Call Pal (One shot)

By camiiechan

141 5 20

One shot story ♥ Pag nagwapuhan ka ba sa boses ng tumawag sayo papayag ka na maging CALLPAL mo siya? REVISING More

Call Pal (One shot)

141 5 20
By camiiechan

Hello

Madalas ay unang lumalabas sa bibig natin tuwing tayo'y sasagot ng tawag na hindi natin alam kung kanino galing. Unknown number ang lumabas sa screen ng cellphone at kating kati na tayong sagutin yung tawag

Malay mo, kilala mo yung nasa kabilang linya

Pulis, hinahanap ka dahil kriminal ka!

Pwedeng yung ex boyfriend/girlfriend mo (Kung meron man)

Yung childhood sweetheart mo

Isa bombay (Mag bayad ka na ng utang huy!)

  Yung stalker mo

Long-time Suitor mo

O kaya..... BOYFRIEND MO!

Eh pano naman ako? Late na ata ako sa agos ng panahon. Ang babaeng nag ngangalang Maicah Gomez na tio ay walang kahit anong isa diyan. Boyfriend nga wala, ex pa kaya? Childhood sweetheart- walay dahil babae ang mga kababata ko. Long time suitor? Lalong wala... wala ngang nanliligaw sakin ngayon eh

(=_=")

Siguro prank to! Tama, yun nalan muna iisipin ko

"Mai! Pumasok ka na. Malalate ka na" Nag-echo sa buong second floor yung boses ng mama ko, sa gulat at napindot ko yung end call sa screen at naputol yung tawag. Argh!

"Mama naman eh!" Lumbas ako ng kwarto na parang bata at nagdadabog. Umupo ako sa lamesa at ngangalumbaba. Hindi ko naman sasagutin yun cp ko, hindi ko na kailangang madissapoint. Kung importante man yun, edi tumawag ulit siya

"Ano ka ba namang bata ka! Sabi ko malalate ka na kaya tumayo ka na diyan, mamaya kana mag almusal" Tinapik ni Mama yung kamay kong nangangalumbaba. Dumiretso sa lamesa yung baba ko. Flat

Hindi na ako nakapagreact dahil hinila ako ni mama patayo ng mesa at tinulak papalabas ng pinto. Inilagay niya rin ang isang sandwich sa kamay ko at sinaraduhan ako. Gustong gusto naman ng mudra ko na lumayas na ako noh?

"Mama! Babye, salamat sa pagkain. Pakikiss nalang si Bochie" Sigaw ko sa pinto. Si Bochie ang pinakamamahal kong aso na simula eight years old palang ako ay kasama ko na, kung pwede lang isyota yung aso ginawa ko na sana haha

Narinig ko yung sagot sakin ni mama na 'Late ka na!' kaya lumayas na ako sa bakuran namin at naglakad na papuntang school.

Ang init naman. Wala pa ngang summer ang init init na, Pesteng global warming. Tanga rin naman ako kasi hindi ako nagdala ng payong. Buti nalang hindi ganun kalayo yung school namin at bago pa ako maging water fountain ay nakasilong na ako

Pagpasok sa campus ay maalinsangan yung paligid, pati yung mga tao maalinsangan. Pumasok agad ako sa classroom at nakipag daldalan sa mga kaibigan ko, para narin makihiram ng pamaypay

"Sino umubos ng deodorant sa convenient store!?" Kasabay ng sigaw na yan ay ang pagpasok ni Vinn sa classroom

deodorant?

"Vinn! nakita ko pinakyaw mo yun kanina wag ka magkaila" Sagot ng isa sa mga barkada niya at nagtawanan ang buong klase. Hindi naman sa gusto ko siya pero nakatingin ako sa kanya. Hindi rin naman siguro ako nagiimagine na nagtagpo yung mata namin!

"Mai, baka malusaw yang si Vinn mo pag tinitigan mo" Pagsingit ng kaibigan ko, literally

"Ano ba Jiaaan. alis dyan sa harap ko! Nagkakatitigan kami eh" Hinawakan ko yung ulo niya at isinantabi pero lahing animal ata tong babaneg to kasi nakaharang parin sa harap ko

"May lagnat ka ba? Ang ganda ng delusyon mo eh"

"Oy wag ka. Totoo yun! palibhasa kasi may ka labings-labings kana" Pangontra ko sakanya. Wow 'Pangontra'! Parang albularyo lang ako ah tapos si Jian yung vampira

"Vinn! Halika nga rito!" Pagtawag ni Jian kay Vinn. Binigyan niya ako ng evil grin

Shemay! Pinapalapit niya yung crush ko. Crush lang! Simula kasi 'nung maghighschool ako ay kaklase ko na siya. Tyaka jolly-friendly type person siya kaya lahat ng classmate namin kasundo niya kahit yung mga bully

"Good morning! Ang sama ng amoy doon sa hallway, parang dalawang araw na hindi naligo yung iba" Nakangiting lumapit samin si Vinn, Umupo siya sa upuan sa harap ko, face to face kami ngayon.

