I just hope you're lying next to somebody. Who knows how to love you like me. There must be a good reason that you're gone. Every now and then I think you might want me to come show up at your door. But I'm just too afraid that I'll be wrong~
-We Don't Talk Anymore
(Charlie Puth ft. Selena Gomez)
SAVANAH
I'm sorry, I need to forget you. But maybe after I reached my dream, and if we still have feelings towards each other… Then I'll give you my heart again.
“Ready ka na?” tanong ni Ate nang makapasok sa kwarto ko.
“Hmm, opo…”
“Naghihintay na sina Bea, kasama ‘yung iba mo pang barkada, bilisan mo na diyan,” paalala niya kaya agad kong isinara ang aking bag pack at sumunod na pababa sa sala.
“Beh! Excited na ‘ko! Pero make sure na okay ka lang talaga ha?” bati sa akin ng kaibigan kong si Bea nang makababa na ako. “Oo naman! Mas magandang ideya na mag travel akong kasama kayo para naman mas madali akong maka-move-on,” sagot ko.
“Sige na, bumyahe na kayo habang maaga pa. Bantayan ninyo kapatid ko ha? Ingat.” Humalik na ako kay ate sa pisngi matapos niyang mag salita. Saka nagmadali agad kaming lumabas ng bahay para makasakay sa Van na pagmamay-ari din mismo ng barkada namin.
“Leon, puwede ba ako sa passenger seat?” paalam ko sa may ari ng Van, na agad naman siyang napa-payag.
“Hala! Sav, akala ko ba tabi tayo? Ayaw mo na sa ‘min?” pabiro kong hinampas si Lucy, sa sinabi niya. “Baka kasi makatulog ka sa gitna ng biyahe tapos bigla ka sumandal sa balikat ko. Tulo laway ka pa naman,” biro ko kasabay ng munting pagtawa.
Hindi naman sa ayaw ko sila katabi. Gusto ko lang maupo sa unahan para makapag isip-isip sa desisyong ginawa ko. Tama ba na iniwan ko siya at tinuring na isang distraction? O dapat sinama ko siya sa pangarap ko?
Pero kasi na-aagaw niya ang time ko na dapat nilalaan ko sa pag-aaral!
Sorry Ivan.
“Mako, after 1 hour ikaw naman mag-drive ha?” paalala ni Leon, sa isa sa mga barkada namin na nasa likuran. Simpleng tango lang naman ang isinagot ni Mako, dahil busy siya mag-type ng kung ano sa kaniyang cellphone.
Anim lang kaming nagkayayaan na mag travel on the way to Batangas… Ang lugar na sa loob ng seven years hindi pa namin napupuntahan ni Ivan. Walang hirap na napasama ko sila sa balak kong pag-travel. Pag dating kasi sa galaan, walang inaatrasan ang mga ‘yan. Si Bea na nakikipag-daldalan kay Gwy, si Lucy at Mako na mag kalandian sa pinaka-likod, at si Leon na tahimik na nag mamaneho sa gilid ko.
Alas singko pa lang ng madaling araw nang bumiyahe kami. Ngayon ay tanaw na namin mula sa bintana ng sasakyan ang umpisang pagsibol ng araw sa kalagitnaan ng aming biyahe.
Pag-tingin ko sa likod, ang kaninang maiingay ay biglang nagsitahimik dahil ang tatlo sa kanila'y tulog, samantalang nag me-make up naman si Gwy.
“Sav, kung ako sa 'yo, matulog ka muna. Long ride is not yet over,” saad ni Leon, habang nakatitig pa rin sa daan. ‘Pag ba natulog ako, pag-gising ko wala na siya sa isipan ko?
Ano kaya ginagawa niya ngayon? ‘Asaan kaya siya? Naka-move on na ba siya?
Tsk! We're over. Bakit ko pa ba siya inaalala?
***
Ilang oras na kami sa biyahe at hanggang ngayon siya pa rin ang nasa utak ko. Kapag naman titingin ako sa bintana, imahen pa rin ng mukha niya ang pumapasok sa utak ko. Kaya nag desisyon na lang ako na umidlip.
