HERRERO ACADEMY: The 8 Elemen...

بواسطة kaelavry

62.9K 4.5K 210

HERRERO ACADEMY: The 8 Elemental Guardians (FANTASY) (MPREG) (BXB) Faven Kyle was raised by his Tiya Maraha... المزيد

A/N
CHARACTERS
PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
K:
CHAPTER 06 - HERRERO ACADEMY
CHAPTERS 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
MGA LAHI SA KELTON
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 25
JORŌGUMO
KABABATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43

KABANATA 24

941 91 1
بواسطة kaelavry

Fyron's POV

Kanina pa ako nakatitig kay Faven, hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako kanina o nakita ko talaga na meron siyang simbulo ng elemento na nagsasagisag ng liwanag.

Alam kong hindi ako namamalik mata at kung siya man ang may hawak ng elemento ng liwanag bakit hangin ang elemento na meron siya—argh sumasakit ang ulo ko kakaisip!

Napatigil ako sa kakaisip ng tapikin ng Calvin ang balikat ko. Kaya napatingin ako sakanya.

"Kanina ka pa nakatingin kay Faven. May problema ba?" Tanong niya.

"May iniisip lang ako." Napatango tango naman siya.

Tumingin uli ako kay Faven. Nahuli ko naman na nakatingin saakin pero umiwas siya agad ng tingin.

Tumayo ako at lumapit sa isang puno. Umupo ako sa tabi non at sumandal ako sa puno at pumikit.  Napahawak naman ako sa bulsa ko at nilabas ang isang gintong ahas na singsing.

Napulot ko ito ng may kumislap sa pinaglabanan namin ni Faven ng nagmamadali siyang lumabas kanina at sigurado akong kanya ito. Ramdam ko na hindi ito isang ordinardong singsing lang at aalamin ko yun.

Pumikit nalang uli ako.

____________________________

Katatapos lang namin kumain ng hapunan ngayon at nandito ako ngayon sa sala nakaupo kaharap ko si Wren na nagbabasa ng libro at si Alice na may sinusulat na nakaupo sa sahig.

Bagay ang dalawang to isang mahilig magbasa na tahimik at isang mahilig magsulat at gumuhit pero maingay.

Napatingin naman ako sa kusina dahil kita sa kinauupuan ko ang pwesto ng lamesa dun. Nakita ko naman agad si Faven at Talia na naguusap. Napatingin naman saakin si Faven at mabilis nagiwas ng tingin ng nakita niyang nakatingin din ako sakanila.

"sensus auditus"

Pag enchant ko para mapalakas ang pandinig ko. Pero hindi gumagana, siguradong may tinatago ang dalawang dagang to.

"Wahhh yung Nutella ko!" Rinig kong sigaw ni Yarelia. Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng boses niya nakalimutan kong nagenchant pala ako ng pangpalakas ng pandinig.

Tinanggal ko na ang pagkaenchant at napatingin kay Yarelia na inaagaw ang palaman na kinuha nila sa mundo ng mga tao.

"Pahingi lang naman eh!"

"Nakatatlong kutsara ka na! Akin na!"

"Isa na lang!"

"Nakakainis ka!"

Tsk! Parang mga bata.

Pumikit nalang ako at sumandal sa kinauupuan ko.
.
.
.
.
.
Nagising ako ng marinig kong nag uusap sila hindi ko muna dinilat ang mga mata ko. Pinapakinggan ko lang sila ng magsalita si Calla.

"Saan kayo pupunta Faven?" Tanong ni Calla.

"Magpapasama lang ako kay Talia papundang kantina para kumuha ng pagkain ni Luz mamaya." Rinig kong sagot ni Faven.

"Sige, paki kuha na rin si Laily."

Narinig ko namang nagbukas sara ng pinto. Dinilat ko na ang mga mata ko at tumingin sa pintong nilabasan ng dalawa.

Tumayo ako kaya napatingin sila saakin. Hindi ko na sila hinintay pang magsalita at lumabas ng casa namin.

