The Engineer's Private Nurse

By JobelDestiny

277K 8.1K 1.2K

Engr. Harris Lozan was involved in a fatal car accident in the middle of a serene sunset. He was severely hur... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue

Chapter 60

5.1K 158 25
By JobelDestiny

LX- Angel

Raffa's POV

Mag-iisang taon na rin pala.

Napangiti ako ngunit hindi ko maiwasang hindi iyon maging mapait. Sa isang taon na lumipas ay napakaraming nangyari sa aming buhay. Normal lang naman ang mga naging araw at buwan namin, ngunit palagi na lang may kulang.

Sa isang taon na iyon ay halos ituon ko ang aking mga oras sa pagtatrabaho, ngunit hindi pa rin iniaalis sa akin na may pamilya ako. Nagiging masaya naman ang mga naging araw ko sa loob ng isang taon. Kahit may kulang, nagpapatuloy pa rin. 'Yung kulang kasi na tinutukoy ko, kahit kailan ay hindi na mapupunan.

Paunti-unti, natatanggap ko na rin. Natatanggap ko nang kahit kailan ay hindi na talaga siya babalik. Na wala na talaga. Bumangon ako kagaya ng gusto niya at para sa pamilya namin.

"Congratulations, Maia Trisha!" Sabay-sabay naming pagbati, pare-parehas din kaming maganda ang pagkakangiti. Itinaas namin ang champagne na aming pinagsasaluhan, pwera kila Emi at mama na tubig ang itinaas.

"Thank you, guys," sinserong sagot naman ni Matri matapos magkalansingan ang aming mga baso at ininom ang laman no'n.

Napatitig ako sa kaibigan ko. Kung iisipin ko 'yung mga araw na una kaming nagkakilala ay napakalayo na ng itsura niya ngayon. Mahaba na at deretso ang blonde na niyang buhok. Mas nakikita na rin ang pigura ng katawan niya. Ang kaniyang buong mukha ay halos kumislap sa ganda. Sa tuwing makakaharap ko siya ay ramdam na ang pagiging mataas niya, matatanggal niya ang pakiramdam na iyon once na magsalita dahil masyado siyang magiging malambing. Hindi na nakakapagtaka kung bakit siya ang nakuhang model ng isang sikat na business magazine. Napakaganda niya naman talaga at nakikipaghabulan na ng yaman sa mga nasa itaas.

Hindi ko alam kung pagbangon pa bang matatawag ang kaniyang ginawa nung minsan malugmok sa lungkot dahil sa pagkawala ni kuya. Sa nakikita ko kasi ngayon, mas naging matagumpay siya kaysa noon. Kung dati ay sunod-sunuran siya sa daddy niya, ngayon ay nagawa na niyang ipaglaban ang lahat ng mga bagay na gusto niya. Lahat ng kumpanya nila ay sakaniya na ngayon nakapangalan. Masaya ako para sa kaniya, sobra-sobra ang saya'ng nararamdaman ko dahil hindi lang niya binangon ang sarili, mas ipinakita niya kung ano talaga siya.

"Nakakaproud ang lahat ng nagagawa mo, Trisha. Baka dumating pa sa punto na mahiya ako sa 'yo niyan dahil masyado ka nang mataas," pagbibiro ni mama ngunit ramdam na ramdam kung gaano siya ka-proud kay Matri.

"Tita naman? Kahit gaano na ako kataas, isasama ko kayo roon," paglalambing naman ni Matri.

"Gusto ko na pong makita ang magazine na 'yon, Tita Matri. Kailan po ba ire-release? Mag-iipon po ako at ako po ang mismong bibili, promise!" Masayang sabi ni Emi.

"Hindi ko pa alam kung kailan. Pero nakapag-shoot naman na 'ko. Baka next 2 months? Salamat naman at bibili ka, atleast confident ako na hindi 'yon maiimbak," birong sagot ni Matri.

"Ang galing, Trisha, ah? Dati ay halos sakupin ng salamin mo ang kalahati ng mukha mo, tapos ngayon, model na ng business magazine? Putcha, pa-authograph!" Natawa ako sa mga pinagsasabi ni Harris. Deretsahan ang baliw, e.

"Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainis sa sinasabi mo," simangot na sabi ni Matri sa kaniya.

"Dapat ka talagang matuwa dahil may matatanggap kang regalo. Hintay ka pa ng konting araw, makukuha mo rin 'yon," makahulugang sagot naman ni Harris.

Napaisip ako habang tinitigan siya. Bahagya akong nagulat nang bigla niya akong tinignan at kinindatan. Nung una akala ko ay paraan lang 'yon ng pagpapa-cute niya pero hindi, may ibig sabihin 'yon na himalang nakuha ko.

Gaya ng inaasahan ay nagtaka si Matri. "Regalo? What for?"

"For being better person," sagot naman nung isa.

Dahil magkatabi kami ay nagawa kong paluin ang balikat niya para sawayin. "Mali, for being herself again 'yon," pagtatama ko.

"Alam mo rin ang tungkol sa pinagsasabi niya, Raffa?" Gulat na tanong ni Matri.

"Hmm, and you should ready yourself," sabi ko at saka malapad siyang ningitian.

"Nakakatakot naman 'yang ngiti mo, parang ipapakain mo 'ko sa kung ano, tapos sisigaw ka ng surprise!"

Natawa ako sa sinabi niya. Talagang bumalik na siya dati.

Nasundan ng paningin ko ang paglingon ni Matri sa isang gawi. Doon siya mismo nakatitig sa upuan kung saan umuupo dati si kuya. Kada kumakain kami ay nilalagyan namin ng pinggan at mga utensils ang pwesto niya para kahit papaano, mapunan ang pagkukulang sa hapagkainan.

"How about you? Are you proud of me, babe?" Iba ang ngiti niya ngayon, mas maamo.

I know he is the proudest among us. I know that he's staring at you from above with a smile he only wears when you did something makes him proud but you always did. Alam kong masaya siya sa ginawa mong pagbabago. Sana ay magpatuloy at mas lumago ka pa. Palagi mo akong kasama sa bawat panahon na lilipas.

"Baby,"

"Oh?" Sagot ko kay Harris habang tinetext ang co-nurse ko.

"Si Emi ka ba? Anong oh?"

Napalingon ako sa kanilang dalawa dahil sa sinabi niya. Nasa kwarto kaming tatlo ngayon at nagpaplano na sanang matulog pero mukhang may study session sila.

Medyo pahiya ako ro'n, ha?

Nasa may study area sila ng kwarto rito sa bahay namin. Mukhang tinuturuan niya si Emi sa homework nito. Grade 6 na si Emi ngayon at marami na ring buwan ang naipasok. Napakabilis ng panahon. Parang kailan lang, kitang-kita ko sa mga mata niya na gusto niyang magreklamo at umiyak dahil sa iiwan ko na siya sa classroom ng mga kinder. Tapos ngayon, nasa huling taon na siya ng elementary.

"Ano ba naman kasi 'yan! Bakit naman ipinapakilala na sa inyo si x, e, pang-first year highschool 'to," reklamo ni Harris habang nagsusulat sa papel.

"Ano ba naman din kasi po 'yan, papa. Reklamo ka po ng reklamo pero wala pang sampong segundo, nasagutan mo na po 'yung homework ko. Turuan mo po ako, papa. Ayaw ko nang ikaw nagsasagot," nakangusong sabi ni Emi, halos kagatin na niya ang ballpen na hawak.

"Paano ko tuturuan ang estudyante na wala pa man akong itinuturo, mahirap agad?" Bawi naman ni Harris.

Nakangiti kong pinanood ang pagtatalo nilang dalawa dahil sa math, hindi ko na nga nareplyan ang text ng co-nurse ko.

Mahaba na ang pagkakanguso ni Emi. "Eh kasi naman po, masyado pong mahirap,"

"Gan'to kasi 'yan..."

Pinanood ko rin kung paanong tinuruan ni Harris si Emi. Lumalawak ang pagngiti ko habang tumatagal ang oras na pinapanood ko sila. Para kasing ako noon si Emi na tinuturuan niya, at katulad noon, mahaba pa rin ang pasensya niya sa pagtuturo basta math.

"Matanong ko lang, Emiliana. Anong gusto mo paglaki?" Nakangiting tanong niya pa nang matapos turuan si Emi.

"Nasabi ko na po sainyo 'yon, 'di ba po? Gusto ko pong maging doctor, papa," proud na sabi ni Emi.

"Maraming klase ng doctor. Ano doon?"

Ngumiti si Emi na para bang may inalaala. "I want to be hematologist po, papa,"

Alam kong parehas kaming napahinto ni Harris dahil sa sinagot ni Emi.

"Hematologist, bakit?" Ako na mismo ang nagtanong.

"Sabi po kasi ni Callix sa akin na gusto niya pong maging pyschologist para matulungan ang mga tao na masyadong nalulungkot dahil nakita niya po ang mama niya na sobrang lungkot dati pero wala siyang nagawa kundi ang samahan siya," paliwanag niya. Hindi naman ako nagsalita, hinahayaan siya na magpatuloy.

"Matagal ko na pong gustong mag-doctor pero hindi ko po alam kung anong klase. Nalaman ko lang po na gusto kong maging hematologist nung nakikita ko si Tito Aven na naghihirap po sa sakit niya. Katulad po ni Callix, wala po akong nagawa para sa kaniya kundi ang samahan siya. Kaya po sa susunod na may makita po akong nasasaktan katulad niya noon at ganap na po akong doctor, makakatulong na po ako para mawala ang sakit na nararamdaman nila,"

Wala pa man ay sobra na ang paghangang nararamdaman ko. Nakikita ko na si Emi sa pangarap na gusto niya. Napakaganda ng dahilan niya, hindi na siya pumalya na pahangain ako sa talinong taglay niya.