***
“Welcome! To the fantasy world, Lemery Batangas!”
“Savanah, wake up!” unti-unti akong napadilat dahil sa boses na narinig ko kasabay ng pag yugyog sa akin. Kumusot-kusot pa ako ng mata at agad na tumingin sa harapan. Bumungad sa akin ang nakangiting si Leon.
“Tara?” Agad kong inayos ang sarili ko at sumunod sa kaniya pababa ng kotse.
“Pangalawang beses ko na makapunta rito. Pero hindi pa rin ako nagsasawa,” saad ni Mako, at inakbayan si Lucy. “Sarap ng hangin,” dagdag pa niya.
Buti pa ‘tong mag jowa na 'to stay strong pa rin. Actually, mas matagal na silang in a relationship kaysa sa amin ni Ivan. 11 years na sila. Grabe! Highschool pa lang kami, sila na. Sana someday mangyari din sa ‘kin ang relationship na katulad kina Lucy at Mako.
Hindi ko alam kung ilang oras na kaming namamasyal dito sa fantasy world, Lemery. Dala na siguro ng pagiging hyper kaya 'di na namin alintana ang lumilipas na oras. “Hoy, yung mga flower!" biglang tili ni Bea. Agad kaming napatingin sa mga nag-gagandahang bulaklak na nakapaligid sa daan. “Puwede ba ‘yan pitasin?” tanong ko kahit naman alam kong bawal. Hindi naman na sila sumagot at nagawa lang tumawa.
Naalala ko si Ivan, kung paano niya ako bigyan ng flowers every our anniversary, birthday, valentine's, or minsan kahit walang occasion sinusurprise niya talaga ako.
***
“Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin~”
Narito kami ngayon sa Isla na napagka-sunduan naming tuluyan hanggang matapos ang one week.
“Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit~”
Leon's singing while strumming his guitar and we're just all listening peacfully on his voice.
“Huwag ka lang titingin sa akin
at baka matunaw ang puso kong sabik~”
Imbis na gumawa kami ng bonfire, nag-lagay na lang kami ng gasera sa aming harapan kung saan kami naka-bilog ng puwesto. Sa una pa lang ay alam na talaga nila ang rason kung bakit ko sila niyaya mag-travel.
Gusto kong makalimot, pero ba't parang mas lalo ko siyang na-aalala?
Gusto ko sabunutan ang sarili ko dahil sa katangahan na pumapasok sa aking utak. Kanina sa fantasy world, imbis na makisakay ako sa mga trip nila, lumilipad ang utak ko at iniisip na paano kung si Ivan ang kasama ko ngayon dito?
Mag mula sa mga bulaklak, sa ginawa naming photoshoot kasama ang mga barkada, sa bawat lugar na pinuntahan namin kanina... Lahat ‘yon may alaala sa masasayang nangyari sa amin ni Ivan.
Nag travel ba ako para mag move-on o para lang balikan ang nakaraan namin? Ang hirap ha.
“Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo~
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin~”
Natauhan ako nang maramdaman ko ang biglaang pag-siko sa akin ni Gwy. Tinignan ko siya nang may pag tataka at nagtaas kilay lang naman siya sa akin habang nakanguso kay Leon.
“Minamahal kita ng ‘di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko'y manhid~”
Ngayon ko lang din napansin na lahat pala sila’y sumasabay na sa kinakanta ni Leon. “Huy!” Kanina si Gwy, ngayon naman si Lucy ang sumiko sa akin at ngumunguso siya kay Leon.
Nagugulumihanan akong lumingon sa direksyon ni Leon, at nabigla naman ako dahil diretsong nakatitig ang mga malalalim niyang mata diretso sa akin habang patuloy pa rin sa pag kanta at pag-tugtog ng gitara.
“Sana ay mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin
Sa iyong ngiti~”
Natapos ang kanta kaya humiyaw at nagpalakpakan sila. Ngunit ang mga titig ni Leon ay sadiyang naka-pako pa rin hanggang ngayon walang iba kundi sa akin.
“Savanah… Pwede ba kita ligawan?”
------
Song used: Ngiti (By Ronnie Liang)