My Amazing Alalay (Completed)

By BeWIXyGirl_Wp

971K 22.7K 1.1K

Personal Assistant(Alalay) niya ang pinakamagandang babae na nakilala niya sa buong buhay niya.At di niya ina... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Epilogue

38.2K 830 163
By BeWIXyGirl_Wp

Six years after...

"Bernie,Bernice stay here!Stop running around!" Sigaw ni Catherine sa mga makukulit na kambal.Oo, kambal ang anak nila ni Arthur.Babae at lalaki ang mga ito.Takbo ng takbo kasi ang mga ito sa garden.Nandito sila kasi sa rancho ng pamilya ni Arthur sa Laguna.Nagbakasyon sila rito.

Limang taon at limang buwan na ang kambal.Parang kailan lang kasi.

"Sweetheart, wag masyadong i-stress ang sarili sa kambal.Hayaan mo silang mag-enjoy muna." Mula sa likuran ay niyakap siya ng kanyang mahal na asawa.

"Eh?Baka madapa mahal ko." Humarap siya sa asawa at ipinulupot ang braso sa batok ni Arthur.

"Ayan ka na naman.Napaka-over protective mo naman sweetheart sa dalawang iyan.Ayaw mo kasing kumuha ng tagapag-alaga eh.Kaya napapagod ka tuloy.Wala ka ng time sa akin." May himig tampong sabi ng asawa.

"Asos! Pinagseselosan mo ang mga anak mo?" Nakangiting tanong niya. "Alam mo namang ayoko no.Anak natin ang mga iyan eh.Kaya ikaw lang at ako ang may karapatang mag-alaga diyan.Maliban sa mga makukulit nating magulang,pinsan at mga kapatid mo,mahal ko." At lalo pa niyang idinikit ang mukha niya sa asawa.Kunting-kunti na lang magpang-abot na ang mga labi nila. "Kaya wag kang mag-alala kayang-kaya natin yan."

"Kahit pa lumabas na ang kapatid nila? Kaya mo pa rin kaya sweetheart?" At kinapa ni Arthur ang maliit na umbok ng tiyan niya.Buntis na naman kasi siya ng apat na buwan.

"Kasalanan mo. Binuntis mo ulit ako.At kapag kambal na naman ito, naku Arthur,talagang di na kita bibitawan habang umi-iri ako." Napangiti siya bigla kung paano niya sabunutan si Arthur noon sa tuwing umi-iri siya sa kambal.Dalawa ba naman ang inilabas niya ng normal.Mabuti na lang si Arthur noon ay di iniinda ang pananakit niya noong nanganganak siya.

"Ok lang sweetheart. Alam ko naman na sa kabila ng mga sakit nun ay kaligayahan naman ang kapalit kasi lalabas na naman ang bunga ng pagmamahalan natin." Akmang ilalapat na ni Arthur ang mga labi nila ng....

"Gross/Hep hep!" Sabay-sabay pa na sigaw ng mga nasa likod nila. Kaya naudlot tuloy ang balak na paghalik ni Arthur sa kanya.Napatawa na lang siya ng lihim.

"Di ba kayo nahihiya sa amin?Pakiramdam niyo kayo lang ang tao rito?" Si Jychel.

Kahit kailan talaga. Sa isip ni Catherine.

"Kaya nga." Sabat naman ng kambal na mga kapatid ni Arthur.

"Bakit nandito ka buntis? Nasaan ang pangit mong asawa?" Sita kaagad ni Arthur sa pinsan na si Jychel.

"Inutusan ko munang mambabae habang buntis pa ako." At ngumiti ito ng pilyo.

"Sira!" Si Catherine.

Nagtawanan naman ang lahat.

"Sweetheart, puntahan ko muna ang kambal ha.Baka pawis na pawis na ang mga iyon." Paalam ni Arthur sa kanya habang parehong nakatingin silang lahat sa kambal na naghahabulan pa rin.

"Best daddy ever!" Pahabol pa na tukso ni Jychel kay Arthur habang lumalakad ito papunta sa kinanaroroonan ng kambal.

"Bakit ang asawa mo Jychel,di ba ganito?Di pa nga yan lumalabas parang ayaw ng padapuan sa langaw!" Sigaw pa ni Arthur.

Kaya napapailing na lang siya. Ang swerte niya talaga sa buhay.Lalo na sa asawa.