"Okay lang kahit hindi ka maging engineer katulad ko. Suportado kita kahit saan pa 'yan pwera huwag lang sa masama. Babawi na lang ako kay Empyrean," biglang banat ni Harris. Nawala ang pagkakangiti ko.

Ngunit nang marealize ang sinabi niya ay nanlalaki ang aking mga mata na nilingon siya na ngayon ay tatawa-tawa.

"Hoy! Paano mo nalaman ang pangalan na 'yan?" Matapang na tanong ko ngunit sa totoo lang ay nahihiya ako.

"Almost name daw ni Emi 'yon kung naging lalaki siya, 'di ba? Harrus Empyrean,"

Mas nakaramdam ako ng hiya at hindi ko na maitatago. Ang galing talaga ng lalaking 'to pagdating sa mga kalokohan! Kanino naman niya nalaman 'yon? Kay Matri?

"Bakit hindi natin ipangalan sa susunod? Sigurado na akong lalaki 'yon," nakangising sabi niya. Mas nanlaki ang aking mga mata.

Paano niya nagagawang sabihin ang mga 'yan nang alam namang nasa tabi lang si Emi at nakikinig!

"Magtigil ka nga," madiing bulong ko na mas ikinatawa niya.

Tagumpay ang loko sa pang-aasar sa akin, e.

Mas gumaling talaga siyang mang-asar ngayon. Ewan ko ba kung bakit siya palaging narito, e, may bahay naman sila dito sa Pampanga. Lagi niyang katwiran na mas madalas nang kasama ni Lola Tess sila Tito Harold at Tita Maria at masaya na raw si lola dahil hindi na gaya noon na kailangan pa niyang ipakiusap ang presensya ng pamilya niya. Saka si Harren din naman daw ay palagi nang wala sa bahay, tie lang daw. Pero kahit sana bigyan man lang niya ako ng restday sa mga pang-aasar niya.

Dumating ang araw ng unang taon ng pagkawala ni kuya. Pagkatapos naming alalahanin ang mga nangyari sa parehas na araw at nang pauwi na kami galing sementeryo ay bigla na lang sinama ni Harris si Matri sa kotse   niya kahit na nung papunta rito ay may sariling kotse nang dala si Matri.

"Bakit niyo ko kinidnap, ha? May balak kayo sa akin, 'no?" Naniningkit ang mga matang sabi niya pa habang tinitignan kami ni Harris. Umiling ako sa kaniya dahil wala naman talaga akong alam na pinaniwalaan naman niya kaya nanatili ang tingin niya kay Harris.

"Wala ah! Takot ko lang kay Aven. Saka excuse me, mahal ko si Angel." Napangiti ako dahil sa sinabi niya kay Matri.

Pero nagulat ako nang may mahinang tumulak sa akin. "Kilig ka naman, girl. Baka mamaya, ihagis niya ako sa bangin!" Sabi ni Matri sa akin, magkatabi kami rito sa backseat.

Pinagtawanan ko siya. "Baliw. Manahimik ka na lang d'yan at maghintay, okay?"

"Ibibigay ko na sa 'yo ang regalo mo. Kaya sit and relax, okay?" Dugtong pa ni Harris.

Nakuha namin ang interes ni Matri dahil habang bumabyahe kami ay tingin siya nang tingin sa labas. Pumasok ang kotse sa isang exclusive na subdivision na ikina-react agad ni Matri. Hanggang sa paghinto ng kotse sa harap ng isang napakagandang bahay ay dada siya nang dada.

"Bakit tayo nandito? Hoy! Balak niyong magdoorbell tapos tatakbo palayo 'no? Ayaw ko niyang trip niyo!" Reklamo niya at bubulong-bulong.

Napahinto lang siya nung nasa harap na kami ng mismong gate at pormal siyang harapin ni Harris.

"Good afternoon, Ms. Davis. I know that you already know me but let me introduce myself. I am Harris Emmanuel Lozan, the Engineer in-charge to this project," inalok niya pa ang kamay kay Matri.

Nalilito ngunit parang lutang niyang tinanggap ang pakikipagkamay ni Harris. "Nakakain ka naman kanina, pero bakit parang lutang ka. Baliw ka ba?"

Ngumiti naman 'yung isa sa kaniya. "This house and lot was literally owned by the late Architect Aven Vasquez but he signed the contract that this house will be named after you," sabi niya pa. Napangiti ako dahil talagang ginawa na niyang architect si kuya kahit hindi pa siya tapos sa kursong iyon.

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Matri. "Seryoso ka talaga d'yan? Baka gino-good time mo 'ko?" Tanong ni Matri, hindi makapaniwala.

Nang makitang tumango si Harris ay ako naman ang nilingon niya. "Trust me, Rafflesia. Mababatukan ko 'tong jowa mo kapag nangloloko 'to,"

"Sa 'yo talaga ang bahay na 'yan, trust me, too," nakangiting sabi ko sa kaniya.

Namamangha niya pang tiningala ang bahay. "But this is my dream house, Engineer," bulong niya na halos siya lang ang makarinig.

"The architect in-charge knows your dream house, Ms. Davis," pormal pa rin ang pagsasalita ni Harris. Napanguso ako, required ba talaga 'yon?

Nilingon siya ni Matri. "Can I enter this house?" Emosyonal na niya iyong sinabi. Mabilis na nagbago ang emosyon niya dahil narinig ang pangalan ni kuya.

"Not yet. Cut the ribbon first and after that, you can enter." Pagtanggi ni Harris at ipinakita ang gunting kay Matri.

Naglakad kami papasok sa gate at huminto sa mismong malaking pintuan ng bahay. Dalawang palapag ang bahay, sakto lang ang laki ngunit kakasya ang dalawang pamilya.

Sumalubong sa amin ang pulang ribbon kaya napahinto kaming tatlo. Ibinigay ni Harris ang gunting kay Matri para gupitin ang ribbon na nakaharang sa pinto.

Nakita ko ang paghahanda ni Matri sa gagawing paggupit dito. Alam kong nagulat siya, pati rin naman ako dahil hindi ko inasahan na ngayon ipapaalam ni Harris ang tungkol dito. Nang akma na niyang guguntingin ang ribbon ay umalma na naman si Harris.

"Wait, let me catch up,"

Naglabas siya ng polaroid camera at itinapat iyon kay Matri, kinuhanan niya ng picture ang kaibigan ko. Nagsisimula na talaga akong magtaka sa ginagawa niya. Parang bawat galaw ni Matri ay dapat kontrolado niya. Ano naman kaya ang gusto niyang mangyari?

"All done. You can enter now," anunsyo niya pagkatapos lumabas ng picture sa polaroid camera.

Nangunang pumasok si Matri na sinundan namin. Medyo binilisan ko ang paglalakad papasok para masabayan si Harris na parang hinahabol naman si Matri.

"Ang weird mo ngayon, Engineer," bulong ko sa kaniya.

Nakangiti niya akong hinarap. "Pogi pa rin naman, 'di ba, Nurse?" Sabi niya habang naglalakad.

"May plano ka, 'no?" Hindi na maiwasang magtaas ng kilay ko dahil sa pagsususpentya.

"Oo, pero hindi ko 'to plano."

"Kanino naman?"

"Kay Aven. Expected na kasi niyang hindi na niya maabutan na mabuo nang tuluyan 'tong bahay kaya sinabi niya sa akin na ibigay ko raw mismo sa magiging 1st death anniversary niya. Masyadong tinamaan ang kuya mo sa bestfriend mo,"

Namamangha kong inilibot ang aking paningin sa buong bahay. Para akong nasa ilalim ng dagat dahil ang mga kulay ng tubig sa karagatan ang theme ng bahay. May second floor ito at simple lang ang hagdanan. Natatanawan ko rin ang kusina, living room, ilang mga pinto na sa tingin ko ay mga kwarto. Nakakahanga ang paraan ng pagkakagawa. Hindi sapat ang mga salita para masabi kung gaano ito kaganda. Naluluha kong muling binalikan ng tingin si Harris na para bang pinapanood ang aking mga reaksyon.

"Ang ganda...sobrang ganda. Talaga bang ikaw ang dahilan kung bakit 'to nabuo?"

Napanguso siya. "Ako ang gumawa, si Aven ang nagdisenyo. Wala ka bang bilib sa kakayahan namin ng kuya mo?"

"Hindi lang talaga ako... makapaniwala," namamanghang sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad para libutin ang buong bahay.

Hawak niya ang isang kamay ko habang ipinapaalam sa akin ang mga ginawa niya sa bahay na ito. Bawat detalye ay pinapaliwanag niya, ni hindi siya pumalya na hindi ako humanga sa angkin niyang galing bilang inhinyero. In-explain din niya na hindi madaling i-disenyo ang bahay na ito, maraming imposibleng disenyo ang gustong mangyari ni kuya at medyo nahirapan siya sa pagpaplano dahil wala pa sa kalahati ang pagkakabuo ng bahay nang mawala si kuya na tumutulong sa kaniya kung sakaling may kailangang baguhin. Pero sabi niya, nakaya niyang tapusin ito dahil hindi niya naramdaman na nawala si kuya para gabayan siya sa pagbuo nito.

"He was desperate to find a way on how his love ones can live without him. Simula nang ma-diagnose siya na may Pv, he work more harder para makaipon upang matupad ang mga pangarap niya para sa inyo," napapangiting pagbabago niya ng kwento.

