Monstrous Alert!!
Firm pa rin ang tayo ni Kylie at hindi magawang makakilos sa narinig..
Oh my gosh!! Kaloka to! Ano bang gagawin ko? Tatalon ba ko dito kaso neeeeh!!! Ang taas! Oh God sorry na po please patakasin niyo lang ako, may halimaw dito! Ayaw ko pa makain please Lord save me!! Lilingon ba ‘ko? Itsura nito waah mommy!!
Slow motion pa siyang pumihit paharap sa nagsalita. Eto na, I’m freaking so much very dead!!!
Nang maayos na siyang nakaharap dito sa mukhang hindi maipaliwanag ay ngumiti siya ng pilit. Seryoso lang at diretsong nakatingin naman sa kanya si Christian habang nakasandal ang katawan sa pintuan na naka-cross arms pa tapos nakataas ang isang paa sa pinto na para siyang
Oo na author kakainin na ‘ko!
“H..hi?” kabadong bati ni Kylie ditto.
Glare! +_____+
Mommy save me nakakatakot yung halimaw na ‘to!!!!!!
Pinapawisan na talaga ng malamig si Kylie dahil grabe makatitig si Christian..
“Ahh ano..ano kasi..”
“Ano?” cold and but word of warning ang pagtatanong na iyon ni Christian.
“Kwarto mo?” pagtutukoy ni Kylie sa lugar.
“So?”tipid na sagot ni Christian.
“Ano ba ‘tong napasukan ko promise di na talaga ako gagawa ng kalokohan! Ano,, grabe ka naman hindi ako magnanakaw!” sumigaw na lang si Kylie para mawala ang kaba niya.
“Then prove it.”ganung-ganon pa rin ang boses ni Christian kaya imbes na mabawasan ay lalo pa siyang kinakain ng takot.
“Ano bang mood meron ang lalakeng ‘to ngayon? Bakit iba? Bakit tell me!!!” Wow lalaki na tawag niya hahaha!!
“Speechless? Ahh so you’re guilty. Now get out. Guests are not welcome here.” Hindi malaman ni Kylie kung nang-iinis ito o galit dahil kalmado at hindi nagbabago ang ekspresyon ng itsura. Hindi talaga siya makaalis sa kinatatayuan niya kaya si Christian ang umalis sa kinasasandalan niya at hinila siya no, kinaladkad siya palabas. Hawak hawak siya nito sa kanang braso niya.
“Aray aray naman diba? Masakit!!” angal naman ni Kylie habang bumababa sila sa hagdan.
“Sana naisip mo yan bago ka nang-trespass dito.”
“Hala? Statwa ba ito? Kanina pa hindi nabago ang itsura?” kahit kinakaladkad na siya ng kaaway niya ay inoobserbahan pa rin niya ito.”Kaya ko maglakad okay? Wag mo kong hilahin pwede!” pagpupumiglas ni Kylie.
“Ano bang?... May bisita ka pala Christian.”
Pababa na silang dalawa nang makasulubong nila ang Mama ni Christian.
“May bisita bang dumadaan sa bintana? Magnanakaw pwede pa.” patuloy pa rin si Christian sa paghatak kay Kylie palabas.
“Sabing hindi ako magnanakaw eh! Bitawan mo na ‘ko! Ma’am I’m sorry!”
“Sorry ka dyan. Labas.” Taboy ni Christian.
“Sandali sandali nga. Christian let go.” Utos ni Mrs Emily. (Mama ni Christian.) na sinunod din naman nito. “If I know girlfriend mo siya.”
“NO WAY” Nag-duet na naman po sila.
“Girlfriend ka dyan ma. Sa tingin mo gaganituhin ko ang girlfriend ko?” katwiran ni Christian na tiningnan na naman si Kylie from head to foot. Inismiran lang din siya ng isa.
“Oh.. wait? So hindi pala niya gaganituhin yung magiging o girlfriend niya? Paano kaya? Wohooo!! Nice nice!! Meee, Kylie behave” kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip ni Kylie despite ng kalagayan niya ngayon.
“Easy guys. Christian behave.” Awat ng mama niya.
“Nakita mo ang gulong ginawa mo? Kahit kalian!” sisi naman ni Christian sabay gulo ng buhok nito.