Marami silang napagdaanan,pero nalampasan naman nila. Si Sierra, di na humabol pa kay Arthur.Baka na-realize na. Si Jacob,ay nagwagi naman na mabawi si Railey.Alam niya na rin ang kwento ng mga ito.Si Benjamin at Jychel,masaya na rin sa ngayon.Si nanay niya,daddy at tita Merly niya ay nagka-ayos na rin alang-alang sa kanya. At ang mga anak niya ay spoiled sa lahat.Kahit pa sa pamilya ni Arthur.Lalo na sa tita Merly niya na kaunting iyak lang ng kambal ay talagang ibinibigay ang gusto.Itinuring niya itong tunay na mga apo.Ang nanay niya ay sa sariling bahay na rin nila ni Arthur nakatira.Ito kasi ang katuwang niya sa buhay.

Ang tatlong magkakaibigan na sina Arthur,Benjamin at Jacob ay bumalik na rin ang pagkakaibigan.Sa katunayan nga, mga ninong pa ito ng kambal nila.

At si Arthur,di na nga nag-aartista pero may mga tao pa ring di nawawala ang pag-iidolo dito.Kaya nasanay na rin siya na kahit saan ay may mga nagpapa-picture pa rin kay Arthur na pinapaunlakan naman nito.

Tumingin siya sa gawi ng mag-aama niya.Ang cu-cute tingnan ng mga ito na naglalaro.Buhat-buhat ni Arthur si Bernice habang si Bernie naman ay humahabol sa mga ito.

Kahit pagod na pagod ang asawa niya sa trabaho ay di pa rin ito napapagod sa pag-aalaga sa kanila pagkadating ng bahay galing office nito.

Naalala niya pa kung paano ito nag-propose ng kasal sa kanya noon.

Flashback

Dinala siya ni Arthur dito sa isang resort sa Laguna na pagmamay-ari ng pamilya nito.
Nagulat pa siya kung bakit narito lahat ng pamilya niya.Ganun din ang pamilya ni Arthur.
Ano kayang mayroon? Tanong niya sa isipan niya.
Wala yatang absent sa mga ito kahit isa.Narito rin ang nanay niya.
Alas syete na ng gabi.At may dinner din na inihahanda ang mga staff ng resort.Hindi mawala sa isip niya ang katanungan kung anong meron?
Bihis na bihis pa ang lahat.Pati si Arthur.Siya lang ang hindi gaano kasi di naman siya nasabihan na magbihis ng maayos eh.Basta na lang siya dinala ni Arthur dito.Kaya naka-maong jeans at white T-shirt lang siya.
Nahiya tuloy siya sa mga ito. Kasi ba naman,pinagtitinginan siya ng mga ito at naka-ngiti pa talaga.
Gusto niyang mainis sa mga ito.
Hinila siya ni Arthur papuntang dalampasigan ngunit di naman gaanong malayo sa mga kani-kanilang pamilya.Kaya maririnig pa rin ang mga pag-uusapan nila.
"Look at the stars in the sky sweetheart oh.Ang dami nila no?At mga kumikislap pa.Parang ang sasaya din nila kagaya ko.Siguro,butong-buto din sila sa akin para sayo." Mahabang sabi ni Arthur habang tinuturo ang kalangitan.Kaya siya ay napatingala rin. Ano ba ang dapat na isagot niya kay Arthur? Speechless siya eh.
"Sana,ganun din kadami ang mga anak natin para masaya ang tahanan natin sweetheart." At kininditan siya nito ng lingunin niya.
"Wow!Seryoso mahal ko?Balak mo magka-anak ng ganun kadami?Milyones?Dinaig ko pa ang baboy niyan at ang langgam." Naiinis na sagot niya rito.Hindi niya kakayanin ang ganun kadaming anak.
Tumawa muna si Arthur bago nagsalita ulit. "Ang ibig kong sabihin sweetheart, gusto ko ng maraming anak."
Pero inirapan niya ito. Buntis siya kaya di siya madaan sa mga biro.
"Sweetheart, tumingin ka ulit sa kalangitan." Sabi ulit ni Arthur sa kanya habang hinawakan ang kamay niya.
"Ayoko!Mamaya kung ano na naman ang maiisip mo." Nakangusong asik niya rito.
"Hindi nga ka -" hindi na naipagpatuloy ni Arthur ang sasabihin dahil may pumutok na. At sigurado si Catherine na fireworks yun. Kaya napatingala siya sa kalangitan.At nanlaki ang mga mata niya sa mga nakitang kataga na galing sa fireworks.
Will you marry me Catherine Supladico Sameel?
Napaawang ang mga labi niya. Di niya tuloy namalayan na tumulo na ang luha niya.Tiningnan niya si Arthur.Nakangiti ito sa kanya at saka lumuhod sa harap niya.May kinuha itong box sa bulsa nito na ang laman ay singsing.
"Sweetheart, alam mong pinikot lang ako ng daddy mo." Pagsisimula nito na parang kinakabahan dahil napapalunok ito ng laway. Pero nakangiti naman.
Pinikot daw oh.Sa isip niya.
"Pero handa naman akong magpapikot kung ikaw lang naman ang pipikot sa akin sweetheart. Dahil mahal na mahal kita. So,will you marry me,Catherine Supladico Sameel?" Tanong nito. Pero bago pa siya sumagot ay naisuot na ni Arthur ang singsing sa daliri niya.Kaya may karapatan pa ba siyang humindi.
Narinig niya na lang na nagtawanan na ang lahat ng audience nila.
"I love you sweetheart." Si Arthur.
"I love you too Arthur." Sagot niya.At isang matamis na halik ang sinaluhan nila.