"Kaya pala tinanong mo kung sino yung umubos ng deodorant" Comment ni Jian na hirap na hirap sa pagpipigil ng tawa, parang natatae lang

"Oo.. hm." Naglean siya sakin, halos tumama na yung mukha niya sakin. Huminto yung ulo niya 3 inches ayaw from mine "Buti pa si Maicah mabango, amoy bulaklak"

Aatakihin ako sa puso! OMG

"B-bulaklak?" Waaah! Inamoy niya ako Sheet of pad paper!

"Oo bulaklak" Sabi ni Vinn matapos niyang ilayo yung mukha niya sakin at itinuon ang tingin kay Jian. "Nalala ko lang, Wala pa akong number mo "

Inilibas niya yung cellphone niya at may pinindot na kung ano-ano, password siguro. Isa pa to sa traits na like ko sa kanya eh, Mahilig siya magtago ng cp number ng mga kaibigan niya. Bakit kay Jian lang yung hiningi niya? Huhuhu . Maglulumpasay ako dito, pero sino nga naman ba ako para kunin niya yung number ko?

Hindi naman ako kasing sexy ni Cat woman, kasing talino ni Albert Einstein, Hindi rin naman ako bilyonaryo gaya ng sa kanat ni Bruno Mars. Yung buhok ko, wala pa sa kalahati ng buhok ni Rapunzel. Ako lang naman ang anak ng mommy at daddy ko

Sigurado akong hindi niya hihingiin number ko T.T

ako nalang hihingi, makapal naman mukha ko eh

"Maicah ikaw naman! Ano number mo?" Tinitapat sakin ni Vinn yung phone niya

0_0)

"0999999999!" Enthusiastic kong sagot

"Haha, hindi naman kailangang ganyan ka kaenergetic!" Tumayo na siya sa upuan at nag babye samin. Salamat lord! Pinapangako kong rereplyan ko agad yung text paggaling sa isang unknown number

"Mai, konti nalang tunaw na talaga yan" Heto nanaman yung linya ni Jian

"Manahimik ka bespren. Ililibre kita sa canteen mamaya" Sabi ko, habang sa loob looban ko ay nagrerejoice ako

Sumusunood sa galaw mo sumusunod sa galaw mooooo

Dumating na yung teacher namin at nagsimula na ang lesson. Kahit pala adviser namin hindi na keri yung init, Tagaktak yung pawis niya at nag ala swiper the fox yung kamay niya sa kakasalo ng natural oil niya

Nagbabaskil na rin siya hahaha

Nagpapasalamat ako ng napakarami ng dumating yung recess. Gaya ng inaasahan ay nilibre ko si Jian ng tanghalian niya. Nandito kaya sila Vinn sa Canteen? Sa pagkaka-alam ko may girlfriend siya at madalas dito ang tambay nila

"Huy Miacah Gomez! Ang init-init na nga naglalabas ka pa ng laser beams diyan sa mata mo. Tapos na ko kumain, tara na" Sabi ni Jian

Naspot ko kasi sila Lauren at Vinn sa kabilang dulo ng Canteen kasama ang barkada niya. Napaka picture perfect nila

NOT. Mas bagay kaya kami

Ano baaa! Hiningi nga niya number ko diba? malay natin may progress wahahaha. Mas lalo atang kamakapal yung layer ng mukha ko habang tumatagal. Makatayo na nga at sundan ang bestfriend kong nasa labas na ng canteen

Lumipas ang buong araw ng wala akong ginawa kundi titigan ang cellphone ko sa ilalim ng mesa. Magbabasa naman ako ng libro pag-uwi kaya okay lang yan. Kahit text lang please.. Itext mo ko Vinn T.T)

Nadedepress ako nung nakita ko sila ni Lauren, dapat 'di ko nalang pinagana radar ko para hindi ko sila nakita

"Grabe talaga yung panahon, basa na likod ng uniform ko tsk tsk. Uso sakit ngayon Mai, huwag ka magpapatuyo ng pawis." Sabi ni bespren sakin. Uwian na namin at wala akong natutunan, Meron naman pala akong natutunan kasi nalowbat yung cellphone ko kaya nakinig nalang ako sa teacher.

