-
Break-up.
Nakailang break up na ba ako?
Nakailang boyfriend nga ba ako?
Nakailang iyak na ba ang nabuhos ko sa mga lalaki?
MARAMI NA, SA SOBRANG DAMI HINDI KO NA MABILANG BILANG.
At Speaking Kakabreak lang namin ni Jey, One month lang. Pero sa One month na yun sobra sobra ko talaga siyang minahal, Ewan ko ba sa sarili ko, Kahit alam kong hindi siya yung forever ko Sobra ko ibigay ang pagmamahal ko, Sabi nga ng ate ko "Sobra ako kung magmahal, At pati mga simpleng bagay e minamahal ko."
Eh sa ganito talaga ako e. Nagmamahal lang ako, Ayun nga problema sakin hindi ako humihingi ng kapalit pero ang laging pamalit nito ay ang sakit na nararamdaman pag iiwan na nila ulit ako.
Alam niyo bang Mahal lang ako ng mahal kasi sa bawat pagmamahal kong yun e, kahit paano sumasaya ako panandalian ayun nga lang doble yung kalungkutan.
Nakasanayan ko na yung ganitong scene na Magmamahal ako, Magmamahal lang ng magmamahal at laging ang ending e, Iiyak, masasaktan, magmomove on, At magmamahal ulit ng paulit ulit.
Highschool pa lang ako ganito na lang lagi ang sitwasyon, Pinakamatagal na ang 3months na relasyon,
Sabi nga nila mama,
"Mahalin ko daw muna sarili ko bago ko sila mahalin, Magtira daw ako ng pagmamahal ko sa sarili ko."
Ayun na nga ang problema lagi wala sila sa sitwasyon ko Hindi.ganun kadali ang pigilan ang pusong magmahal eh! Hindi mo mapipigil na mahalin sila, Kasi mahina ako! Oo mahina ako! Mahina ako!
Habang tinatype ko ito sa aking laptop naiiyak na naman ako, Hay.nakakamiss din magtype dito sa laptop ko a.k.a MY DIARY. ang tagal tagal ko na rin na hindi nakakasulat dito.
Buti na lang at sabado, Hindi ko makikita si jey.
Wala akong balak gumawa ng kung ano ngayon, Si Jey na pupunta dito sa bahay pagsabado e wala na. Ganun talaga sinumpa ata ako e.
Nagpalit ako ng damit balak ko sanang magbike at maikot tong village na tinitirhan namin.
Lumabas ako ng bahay, maglulubog na ang araw kaya hindi masyadong mainit magbike,
Mag isa lang akong magbibike, lagi naman ganito ang ending e.
MAG-ISA, SOLO! Sanay na dapat ako e. Yes sanay!
Medyo malayo layo na rin ang nabike ko, nakakapagod.
Bakit pagnagbibike ako napapagod ako? pero pagnagmamahal eh walang kapaguran? Haysss.
Bumaba ako ng bike para magpahinga, tama
MAGPAHINGA!
BAKIT HINDI KO MAGAWANG MAGPAHINGA SA PAG IBIG? OO! NAGDADRAMA NAMAN AKO,.ARAW ARAW GANITO AKO MAGDRAMA Sa SAKIT KO!
OO! KINONSIDER KO NA SIYANG SAKIT, STAGE ANO NA NGA BA? BASTA STABLE HINDI GUMAGALING GALING, Dahil nga sa sobrasobra akong magmahal agad agad e, binigyan ko ng pangalan ito, "ELLTE Syndrome"
Meaning: Easy Love, Love Them Easy Syndrome"
Minsan Lumalala pero nawawala din. Madalas hindi nawawala lumalala pa!
Ang sakit na hindi ko alam gamot.
Tinabi ko yung bike sa gilid ng mangga at umupo rin ako sa ilalim ng mangga ng may
Nagtakip ng panyo sa ilong at agad ko itong naamoy na kinawalan ng kamalayan ko.