Napalitan ang kaninang paghanga na nararamdaman ko. Bumalik 'yung sakit at panghihinayang. Basta kapag tungkol kay kuya ang pag-uusapan, mabilis akong manghina.

"Hindi sapat ang pagtatrabaho niya para makaipon ng pera. Sabi niya sa akin na ilang ulit niyang ginustong sumuko pero hindi magawa,"

Okay lang naman sumuko ka, kuya. Pwede kang humingi ng tulong. Sana tinulungan kita noon.

"And then finally, someone offered him to join an investment. Sumugal siya roon kahit walang kasiguraduhan para sa inyo. To his lucky, lumago ang pera na in-invest niya. Reason why he's able to make this hous--" naputol ang pagsasalita niya nang may namayaning boses.

"There's something wrong about this house, Harris."

Sabay kaming napalingon sa gawi kung nasaan si Matri. Humahangos siya at halos umiyak sa harap namin.

"Anong mali?" Nagtatakang tanong ni Harris.

"This house wasn't only my dream, it's me and Aven's," malayo ang sagot ni Matri mula sa tanong ni Harris kaya mas naantig ang pagtataka ko.

Pinanood ko siya na pasadahan ng tingin ang buong bahay. "Sabay kaming nagplano nito. It was exactly the house that we dream of. The ocean themed house suggested by him. Our room filled with many peppa pig merchandise, napapayag ko siya na ganoon ang maging plano kahit ayaw niya. But.." pinutol niya ang salita.

"Anong problema?" singit ko, nag-aalala dahil nagsisimula na siyang umiyak.

"This house should be filled with our hundreds--or even thousands of pictures. Doon lang kami nagkapareho ng ideya para sa dream house namin."

"My reason why I want that idea back then because I want our children to see how we met, how we try to forget each other but never got succeed and how we landed to happily ever after. Ang rason naman niya ay para kung sakaling magsawa kami sa isa't-isa, o magkaroon ng malalang alitan, hindi makakabitaw ang isa sa relasyon namin kapag nakita ang mga pictures na 'yon," sabi niya, ramdam na ramdam ang sakit sa bawat salita.

"Pero bakit wala akong nakita kahit isang picture namin? Kahit isa...wala,"  umiiyak na sabi niya.

"Tara, sumunod ka sa akin," utos ni Harris.

Hinawakan ko agad ang kamay ni Matri habang naglalakad kami. Hindi siya nagsasalita ngunit ramdam ko ang pamamawis ng mga kamay niya. Umakyat kami sa hagdan at huminto sa isang pinto. Si Harris ang nagbukas no'n para sa amin.

Bumungad sa akin ang pink na pink na kwarto at puro peppa pig na stuff toys, kumot, sofa, at marami pang iba. Ito ang kwarto nila ni kuya kung sakaling sila ay nagsama.

Pero nagulat kami ni Matri nang dumeresto si Harris sa pader na katabi ng pinto. Napakunot ang aking noo nang ini-slide ng dalawang daliri niya ang isang bahagi ng pader. Nanlaki ang aking mga mata nang may isang maliit na kahoy na nagslide para makita namin ang isang accesorry na may mga numbers.

"Anniversary niyo ni Aven ang password, ikaw na ang pumindot," nakangiting utos ni Harris. May pag-aalinlangan itong sinunod ni Matri.

May secret room dito sa kwarto?

"Password accepted." May boses din akong narinig na sigurado akong mula roon.

Biglang ini-slide muli ni Harris ang pader, humahanga ako ng makitang pinto pala iyon mula sa secret room. Unang bumungad sa amin ang isang hagdan. Hindi halata na posible palang may secret room dito dahil mukhang pader ang pinto! Nakakahanga!

"Bumaba na kayo," aya pa ni Harris.

Inalalayan niya kami sa pagbaba. Kumakalabog din sa kaba ang aking puso dahil sa pananabik kung anong mayroon dito sa kwarto na ito. Inilibot ko ang aking paningin sa bawat hakbanh ko. Maliit lang siyang kwarto ngunit sapat para sa pandalawang tao.

Nang makapasok ako mismo sa kwarto ay ang mga pictures ni Matri at kuya ang sumalubong sa akin, ito ang disenyo ng buong kwarto. Sa tingin ko ay bawat gamit sa kwartong ito ay may paliwanag kung bakit iyon narito. Bawat bagay ay mahalaga at konektado sa relasyon ni Matri at kuya.

Masyado kang naging perpekto, kuya.. paanong maghahanap si Matri ng iba? Mahal na mahal ka ng kaibigan ko.

"Sinabi niya na gusto niyang dito ka tumira at ng magiging pamilya mo. Ayaw niyang maglagay ng mga pictures niyo bilang respeto sa magiging pamilya mo. Sinuggest ko ang secret room na ito at sinigurado ko na hindi makakaapekto sa dream house mo. Dito nakalagay ang lahat ng gusto mong makita na konektado sa inyo," sabi ni Harris.

Nakita ko kung paanong napaupo si Matri sa sofa na kaharap ng isang dingding, punong-puno iyon ng sticker notes at pictures nila ni kuya. Umiiyak niyang tinitigan ito.

Binigyan namin siya ni Harris ng oras para maging mag-isa. Ngunit dala ko pa rin ang pag-aalala. Sana ay maging maayos din siya.

Masakit ang mga pinagdaanan ni Matri. Simula pa lang nung nakipag-break siya kay kuya dahil sa ginawa niyang pananakit sa akin na sarili niyang kapatid at mismo sa kaniya na girlfriend. Naging mahirap para sa kaniya ang lahat dahil regular ang pagdalaw niya sa akin noon sa Iloilo at palagi silang nagkikita ni kuya. Kahit itago niya sa akin, alam kong nasasaktan sa nangyari sa kanila at umaasa pa rin siya na magkabalikan sila ni kuya pero imposible na dahil naiipit siya sa hindi namin pagkakaunawaan, sa akin siya kumampi. Isang dekada rin ang dumaan para magkaayos silang dalawa, pero mukhang pinaglalaruan talaga sila ng tadhana dahil nagkaroon naman ng malalang sakit si kuya na naging dahilan para maging mag-isa siya muli.

Pero si Matri iyon. Pinatatag siya ng mga pagsubok na pinagdaanan niya kaya nagawa niya agad bumangon. Ganoon pa rin, nagpatuloy siya sa pagtatrabaho. Si Matri ang isa sa pinakamatatag na babaeng kilala ko na kahit anong pagkakadapa ay nagagawa pa ring bumangon. Doon na nga siya bahay nila ni kuya umuuwi, sinama niya si mama. Sa totoo lang kasi ay may kwartong nakalaan para sa amin, doon na rin namin siya dinadalaw.

"ANO 'to?" rinig kong bulong ni Matri.

Napanguso ako. Madalang na kaming magkita ni Matri dahil palagi siyang nasa ibang bansa nung mga nakakaraang buwan at ngayon lang nakipag-date sa akin. Tuwang-tuwa ako nung malaman ko na inaya niya ako para magkaroon ng girls date, tapos dito lang pala sa dati naming bahay siya mag-aaya. Sinama niya pa si mama, at 'yung mag-ama. Ayos lang siguro dahil mas masarap gumawa ng pagkain si mama kaysa sa mga restaurant sa labas.

At ang rason niya kung bakit dito niya gustong magdate kami ay para magligpit ng mga gamit ni kuya sa kwarto niya. Naiintindihan ko naman na mahal na mahal niya si kuya at miss na miss, pero bakit naman ngayon niya pa naisipan ito? Ilang buwan din kaming walang bonding, e, tapos ganito. Siguro dahil ito lang ang libreng oras niya.

Dahil sa kuryosidad sa ibinulong niya, yumuko rin ako sa ilalim ng kama ni kuya para makita ang sinisilip niya mula rito. Napakunot ang aking noo nang makita ang limang box ng sapatos ngunit nakabalot ito ng gift wrapper.

Pinagtulungan namin iyon ni Matri na ilabas. Ang mga kahon na iyon ang literal na puro alikabok.

"Hoy," tawag ko kay Harris na nakaupo sa kama.

"Why po, baby?"

Nangasim ang mukha ko. "Punasan mo nga 'to. Hindi 'yong nakatambay ka lang d'yan," sabi ko at hinarap sa kaniya ang isang box.

Kumuha muna siya ng basahan sa isang tabi bago tumabi sa akin. Medyo padabog ko pang binigay ang box na ngiting-ngiti niyang pinunasan.

Ganoon din ang ginawa ko pero hindi katulad niya na parang nalipasan ng gutom. Pinunasan ko ang unang box na nahawakan ko, medyo mas malaki ito kaysa sa apat na box. Nang maalis ko na ang mga alikabok dito ay naging madali para sa akin na makita ang natatakpan nang disenyo ng gift wrapper.

For the best Engineer that I ever know, Harris Emmanuel.

Hinarap ko kay Harris 'yung kahon. "Oh, para sa 'yo pala 'to," sabi ko pa sa kaniya pero nasa kahon na kaniyang nililinis ang atensyon niya.

"Wait, regalo ba 'to ni Aven?" Sabi niya pa na sarili ang kausap.

Dahil sa sinabi niya ay sinilip ko rin ang box na hawak niya.

For my first niece, Heaven Emiliana.

Nanlaki ang aking mga mata at binalikan ang paningin sa box na isa rin sa dalawang napunasan ko. Parang hinaplos ang aking puso sa nakitang pangalan.