"Minsan......para kang nanay ko" Sagot ko. Binatukan ako ng pinakamamahal kong best friend bilang ganti, Ang galing niya mag I love you noh? Brutal haha

Pagkauwi ko sa bahay ay chinarge ko agad yung phone ko. Halata namang excited ako diba? Kasi ganito yan

○May 20 percent na itext ako ni Vinn ng 'hi' o kaya 'hello'. Natural lang na gawin yun since kinuha niya yung number namin (ni Jian).

○10 percent na tawagan niya ako, hindi kami close pero may posibility... ten percent na nga lang eh! hindi masama mangarap.

○10 percent na ma wrong dial siya or ma wrong send sa number ko, magkakaroon ako ng chance na itext ang crush ko pag nangyari yun.

○Lastly 60 percent na wala akong gagawin kundi titgan ang screen ng cellphone ko dahil wala namang tumawag o kaya ng text, kumbaga ito ang EPIC fail option ang kinabagsakan.

Masyado na bang mataas ang pangarap ko? Magpapatubo na ako ng pakpak at bibili ng fying carpet para less hassle. Napakagat labi nalang ako sa sarili ko nung eight o'clock na at wala paring nangyayati. Maioff na nga nalang tong cellphone to, bwisit na epic fail option yan. Bakit ikaw pa yung natupad??

=.=)

"Arf!" Lumapit si Bochie sakin at binigyan ako ng isang malaway na kiss sa cheeks. Buti pa tong naalala ako eh yung crush ko hindi. Nakalimutan ko ring hingiin yung number niya.. Shitzuuuuu! Kesa magkaroon ako ng wringkles sa kakaantay sa pangarap kong text or tawa niya ay mabuti pang matulog nalang ako

Matapos ang mahabang tulog ay isa nanamang araw ng klase, Hindi na masyadong mainit pero nandoon parin yung alinsangan ng panahon. Kung hindi rin naman nag uumapaw ang pagmamahal ng mudra ko saakin ay hindi niya ako ginising. Mukha daw kasing kakatulog ko lang kaya hinayaan niya lang ako

Ayan late ako, common lang naman na pagsarahan ng gate ang mga late at pagdating ng ten ng umaga ay didiretso sila sa office para magpaliwanag. Iba ata tong babaing to! Nag ala Jane ni Tarzan ako sa bakod at dumaan sa likod ng school

Hindi naman pwedeng sabihin sa principal na 'Sir nalate po ako ng gising kasi inaantay kong magtext yung crush ko sakin kagabi'

Buti nalang naunahan ko sa pinto yung teacher namin kundi office parin bagsak ko. Matapos din ng good morning greeting sa classmate kong tinatawanan ang pagkalate ko ay hinanap ko si Vinn. Sabi kasi sa librong nabasa ko everytime na makikita mo yung crush mo sa isang araw ay naeextend yung buhay mo ng about four hours.

Akalain niyo yun! FOUR HOURS!

Kaso wala siya sa upuan niya. Absent sabi ni Ynna seat mate ko lang. 'Nung tinanong ko naman kung bakit ay hindi daw niya alam kasi absent nga. Dahil kahapon ko pa sinasabi na makapal ang mukha ko ay hiningi ko ang number niya sa isa sa mga barkada niya: Sa boyfriend ni bespren

May swete rin naman ako sa araw na to kasi binigay agad sakin! whahahaha- ambait ng BF ng BFF ko. Approve na siya sakin. Ang problema ko nalang ngayon ay kung tatawagan ko siya, Recess na pero yung cellphone ko ay nakatunganga parin.

Tatawagan ko ba o hindi? May syota na yun Maicah! teka sila nga ba?

"Tatawagan ko- pano pag busy siya.... wag na nga lang" Kinakausap ko nanaman yung sarili ko. Mahirap magdesisyon! "Baka mapahiya ako.. text nalang kaya? ano sasabihin ko, Hi?"

♪ Gusto kita sa puso ko'y ikaw lang ang mahalaga pilitin mang limutin ka ay hindi ko magagawa Parang alipin mo ang isip at damdamin ko

"Gusto din kita. ahhh! ang ibig kong sabihin ay hello?" Nagring bigla yung cellphone ko sa kalagitnaan ng pag-iisip ko kung itetext ko ba si Vinn o hindi. Nasagot ko tuloy bigla, Unknown din yung number

( *Chuckle* yan na pala ang bagong paraan ng pagsasabi ng hello) Isang medyo malalim na boses ang narinig ko sa kabilang linya. Omo, ang gwapo ng boses niya!