Alam kong hindi sa kantina ang punta ng dalawang yun. Kaya pagkalabas ko naglaho na agad ako papunta sa campo de batalla (battlefield).

Pagkarating ko sa campo de batalla nakita ko agad sila na kararating lang din. Nagtago naman ang sa madilim na parte at tinago ang prisensya ko.

Mga daga nga naman.

"Faven ang dilim naman dito." Rinig kong sabi ni Talia.

Pipikit na sana ako ng nakita kong naglabas ng bolang liwanag si Faven sa palad niya. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko  isa nga siyang Guardián at hindi ako namamalik mata sa nakita ko sa pulso niya.

Napangisi naman ako at lumabas sa kinatataguan ko.

"Akala ko ba hangin ang elemento mo?"

Faven's POV

Pagkalabas namin ng Casa naglaho na agad kami papuntang campo de batalla.

Binuksan ni Talia ang pinto at pumasok na kami sa loob.

"Faven ang dilim naman dito." Sabi ni Talia.

Sinarado ko muna ang pinto bago ako nagpalabas ng dalawang bolang liwanag sa palad ko at pinalutang ko to sa magkabilang gilid namin. Magsisimula na sana kaming maghanap ng may magsalita sa gilid namin na kina tuod ko sa kinakatayuan ko.

"Akala ko ba hangin ang elemento mo?"

Napatingin naman ako sakanya at nakangisi itong nakatingin saakin.

"A-no bang pinagsasabi mo Asu-Fyron." Kinakabahang sabi ko sakanya.

"Wag mong sabihing na kay Talia ang mga bolang liwanag na to? Ang pagkakaalam ko kasi metal ang Magia niya." Nakangising sabi niya saakin habang tinitignan ang dalawang bolang liwanag na nakalutang.

"Uhm ano—"

"Hindi mo na kailangang magsinungaling Faven, dahil kita ng dalawa kong mata na nagpalabas ka ng bolang liwanag kanina." Seryosong sabi niya saakin. "At anong hinahanap niyo? Ito ba?" Sabay labas ng gintong ahas na singsing sa bulsa niya.

"Paanong?"

"Nakita ko ito kanina pagkatapos ng klase. Hindi ko ng alam kung anong meron dito at inaaksaan mo ng oras para hanapin mo—niyo." Sabi niya habang tinitignan ang singsing.

"Asu-Fyron a-kin na yan!" Sabay agaw ng singsing sakanya, pero nilayo nila lang ito saakin.

Ang tangkad naman kasi ng kapreng to!

"Sabihin mo muna saakin kung para saan ang singsing na ito." Napalunok naman ako ng laway.

"P-para sa-"

"Subukan mong magsinungaling saakin at malulusaw to gamit ang magia ko." Nakangising sabi niya at nagpalabas ng asul na apoy sa kabila niyang kamay.

"Hindi kasi p-pwede."

"Bakit naman hindi pwede?"

"Kasi b-bawal?"

"Bakit naman bawal?"

"Yun kasi ang bilin saakin ni Diyo-" napatakip naman ako ng bibig ko. Napatingin naman siya saakin.

Wala talagang preno ang bibig na to!

"Sino?" Nakakunot noong sabi niya.

"Uhm w-wala. Bakit ba ang di mong tanong?!" Ngumisi naman siya saakin.

"Bakit kasi hindi mo nalang sabihin?"

"Ilang-"

"Dahil ako ang nagutos sakanya." Napatingin naman kami sa nagsalita.

Diyosa Alina

"M-mahal na Diyosa!" Sabi ni Fyron at nilagay ang isang kamay sa tapat ng puso at yumuko.

"Ma-mahal na Diyosa! Ano pong ginagawa mo dito-aray!" Napahawak naman ako sa tagiliran ko ng sikuhin ni Talia yun.

"Kahit kailan talaga napaka pasaway niyong dalawa!" Napatingin naman kami kay Diyos Farrar.

"D-diyos Farrar?" Gulat na sabi ni Asungot.

"At ang sabi mag ingat diba!" Sabi naman ng kararating na si Diyos Helios.