For my love, Maia Trisha Davis- (Vasquez)

Dumako naman ang aking paningin kay Matri na siyang nagpupunas ng dalawa pang natitirang box. Nilapitan ko na siya sa pwesto niya para tignan ang box. Nakakaramdam ako ng excitement ngunit itinatanggi ng aking sarili na umaasa akong meron din para sa akin. Ayaw kong umasa.

"May nakasulat din ba sa box mo, Matri?" Tanong ko pa rito ngunit mukhang lumilipad na naman ang utak niya kaya sinilip ko na ang dalawang box na nakalagay sa magkabilang hita niya.

For the bestest mom on the universe, Sianna.

Ramdam ko ang pamamasa ng mga mata ko nang mabasa iyon. Mukhang lahat ang karamihan sa amin ay may regalo galing kay kuya. Pero bakit ngayon lang namin nakita 'to?

Tuluyan nang tumulo ang mga luha na kinikimkim ng aking mata nang makita ang huling box.

For the best Nurse and sister of my own, Angel Rafflesia.

Napatingin ako sa mga kasama ko. Nagkatitigan kaming tatlo, isa-isa ko silang tinitignan. Walang nagsasalita sa amin ngunit para kaming nag-uusap gamit ang aming mga mata ngunit hindi ko naman maintindihan.

"I guess the box needs to be in the owner's hand," sabi ni Matri matapos matauhan at ibinigay sa akin ang isang box kung saan nakasulat ang pangalan ko.

Inabot ko naman ang kay Harris. "Bakit kaya mas malaki 'yung sayo? Ako ang kapatid dito," kunwaring nagtatampong sabi ko.

Nakangiti niya iyong tinanggap. "Mas mahal nga raw kasi ako ni kuya,"

"Kung nandito si kuya, malamang nandiri na naman 'yon sa tinawag mo," natatawang sabi ko ngunit tumulo na naman ang mga luha galing sa mata ko.

Nakita kong kinuha niya ang panyo sa bulsa ng jogging pants niya at pinunas 'yon sa mukha ko na para bang salamin ako. "Anak ng. Binigyan na ng regalo, iyak pa rin? Sanggol ka talaga, 'no?"

"Tigilan mo nga ako, Emman,"

Pagkatapos niyang gawin ang kalokohang pagpupunas sa mukha ko ay inagaw niya sa akin ang box na para kay Emi.

"H-Hoy, hindi sa 'yo 'yan!" Suway ko rito pero dinilaan lang ako ng loko.

"Ibibigay ko na 'to sa may-ari, ha? Tapos titignan ko na rin 'yung akin," kumindat pa siya sa akin.

Nakita ko ang paglipat niya ng tingin sa side table ni kuya. Doon mismo sa picture frame niya nung graduation ng highschool.

"Thank you rito, kuya!" sabi niya pa at saka umalis.

Kakaiba talaga.

Nilapitan ko si Matri na ngayon ay tinititigan ang box na regalo niya kuya para sa kaniya. Naka-indian sit siya at sa likuran niya ako pumwesto. Niyakap ko ang bewang niya.

"Ibibigay ko lang din ang para kay mama, iiwan na muna kita rito, Matri. Take your time to open his gift, okay?" Sabi ko. Mahina siyang tumango ng dalawang beses.

Nilagay ko pa ang baba ko sa balikat niya. "Please be okay. I love you,"

"Korni mo, Raffa," pambabara niya sa panlalambing ko.

Nalukot na naman ang aking mukha at inalis ang pagkakayakap ko sa kaniya. "Sige, ganyanin mo ulit ako. Kapag ikaw, nalasing na naman mamayang gabi, hindi kita aalagaan!" Pananakot ko.

Matunog lang naman siyang ngumisi. Napapailing akong tumayo. "Sige na, sisilipin ko lang ang regalo ng the best architect that I ever had,"

Saglit ko pa siyang tinitigan bago ko isara ang pinto ng kwarto ni kuya. Alam kong hindi na katulad nung mga nakakaraang taon ang magiging reaksyon ni Matri sa tuwing maalala si kuya. Kung dati ay magpapakalango siya sa alak at magpapakalugmok sa lungkot, ngayon ay alam ko nang pinatatag na siya ng mga napagdaanang sakit.

Naglakad na ako papunta ng kwarto ko at nakitang walang tao roon. Pa-indian sit akong umupo sa aking kama. Nagpakawala muna ako ng malalim na paghinga bago buksan ang regalo.

Nang tuluyan ko nang mabuksan ang regalo ay unang bumungad sa akin ang isang picture frame na may lamang picture. Sa tingin ko ay sa hospital room niya ito nung ma-confine siya, hindi ko alam kung kailan dahil marami siyang times na na-confine.

Magkatabi kami sa iisang hospital bed ngunit tulog ako, suot-suot ko pa ang uniform ko. Habang siya ay naka-peace sign at suot ang magandang ngiti. May swero pa ang kamay na ginamit niya para makapag-peace sign. Doon pa lang ay umiyak na ako. Miss na miss ko na ang kuya ko.

Hindi na tumigil ang mga luha ko sa pagtulo habang kinakalikot ko ang kahon. May nakita akong sulat na nakaipit sa likod ng picture frame. May sulat na ginawa si kuya para sa akin. Agad ko 'yong binuksan para mabasa.

Raffa,

             Can you please stop crying? Alam kong kahit wala ka pang nababasa ay umiiyak ka na dahil sa katotohanan na binigyan kita ng ganito. I've already told you I don't wanna see you crying. So please wipe your tears and read this letter carefully. I'm watching you from above, so do what I want with honesty.

Natatawa kong pinunasan ang mga luha sa mata ko. Ilang beses pa akong huminga ng malalim para mahinto na nang tuluyan ang pag-iyak ko. Alam kong hindi magugustuhan ni kuya kung sakaling susuway ako.

              Did you know that I am writing this letter in my room while watching you and Harris having a little quarel dahil napikon siya sa pang-aasar mo? You don't know how much happy I am to see you again with that smile and to hear you laughing like there's no tomorrow. Honestly, I am scared to die. Not because of pain that I will going to experience before I rest in peace but because how my death will affect you. I still remember the days when you're full of regrets when you left Harris alone. No one can describe how much it hurts for you. The pain still remains for many years in your heart. The pain can be seen through your eyes and never left it alone. When you and Harris make up, I saw how the pain left your soul. My eyes are the witness how you smiled again with sincerity that you are really happy.

                 I am scared that my death might bring you down again, so I kept in just myself that my days are limited. Yes, I got mad and dissapointed to the effect of things you have done. Nahinto ang pag-abot mo sa pangarap mo. Ikaw na lang ang pinanghahawakan ko nung mga panahon na nawawala na sa atin ang lahat, pero nabigo rin ako sa 'yo. Sinasabi ko sa sarili ko na galit pa rin ako dahil nagiba ang pangarap na binuo namin para sa 'yo pero hindi ko namamalayan na habang lumilipas ang taon ay niloloko ko na pala ang sarili ko. When I realized that I was no longer mad at you, I decided to bring back our relationship. But just a second, I was on a dark that I can't escape. I was wondering why I am in that place, it makes me scared. My patience did not leave me to join me waiting the right time for me to escape to that place but I've realized that I can't escape anymore. Polycythemia vera already caught me and never thought to let me free.
                     I ask myself, do I still want to make it up with you? Nakita kong halos maayos na ang lahat kung sakaling mawala ako. Malayo ang loob niyo sa akin ng pamangkin ko dahil alam mong may naninirahan pa ring galit sa puso ko, hindi kayo masyadong masasaktan kung sakaling mawala ako. You already did reach your dreams. Ang pangarap ko na lang para sa inyo ang kulang.
                     Pero hindi ko rin pala kaya na magtiis na nasa malayo kayo. I want to be selfish for the last seconds of my life. I want you to know how much I love you, how much I treasure you. Ikaw lang ang papangarapin kong maging kapatid, wala nang iba. At sana, kahit papaano ay naiparamdam ko 'yon.
                      Sorry for leaving you all the burden but I trust Him. Hindi Niya ibibigay ang pagsubok na ito kung hindi mo kakayanin. Sasamahan kita sa lahat ng pagsubok na pagdadaanan mo, nandito man ako sa mundong ito o wala na. Palagi mong kasama si kuya.
                      Alam kong nasa payapang lugar na ako kapag nabasa mo ito. Nakasisiguro akong maayos na ako, na masaya ako rito dahil hindi ko na mararamdaman ang sakit. Sana ay kayo rin. You can stand again and fly to reach your dreams, I can be still your feathers.
                      I wanna also inform you that we won the fight. Huwag mong isipin na natalo tayo dahil nawala ako, hindi iyon ganoon. Nanalo tayo dahil naging masaya tayo sa mga natitira kong araw. I was became the happiest man on earth because you all join me to fight. We made my remaining days special. Para sa akin, ang tunay na pagkapanalo ay ang pagiging masaya. Sigurado ako na kahit kuhanin na ako sa inyo, babaunin ko ang mga ala-ala na nagawa natin at mararamdaman pa rin ang saya. Ikukwento ko lahat kay papa kung paano tayo nanalo sa laban na ito, kung paano tayo sumaya. Saka ayaw mo ba no'n, hindi na mag-isa si papa. Makakasama na niya ako at sabay namin kayong gagabayan.

Umiiyak akong tumawa sa sinabi ni kuya. Masaya ako dahil hindi siya nakaramdam ng pagkabigo nung panahon na kinuha siya sa amin. Tama siya, nanalo kami dahil naging masaya ang mga araw na natititra para sa kaniya.

Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko para maipagpatuloy ang pagbabasa.

                       I already had a house for Trisha, I already left a fund for mama. You want to be a doctor before, right? You are just fully aware that we can't make it because we don't have a chance. You can continue reaching your dream to be a doctor now. I'm always on your back. Pinag-ipunan ko 'yan ng mahabang panahon. Kahit kailan ay pwede mo nang simulan. Hihintayin kong maging handa ka.
                       Please do it for me and for your unfilled dream, Dra. Vasquez. Always to take care of yourself. Try to find a way to have a good sleep. Eat on time. I am confident to leave you because I knew that you're on the right person. I love you, baby.

                           In the last ink of my pen,
                                           Aven
                    
Tinignan ko ang nasa loob ng box. May atm card doon na sa tingin ko ay naroon ang pondo ko para makapag-aral bilang doctor.

Bakit hanggang sa huling hininga mo ay kami pa rin ang inaalala mo, kuya? Sobrang pinagpala kami dahil pinahiram ka Niya sa amin.

Niyakap ko ang buong kahon at doon ko inilabas ang totoong nararamdaman.

Sorry kung umiyak ako ngayon, kuya. Pero kasi, masyado mong ipinaparamdam sa akin kung gaano ako kaswerte na naging kapatid kita.

Masaya ako at naging kuntento. Pinagaan ng sulat ni kuya ang loob ko. Nagkaroon ng liwanag ang parte ng aking puso na dumilim. Wala na ring kalituhan sa aking isipan. Himala niyang inialis ang natitirang lungkot sa puso ko.

Ngayon ay masasabi kong tanggap ko na talaga ang lahat at wala nang pagsisisi na nararamdaman. Nagpapasalamat ako dahil binigyan ako ng pagkakataon na magkaroon ng kapatid na katulad niya. At katulad ng sinabi niya, magpapatuloy akong abutin ang tunay kong pinangarap.

Nasa isang oras ko rin tinitigan ang mga regalo ni kuya ngunit habang buhay nang mananatili sa utak at puso ko ang mga sinabi niya.

Nangingiti kong pinunasan ang mga luha sa pisngi at mata ko. Patuloy kong aabutin ang mga pangarap ko.

Naalala kong ipinaalam ko kay kuya noong mga elementary pa kami na gusto kong mag-doctor. Iyon talaga ang first and last choice ko. Pero alam ko naman na masyado kaming mahirap para mag-aral ako ng medecine kaya itinatak ko sa aking isip na hindi ko man matutupad na maging isang doctor, magiging nurse ako. Pero ito na at gumawa ng paraan si kuya para maabot ko ang tunay kong pangarap. Nagawa niya akong tulungan kahit wala na siya rito sa mundo.

Gagawin ko ang gusto niya at ang tunay kong pangarap. Magpapatuloy ako sa pag-aaral ng pagiging doctor. Pero hindi muna sa ngayon, dahil gusto kong samahan muna ang pamilya ko. Gusto kong masiguro na kaya na ni Emi ang sarili kapag nag-aral na ako, iyong tipo na kaya na niyang mag-isip para sa sarili niya, handa ako maghintay na dumating ang panahon na iyon. Masyado pa siyang bata para iwanan ko, she's still my baby. Gusto kong munang makita siya na unti-unting inaabot ang pangarap niya, katulad ngayon.

"LET'S all welcome this school year Valedictorian, Heaven Emiliana V. Lozan to give her valedictory speech!"

Kitang-kita sa paglalakad ng anak ko  na siya ay kinakabahan. Bawat hakbang niya ay kumakalansing ang medalya na dahilan kung bakit halos makuba siya. Kagat niya ang sariling labi nang makarating sa harapan ng mic, walang dala na kahit anong papel. Magmumula sa sarili niya ang mga sasabihin.

Hindi ko inaalis ang aking paningin sa harapan. Patuloy na pinagmamasdan ang anak ko. Ramdam na ramdam ko ang nagmamalaki kong ngiti, proud na proud.

"Manang-mana sa 'yo ang anak mo. Mahiyain," bulong ni Harris, malapit ang boses niya sa mismong tenga ko. Katabi ko siya na nakaupo rito sa harap.

Nasa auditorium kami ng CPIS, nasa harap ang mga estudyanteng magtatapos ng elementarya habang nasa likod naman kaming mga magulang. Ang pinagkaiba lang ay naka-pwesto kami sa pinakaharap na upuan na para sa mga magulang, dahil Valedictorian ang anak namin.

Napapangiti ako kapag naalala ko ang katotohanan na iyon. Sulit ang lahat ng pagsisikap na ginagawa ni Emi. Ako ang testigo kung gaano niya pinagsikapan na makuha ang titulo na iyon. Maari ko nang ikumpara ang tyaga na inilabas niya sa mga kolehiyo na nagsisikap para makapagtapos. Lahat ng pagsisikap niya ay mababayaran na, deserve niya 'to.

"Hindi na rin masama dahil sigurado ako na sa akin naman niya namana ang pagiging masikap. Maging proud ka rin sa sarili mo, sa 'yo nagmana ng katalinuhan 'yan," bulong ko kay Harris.

"Well, aaminin kong matalino ako pero hindi ako umaabot sa ganiyan. Si twin ang valedictorian namin noon," mapagkumbabang sabi niya.

Natawa ako. "Binabawi ko na 'yung sinabi ko. Kay Harren pala nagmana ang anak ko,"

Inis niya akong hinarap, na-offend. "'Yang bibig mo, Angel, ha?"

"Ano?" Nanghahamon na tanong ko.

"Hahalikan ko,"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Panoorin mo na lang ang anak mo, baka hindi kita matantya,"

Natatawa niya akong inakbayan. Isinandal niya pa ang ulo ko sa braso niya na hindi ko naman kinontra. Sabay naming pinanood na mag-speech si Emi sa harap.

"Good afternoon, everyone. Uhm.. I did not expect myself here infront of great parents and awesome students, speaking to give inspiration," malumanay na pagsisimula ni Emi, hindi ako makapaniwala na may mas lalambing pa pala ang boses niya sa mic.

"I still remember my first step here in this school, trying to avoid some judgement stares from random people. The stares of them lead me to think that I'm not fitted to study here, that I was on the bottom and can't reach the standards that royalty set. The whole school was a completely institute for the royalties while I am staring on it, thinking why I am here when I can't even wear what they wear," animong nagi-imagine na sabi ni Emi ngunit hindi pa rin nawawala ang pagiging pormal.

Ngunit naagaw ang atensyon ko sa panonood nang may marinig akong suminghot sa tabi ko

"May sipon ka ba?" Tanong ko kay Harris na siyang suminghot.

Umiling siya. "English. Nosebleed ako, mahal,"

"Baliw," natatawa kong bulong at saka ibinalik ang aking paningin may Emi.

"It was my mama and Tita Matri who sent me here in this school. I was so scared but they cheer me up that nothing can set standards. Because we are ourselves, all of us has own standards,"

Hindi ako magsasawang bigyan ka ng lahat ng klase ng lakas sa mundo, Emi. Habang buhay kitang paglilingkuran.

Naramdaman ko na nagsisimula nang mag-ipon ang luha sa gilid ng mga mata ko dahil sa dalang haplos sa puso ko nung mga salita ni Emi.

"After one year of studying here, the time came for me to know that I still have a father. And you know what's the twist?" Cute na cute niyang tinanong ang mga nanonood sa kaniya.

"Beside of being the best Engineer, my father also one of the owner of this school. Oh, hi Papa!" Nakangiti niyang kinawayan ang tatay niya.

Kumaway naman ang katabi ko pabalik. "Gago, napakacute ng anak ko," bulong niya pa.

"Then it hits me hard. So what's the difference of being lack on everything between having overflowing treasure when we have a dreams we want to achieve? I've been experience being the poorest here, and now I am here standing in front of you, attached my father's surname after my name." Nasa boses niya ang pagiging mapagkumbaba na ikinahanga ko.

"My intention was not to drag my treasure. I just wanna break some wrong mentality. Dahil na-realize ko na mahirap man o mayaman, matalino man o mahina, may abilidad man o wala. We all deserve to be succesful.  Sa eskwelahan ay kailangang matuto tayo, hindi para makipagkumpetensya upang manguna. Pumunta tayo ng eskwelahan upang matuto, hindi para ipagsigawan sa mundo kung anong mayroon tayo. The lessons from school should be rooten to our mind that can't be forgotten,"

"And I also want to thank my family for all the things that they do for me. Maraming salamat po sa pagiging hagdanan ko para maabot ang aking mga pangarap. Gusto ko rin pong ipaalam na..." Ngumiti siya ng sobrang ganda, nakakahawa. Nagsasalitan ang pagtingin niya sa amin ni Harris. Hinawakan niya ang isa sa medalya niya at inangat, hindi inaalis ang paningin sa pwesto namin.

"Kayo po ang tunay na tagumpay ko. Mahal na mahal ko po kayo," sinserong sabi niya.

We love you so much, too.

Mas lumawak ang pagngiti ko. Palihim kong kinuha ang panyo sa bulsa ng handbag ko. Napapangiti kong pinunasan ang mga luha na tuluyan nang tumulo mula sa mga mata ko. Masyadong hinahaplos ni Emi ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang dalang saya ng mga salita niya sa kasulok-sulukan ng nararamdaman ko. Proud ako sa kaniya, wala iyong duda. Ngunit hindi ko rin maiwasan na maging proud sa sarili ko dahil napalaki ko siya nang ganito kabuti.