"Hehe parang ganun na nga..Hep! Sino ka ba kuya?" Tanong ko. Hindi naman pwedeng si Vinn siya kasi iba yung number... lalo na yung boses

(Sino nga ba ako?)

"Ibaba ko to. Hindi ako nakikipag-usap sa mga strangers" Seryoso kong sabi. Ano baaa, masama rin magsinungaling. Ayaw ko pa talaga iabba kasi type ko yung boses niya. Excuse lang yan para sabihin niya pangalan niya

(Bigyan mo nalang ako ng pangalan para hindi na ako maging istranghero sayo)

"Sigurado ka? Hindi ka naman kidnapper, Dirty old man, Aswang, manloloko, nakadrugs, nasa kulungan o kaya baliw diba?" Tanong ko. Mabuti ng maging sigurado! may pangarap ata ako

(Huwag ka mag alala wala ako diyan sa choices mo)

"Sigurado ka ha, Kasi kund hindi dadalin kita sa buwan at ipapabomba sa lolo kong heneral ng mga sundalo!"

(Hahahaha -cough- excuse me, Siguradong sigurado ako) Sagot niya. Ako lang ba o naubo siya? ewan. Parang mabait naman siya, okay din to para hindi ko na muna patakbuhin sa isip ko si Vinn. He needs a break from running on my mind- charot!

"Okay, Vinnie ang pangalan mo!"

(Vinnie? bakit Vinnie? para naman akong naing Barney)

"Wala lang, yan yung unang pumasok sa isip ko eh. Tyaka nandyan yung pangalan ng taong crush ko. Hwag mo laitin ang Vinnie!" Sagot ko, Masyado akong madaldal hanggang sa puntong pati yung crush ko ay sinasabi ko na sa taong hindi ko na kilala

( -.-)

(Hmm.. Ulitin natin yung una nating pag-uusap para mas maganda) Suggestion niya. Malapit na rin matapos yung recess kaya umo-o ako. First impressions last ika- nga nila

(Hello, Ako nga pala si Vinnie. Can you be my Call pal?) He said in a sing song voice

"Ako naman si Maicah and sure, payag akong maging call pal mo. No monkey busineesss kuya ha."

Makalipas ang limang araw ay nag-uusap parin kami ni Vinnie. Nakakatuwa siyang kausap, Makulit at maraming kwento na may kwenta. Ngayon ay nasa school nanaman ako, gaya nung mga nakaraang araw ay absent parin si Vinn.

Alam ko na yung dahilan ngayon, pumunta daw siya sabahay ng lola niya. Ang source- unknown, narinig ko lang kung saan saan

Kainis ka Vinn! Wala na yung 16 hours na dapat nadagdag sa life span ko. Ganito nalang.. hindi ko na talaga muna siya iisipin kasi hindi naman siya pumapasok.

"Mai, Napapadalas ata yung pakikipag-usap mo sa cellphone mo ah. Sino ba yung kinakausap mo?" Nasa likod kami ng classroom ni Jian. Cleaning day naming ngayon kaya walang klase

"Secret~ Akin nalang to Bespren" Sabi ko sa kanya

"Ikaw ha! May pasikret sikret ka ng nalalaman. Pinalitan mo na ba si Vi- "

"Waaaah! Jian naman eh sinabi ko na nga sa isip ko na hindi ko na muna siya iisipin kasi bad na yun. Isa pa may girlfriend na siya kaya tulungan mo nalang ako at huwag mo munang siyang banggitin sa harap ko " Dirediretso kong sabi. wooh. Nawalan ako ng hininga doon ah, Tinignan ko si bespren at nakita ko ang nagtataka niyang mukha

"Wag mo na nga lang ako pansinin. Tumulong na tayo sa kanila kundi mamamatay tayo sa talas ng tingin ng mga kaklase nating kanina pa nag-aayos ng classroom" Dagdag ko. Minsan bangag tong si Jian

Dahil wala rin namang ginagawa ay umuwi na ako ng tanghali palang. Halos kumintab na yung classroom sa kakalinins namin ano pa ba gagawin doon? Wala rin naman akong balak ngumanga sa school

Pagdating ko sa bahay ay isang hindi magandang balita ang naabutan ko. Nanghihingalo na si Bochie, Buti nalang dumating na din ang mudra ko at nadala siya sa veterinary.