^____^ ---- si Kylie at the back of her mind. Nag-iba yung mood.Libreng magnasa!!!
(Yung itsura ni Kylie at the back of her mind nasa side...-------->)
Gwapo pa rin kasi si Christian kahit anung gulo o messy ng itsura. Umupo na lang tuloy ito sa sofa.”Anong gagawin niyo diyan? Dapat pinadampot ko na yan eh.”
“Ewan ko sayong bata ka. Ahmm.. hija halika muna dito. Umupo ka. Pagpasensiyahan mo na yang anak ko.” Malumanay na sabi ni Mrs. Emily kay Kylie.
“Wag niyong itatabi sa’kin yan.” Banta ni Christian. Sungit mode na naman.
“Asa ka namang tatabi ako sayo noh! Excuse me lang hah, wala akong viral na sakit.” Sagot naman ni Kylie.
“Tingin mo yang syndrome mo hindi nakakahawa?”
“Ano bang pangalan mo tsaka pa’no ka nakarating dito? Bago ka lang ba?” sunod-sunod na tanong ng mama ni Christian.
“Opo, Kylie Erise po. Pinsan po ako ng bestfriend nito. Pasensiya na talaga sa pagpasok ko sa bahay niyo without any permission Ma’am.” Paghingi ng despensa ni Kylie habang nakayuko. Hiyang hiya siya eh.
“Sa tingin ko mas maiintindihan kita kung mag-eexplain ka. From the top.”
And so on……. Pinaliwanag na nga niya ang lahat lahat. Mukha naming pinaniwalaan siyang ni Mrs. Kylie.
“Ayos naman ata yang kabaliwan mo. Kung ako siguro ang may-ari ng mga bahay na pinapasok este tine-trespass mo, malamang sa malamang nilagyan ko ng super high voltage yung gate para ma-electirc shock ka at madala. Ano ka ba? Psycho maniac?” komento ni Christian sa kanya.
“Hindi ka rin sadista noh? Ang sama mo!” sigaw ni Kylie. At eto na naman sila nagsisimula na naming magbangayan.
“Eh hija san ka ba kasi pumasok?” tanong uli ng mg mama ni Christian.
“Dumaan po ako sa attic ng…”
“Saan kamo? Sa Attic? Sa..”
“Oo sa kwarto ko.” Pagpapatuloy ni Christian.
“Kaya pala. Naku Kylie dapat bumisita ka na lang ng maayos kasi. Delikado ginawa mo.”
“Pasensya na po talaga! Delikado? Naku Ma’am hindi ko alam kung saan ako mag-iingat eh, sa mangyayari ba sa’kin kapag umakyat ako sa mataas na bahay o dun sa halimaw na ‘to.pero ano po bang problema kung..”
“Umalis ka na nga ditong Sisa ka. Wala ang anak mo ditto kaya pwde?” pagtataboy na naman ni Christian sa kanya.
“Christian ang bastos mo.”saway ng mama nito.
“Okay lang po”sabat ni Kylie. “aalis na rin po ako. Nice to meet you Ma’am and I’m sorry for messing you up.”
“No don’t apologize to me dear, wala kang ginawa sa’kin.”
“Hah? Pero po..”
“I mean, it’s not me who messed you up. It’s..”
“Go away.” Putol ni Christian sa mama niya.
Hinatid na ni Mrs. Emily si Kylie na nagtataka naman sa sinabi nito.
Habang naglalakad ay nag-uusap pa rin sila..
“Stay Away Or I’ll Kick You Out?” tanong ni Kylie ka Mrs. Emily.
“Yeah, may napansin kang ganoon sa pinto niya?”
“Kinaladkad po kasi niya ako bigla eh kaya ‘di ko napansin. Pati ba naman sa warnings ganobn siya? Buti pala hindi niya ako nasipa.” Relieve na sabi ni Kylie. “Tsaka, Ma’am ano pong ibig sabihin na hindi ko kailangang magsorry sa inyo.”
“Ahh yun ba? Ayaw kasi ni Christian na nagpapasok sa Kwarto niya. Not even us. Siguro bilang lang talaga yung time na nakapasok kami ng asawa ko doon. And to think that you’re the third one? Thank goodness yun lang napala mo sa kanya.” paliwanag nito.