Muli niyang ibinalik ang paningin sa dagat ng tao. "Ang pagkakaroon ng kumpyansa sa sarili at pagiging kuntento sa kung anong mayroon tayo ay ang magiging susi para tayo ay magtagumpay. Walang makakahadlang sa atin sa pag-abot ng pangarap kahit na mahirap pa ang paraan ng ating pamumuhay basta tayo ay determinado. Let other take a glance of you. Let them tell their opinion about you. But don't you ever let their words drag you down. You are yourself, no need to change something just to make everyone satisfy. Love yourself, understand yourself, always be with yourself, achieve your dreams,"

"Thank you very much. Congratulations, graduates and to our dear parents! You all did well!" Masaya niya iyong sinabi at saka pumalakpak, batid kong para iyon sa mga kapwa niya estudyante at magulang.

"Anak ba talaga natin 'to, Angel?" Dinig kong bulong ni Harris sa tabi ko.

Nagtaka ako dahil parang narinig ko na basag ang boses niya. Tinignan ko siya para makumpirma ang isang bagay na iniisip ko. Nasa harapan ang paningin niya, kay Emi. Kahit gilid lang ng mukha niya ang nakikita ko ay nakita ko kung gaano katindi ang paghanga niya kay Emi, walang kahit anong makakatumbas doon. Kahit side view ay napakagwapo niya, lalo ngayon na ayos na ayos siya. Bahagya akong naalarma nang makitang tumulo ang luha galing sa mga mata niya.

No one can tell how proud is he, kahit ako. Ngunit ramdam ko na nag-uumapaw 'yon. Proud din ako sa kaniya, dahil kahit maikling panahon pa lang ang nakakalipas ng makasama si Emi ay naipakita na niya kung gaano siya kabuting ama.

Hinintay namin na matapos ang buong seremonya. Tumayo kami malapit sa stage para salubungin siya. Ilang sandali pa ay patakbo na siyang lumapit sa amin, medyo mabagal dahil mabigat ang mga medalya na pinapabagal ang paglalakad niya. Malapit na niya kaming malapitan ngunit hinarang siya ni Callix kaya napatigil. Sapat ang distansya nila para marinig namin ang usapan nila.

"Congratulations, my Heaven!" Masayang bati ni Callix at niyakap si Emi nang mahigpit.

Mapapangiti na sana ako dahil sa nakita ko pero biglang gumalaw ang katabi ko at akmang lalapitan 'yung dalawa.

Hinawakan ko agad ang palapulsuhan niya para pigilan. "Ano ka ba naman, Emman? Magkaibigan lang sila," suway ko rito.

"Sus, hokage lang 'yang si Callix," sabi niya pa.

Natawa ako. "Jusko, Emman. Magna-9 years old pa lang yata 'yang si Callix, triggered ka na?"

Nanahimik siya sa isang tabi at patuloy na pinanood 'yung dalawa.

"Thank you sa lahat, Callix. Thank you kasi tinutulungan mo ako. Promise, habang buhay mo akong magiging bestfriend," nakangiting sabi ni Emi.

"Bestfriend?" Parang inis pang sabi ni Callix.

Inosente siyang tinignan ni Emi. "Ano ba dapat?"

"Did I told you that you are my future and forever wife? Revise your words,"  utos ni Callix.

Ano raw?

"Ah, oo nga pala. Habang buhay kitang magiging asawa,"

Ngumiti ng pagka-tamis si Callix, nagtagumpay kasi. "Very good, Ms. Val---" hindi na niya natuloy ang sinabi dahil may mahinang batok siyang nasalubong na mula kay..

Hala, bakit nand'yan na agad si Harris? Katabi ko pa 'yan kanina ha?

"Hoy, Callixton! Anong tinuturo mo d'yan sa anak ko, ha?" Inis na sabi ni Harris sa bata.

Wala akong nagawa kundi ang lapitan silaa para mapanood at manaway kung sumobra 'tong isa sa pagiging OA.

"Why? Aren't you happy that you'll be my father also in the future, Tito Harris?" Confident at inosenteng tanong ni Callix.

"Aba!" Napahawak pa si Harris sa labi niya dahil hindi makapaniwala.

"Kebabata niyo pa ha? Saka ate mo 'yang si Emiliana! Anong wife?" Halos bulyawan niya si Callix.

Gusto kong iuntog ang sarili sa pader. Napaka-over acting ni Harris, sa totoo lang! Malamang mga bata pa 'yan at hindi pa alam ang sinasabi.

Pero napigilan ko ang sarili ko sa paggawa no'n dahil nakita kong lumapit si Beryl sa kanila, buhat pa ang anak. Lingid sa kaalaman ni Harris na nasa tabi na niya pala si Beryl kaya nagulat at nasaktan siya sa batok nito sa kaniya. Napangisi ako.

"Hoy, Emman! Huwag mo nga'ng binabatukan ang anak ko." Galit na sabi ni Beryl.

Napanguso naman 'yung isa habang hinahawakan ang parte kung saan siya nabatukan ni Beryl. Kasama ako ng mga bata na pinagtatawanan si Harris.

"Eh, kasi 'yang anak mo, e, inaano ang anak ko!"

"Pero huwag mo namang binabatukan!"

"Sus, napakahina ng batok ko sa kaniya 'no! Wala pa nga'ng isang porsyento sa ginawa mo sa 'kin,"

Inirapan siya ni Beryl at nakangiting hinarap ako. "I understand how are you feel right now. Congrats!"

Ngumiti ako pabalik. "Hindi na ako nagtataka na makuha 'yon ng anak ko dahil napakagagaling ng teachers dito na tulad mo,"

Akmang magsasalita siya pero naagaw ng anak niya ang atensyon namin. Itinaas nito ang dalawang kamay na para bang gustong magpakarga sa akin. Tinignan ko muli si Beryl para humingi ng pahintulot na kargahin ito, tumango siya.

Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko nang makarga ang bata. Tinitigan ko ito at mas natuwa. Kung nakuha ni Callix ang lahat kay Calli, bumawi naman si Beryl dito sa pangalawang anak na naging kamukha na niya.

"Hello there, Phoebe Callison," bati ko rito. Humagikgik ito ng pagtawa na nagawa ko agad sabayan. Napakacute! Parang bumalik 'yung mga times na ganito ang edad ni Emi. Ang sarap makakarga muli ng baby.

"'Yon eh. Gusto mo na rin ba ng baby, Angel?" Pang-aasar ni Harris pero hindi ko na siya pinansin dahil napakasarap sa pakiramdam na makakarga ng baby. Ang nursery nga ang pinakafavorite kong lugar sa hospital.

Pero ilang sandali pa ay parang na-miss ni Allice ang nanay niya at muling nagpakarga. Dahil mukhang inaantok na, umalis na sila ni Beryl para makauwi na. Nakangiti pa rin ako kahit wala na sila.

"Napakalawak naman ng pagkakangiti mo, Angel. Willing naman akong alagaan na si Empyrean, magle-leave ako sa trabaho," bulong na naman ni Harris

Nawala ang ngiti ko. "Alagaan mo sa panaginip mo,"

Napansin kong hawak niya sa kamay si Emi, bumalik ang ngiti ko. Pinantayan ko ang height ng anak ko at dahan-dahan siyang hinalikan sa kaniyang noo.

"Congratulations, my baby," hindi ko na maiwasang maging emosyonal. Hindi na rin ako nakatiis at niyakap siya.

Ramdam ko ang pagganti niya sa yakap ko. "We made it, mama. Congrats din po!" Masayang sabi niya kaya mas napahigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya.

Naglambimgan pa kami ni Emi pagkatapos ng yakapan na 'yon. Paulit-ulit kong sinabi sa kaniya kung gaano ako ka-proud.

"Umuwi na tayo, mga baby. Baka gabihin tayo masyado,"

Napahiwalay ako kay Emi at hinarap si Harris. "Ha? Anong uuwi? Dapat nating i-celebrate ang tagumpay ng anak natin!"

Ngumiti siya sa akin. "Sa birthday na niya,"

"October pa 'yon! Ang tagal pa no'n!" Reklamo ko.

"Okay lang po mama! Uwi na po tayo,"  aya pa ni Emi.

Dahil dalawa na sila, wala na akong magagawa kundi ang sumunod. Nanguna pa nga sila sa paglalakad at gumawa ng sarili nilang mundo. Siguro may pinaplano 'tong dalawang 'to.

Doon kami sa bahay nila Harris pumunta at nagulat ako dahil buong pamilya ko at pamilya niya ay nasa garden, mukhang close na close na nga sila. Magkakasama na nagi-ihaw sila Lola Tess, Tita Maria at ang mama ko, mukhang matagal na silang nag-uusap. Si Matri, Tito Harold, Alrin, at Calli naman ay nag-uusap sa lamesa. Sila Doc Cian at Lux naman ay nasa gilid, nagtatawanan. Agaw pansin naman ang pagsusubuan ng pagkain nila Harren at Sydney, bumukod sila ng lamesa. Napangiti ako.

Unti-unti silang nagtipon nang mapansin kami na lumalapit sa kanila. Agad nilang sinalubing si Emi at inulan naman ng papuri ang anak ko. Lahat ay proud sa nakamit niya.

Sobrang sayang makita na ganito kasaya ang paligid. Na kahit may isang nawala sa amin, isang buong pamilya naman ang ipinalit at sila iyon na nasa harap ko. Kuntento ako sa sandaling ito.

Naging inspirasyon ko sila sa bawat araw na pagtatrabaho ko. Sila ang pinagkukuhanan ko ng lahat kapag may mga araw na sobra na ang panghihina ko.

