Chapter 3
My Woman
They say every day is a new experience, I guess they're right. I've been living alone for years that I don't know how it feels to live with someone else. Now I'm reminded of how chaotic it is. Isang lingo nang nakatira rito sa bahay si Van at isang linggo ring sumasakit ang ulo ko dahil sa kaniya.
He helped me in household chores but I can hear him falling down on his bed, creating a loud noise in the house. Nagigising na lang ako sa gabi dahil doon. Mabuti na lang ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin. Pero tuwing uuwi ako sa bahay na wala siya, parang ramdam na ramdam ko nang mag-isa na talaga ako. Dati wala akong pakealam pero no'ng dumating siya ay nasanay na akong may kasama.
Naglakad na ako pauwi. Ginabi na naman ako dahil sa professor kong hindi ako tinigilan hanggat hindi ko naipapasa ang requirements ko sa isa naming major. Hindi niya ako pinayagan na mag-extend.
Pakiramdam ko'y nangyari na ito sa 'kin dati. Déjà vu?
Sanay na ako sa magkakalayong poste ng ilaw pero nang biglang umihip ang malamig na hangin ay bigla akong kinilabutan. Pakiramdam ko'y may mga matang nakamasid sa 'kin. Lumingon ako sa aking likod ngunit wala naman akong nakita.
Guni-guni ko lang siguro.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit mas binilisan ko pa. Muli akong lumingon nang makaramdam akong may sumusunod sa 'kin ngunit wala naman akong nakita.
"Shit," bulong ko.
Tatakbo na sana ako ngunit bumangga ako sa isang matigas na bagay. Pagtingala ko'y nakita ko ang isang pamilyar na mukha na may nakakainis na ngisi sa kaniyang labi. Itinaas ko ang aking kamao at sinuntok siya sa kaniyang dibdib. Hindi man lang siya natinag sa 'king ginawa.
When I tried to smack him again, he took my hand and pulled me closer to him. Suddenly, images flashed through my mind again.
"You're beautiful but your breast is way too small. Your butt is way too flat. You shape like a soda in can. But suitable enough to be my woman."
Muli akong tumingin sa kaniya ngunit nanigas ang buo kong katawan nang makita ang mapupula niyang mga mata at mahahaba niyang pangil.
"It wasn't a dream," I whispered. "You're that guy from that night."
Hinawakan niya ang bibig niya at tumawa. "Look at your face." He gently cradled my cheek on his palm.
Tinapik ko ang kaniyang kamay. "Huwag mo nga akong tawanan! Matapos mo akong insultuhin?!"
"Have you considered it, Kisha? Be my woman?"
Tiningnan ko siya nang masama. Hindi ako makapaniwala sa lalakeng– bampirang 'to.
"Shut up! Ipaliwanag mo nga muna sa 'kin ang nangyayari? Ano ka ba, huh?! Bampira ka ba talaga o isa lang 'tong malaking prank?" Lumingon pa ako sa paligid para maghanap ng hidden camera.
"What are you saying?" He looked amused.
"This is all just a prank, right?"
He looked at me like I've grown three heads. "Nakita mong may pangil ako and you even remember what I did to the vampire that tried to take you as his victim. Hindi ka pa rin naniniwala?"
"Ibig sabihin–"
Hindi niya ako hinayaang matapos. "I'm a vampire, Kisha."
Matagal akong tumitig sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa 'king nakikita. Dati nakikita ko lang ang mga bampira sa mga palabas. Naghahalo ang takot at pagkamangha sa aking sistema. Hindi magawang iproseso ng utak ko ang mga nangyayari. May parte sa 'kin na bumubulong na baka panaginip na naman lahat ng ito.
"Kamag-anak mo ba si Edward Cullen?" I blurted out without thinking.
He chuckled. "We're not related, stupid. He doesn't exist in real life."
I kept staring at him that I saw his eyes getting unfocused. Is he getting awkward?
"You're really something, you know?" He smiled. "Hindi ka ba natatakot sa 'kin?"
I stared right into his eyes and without a second thought, I answered, "Alam kong hindi mo naman 'yon gagawin."
Natigilan siya sinabi ko. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin. Para siyang nabato sa kinatatayuan niya. May nasabi ba akong masama?
Para maalis ang awkward na atmosphere, muli akong nagsalita, "About being your woman–"
"I'm dead serious about that."
"Akala ko ba joke lang?!"
"Nu-uh," sabi niya habang umiiling pa. "I'm really dead serious."
Ipinagkrus ko ang aking braso sa aking dibdib. "Virgin pa ako, 'no!"
He laughed again like he really finds this whole thing amusing. I feel like he's only playing with me! "I know, that's why it's very interesting." He covered his mouth using the back of his hand to muffle his laugh.