“Ano po? Ako pa lang ang pangatlo? Hindi nga kahit si Kuya Joshua hindi pa nakapasok don?” manghang tanong ni Kylie.
“Akala mo ba banta lang talaga yung nasa pintuan ni Christian? Na hindi naman niya talaga gagawin yun? You got it wrong my Dear. Ginagawa niya yun.” Sagot ni Mrs Emily.
“Ehh? Hindi nga po? Talaga?”
“Yupp. Muntik na nga si Joshua eh. Buti hindi nakatuloy kasi bubuksan palang daw niyang sumara na bigla kasi sinipa daw yung pinto gamit yung soccerball nung anak ko. Brutal noh.”
“Kung ganun pala, ayoko na umulit! My good thank God talaga. Ma’am ang ganda nung bahay niyo kaso may alaga kayong enormous Ogre!” sabi niya kay Mrs. Emily.
“Hahahahaha. A handsome beast at home, sige na. Ingat ka.”
“Ay.. hala wait lang po may piansasabi pala si Kuya kay ano.. ah basta sa kanya.” mabilis na bumalik si Kylie sa loob para kausapin si Christian. Nang makarating na siya roon ay naabutan niya itong nagbabasa ng kung anu-ano.
“Sabi pala ni Kuya kung magkita daw tayo sabihin kong bukas ng 3:00 pm dumiretso ka na sa court.”
Hinintay niy itong sumagot pero bigo siya. Ni hindi nga siya tiningnan man lang saglit.
“Ikaw talagang lalaki ka. Paano mo nagagwang isnabin ang beauty ni Kylie?”Si mrs. Emily. Hindi niya napansing nakasunod na pala ito sa kanya.
“Tss. Maganda nga, napakaingay naman. Daydeamer na clueless, senses less o wala talagang pakiramdam sa mismong katawan?” insult ni Christian na nakatutok pa rin sa binabasa.
Natural tunganga na naman si Kylie.
“K..kailangan pa bang ipamukha iyon?!”
“G..go way. Pautal-utal ka pa diyan.”
….
……
……
………….
……………….
Habang nasa daan, nagtataka si Kylie sa ganda ng turing ng mama ni Christian sa kanya. mabait naman pala ang magulang niya. Kahit hindi pa naman kasi niya nakikilala ang papa nito ay sigurado ring mabait iyon. Dahil na rin sa kwento sa kanya ni Emily.
“Eh san naman kaya nagmana ng kagaspangan ng ugali ang pustiso na iyon?Hehehe hindi kasi marunong ngumiti kaya pustiso na asar ko sa kanya. Ayaw pakita yung ngipin baka fake kasi. ^___^ Hmmp siguro natural na kanya yun. In born ba.”
~@~
Kinabukasan…sa room nina Kylie…..
“Nyca masyado nang mainit ang pagwewelcome mo sa’kin hah. Pamaypay nga.”
Kanina pa kasi siya wine-welcome ng kaibigan. Nakakarindi na ang mga pinagsasabi nito kasi paulit-ulit na lang.
“Syempre naman noh. Masaya ako eh tsaka Kylie, don’t worry marami pa ring matitino dito.” Pag-aasure naman ni Nyca sa kanya.
“Buti na lang kamo hindi lahat katulad ng pustiso na ‘yon!” inis na sabi ni Kylie.
“Pa’no si Christian na lang lagi nakikita mo.”
“Eh mukha kasi siyang bakla!” Tiningnan siya halos ng mga kababaihang kaklase niya sa sinabi niya.”Nay, mahilig ba silang mag-eaves drop sa usapan ng iba Nyca? Ano toh? Bakit sabay-sabay pa silang lumnigon dito? Galit din ba sila don?”bulong niya sa kaibigan.
“Sinong ‘Don ang tinutukoy mo dyan? Hah?! You don’t have any right to call VHP like that. ”
Napalingon silang magkaibigan sa likuran nila.
Napahawak na lang ng sentido si Nyca nang mapagsino ang nagsalita.
“Naku Kylie, ang galling mo rin gumawa ng problema.”
Nagtaka naman si Kylie kay Nyca..
“Bakit? Hala, Ano bang VHP ‘yon? Yung dati bang player yun bago DVD? VHS pala yun. Wait sorry?”
“Wag ka na kayang magsalita? Ok, yan si Jaimie.” Pagpapakilala ni Nyca. Pero halata naming pilit lang yun.