5:00 na pero wala parin sila sa bahay

OA na kung Oa, pero mahal ko yung asong yun eh. Kulang nalang dalin ko pa siya sa school para lang hindi siya maiwan. Naiiyak ako.. fudge. Bakit ba kasi iniwan nila ako sa bahay?!

>_<+)

♪ Gusto kita sa puso ko'y ikaw lang ang mahalaga

"Vinnie! Hear me out ohhhhhh"

(Hinay hinay lang, Mahaba yung oras natin para magkwentuhan ngayon) Sagot niya

"Okay.. kamusta?"

(Cut that out, Ang sabi ko kwentuhan hindi yung phrase na halos araw araw mong sinasabi sa mga katext mo) Mahilig din tong mangbadtrip noh? Sabi niya mahaba daw yung oras pero ayaw niyang makipagkamustahan

"Wahhhh! Vinnie si Bochie pinagamot nila! Nanghihingalo siya kanina nung pagdating ko, nakakatakot lang kasi alam ung nanlilisik yung mata niya tapos hirap na hirap siya paghinga" Hindi na kinaya ng power ko at tumulo na ang sipon ko

(Wag mo masyadong damdami-)

"Anong wag?! Halos lunurin ko na nga yung sa pagmamahal ko- Kung pwede nga lang ginawa ko na yun na boyfriend ko eh tapos sinasabi mong wag ko damdamin? Ibabalibag kita Vinnie, babaan din kita!"

(Aray! Huwag mo naman ako sigawan, masakit sa tenga alam mo ba yun? Pag nabutas yung eardrums ko hindi ko namaririnig yung boses mo. Sino ba si Bochie? Anong klasing lalaki yan?)

-___-)

"Lalaki? Ano sweet, caring, huggable at gwapo" Sagot ko. Ganyang klaseng aso si Bochie my loves

(Gusto mo siya?) Tanong ni Vinnie

"Oo naman! Mahal na mahal ko nga eh" Magdradrama ba ako kung hindi? Ano ba yang pinagtatatanong niya.. Para siyang tatay na nagtatanong tungkol sa boyfriend!

 (Mahal ka rin ba ng taong yan?) Hindi ako nagkakamali! narinig ko yung kalungkutan sa boses niyang nakakainlove

"Tao? Si Bochie ang pinakamamahal kong aso sa mundo"

(Ah.. so hindi siya tao?-sigh- Akala ko talo na ako) Akala niya Tao si Bochie? Eh pangalang na pangalan pa lang ay pang hayop na

"Oo, bakit ba ang dami mong tanong? tyaka may pabulong bulong ka pa dyan. Ano yung huli mong sinabi? Nagpustahan ba tayo?" Tanong ko

(Wala. Ano na sasabihin mo tungkol kay Bochie?)

"Dinala siya sa Vet! Ano gagawin ko? Pag nadeads siya maghahanap talaga ako ng necromancer para irevive siya" Back to drama mode over na phone nanaman ako.

Sinabi ni Vinnie na pag-uwi ng aso ay painumin ko na lagi ng tubig kasi baka nainitan lang, Binigyan niya rin ako ng iba pang tips and advice. Minsan lang napapansin ko nauubo siya o kaya nageexcuse saglit

"Uy.. May sakit ka ba?"

(Hah? Wala noh. Magkwento ka nalang. kanina pa ako salita ng salita, Sumasakit na lalamunan ko)

"Hindi mo naman sinasagot tanong ko eh! Bahala ka nga.. Wala naman akong maikwekwento sayo, nasabi ko na ata lahat ng istorya na alam ko" Sabi ko. Totoo naman kasi, the past five days ay plitan kami ng kwento hanggang sa piga na utak ko

(Favorites? Hobbies?) Suhestyon niya. Ang gwapo talag ng boses niya haha

"Mahilig ako sa color red, Gusto ko ang tulips, Hindi ako Electrokid, Mahilig ako sa sweets pero onti onti lang. "

(Electrokid? what's that?)