Hindi ba kapag may nangyari sa pagitan ng isang tao at isang bampira ay maaaring makabuo sila ng isang katulad ni Renesmee tapos hahabulin kami ng Volturi tapos may epic na laban na mangyayari tapos–
"That was just a movie, Kisha. Every part of it was not true. Walang Renesmee. Walang Volturi, at walang mabubuntis. Ano'ng tingin mo sa 'kin, hindi gumagamit ng proteksyon?"
Itinaklob ko ang aking mga kamay sa aking tainga. "Oh, God, please shut up!" I screamed but I could still hear him laughing at me. Talagang tuwang-tuwa pa siya sa nangyayari! "I don't want to be your woman! I'm not a thing!"
"No one said you'll be my thing." Hinawakan niya ang aking mga kamay at inalis ito sa 'king tainga. "You know what, I'm just joking."
Nang muli kong iangat ang aking tingin sa kaniya ay bumulanghit siya ng tawa na parang kanina pa niya pinipigilan. Walang tigil ko siyang hinampas dahil pinakaba niya pa ako! Ang lakas talaga ng trip ng lalakeng 'to!
"Alam mo, ikaw–"
Bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay biglang humangin nang malakas. Hinawakan ni Van ang aking kamay at itinago niya ako sa kaniyang likod. Sumilip ako mula roon at nakita ko ang limang nilalang na may mapupulang mga mata at mahahabang pangil. Nakantingin sila sa 'kin para bang isang pagkain na nakahain sa lamesa.
"Van Rei Isaac Fenier Walker," sabi ng isang bampira na nasa gitna.
Napakahaba ng pangalan ni Van. Kailangan talagang banggitin ng buo?
"Ano'ng kailangan niyo?" Bahagyang humigpit ang pagkakahawak ni Van sa 'king kamay.
"Pinatay mo lang naman si Feir para lang sa isang tao! Ikaw ba ang mamahala sa buong Vampire Clan?! Hindi ako makakapayag!" Sa aking palagay ay ang tinutukoy niya ay ang bampirang nagtakang kumagat sa 'kin noon.
"Hindi ko naman kasi papayagang masaktan ang magiging katuwang ko." Napalunok ako sa sinabi ni Van. Akala ko ba joke lang?!
"Hah! Nagpapapatawa ka ba?! Hindi mo siya puwedeng maging katuwang dahil isa siyang tao! Kasama 'yan sa ating patakaran!"
"Wala kang alam, Bliss, kaya umalis ka na bago pa kita mapatay dahil sa kapangahasan mo."
Nanginginig ang buo kong katawan sa takot. Tumingin sa akin si Bliss na para bang gusto niya talaga akong patayin. Nagulat ako nang biglang tumakbo ang dalawang kasama ni Bliss papunta sa 'min pero bago pa nila ako mahawakan ay sinakal ni Van ang dalawa sa magkabila niyang kamay. Binuhat niya ang mga ito habang hawak ang kanilang leeg. Pahigpit nang pahigpit ang hawak niya hanggang sa mamula ang mapuputla nilang balat at sumuka ng dugo. Itinapon niya ang dalawang bampira at naging abo sila nang bumagsak sila sa lupa.
Sunod na tumakbo ang dalawa pang bampira pero natalo ito ni Van na wala man lang nakukuhang galos. Para akong nanonood ng action movie. Napakalakas niya.
Si Bliss na lang ang natitira.
"Ah!" Napasigaw ko nang maramdaman kong may pumulupot na braso sa 'king leeg.
"Kisha!" Tumingin siya kay Bliss na mahigpit ang kapit sa 'kin. "Bliss, let her go."
"Papatayin ko ang taong ito, Van. Hindi mo siya puwedeng makatuwang! Siya ang magiging dahilan kung bakit tayo mauubos! Nakakalimutan mo na ba ang nakasaad sa pro–" Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya. Hindi ko alam kung bakit, naramdaman ko na lang na nabasa ang kabilang balikat ko dahil sa dugo ni Bliss. Lumuwag ang hawak niya sa akin hanggang sa mahiga siya sa lupa.
Tumingin ako sa gumawa nito kay Bliss. Dinukot niya rin ang puso nito.
Isa siyang bampira na mukhang ka-edad lang naming ni Van at may apat pa siyang kasama.
Tumabi sa 'kin si Van at sabay naming hinarap ang limang bampirang dumating. Sabay-sabay silang yumukod na parang nagbibigay-galang.
"Patawad at nahuli kami, Young Master," sabay-sabay ring sabi nila.
Tumango lang si Van bilang tugon sa kanilang sinabi. Nang umayos sila ng tayo ay nakatingin lang sila sa 'kin. Nailang namana ko sa mga titig nila kaya minabuti kong tumingin kay Van. Gusto kong itanong kung bakit Young Master ang tawag nila sa kaniya.
Wala akong maintindihan sa mga nangyari. Hindi pa rin tumatagos sa aking isipan na totoo ang mga bampira at ito na nga, nasa harapan ko silang lahat.
Sino ka ba talaga, Van Rei Isaac Walker?