"D-diyos Helios?" Sabi ni Asungot kaya hindi ko na napigilang matawa.

Napatigil naman ako sa natatawa ng seryosong nakatingin saakin sina Diyosa Alina.

"Gawin mo munang sikreto ang lahat ng nalaman at nakita mo Prinsipe." Napatango tango naman si Asungot sa sinabi ni Diyosa Alina.

"Dahil pag may ibang nakaalam nito ng dahil sayo ako mismo ang kukuha ng magia na pinagkaloob ko sayo." Seryosong sabi ni Diyos Helios.

"M-masusunod po." Sabi niya at yumuko.

Siniko naman ako ni Talia kaya napatingin ako sakanya. Nginuso naman niya ang kamay ni Asungot na hawak hawak ang singsing na kinatango ko.

Lumapit naman ako kay Asungot at kukunin sana ang singsing ng bigla nalang niya hinawakan ang wrist ko at tinanggal ang guwantes. Nanlaki ang mata ko ng nakita niya ang umiilaw na simbulo sa wrist ko.

"Sabi ko na nga ba, guardián de la luz." Binawi ko naman ang kamay ko at inirapan siya.

"Sa susunod mag iingat ka na." Sabi ni Diyosa Alina kaya napatango ako.

"Prinsipe." Tumingin naman si Asungot kay Diyos Helios. "Ikaw na ang bahala sa pasaway na yan." Nanlaki naman ang mata kong napatingin kay Diyos Helios at kay Asungot. Napatango naman si Asungot at tumingin siya saakin na nakangisi.

"At ikaw na din ang bahala para tumino ang isang yan."

"Ba-bakit? Diyos Helios naman hindi na ako bata!" Reklamo ko pero hindi niya ako pinansin na kinanguso ko.

"Kailangan na namin umalis. Papunta na rito ang mga kaibigan niyo." Sabi ni Diyos Farrar.

Tumango naman kami at naglaho na si Diyosa Alina at Diyos Farrar. Tumingin muna si Diyos Helios kay Asungot bago naglaho.

"Nakakainis!" Sabay gulo sa buhok.

"Pano ba yan? Narinig mo naman ang sinabi ni Diyosa Helios." Nakangising sabi ni Asungot na kinairap ko.

"Siguro Faven kailangan mo ng masanay na magkakasama mo siya araw-araw at laging nasa tabi mo siya." sabi ni Talia habang tumatawa.

"Tumigil ka nga! At ikaw bakit ngumingisi ngisi ka jan!" Sabi ko kay Asungot na ngumisi lang saakin.

Narinig naman naming may nagaway sa labas kaya napatingin kami sa pinto ng magbukas yun.

"Nakakainis ka talagang buhawi ka!" Rinig kong sabi ni Yarelia.

"Ang bola ng liwanag, Faven." Sabi ni Talia kaya pinaglaho ko na ito bago pa nila makita.

"Wala naman ata sila rito." Rinig kong sabi ni Wren.

Bago pa sila lumabas pumitik si Asungot at nagkaapoy ang mga torch sa buong campo de batalla.

"Fyron?" Calla.

"Faven? Talia? Kayo nga! Kanina pa namin kayo hinahanap nandito lang pala kayo!" Sigaw ni Alice.

"Ano bang ginagawa niyong tatlo rito?" Tanong ni Kuya Cal.

"Nakakagutom kayong hanaping tatlo!" Sabi ni Raiden sabay hawak sa tiyan niya.

"May hinanap lang kami." Sabi ko.

"Tara na! Maaga pa tayo bukas at may papagawa saatin si Headmaster." Sabi ni Wren at bigla nalang nawala. Naglaho na din ang iba at sumabay na din si Talia kaya kaming dalawa nalang ni Asungot ang naiwan. Maglalakad na sana ako ng hinawakan niya ako sa braso at hinila papalapit sakanya.

.
.
.
.
.
___________________________

Eme

Vote

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

Mirren Academy of Spells بواسطة April

الخيال (فانتازيا)

871K 58.5K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...