"Electronic kid, ibig sabihin mahilig sa gadget na halos kalahati ng araw araw ang inilalaan dito" Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. May topak talaga tong lalaking to, wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero tinatawanan niya ako. "Wag mo ko tawanan, nakakainis ka "

(Haha, sorry sorry. I just like that part of you)

"Anong part? Crush mo ko nohhh?" Makulit at curious kong tanong 

(Parang ganun na nga haha. Yung pagiging blunt mo sa isiniisip mo, nakakaliw) Naramdaman ko yung pag-init ng mga pisngi ko 

"Teka.. Sa tono mo parang matagal na tayong magkakilala ah." Pang iiba ko ng topic

(H-hah? baka may kahawig lang ako ng pagsasalita. Nga pala Maicah, baka last na tawag ko na to sayo. Uuwi na kasi ako bukas kaya baka matagalan bago kita macontact ulit) Sabi ni Vinnie. Ikwinento niya sakin dati na nasa bahay daw kasi siya ng grand parents niya at nagpapahinga

"Mamimiss kita! for sure.... Naisip ko lang Vinnie, pwede ba tayong magkita? Sabi mo kasi sakin highschooler ka din at hindi magnanakaw, holdaper o kung ano mang masama. Okay lang ba?" Tanong ko

Sa totoo lang malapit na siya sakin. Kahit na sinasabi niyang hindi pa kami nagkikita feeling ko talaga nakilala ko na siya, Isa pa taga dito din daw siya sa town namin. Edi pag nagkita kami, pwede na talaga kaming maging magkaibigan. In Flesh

(Ano.. Hindi ko sigurado eh. Baka kasi hindi mo ako makilala) Sagot niya. Hindi makilala ? Gustong gusto ko yung boses niya kaya imposible yun!

"Pwede mo namang sabihin sakin yung damit mo, kung saan tayo magkikita tyaka yung oras. Alam ko naman yung boses mo .. maliban nalang kung isa ka sa masasamang nilalang o kaya napaka pangit mo kaya ayaw mong makipagkita sakin" Pagdadahilan ko. Tutal sinabi na rin naman ni Vinnie na Blunt ako edi lulubos lubusin ko na

=_=)_

(Ahahahhahaha! Hindi ka talaga matiis nitong call pal mo. Okay talo mo na ako. Sige magkita tayo, sa chebureche Town park Matapos ang tatlong araw. 4 P.M. Doon sa sampong taong puno. Okay na ba doon?) Masaya yung tono ng boses ni Vinnie

"Naman! See you"

Dumating na sila mudra kaya natapos na rin ang pag-uusap namin ni Vinnie. Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko. Magaling na si Bochie tapos mag m-meet pa kami ni Vinnie!

Excited ako ng may halong kaba.. Hindi ko na mahihintay ang araw na yun!

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

"Maicah! Karaoke tayo mamayang uwian?" Pang-aaya sakin ni Jian. Nasa canteen kami ngayon at kumakain ng lunch. Nagdidiwang din pala ako ngayon kosi pumasok na si Vinn, ang ikanalulumay ko lang ay kasama nanaman niya si Lauren

"Sa susunod nalang, may lakad ako eh" Sagot ko, makikilala ko na si Vinnie mamaya!

"Okay, si Kail nalang aayain ko. Mauna na ako ha, dadaan pa ko sa club paramagsubmit ng papers" Tumayo na siya at nagba-bye naman ako. Kail name ng boyfriend ni Jian, Yung nagbigay sakin ng number ni Vinn. Hindi ko naman nagamit yun eh, wala ring kwenta kasi 'di ko naman tinawagan

Pagkaalis ni Jian ay lumabas na rin ako ng canteen. Hindi ko matake yung nakikita ko.. Baka magulat nalang sila may lulilipad na na plato papunta kay Lauren.

Lumipas yung buong araw ng napakabilis. Sa wakas ay uwian na. Mabilis akong nag punta sa park. Most punctual ata si Maicah Gomez! Three thirty palang ay nakapwesto na ako sa pagkikitaan namin ni Vinnie.

Iminulat ko na ng malaiki ang mga mata ko para agad ko siyang makita

Radar on!

Lalaking naka-afro ang hairdo........ Nope, Buti nalang may kasama siyang babae

May dumaan na nakabaseball hat............. Hindi siya yun, iba boses

Aso...... What the, hindi naman ako ganun kaexcited na makita siya para sabihing isa siyang aso!

Isang maliit na bata na nadapa.

Opps!

Agad ko siyang tinulugan tumayo at pinag yung damit niya, Kawawa naman siya. Buti nalang alam ko gagawin ko. Bago pa man umiyak yung bata ay sinama ko siya sa isang sorbetero, bumili ako ng ice cream at ibinigay sa kanya yung isa

"Salamat po!" Cheerful na sabi nung bata. Pi-nat ko yung ulo niya

"Walang anu man, sa susunod mag-ingat ka na ha." Sinundan ko ng tingin yung bata hanggang sa mawala na siya. Pero kung minamalas nga naman ako ay nakita ng mga radar na mata ko sila Vinn at Lauren. Magkasama nanaman, Nag-aaway ata sila....