Sa tingin ko ay naglalakad ako sa tamang landas. Habang tumatagal ang paglalakbay ko ay natatagpuan ko ang tunay na saya sa piling ng mga taong mahal ko. Masaya ako dahil nagbago ang ikot ng buhay ko at mas naging malaya ako. Wala na iyong lungkot na araw-araw kong dinaramdam. Malaya na ako.

Nang dumating ang buwan ng October ay nagulat ako nang sabihin ng management ng hospital na isang linggo akong nakaleave. Hindi ako makapaniwala na nakaleave na naman at na-approve ang request na ito dahil tatlong araw rin akong nag-leave nung 2nd death anniversary ni kuya. Pati si Emi na ngayon ay pumapasok na sa eskwelahan bilang first year highschool ay may nagpaalam daw para sa kaniya na isang linggo siyang absent. S'yempre, isa lang naman ang nakikita kong suspect sa mga nangyayari. Si Harris ang may pakana ng lahat.

Ngayon ay natagpuan ko na lang ang sarili na nasa loob ng eroplano. Oo, eroplano! Tatlong araw na lang kasi ay birthday na ni Emi, pero hindi ako makapaniwala na talagang balak i-celebrate 'yon ni Harris sa ibang bansa, sa Iceland! Planado nila iyon ni Emi at balak akong surpresahin. Si Harris ang nag-asikaso ng lahat, syempre. Siya ang nagpaalam sa school at hospital, pati kay mama. Hindi ko maipaliwanag ang gulat na naramdaman ko nung ipaalam ni Harris ang plano na ito, ni hindi nga ako nakatanggi! Napakaimposible ni Harris, hindi ko mahulaan ang mga plano niya.

Pero, gusto ko ito. Pinangarap ko ang sandali na ito na maipasyal ang pamilya ko sa ibang bansa. Alam kong magiging masaya kaming lahat. Kahit na nagulat, hindi na nawala ang ngiti sa labi ko at hindi na ako humiwalay sa pagkakahawak ni Harris sa mga kamay ko.

"Good afternoon passengers. This is Captain Alrin James Garcia speaking. First I'd like to welcome everyone on this flight. We are currently cruising at an altitude of 33,000 feet at an airspeed of 400 miles per hour. The time is 9:00 am. The weather looks good and with the tailwind on our side we are expecting to land in Iceland approximately 10 hours ahead of schedule. The weather in Iceland is cold, with a high of 17 degrees for this morning. If the weather cooperates we should get a great view of the city as we descend. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, sit back, relax and enjoy the rest of the flight."

Nanlalaki ang aking mga mata na hinarap si Harris. "Wait, si Alrin ba 'yung nagsalita?" Gulat at taka kong tanong ko.

"Oo. Para mas madali tayong makapunta at makauwi. Sa kaniya 'tong ereplano," sagot niya.

Napakunot ang noo ko nang may maalala. "'Di ba, Captain of the ship 'yan? Bakit pati sa langit, nandito?"

"Haha! Basta sasakyan, Alrin lang sakalam," tumawa pa siya na para bang napakabenta ng sinabi niya.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Seryoso ako,"

"Seryoso rin naman ako. Basta tungkol sa sasakyan, interesado palagi si Aj. Parehas niyang inaral, anong magagawa ko?" Nakanguso niyang sabi.

"Hala! Ang galing po pala ni Tito Alrin!" Humahangang sabi ni Emi.

Sobrang talented naman pala no'n, parang dati ay palagi siyang napapatawag sa principal office kasama ni Calli. Pero ngayon, halos pagharian nila ang mundo.

Hindi ko na alam ang mga nangyari sa eroplano. Basta ang alam ko lang ay napakatagal ng byahe. Natulog at kain lang ang ginagawa namin. Pero kahit ganoon ay naging masaya ako kahit nandoon lang kami magdamag. Kasama ko ba naman ang buong pamilya ko. First time namin ito kaya sinusulit ko.

Sa wakas ay dumating din kami sa Iceland. Pagkapasok palang namin ng isang bahay na nirentahan pala ni Harris ay napahiga na ako sa isang sofa na naroon. Nakakapagod ang sampong oras na byahe. Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang buong bahay. Maliit ngunit kasya naman kaming lahat, kasama na si Alrin at ang co-pilot niya. Kahoy ang pangunahing materyales na ginamit sa pagbuo ng bahay ngunit nanatili pa ring eleganteng tignan. Napakaganda. Ilang sandali pa ay naramdaman kong nakatulog ako.

"Sorry, Sir but it's imposible for us to see the aurora borealis to this season. I am really sure of that,"

Ang hindi ko kilalang boses ang gumising sa akin. Dinilat ko ang mga mata ko, inaantok pa rin ako. Una kong nakita ang baba at ang matangos na ilong ni Harris. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko marealize na nakahiga ang ulo ko sa hita niya. Mukhang napansin niya na gising na ako. Maliit siyang ngumiti at hinaplos ang buhok ko.

Yumuko siya para matignan ako. "Inaantok ka pa ba? Sleep pa, baby,"

"Si Emi?" Agad kong tanong

"Sleep din siya ngayon,"

"Ikaw din, matulog ka na muna,"

"I will. You sleep first,"

Tumango ako at isiniksik ang ang mukha ko sa katawan niya. Ilang sandali pa ay bumalik ako sa pagtulog. Hindi ko na napansin 'yung kausap kanina ni Harris dahil sa sobrang pagod.

Pagkapahinga namin ay nag-aya na agad sila na gumala. Dalawang araw ang inilaan namin sa paglibot sa Iceland. Mula sa pagkain ng mga delicates nila, pamamasyal sa mga historical na lugar nila. Paglalaro ng iba't-ibang activity na gamit ang snow. Ginulat nila ako ngunit naging masaya ako. Parang ako ang magbi-birthday dahil sobrang makabuluhan ang mga naging araw ko sa loob ng bansang ito.

Nung mismong birthday ni Emi ay nakatakda kami na mag-hiking. Napakaiimposible talaga ng mga plano ni Harris ngunit sinasakyan namin. Kasi lahat naman ng plano niya ay para sa ikasisiya namin na napapagtagumpayan niya.

"Papa, pwede naman po akong maglakad. Ibaba niyo na po ako, baka mabigatan kayo," rinig kong sabi ni Emi kay Harris.

Ewan ko ba kung anong napagtripan ng lalaking 'to. Hindi ko siya maintindihan kung bakit kailangan na sa ibang bansa pa kami mamasyal. At lalong hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng bansa ay talagang Iceland pa ang napili niya.

Umaakyat kami sa pinakamataas na lugar sa Iceland. Sa lugar daw na pupuntahan namin ay pwede naming makita ang Aurora Borealis na gusto ko rin namang masilayan ngunit ayon sa narinig ko nung nakaraan ay medyo malabo namin itong makita.

Simula nang maglakad kami paakyat ay kinarga na ni Harris si Emi at kanina pa kami naglalakad kaya naawa na si Emi.

"No. Masyadong mapapagod ang prinsesa ko," tanggi naman nung isa.

Napakamot sa kaniyang buhok si Emi, nai-stress na yata. "Papa naman, ih,"

"Malamig ba masyado?"

"Hindi naman po,"

"How about you, Angel?"

Doon ay ipinaalam ko na sa kanila ang pasikreto kong pagtingin. Ningitian ko siya at umiling. "Medyo lang. At hayaan mo na rin si Emi kung gusto niyang maglakad. Nakakapag-init din ng katawan ang paglalakad,"

"Pag-uwi na lang natin siguro," sagot niya. Nalukot ang mukha ko, ang tigas talaga ng ulo.

Patuloy kaming naglakad paakyatw. Ramdam ko ang pagod at lamig. Paulit-ulit kong kinokontra ang aking isip na pagod lang itong ginagawa namin. Malapit na akong sumuko pero kapag nakikita ko ang mag-ama ko na masayang pinagmamasdan ang dinadaanan ay nawawala ang pagod ko.

"Here we are," anunsyo ni Harris na palihim na ipinagpapasalamat ng sarili ko.

Napapagod kong inangat ang aking paningin para malaman kung nasaan na ba talaga kami.

Parang tumakas ang pagod mula sa katawan ko nang makita ang buong lugar. Napakaganda! Tanaw na tanaw ko ang mga bahay na natatakpan ng snow. Kahit ganoon ay hindi pa rin mabawasan ang paghanga ko. Napakasarap tignan ng mga snow.

Ngunit naagaw ang atensyon ko nang tumakbo si Emi dahil sa excitement. Nag-alala ako na baka malaglag siya ngunit patag naman ang mataas na lugar na napuntahan namin.

"Mag-ingat ka, Emi! Baka madulas at malaglag ka!" Halos sigaw kong paalala. Ningitian lang naman niya ako.

Akmang lalapitan ko na siya pero biglang may snow na sumalubong sa mukha ko. May nambato sa akin!

Masama kong tinignan si Harris na siyang bumato sa akin. Mayabang siyang ngumisi. "Galit ka na niyan, Angel?"

Aba, naghamon pa! Kumuha rin ako ng snow at binilog 'yon sa kamay ko. Sinugurado ko na solid ang pagkakatama no'n sa mukha ni Harris pero naiwasan niya. Ang baliw ay gumawa na naman ng panibagong snow ball, pero kay Emi na niya binato.

"Happy birthday, anak!" Natatawa niya pang pang-aasar kay Emi na ngayon ay parang bata na natalo sa away.