End of flashback

At mabilis nga na naihanda ang kasal nila dahil mga may pera naman ang kani-kanilang pamilya.

Labis ang kasiyahan niya ng maging ganap na siyang Mrs.Arthur Romero.

Dagdagan pa ng isinilang niya ang kambal.Wala na siyang mahihilingin na iba kundi ang pagpapatuloy ng masayang pagsasama nilang mag-asawa kasama ang mga anak nila.

"Hey sweetheart. Bakit ang lalim ng iniisip mo." Si Arthur na niyakap na naman siya at hinalikan.Bagay na nakasanayan niya na sa asawa.

"Naalala ko lang kasi ang ating mga masasayang alaala mahal ko." Sagot niya rito.

"Yung mga alaala ba yan na kung paano natin nabuo ang kambal sweetheart?" Pilyong ngumiti ang asawa.

"Hindi lang yun mahal ko.Lahat-lahat.Salamat sa pagmamahal mo Arthur.Salamat dahil dumating ka sa buhay ko.Salamat dahil binigyan mo ako ng mga cute na mga anak.At salamat dahil malapit ko na rin makita ang isa pang ka-lahi mo." Madamdaming sabi niya kay Arthur.

"Mas mahal kita sweetheart ko.Ikaw at ang mga anak natin ang buhay ko.Mahal na mahal ko kayo.I love you so much Catherine. My amazing alalay." Napangiti pa ito ng banggitin ang amazing alalay at saka sinakop ang mga labi niya.

Sino ba ang nakahula ng kanyang tadhana?Mula sa pagiging alalay ay heto na siya ngayon.Isang ganap na asawa ng isang sikat na artista. Ang artistang iniwan ang lahat para lang sa isang alalay.Iniidolo ng mga kababaihan pero sa isang alalay lang ang bagsak.Isang alalay na labis ang pagmamahal sa amo.
Salamat Arthur.Salamat ng marami!

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
A/N: Maraming-maraming salamat sa mga nagbasa,votes at comments.Ang saya ko po sa mga suporta na ibinigay niyo sa kwento kong ito. Kahit di gaano ganun kadami ang nagbabasa,pero labis pa rin ang kasiyahan ko.

Sana po kahit papaano ay di kayo nabitin.

Yung alitan po pala sa pamilya nina Arthur at Benjamin ay mababasa niyo po sa kwento ni Jychel Mae at ni Benjamin. Kaya di ko po inilagay rito.

Ang kwento nila ay may title na Forbidden Love.

Sana abangan niyo po yun dahil di ko pa muna ipo-post yun. Tapusin ko pa ang His Way of Revenge ko dahil ayokong pagsabay-sabayin ang pagsusulat.

Maraming salamat ulit sa lahat.

Love you guys!
God bless us!

Continue Reading

You'll Also Like

327K 5.6K 72
Nasubukan mo na bang NAINLOVE? For sure marami sa inyo ay nainlove na pero paano kung sa maling tao ka naINLOVE? Anong gagawin mo? Susuko ka ba o ipa...
147K 1.4K 43
Arriange Marriage !! Yan Yan ang nangyari saming dalawa halos di na namin mabilang yung mga pagsubok na dumating saming dalawa. We Can't Love Each Ot...
322K 7.5K 63
"If breaking her heart is the only consequence for my happiness.. I'm still going to take the risk."
138K 1.8K 16
Villafuerte #1 Paano ba ma-in love ang mga matatalino? Sabi nila, engot daw ang mga ito pagdating sa mga ganitong bagay. Si Aihmiel, ang babaeng gag...