( '/_\ )

Bumalik nalang ako sa puno kung saan ko aantayin si Vinnie. Pangit kung papanorin kong mag-away yung crush ko at yung girlfriend niya, baka sabihin nila sinusundan ko sila. Naghanap nalang ako ng ibang matitignan habang inubos yung sorbetes ko

nag earphones din ako at nakinig ng balita

'Tomorrow's weather forcast. Magiging maulan ang ilang bahagi ng maynila, siguraduhing magdala ng payong. Kung hindi naman importante ang inyong lakad ay mas mabuting ipasaibang araw nalang ito para makaiwas sa ulan at sa sakit na maaring makuha"

*Rustle* May umupo sa tabi ko. At laking gulat ko nalang ng makita kong si Vinn iyon

"Hellooo! Wala namang nakaupo dito diba?" Tanong niya. As usual masayahin parin siya, nag-aaway ba talaga sila ng GF niya kanina?

"Wala pa naman" Sagot ko.. Tounge tied ang ako ngayon. Kasi naman eh! baka lumabas na yung puso ko sa dibdib ko- Crush ko nga kasi

"Bakit ayaw mo ko tignan? Nakita mo noh? Yung pag-aaway namin ni Lauren" Indifferent niyang sabi. Tumango lang ako, masama magsinunggaling eh. Humiga siya sa damo at bumugtong hininga. "Wag kang masyadong tense! Wala lang yun"

So hindi sila nagbreak? Ang sama ko naman

=o=)

Kahit na gustong gusto kong maghiwalay kayo ay hindi naman pwede, baka kasi maging malungkot ka! Hindi ko kayang tignan ka kasi sanay akong masaya ka, wala rin naman akong karapatang icomfort ka

Buhay nga naman oh,

"Girlfriend mo ba siya?" Nanlaki yung mga mata niya nung tinanong ko yun. Nkahit ako nagulat. Itinakip ko sa mukha ko ang dalawa kong kamay sa kahihiyan. Uwaaa, mapapahiya nanaman ako nito. Kung kailan kaming dalawa lang tyaka pa dumulas sa labi mo yang tanong na yan!

Sinilip ko siya sa pagitan ng mga daliri ko. Inihanda ko na ang sarili ko sa naiinis niyang mukha pero ang nakita ko ay ang tawa ng tawang Vinn, mangiyak ngiyak na ang mata niya "Imposible yang sinasabi mo! Hahaha"

"Ehh? Lagi kaya kayong magkasama tapos ang lapit niyo pa sa isa't isa panong imposible yun?" Kumunot yung mga kilay ko . Kahit si Ynna naman siguro mag-aasume ng ganun noh

"Syota ng kapatid ko yun." Seryoso niyang sabi, nawala yung humor sa boses niya at napalitan ng lungkot  "Isa pa ayaw ko sa kanya. Masyadong magalgal tapos clingy. Ginagawa niya akong replica ng kapatid ko"

Ayaw ko sa kanya. ayaw ko sa kanya. ayaw ko sa kanya. ayaw ko sa kanya

Ano? Magpapaparty na ba ako dahil sinabi niyang ayaw niya kay oh-so-pretty-Lauren? Yes!

"Inintay mo si Vinnie?" Napalingon ako sa kanya ng hindi oras. Naputol din ang pag-iisip ko tungkol sa sinabi niya kanina

"Kilala mo siya?"

"Oo.. ako yun eh" Sabi niya sabay upo, inilagay niya yung kamay niya sa ulo niya at tumimingin sakin... waitng earnestly for an answer.

Siomai! Wag mo gawin yan, aatakihin na talaga ako sa puso

"Haha! Huwag mo ng ako lokohin. Siguro kakilala mo lang siya, hindi naman pwedeng ikaw yun kasi ibang iba yung boses mo" Natatawa kong sabi, tinapik ko pa siya sa braso

Ginogood time ako nito

"Hindi ka naniniwala?" Bahagyang sumimangot si Vinn.