Gusto yata ni Harris makatikim ng lesson! Sinenyasan ko si Emi at sa tingin ko naman ay nagkaintindihan kami. Sabay naming hinabol si Harris, medyo nahirapan kami pero nang mahuli namin ay nilagyan namin ng snow ang mukha niya. Halos gawin namin siyang si olaf. Tawa kami ng tawa ni Emi, sa tingin ko ay ito na ang pinakamasayang birthday niya.

"Tayo lang ang tao rito, Angel." Naramdaman kong nasa likod ko si Harris. Ilang sandali pa ay iniyakap na niya ang dalawang kamay sa bewang ko. Mas napangiti ako.

Nakatayo na lang ako at tinitignan ang buong syudad, napagod na kasi ako sa paghaharutan namin. Hindi ko akalain na sasamahan niya ako sa panonood ng mga senaryo sa baba. Nakaupo lang naman si Emi sa isang tabi malapit sa amin at kumakain.

"Kaya pwede mong isigaw ang totoong nararamdaman mo. Gusto kong isigaw mo na pinapalaya mo na ang lahat ng lungkot at magpapatuloy ka na,"

Kunot noo kong sabi. "Matagal ko naman na 'yang ginawa."

"Mas nakakagaan pa rin ng loob kung isisigaw mo," bulong niya sa mismong tenga ko.

Ano bang pinapagawa nito? Pero dahil may kung anong nagsasabi sa akin na sundin ko siya.

Hinanda ko ang aking sarili. "Malaya na ako mula sa lungkot. Maraming salamat sa paggabay mo sa akin, kuya!"

Naramdaman ko ang biglaang pagtulo ng luha galing sa mga mata ko. Alam ko sa aking sarili na matagal na akong naging malaya sa lungkot ngunit napakasarap pala sa pakiramdam kapag nasasabi ito.

Totoong malaya na ako.

"Very good, baby. Now, scream what you want right now," utos na naman niya.

Ano ba naman itong si Harris. Kung ano-ano ang inuutos sa akin. Pero dahil sa dulot na saya sa akin ng lugar ay wala akong pagtanggi na sinunod ang inutos niya. Gumagaan din naman ang loob ko.

"Gusto kong makasama ang pamilya ko sa loob ng mahabang panahon!" Sigaw ko, natatawa.

"We want to be with you forever, too. Pero ngayon, isigaw mo naman kung gaano ko ako kamahal," pagkasabi niya no'n ay narinig ko pa ang matunog niyang pagngisi.

Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay pero hindi ko rin alam kung bakit ko siya sinasakyan, siguro dahil kami lang ang tao rito. Pasalamat talaga siya at masyadong maganda ang lugar na pinagdalhan niya sa amin dahil kung hindi, matagal na akong nainis sa kaniya.

"Ayaw ko na, mapapaos na ako." Nakanguso kong sabi.

"You can do it. Dalawa na lang naman ang isigaw mo, baby," pangungumbinsi niya.

Halos harapin ko siya pero mahihirapan ako dahil nga nakayakap siya sa bewang ko.

"Dalawa pa? Mawawalan na ako ng boses niyan, Harris," nauubusan na ako ng pag-asa.

Naramdaman kong inalis niya ang baba sa balikat ko. "E 'di hindi mo ako mahal?"

Ano ba itong lalaki na 'to, bumalik ba siya sa pagkabata?

Huminga ako ng malalim at hinanda ang aking boses. "Mahal na mahal ko itong lalaki na nasa likuran ko!"

Sana ay masaya na siya.

"For the last time, scream that you'll going to marry me." Utos niya.

Isigaw na nga para matapos na, pagod na ang boses ko.

"I will marry y--- ano?"

Napaharap ako sa kaniya nang marealize ang sinabi ko. Ngunit napahawak na lang ako sa aking bibig nang makita siyang nakaluhod na siya sa harap ko at hinarap sa akin ang singsing na... kinapa ko ang leeg ko, wala na roon ang kwintas na kinalalagyan ng singsing. Iyon 'yung kwintas na binigay niya sa akin two years ago at ngayon, hinarap na niya sa akin ang singsing.

Ganoon kabilis tumulo ng sunod-sunod ang mga luha galing sa mga mata ko. Pakiramdam ko ay hinahaplos ang aking puso dahil sa masayang pakiramdam. Nararamdaman ko rin na parang may kung anong gumagalaw sa aking sikmura, para akong masusuka ngunit alam kong imposibleng mangyari.

"Harris... ano ba 'yan?" Tanong ko, punong-puno ng pagpapanggap.

Ngumiti siya ng sobrang ganda at tiningala ako. "Simula nang makilala kita ay nasiguro ko nang sa 'yo lang ako luluhod at magtatanong kung pwede ba kitang pakasalan. Mahal na mahal kita, Angel. Words are still not enough to express how much I love you," nagkukumawala ang matinding sinseridad sa mga salita niya. Pati ang paggalaw ng labi niya ay hinangaan ko.

"Will you marry me, Angel Rafflesia?" Nakangiting tanong niya ngunit may naiipon ng mga luha sa gilid ng mga mata niya.

Kahit na umiiyak pa rin, hinanda ko ang aking boses sa pagsigaw. Ang kumikislap niyang mga mata ang tanging tinitigan ko.

Ngumiti ako. "I will marry you, Harris Emmanuel!" Sigaw ko.

Napakagat siya sa kaniyang labi. Parang mga crystal naman na bumagsak ang mga luha na kanina pa iniipon ng mga mata niya. Kitang-kita ko ang panginginig ng mga kamay niya habang isinusuot ang singsing na 'yon.

Pagkatapos ay agad kaming sinalubong ni Emi ng mahigpit na yakap, kahit maliit ang mga braso niya ay nagawa pa rin niyang iparamdam sa amin ang yakap niya. Sigurado akong bukod sa amin ni Harris ay isa rin siya sa pinakamasayang tao sa buong mundo.

"I love you, mama!" Emosyonal na sabi ni Emi at hinalikan ang pisngi ko.

Pagkatapos ay ang pisngi naman ng tatay niya ang hinalikan. "I love you, papa!"

Sabay kaming natawa ni Harris sa ginawa ni Emi. Ramdam ko ang excitement sa mga kilos niya, sigurado akong alam din niya ang plano ng tatay niya.

"Mama, papa," biglang tawag ni Emi.

"Bakit?"

"Tignan niyo po ang kalangitan," utos niya.

Alam kong sabay namin iyong tinignan ni Harris. Napaayos ako ng tayo at namamanghang tinignan ang kalangitan.

Lumabas ang aurora borealis!

Paanong... akala ko ba ay imposibleng magpakita sa amin ang aurora borealis? Anong nangyayari?

"Habang nagpo-propose po si papa, unti-unti na po siyang lumalabas," bakas ang matinding saya na anunsyo ni Emi.

Hindi ko inalis ang paningin sa kalangitan. Nang masiyahan ang sarili ay nilingon ko ang mas magandang view para sa akin. Tinititigan ko si Harris habang pinapanood niya ang pagsayaw ng aurora borealis sa kalangitan. Hindi ko kailanman pagsasawaan titigan ang napakagwapo niyang mukha.

Nagulat ako nang bigla siyang humarap. Hinapit niya ang bewang ko at tinitigan ako na para bang isang ginto dahil nakikita ko pa rin ang pagkislap ng mga mata niya. Nakita ko na ang isang kamay niya ay gumagalaw para takpan ang mga mata ni Emi.

"Papa! Wala po akong makita!" Dinig kong reklamo ni Emi.

Parang walang naririnig si Harris dahil mas inilapit niya pa ang katawan ko sa kaniya gamit ang isang kamay niyang nakayakap sa bewang ko.

"Thank you for coming back, Angel," emosyonal na sabi niya.

"I will always turn my back to you, Harris. Thank you for welcoming me,"

Naging hudyat iyon para halikan niya ako sa aking mga labi. Palalim 'yon ng palalim ngunit isa ito sa romantikong sandali na hindi ko kailanman kalilimutan. Napapangiti akong gumanti sa halik na iyon habang ninamnam ang masayang sandaling ito ng buhay ko.

Tinapos niya ang sandaling iyon sa mabilis na paghalik sa aking noo. Tinitigan ko siya at ganoon din siya sa akin. Para kaming nag-uusap gamit ang mga mata ngunit hindi magkaintindihan. Hindi ko inaalis ang aking paningin sa mukha niya habang ako ay nangangako na siguradong paninindigan ko.

Hindi ako magsasawang paglingkuran ang lalaking ito. Hindi lang bilang isang nurse, bilang isang asawa rin na hindi na siya kailanman iiwan at mamahalin ng walang hanggan. Si Harris ang tunay na anghel ng buhay ko.

---

A/N

Wahh last chapter naaa! Sorry for the errors po, I hope you enjoy it! Thank you for joining me to explore the story of our Engineer Harris and Nurse Raffa!❤️

Continue Reading

You'll Also Like

31.8K 1.8K 33
[ SAAVEDRA TWINS - KAIROS ] Kairos Saavedra and Ynna Dario are bestfriends. Magkasabay silang lumaki. They are always together at walang kahit anong...
34.7K 1K 21
Lily Jamira Mondejar is the owner of a famous luxurious bar named 'The Lily's Lux Bar'. Despite of her success in her career, deep with her heart, s...
181K 4.4K 29
Dahil hindi lahat ng bidang babae ay perfect. Sa istoryang ito, ipapakita ko na sa bawat bitch sa mga istorya ay may karapatan din na lumigaya. Hang...
255K 4.2K 41
Vienna Nikkola Velasquez is a girl with a toxic attitude. She gets what she wants, even if it means she'll chase for love. Even if it means she'll ch...