom intentionally.”
He smirked before standing up.
“H’wag ka sakin mag-explain. Psh. Hindi mo naman kailangang ilihim sakin na nagkikita pala kayo ni Dom. Kunwari ka pang nagalit kahapon because of my jerkiness yun pala magkikita lang kayo. Wow Kath. Next time tell me earlier. Nagmumukha akong kawawa sa mata ng tao. Yung naloloko.”
“I told you hindi kami nagkikita ng palihim!”
“Bahala ka. Lusutan mo yan mag-isa.”
With that he walked out leaving me behind. Ako? I wish I could walk out from this life. I’m tired. So tired.
---
Ok guys! Sorry for the mabagal na update. Hehe. I’ll try my very best to update weekly or kahit within 2 weeks from the last update. Btw, thank you for my 1.3K reads. Le crii. Thank you for the support! Keep supporting! And speaking of support, go watch CBY naaaa. I’ll watch next Thursday pa eh. Hahaha. Love you guys!
Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance of characters to actual persons, living or dead is purely coincidental. The Author holds exclusive rights to this work. Unauthorized duplication is prohibited.
PS: Not everything written had happened between the characters involved. Some may be a basis while some are purely fictional. Thank you.