“Nice to meet you? Kylie pala. Hmm, pasensya na hah, may masama ba ‘kong sinabi?” tanong ni Kylie pagkatapos makipag hand shake.
“Kasi, sanay silang tawagin si Christian na VHP means Vivid Heartrob Prince.”proud pang sabi ni Jaimie sa kanya.
“Baduy lang ha? Ahh okay so ano ‘to? Fans club?”
“Exactly! So ano? Interesado ka rin ba kay VHP?” excited namang tanong ni Jaimie.
Hindi naman maipaliwanag ang itsura ni Kylie sa inakto ni Jaimie sa harap niya. Pati nga mukha niya hindi na rin maipaliwanag.
“H..ha? pasensya ka na hah kaso sanay kasi akong tawagin ang bak..”
“Bak? Anong Bak..” nay.. ngiting aso pa lang ni Jaimie at pandidilat sa kanya ay alam na ni Kylie kung san siya pupulutin kapag pinagpagtuloy niya ang sasabihin niya.
“Ano wala, hindi lang akong tawagin siyang ganun. Bago pa lang kasi ako kaya ganun.” Safe na sagot ni Kylie.
“Ahh.. newee ka pa nga lang pero kilala mo na siya? Really huh?” mapanuri masyado ang tono ni Jaimie sabay bigay pa ng makahulugang ngiti kay Kylie, si Nyca naman hindi na rin mapalagay sa inuupuan nag-iisip na ng palusot!!
“Hah?.. patay pano bat oh? Eh pano naman kasi itong si Nyca eh kinukwento niya sa akin.” Sige lang Kylie ngiti lang para hindi mahalata..
“So ano? Gusto mo sumali? Don’t worry kapag sumali ka sa amin I really assure na lagi kang updated kay VHP.” Pagpupumilit ni Jaimie sa kanya.
“Ah,, ano hindi na lang. thank you hah hindi ko pa kasi siya ganung kilala. Ahmm Nyca Nyca, na-ccr ka kanina diba? Nawala na ba?” humihingi na ng tulong si Kylie kay Nyca..
“Ah.. oo sige sige Jaimie ha..” sakay naman ni Nyca sa kaibigan sabay hila ditto. “Naku Kylie I’m warning you, sabi kong mag-ingat ka sabi eh.”
“Wait! Kylie sure ka talaga? Maraming girls ang gusting-gustong sumali sa’min tapos ikaw tumatanggi?” habol ni Jaimie.
“Pasensya na kasi.. siyempre hindi naman ako gaanong kaactive sa mga ganoon sige ha. Tsaka kung may tanong ako pwede naman akong lumapit kay Nyca.” Tumalikod na siya kasi hila-hila rin talaga siya ni Nyca.
“Okay. Bahala ka. But don’t forget nga pala. Mamayang 3 sa gymnasium see you there.” Yun lang at inunahan na silang tinalikuran nito.
“Anong problema nun?”
“Ingat ka don, mukhang anghel lang yan pero matindi yang ugali niyan.”
“Teka ano bang mangyayari sa gymnasium? May PE ba tayo?”
“May gosh Kylie pinsan ka ng bestfriend ni Christian ikaw pa hindi nakakaalam?”nagulat talaga si Nyca sa tanong ni Kylie sa kanya.
“Ano ba kasi? Ayaw magsalita ni Kuya eh. Tsaka ganito ba talaga kabasagulero nung pustisong yun?”
“Hindi pa ba halata? Wait ano? Basagulero?”
“Ayoko nang pag-usapan yan. Uwi na tayo. Tutal sabi wala yung last subject teacher natin diba? Naririndi na ‘ko sa mga bibig ng mga iyon. ” change topic na naman ni Kylie.
“Tss. Baka naman namimiss mo na agad siya. Dinadaan mo lang diyan. Aminin!!!”
“Ano naming aaminin ko? Ewan ko sayo. Tara na nga.”
Anak ng sang libong anak..
Sensya nasumpungan ng syndrome ko.. hehe]]
Guys please…
Comment naman po kayo tsaka mag-vote I wish you can
This as a favor for us..
Please naman po!! ^_^
Thanks po.. Lovehuggss salamuch!!
See what's new..
#cR@Y%