(<_<) (>_>) (<_<) (>_>)

"Magaling! Hahaha. Akalo ko mauuto kita eh" Nakatawang sabi ni Vinn. Sabi na eh! niloloko niya lang ako, muntik na ako maniwala ah lalo na yung sumimangot siya, Tumayo si Vinn at pinagpag yung damo sa pantalon niya "Kilala ko si Vinnie mo, Pinasapasabi niya nga sakin na bukas nalang daw kayo magkina. Same time same place"

Nag-sprint siya papalayo at hindi man-lang nagbabye.. hala na-offend ko ata siya. Dahil wala na rin naman akong gagawin dito ay naisipan ko nalang umuwi at matulog agad. Wala akong balak ireplay ng paulit ulit sa utak ko yung nangyari ngayon

Kinabukasan

Vinnie! Nakakainis ka talaga umuulan ngayon tapos papalabasin mo ko. Hindi mo pa sinasagot yung phone mo- hindi mo rin sinabi na kaibigan mo si Vinn!

O_O

'Grabe talaga yung panahon, basa na likod ng uniform ko tsk tsk. Uso sakit ngayon Mai, huwag ka magpapatuyo ng pawis.' Sabi ni bespren sakin

Ginawa kong biro yung sinabi ni Vinn, Hindi naman kasi pwede yun diba? Iba yung boses niya. Malaking malaki yung diperensya ng kanya kay Vinnie. Isa pa, may number niya ako! Though may pagkakapareho nga sila sa ugali at pareho silang nasa bahay ng grand parents.....

I still refused to believe it

Hindi kaya....? Wah! ang boploks mo Maicaaaah!

Tumingin ako sa mono korobu kong wall clock... 3:30. Kumuha ako ng Jacket at payong. Lumabas ako ng bahay, shemay ang lakas ng ulan.. may bagyo siguro.. Ah! I don't care na. Sumugod na ako sa ulan kahit na halos liparin yung matanda kong payong

Pagdating ko sa ten year old tree ay tama ang hinala ko. Nandoon siya. Walang payong, walang Jacket. Naka simpleng t-shirt at pants na basang basa na ng ulan. Nakita niya ako at kumaway sakin

"Maicaaah! Ang aga mo ata" Si Vinnie.. Boses ni Vinnie at mukha ni Vinn. Hindi ko natiis ang inis ko at agad ko siyang binatukan imbis na payungan "Aray! para saan iyon?"

Nakakainis nakangit parin siya kahit binatukan ko siya

"Bwisit ka! Anong oras ka pa nandito? Basang basa ka na at wala ka pang payong. Wala ka abang pakialam sa health mo? tignan mo.. nag-iba tuloy boses mo. Pano nalang kung lagnatin ka at himatayin ha? Sinong tutulong sayo? Walang normal na tao ang lalabas ng bahay at mag-iistay dito kapag bumabagyo! Baliw ka ba ha?" Sabi ko, para akong nanay niya.. kasi naman eh! nag-aalala ako sa kanya

"Oo, baliw na nga siguro ako. Hindi ka kasi naniwala sakin kahapon, Gusto ko lang iparinig sayo yung boses ni Vinnie.. Sabi sayo kilala ko siya eh" Kumindat siya sabay bahing

"Oo na kilala mo na siya.. Ikaw kasi siya. Kanina ko lang napagdugtongdugtong lahat, slow ako eh. Wag na nga si Vinnie pag-usapan natin. Tara na! baka matuluyan ka pa sa kakapaulan mo... " Baka mawala pa yung taong gusto ko. Inoffer ko sa kanya yung payong ko.Malakas parin yung ulan at nababasa na ako

"No.. Hindi ko nagagawa yung dapat kong gawin eh" Nakangiting sinabi ni Vinn

"Ano ba yung dapat mong gawin?"

"Eto oh" Hinila ako ni Vinn papunta sa kanya at hinalikan ako sa lips. May ilang inch lang ang layo niya sakin kaya't agad na namula ang mga pisngi ko. Hindi pa siya tapos, Mula sa likod niya ay naglabas siya ng mga tulips at iniabot ito sakin

May maliit na wax paper na nakasabit sa isa sa mga bulaklak, saucy naka wax paper pa haha.. binuksan ko ito

128√e980

"Alam mo ba kung gaano kahirap palayuin ng mga lalaking nagkakainteres sayo? *achoo* Buti nalang tinulungan ako ni Kail haha.. Maicah, alam mo ba may meaning ang PAL sa Call pal?" He tilted his head to one side.

Kinuha ko to bilang opportunitad, I gave him a quick peck on the cheeks bilang sagot sa I love you niya. Halatang nagulat siya nung una pero hindi nagtagal ay lumabas ang isang Ngiti sa mga labi niya

"It's Person Accustomed to Love... you. .."

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...